LOVING YOU FROM AFAR Written by: suffocatinglove [Miryl M.] All Rights Reserved. 2015 PROLOGUE “...Let’s all welcome, Ms. Zaree Ysabelle Salameda!” Tiningnan ko naman ang mga taong nasa paligid ko pagkatapos sabihin ng host ang pangalan ko. Umakyat ako sa stage at umupo sa high stool na nakalagay sa gitna. “Good evening, everyone. I hope you like this song.” Isinukbit ko sa aking katawan ang gitara na hawak hawak ko kanina pa at sinimulan ko na itong i-strum. I don’t know why But when I look in your eyes I feel something that feels so right You’ve got yours I’ve got mine I think I’m losing my mind ‘Cause I shouldn’t feel this way
443
Embed
Welcome! [suffocatinglovestories.weebly.com] · 2018. 9. 7. · LOVING YOU FROM AFAR Written by: suffocatinglove [Miryl M.] All Rights Reserved. 2015 PROLOGUE “...Let’s all welcome,
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
LOVING YOU FROM AFAR Written by: suffocatinglove [Miryl M.]
All Rights Reserved. 2015
PROLOGUE
“...Let’s all welcome, Ms. Zaree Ysabelle Salameda!”
Tiningnan ko naman ang mga taong nasa paligid ko pagkatapos sabihin ng host ang pangalan ko.
Umakyat ako sa stage at umupo sa high stool na nakalagay sa gitna.
“Good evening, everyone. I hope you like this song.” Isinukbit ko sa aking katawan ang gitara na
hawak hawak ko kanina pa at sinimulan ko na itong i-strum.
I don’t know why
But when I look in your eyes
I feel something that feels so right
You’ve got yours
I’ve got mine
I think I’m losing my mind
‘Cause I shouldn’t feel this way
Naramdaman ko ang pagtahimik ng paligid ko, lahat sila ay tutok na tutok sa panunuod at pakikinig
sa akin. Ipinikit ko pa ang mga mata ko para mas lalong ma-feel ang pagkanta.
Catch me, I’m fallin’ for you
And I don’t know what to do
How can something so wrong
Feels so right all along
Catch me, I’m fallin’ for you
How can time be so wrong
For love to come along
Catch me, I’m fallin’ for you
Idinilat ko ang mga mata ko at tiningnan ang pag-strum ko ng gitara. Humarap naman ako sa mga
nanunuod at kitang-kita ko ang pagngiti nila kahit na nasisilaw ako sa spotlight na nakatutok sa
akin.
How can love let it grow
When it has no place to go
And I can’t go along pretending
That love isn’t here to stay
Catch me, I’m fallin for you
Napalingon ako sa may pintuan ng may pumasok na isang pamilyar na lalaki. Nandito na naman
siya kasama ang bago niyang babae.
Kahit na hindi ako makakita ng maayos dahil sa spotlight na nakatutok sa akin ay naaninag ko pa
din silang dalawa na umupo sa may gilid. Tinulungan niya pang makaupo ang babae at pagkatapos
noon ay siya naman ang umupo. Tumungo naman ako saglit at binaling sa mga tao ang tingin ko.
If I could just walk away
Without you from day to day
I would die just of thinking of you
I know we can’t ever be
More than friends
You and me
But why do I feel this way
Ipinikit ko ulit ang mata ko para pigilan ang mga luhang gusto nang lumabas kanina pa. Ang sakit
kasi.
Catch me, I’m fallin’ for you
And I don’t know what to do
How can something so wrong
Feels so right all along
Catch me, I’m fallin’ for you
How can time be so wrong
For love to come along
Catch me, I’m fallin’ for you
Dinilat ko ang mga mata ko at sakto naman akong napatingin sa gawi nilang dalawa. Nakita ko pa
ang pagkurot niya sa pisngi ng babae at pagyakap naman ng babae sa kanya. He mouthed the words
‘I love you’ at sumagot din ang babae ng ‘I love you too.’
Masaya na sila, Zaree. Hayaan mo na, kumanta ka na lang.
Maybe someday I’ll see
Why love did this to me
‘Cause I can’t go along pretending
That love isn’t here to stay
Catch me, I’m fallin’ for you
Nagpalakpakan naman ang mga tao ng tumaas ang boses ko. Tumingin naman ako sa bandang
unahan kung saan nandoon ang dalawa kong kaibigan. Nginitian naman nila ako at nag-thumbs up.
Mabuti pa sila, napansin ako. Siya kaya?
