Top Banner
Misamis University Ozamiz City EPEKTO NG MGA SOCIAL NETWORKING SITES SA MGA PILING MAG-AARAL NG BSBA-1 Sulating Pananaliksik Bilang Bahaging Pag-aaral sa Asignaturang Filipino 2 Ikalawang Semester Taunang Panuruan 2012-2013 9:05-10:10 MWF Ipinasa nina : Khryss Mariz O. Origenes Jessa M. Bacud Lormae Lou B. Pescones Irene S. Cabaitan Jemimah T. Pabriga
27

sample of THESIS- filipino requirement

May 14, 2023

Download

Documents

Welcome message from author
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
Page 1: sample of THESIS- filipino requirement

Misamis University

Ozamiz City

EPEKTO NG MGA SOCIAL NETWORKING SITES SA

MGA PILING MAG-AARAL

NG BSBA-1

Sulating Pananaliksik Bilang

Bahaging Pag-aaral sa Asignaturang

Filipino 2

Ikalawang Semester Taunang Panuruan 2012-2013

9:05-10:10 MWF

Ipinasa nina :

Khryss Mariz O. Origenes

Jessa M. Bacud

Lormae Lou B. Pescones

Irene S. Cabaitan

Jemimah T. Pabriga

Page 2: sample of THESIS- filipino requirement

Ipapasa kay:

Gng. Eusmel Uy Cericos

PASASALAMAT

Buong pusong pasasalamat ang nais naming ipaabot sa mga

sumusunod na indibidwal dahil sa kanilang pagtulong at

kontribusyong ibinibigay nila pati na rin sa walang sawang

pagsuporta upang matagumpay na maisaayos at maisagawa ang

pamanahong papel na ito.

Sa Poong Maykapal, sa pagbibigay ng determinasyon upang

isakatuparan ang pag-aaral at pagbibigay ng kaalaman na

kanilang ginamit sa kanilang pag-aaral. Sa pagdinig ng aming

dalangin lalung-lalo na sa sandaling kami ay pinanghihinaan

na ng pag-asang matapos ito ng ayon sa itinakdang panahon.

Sa mga magulang namin, na nagbibigay ng moral at

pinansyal na suporta at nagsilbing inspirasyon.

Sa aming guro na si Gng. Eusmel Uy Cericos, sa

pagbibigay ng mga ideya at payo sa paggagawa at pagrerebisa

ng pag-aaral.

Sa mga estudyante sa kursong BSBA sa Unibersidad ng

Misamis para sa tapat nilang pagsasagot ng survey-

kwestyoneyr.

Page 3: sample of THESIS- filipino requirement

Muli nais naming ipahatid ang aming taos pusong pasasalamat

sa inyo.

Maraming salamat po.!

Page 4: sample of THESIS- filipino requirement

TALAAN NG NILALAMAN

Kabanata I:

Ang Suliranin at Kaligiran Nito

a. Panimula

b. Layunin ng Pag-aaral

c. Kahalagahan ng Pag-aaral

d. Saklaw at Delimitasyon

e. Depinisyon ng mga Katawagan

Kabanata II:

Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

a. Mga Kaugnay ng Literatura

b. Mga Kaugnay na Pag-aaral

Kabanata III:

Metodolohiya

a. Uri ng Pananaliksik

b. Mga Kalahok

c. Instrumentong Pampananaliksik

d. Lunan ng Pag-aaral

Kabanta IV: Paglalahat at Interpretasyon ng mga Datos

Kabanata V:

Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyona. Natuklasan

Page 5: sample of THESIS- filipino requirement

b. Kongklusyon

c. Rekomendasyon

Listahan ng mga Sanggunian

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT ANG SANLIGAN NITO

Panimula

Maraming mga bagong teknolohiya ang naimbento at nagbago sa

pamumuhay ng mga tao. Isa na dito ang Internet, at sa pagdaan ng

panahon, nauso ang mga social networking sites. Ang pangunahing

mithiin ng mga websayt na ito ay ang pakikipaghalubilo sa iyong mga

kapamilya at kaibigan pati na rin sa ibang mga tao, nasa malapit man

sila o malayo. Masasabing ang mga social networking sites ang

pinakadinarayo ng mga kabataan sa Internet dahil sa maraming salik

na nakakapag-udyok sa mga ito. Dumarami ang mga kabataang sumasali

sa mga social networking sites kung saan ang Facebook.com,

Twitter.com, at Tumblr.com and pinaka-popular.

