Top Banner

of 26

Talahanayan ng Ispisipikasyon

Jan 14, 2016

Download

Documents

Japeth Purisima

TOS
Welcome message from author
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
  • DR. ESTER T. RADA2ND INTERNATIONAL CONFERENCE ON FILIPINO AS A GLOBAL LANGUAGESAN DIEGO, CA, USA JAN 15-18,2010

    Pagbuo ng Instrumento sa Pagtaya ng Kognitibong Akademikong Kahusayang Pangwika sa Filipino: Tuon sa Kasanayan sa Pagsulat ng mga Estudyanteng Nasa Kolehiyo

  • Layunin ng Pag-aaralPangunahing layunin ng pag-aaral ang makabuo ng instrumento upang matanto ang kognitibong akademikong kahusayang pangwika sa kasanayang pagsulat ng mga estudyante sa kolehiyoTiyak na mga layunin ng pag-aaral ang mga sumusunod:Matukoy ang mga batayan sa pagbuo ng instrumento sa pagtataya ng kognitibong akademikong kahusayang pangwika sa kasanayang pagsulat ng mga estudyanteng nasa Una at Ikalawang Taon sa Kolehiyo ng San BedaMailarawan ang proseso ng pagbibigay-bisa ng mga eksperto sa tulong ng mga batayan tulad ng organisasyon ng mga pagsusulit sa instrumento, aspektong tekstwal nito, nilalaman o kognitibong aspekto at sa kabuuan, maisa-isa ang sukatan ng pagiging katanggap-tanggap (acceptability), kapaki-pakinabang (usefulness), komprehensibo ng instrumento, at iba paMatukoy kung anong aytem sa instrumento ang dapat baguhin o tanggalin batay sa item analysis;

    Makabuo ng talatuntunang may kinalaman sa katumpakan at kahusayan (validity and reliability indices

    Maipasagot ang instrumento sa maliit na bilang o populasyon ng mga estudyanteng nasa kolehiyo bilang paunang pagsubok (pilot test)

  • Mga Batayan sa Pagbuo ng InstrumentoBICS/CALPCognitive Academic Language Learning ApproachLanguage for Specific PurposesCurriculum Development SystemProcess Writing ApproachIskalang Analiktik/Diederich Scale

  • Kaligiran ng Pag-aaral

  • Banghay ng Pag-aaral

  • Pagbuo ng Instrumento - CALLA

    Academic Language Function (Apendiks B)Student Uses Language to:ExamplesQuality Thinking Skill(Apendiks D)Seek Informationobserve and explore the environment, acquire information inquire,describe information Use who, what, when, where, and how to gather information Knowledge (Kaalaman)Informidentify, report Recount information presented by teacher or text, retell a story or personal experienceComprehension (Pag-unawa), Infermake inferences; predict implications; hypothesize,Describe reasoning process(inductive or deductive)or generate hypothesis to suggest causes or outcomesComprehensionRelateUse of facts, rules, principlesGive an example of in relation to the ideas presented, give the significance of an idea, situation Application(Paglalapat)Comparedescribe similarities and differences in objects or ideasMake/explain a graphic organizer to show similarities and contrastsAnalysis (Pagsusuri)Ordersequence objects, ideas, or events Describe/make a timeline, continuum, cycle, or narrative sequence AnalysisClassifygroup objects or ideas according to their characteristics Describe organizing principle(s), explain why A is an example and B is notApplication,AnalysisAnalyzeseparate whole into parts; identify relationships and patternsDescribe parts, features, or main idea of information presented by teacher or text AnalysisSolve Problems define and represent a problem; determine solutionDescribe problem-solving procedures; apply to real life problems and describeSynthesis (Pagbubuod)Synthesizecombine or integrate ideas to form a new wholeSummarize information cohesively; incorporate new information into prior knowledgeSynthesisJustify and Persuadegive reasons for an action, decision, point of view; convince others Tell why A is important and give evidence in support of a positionEvaluation (Pagtataya)Evaluateassess and verify the worth of an object, idea or decisionIdentify criteria, explain priorities, indicate reasons for judgment, confirm truth Evaluation