Catch me, I’m fallin’ for you
And it’s wrong for me to feel this way
‘Cause I don’t know what to do
Without you
I’m fallin’ for you
Tumingin ulit ako sa gawi nila at nagtama ang mga tingin namin. Parang may dumaloy na kuryente
sa buong katawan ko kahit nagkatitigan lang kami. Hay, tinamaan na naman ako sayo. Bakit ka ba
ganyan?
Catch me, I’m fallin’ for you
How can something so wrong
Feels so right all along
Catch me, I’m fallin’ for you
Nag-strum pa ako ng kaunti sa gitara ko at narinig ko ang palakpakan at hiyawan ng maraming tao
na nanunuod sa akin. Hinayaan ko lang na nakasukbit sa aking katawan ang gitara na ginamit ko at
ginantihan ko silang lahat ng isang matamis na ngiti.
Lumabas naman ang host mula sa backstage at nilapitan ako, “Wow, wala ka talagang kupas, Ms.
Salameda! Ang galing-galing mo talaga!”
“Thank you po.” Tumayo naman ako mula sa kinauupuan ko at nag-bow.
“Pwede mo bang sabihin sa amin kung kanino mo idine-dedicate ang kinanta mo ngayong
gabi?”
Para akong na-istatwa sa tinanong sa akin ng host. Kailangan ko ba talagang sabihin? Kailangan pa
ba? Eh mukhang wala naman siyang pakialam eh.
Binaling ko ang tingin ko sa kanilang dalawa pero napansin kong busing-busy naman sila sa
paghaharutan. Parang may kung anong naka-bara sa lalamunan ko at hirap akong magsalita.
Feeling ko nga ay konting-konti na lang at magbabagsakan na ang mga luha kong kanina pang
gustong kumawala.
Zaree, tama na. Sinasaktan mo na naman ang sarili mo.
“Ms. Zaree Salameda?” tawag ulit sa akin ng host kaya naman ay nabalik na ako sa wisyo ko.
“A-ah, I dedicate this song to...”
“To?”
Bumuntong-hininga ako bago sumagot, “Uhm, pwedeng secret na lang?”
Narinig ko namang nagtawanan ang mga taong nanunuod sa akin pati na ang host. Hindi ko naman
kasi pwedeng sabihin ngayon, lalo na’t nandito siya kasama ang girlfriend niya.
Tumango na lang ang host, “Okay, palakpakan po natin ulit si Ms. Zaree Ysabelle Salameda!”
Nag-bow ulit ako at dumeretso na sa backstage.
Pagpunta ko sa backstage ay saktong walang tao. Doon na nagsimulang magsibagsakan ang mga
luha ko. Napahawak ako sa bibig ko ng napalakas ang paghikbi ko. Bwiset na luha ‘to, hindi man lang
nagpapaalam.
Kailan kaya darating yung araw na ako naman yung mamahalin at hindi yung palaging ako na lang
ang naghahabol?
Kailan?
{ONE}
“Zaree, anak? Bumangon ka na dyan, may klase ka pa.” Napabangon ako ng marinig ko ang
boses ng nanay ko mula sa labas ng kwarto ko.
Napatingin naman ako sa wall clock at laking gulat ko ng makita ko na 7:00 AM na. 7:30 AM ang
klase ko ngayong umaga, patay tayo niyan!
Kinuha ko naman agad ang tuwalya na nakasabit sa hanger at dali-daling lumabas ng kwarto ko.
Hindi naman kasi kami mayaman para magkaroon ng CR sa loob ng kwarto.
“Oh, anak? 30 minutes na lang, male-late ka na naman sa klase mo! Dalian mo na kumilos!”
“Opo, Ma! Eto na po!” Dali-dali naman akong pumasok sa CR at ni-lock ito.
Ako nga pala si Zaree Ysabelle Salameda. 16 years old pa lang ako—ibig sabihin, 4th Year HS pa lang
ako this school year. Scholar ako sa pinapasukan kong school. Matataas naman kasi ang mga grado
na nakukuha ko every school year kaya nagpasya ang principal ng school na bigyan ako ng
scholarship. Paminsan-minsan din akong nagi-gig sa mga bars. Hindi ako prosti ah! Nakanta lang
ako dun dahil sabi nila maganda naman daw ang boses ko. Naks. Tapos yung pera na nakukuha ko,
pinandadagdag ko sa gastusin namin sa bahay araw-araw.
Si Mama ay isang call center agent. Sakto lang ang nagiging sweldo niya sa aming magkakapatid. 3
kasi kami at ako ang bunso. Yung naiipon ni Mama, yun yung pinangti-tuition nila Kuya Zeke—4th
Year College at Kuya Zed—2nd Year College. Wala na akong tatay—sumakabilang bahay, naghanap
ng panibagong matitirhan at asawa. Wala eh, that’s life.
