-
9
Filipino Ikalawang Markahan - Modyul 7:
Mga Akdang Pampanitikan sa Silangang Asya: DULA
Zest for Progress Zeal of Partnership
Name of Learner: ___________________________
Grade & Section: ___________________________
Name of School: ___________________________
Republic of the Philippines
Department of Education Regional Office IX, Zamboanga
Peninsula
-
Filipino – Ikasiyam na Baitang Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 7: Mga Akdang Pampanitikan sa Silangang
Asya:Dula
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi
maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot
ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga
akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula,
atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari
ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang
anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag
sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
InilimbagsaPilipinas ng
Department of Education – Region IX – Dipolog City Schools
Division
Office Address: Purok Farmers, Olingan, Dipolog City
Zamboanga del Norte, 7100
Telefax: (065)212-6986 and (065) 212-5818
E-mail Address: [email protected]
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Roisa R. Natividad at Zenaida Sebumpan
Editor: Lea Jane T. Lañoso/ Alma R. Santiago, MT-1
Tagasuri: Alma R. Santiago, MT-1
Tagalapat: Jessa Rose D. Ajero
Tagapamahala:
Virgilio P. Batan, Jr., CESO VI – Schools Division
Superintendent
Lourma I. Poculan – Asst. Schools Division Superintendent
Amelinda D. Montero – Chief Education Supervisor, CID
Nur N. Hussien – Chief Education Supervisor, SGOD
Riela Angela C. Josol – Education Program Supervisor -
Filipino
Ronillo S. Yarag – Education Program Supervisor, LRMS
Leo Martinno O. Alejo – Project Development Officer II, LRMS
-
Alamin
Ikaw ay inaasahang makamtan ang mga karunungang:
Nauuri ang tiyak na bahagi at katangian ng isang dula batay
sa
napakinggang diyalogo o pag-uusap(F9PN-IIg-h-48) Nasusuri ang
binasang dula batay sa pagkakabuo at mga elemento nito
(F9PB-IIg-h-48) Napaghahambing ang mga napanood na dula batay sa
mga katangian at
elemento ng bawat isa (F9PD-IIg-h-48) Naisusulat ang isang
maikling dula tungkol sa karaniwang buhay ng isang
pangkat ng tao sa ilang bansa sa Asya (F9PU-IIg-h-51) Nagagamit
ang mga angkop na pang-ugnay sa pagsulat ng maikling dula
(F9WG-IIg-h-51)
Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap
Naipamalas ng mga mag-aaral ang pag-
unawa sa mga piling akdang tradisyunal ng
Silangang Asya.
Ang mag-aaral ay nakasusulat ng sariling
akda na nagpapakita ng pagpapahalaga sa
pagiging isang Asyano
Magandang araw! Ikaw ay aking binabati sapagkat
masaya akong ibahagi sa’yo ang bagong kaalaman
na aking hatid. Maglakbay tayo sa panibagong paksa
na ating tatalakayin! Handa ka na ba?
1
-
Balikan
Modyul
7 DULA – ANG MUNTING PAGSINTA
Sanggunian:https://www.edrawsoft.com/share-graphic-organizer.php
Ang Mongolia ay nasa border ng Tsina at Russia. Bahagi ito ng
pinakamalaking kontinente sa buong mundo, walang iba kundi ang Asya
o Asia sa Ingles. Ang mga
nakatira dito ay may mga medyo singkit na mata. Maraming isport
na makikita at
matatagpuan sa bansang ito. Ang ilan sa kanila ay lumalaban sa
mga internasyonal na
mga kumpetisyon sa iba't ibang bansa.
Ang pamumuhay sa bansang Mongolia ay natatangi sanhi ng lokasyon
nito. Ito’y
nakapagitan sa bansang Siberia at China at napapalibutan ng mga
disyerto at mga ilog.
Ang Mongolia ay binubuo ng iba’t ibang tribo at karaniwang
namumuhay silang mga
lagalag. Ang kalagayang ito ay masisilayan sa kanilang
panitikan.
Sanggunian: Panitikang Asyano 9
Minsan ang tao ay parang lugar na maari mong balikan
kahit na sinukuan mo na. Gayundin sa ating paksa,
tingnan nga natin kung naalala niyo pa ba ang tinalakay
sa ating modyul. Ibalik natin ang dapat ibalik.
KAHON NG PAGBABALIK TANAW!
Panuto: Ilagay sa kahon ang iyong kaalaman tungkol sa
maikling
kwento na tinalakay sa nakaraang modyul
MAIKLING
KWENTO
2
https://www.edrawsoft.com/share-graphic-organizer.php
-
Tuklasin
Sa ngayon bago tayo magsimula, magkakaroon muna tayo ng
isang
laro na tinatawag nating 4 PICS 1 word. Pamilyar ba kayo sa
larong ito?