Hindi na lamang ang pakikipaghalubilo o pakikipagkaibigan ang

nagagawa sa mga websayt na ito, malaki na rin ang naging tulong nito

sa pag-aaral ng mga estudyante. Dito nagpapalitan ng mga mensahe na

may kinalaman sa pag-aaral ang mga estudyante. Nagiging daan ito

para makahabol sa mga aralin ang mga mag-aaral. Nakakakuha din sila

ng mga bagong impormasyon dito na nakakatulong sa kanilang pag-

aaral.

Page 6: sample of THESIS- filipino requirement

Pero, hindi lahat ng nagiging epekto nito ay positibo. Minsan,

nagiging sagabal ito sa pag-aaral at nagiging sanhi ng pagbaba ng

grado ng mga estudyante. Nahuhumaling ang ilan sa paglalaro ng mga

games at ang iba naman ay napupuyat sa websayt na ito na nagiging

sanhi ng pagliban at pagkahuli nila sa klase.

Ang Social Networking Sites ay bunga ng

karunungan na kaloob ng Panginoon na nararapat na

gamitin sa mabuti at maayos na pamamaraan.

Layunin ng Pag-aaral

Pangunahing layunin ng pag-aaral na ito na malaman ang epekto

sa pag-aaral ng pagsali sa mga social networking sites ng mga mag-

aaral sa Unibersidad ng Misamis.

Tiyak na layunin ng pananaliksik na ito ang ang mga

sumusunod:

1. Matukoy ang mga social networking sites na ginagamit ng

mga mag-aaral.

2. Anu-ano ang mga mabuti at masamang epekto ng isang Social

Networking Site?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Sa Mga Mag-aaral

Page 7: sample of THESIS- filipino requirement

Matutulungan ang mga mag-aaral na malaman o maintindihan kung

ano ang epekto ng social networking sites sa kanilang pag-aaral.

At dahil sa kaalamang ito, matututunan nilang palawakin ang

paggamit nito o maglagay ng limitasyon sapaggamit.

Sa Mga Magulang

Makatutulong din ang pag-aaral na ito sa mga magulang upang

magabayan nilang mabuti ang kanilang mga anak sa wastong paggamit

ng social networking sites.

Sa Mga Guro

Magiging daan ito upang maging kawili-wili at mas epektibo

ang pagtuturo ngmga guro sa mga kanilang mag-aaral.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang aming pananaliksik ay tungkol lamang sa maaaring maging

epekto ng mga iba’t-ibang Social Networking site sa mga piling

mag-aaral ng BSBA-1 sa Unibersidad ng Misamis. Bilang karagdagan,

ang buong pag-aaral ay nakatuon lamang sa mga Social Networking

site. Ang saklaw ng aming pag-aaral ay 20 bahagdan ng mga mag-

aaral na nasa unang taon ng mga BSBA na studyante. Limitado

lamang ito sa aming paaralan at ang mga nasabingmag-aaral lamang

ang masasaklaw nito.

Depinisyon ng mga Katawagan

Page 8: sample of THESIS- filipino requirement

Facebook. isang Social Networking Site kung saan nakakatutulong

paramagkaroon ng komunikasyon sa mga taong nais mong kausap na

nasa malayo. Isarin itong aplikasyon na naglalaman ng mga laro at

impormasyon tungkol sa iyongmga kakilala. At maaari kang makagawa

ng sariling profile. Itinatag ito noongPebrero 2004 ng Facebook

INC.

Social Networking Sites. Ito ay isang sosyal na instruktura na

binuo ng isang organisayon, upang ang isang indibidwal ay

matulungan sa iba’t-ibang paraan tulad ng pagkokomunikasyon sa

mga kaibigan , kamag-anak na nasa ibang lugar,paglilibang at

pagpapalitan ng mga mensahe.