Nang matapos na akong maligo ay pinulupot ko sa katawan ko ang twalya at dumeretso na ulit
papasok ng kwarto ko. Tumunog naman ang cellphone ko—hudyat na may nag-text. Kinuha ko
naman ito at tumambad sa akin ang pangalan ni Audrey.
From: Audrey
Girl! Where are you? Don’t tell me late ka na naman ha? Maaga naman natapos ang gig mo kagabi ah!
Ohh, congrats nga pala!
To: Audrey
Nagbibihis na ako, sorry! Kanina pa ba kayo dyan? Pasok na kayo sa room, wag niyo na ako hintayin
sa may garden, okay? Congrats? Bakit, para saan?
Inilapag ko na lang ulit ang cellphone ko sa kama at nagsimula nang magbihis. Hindi din pang-
sosyal ‘tong cellphone ko. Touchscreen din siya pero hindi iPhone. Sus, wala akong pambili ‘non.
Isinukbit ko naman sa balikat ko ang backpack ko at lumabas na ng kwarto ko. Nakita ko naman si
Mama na sinusuot pa lang ang cardigan niya at mukhang aalis pa lang papunta sa trabaho niya.
“Anak, kumain ka muna bago ka umalis.”
“Mama, hindi na po. Male-late na po ako eh.” Sagot ko habang sinusuklay ang mahaba kong
buhok.
“Ganon? Oh sige, eto na ang baon mo.” Inabutan niya naman ako ng 100 pesos.
“Ma, masyado ng malaki ang halaga ng pera na ‘to. Pwede naman pong 50 pesos na lang.”
Umiling-iling naman siya at tinapik ako sa balikat, “Tanggapin mo na, anak. Paniguradong
kulang yung 50 pesos dahil mahal ang bilihin sa canteen ng school niyo. Okay lang naman sa
akin eh.”
Ngumiti naman ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi, “Salamat po, Mama. Nasaan po sila
Kuya?”
“Ay tulog pa din. Mamaya pa daw ang klase nila. Sasabay ka na ba sa akin, anak?”
“Hindi na po, Ma. Magco-commute na lang po ako.”
Nag-cross arms naman siya at ngumiti, “Keri?”
“Kering-keri!” tumalon pa ako at niyakap siya ng mahigpit.
**
Pagkadating ko sa school ay mabuti na lang at hindi pa ako late. Kumaripas na ako ng takbo paakyat
sa classroom ko.
“Zaree! Dito!” napalingon naman ako ng may tumawag sa akin. Nakita ko sila Audrey at Sandy na
kumakaway sa akin.
Nilapitan ko sila at umupo sa tabi nila, “Audrey, bakit mo nga pala ako cinongrats kanina?”
Nagkatinginan naman silang dalawa at hinarap ulit ako, “Gaga! Top 1 ka na naman this grading
period! Hindi mo pa ba alam?”
Nanlaki naman ang mga mata ko tapos niyakap silang dalawa. Sila Audrey Castro at Sandy
Bartolome—sila ang naging kaibigan ko simula nang lumipat ako dito sa Westville High.
Mayayaman sila pero hindi nila ako minaliit kahit na hindi ko sila ka-level. Mababait yang mga yan,
hindi lang halata, haha.
“We’re so proud of you, Zaree Ysabelle!”
Humiwalay naman kami sa pagkakayakap, “Thank you, girls!”
“At dahil dyan... sumama ka sa amin mamayang gabi!” pumapalakpak pa si Sandy habang
sinasabi niya yon.
“Ha? Anong meron mamayang gabi? May gig ako nun mga ‘te!”
“Hindi ba pwedeng mag-pass ka muna dyan, Zaree? Ite-treat ka lang naman namin!” nag-pout
naman si Audrey at nag-cross arms.
“Hay nako kayo ha. Masyado niyo akong inii-spoil. Ayoko ng ganyan, baka masanay ako na
palagi niyo akong nililibre! Nakakahiya naman.”
“Ngayon ka pa ba mahihiya sa amin, Zaree? Para naman kaming others niyan!” lumungkot
naman bigla ang mukha ni Sandy.
Matatanggihan ko pa ang mga ‘to? Tsk, hirap sa kanila kapag ganyan eh.
“Oh sige na nga, sige na. Payag na ako.”
“Yeheeey! Mamaya ah! 6 PM!”
“Sure.”
**
RECESS TIME na namin at nandito nga kami ngayon sa cafeteria. Si Sandy na ang um-order ng
pagkain namin at binigyan na lang namin siya ng pera ni Audrey.