  • Talahanayan ng Ispesipikasyon - CDS

    Mga LayuninKognitibong Domeyn Akademikong Kakayahang Pangwika/Gamit ng WikaUri ng PagsusulitBilang ng AytemPorsyento/ Bigat ng PagmamarkaI. Kaalamang Panggramatika Mataya ang batayang kaalaman sa talasalitaan, ponolohiya at morpolohiya II. Kaalamang Tekstwal/KognitiboMasukat ang antas ng kaalaman sa pagsagot sa literal na mga tanong na inilahad sa akda.Makatukoy o makapaglarawan ng impormasyong inilahad sa akdaKaalamanPaghahanap ng ImpormasyonMay pagpipiliang titik ng sagot (Multiple choice)Sanaysay (Essay) 803 sanaysay (100 puntos bawat isa)10 puntos bawat sanaysay50%50%5%3. Makapaglahad muli ng mga detalye mula sa akda sa sariling pananalita4. Matukoy ang pangunahing diwa ng akda5. Matukoy ang natatagong detalye sa akda na hindi tuwirang inilalahad ditoPag-unawaPagbibigay-kaalamanPaghihinuhaPangangatwiran10 puntos bawat sanaysay5%

  • Talahanayan ng Ispesipikasyon - CDS

    Mga LayuninKognitibong Domeyn Akademikong Kakayahang Pangwika/Gamit ng WikaUri ng PagsusulitBilang ng AytemPorsyento/ Bigat ng Pagmamarka6. Makabuo ng matalinong paghihinuha sa prosesong deduktibo o induktibo sa maaaring kinalabasan ng mga pangyayariPag-unawaPagbibigay-kaalamanPaghihinuhaPangangatwiran10 puntos bawat sanaysay5%7. Makapagbigay ng opinyon batay sa umiiral na katotohanan, panuntunan, prinsipyo batay sa pinaniniwalaang gawi (behavior) at sa sitwasyon8. Maiuugnay ang sitwasyon sa akda bilang halimbawa ng pangyayari, prinsipyo, katotohanan, atbp.9. Mailalahad ang kaisipan mula sa akda PaglalapatPag-uugnay10 puntos bawat sanaysay5%

  • Talahanayan ng Ispesipikasyon - CDS

    Mga LayuninKognitibong Domeyn Akademikong Kakayahang Pangwika/Gamit ng WikaUri ng PagsusulitBilang ng AytemPorsyento/ Bigat ng Pagmamarka10. Makapagpaliwanag sa pamamagitan ng paghahambing o pagtataliwas ng mga ideya o bagay kaugnay sa inilahad sa akda11. Mapagsunud-sunod ang mga ideya o pangyayari12. Mapag-uuri-uri ang mga ideya ayon sa mga katangian nito13. Mailarawan ang bahagi, katangian o pangunahing ideya sa akda at kaugnayan ng mga ito sa kabuuan14. Makabubuo ng balangkas, dayagram, ugnayan (web) ng mga kaisipang inilahad sa akda at mga patunay ritoPagsusuriPaghahambingPagsusunud-sunodPag-iisa-isa/PaggugrupoPagsusuri20 puntos bawat sanaysay10%

  • Talahanayan ng Ispesipikasyon - CDS

    Mga LayuninKognitibong Domeyn Akademikong Kakayahang Pangwika/Gamit ng WikaUri ng PagsusulitBilang ng AytemPorsyento/ Bigat ng Pagmamarka15. Makapagbigay ng dahilan sa pasya, pananaw o aksyong ginawa o gagawin batay sa iminumungkahi sa akda16. Makapagmungkahi ng solusyon sa hinaharap na suliranin17. Makabuo ng buod ng mga impormasyong inilahad sa akda batay sa dating kaalamanPagbubuodPagbibigay-solusyonPagbubuod20 puntos bawat sanaysay10%18. Matukoy ang mga pamantayan o prayoridad sa pagpapasya o pinaniniwalang katotohanan 19. Makabuo ng pansariling paghuhusga batay sa pagpapahalaga, katotohanan, umiiral na panuntunan o prinsipyo o katarungan20. Makapagbibigay ng patunay o ebidensya ng aksyong gagawin, desisyon, pananaw at makapaghikayat sa kahalagahan ng desisyong nabuo o paninindigan o prayoridadPagtatayaPagbibigay ng mga kadahilanan sa aksyon, desisyon, pananaw at paghihikayatPagtataya30 puntos bawat sanaysay15%