Tara na’t maglaro!
A. Tingnan ang mga larawan sa ibaba. Pansinin kung ano ang
mga
ipinapakita nito. Handa ka na bang maglaro? Simulan na!
Pagkatapos
sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.
1.Ano ang nais ipinapahiwatig sa larawan?
___________________________________________________________________________
2. Tungkol saan kaya ang mga larawan?
___________________________________________________________________________
3. Batay sa mga larawan, saan kadalasan ito ginaganap?
___________________________________________________________________________
4.Paano mo mailalarawan ang pangyayari na makikita sa larawan
___________________________________________________________________________
3
-
Suriin
Ano nga ba ang dula?
Sa palagay mo, tama kaya ang iyong sagot? May
ideya ka na ba sa ating paksa
ngayon? Kung ganun
magsimula na tayo.
Sa bahaging ito ng modyul,madagdagan ang iyong kaalaman
tungkol sa paksang-aralin upang mas maintindihan mo kung
saan ito napapatungkol.
Ang dula ay isang uri ng panitikan at naiiba dahil hindi ito
isinulat para lamang basahin kundi itanghal. Ito ay nagsimula sa
tula o tuluyang pangungusap na naglalarawan ng
buhay o ugali sa pamamagitan ng mga usapan at kilos ng mga
tauhang gumaganap upang itanghal sa dulaan. Mahalagang tandaan ng
bawat dula ay may panimula, gitna at katapusan.
Elemento ng Dula
1. Iskrip
▪ pinakakaluluwa ng isang dula ▪ lahat ng bagay na
isinasasaalang-alang sa dula ay naayon sa isang iskrip
▪ walang dula kapag walang iskrip
2. Gumaganap o Aktor ▪ ang mga actor o gumaganap ay nagsasabuhay
sa mga tauhang nasa iskrip.
▪ sila ay bumibigkas ng diyalogo. ▪ sila ang nagpapakita ng
iba’t ibang damdamin.
▪ sila ang pinanonood na tauhan sa dula.
3. Tanghalan ▪ Anumang pook na pinagpasyahang pagdausan ng isnag
dula ay tinatawag na
tanghalan.
4. Direktor ▪ Ang direktor ang namamahala at nagpapakahulugan sa
isang iskrip ng dula.
▪ Siya ang nagbibigay buhay sa iskrip mula sa pagpasiya sa
kaayusan ng tagpuan ng kasuotan ng mga tauhan hanggang sa paraan ng
pagganap at pagbigkas ng mga
tauhan
5. Manonood
▪ Sa kanila inilalaan ang isang dula ▪ Sila ang sumasaksi sa
pagtatanghal ng mga aktor
6. Diyalogo
▪ Ito ay may dalawang katangian: una, ito ay ginagamit upang
maipaalam sa manonood o mambabasa ang mga nangyayari na ang mga
mangyayayei pa at kasalukuyang
nagaganap sa isip at damdamin ng tauhan, ikalawa, ang pagbitiw
ng diyalogo ay kinakailangan malakas kaysa normal na
pagsasalita.
7. Tema
▪ pinakapaksa ng isang dula
4
-
Bahagi ng Dula
1. Yugto – ito ang bahaging pinanghahati sa dula. Inilalahad ang
tabing bawat yugto upang makapanghina ang mga natatanghal gayon din
ang nanonood.
2. Tanghal – kung kinakailangang magbago ang ayos ng tanghalan,
ito ang ipinanghahati
sa yugto. 3. Tagpo – ito ang paglabas masok ng mga tauhang
gumaganap sa tanghalan.
Upang mas maging maganda ang daloy ng pagsulat ng isang iskrip
ng dula, maari
tayong gumamit ng mga angkop na pang-ugnay. Upang maiwasan ang
paulit-ulit na
paggamit ng mga salita.
Ano nga ba ang Pang-ugnay?
▪ Anumang salitang nag-uugnay sa mga salita, parirala, sugnay at
pangungusap gaya ng
pangatnig, pang-angkop at pang-ukol ▪ Ang pang-ugnay ay ang
salita na nagpapakita ng relasyon o kaugnayan ng dalawang
yunit sa pangungusap.
PANGATNIG ▪ Ang tawag sa mga kataga o salitang nag-uugnay sa
dalawang salita, parirala o sugnay na
pinagsusunod-sunod sa pangungusap.
▪ Halimbawa ng pangatnig ay at, pati, nang, bago, habang, upang,
sakali, kaya, kung gayon at iba pa.
