PAGHAHANDOG Lubos ang pasasalamat ng mananaliksik, sa mga inspirasyon at mga naging bahagi ng riserts na ito. Una sa lahat nagpapasalamat akosa Poong Maykapal na siyang nagbigay ng tatag at lakas sa akin. Sa kanyang pag-iingat at paggabay sa aking mga gawain sa araw-araw at sa mga biyayang walang hanggan na siyang nangunguna na naging dahilan ng aking pananatili sa mundong kanyang nilikha. Sa aking pamilya na walang sawa sa pagsuporta sa aking pag-aaral at pagbibigay sa lahat ng suportang moral maging pinansyal, upang ako ay makapanaliksik nang maayos at para maipagpatuloy ang aking pag-aaral. At higit sa lahat, sa aking pinakamamahal, kagalang-galang at mabait naming propesor, Gng. na walang sawang gumabay sa aking pag-aaral sa
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
PAGHAHANDOG
Lubos ang pasasalamat ng mananaliksik, sa mga inspirasyon at
mga naging bahagi ng riserts na ito. Una sa lahat nagpapasalamat akosa
Poong Maykapal na siyang nagbigay ng tatag at lakas sa akin. Sa
kanyang pag-iingat at paggabay sa aking mga gawain sa araw-araw at sa
mga biyayang walang hanggan na siyang nangunguna na naging dahilan
ng aking pananatili sa mundong kanyang nilikha.
Sa aking pamilya na walang sawa sa pagsuporta sa aking pag-
aaral at pagbibigay sa lahat ng suportang moral maging pinansyal, upang
ako ay makapanaliksik nang maayos at para maipagpatuloy ang aking pag-
aaral.
At higit sa lahat, sa aking pinakamamahal, kagalang-galang at
mabait naming propesor, Gng. na walang sawang gumabay sa aking pag-
aaral sa asignaturang Filipino 2. Gayundin sa kapwa ko estudyante ng World
Citi Colleges na nagbigay at nagbuhos ng oras at pagod upang ang
pananaliksik na ito ay maisakatuparan.
Maraming Salamat Po!
PASASALAMAT / PAGLALAAN
Ang mananaliksik sa paksang “EPEKTO NG KONTRASEPTIB SA
KALUSUGAN” ay taos-pusong ipinaaabot ang aKING pasasalamat sa mga
taong tumulong, nagkontribusyon at nagbigay-suporta sa reyalisasyon ng
pamanahong-papel na ito. Ang tagumpay ng pananaliksik na ito ay utang
ko sa mga sumusunod:
Bb. Aurora C. Cruz – ang librarian ng World Citi Colleges, Quezon
City na nagbigay sa akin ng mahahalagang impormasyon ukol sa
pananaliksik at sa walang sawang pagtulong upang mapabilis at
maayos ang aking mga impormasyon na sinasaliksik,
Sa mga awtor, editor at mananaliksik ng mga akdang
pinaghanguan ko ng mahahalagang impormasyong aking ginamit
sa pagsulat sa una at ikalawang kabanata ng pamanahunag-papel,
Sa mga propesyunal na respondent, sa paglalaan ng panahon
upang matapos na masagutan ang mga inihandang mga
katanungan/kwestyuneyr,
At higit sa lahat sa Poong Maykapal, sa pagdinig sa mga dalangin
lalung-lalo na sa mga sandaling pinanghihinaan na ng pag-asang
matatapos nang maayaos sa itinakdang panahon,
Sa asawa’t mga anak, sa pag-unawa at pagpapahintulot sa hindi
pag-uwi sa oras na hindi na ko kinagawian, matapos lamang ang
pamanahong-papel na ito.
Muli, maraming salamat po!
