1 Pamantasan ng Cabuyao Kolehiyo ng Pagtuturo Kakayahan sa Pagsusuri ng Maikling Kwento at Tula ng mga Piling Mag-aaral sa Ikatlong Antas ng mga Mataas na Paaralan ng Lungsod ng Cabuyao. Panuruang Taon :2012-2013 Pamanahunang Tesis Na Iniharap sa mga Guro ng Kagawaran ng Edukasyon Pamantasan ng Cabuyao; Lungsod ng Cabuyao Medyor ng Filipino Nina: Balbacal, Mary Hiezel J. Manangkil, Jay-Ar B. Peret, Nova T.
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
1
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
Kakayahan sa Pagsusuri ng Maikling Kwento at Tula ng
mga Piling Mag-aaral sa Ikatlong Antas ng mga
Mataas na Paaralan ng Lungsod ng Cabuyao.
Panuruang Taon :2012-2013
Pamanahunang Tesis
Na Iniharap sa mga Guro ng Kagawaran ng Edukasyon
Pamantasan ng Cabuyao; Lungsod ng Cabuyao
Medyor ng Filipino
Nina:
Balbacal, Mary Hiezel J.
Manangkil, Jay-Ar B.
Peret, Nova T.
Salmingo, Fatima G.
2012-2013
2
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
Kabanata I
Ang Mga Suliranin at Sanligan Nito:
Panimula
Layunin ng pag-aaral
Paglalahad ng suliranin
Paglalahad ng palagay
Batayang konseptwal
Kahalagahan ng pag-aaral
Saklaw at delimitasyon
Kahulugan ng mga terminong ginamit
Kabanata II
Mga kaugnay na Literatura:
Lokal na pag-aaral
Lokal na literature
Sintesis
3
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
Kabanata III
Pamamaraang ginamit sa pag-aaral:
Disenyo ng pananaliksik
Tagasagot sa pag-aaral
Mga instrumentong ginamit
Kabanata IV
Paglalagom
Mga Natuklasan
Mga Konklusyon
Mga Rekomendasyon
Kabanata V
Paglalagom
Konklusyon
Rekomendasyon
4
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
Kabanata I
Ang Suliranin at Sanligan nito
Panimula
Ang pagbabasa ang gintong susi sa daigdig ng kaalaman at
kasiyahan. Ito ang tinaguriang pangunahing asignatura sa dahilang ito ang
batayan o saligan ng halos lahat ng pangkaisipang karunungan. Lubhang
mahalaga ang pagbabasa at pagsusuri para sa ikauunlad ng kaalaman ng mga
kabataan lalo na sa panahon ngayong mabilis ang pagbabagong nagaganap sa
kapaligiran. Higit na mauunawaan at maiaagpang ng mga ma-aaral ang
kanyang sarili sa kapaligiran kung marunong siyang magpalawak at magsuri ng
kanyang mga nabasang tula at maiikling kwento.
Ang pag-aaral ng panitikan ay hindi lamang may layuning makagising
ng damdamin ng mga mambabasa batay sa kanilang paniniwala at pananaw sa
buhay at pati rin para mapalawak ang kanilang kaalaman tungkol sa ibang tao at
tuloy maragdagan pa ang pagkaunawa at kawilihan sa pagbasa at pagsuri
nito.Mapapansin na ganoon na lamang ang pagsusuri sa mga batay na
manunulat sa Filipino na nagpapakita ng kahusayan sa kanilang panitik upang
maipamalas ang mga bagay-bagay na pampilipino tulad ng kanilang mga
5
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
katutubong ugali,paniniwala at kabuhayan. Sa pagsusuri ng tula at maikling
kwento matutunghayan ang lahat ng mga nangyayari sa buhay ng tao,sa
kanyang mga tuwa at dalamhati,pag-ibig at kabiguan,pangarap at pag-asa tulad
ng isinasaad sa winika ni Hen.Azarcas mula sa kanyang aklat na “Pilosopiya at
Literatura”.
“Ang panitikan ay nagpapahayag ng mga damdamin ng tao
hinggil sa mga bagay sa daigdig,sa pamumuhay,sa lipunan
at pamahalaan at sa kaugnayan ng kaluluwa sa Bathalang
lumikha. Ang paraan ng pagpapahayag ay iniayos sa iba’t
iba niyang karanasan at lagay sa kalooban at kaluluwa, na
nakabalot ng pag-ibig o pagkapoot, ligaya o lungkot, pag-
asa o pangamba”, (Jose V. Panganiban, et al Panitikan ng
Pilipinas, p.11).