Halimbawa:
1. Si Rossy ay nagsusunog ng kilay upang makakuha ng maraming
medalya. 2. Habang tumatagal ang COVID-19 lalong nahihirapan ang
mga tao sa kanilang
paghahanap-buhay.
PANG-ANGKOP ▪ Katagang nag-uugnay sa panuring at salitang
tinuturingan. May dalawang pang-angkop
na itinuturing sa Filipino ang na at ng
▪ Ang na ay ginagamit kapag ang salitang sinusundan ay
nagtatapos sa katinig maliban sa
titik n. Halimbawa:
1. Mabait na ate. 2. Matamis na tsokolate.
▪ Ang ng ay idinurugtong sa salitang inaangkupan. Ginagamit ito
sa mga salitang nagtatapos sa patinig.
Halimbawa:
1. Mapag-arugang ama si Ben sa kaniyang pamilya. 2. Isang
napakagandang binibini si Angela.
PANG-UKOL
▪ Ang tawag sa mga kataga o salitang nag-uugnay sa isang
pangngalan at sa iba pang salita sa pangungusap.
▪ Ng, ni,nina, kay/kina, laban sa/kay, ayon sa/kay, para sa/kay,
alinsunod sa/kay,hinggil sa/kay at tungkol sa/kay.
Halimbawa: 1. Ang pinakamainit na balita ngayon ay ang tungkol
sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.
2. Gumawa ng tula si Max para sa kanyang nobya na si Gel.
5
-
Pagyamanin
Ngayon dahil naintindihan mo na ang ating tinalakay. Meron
akong
inihandang mga gawain na tiyak makakatulong upang mas tatatak
sa
iyong isipan ang kaalaman. Bago tayo tutungo sa Gawain,
babasahin
muna natin ang dula na may pamagat na Munting Pagsinta na
hinalaw
ni Mary Grace A. Tabora sa pelikula ni Sergei Bordov na mula sa
Mongolia.
MUNTING PAGSINTA
mula sa pelikulang Mongol: The Rise of Genghis Khan ni Sergei
Bordrov Hinalaw ni Mary Grace A. Tabora
Mga Tauhan:
Temüjin - anak ni Yesügei na mula sa Tribong Borjigin
Yesügei - ama ni Temüjin Borte - isang dalaginding na taga -
ibang tribo
Tagpuan: Kawangis ng madilim na kalangitan ang nadarama ng
magiting na mandirigmang naninimdim sa takbo ng kapalarang sinapit
na nakatalungko sa isang
sulok ng makipot at karima-rimarim na piitan.
Temüjin: Anong saklap na mapiit sa kulungang malupit? Ito ay
silid ng kalungkutan. Tila kailan lamang nang kasa-kasama ko si Ama
. . . .
Yesügei: Temüjin, bilisan mo na riyan. Kailangan nating
magmadali? Temüjin: Bakit Ama?
Yesügei: Malayo ang ating lalakbayin. Kailangang huwag tayong
magpatay-patay.
Mahalaga ang ating sasadyain. Temüjin: Naguguluhan ako sa iyo
Ama. Kanina ka pa nagmamadali at sinasabing
mahalaga ang ating sadya sa ating pupuntahan? Ano ba iyon?
Yesügei: Ika’y siyam na taong gulang na, sa edad mong iyan Temüjin
ay dapat ka nang
pumili ng iyong mapapangasawa. Temüjin: Itay ako’y masyado pang
bata para sa bagay na iyan. Ang kasal ay sa matatanda
lamang. Yesügei: Aba’t ang batang ito, hindi naman ibig sabihin
na kapag nakapili ka na ng
babaeng pakakasalan mo ay magsasama na kayo. Isang simpleng
pamimili lamang ng
babae ang gagawin mo at pangakong siya’y iyong pakakasalan.
Temüjin: Ganoon po ba iyon?
Yesügei: Oo, anak. Tayo’y nabibilang sa Tribong Borjigin kaya’t
ikaw ay pipili ng babaeng mapapangasawa sa Tribong Merit.
Temüjin: Bakit sa Tribong Merit siya kailangang magmula? Hindi
naman iyon ang ating tribo.
Yesügei: Malaki ang atraso ko sa tribo, kaya’t sa ganitong
paraan ako’y makababawi sa
kanila. Temüjin: Sa tingin mo ba Ama sa ating gagawin ay
kalilimutan na nila ‘yon nang ganoon
na lamang? Yesügei: Hindi ko alam. Tingnan natin kung ano ang
mangyayari. Mas mabuting may
gawin akong paraan kaysa sa wala. Temüjin: Kung iyan po ang sa
tingin ninyo’y tama. Tagpo: Sa maliit na nayong liblib na
kinatatayuan ng ilang kabahayan.