  • Deskriptibong Talahanayan ng Ispesipikasyon LSP Ang layunin ng pag-aaralAng pagsusulit ay bahagi ng pananaliksik ukol sa pagbuo ng instrumento sa pagtataya ng kognitibong akademikong kahusayang pangwika ng mga Estudyante na nasa Una at Ikalawang Antas sa Kolehiyo ng San Beda. Limitasyon ng pagsusulit: Tatagal ang pagsusulit ng isa at kalahating oras. Tig-iisang seksyon lamang bawat kurso ang bibigyan ng pagsusulit mula sa una at ikalawang antas at tanging yaon lamang estudyante na kumukuha o nakapasa na sa Filipino 1 hanggang Filipino 3. Tatayain ang kakayahang pangwika sa Filipino ng mga estudyante base sa binuong pagmamarka.Ang sitwasyon at ang gawainNaglalaman ang pagsusulit ayon sa silabus sa Filipino na may kinalaman sa retorika. Isasagawa ang pagsusulit sa kalagitnaan ng semestre sa oras ng kanilang klase sa Filipino. Binubuo ang pagsusulit ng 80 aytem sa multiple- choice at hiwalay na puntos para sa sanaysay batay sa talahanayan ng ispesipikasyon sa itaas.Katangian ng kukuha ng pagsusulitAng mga estudyanteng nasa A na seksyon sa Una at Ikalawang Antas sa bawat departamento ng Kolehiyo ng mga Sining at Agham sa Kolehiyo ng San Beda ang kukuha ng pagsusulit: AEC (Economics), AIT (Information Technology), AMC (Marketing), ABE (Entrepreneurship), ALM (Legal Management), AFM (Financial Management), APH (Philosophy), at APS (Psychology) na nakapasa sa Filipino 1 hanggang Filipino 3 o kasalukuyang kumukuha ng Filipino 2 at Filipino 3 sa panahon ng pagsusulit. Mga kakayahang tatayainNakatuon sa pagtataya ng kognitibong akademikong kahusayang pangwika ng mga estudyante batay at paglalapat nito sa kasanayang pagsulat. Tunghayan ang mga batayan sa pagtataya:Kakayahang PanggramatikaPonolohiya ang paraan ng pag-aaral ng mga makabuluhang tunog ng isang wika.Morpolohiya pag-aaral ng mga morpema o ang pinakamaliit na bahagi ng salita na nagtataglay ng sariling kahulugan, na hindi maaaring bawasan o hatiin pa.Talasalitaan pag-aaral ng kahulugan ng salitaKaalamang tekstwal kohesyon at retorikaRetorika mabisang pagpapahayagPaglalarawan isang paraan ng pagpapahayag na layuning makabuo ng isang malinaw na larawan sa isip ng mga mambabasa o nakikinig na gumagamit ng pandama, pang-amoy, panlasa, pandinig at panalat. Pagsasalaysay - maanyong paraan ng pagpapahayag na nag-uugnay ng mga pangyayari at may layuning magkuwento. Sumasagot sa mga tanong na Ano, Sino, Saan, Kailan, at Paano.Paglalahad isang pamaraan sa pakikipagtalastasan na naglalayong magpaliwanag, magbigay kaalaman o tumugon sa pangangailangang pangkarunungan.Enumerasyon pag-iisa ng mga detalye sa malinaw na pagkakaayos ayon sa bahagi o mula una hanggang huli ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga pangyayariPaghahambing at Pagtataliwas pamamaraang angkop gamitin sa pagpapahayag ng kahigitan o kalamangan ng isang bagay sa ibaatbp.Pangangatwiran - isang paraan ng pagbibigay at pagdudulog ng sapat na katibayan sa anumang talakay na nais patunayan para maging kapani-paniwala ang isang kontrobersiyal na isyu o paksa para sa ibaKaalamang punksyonal pagbuo ng mga ideya, katatasan sa wika/manipulasyon, pangangatwiran, imahinasyon o kakayahang pampanitikanKaalamang sosyolingwistika paggamit ng wika batay sa sitwasyonAntas ng Wika pampanitikan, kolokyal, panlalawigan, pabalbal, pambansaRehistro mga teknikal na termino batay sa laranganNilalaman ng pagsusulitIsa itong criterion-referenced test na susukat sa kakayahan ng indibidwal na estudyante at walang kinalaman sa kaalaman o pagkatuto ng iba pang kaklase o kurso. Bagamat maaaring tingnan kung anong kurso ang nagtala ng mas mataas na kakayahang pangwika.TalasalitaanWastong gamitPonolohiya at MorpolohiyaRetorika/ Sanaysay paglalarawan/ pagsasalaysaypaglalahadpangangatwiran