Tumblr.  Ayon kay Jonathan Jarc (www.trendingeducation.com ,2011),

ang tumblr ay isang “microblogging platform”na pinapahintulutan

ang mga gumagamit namag pahayag ng kanilang teksto, imahe, bidyo,

link, kasabihan at mga audio sa kanilan “tumblelog”, na isang

short-form blog.

 

Twitter. Ayon sawww.tweeternet.com, ang Twitter ay isang social

networking at microblogging service site na pinapayagan kang

sagutin ang tanong ng “Ano ang iyong ginagawa?´ gamit lamang ang

maiikling mensahe na 140 karakter ang haba, o “tweets” sa iyong

mga kaibigan.

Page 9: sample of THESIS- filipino requirement

Internet. Ay isang sistema na pangdaigdigang kung saan ito ay

tumutulong sa milyong-milyon tao para makakonekta sa isang web

sayt. Tumutulong ito sa mga tao na nangangailangan ng impormasyon

parasa kanilang mga takdang aralin,proyekto at iba pang mga gawain

na may kaugnayan sa kanilang pag-aaral at trabaho. Ginagamit din

ito upang makausap natin ang mga taong malayo sa pilingnatin.

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Kaugnay na Literatura

A. Maikling Kasaysayan ng Social Networking

Page 10: sample of THESIS- filipino requirement

Mayroong pag-aaral na ang bawat kompyuter na magkakaugnay ay

maaaring maging basehan para sa interaksyong sosyal nacomputer-

mediated. Ito ay bunga ng The Network Nation ni S. Roxanne

Hiltz at Murray Turoff na nagdulot ng pagsulong ng kagamitan ng

kompyuter sa pakikihalubilo. Ayon sa Wikipedia.org, nagsimula ang

social networking noong 1995 sa pagtayo ng isang social

network o SN na nagngangalang Classmates.com, isang websayt kung

saan ang mga miyembro nito ay makahahanap ng kanilang mga lumang

kaklase maging sa kindergarden o sa kolehiyo at mapanatili ang

komunikasyon sa pagitan nila. Ayon sa isang media release

ngOregon State University(2007), si Randy Conrads ang gumawa ng

websayt na ito. Sakaragdagan, sinabi ng Classmates.com na ng

kumpanyang ito ay pinagkikita muli angmga residente ng Estados

Unidos at Canada na siyang naging kamag-aral o kasama nila noong

sila’y nag-aaral, nagtratrabaho o maging ang mga kasama nila sa

militar.Noong taong 1995, nagkaroon ng mahigit kumulang sa 40

milyong tao ang kasali sa SN na ito.

Ayon sa mga pag-aaral, ang networking websites ay isang daan

tungo sama buti at maayos na pamumuno ng isang organisasyon at

gayun din sa negosyo. Hindi lamang ito pangsosyal na

pakikipaghalubilo gamit ang internet kundi isang magandang paraan

din ng maayos na pakikipag-transaksyon sa iba’t ibang sangay ng

kalakal o negosyo. Itong networking sites din ay ginagamit sa

iba’t ibang lugar sa mundo kaya di malayong mangyari na magkaroon

Page 11: sample of THESIS- filipino requirement

ng iba’t ibang kasunduan sa mga bansang nagkakaroon ng transaksyon

gamit ito.

Sa panahong ngayon, lalo na ang walang pigil na pag-usbong ng

teknolohiya, hindi na mapipigilan ang pagdami ng mga taong

nagiging kasapi ng mganetworking website. Gayun din ang hindi pag-

alam ng kung anong masamangmaidudulot nito sa mga gumagamit

depende sa site na sinalihan.Masasabi na isang magandang daan ito

para makausap ang mga malalayongkamag-anak at kaibigan nang

wala masyadong nagagastos at sa mabilis natransaksyon, ngunit

pagdating ng mga epekto nito sa isang estudyante, magbabago  ang

daloy ng pakikisama nila. Ang networking websites ding ito ay

nagbibigay samga estudyante ng mga akala o masasabi nating sa

pamamagitan ng networking websites na ito ay nagkakaroon sila ng

malalayong relasyon o long distance relationship. Hindi ito

maiiwasan ngayong marami ng magandang naidudulot ang teknolohiya

sa buhay ng bawat tao.