Karagdagan pa rin ang may hawig. Katuturan ng panitikan sa Panitikang
Pilipino na “ ito’y pahayag na pasalita o pasulat ng mga Pilipino hinggil sa
pamumuhay, pag-uugaling panlipunan, paniniwalang pampulitika at
pananampalatayang niyakap ng mga Pilipino, “(Jose V. Panganiban, Panitikang
Pilipino, p.12). Sa mga nabanggit na Depinisyon ng Panitikan at Panitikang
Pilipino ay nagbuo ng maraming anyo ng Panitikan na tulad ng Maikling Kwento
6
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
at Tula na naging sandata sa pagpapahayag at pagpapadama ng kanilang
kaisipan at damdamin tungkol sa kapwa, sa lipunan at sa kapaligiran.
Ang Maikling Kwento ay may layuning magdulot ng aliw sa pamamagitan
ng isang makapangyarihang paglalahad ng mga pangyayari sa buhay ng
pangunahing tauhan at mag-iiwan ng iisang kakintalan sa isip ng mambabasa.
Ang Tula ay tinatawag na kamalayang nagpapasigasig ayon kay
Alejandro G. Abadilla
Ang manunulat ay hindi lamang manunulat. Isa rin siyang pintor,
arkitekto, iskultor, mandirigma, propeta at iba pa. Nakapag-aakay,
nakapagmumulat, nakapagpapakilos, nakapagpapayanig, nakapagbubuo, at
minsan ay nakapagwawasak din. Siya ang tinig ng kahapon at ngayon.
Sa maikling kwento at tula masasalamin ang buhay, damdamin, lunggati
at kaisipang Pilipino sa panahon ng pagkakasulat nito. Realistikong pagtalakay
ng mga paksang totoong nangyayari at nagaganap sa buhay ng tao. Ang
pagsusuri ng tula at maikling kuwento ay hindi lamang may layunin makagising
ng damdamin ng mga mambabasa batay sa kanilang paniniwala at pananaw sa
buhay kundi pati na rin mapalawak pa ang pagkaunawa at kawilihan sa
pagsusuri nito. Napili ng mga mananaliksiksik na patunayan ang mga suliranin
na nalilinang ang mga layunin ng maikling kwento sa mga piling mag-aaral ng
7
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
ikatlong antas ng sekondarya sa mataas na paaralan ng Gulod, Southville at
Cabuyao.
Sa pagsusuri, kinakailangan ang lubos na kaalaman sa kathang sinusuri
tulad ng buong nilalaman ng akda, paraan ng pagkakabuo nito at ang ginamit ng
awtor na pamamaraan o istilo. Kinakailangan ding ang manunuri ay may
opinyong bunga ng obhektibong pananaw laban man o katig sa katha, kaya
mahalagang siya ay maging matapat. Ang pagpapaliwanag o panunuligsa sa
isang akda upang ihatid ang kahalagahan nito ay pamumuna. Isa sa mga
aspektong lumilikha ng mga akdang pampanitikan kasama ang iba’t ibang
sangkap ng kalikasan at mga kaugnay ay kapaligiran. Dalawa ang layunin ng
panitikan: magbigay aliw at magbigay-aral kaya mahalaga din sa mga akda ang
magkaroon ng bias sa Kaasalan. Mula rito, maraming napupulot na pangyayari,
sitwasyon at banghay na maaaring gamiting paksa sapagkat batay ito sa sariling
pagmamasid o Karanasan. Ang kalipunan ng mga pinagyamang sinulat o
nilimbag sa isang tanging wika ng tao ay Panitikan. Ang pinakamahalagang salik
na nagturo sa atin kung paano lumikha ng mahuhusay na panitikan ay
Karanasan. Pinakamahalagang bisang taglay ng panitikan; hindi malikhain ang
akda kung walang bias sa Kaasalan. Nag-uudyok ito na umunlad at yumaman
ang diwa ng mga mambabasa kaya tinawag itong bisa sa Kaisipan.
8
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
Layunin ng Pag-aaral
1. Matukoy ang demograpikong profayl ng mga respondenteng mag-aaral.
2. Malinang ang antas ng kasanayan sa pagsususri ng tula at maikling
kwento.
3. Mabatid ang kaugnayan ang profayl ng mga tagasagot sa kasanayan ng
mga mag-aaralsa pagsusuri ng maikling kwento at tula.
4. Mabigyang halaga ang persepsyon ng mga manunugon hinggil sa
metodong ginamit ng mga guro.
5. Malaman ang kaibahan ng persepsyon ng mga mag-aaral hinggil sa
metodong ginagamit ng mga guro sa pagtuturo ng pagsusuri ng maikling
kwento at tulakapag ipinangkat ayon sa kanilang profayl.
Batayang Teoretikal
Ang mga tao dito sa sandaigdigan ay may iba’t ibang antas ng
pamumuhay, pagkilala, pagkilala o pananaw sa buhay. Habang umiinog ang
ating daigdigay kaalinsabay nito ang mga pagbabagong nagaganap sa bawat
sandali. Iba’t iba ang nagsusulputang pangangailangan ng mapagsandigan sa
panahon ng kawalan at ng pagkapagod sa mabilis na takbo at pag-inog ng
gulong ng ating palad. Ibang panahon, ibang yugto ng pakikibaka at
pakikitunggali sa mga pagsubok na dumarating sa atin.