  • Deskriptibong Talahanayan ng Ispesipikasyon LSP/Iskalang Analitik-Diederich scale (binago)Pamantayan sa pagmamarkaKawastuhan ng mga sagot para sa mga aytem sa A. C. at iskalang analitik sa Sanaysay. Scantron ang gagamitin sa mga aytem A. C at maglalaan ng hiwalay na papel para sa sanaysay.Tunghayan ang iskala sa ibaba batay sa Diederich scale:

  • Deskriptibong Talahanayan ng Ispesipikasyon LSPKaragdagan nito ang ilang tanong bilang gabay sa pagmamarka sa iskala:Panimula Nakapukaw ba sa interes ng mambabasa?Gitna Lohikal ba ang ayos ng mga impormasyon at aksyon?Katapusan Nabuo ba sa katapusan ang kabuuan ng sulatin o hindi ba bitin ang katapusan?Istruktura ng mga pangungusap Buo ba ang mga pangungusap o hindi putul-putol ang mga ideya? May sense ba ang mga pangungusap? Talasalitaan Angkop ba ang mga salitang ginamit o eksakto ba sa layunin ng nagsusulat?Halimbawang paksa: Personal na Pagpapahalaga, Syensya at Kalikasan, at Pulitika at NasyonalismoPlano sa pagsukat sa katangian ng instrumento:Reliability pangkalahatang kakayahan ng pagsusulit na masukat ang kognitibong kakayahan ng mga estudyante sa kolehiyoValidity may kinalaman sa iterpretasyon ng iskor at pormat ng pagsusulit kung nakamit ang layunin ng pag-aaralSituational authenticity naaangkop ang pagsusulit sa layunin nito dahil ginamit ang silabus sa Filipino na naaayon sa pagtataya sa kakayahang pangwikaInteractional authenticity napapanahon ang mga akda na batay sa kultura at isyung pangwika at lipunang PilipinoDating (Impact)/Kahihinatnan (Consequences) - ang kinalabasan ng pagsusulit ay inaasahang magiging batayan sa pagpapayabong ng pagkatuto at pagtuturo ng wikang Filipino Praktikalidad - kayang gawin ang pagsusulit ayon sa kakayahan ng mga estudyante sa kolehiyo at wala pang nabuong pagsusulit batay sa silabus sa Filipino maging sa KWF na pangunahing institusyon sa pag-aaral sa wika Rubrik napapaloob dito kung paano gagawin ang pagsusulit, panuto, tagal ng oras, pagmamarka, pagsasagawa ng pagsusulitInput prompt tagpuan, kalahok, layunin, anyo/nilalaman, tono (magaan pero pang-akademiko), wika (Filipino), gawi, uri (multiple-choice/essay) Input dataPormat 75 aytem ng multiple-choice (scantron) at 100% sa sanaysayPaano gagawin pasulatHaba isang oras at kalahatiInaasahang tugonPasulatSakop ng pagsusulit silabus sa Filipino 1 hanggang Filipino 3Pamantayan ng pagmamarka kawastuhan ng sagot at iskalang analitik