Yesügei: Temüjin, magpahinga muna tayo. Temüjin: Mabuti ‘yan
Ama. Napagod na rin ako. Gagalugarin ko lamang ang paligid.
Yesügei: Huwag kang lalayo at mag-iingat ka. Tagpo: Mapapadpad
si Temüjin sa isang dampa kung saan nakatira ang dalaginding na
si
Borte. Mabibigla siya sa di inaasahang pagbagsak ng pinto ng
kanilang kusina na likha ng aksidenteng pagkabuwal ni Temüjin.
Borte: Aaay! May magnanakaw!
6
-
Temüjin: Shhh (Tatakpan ang bibig ni Borte). ‘Wag kang sumigaw,
wala akong gagawing
masama. Borte: (Pipiliting magsalita kahit nakatakip ang
bibig.)
Temüjin: Tatanggalin ko ang pagkakatakip ng bibig mo kung
mangangako kang hindi ka na mag-iingay. Magtiwala ka sa akin hindi
ako masama (Habang dahan-dahang inaalis
ang kamay sa bibig ni Borte.) Borte: (Sa isang mahinang tinig)
Bakit kita paniniwalaan? Di naman kita kilala.
Temüjin: Kahit di mo ako kilala, kaya kong patunayan sa iyo na
ako’y mabuti. Borte: (Mariing pagmamasdan si Temüjin) Aber paano mo
patutunayan ‘yang sinasabi mo? Sige nga! (Taas noo)
Temüjin: Basta ba di mo ako pagtatawanan sa sasabihin ko sa
iyong patunay. Borte: Tingnan natin.
Temüjin: (Tila seryosong nag-iisip na may ngiti sa labi) Borte:
Anong nginingiti mo riyan? Sabi mo ‘wag akong tatawa, ikaw lang
pala ang tatawa.
Temüjin: Heto na, handa ka na ba?
Borte: Kanina pa, ang bagal mo naman. Temüjin: Nais ko
sanaaaannnng (magkakandautal) sa…sanang ikaw ang babaeng
mapangasawa ko. (Mababa ang tono) Borte: Siraulo ka ba? Niloloko
mo ako no? Kabata-bata pa natin.
Temüjin: Seryoso ako. Ano payag ka ba? Borte: Ganon-ganon lamang
ba iyon?
Temüjin: Alam kong mahirap akong paniwalaan, hayaan mong
ipaliwanag ko sa iyo. Kasama ko si Itay, kami’y papunta sa tribo ng
mga Merit upang pumili ako ng aking
mapapangasawa. Ngunit ikaw ang ibig ko, ikaw ang pinipili
ko.
Borte: Anong mayroon sa akin, bakit ako ang pinili mo? Temüjin:
Di ko rin alam. Ang tanging alam ko lamang ay ito ang ibinigay ng
pagkakataon
sa akin. Ikaw ang aking nakita. Kaya naman pagbigyan mo na ako.
Hindi naman ibig sabihin na pumayag ka ay pakakasal na tayo.
Borte: (Di pa rin makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari) Di ko
malaman kung ano ang dapat kong sabihin sa iyo. (Nag-aalangan)
Pero… sige na nga.
Temüjin: Salamat sa iyo, ako’y labis mong pinaligaya. Asahan
mong hindi ka magsisi sa
iyong desisyon. Borte: (Nahihiya at halos di makapagsalita)
Paano na ngayon?
Temüjin: Siyempre tuloy pa rin ang buhay natin. (Masuyo ang
pagkakatingin kay Borte) Pero darating ang panahon na tayo’y
mamumuhay sa iisang bubong. Magkatuwang na
aarugain ang ating mabubuting anak. Borte: Matagal pa iyon.
Temüjin: Oo, pangako babalikan kita pagkatapos ng limang taon.
Halika puntahan natin
si Ama. (Kukunin ang kamay ni Borte.) Tagpo: Magkahawak kamay na
naglalakad sina Temüjin at Borte sa paghahanap sa ama
kay Yesügei na kanilang makikita nanakatunghay sa ilog. Temüjin:
Ama!
Yesügeii: (Mapapaharap at magpapalipat-lipat ang tingin sa
dalawa pati sa kanilang kamay) Anong…Sino siya…Bakit?
Temüjin: Ama, siya po ang babaing napili ko. Si Borte.
Borte: Magandang hapon po. Kumusta po kayo? Yesügei: Pero…
Temüjin: (Agarang magsasalita) Paumanhin po sa pagdedesisyon ko
nang di nagpapaalam sa inyo pero buo po ang loob ko sa aking
ginawa. Sana’y maunawaan n’yo
po ako. Yesügei: Ganang desidido ka na, sino ba ako para
di-sumang-ayon sa iyong kagustuhan.