Mga Mananaliksik
TALAAN NG NILALAMANKABANATA I, Ang Suliranin at Sanligan ng Pag-aaral
Panimula1Paglalahad ng Suliranin2Kahalagahan ng Pnanaliksik2Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral
3Paradigma ng Pag-aaral3Paglalahad ng Haypotesis4Depinisyon/Kahulugan ng mga Termino4
KABANATA II, Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura
Lokal na Literatura5Dayuhang Literatua5
KABANATA III, Metodolohiya at Paraan ng Pananaliksik
Paraan ng Pananaliksik7Mga Pokus ng Pag-aaral7Mga Instrumentong Pampananaliksik7Tritment ng mga Datos8
KABANATA IV, Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos
Talahanayan Blg. 1-50
KABANATA V, Lagom, Kongklusyon, at Rekomendasyon
Lagom
Kongklusyon
Rekomendasyon
Listahan ng mga Sanggunian
a. Aklatb. Journalsc. Internet
Apendiks
a. Liham ng Paghingi ng Pahintulot
b. Transkripsyon ng Intervyu
c. Sarvey-Kwestyoneyr
d.Liham-Paanyaya sa mga panelist
KABANATA I
ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO
1. INTRODUKSYON
Ang kontrasepsyon ay tumutukoy sa anumang bagay bago, kasabay o
pagkatapos ng pagtatalik na naglalayong pigilan ang anumang posibilidad ng
paglikha ng buhay. Pinaghihiwalay ng kontasepsyon ang dalawang kahulugan ng
pagtatalik, ang pagkakaisa (unitive) at paglilikha ng buhay (procreative).
Mayroong maraming iba't ibang mga mga contraceptive pamamaraan, kabilang
ang paggamit ng mga gamot sa hormon, intrauterine contraceptive device,
hadlang pagpipigil sa pagbubuntis, ang tagal ng abstaining mula sa sex, at
pagtitistis. Ang ilan sa mga pamamaraan ay mas epektibo kaysa sa iba; lahat ng
may mga kalamangan at disadvantages.
Kabilang sa mga dahilan para sa pag-gamit ng pagpipigil sa pagbubuntis
ang mga personal na kagustuhan (kailangang, ipagpaliban, o ihinto ang
pagkakaroon ng mga bata); medikal na mga kondisyon na maaaring magbanta
ang kalusugan ng ina o anak; at social alalahanin tungkol sa kapaligiran epekto
ng over-populasyon.
Ang pagiging epektibo ng iba't ibang mga paraan ay madalas na ibinigay
sa mga percentage.s isa pang mas tumpak na dimensyon para sa pagiging
epektibo ay ang tinatawag na Index sa Pearl na sinusukat ang bilang ng mga
pregnancies sa 100 mga kababaihan, ang paggamit ng contraceptive na diskarte
para sa isang taon.Halimbawa, ang Pearl Index ng "pill" ay mas mababa sa 1 na
ibig sabihin ay mas mababa kaysa sa isang pagbubuntis kabilang 100
kababaihan na gamit ang pill tama para sa isang taon.
Umiikot ang kontrasepsiyon sa maraming paraan at pamamaraan na
magagamit ng isang tao upang maka-iwas na magbuntis. Mahalaga na
makahanap ng paraan ng kontrasepsiyon na pinaka-angkop para sa iyo.
Makakapagbigay ng payo ang mga doktor, health visitor, mga midwife at mga
nars sa kontrasepsiyon. Lahat ng nagtatrabaho sa tanggapan ng doktor,
pampublikong klinik sa kalusugan, o ospital, ay natatali sa tungkulin sa
pagkalihim.
2. LAYUNIN NG PAG-AARAL
Ang pamanahong papel na ito ay naglalayong malaman at makapagbigay
impormasyon hinggil sa epekto ng kontraseptib sa kalusugan ng mga gumagamit sa Brgy.