  • Pagmamarka SBC/IETLS Napakagaling (Excellent) 81%-100%Magaling (Good) 61% - 80%Katamtamang Galing 41% - 60%(Average) Mahina (Weak) 21% -40%Napakahina (Poor) 0% -20%Paglalarawan sa pagmamarka (Descriptive bands):Napakagaling Mahusay ang kognitibong kakayahang pangwika sa lahat ng antas nito kaalaman, pag-unawa, paglalapat, pagsusuri, pagbubuod at pagtataya. May hustong kaalaman din sa talasalitaan, wastong gamit, ponolohiya, morpolohiya at iba pang kaalamang panggramatika gayundin, kaalamang tekswal, punksyonal, sosyolinggwistika, antas ng wika at rehistro.Magaling May sapat na kaalaman sa aspekto ng kaalamang pangwika tulad ng talasalitaan, wastong gamit, ponolohiya, morpolohiya at iba pang kaalamang panggramatika at mataas ang kognitibong kakayahang pangwika (antas ng pagsusuri at mas mataas pa). Mahusay ang organisasyon, daloy o kohirens ng mga ideya, istilo at nasunod ang mekaniks ng wastong pagsulat. Katamtamang Galing Masasabing nababatid ang aspekto ng kaalamang pangwika tulad ng talasalitaan, wastong gamit, ponolohiya, morpolohiya at iba pang kaalamang panggramatika gayundin, sapat ang antas na kognitibo ngunit sa mababang antas ng kahusayang pangwika at hindi pa gaanong tumataas sa antas ng malalim na pag-iisip. May sapat na kaalaman sa wastong pagsulat tulad ng organisasyon, kohirens, istilo at mekaniks. Mahina Nahihirapang maalala ang dating alam sa aspektong pangwika at nasa mababang antas na kognitibo. Hindi gaanong binigyang-tuon ang mekaniks ng pagsulat.Napakahina Di man lang nakapasa sa anumang aspektong pangwika maging sa kognitibong kakayahang pangwika.

  • Proseso ng Pagbibigay-bisa ng mga EkspertoTALATANUNGAN (Bihasang Tagasuri)Pangalan _________________________Pamantasan/Kolehiyo ________________________________Katungkulan _________________________________Bilang/Haba ng Taon sa Propesyon _________________________________Natapos na Kursong Gradwado_________________________Pamantasan na Pinagtapusan _________________________________Mga larangang bihasa o may mga ginawang pag-aaral ________________________

  • Mga Batayan ng Pagsusuri sa Instrumento

    BatayanOoBahagyaHindiHindi AngkopKomento/Paliwanag Organisasyon Tekstwal Nilalaman/ KognitiboD. Kabuuan

  • Organisasyon1. Mula sa madali patungo sa mahirap ang mga aytem?2. Sa pagsulat ng panuto: a. tiyak? b. malinaw? c. maikli? d. nauunawaan?

    B. Tekstwal1. Angkop ang mga talasalitaan/ mga salitang ginamit?2. Tama lamang ang haba ng mga salita/talasalitaan?3. Tama lamang ang haba ng mga pangungusap?4. Angkop ang tipo ng mga letra?5. Malinaw ang mga detalye?

  • C. Nilalaman/Kognitibo1. Sapat ang mga tanong upang masukat ang dimensyon batay sa kognitibong domeyn: a. kaalaman? b. pagkaunawa? c. paglalapat? d. pagsusuri? e. pagbubuod? f. pagtatasa?2. Sapat ang seleksyon sa pagtatamo ng layunin ng pagsusulit?D. Kabuuan 1. Mahirap ba ang pagsusulit?2. Natalakay ba ang lahat ng aytem sa pagsusulit?3. May pag-uulit ba sa mga konsepto sa pagsusulit?4. May mahahalaga bang paksang nakaligtaan o hindi nabigyang-diin?5. Balanse ba ang mga kasanayan at konseptong sinusukat sa pagsusulit?6. Natugunan ba ng pagsusulit ang layunin nito?7. Malinaw at sapat ba ang mga panuto?8. Sapat ba ang haba at kalidad (mahirap o madali) sa tagal ng itinakdang oras para masagutan ang pagsusulit? 9. Angkop ba sa kakayahan ng estudyante ang nililinang na kasanayan at gawain sa pagsusulit?10. Madali bang basahin ang mga seleksyon at teksto sa kabuuan?11. Kapaki-pakinabang ba ang ginawang pagsusulit sa pagkatuto?