Kaugnay na Pag-aaral

Ayon kay Young (1996), ang dependent ay gumugugol ng 39 oras

sa Internet para sa sosyal na pakikipag-usap at pakikihalubilo.

Samantala, ang independent naman ay kumokonsumo ng 5 oras para sa

netsurfing o e-mail lamang. Kadalasan ay ang mga malungkot,

binubukod, o walang kakahayan sa larangang sosyal ang apektado nga

diksyong ito. Marahil ito ang nagbibigay ng kung anong wala sila

sa totoong buhay.

Page 12: sample of THESIS- filipino requirement

Ayon kay Kraut at kanyang mga kasamahan (1998), sa isang

longitudinal napag-aaral sa 73 pamilya, nalaman nila na ang

paggamit ng Internet ay may kinalaman sa pagtaas ng depresyon at

pagdalang sa ugnayan sa mga kaibigan at pamilya.Isang sarbey ang

ginawa ni Keith J. Anderson, Ph.D. sa 13,000 mag-aaral sa kolehiyo

sa walong akademikong institusyon. Ito ay tungkol sa paggamit ng

Internet upang makilala kung paano nito naaapektuhan ang

pakikihalubilo at ang akademikong pamumuhay. Lumabas na ang

tipikal na gumagamit ng

Internet ay kumokonsumo ng 100 minuto bawat araw at ang maliit na

grupong ito ang nagsasabing ang

Internet ay humahadlang sa ilang aspeto ng kanilang buhay.

Ayon sa artikulo ni David Holmes sa librong Virtual Politics:

Identity and Community in Cyberspace (1997), sinasabi na may

malaking kahalagahan ang mga kapalit o katumbas ng paglalabas ng

ating kakilanlan sa mga teknolohiya. Ang mga uring teknolohiyang

ito ay nagbibigay ng malaking posibilidad na hindi tayo mawawala

(Holmes, 1997).

Sa karagdagan, sinasabi na lubos nating kinokonsumo ang ating

oras makabalik sa ating pinagmulan at hinahanap kung gaano natin

kilala angating sarili. Dahil dito, nawawalan tayo ng kontrol sa

pisikal, mental, at emosyunal namundo. Ito ay nababago sa paggamit

ng mga kagamitang komunikasyon.

Page 13: sample of THESIS- filipino requirement

KABANATA III

Metodolohiya

Uri ng Pananaliksik

Ang kabanatang ito ay naglalahad kung paano nakalap ang

mga impormasyon tungkol sa pag-aaral. Ang mananaliksik ay

gumamit ng isang “descriptive research m e t h o d ” . K u n g

s a a n i t o a y n a g l a l a m a n n g m g a n a r a r a p a t

n a impormasyong kailangan sa pag-aaral.

Mga Kalahok

Sa ginawang pag-aaral ng mga mananaliksik, ang mga

respondenteng napili nila ay may malaking kauganayan sa kanilang

pag-aaral. Pinili nila ang kursong BSBA dahil alam ng mga

mananaliksik na madalas itong nasa harap ng kompyuter, hindi

lamang para mga-aaral kundi pati narin mag-libang at malaman kung

ang mga ito ba ay apektado sa lumalalang bilang na gumamit ng mga

Social Networking Site.

Alam ng mga mananaliksik na ang kanilang mga respondente ay

may malaking maitutulong sa ginawa nilang pag-aaral upang malaman

ang mabuti at masamang epekto ng Social Networking Site. Ang

naturang pagsagot ng mga respondenteng ito sa mga katanungan ng

mga mananaliksik ibabase ang resulta ng isinagawang pag-aaral.