Ampid I, San Mateo Rizal at matugunan ang sumusunod na mga tanong:
Talahanayan I
Distribusyon ng mga Respondente ayon sa Kasarian
KASARIAN BILANG NG
RESPONDENTE
PORSYENTO %
Babae 56 56%
Lalaki 44 44%
Kabuuang Bilang 100 100%
Ang mananaliksik ay kumuha ng mga respondente sa Barangay Ampid,
San Mateo Rizal. Sa talahanayan na ito pinapakita ang bilang ng respondenteng
nagbigay laan sa pananaliksik na ito. Pinapakita ditto sa kasarian, limapu’t anim
na porsyento 56% ang bilang ng mga babae at apat na pu’t apat na porsyento
44% ang mga lalaki.
Pinapakita ng talahanayang ito na mas marami ang bilang ng
respondenteng babae kaysa sa lalaki. Maaaring ang dahilan ay mas maraming
kontraseptib na mapagpipilian o magagamit ng mga kababaihan at mas
abeylabol sila kumpara sa mga kalalakihan.
Talahanayan II
Distribusyon ng mga Rspondente ayon sa Edad
Edad ng Respondente Bilang ng Respondente Porsyento %
20-pababa 26 26%
21-30 23 23%
31-40 26 26%
41-50 15 15%
51-pataas 10 10%
Kabuuang Bilang 100 100%
Ipinapakita sa talahanayang ito ang edad ng mga respondente na
sumagot sa sarbey kwestyoner na ginamit ng mananaliksik. Parehong
dalawangpu’t anim na porsyento 26% ang nasa dalawang pu (20-pababa) at
tatlong pu’t isa hanggang apat napu (31-40) ang edad, dalawang pu’t tatlong
porsyento 23% ang nasa dalawang pu’t isa hanggang tatlong pu (21-30) ang
edad, labing limang porsyento (15%) naman ang nasa apat na pu’t isa hanggang
limang pu ang edad, at sampung porsyento (10%) ang nasa limang pu’t isa (51-
pataas).
Pinapakita ng talahanayang ito na mas marami ang bilang ng mga
respondent na nasa dalawang pu (20-pababa) at tatlong pu’t isa hanggang apat
nap u (31-40) ang edad. Ipinapakita na mas maraming gumagamit ng
kontraseptib sa ganitong edad sa pag aaral na ito.
Talahanayan III
Distribusyon ng mga Respondente ayon sa Estado ng Relasyon
Estado ng Relasyon ng
Respondente
Bilang ng Respondente Porsyento %
Dalaga/Binata 25 25%
May Asawa 50 50%
Hiwalay sa asawa 22 22%
Balo 3 3%
Kabuuang bilang 100 100%
Limang pung porsyento (50%) sa mga respondente ang may asawa. Ang
dalawang pu’t limang porsyento (25%) sa mga respondente ay dalaga/binata.
Ang hiwalay sa asawa ay may dalawng pu’t dalawang porsyento (22%). Ang huli
ay ang mga balo na may tatlong porsyento (3%) lamang.
Makikita sa talahanyang ito na may mataas na bilang ang may asawa na
sumagot sa sarbey kwestyoner. Ipinapakita na mas mataas ang bilang ng may
asawa na gumagamit o gumamit ng kontraseptib.
Talahanayan IV
Distribusyon ng mga Respondente ayon sa Uri ng kotraseptib na kanilang
ginamit o ginagamit.
Uri ng Kotraseptib Bilang ng Respondente Porsyento %
Natural Method 16 16%
Hormonal Method 75 75%
Barrier Method 9 9%
Kabuuang bilang 100 100%
Pitong pu’t limang porsyento (75%) ng respndente ang gumamit ng
Hormonal Method. Labing anim na porsyento (16%) ng respondente ang
gumamit ng Natural Method at Siyam na porsyento (9%) ng respondente ang
gumamit ng Barrier Method.
Ipinapakita ng talahanayang ito na mas maraming bilang ng respondente
ang gumamit o gumagamit ng hormonal method bilang uri ng kontraseptib.
Marahil mas malaki ang tiwala ng mga respondente sa paggamit nito.