9
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
Dahil dito nabuhayan ng pag-asa ang mga awtor ng tesis na ito na ang piliin
nila sa mga tula at kwentong susuriin. Ang teoryang ginamit sa pag-aaral na ito
ay ang teorya ni Edward Lee Thorndike ang “Law of Readiness” “ Law of Effect”
at ang tinatawag na “Law of Exercise.
Sa kahandaan o (Law of Readiness), isinaalang-alang sa bahaging ito ng
kahandaan ang kaisipan ng bawat mag-aaral na babasa ng katha na itaya ang
kanilang kahandaan at magsilbing tagapatnubay upang mapadali ang kanilang
paglinang sa kanilang kakayahan sa pagsusuri ng Tula at Maiklking Kwento .
Sa paglalahad ng pagsasanay (Law of Exercise), kinakailangan na ang mga
mag-aaral ay sanayin na malinang ang kanilang pag-unawa sa binasang katha
ukol sa Tula at Maikling Kwento upang masuri nila nang maayos ang nabasa.
Ang kinalabasan naman o (Law of Effect), sa bahagi namang ito
malalaman ng mga mananaliksik ang bunga ng bawat pag-aaral. Sa teoryang ito
nasusukat ang lawak ng kaalaman ng mga mag-aaral sa pagsusuri at kung ito ba
ay naiaangkop nila sa kanilang tunay na buhay.
10
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
Paradima ng Pananaliksik
Pinagtibayan ng Pag-
aaral o
(Input)
Pamamaraan o
(Thruput)
Kinalabasan o
(Output)
Pangunahing
Suliranin sa
pagsusuri
Katanungan sa
mga mag-aaral.
Mabilis na
mauunawaan
ang mga
suliranin sa
maikling kwento
at tula.
Kilos o gawi ng
mga mag-aaral
sa pagsusuri.
Lawak ng gamit
ng mga
kagamitang
panturo.
Madaling
malaman ng
mga mag-aaral
ang mga
kagamitang
panturo.
Ang mga
epektibong
metodong
ginamit ng mga
guro sa
pagtuturo ng
pagsusuri.
Pangangalap ng
datos
Sarbey
Mabilis na
natukoy ang
kakayahan sa
pagsusuri ng
maikling kwento
at tula.
Pigura 1
11
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
Paradima ng pag-aaral
Ang paradima ng pag-aaral ay nauukol sa paglinang ng pagtuturo ng
Maikling Kwento at Tula sa ikatlong antas ng sekondarya. Sa unang bloke ng
paradima, ang pinagbatayan ng pag-aaral o “Input” ay ang paglinang ng mga
pangunahing suliranin sa pag-aaral ng maikling kwento at tula, at ang kilos o
gawi na nakaiimpluwensya sa kanilang pag-aaral nito. At ang paggamit ng mga
epektibong metodo sa pagsusuri ng maikling kwento at tula. Ang pangalawang
bloke ay tinatawag na pamamaraan o “Thruput”. Dito nakasalalay ang
kalalabasan ng “Output”, na nakapaloob dito ang mga naaangkop na
pamamaraan sa pag-aaral ng maikling kwento. Dito nakabatay ang paglinang ng
pagtuturo ng maikling kwento at tula at dito rin sa panghuling bloke maipipikita
ang mapanuring pag-aaral at pamamaraang ginamit upang lubos na
pahalagahan ang pagsusuri ng mga maikling kwento at tula. At dahil sa mga
pamamaraan din ng guro, madali nilang makuha ang mga “kagandahang asal”
ng mga kwento at tulang sinuri.
Paglalahad ng Suliranin
12
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong mabigyang pansin ang pananaw ng
mga guro at mag-aaral sa paglinang at paggamit ng Wikang Filipino sa pagtuturo
ng maikling kwento at tula sa antas ng sekondarya.
1. Anu-ano ang profayl ng mga respondenteng mag-aaral?
2. Ano ang antas ng kasanayan sa pagsusuri ng maikling kwento at tula.
3. Ano ang kaugnayan ng profayl ng mga tagasagot sa kasanayan ng mga
mag-aaral sa pagsusuri maikling kwento at tula.
4. Ano ang persepsyon ng mga respondente sa mga metodong ginamit ng
guro.
5. Ano ang kaibahan ng persepsyon ng mga mag-aaral hinggil sa metdong
ginamit ng mga guro sa pagtuturo ng pagsusuri ng maikling kwento at tula
kapag ipinangkat ayon sa kanilang profayl.