Page 14: sample of THESIS- filipino requirement

Instrumentong Pampananaliksik

Ang mananaliksik ay gumawa ng mga katanungan

bilang instrumento sa pangangalap ng mga datos upang

malaman ang damdamin ng mga kalahok sa Epekto ng Paggamit ng

Social Networking Sites sa Pag-aaral ng mga mag-aaral sa mga

piling estudyante sa kursong Business Administration sa

Unibersidad ng Misamis.

Lunan sa Pag-aaral

Inilarawan ng pananaliksik na ito ang mabuti o masamang

Epekto ng Paggamit ng Social Networking Sites sa pag-aaral ng mga

mag-aaral sa Unang Taon ng kursong BSBA sa Unibersidad ng Misamis

taong 2012-2013.

KABANATA IV

Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos

Ang kabanatang ito ay naglalarawan kung paano nakuha ang mga datos na nailahad. Sa pag-aaral at ang mga katulong sa paggawa ng pag-aanalisa ng mananaliksik.

A. Maikling Kasaysayan ng Social Networking

Mayroong pag-aaral na ang bawat kompyuter namagkakaugnay ay maaaring maging basehan para sa interaksyongsosyal na ng pagsulong ng kagamitan ng kompyuter sapakikihalubilo. Ayon sa Wikipedia.org, nagsimula ang pagtayong isang websayt kung saan ang mga miyembro nito ay

Page 15: sample of THESIS- filipino requirement

makahahanap ng kanilang mga lumang kaklase maging sakomunikasyon sa pagitan nila. Ayon sa isang University(2007), si Randy Conrads ang gumawa ng websayt na ito. Sakaragdagan, sinabi ng Classmates.com na ng kumpanyang ito aypinagkikita muli ang mga residente ng Estados Unidos atCanada na siyang naging kamag-aral o kasama nila noongsila’y nagaaral, nagtratrabaho o maging ang mga kasama nilasa militar. Noong taong 1995, nagkaroon ng mahigit kumulangsa 40 milyong tao ang kasali sa SN na ito. Ayon kina Boyd atNicole, ang pag-unlad ng SN ay nagsimula sa websayt naSixDegrees.com. Sa websayt na ito, nabibigyan ng pagkakataonang mga tao na makagawa ng kaibigan. Nakatulong angSixDegrees sa mga tao para makonekta at makapg padala ng mgamensahe sa mga kaibigan nito. Kahit marami ang naengganyo saSixDegrees, hindi nila masayadong natatag ang nang mabutiang komersyong ito kaya hindi rin ito nagtagal. Pagkataposnaman ng Classmates.com, maraming sumunod na SN tulad ngSixDegrees.com noong 1997, LiveJournal.com noong 1999,Friendster.com noong 2002, Multiply.com at MySpace.com sataong 2003 at ang Facebook.com naman noong 2004.

B . A n o a n g S o c i a l N e t w o r k i n g ?

Ang social networking ay isang istrakturang sosyal nag a w a s a m g aNodes o s a m a s m a d a l i n g s a l i t a , m g a indibidwal na konektado ng isa o maraming tema tuladng kaugalian,ideya, pagkakaibigan, hilig, at sexualna relasyon.

C.Mga Mabuti at Masamang Epekto ng Social Networking Sites

Ayon sa mga pag-aaral, ang networking websites ay isangdaan tungo sa mabuti at maayos na pamumuno ng isangorganisasyon at gayun din sa negosyo. Hindi lamang itopangsosyal na pakikipaghalubilo gamit ang internet kundiisang magandang paraan din ng maayos na pakikipag-transaksyon sa iba’t ibang sangay ng kalakal o negosyo.

Page 16: sample of THESIS- filipino requirement

Itong networking sites din ay ginagamit sa iba’t ibang lugarsa mundo kaya di malayong mangyari na magkaroon ng iba’tibang kasunduan sa mga bansang nagkakaroon ng transaksyongamit ito. Mula sa pag-aaral noong 2007, maganda angnaidulot ng networking websites sa mga bansang umaangatpagdating sa larangan ng negosyo. At sa pag-aaral ding ito,na may resulta sa loob ng tatlumpung araw, makikita na higitsa sampung porsyento ang naidagdag sa pagsulong napakikipagnegosyo.

