PagbasaDe Castro | Mandap | Masangkay | Ong | Pangan | Salvador1SLP
Pagbasa?Ito ay ang pagkilala at pagkuha ng mga
ideya at kaisipan sa mga sagisag na nakalimbag.
May iba’t-ibang dahilan kung bakit nagbabasa ang mga tao; upang maaliw o makakuha ng impormasyon
Naging mahalaga dahil sa “Knowledge Explosion”
Di lamang gawain pang-sensori, kung isang gawaing pangkaisipan
Pagbasa?May sinusunod na kronolohikal na
hakbang:1. Persepsyon/pagkilala sa nakalimbag na
simbolo2. Pag-unawa sa kaisipang nakapaloob3. Reaksyon/paghatol ng kawastuhan,
kahusayan, at halaga ng teksto4. Asimilasyon ng binasang teksto sa
karanasan ng mambabasa
KATUTURAN NG PAGBASAWalker | Manzo at Manzo | Vacca at Vacca
Ayon kay... Walker• Ang Pagbasa ay isang aktibong
proseso kung saan ang mambabasa ay:
Gumagamit ng iba’t ibang sanggunian ng impormasyon
Nililinaw ang kahulugan at istratehiya Winawasto ang interpretasyon Paggamit ng kontekstong sosyal
Ayon kay... Manzo at Manzo
• (Pagbasa) Isang magkakasabay na akto o gawain ng pagbasang literal, may pagpapakahulugan at may aplikasyon.
Ayon kay... Manzo at Manzo
Una, pagdedekod
a ng mga salita
Sunod, akto ng paglikha ng hinuha at pag-unawa sa mensahe
Huli, panghuhusg
a sa mensahe
Ayon kay...Vacca at Vacca
Antas ng Pag-unawa
Literal(Literal na pagbasa)
Interpretatibo(Pagbasa ng
may pag-unawa)
Aplayd(Pagbasa na
may aplikasyon)
SISTEMA NG HUDYATANSintaks | Semantiks | Pragmatiks | Grapoponiko
Sintaks – kayarian ng wikaSemantiks – kahulugan ng wikaPragmatiks – tuntunin ng lipunan
ukol kung alin ang katanggap-tanggap sa lugar
Grapoponiko – pag-uugnayan ng mga letra at tunog ng mga nito
MODELO NG PROSESO NG PAGBASA
Linggwistiko | Transaksyonal | Transaksyonal Sosyo-saykolinggwistiko
“In the head model” – Adams, inilalagay ang deskripsyon sa pagbasa sa isipan ng mambabasa
Autonomous model of reading – Bloome at Dail, nakikita ang pagbasa bilang awtonomus (malaya sa sosyal at kultural na praktis na bumubuo sa partikular na pangyayari)
K. Goodman – kinukunsidera ang kapwa proseso ng pagbasa at ang konteksto kung saan ito magaganap
Sreet at Bloome – ang kultural at sosyal na impluwensya sa praktis ng pagbasa at pagkatutong bumasa
Ang Pagbasa ay… Linggwistikong Proseso
K. Goodman Atheoretical reductionist – batay sa pananaw sa
pagbasa na “sequential word identification” “Copernican Revolution” – tawag sa naganap
nang nagsimula niyang ituring na isang linggwistikong proseso ang pagbasa
Kinilala ang pagbasa bilang isang aktibo, riseptibong proseso pangwika at ang mambabasa bilang tagagamit ng wika
Ang Pagbasa ay… Prosesong Sosyo-saykolinggwistiko
K. Goodman“If reading is making sense of
written language, then it is a psycholinguistic process: a theory of reading must include the relationship of thought and language”
Ang Pagbasa ay… Transaksyonal na Proseso
Louise Rosenblatt Ang kahulugan ay hindi nakasulat sa pahina upang
kunin ng mambabasa, sa halip, ang mambabasa ay aktibong nakikilahok sa paglikha ng personal na kahuluhan
Ang mambabasa ay gumagawa ng posisyon o pananaw habang nagbabasa
Estetikong pagbasao Nagpaphintulot na ipokus ang sarili sa damdamin
at mga imahe na nais ipahyag o palitawin ng teksto
Efferent na pagbasao Upang makaalala o makatanda o makalimot o alisin
ng bagay sa sarili
MGA URI NG PAGBASAEstilo | Paraan | Bilis
Scanning-paghahanap ng
tiyak na impormasyon-hindi hangad
ang kaisipan ng binabasa
-hal. Paghahanap ng kahulugan ng
isang salita sa diksunaryo
Skimming-pinakamabilis na pagbasa na nakakaya ng
isang tao-para makuha
ang pangunahing
ideya -ginagamit sa
pagpili ng aklat o magasin atbp.