Talahanayan V
Distribusyon ng mga Respondente ayon sa pamilyar o alam nilang uri ng
kontraseptib
Uri ng Kontraseptib Bilang ng Respondente Porsyento %
Abstinence 18 18%
Condom 100 100%
Cervical Cap 0 0%
Tubal Implants 0 0%
IUD 17 17%
Pills 100 100%
Tubal ligation 0 0%
Spermicidal 0 0%
Diaphragm 0 0%
Birth Control Sponge 0 0%
Vaginal Ring 0 0%
Patch 0 0%
Birth Control Injections 63 63%
Vasectomy 39 39%
Makikita sa talhanayan na higit 100% ang kabuuang porsyento ng
respondente sa dahilang maaaring pumili ng higit sa isa ang respondente ayon
sa kanyang alam na uri ng kontraseptib.
Parehong isang daang porsyento (100%) ng respondente ang pamilya sa
condom at pills, anim na pu’t tatlong porsyento (63%) ng respondente ang
pamilyar sa birth control injections, tatlong pu’t siyam na porsyento (39%) ng
respondente ang pamilyar sa vasectomy, Labing walong porsyento (18%) ng
respondente ang pamilyar sa abstinence, pitong pu’t pitong porsyento (17%) ng
respondente ang pamilyar sa IUD at (0%) naman sa lahat ng uri ng kotraseptib
na natira sa itaas ng talahanayan.
Talahanayan VI
Distribusyon ng mga Respondente ayon sa dahilan kung bakit gumamit o
gumagamit ng kontraseptib.
Dahilan kung bakit gumamit o
gumagamit ng kotraseptib.
Bilang ng Respondente Porsyento %
Para masubukan 25 25%
Koryosidad 32 32%
Personal na gamit 43 43%
Impluwensya ng tao sa paligid 11 11%
Mapigilan ang pagbubuntis 100 100%
Kalusugan 47 47%
Makikita sa talhanayan na higit 100% ang kabuuang porsyento ng
respondente sa dahilang maaaring pumili ng higit sa isa ang respondente ayon
sa dahilan kung bakit gumamit o gumagamit ng kontraseptib ang mga
respondent.
Isang daang porsyento (100%) ng respondente ang gumamit o
gumagamit upang mapigilan ang pagbubuntis, apat na pu’t pitong porsyento
(43%) ng respondente ang gumamit o gumagamit bilang personal na gamit,
tatlong pu’t dalawang porsyento (32%) ng respondente ang gumamit o
gumagamit ayon sa kuryosidad, dalawang pu’t limang porsyento (25%) ng
respondente ang gumamit o gumagamit upang masubukan lamang at labing
isang porsyento (11%) ng respondent ang gumamit o gumagamit ayon sa
impluwensya ng tao sa paligid.
Talahanayan VII
Distribusyon ng mga Respondente kung nakakabuti ang paggamit ng
kontraseptib sa kalusugan.
Tugon Bilang ng Respondente Porsyento %
Lubos na Sang-ayon 24 24%
Sang-ayon 34 34%
Hindi sang-ayon 19 19%
Lubos na hindi sang-ayon 23 23%
Kabuuang bilang 100 100%
Tatlong pu’t apat na porsyento (34%) ng respondente ang sang-ayon,
dalawang pu’t apat (24%) ng respondente ang lubos na sang-ayon dalawang pu’t
tatlong porsyento (23%) ng respondente ang lubos na hindi sang-ayon at labing
siyam na porsyento (19%) ng respondente ang hindi sang-ayon.
Ipinapakita ng talahanayang ito na mas maraming sang-ayon na
nakakabuti ang paggamit ng kontraseptib sa kalusugan.
Talahanayan VIII
Distribusyon ng Respondente kung nakakasama ang paggamit ng
kontraseptib sa kalusugan.