Saklaw at Limitasyon sa Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa piniling mag-aaral mula sa tatlong
mataas na paaralan ng Lungsod ng Cabuyao. Ang mga piniling 340 na mag-
aaral mula sa mataas na paaralan ng Cabuyao, Gulod at Southville ang naging
respondente ng pag-aaral. Batay sa aming naobserbahan, ang tatlong paaralan
na ito ay may malaking populasyon at may magandang pamamaraan ng
pagtuturo dahil ilan sa mga mananaliksik ay dito nakapagtapos. Ang saklaw ng
13
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
aming pag-aaral ay ang profayl ng mga tagasagot at ilang metodong ginagamit
ng mga guro sa pagtuturo ng maikling kwento at tula. At nais ding malaman ng
mga mananaliksik kung gaano kalawak ang kakayahan ng mga mag-aaral sa
larangan ng pagsusuri ng maikling kwento at tula.
Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang tesis na ito ay maaaring maraming magsabi na isang mababaw na
pag-aaral lamang, lalu na’t mababasa ang pamagat na “Pagpapalawak ng
Kakayahan sa pagsusuri ng Maikling Kwento at Tula ng mga Piling Mag-aaral sa
Ikatlong Antas ng Mataas na Paaralan : Isang Pag-aaral”. Maaaring mabuo ang
mga negatibong palagay kung basta na lamang binasa ito at hindi pinag-ukulang
unawain at suriin ang mga nilalaman nito.
Sa ngayon, gusto nang balanang Pilipino na sila’y maaliw kahit sa
panandaliang oras, kahit sa mababaw na pamamaraan tulad ng pagbabasa ng
ganitong uri ng bababasahin na palasak na matatagpuan sa bangketa. Ayon din
sa mananaliksik ang pagbababasa at pagsusuri ng anumang akdang
nakalilibang at nagsisilbing pamatay ng oras sa pagkakainip kung may hinihintay
o sa mahabang paglalakbay o di kaya’y pagkayamot na mararamdaman sa
14
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
mahabang trapiko, na nakakasagabal upang makarating sa dapat puntahan o
makauwi nang maaga sa bahay.
Matibay na paniniwala ng mga mananaliksik ng tesis na ito ayon sa
kanilang pag-aaral ay nakapagbibigay ng malaking ambag at kahalagahan sa
mga sumusunod:
Sa mga Pinuno ng mga Kolehiyo
Maaari nilang isama ang kurikulum o sa balangkas ng kurso (course
outline ) ang pagtuturo ng ganitong akda , ang nobela o maikling kwento ng Pag-
ibig”,sa asignaturang “Panitikang Pilipino” upang sa gayon ay magkaroon
naman ng pagbabago sa uri ng babasahing pampanitikan na mapabilang na ito,
bagamat hindi naman lubusang nawawala ang pagsusuri o pag-aaral ng mga
klasikal na akda ng mga bantog na nobelista o kwentista.
Sa mga Guro ng Panitikan
Magiging masigla ang pagtuturo ng ganitong panitikan ng pag-ibig dahil sa
paksang ito ay pamukaw sa damdamin na may kasamang pang-aliw sa mga
kabataang mag-aaral na nag-uumpisang tumibok ang puso sa ngalan ng pag-
ibig. Bagamat pag-ibig palagi ang pinakasentro ng pang-aliw na paksa ng klase,
15
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
kinakailangang masining ang isasagawang pagtalakay na may pangganyak na
matutuhan ang iba pang kariktang nakapaloob sa kwento tulad ng mapupulot na
mensahe o gintong aral, mabubuting kilos at ugali ng tao at ang tunay na
nangyari sa kapaligiran. At nasusuri nila nang maayos ang mga nilalaman nito at
naunawaan hindi yung basta basa lamang ang ginagawa.
Sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo
Hindi lamang makapagdudulot ng aliw ang mga panitikang ito para sa
mga mag-aaral ng kolehiyo,kungdi ito’y maituturing na mamahaling uri ng akda
na nasasalin sa panitikan dahil sa mga sumusunod na katangian may kariktan,
kasiningan at sangkap para sa isang mahusay na pagsulat.
Ang mga babasahing ito nagpapahiwatig ng kapaki-pakinabang na
mensahe at aral sa buhay. Nakapagpapapragdag din ito sa mga kaalaman
tungkol sa mga tunay na karanasan sa buhay. Sa pagsusuri ng iba’t ibang uri ng
panitikan ay nagkakaroon ng kalakasan ng loob na makapagbigay ng reaksyon
o saloobin sa nabasa.
Mananaliksik sa Hinaharap
Maaaring hagdan ang pag-aaral upang malinang ang pagbabasa ng iba’t
ibang uri ng panitikan at pagsusuri sa mga ito at maiugnay din ito sa ibang
asignatura.
16
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
Katuturan ng mga Salitang Ginamit
Sa ikadadali ng pang-unawa sa pag-aaral na ito binibigyang kahulugan
ang mga sumusunod na katawaganayon sa pagkagamit ng mga ito sa pag-aaral
ng asignaturang pag-aaral:
Pagbasa-Kasanayan na kumikilala at umuunawa ng simbolo ng talasalitaan ng
mga mag-aaral sa apagsasalita.