Ang iyong buhay naman ang nakataya rito. (Matiim na titingnan si
Borte) Okay lang ba sa iyo?
Borte: Opo!
Yesügei: Kung gayon, halina kayong dalawa at kausapin natin ang
mga magulang mo Borte. Matapos makipagkasundo sa mga magulang ni
Borte, ang mag-ama ay naglakbay
pauwi sa kanilang dampa sa malayong nayon ng Mongolia. (Si
Temüjin ay si Genghis Khan.)
7
-
GAWAIN: Palawakin Mo!
Panuto: Sagutin at ipaliwanag ang mga tanong na nasa loob ng
graphic organizer.
Isaisip
Gawain F: Try mong sagutin!
1. Paano nakakatulong ang paggamit ng mga angkop na pang-ugnay
sa mga
pangungusap?
2. Ano ang sangkap ng mabisang dula?
3. Paano nakakatulong ang mga elemento ng dula?
Mongol: Ang Magandang Kapalaran ni Temujin
Angkop ba ang lugar
na pinangyarihan sa
dula? Ipaliwanag.
Malinaw ba ang iskrip
diyalogo/tagpuan tauhan na matatagpu-
an sa dula? Ipaliwanag.
Masasabi mo bang totoo
ang pagganap ng mga tauhan batay sa kanilang
diyalogo? Ipaliwanag.
Makikita ba sa dula ang karaniwang pamu
muhay ng mga tao?
Ipaliwanag.
Maihahalintulad mo ba sa iyong buhay ang
mga pangya-yaring makikita sa dula?
Patunayan.
8
-
Isagawa
Gawain: Buhay Mo! Itala Mo!
Magtala ng mga mahahalagang pangyayari na hindi mo makakalimutan
sa iyong
buhay at tukuyin kung saang bahagi at katangian ng dula ito
naayon.
Tayahin
Paalala: Basahin ang mga sumusunod na pahayag bago sagutan ang
bawat bilang.
Gawin ito sa sagutang papel o kuwaderno.
Para sa 1-5: Suriin ang mga pahayag sa ibaba ayon sa elemento ng
dula. Piliin sa
loob nag kahon ang tamang sagot.
1.
2.
Isang maligayang pagbati dahil malapit mo ng matapos ang modyul
na
ito. Pero bago iyan, susubukin muna natin ang iyong kakayahan
sa
pagsulat.
1.
2.
3.
4.
5.
1.
2. 3.
4.
5.
“Naguguluhan ako sa iyo ama. Kanina ka pa nagmamadali at
sinasabing
mahalaga ang ating sadya sa ating pupuntahan? Ano ba iyon? .”
“Ita’y ako’y masyado pang bata para sa bagay na iyan. Ang kasal ay
sa
matatanda lamang.”
“Bakit sa tribong Merit siyang magmula? Hindi naman iyon
angating tribo?”
Mahalagang
Pangyayari sa
Buhay
Bahagi o Katangian
ng Dula
“Mapadpad si Temujin sa isang dampa kung saan nakatira ang
dalaginding na
si Borte. Mabibigla siya sa di inaasahang pagbagsak nag pinto ng
kanilang
kusina na likha nag aksidenteng pagkabuwal ni Temujin.”
a. tauhan/aktor b. iskrip c. diyalogo d. tagpuan/tanghalan
e. manonood f. tema g. direktor
9
-
3.
4.
5.
Para sa aytem 6-9 Analohiya
Panuto: Basahing mabuti ang nasa ibaba at piliin ang angkop na
elemento ng dula na naaayon nito.
6.
7.
8.
9.
Temujin: Alam kong mahirap akong paniwalaan, hayaan mong
ipaliwanag ko sa iyo. Kasama ko si Itay, kami’y papunta sa tribo ng
mga Merit upang pumili
ako nag aking mapapangasawa. ngunit ikaw ang ibig ko, ikaw ang
pinipili ko. Borte: Anong mayroon sa akin, bakit ako ang pinili mo?
Temujin: Di ko rin alam. Ang tanging alam ko lamang ay ito ang
ibinigay ng
pagkakataon sa akin. Ikaw ang aking nakita. Kaya naman pagbigyan
mo na ako. Hindi naman ibig sabihin na pumayag ka ay pakakasal
tayo.
Borte: (Di pa rin makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari) Di ko
malaman kung ano ang dapat kong sabihin sa iyo. (Nag-aalangan)
Pero…sige na nga.
“Ang pag-aasawa ay hindi isang laro na maari mong talikuran
kapag
ika’y nagsawa na sapagkat ika’y nakatali na habang buhay.”