Tugon Bilang ng Respondente Porsyento %
Lubos na Sang-ayon 18 18%
Sang-ayon 27 27%
Hindi sang-ayon 48 48%
Lubos na hindi sang-ayon 7 7%
Kabuuang bilang 100 100%
Apat na pu’t walong porsyento (48%) ng respondente ang hindi sang-
ayon, dalawang pu’t pitong porsyento (27%) ng respondente ang sang-ayon,
labing walong porsyento (18%) ng respondent ang lubos na sang-ayon at pitong
porsyento (7%) ng respondent ang lubos na hindi sang-ayon.
Ipinapakita ng talahanayang ito na maraming respondente ang hindi sang-
ayon na ang paggamit ng kontraseptib any nakakasama sa kalusugan.
Talahanayan IX
Distribusyon ng Respondente kung ang kotraseptib ay nakakapag pagana
ng pagkain.
Tugon Bilang ng Respondente Porsyento %
Lubos na Sang-ayon 6 6%
Sang-ayon 17 17%
Hindi sang-ayon 26 26%
Lubos na hindi sang-ayon 51 51%
Kabuuang bilang 100 100%
Limang pu’t isang porsyento (51%) ng respondente ay lubos na hindi
sang-ayon, dalawang pu’t anim na porsyento (26%) ng respondente ang hindi
sang-ayon, labing pitong porsyento (17%) ng respondente ang sang-ayon at
anim na porsyento (6%) ng respondente ang lubos na sang ayon.
Ipinapakita ng talahanayang ito na mas maraming respondente ang lubos
na hindi sang-ayon na ang paggamit ng kontraseptib ay nakakapag pagana ng
pagkain.
Talahanayan X
Distribusyon ng Respondente kung nagging aktibo sa mga Gawain simula
ng gumamit ng kontraseptib.
Tugon Bilang ng Respondente Porsyento %
Lubos na Sang-ayon 16 16%
Sang-ayon 46 46%
Hindi sang-ayon 22 22%
Lubos na hindi sang-ayon 16 16%
Kabuuang bilang 100 100%
Apat na pu’t anim na porsyento (46%) ng respondente ang sang-ayon,
dalawang pu’t dalawang porsyento (22%) ng respondente ang hindi sang-ayon at
parehong labing anim na porsyento (16%) ng respondente ang lubos na sang-
ayon at lubos na hindi sang-ayon.
Ipinapakita sa talahanayang ito na mas maraming respondente ang san-
ayon n nagging aktibo sila sa mga Gawain simula ng gumamit ng kontraseptib.
Talahanayan XI
Distribusyon ng Respondente kung nagging maganda ang pangangatawan
simula ng gumamit ng kontraseptib.
Tugon Bilang ng Respondente Porsyento %
Lubos na Sang-ayon 7 7%
Sang-ayon 7 7%
Hindi sang-ayon 60 60%
Lubos na hindi sang-ayon 26 26%
Kabuuang bilang 100 100%
Anim na pung porsyento (60%) ng respondente ang hindi sang-ayon,
dalawang pu’t anim na porsyento (26%) ng respondente ang lubos na hindi
sang-ayon at parehong may pitong porsyento (7%) ng respondente ang lubos na
sang-ayon at sang-ayon.
Ipinapakita sa talahanayang ito na mas maraming respondente ang hindi
sang-ayon na nagiging maganda ang pangangatawan simula ng gumamit ng
kontraseptib.
Talahanayan XII
Distribusyon ng respondent kung nakakaramdam ng pananakit ng tiyan ng
magsimulang gumait ng kontraeptib.
Tugon Bilang ng Respondente Porsyento %
Lubos na Sang-ayon 25 25%
Sang-ayon 35 35%
Hindi sang-ayon 20 20%
Lubos na hindi sang-ayon 20 20%
Kabuuang bilang 100 100%
Tatlong pu’t limang porsyento (35%) ng respondente ang sang-ayon,
dalwang pu’t limang porsyento (25%) ng respondente ang lubos na sang-ayon at
parehong may dalawang pung porsyento (20%) ng respondente ang hindi sang-
ayon at lubos na hindi sang-ayon.