Kagamitang panturo-Ang mga ito ay anuman karanasan o bagay na ginagamit
ng guro bilang pantulong sa paghahatid ng mga
katotohanan ,kasanayan,saloobin,kaalaman,palagay,pang-unawa at
pagpapahalaga sa mga mag-aaral upang lalong maging konkreto,dynamic at
ganap na pagkatuto.Hindi sapat na may magagamit kagamitang pagpapaturo
ang isang guro kundi kailangang alam niya kung kalian gagamitin ang mga ito.
Guro ng Pilipino-mga taong ginamit bilang respondente sa pananaliksik ng mga
datos ng tesis.
Kasanayang nalinang sa mga estudyante-tumutukoy sa apat na component
ng wika:pagbasa,pagsulat,pagsasalita,pakikinig at pagsulat na naituturo sa loob
ng Grading coverage.
17
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
Maikling kwento-ay isang maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang
pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o
impresyon lamang.Isa itong masining na anyo ng panitikan.
Tula- ay nagmula kay Varsanni Jae I. Solis at nagsasabing ito ay isang anyo
ng panitikan na nagpapahayag ng damdamin ng isang tao. Ito ay binubuo ng
mga saknong at ang mga saknong ay binubuo ng mga taludtud.
Ito ay may sukat at tugma o malaya man ay nararapat magtaglay ng magandang
diwa at sining ng kariktan.
Sinasabing may magandang diwa ang isang tula kung may makukuhang
magandang halimbawa ditto. May sining ng kariktan naman kung ang mga
pananalitang ginamit ay piling-pili at naaayon sa mabuting panlasa. Ito ay
maaaring batay sa emosyon at damdamin ng tao base sa kanyang karanasan.
Suliranin sa pagtuturo- ang mga kahirapang nararanasan ng mga guro sa
kanyang pagtuturo sa Filipino bilang isang wika o midyum ng komunikasyon sa
pagtuturo.Maaaring ang mga suliranin ay ukol sa kakulangan sa kagamitang
pangturo,mga saloobin ng mga guro at mga namamahala sa paaralan.
Pagsusuri- o paglilitis ay ang proseso ng paghihimaymay ng isang masalimuot
na paksa o sustansiya upang maging mas maliliit na mga bahagi, upang
makatanggap ng isang mas mainam na pagkaunawa rito. Ang teknik ay ginamit
18
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
sa pag-aaral ng matematika at lohika bago pa man ang panahon ni Aristotle
(384–322 BK), bagaman ang analisis ay isang pormal na konsepto o diwa na
halos kamakailan lamang umunlad.
Pagpapalawak ng kasanayan
Ayon sa mananaliksik ang kakayahan at kasanayan sa ng guro sa
pagsusuri ng tula at maikling kuwento ay nakabatay rin sa pagpapaliwanag ,
disiplina, ekspiryensya at kagamitang pangturo.
Napili ng mga mananaliksiksik na patunayan ang mga suliranin na
nalilinang ang mga layunin ng maikling kwento sa mga piling mag-aaral ng
ikatlong antas ng sekondarya sa mataas na paaralan ng Gulod, Lungsod ng
Cabuyao.
19
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
Kabanata II
Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral
Inilahad sa kabanatang ito ang ilang sipi sa tesis, aklat, internet at iba
pang dyornal na may kaugnayan sa kasalukuyang pag-aaral. Natuklasan pa rin
ng mga mananaliksik na bahagi rin ng pag-aaral ng kahit anong akdang
pampanitikan, katalasan ng isip at diwa na may gintong aral sa buhay; subalit sa
pagdaraan ng mga panahon nagbabago ang panlasa ng mga mambabasa,
nararamdaman niyang paminsan-minsan nais niyang malibang o maaliw ang
sarili sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga lathalaing aantig sa kanyang
damdamin. At masubok ang sariling kakayahan sa pagsusuri ng mga akdang ito.
Banyagang Literatura
Ipinahayag ni Strong(2009), sa pagbabasa ng tula at maikling kwento na
may malinaw na pag-unawa at pagkilala sa mga salita, pagsusuri sa kanilang
kahulugan at ideya at panganib ng mga kaisipan sa iba’t ibang paraan tulad ng
paglutas ng praktikal na problema.
Pinaniniwalaan naman ni Gray(2008) ang ganitong tinuran tungkol sa
Panitikan. Ang pagbabasa ng isang maikling kwento ay isang gawaing may layon
na maaaring mapagpabago sa katauhan ninuman, magdagdag ng kanyang mga
karanasan, magpasigla ng kanilang isipan at pandamang kaunlaran, magpabago
20
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
sa kanyang pag-uugali at sa pamamagitan ng mga ito ay makakalikha ng isang
mahusay at matatag na katauhan . Ang pagbabasa nito ay isang masalimuot na
gawaing may mga aspektong mahalaga tulad ng pagkilala sa mga sagisag o
simbolo at pag-unawa. Ayon pa rin sa kanya, sa ibang pakahulugan ng mga
akda, pagtugon sa mga gamit ng ideyang nakuha sa pagbabasa batay sa
layunin at pagsama-sama ng mga ideya upang pakaisipan ang isang tiyak na
kaiisipan.