“1, 2, 3 ACTION! “CUT!” “STOP!”
a. Dapat humingi ng basbas sa magulang bago magpasya. Upang ikaw
ay magabayan sa mga planong nais mong mangyari.
b. Nananaig pa rin ang pagmamahal sa kabila ng maraming
humadlang.
Temujin:Borte : Munting Pagsinta Manuel:Don Arkimedes :Dahil sa
Anak
Kawangis ng madilim na kalangitan ang nadarama ng magiting na
mandirigmang naninimdim sa takbo ng kapalarang sinapit na
nakatalungko sa
isang sulok ng makipot at karima-rimarim na piitan: Munting
Pagsinta Ang ayos ng tanghalan ay loob ng isang bahay mayaman.
Makikita sa loob ng
bahay ang kasangkapang antik o sinauna. : Dahil sa Anak
Ayon sa ama ni Temujin na dapat ang kanyang mapapangasawa ay
mula sa
Tribu ng Merit.” : Munting Pagsinta “Hindi nagustuhan ni Don
Arkimedes ang babaeng mapapangasawa ng kanyang
anak dahil ito ay isang anak ng labandera lamang.” :Dahil sa
Anak
a. Tema b. Tanghalan c. Direktor d. Diyalogo e. Tagpuan f.
Iskrip
10
-
Para sa 10-15 Panuto: Basahin ng mabuti ang mga sumusunod na
pahayag. Piliin ang titik ng
tamang sagot.
10.
11.
12.
13.
14.
15.
a. saglit na kasiglahan b. sulyap sa suliranin
c. tagpuan d. tauhan e. yugto
Temujin: Mabuti ‘yan ama. Napagod na rin ako. Gagalugarin ko
lamang ang paligid. Yesugei: Huwag kang lalayo at mag-iingat ka.
Tagpo: Mapadpad si Temujin sa isang dampa kung saan nakatira ang
dalaginding na si Borte. Mabibigla siya sa di inaasahang pagbagsak
ng pinto
ng kanilang kusina na likha nag aksidenteng pagkabuwal ni
Temujin.
Borte: Aaaa! Magnanakaw!
Don Cristobal: Ispin mo, primo na ang tinawag mong walang-hiya
ay tunay mong anak. Ang bugtong mong anak na iniwan sa iyo nag
nasira… Don Arkimedes: (Titindig at magpapahalata ng kapootan)
Primo … iya’y hindi ko na anak, mula sa sandaling iya’y makaisip na
gumawa nag napakalaking kasalanang gaya ng kaniyang ginawa..siya’y
hindi ko na anak… Siya’y hindi
karapat-dapat na magtaglay nag aking apelyido… Si Manoling ay
kahiya-
hiya…! Karima-rimarim…! Oo, walang patawad ang kaniyang ginawa.
Don Cristobal: Huwag mong ipasupil sa iyong puso ang iyong isip….
Ang nangyari sa inyong mag-ama’y nangyayari sa lahat….
Yesugei: Ika’y siyam na taong gulang na, sa edad mong iyan
Temujin ay dapat ka nang pumili ng iyong mapapangasawa. Temujin:
Ita’y ako’y masaydo pang bata para sa bagay na iyan. Ang kasal ay
sa matatanda lamang.
Yesugei: Aba’t ang batang ito, hindi naman ibig sabihin na kapag
nakapili ka na ng babaeng pakakasalan mo ay magsasama na kayo.
Isang simpleng
pamimili lamang nag babae ang gagawin mo at pangakong siya’y
iyong pakaksalan.
Temujin: Ganoon po ba iyon?
Temujin: anak ni Yesugei na mula sa Tribong Borjigin Yesugei:
Ama ni Temujin Borte: isang dalaginding na taga-ibang Tribo
Temujin: Alam kong mahirap akong paniwalaan, hayaan mong
ipaliwanag ko sa iyo. Kasama ko si Itay, kami’y papunta sa tribo ng
mga Merit upang pumili
ako nag aking mapapangasawa. ngunit ikaw ang ibig ko, ikaw ang
pinipili ko. Borte: Anong mayroon sa akin, bakit ako ang pinili mo?
Temujin: Di ko rin alam. Ang tanging alam ko lamang ay ito ang
ibinigay ng pagkakataon sa kain. Ikaw ang aking nakita. Kaya naman
pagbigyan mo na
ako. Hindi naman ibig sabihin na pumayag ka ay pakakasal na
tayo.
Borte: (Di pa rin makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari) Di ko
malaman kung ano ang dapat kong sabihin sa iyo. (Nag-aalangan)
Pero…sige na nga.
Temujin: Salamat sa iyo ako’y labis mong pinaligaya.Asahan mong
hindi ka magsisi sa iyong desisyon.