Detalyadong Pagbasa-makuha ang
wasto at kinakailangang
mga impormasyon -binabasa ang bawat salita at may matutuhan
sa teksto-pagkatapos ng
skimming
Batay sa Paraan...Tahimik na Pagbasa
Mata lamang ang ginagamit
Walang tunog na maririnig
Pasalitang Pagbasa
Gumagamit ng bibig bukod sa mga mata
May tunog at pagsasalita
Batay sa Bilis...Study Speed
Pinakamabagal na pagbasa at ginagamit ito sa mahihirap na seleksyon
Kailangan gamitin lalo na kung susunod sa panuto o kailangang unawaing mabuti ang nilalaman ng dokumento
Matulin na Pagbasa
Ang mahahalagang bahagi lamang ng isang teksto ang binabasa.
Pinakamahalagang kasanayan ng isang ganap na mambabasa
AKTIBONG PAGBASA
Pagsasalungguhit&Paghahaylayt | Pagtatatala ng Key Word | Pagtatanong | Paglalagom
Pagsasalungguhit at Paghahaylayt
- kunin o markahan sa
palagay mo ang pinakamahalaga
ng bahagi ng binabasa
Pagtatala ng mga Key Word
- pagtatala ng pangunahing headline o ulo ng binabasa- maaaring
gumamit ng isa o dalawang
keyword sa bawat punto
Pagtatanong-bago magsimula
sa pagbabasa, isipin muna kung
anong mga tanong ang maaaring
sagutin ng teksto- mabisa ang
pagtatala ng mga tanong habang binabasa ang
teksto upang mas maunawaan pa ito
Paglalagom- sumandaling tumigil matapos mabasa ang bahagi ng teksto at siguraduhing ito ay
malinaw na naiintindihan
- matapos naman basahin ang buong
teksto ay i-skim muli ito at suriin kung
gaano kawasto ang ginawang
paglalagom at punan sa tingin ang
kakulangan nito
MGA TEORYA NG PAGBASA
Tradisyonal | Kognitibo | Metakognitibo
Tradisyonal na Pananaw
Dole et al. Ang baguhang mambabasa ay nakapagtatamo
ng isang set ng hirarkiyang nakaayos ng mga kasanayan na sekwensyal na nalilinang tungo sa kakayahang umunawa
Pagkatapos, maituturing na siyang eksperto na nakauunawa ng anumang kanyang babasahin
Ang mambabasa ay pasibong tagatanggap ng mga impormasyon sa teksto. Ang kahulugan ay nasa teksto at ang mambabasa ay kailangang lumikha ng pagpapakahulugan.
Tradisyonal na Pananaw
Nunanang pagbasa ay pagdedekoda ng
isang serye ng nakasulat na simbolo sa katumbas na awral sa paghahanap sa kahulugan ng teksto – tinawag na ‘bottom up’
Tradisyonal na Pananaw
McCarthy‘Outside-in’ – ang kahulugan ay
nasa nakalibag na pahina at binibigyang-interpretasyon ng mambabasa
Ito ay laging tinutuligsa dahil sa kahinaan nito at nakapokus lamang ito sa pormal na katangian ng wika, salita at estraktura.
Kognitibong PananawNunan at Dubin at Bycina‘top-down’ – isang tuwirang
kabaligtaran ng modelong ‘bottom-up’
Ang saykolonggwistikong model ng pagbasa at ang modelong top-down ay nasa angkop at wastong kaayusan.
Kognitibong PananawGoodmanPsycholinguistic guessing game –
ang mambabasa ay umuunawa sa teksto, gumagawa ng mga haypoteses atbp.
Kognitibong PananawRumelhartIskemata - ”building blocks of
cognition”, ginagamit sa pagbibigay –interpretasyon sa mga datos atbp.