  • Talatuntunan ng katumpakan at kahusayan (validity and reliability indices) validity pagsukat ito sa natutunan ng mag-aaral batay sa itinuro ng guro. Ang validity ang pinagtutuunang-pansin sa isang criterion-referenced test. May kinalaman ang validity sa layunin ng pag-aaral, kung natugunan ng pagsusulit ang sinusukat ng pag-aaral. Ang test items ay dapat kaugnay sa hangarin ng pagtuturo. May kinalaman din ito sa kawastuhan (accuracy) ng mga hinuha (inferences) mula sa marka o iskor sa pagsusulit ng mga kumuha nito. Dapat sinusuri ng pagsusulit ang gamit (usefulness) ng instrumento bilang batayan ng ilang baryabol (variable) bilang sukatan (predictor) ng gawi/kasanayang tinataya. May mga uri ng validity: Criterion-related validity, content validity, construct validity, face validity, at consequential validity

  • criterion-related validity, sinusukat nito ang kahusayan ng indibidwal batay sa criterion, hal. katatasan sa wika ng partikular na kurso ng mag-aaral ayon sa iskor sa pagsusulit. Sinusukat nito, halimbawa ang istratehiya sa pagtuturo, kurikulum at iba pa. content validity, pinagtutuunan ang domeyn o kasanayan at personalidad, halimbawa, kahusayan sa wika partikular sa kasanayang pagsulat. Nasusukat dito ang bunga ng pagkatuto (outcome of learning), tiyak na mga layunin, at kung ang pagsusulit ay wastong repleksyon ng itinakdang layunin ng pag-aaral. Dito kinakailangan ang pagsusuri ng mga bihasa sa larangan ng pag-aaral sa mga aytem sa pagsusulit. face validity ay ang kaanyuan lamang ng pagsusulit kung katanggap-tanggap sa gagamit nito.

  • construct validity - batay ito sa serye ng pag-aaral. Layunin nitong mailarawan ang katangiang sinusukat sa pag-aaral kaya hindi maaring batayan nito ang minsang pagsusulit lamang. Sa kabuuan, ang construct validity ay kalipunan ng mga ebidensya ukol sa katangiang tinataya ayon sa ibat ibang sitwasyon. Dahil pilot test lamang ang pag-aaral at mula lamang sa San Beda College ang sampol ng populasyon hindi pa nabuo ang talatuntunang ito. consequential validity sinusukat dito ang magiging bunga (consequences) nito sa kumukuha ng pagsusulit. Magagawa lamang ito kung ilalapat ang kaugnay na mga pagbabago sa istratehiya at kontent ng pagtuturo at silabus batay sa iskor sa pagsusulit ng kakayahan ng mga estudyante.

  • reliability nasusukat nito ang konsistensi ng layon ng pagsusulit o nang ibig mataya batay sa item analysis na isang statistical tool. Gayundin, nasusukat ito kung magiging pareho ang resulta kapag ibinigay sa parehong grupo sa ibang pagkakataon o sa ibang grupo na may pareho ring katangian ng naunang grupo. Dapat konsistent at dependable o magagamit muli sa hinaharap May mga uri ng reliability: reliability coefficient at coefficient of equivalence. Ang reliability coefficient ay ang pag-uugnay ng iskor ng sampol na populasyon sa dalawang set ng parehong instrumento. Nakaaapekto rito ang kondisyon ng administrasyon ng pagsusulit, sampling ng test items at sa kumukuha mismo ng pagsusulit na maaaring magkaroon ng tinatawag na error sa iskor. Namamayaning tanong naman sa coefficient of equivalence ay: Makakukuha kaya ang test taker ng parehong iskor sa dalawa o higit pang sampol sa aytem mula sa parehong domeyn?.