Binigyan diin ni Hossaine(2009) sa isang komperensiya ng mga
manunulat na Asyano sa PEN noong Disyembre 1997 ang ganitong palagay
tungkol sa iba’t ibang panitikan:
“Ang buhay at panitikan ay magkaugnay sa isa’t isa.
Salamin ng buhay ang panitikan, subalit ang buhay ang
lumikha o batayan ng salamin. Magkatuwang ang buhay at
panitikan pagkat nauukol sa buhay ang isinaisantitik sa
anumang akdang pampanitikan”.
Ayon kay Blaire(2008) na ang pinakakaunting pangkat ng mga mag-aaral
ay mas mahusay at posibleng nakiisa sa mga Gawain. Inilathala rin niya ang
tatlumpung mga mag-aaral habang nagtatalakay ay binibigyan ng dalawang
minuto bawat mag-aaral para sa masiglang pagpapalitan ng kuro-kuro . Ayon
21
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
pa rin sa kanya, ang kondisyon sa loob ng klasrum na may dalawampung (20)
mag-aaral ay naiiba sa klaseng mayroong limampu hanggang animnapung
(50\60) mag-aaral. Nais ng mga bata ang Malaya at aktibong pagganap sa isang
pangkat kung sila ay nasa maliit na klase.
Ayon kay Beard at Hartley (2009), pinapanigan din ni Hornfield sa
panitikan ang maikling kwento bilang katotohanan at katibayan nito bilang
institusyon ng kalikasan o bilang isang anyo ng kaalaman at bilang pangmoral
na katwiran sa isipan. Ang maikling kwento ayon kay Aristotle, et al. ay higit na
mataas at pilosopikal kaysa sa nobela.
Ayon kay Darling-Hamond (2002), pinaniniwalaan ni Strong R. ang
paghahanap ng obhetibong koreleytib dahil sa pagwawalang bahala sa tao o
dehumanisasyon ang nilikha, na siyang kumakatawan lamang sa iba’t ibang
pagpapahayag ng damdamin ng tao ukol sa sining.
Ipinapahayag ni Leech E. (1999) sa kanyang pag-aaral, mula kay Banduria
(2001) sa estilo ng kanyang pag-aaral na isinagawa sa USA sa pamamagitan ng
pagkolekta ng mga datos natuto at nakasunod ng mga mag-aaral, dahil dito
nagugustuhan ng mga mag-aaral ang ginawang pag-aaral dahil nabigyan sila ng
pagkakataon na magsalita tungkol sa iba’t ibang literatura.
22
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
Banyagang Pag-aaral
Ayon kay Machtinger (2007) ,Layunin sa pag-aaral na ito na ilahad ang
edad at aspeto ng mga mag-aaral hinggil sa kanilang kognitibong kakayahan.
Ang edad ng mga mag-aaral ay maaring makaapekto sa kanilang kakayahan sa
kahit anong larangan.
Ayon kay Feingold (1988) Ang kasarian ng mga mag-aaral ay isang salik
upang malaman ang kanilang kayang ipakita. ang kasarian ay iba sa pag-uugali,
personalidad, inaasahan ng guro, at behabyor, pagkakaiba ng kursong kinukuha
at bayologikal na ibinibgay sa pagkakaiba ng kasarian sa kanilang nakukuha.
Lokal na Pag-aaral
Batay Julian Cruz Balmaceda,”Ang Tula ay isang kaisipang
naglalarawan ng kagandahan, ng kariktan na natitipon sa isang kaisipan upang
maangkin ang karapatang matawag na tula.”
Ayon naman ay kay Iñigo Ed.Regalado, ”Ang tula ay kagandahan,
diwa, katas, larawan at kabuuang tonong kriktang makikita sa silong ng alinmang
langit.”
Binibigyan din ng katuturan ni Fernando Monleon mula kay Lord
Macaulay,”Ang pagtula’y panggagagad at ito’y lubhang kahawig ng sining ng
23
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
pagguhit, paglililok at pagtatanghal. Ang kasakawan ng pagtula ay higit na
malawak kaysa alinman sa ibang gagad na mga sining, pagsama-samahin man
ang mga iyon.”
Sa tula, minsan ay sinabi ni Iñigo Ed. Regalado ang ganito:
“Hindi maaaring magkaroon ng tunay na tulang Tagalog kung walang tugma,
sukat at taludturan.”
Kung susundin ang pahayag na ito ni Regalado, tahasang
masasabing sa pagsusuri ng tula ay kailangan itong suriin kung tradisyunal o
moderno.