Kung kulang daw ang ating iskema at hindi nagbibigay ng sapat na pag-uunawa sa mga datos mula sa teksto ay magkakaroon tayo ng suliranin sa proseso at pag-unawa sa teksto
Metakognitibong Pananaw
BlockMayroon na ngayong higit na pagtatalo sa
isyu:
“whether reading is a bottom-up, language-based process or a top-down, knowledge-based process”
Metakognisyon – ang kontrol ng isang mambabasa sa kanilang kakayahang umunawa sa isang teksto, kaugnay dito ang pag-iisip ukol sa gawaing isinasagawa ng mambabasa habgang nagbabasa
Metakognitibong Pananaw
Klein et alAng istratehikong mambabasa ay
nagtatangkang gawin ang mga sumusunod:
• Pagtukoy sa layunin ng pagbabasa• Pagtukoy sa anyo o tipo ng teksto bago bumasa
• Pag-iisip sa pangkalahatang karakter at katangian ng anyo o tipo ng teksto
Metakognitibong Pananaw• Pagtitiyak sa layunin ng awtor sa pagsulat
• Pamimili, pagiiskan at detalyadong pagbabasa
• Panghuhula sa kung ano ang maaraming maganap, batay sa mga nakuhang kaalaman.
MGA KASANAYAN SA PAGBASA AT PAGSULAT
A. Pagbasa para sa Pangunahing Ideya
nakasusulat ng mga talata ang mga awtor sa pamamagitan ng pagtalakay sa isang ideya
inilalahad ng manunulat ang kanilang pangunahing ideya sa loob ng talata-- sa panimula, sa gitna, o sa wakas
ang pangungusap na naglalahad ng pangunahing ideya ay ang pamaksang pangungusap
ngunit minsan ay hindi inilalahad ang pangunahing ideya, kung kaya inaasahan na matutuklasan ito ng mambabasa
Pagtukoy sa Pagkakaiba ng Pangunahing Ideya at Tiyak na Detalye
upang matukoy ang pangunahing ideya ng isang talata, marapat lamang na matukoy ang pagkakaiba ng pangunahing ideya sa mga tiyak na detalye
Pagtukoy sa Pangunahing Ideya ng Talata: Pasaklaw at Pabuod
mahalaga ang matukoy ang pangunahing ideya ng isang talata o alin mang bahagi ng impormasyon sa pagbabasa
Mga estratehiya sa pagtukoy ng pangunahing ideya:
Pagtukoy sa paksa- tungkol saan ang talata o bahagi ng impormasyon?
Mag-usisa habang binabasa ang bawat detalye: paano sila nagkakaugnay sa bawat isa? Ano ang kahulugan o ibig ipahayag ng mga detalye ukol sa paksa? Ano ang punto ng awtor?
Mag-usisa habang binabasa ang talata: may pangungusap bang naglalahad ng pangunahing ideya?
Pagtukoy sa Pangunahing Ideya ng Pasaklaw na Talata
ang pasaklaw na talata ay nagsisimula sa pamaksang pangungusap at sinusundan ng mga detalyeng sumusuporta dito
ito ay isang maayos na disenyo ng pagsulat
ginawa itong mabilis at madali sapagkat ang pangunahing ideya ay inilalahad sa unahan upang gumabay sa pagbabasa ng talata
Pagtukoy sa Pangunahing Ideya Pabuod na Talatanaglalahad ng mga detalye at
binibigay ang pangunahing ideya sa hulihan nito
sa ganitong talata ay kailangan iugnay ang mga bagong detalye sa naunang inilahad sa talata
B. Pagkilala sa mga Detalye
ang mga detalye ay tumutulong upang matukoy ang punto ng awtor
ngunit mga ibang detalye naman na bagamat tumutukoy sa pangunahing ideya ay hindi mahalaga sa pagtukoy ng punto; nagsisilbi lamang itong palaman upang makadagdag interes sa mambabasa
Pagtukoy sa Mahalagang Detalye
sa pagbabasa, mahalagang matukoy ang mga detalyeng sumusuporta sa puntong nais ipahayag ng awtor
ang karaniwang istratehiya dito ay ang tanungin ang sarili
ang pag-uuri ng pinakamahalagang sa hindi gaanong mahalagang detalye ay isang patid na proseso
Aproksimasyon ng mga Detalyeng may kaugnay sa Bilang
may ilang talata na nilalahukan ng mga detalyeng may kaugnay sa bilang
inilalahad ito upang suportahan ang pangunahing ideya
ang isang istratehiya dito ay tingnan ang akma at hustong bilang at gumawa ng pagtatantiya
C. Paghahambing, Paghihinuha, Pagbibigay ng Konklusyon at Paghatol
Paghahambing• dito nakukumpara ang dalawa o higit
pang aytem at pagkatapos ay inaalam ang pagkakatulad ng pagkakaiba ng bawat isa
• ang istratehiya sa paghahambing ay:1. tukuyin ang mahalagang katangian ng bawat aytem na pinaghahambing2. itanong kung saan sila nagkakatulad3. itanong kung saan nagkakaiba?