Ang ayos ng tanghalan ay loob ng isang bahay-mayaman. Makikita
sa loob ng
bahay ang kasakangpang antik o sinauna.
11
-
Karagdagang Gawain
Gawain A: Dula Mo, Isulat Mo!
Sumulat ng isang maikling dula tungkol sa karaniwang buhay ng
isang pangkat ng
tao sa ilang bansa sa Asya gamit ang mga angkop na
pang-ugnay.
Mga Krayterya 4 3 2 1
Nilalaman Lubos na
naipapahatid ang nilalaman
o ang kaisipan
Naipahatid
ang nilalaman o kaisipan
Di-gaanong
naipaha tid ang
nilalaman o kaisipan
Di naipahatid
ang nilalaman o kaisipan
Organisasyon Mahusay ang
pagkakasunod-sunod ng mga
ideya.
Maayos ang
organisasyon o pagkakabuo
ng mga ideya
Di gaanong
maayos ang pagkakabuo
at pagkaka-
sunod ng mga ideya
Hindi maayos
ang organisasyon
ng mga ideya
Paggamit ng
angkop na
pang-ugnay
Tama at
angkop ang pang-ugnay na
ginamit sa pangungusap
Tama ang
pang-ugnay na ginamit sa
pangungusap
Di tama ang
mga pang-ugnay na
ginamit
Di tama at
hindi angkop ang mga
pang-ugnay na ginamit sa
pangungusap
Istilo/Pagkama-
likhain
Ang ideya ay
nagpapakita ng lubusang
pagkamalik hain
Kakitaan ng
pagkamalik hain
Di-gaanong
nagpapakita nag maayos
na istilo at pagkamalik
hain
Di nakitaan
ng maayos na istilo at
pagkama likhain
Maligayang Pagbati! Dahil ngayon ay natapos mo na ang modyul na
ito alam
kong nadagdagan ang kaalaman mo tungkol sa dula at sa paggamit
angkop
na pang-ugnay sa pangungusap. Hanggang sa susunod na talakayan
sa
modyul! Palaging tandaan na ang batang masipag mag-aral ay tiyak
na
magtatagumpay!
12
-
Susi sa Pagwawasto
Tayahin
1. d 2. a 3. c
4. f 5. g
6. g 7. e
8. a 9. 10. c
11. b 12. b
13. d 14. a
15. c
Isaisip
Nakadepende
ang mga sagot
sa mag-aaral
kung paano
nila
ipinaliwanag
o sariling
opinyon ng
mga bata.
Pagyamanin
Gawain : Nakadepende sa opinyon ng mga mag-aaral.
Karadagdang Gawain
A: Depende sa opinyon ng mga mag-aaral.
13
-
Sanggunian
AKLAT
FILIPINO MELCS
PANITIKANG ASYANO 9 Modyul ng mga Mag-aaral
INTERNET
Sanggunian:
http://filipino9niwarville.blogspot.com/2015/06/munting-pagsinta.html
Sanggunian:
https://www.google.com/search?sxsrf=ALeKk01uKDMX9-7uaDnemxLsC1TeQxiEkw%3A1598688045369&source=hp&ei=LQtKX_umFIT6wAO7hI
SQAw&q=dahil+sa+anak+by+julian+cruz+balmaceda&oq=dahil+sa+anak+by+julian+cruz+bal&gs_lcp=CgZwc3ktYWIQAxgAMgQIIxAnMggIABAWEAoQHjoECAAQQzoCCAA6Bg
gAEBYQHlCKBVjdPmDFUmgAcAB4AIABqwyIAdVNkgENMy0zLjMuMy4wLjMuMZgBAKABAaoBB2d3cy13aXo&sclient=psy-ab
Sanggunian: https://brainly.ph/question/453221
Sanggunian: https://brainly.ph/question/66385
Sanggunian:
https://prezi.com/lfikodlrzfmx/filipino-9-aralin-
25/?frame=1d9c6015a322f4238ea8cffa0ab55aa2435c8634
Sanggunian:
https://www.slideshare.net.mobile/rednightena_0517/pang-ugnay-53237493
Sanggunian:
http://filipino9niwarville.blogspot.com/2015/06/munting-pagsinta.html?m=1
Sanggunian:
https://www.edrawsoft.com/share-graphic-organizer.php
Ibang larawan: Bitmoji
14
http://filipino9niwarville.blogspot.com/2015/06/munting-pagsinta.htmlhttps://www.google.com/search?sxsrf=ALeKk01uKDMX9-7uaDnemxLsC1TeQxiEkw%3A1598688045369&source=hp&ei=LQtKX_umFIT6wAO7hISQAw&q=dahil+sa+anak+by+julian+cruz+balmaceda&oq=dahil+sa+anak+by+julian+cruz+bal&gs_lcp=CgZwc3ktYWIQAxgAMgQIIxAnMggIABAWEAoQHjoECAAQQzoCCAA6BggAEBYQHlCKBVjdPmDFUmgAcAB4AIABqwyIAdVNkgENMy0zLjMuMy4wLjMuMZgBAKABAaoBB2d3cy13aXo&sclient=psy-abhttps://www.google.com/search?sxsrf=ALeKk01uKDMX9-7uaDnemxLsC1TeQxiEkw%3A1598688045369&source=hp&ei=LQtKX_umFIT6wAO7hISQAw&q=dahil+sa+anak+by+julian+cruz+balmaceda&oq=dahil+sa+anak+by+julian+cruz+bal&gs_lcp=CgZwc3ktYWIQAxgAMgQIIxAnMggIABAWEAoQHjoECAAQQzoCCAA6BggAEBYQHlCKBVjdPmDFUmgAcAB4AIABqwyIAdVNkgENMy0zLjMuMy4wLjMuMZgBAKABAaoBB2d3cy13aXo&sclient=psy-abhttps://www.google.com/search?sxsrf=ALeKk01uKDMX9-7uaDnemxLsC1TeQxiEkw%3A1598688045369&source=hp&ei=LQtKX_umFIT6wAO7hISQAw&q=dahil+sa+anak+by+julian+cruz+balmaceda&oq=dahil+sa+anak+by+julian+cruz+bal&gs_lcp=CgZwc3ktYWIQAxgAMgQIIxAnMggIABAWEAoQHjoECAAQQzoCCAA6BggAEBYQHlCKBVjdPmDFUmgAcAB4AIABqwyIAdVNkgENMy0zLjMuMy4wLjMuMZgBAKABAaoBB2d3cy13aXo&sclient=psy-abhttps://www.google.com/search?sxsrf=ALeKk01uKDMX9-7uaDnemxLsC1TeQxiEkw%3A1598688045369&source=hp&ei=LQtKX_umFIT6wAO7hISQAw&q=dahil+sa+anak+by+julian+cruz+balmaceda&oq=dahil+sa+anak+by+julian+cruz+bal&gs_lcp=CgZwc3ktYWIQAxgAMgQIIxAnMggIABAWEAoQHjoECAAQQzoCCAA6BggAEBYQHlCKBVjdPmDFUmgAcAB4AIABqwyIAdVNkgENMy0zLjMuMy4wLjMuMZgBAKABAaoBB2d3cy13aXo&sclient=psy-abhttps://www.google.com/search?sxsrf=ALeKk01uKDMX9-7uaDnemxLsC1TeQxiEkw%3A1598688045369&source=hp&ei=LQtKX_umFIT6wAO7hISQAw&q=dahil+sa+anak+by+julian+cruz+balmaceda&oq=dahil+sa+anak+by+julian+cruz+bal&gs_lcp=CgZwc3ktYWIQAxgAMgQIIxAnMggIABAWEAoQHjoECAAQQzoCCAA6BggAEBYQHlCKBVjdPmDFUmgAcAB4AIABqwyIAdVNkgENMy0zLjMuMy4wLjMuMZgBAKABAaoBB2d3cy13aXo&sclient=psy-abhttps://www.google.com/search?sxsrf=ALeKk01uKDMX9-7uaDnemxLsC1TeQxiEkw%3A1598688045369&source=hp&ei=LQtKX_umFIT6wAO7hISQAw&q=dahil+sa+anak+by+julian+cruz+balmaceda&oq=dahil+sa+anak+by+julian+cruz+bal&gs_lcp=CgZwc3ktYWIQAxgAMgQIIxAnMggIABAWEAoQHjoECAAQQzoCCAA6BggAEBYQHlCKBVjdPmDFUmgAcAB4AIABqwyIAdVNkgENMy0zLjMuMy4wLjMuMZgBAKABAaoBB2d3cy13aXo&sclient=psy-abhttps://brainly.ph/question/453221https://brainly.ph/question/66385https://prezi.com/lfikodlrzfmx/filipino-9-aralin-25/?frame=1d9c6015a322f4238ea8cffa0ab55aa2435c8634https://prezi.com/lfikodlrzfmx/filipino-9-aralin-25/?frame=1d9c6015a322f4238ea8cffa0ab55aa2435c8634https://www.slideshare.net.mobile/rednightena_0517/pang-ugnay-53237493http://filipino9niwarville.blogspot.com/2015/06/munting-pagsinta.html?m=1https://www.edrawsoft.com/share-graphic-organizer.php