Sang-ayon naman kay Clodualdo del Mundo, “Ang tunay na tula ay
kailangang matigib ang damdamin, kinakailangang magana sa kabuuan nito,
sapagkat kung hindi mapupuno sa damdamin, kailanma’y hindi maaaring
mabitag sa mga taludtod nito ang isang kagandahan.”
Ayon naman kay Villafuerte (2008), “sa pagsusuri ng maikling
kwento, naniniwala siya na dapat suriin ang mga elementong taglay nito :
1. Ano ang pangalan ng pangunahing tauhan na kilala bilang si “Layo”?
a. Atty. Arellano Tolentino
b. Atty. Jaime Cansicio
c. Cong. Francisco De Pedro
d. Atty. Pedro Enriquez
2. Ano ang dahilan kung bakit ayaw bumalik ni Layo sa sariling bayan?
a. dagok ng buhay
b. malupit na karanasan
c. kabiguan sa pag-ibig
d. masayang ala-ala
62
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
3. Pang ilang panauhan ang paningin ang kwento?
a. unang panauhan
b. pangalawang panauhan
c. pangatlong panauhan
d. pag apat na panauha
4. Sino ang nag sasalaysay ng maikling kwento?
a. Tiyo Julio
b. Ising
c. Layo
d. Ben
5. Paano sinimuln ang Kwento?
a. Forshadowing
b. Dayalogo
c. Madulang pagpapahayag
d. Paglalarawan sa tagpuan
6. Saan inilibing si Layo?
a. San Isidro
b. San Roque
63
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
c. San Pedro
d. Sta. Maria
7. Sino ng napangasawa ni Layo?
a. Sedes
b. Iska
c. Carlota
d. Ising
8. Ano sa buhay ni Layo si Mang Ben?
a. Ama-amahan
b. Kapatid
c. Anak
d. Bilas
9. Ano ang Teyoryang nakapaloob sa kwentong “Sa Lupa ng Sariling
Bayan”?
a. Humanismo
b. Realismo
c. Naturalismo
d. Eksistensyalismo
64
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
10.Ano ang mensahe na nais iparating ng kwento?
a. walang hindi nagmamahal sa sariling bayan
b. pagkapoot sa sariling bayan
c. walang hindi uuwi sa sariling bayan
d. pagmamahal sa ating sariling bayan
11.Saan inihahalintulad ang tulang “Ang Guryon”?
a. Sa mga laruan
b. Sa mga halaman
c. Sa buhay ng tao
d. Sa mga hayop
12.Ano ang teyoryang nakapaloob sa nabasang tula?
a. Sosyolohikal
b. Imahismo
c. Klasismo
d. Romantisismo
13.Anu-ano ang mga katangian ng guryon na nabanggit sa tula?
65
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
a. Marupok at mataas
b. Masipag at mabait
c. Matulungin at matapat
d. Mapagmahal at mahabagin
14. Ilang saknong ang bumubuo sa tula?
a. Apat
b. Lima
c. Anim
d. Pito
15.Anong uri ng tugma ang ginamit sa tulang “Ang Guryon”?
a. A-b-c-d
b. Tugmaan
c. Karaniwan
d. Ganap
16.Sino ang nagsasalita sa tula?
a. Tatay
b. Nanay
c. Anak
66
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
d. Kuya
17.Ano ang mensaheng nais ipabatid ng ika-3 saknong ng tula?
a. Pagsisikap sa buhay
b. Tibayan ang loob sa anumang pagsubok
c. Pagpapahalaga sa magulang
d. Pakikibaka
18.Anong uri ng tula ang tulang “Ang Guryon”?
a. Tulang liriko
b. Tulang Narativ
c. Tulang pantanghalan
d. Tulang patnigan
19. Ilan ang sukat ng tula?
a. Lalabindalawahin
b. Lalabing-animin
c. Lalabing-waluhin
d. Wawaluhin
20.Anong uri ng taludtod ang ginamit?
67
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
a. Tradisyunal
b. Berso blangko
c. Malayang taludturan
d. Balagtasan
“PAGPALAIN NAWA KAYO NG POONG MAY KAPAL”
Panuto: Lagyan ng tsek ang bawat kolum na naayon sa inyong persepsyon.
Leyenda:
68
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
L - Lagi
M – Minsan
PM- Paminsan-minsan
MD- Madalang-dalang
H – Hindi
Mga Persepsyon L M PM MD H
1. Paggamit ng aming guro ng
pangganyak bago simulan ang
talakayan.
2. Naiuugnay sa aming buhay ang
tinalakay na tula at maikling kwento..
3. Pagkakaroon ng palitan ng ideya o
opinion sa paksang tinalakay.
4. Gumagamit ng konkretong
halimbawa ang aming guro sa
pagtalakay ng tula at maikling
kwento.