Sa panahong ngayon, lalo na ang walang pigil na pag-usbongng teknolohiya, hindi na mapipigilan ang pagdami ng mga taongnagiging kasapi ng mga networking website. Gayun din ang hindipag-alam ng kung anong masamang maidudulot nito sa mga gumagamitdepende sa site na sinalihan.

Masasabi na isang magandang daan ito para makausap angmga malalayong kamag-anak at kaibigan nang wala masyadongnagagastos at sa mabilis na transaksyon, ngunit pagdating ngmga epekto nito sa isang estudyante, magbabago ang daloy ngpakikisama nila. Ang networking websites ding ito aynagbibigay sa mga estudyante ng mga akala o masasabi natingsa pamamagitan ng networking websites na ito ay nagkakaroonsila ng malalayong relasyon o long distance relationship.Hindi ito maiiwasan ngayong marami ng magandang naidudulotang teknolohiya sa buhay ng bawat tao.

Isa sa masamang epekto ng social networking sites aynakagagawa ito ng isa pang katauhan at maling tala ng isangtao sa isa. Nakatala din sa pag-aaral na ang mga taongwalang masyadong social life ay dinaraan ang pananahimik sanetworking. Dahil nga sa nasabi natin na isa itong daan sakomunikasyon sa mga taong malalayo sa’yo, kilala mo man ohindi. Mahirap ding makahanap ng privacy dito lalo na saibang website na nakikita ang bawat update mo. (Halimbawa:facebook) Dapat gabayan ng magulang ang kanilang mga anak sa

Page 17: sample of THESIS- filipino requirement

pagsasali sa iba’t-ibang networking sites ngayon at dapatalamin nila kung ano ang mga bagay-bagay na pumapalibot sakanilang mga anak.

KABANTA V

Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon

Mga Natuklasan

Ang papel na ito ay naglalarawan sa kaugalian ng

mga tao partikular ang mga estudyante tungkol sa

social networking .Marami ang naidudulot na maganda ang

mga social networking sites na ito para sa pakikipaghalubilo sa

mundong virtual. Bagama’t alam ng mga kabataan ngayon ang

maaring maidulot sa kanila ng pakikipaghalubilo sa iba’t

ibang uri ng tao, ipinagpapatuloy parin nila ang pagiging

aktibo sa mga social networking sites na i t o s a

Page 18: sample of THESIS- filipino requirement

k a d a h i l a n a n g n a k i k i t a n i l a a t n a i p a p a k i t a

n i l a a n g kanilang mga sarili sa pamamagitan ng mga

ito. Itinuturing ng mga kabataan ngayon ang social

networking bilang isang “social t r e n d ” n a h u m a h a t a k

s a b a w a t e s t u d y a n t e n a g u m a w a n g k a n i - kanilang

sariling account. Marami ring masamang naidudulot ang

pagkakaroon ng account sa mga social networking sites

sapagkat n a w a w a l a a n g s e g u r i d a d n g m g a

e s t u d y a n t e a t m a a r i s i l a n g masangkot o mabiktima

sa mga di kanais-nais na tao na mayroonding account sa

social networking sites. Sa lahat ng mga nasabi,mayroon

ngang maganda at masamang epekto ang pagkakaroon

ngaccounts sa mga social networking sites ngunit sa mga nakalap

naimpormasyon, mas nakikita ng mga estudyante ang mabuting

epekto nito sa kanila at sa kanilang mga kaibigan, kapamilya at

iba pa.

Kongklusyon

Base sa isinagawang pag-aaral at sa mga nakalap na

impormasyonay napag-alaman ang mga sumusunod:

1 . A n g S o c i a l N e t w o r k i n g S i t e a y

n a k a k a t u l o n g d i l a n g s a p a k i k i p a g h a l u b i l o

p a t i n a r i n s a p a g - a a r a l n g m g a m a g - a a r a l

a t s a m g a t a o n g n e g o s y a n t e .