Ipinapakita ng talahanayang ito na mas maraming respondente ang sang-ayon
na ang nakakaramdam sila ng pananakit ng tiyan ng magsimulang gumamit ng
kotraseptib.
Talahanayan XIII
Distribusyon ng Respondente kung nakakaramdam ng pananakit ng ulo ng
magsimulang gumamit ng kontraseptib.
Tugon Bilang ng Respondente Porsyento %
Lubos na Sang-ayon 34 34%
Sang-ayon 50 50%
Hindi sang-ayon 7 7%
Lubos na hindi sang-ayon 9 9%
Kabuuang bilang 100 100%
Limang pung porsyento (50%) ng respondente ang sang-ayon, tatlong pu’t
apat na porsyento (34%) ng respondente ang lubos na sang-ayon, siyam na
porsyento (9%) ng respondente ang lubos na hindi sang-ayon at pitong
porsyento (7%) ng respondente ang hindi sang-ayon.
Ipinapakita ng talahanayang ito na mas maraming respondente ang san-
ayon na nakakaramdam ng pananakit ng ulo ng magsimulang gumamit ng
kontraseptib.
Talahanayan XIV
Distribusyon ng Respondente kung nakakaramdam ng pananakit ng dibdib
ng magsimulang gumamit ng kontraseptib.
Tugon Bilang ng Respondente Porsyento %
Lubos na Sang-ayon 28 28%
Sang-ayon 65 65%
Hindi sang-ayon 4 4%
Lubos na hindi sang-ayon 3 3%
Kabuuang bilang 100 100%
Anim na pu’t limang porsyento (65%) ng respondente ang sang-ayon,
dalawang pu’t walong porsyento (28%) ng respondente ang lubos na sang-ayon,
apat na porsyento (4%) ng respondente ang hindi sang-ayon at tatlong porsyento
(3%) ng respondente ang lubos na hindi sang-ayon.
Ipinapakita ng talahanayang ito na mas maraming respondente ang sang-ayon
na nakakaramdam sila ng pananakit ng dibdib ng magsimulang gumamit ng
kontrasepitb.
Talahanayan XV
Distribusyon ng Respondente kung tumaba ng magsimulang gumamit ng
kontraseptib.
Tugon Bilang ng Respondente Porsyento %
Lubos na Sang-ayon 11 11%
Sang-ayon 52 52%
Hindi sang-ayon 30 30%
Lubos na hindi sang-ayon 7 7%
Kabuuang bilang 100 100%
Limang pu’t dalawa porsyento (52%) ng respondente ang sang-ayon,
tatlong pung porsyento (30%) ang hindi sang-ayon, labing isang porsyento (11%)
ng respondente ang lubos na sang-ayon at piton porsyento (7%) ng respondente
ang lubos na hindi sang-ayon.
Ipinapakita sa talahanayang ito na mas maraming respondente ang sang-ayon
na tumaba sila ng magsimulang gumamit ng kontraseptib.
Talahanayan XVI
Distribusyon ng Respondente kung pumayat ng mag simulang gumamit ng
kontraseptib.
Tugon Bilang ng Respondente Porsyento %
Lubos na Sang-ayon 6 6%
Sang-ayon 11 11%
Hindi sang-ayon 67 67%
Lubos na hindi sang-ayon 16 16%
Kabuuang bilang 100 100%
Anim na pu’t pitong porsyento (67%) ng respondente ang hindi sang-ayon,
labing anim na porsyento (16%) ng respondente ang lubos na hindi sang-ayon,
labing isang porsyento (11%) ng respondente ang sang-ayon at anim na
porsyento (6%) ng respondente ang lubos na sang-ayon.
Ipinapakita ng talahanayang ito na mas maraming respondente ang hindi
sang-ayon na pumayat ng magsimulang gumamit ng kontraseptib.