Apendiks B
69
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
Ang bahaging ito ay naglalaman ng mga instrumentong ginamit upang
masuri ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsusuri ng maikling kwento at
tula.
Tulang ginamit :
"Ang Guryon"
Ni: Ildefonso Santos
Tanggapin mo, anak, itong munting guryon
na yari sa patpat at papel de Hapon;
magandang laruang pula, puti, asul,
na may pangalan mong sa gitna naroon.
Ang hiling ko lamang, bago paliparin
ang guryon mong ito ay pakatimbangin;
ang solo't paulo'y sukating magaling
nang hindi mag-ikit o kaya'y magkiling.
Saka pag sumimoy ang hangin , ilabas
at sa papawiri'y bayaang lumipad;
70
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
datapwa't ang pisi'y tibayan mo, anak,
at baka lagutin ng hanging malakas.
Ibigin mo't hindi, balang araw ikaw
ay mapapabuyong makipagdagitan;
makipaglaban ka, subali't tandaan
na ang nagwawagi'y ang pusong marangal.
At kung ang guryon mo'y sakaling madaig,
matangay ng iba o kaya'y mapatid;
kung saka-sakaling di na mapabalik,
maawaing kamay nawa ang magkamit!
Ang buhay ay guryon: marupok, malikot,
dagiti't dumagit, saanman sumuot...
O, paliparin mo't ihalik sa Diyos,
bago pa tuluyang sa lupa'y sumubsob!
Maikling Kwentong ginamit:
71
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
Sa Lupa ng Sariling Bayan
Tagpuan:
San Roque, Quezon City, San Fernando,
Tauhan:
Layo - Atty. Pedro Enriquez
- Naulila ng Maaga sa magulang at inampon ng kanyang malupit at kuripot na
Amain na kapatid ng kanyang Ama.
- Nagsumikap at nagging isang tanyag na abugado sa Lungsod.
Tiyo Julio - Ang natitirang kamag-anak ni Layo
Ben - Ang Anak ni Tiyo Julio
Ising - Ang asawa ni Layo
Fe - Ang Anak ni Layo at Ising
Tata Indo - Kapatid ng Ama ni Layo. Ang malupit at kuripot na Amain na nag
ampon sa kanya.
Gallego - Pinaka mayaman sa San Roque at nagmamay -ari ng isang poultry.
Buod:
Bata pa lamang ay naulila na ito sa magulang. Kaya't Inampon ito ng
72
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
kanyang tiyuhin na si Tata Indo. Lahat ng pagmamalupit ay naranasan niya sa kamay ng
kanyang Amain. Kaya't siya'y nagsumikap na abutin ang kanyang pangarap. Naging
manunulat siya sa isang pahayagan sa kanilang bayan at sa gabi naman ay nag aaral
siya. Hanggang sa makatapos siya ng pag aaral at naging topnotcher. At naging isang
tanyang na abugado sa Maynila at nagkaroon ng isang malaking bahay sa quezon City.
At napangasawa niya si Ising na taga San Fernando at nagkaroon sila ng Anak. Sa
kabila nang kanyang katanyagan ay hindi nya pa rin malimutan ang sakit at sama ng
loob na dinanas nya sa san roque kahit na nangamatay na ang mga gumawa nito sa
kanya. At loob ng mahabang panahon ay hindi siya pumunta umuwi doon upang dalawin
ang puntod ng kanyang mga magulang. Hanggang sa isang araw ay lumapit sa kanya
ang Tiyo Julio niya upang magpatulong ukol sa lupa. Hindi naman ito nabigo sa paghingi
ng tulong kay Layo. Ikinagulat ng lahat nang malaman na mayroon siyang kanser. Labis
ang kalungkutang nadarama ng kanyang pamilya. Itinatago niya ang takot na
nararamdaman. Ipinipilit niya na huwag siyang ilibing sa san roque dahil sa galit at poot
na nararamdaman niya. Ngunit pinayuhan ito ni Tiyo Julio na sa kalaunan din ay
naintindihan niya at napatawad niya ang mga taong nagpahirap sa kanya noon. At Iniuwi
rin ang kanyang katawan sa San Roque at doon na rin inilibing.
Talasanggunian:
73
Pamantasan ng Cabuyao
Kolehiyo ng Pagtuturo
Villafuerte V., Panunuring Pampanitikan (Teorya at Pagsasanay), MEGA-JESTA PRINTS,INC. 9 Guyabano St., Antonio Subdivision, Dalandan Valenzuela City, p. 35.
E. T. da Silva, M. de Fátima Nunes, L. B. Santos, M. G. Queiroz, C. R. Leles
Article first published online: 29 DEC 2010 DOI: 10.1111/j.1600-
0579.2010.00669.x
Adu EO, Olatundun SO 2007. Teachers’ Perception of Teaching as Correlates of Students’ Academic Performance in Oyo State Nigeria. Essays in Education, 20: 57-63.