Paghihinuhasa paghihinuha, kinukuha ang amg
hudyat o palatandaan mula sa pahayaginiuugnay ang mga hudyat na ito sa mga
bagay na nalalaman na at bumubuo ng ideya na ang teksto ay lunsaran lamang at ang awtor ay hindi tuwirang namumungkahi
ang istratehiya dito ay:Itanong kung ano ang iminimungkahi ng awtor mula sa mga katotohanan na kanyang ibinigay? Ano ang nababasa mo? Ano ang kanyang nais ipahayag?
Paggawa ng Kongklusyon ito ang paglinang ng kongklusyon batay sa
mga impormasyong ibinigay; paglalahat ukol sa paksa
ito ay batay sa mga hinuha at paghahambing na nagawa
ang pangunahing tanong dito ay: Anong panlahat na ideya ang aking mabubuo batay sa mga impormasyong ibinigay? Anu-anong detalye ang sumusuporta sa iyong kongkusyon?
sa paggawa ng kongklusyon ay kinukuha ang pinakakahulugan ng mga bagay-- ano ang mahalaga, bakit ito mahalaga, paano nakaapekto ang isang pangyayari sa isa pa
Paghatolsa paggawa ng hatol, pinagpapasyahan kung
ang isang kilos ay tama o mali, mabuti o masama, makatarungan o hindi
ang istratehiya sa paggawa nito ay ang mga tanong na:1. sang-ayon ba ako sa puntong nais ipahayag sa seleksyon? Bakit? At bakit hindi?2. Naniniwala ba akong makatotohanan o di makatotohanan, masama o mabuti, makatarungan o hindi ang kilos na inilarawan sa seleksyon?3. Ang mga impormasyon bang inilahad ay wasto o tumpak?4. Ang seleksyon ba ay malinaw na nakasulat? Ang organisasyon ba ang talata ay lohikal?
D. EstiloNangangahulugan ng paraan kung paano
ipinahahayag ng awtor ang kanyang sarili – sa paraang kung paano pinipili at ginagamit ang mga salita, bantas, pangungusap, at mga talata upang magbigay ng kahulugan.
Elemento ng Estilo“Writers Guide and Index to English” – Porter Perrin:1. Debelopment ng mga ideya: ang paraan g
paglinang ng awtor ng kanyang naiisip.2. Kalidad ng tunog: ang tunog ng salita kung
binabasa nang malakas.3. Elementong biswal: ang paggamit ng
awtor ng espasyo at hugis upang magbisay ng kahulugan.
4. Mga pangungusap: paraan ng pagkakabuo ng mga pangungusap.
Elemento ng Estilo5. Mga Salita: paraan ng pagpili ng awtor ng
mga salita6. Imahen: ang larawang-diwang ipininta ng
awtor sa mga salita7. Tayutay: masining na paggamit ng mga
salita8. Alusyong Literari: paggamit ng mga
kaugnay na literatura.
E. Tono at MoodTono – ang paraan ng manunulat upang iparamdam ang kanyang nadarama- Maaaring mapangahas o matatalim,
naghahamon, nakatatawa atbp.- Nagsisilbing repleksyon sa pag-uugali ng
awtor sa kanyang akda- Ang paraan ng pagpili ng mga salita ng
awtor ay tumutukoy din sa tono
Mood- Damdaming ipinadarama- Ang istilo at tono ang nagseset ng mood
maaaring masaya o malungkot, positibo o negatibo atbp.
PAGBASA NG MGA SULATING NAGBIBIGAY-KATUTURAN AT NAGPAPALIWANAG
Sulating Nagbibigay-Katuturan
Sulating Nagpapaliwanag
ANG PAGBASA NG SULATING NAGLALARAWAN AT NAGSASALAYSAY
Sulating Naglalarawangumagamit ang awtor ng mga salita
upang bigyang larawan ang isang bagay – tao, pangyayari o kahit na ang nadarama. Sa paglalarawan, ipinahahayag ng awtor ang pinakamahalagang katangian ng bagay na tinatalakay.