  • Ang Instrumento Kaalamang panggramatika (multiple choice) Talasalitaan: Halimbawa: May tila bahaw na alingawngaw sa kanyang dibdib.a. Mahinang tinig b. di mawari c. malamig na pakiramdam d. kabaWastong gamit:Hatiin natin ang bibingkang binili ng nanay. a b cdHatian mo naman ako ng mga bayabas na mapipitas mo. a bcdPonolohiya, morpolohiya:Silidan mo ng tubig ang balde at maliligo ako.Sarisari ang kulay ng mga banderitas tuwing pista sa nayon.

  • CALP

    LayuninKognitibong domeynAkademikong Kakayahang PangwikaTanong /Gawain mula sa InstrumentoMasukat ang antas ng kaalaman sa pagsagot sa literal na mga tanong na inilahad sa akda.

    Matukoy ang pangunahing diwa ng akda

    Makapagbigay ng opinyon batay sa umiiral na katotohanan, panuntunan, prinsipyo batay sa pinaniniwalaang gawi (behavior) at sa sitwasyonKaalaman

    Pag-unawa

    PaglalapatPaghahanap ng Impormasyon

    PaghihinuhaPangangatwiran

    Pag-uugnayAno ang tinutukoy ng dalawang mukha ng syensya?

    Tukuyin ang pangunahing diwa ng akda. Anong bahagi ng akda ang nagbigay ng clue sa pangunahing diwa nito?

    Maglahad ng karanasang maihahalintulad sa mga lalaking Indostan sa tula. Nangyayari ba sa tunay na buhay ang pangyayari sa akda? Bakit mo nasabi?

  • CALP

    LayuninKognitibong domeynAkademikong Kakayahang PangwikaTanong/Gawain mula sa InstrumentoMakabubuo ng balangkas, dayagram, ugnayan (web) ng mga kaisipang inilahad sa akda at mga patunay rito

    Makapagmungkahi ng solusyon sa hinaharap na suliranin

    Makabuo ng pansariling paghuhusga batay sa pagpapahalaga, katotohanan, umiiral na panuntunan o prinsipyo o katarungan

    Pagsusuri

    Pagbubuod

    PagtatayaPag-iisa-isa/PaggugrupoPagsusuri

    Pagbibigay-solusyon

    Pagbibigay ng mga kadahilanan sa aksyon, desisyon, pananaw at paghihikayatGumawa ng dayagram o web ng sanhi at bunga ng dalawang mukha ng syensya at ipaliwanag ang ginawang dayagram.

    Anong suliranin ang inilahad sa akda? May solusyon ba? Pangatwiranan.

    May magagawa ba ang tao upang maiwasan ang masamang dulot ng syensya?

  • Sanaysay - Prompt

    Pansinin ang mga naunang tanong. Sagutin ang mga tanong na ito sa pagsulat ng sanaysay na hindi kukulangin sa 200 salita. Hindi kasama sa bilang ng mga salita ang mga pang-ugnay tulad ng pang-ukol, pang-angkop, atbp. Hindi dapat limitahan ang pagsulat sa pagsagot lamang ng mga tanong. Kailangang sundin ang panuntunan sa pagsulat ng sanaysay tulad ng pagkakaroon ng simula, gitna, at wakas. Tatayahin ang nilalaman at organisasyon, istilo, at mekaniks sa pagsulat tulad ng wastong baybay, gamit, bantas, kahulugan, atbp. Inaasahang makasusulat ng wastong gamit ng mga salita sa Filipino, may kohirens, kohesyon sa mga pangungusap at talata at angkop na rehistro batay sa larangan o disiplinang tinatalakay. Nilalayon nitong mataya ang kognitibong kasanayan sa pagsulat ng kumukuha ng pagsusulit na ito.