Page 19: sample of THESIS- filipino requirement

2 . A n g S o c i a l N e t w o r k i n g S i t e a y

n a n a t i l i n g m a b u t i p a r i n a n g epekto sa iba

sa kadahilanang pagkakaroon ng komunikasyon sa mga

kamag-anak sa ibang bansa, pagpapatibay ng relasyon sa

mga kaibigan at sa mga taong pumapalibot sa

kanila.

RekomendasyonIminumungkahi ng mga mananaliksik na paghusayin at palawakin

pa ang mga pag-aaral sa larangan ng Social Networking. Ito ay sa

kadahilanang dapat na higit na maunawaan ng mga tao ang mga

mabubuting implikasyon ng Social Networking, at upang matuto ang

mga tao sa tunay na kahalagahan nito at magayak silang sumali na

rin dito.Ito ay dapat gamitin sa wastong pamamaraan. Naniniwala

ang mga mananaliksik na malaki ang maitutulong ng mga SN sa buhay

ng tao, lalo na sa henerasyon ngayon na napakabilis magpalit ng

oras. Sa kabila nito, inirerekomenda rin ng mga mananaliksik sa

mga sumasali at mga nagbabalak na sumali sa mga SN site na dapat

ay may pag-iingat sa mga impormasyon na nilalathala sa iyong

network. Mahalaga pa rin na maging protektado ang tunay na

katauhan ng sinumang nais na sumali sa mga SN site. Ito ay bilang

pag-iingat sa mga manloloko na lumaganap na sa mga SN site at sa

mga nagnanakaw ng katauhan.

Page 20: sample of THESIS- filipino requirement

Sanggunian

http://ivaughnn.blogspot.com/2009/02/thesis-

filipino.html

http://www.slideshare.net/faberNovel/social-network-

websites-best-practices-from-leading-services

http://www.corban.edu/studentlife/hilltop/4-7-08/socialnetworking.html

About Classmates Online, Inc., Classmates.com, NakuhanoongFebruary 12, 2008 fromhttp://www.classmates.com/cmo/about/;jsessionid=RIVWXDQ2MEVJ4CQKWZSSVRQKBK1GMIV3?s=74606&_requestid=171457,http://en.wikipedia.org/wiki/Classmates.com

Anderson, K. Internet use among college students: Anexploratorystudy[ Paggamit ng internet sa mga mag-aaralsa kolehiyo: Isangeksploratoring pag-aaral]. Nakuhanoong February 12, 2008fromhttp://www.rpi.edu/anderk4/research.html

Page 21: sample of THESIS- filipino requirement

Boyd, D. M. at Ellison, N. B. (2007). Social networksites: Definition,history, and scholarship[Mga socialnetworking sayt:Depinisyon,kasaysayan at kaalaman] .JournalofComputer-MediatedCommunication,13(1),article11.http://jcmc.indiana.edu/vol13/issue1/boyd.ellison.html

Berkowitz, Stephen D. 1982.An Introduction to StructuralAnalysis: The Network Approach to Social Research.Toronto:Butterworth.

S: I saw her. Is that khryss?

J: yeah. Ur ryt JM

S: Go with her,

( milakaw)

Page 22: sample of THESIS- filipino requirement

J: Hey

K: may I know u?

J: ahm I just meet you and this is crazy ahm can I get your

number?

K: sure

(typing)

K: here it is! Thank u.

J: OH! Other network? Tsk.

K: text me?

J: maybe?

K: call me?

J: maybe?:(

S: oh jef don’t wori about dat. Just used SMART JUMP IN sim,

just lod 15 pesos and u can register to 2 days unli with all

networks and 10 minutes free call.

J: really?

S: yeah. Here it is I will give it to you.

J: oh JM thank you very much

K: okey jef. Just txt me or call me ha?

J: sure

S: problem with other network? USED JUMP IN SIM for 20 pesos

ONLY, SEE YAH

Page 23: sample of THESIS- filipino requirement
Page 24: sample of THESIS- filipino requirement
Page 25: sample of THESIS- filipino requirement
Page 26: sample of THESIS- filipino requirement
Page 27: sample of THESIS- filipino requirement