Karaniwang Paglalarawan-kailangang maging wasto at tumpak kagaya ng paglalarawan sa mga aparato o organism.Malikhaing Paglalarawan-paglalarawang ginagamit sa mga tula at literature
Istratehiya sa Mabisang Paglalarawan1. Magmasid at maging mapagmasid.2. Gumawa ng isang paglalarawan mula sa
isang mainam na anggulo.3. Kalimitan, mainam na ibigay muna ang
larawan o impresyon sa isang tao o bagay batay sa unang sulyap dito.
4. Pagpasyahan kung ano ang nais na gawin5. Pagpasyahan kung ilan at ano sa mga
detalye ang makakatulong upang maging ganap na maliwanag ang inilalarawan.
Istratehiya sa Mabisang Paglalarawan
6. Isaayos ang mga detalye ayon sa pagkakasunod-sunod ng pagmamasid.
7. Upang higit na maging maliwanag ang inilalarawan, gumamit ng mga pangngalan, pandiwa, pang-abay, tayutay at paghahambing.
8. Gumamit ng mga pang-ugnay.9. Kung maaari, gawing kumikilos ang
paglalarawan.10.Wakasan ang paglalarawan sa pamamagitan
ng isang pangunahing detalye o kaya’y isang mabisang hinggil sa pangunahing damdamin o impresyon.
Paglalarawan sa Isang Aparato- ito ay paglalarawan sa teknikal na mga bagay na nagbibigay ng impormasyon hinggil sa mga produkto o mekanismo para sa mga taong gagamit, bibili, magpapatakbo o magaasemble nito.
Layunin ng PaglalarawanHalimbawa:- Ginagamit ng mga manufacturer ang
paglalarawan upang ipagbili ang kanilang produkto.
- Ginagamit rin sa anumang negosyo o konstruksyon bago nito aprubahan ang aplikasyon ng utang.
- Pag kinukuha ng nars ang oras-oras na kondisyon o kalagayan ng pasyente.
Espisipikasyon- nagtatagubilin sa istandard ng paggamit,
kaligtasan at kalidad ng produkto. Sa lahat ng produkto, ganito ang nakalahad sa ispesipikasyon
- ang pamamaraan sa paggawa o paglalagay ng produkto
- mga materyales at kagamitang gagamitin- ang laki, hugis, at bigat ng produkto
Apat na Elemento sa Istratehiyang ng Matagumpay na Pagbabasa ng Makatotohanang Pagsasalaysay1. Pagtukoy sa Kronolohiya ng mga Pangyayari• Petsa• Mga salitang nagpapahayag ng pagkakasunod-
sunod2. Pagkilala sa Pagkakaugnayang Sanhi at Bunga
ng mga Pangyayari3. Pag-uugnay nga mga Pangyayari sa Ibang
Magkakatulad o Magkakaibang Pangyayari4. Pag-unawa sa Kahalagahan ng mga
Pangyayari
LIMANG DIMENSION NG PAGBASA
Una | Ikalawa | Ikatlo | Ikaapat | Ikalima
Dimension ng Pagbasa1. Pag-unawang literal2. Pag-unawang ganap sa mga kaisipan ng
may-akda lakip ang mga karagdagang kahulugan
3. Pagkilatis sa kahalagahan ng mga kaisipan ng kabisaan ng paglalahad
4. Pagsanib ng mga kaisipang nabasa at ng mga karanasan upang magdulot ng bagong pananaw at pagkaunawa
5. Paglikha ng sariling kaisipang ayon sa mga kasanayan at kawilihan sa binasang seleksyon
ISTRATEHIYA SA INTERAKTIB NA PAGBABASA
Pagtatanong | Paghuhula | Paglilinaw | Pag-uugnay | Pag-huhusga
Mga Istratehiya sa Interaktib na Pagbasa
Teoryang interaktib -> pagbabasa = proseso at hindi produkto(Bernales, et al, 2006)
Interaktib na mambabasa = interaksyon sa awtor, tekssto, at sarili
Mga Istratehiya sa Interaktib na Pagbasa
Mga istratehiya:• Pagtatanong – bumuo ng isipan hinggil sa
teksto, ukol sa nilalaman, bokabularyo, o kayariang balagtas
• Paghuhula – hulaan ang sagot sa mga tanong,
• Paglilinaw – linawin ang hinulaan mula sa tanong
• Pag-uugnay – pag-ugnay ng teksto sa sariling karanasan
• Pag-huhusga – husgahan ang element ng teksto