Pumwesto kami sa gilid kung saan kitang-kita ang school grounds. Madaming estudyante ang
pagala-gala dahil kasabay din namin sila mag-recess.
“Mukhang may inii-spot ka na naman dyan girl ah.” Nilapag naman ni Sandy ang tray na may
lamang pagkain at inabot sa amin ni Audrey ang sukli ng pera namin.
“W-wala ah!” pagtanggi ko at uminom sa orange juice ko.
“Talaga lang ah? Sus, If I know, hinahanap mo lang si Hunter.” Pang-aasar pa ni Audrey at nag-
apir pa silang dalawa ni Sandy.
“Ha? Ano bang pinagsasabi niyo dyan! Manahimik nga kayo!”
“Wag ka na mag-deny dyan, girl! Alam naman namin!”
Oh, alam naman pala nila eh. Tss.
“Hunter Grae!” napalingon ako ng may tumawag sa pangalan niya.
Nakita ko siyang naglalakad papasok sa cafeteria at nakipag-bro fist naman siya doon sa lalaking
tumawag sa kanya kanina—si Travis Lacuesta, bestfriend niya.
Ang gwapo gwapo talaga ni Hunter, walang kupas.
“Sinasabi na nga ba.” Napalingon ako kay Sandy ng magsalita siya.
“Ano?”
“Hunter ka pa din, ‘te? May girlfriend na yan!” tinakpan ko naman ang bibig ni Sandy dahil
napalakas ang pagkakasabi niya.
“Isa pa, Sandy. Malilintikan ka talaga sa akin.” I warned her kaya naman kumain na lang siya ulit.
“Speaking of girlfriend, nandyan na siya oh.” Ngumuso naman si Audrey at itinuro ang babaeng
papasok sa cafeteria.
Dahil nakatalikod si Hunter sa kanya ay ginulat niya ito kaya napaharap ito sa kanya. Hindi naman
kalayuan ang table nila Hunter sa amin kaya naririnig ko pa din ang pag-uusap nila.
“Oh, Cassy, nandyan ka pala.”
“Hi babe.” Humalik ang babae sa pisngi ni Hunter kaya napangiti naman ito.
Ayoko na, hindi ko na kaya.
“Sinasabi naman namin sayo, girl eh. Wag mo nang tingnan, masasaktan ka lang.”
{TWO}
Same day...
Uwian na namin at mabuti na lang at walang binigay sa amin na assignments ang mga teachers
namin.
“Yes! Walang assignments!” sumigaw si Audrey at itinaas pa ang dalawa niyang kamay.
“Shh! Ingay!” binatukan naman ni Audrey si Sandy ng magreklamo ito.
“Wag ka nga magreklamo dyan!”
“Psh, tara na nga!”
Isinukbit ko naman sa balikat ko ang backpack ko at tuluyan na kaming lumabas ng classroom.
Nagulat naman ako ng makita ko si Hunter na naka-akbay sa girlfriend niya. Mukha ngang may
pinag-uusapan pa sila eh.
“Where do you want to go, babe?” narinig ko pang sinabi ni Hunter sa girlfriend niya at tinitigan
ito.
“No, uuwi na ako.” Inirapan niya si Hunter at akmang aalis na sana pero niyakap siya ni Hunter.
Wow naman, ang sweet nila.
“Sorry na kasi, babe. Hindi ko naman sinasadya eh—”
Hindi ko na tuluyan narinig ang sinasabi ni Hunter dahil tinakpan na ni Audrey ang magkabila kong
tenga. Si Sandy naman ay kinaladkad na ako pababa ng hagdan.
“Aray ko! Aray ko! Tigilan niyo nga akong dalawa!”
Bumitaw naman silang dalawa sa akin at sinamaan ko lang sila ng tingin.
“Ano bang trip niyo ha?!”
“Tinakpan ko lang naman yung tenga mo dahil ayaw kong marinig mo yung mga sinasabi ni
Hunter sa girlfriend niya! Baka umiyak ka na naman eh! Please lang, girl, ako na naaawa
sayo.”
“Oo nga, tara! Umuwi na lang tayo! Basta mamaya ah,sunduin ka namin sa bahay niyo.”
Tumango na lang ako sa sinabi ni Sandy at naghiwa-hiwalay na kami ng landas pauwi.
Pumunta ako sa may hintayan ng jeep at doon ako naghintay ng sakayan pauwi sa amin.
“Isa... dalawa... tatlo...” nagbilang pa ako dahil kanina pa ako nakatayo at wala pa akong nakikitang
pwedeng sakyan. Punuan na naman!
Nagpasya akong umupo muna sa may waiting shed. Jusko, nakaka-15 minutes na akong naghihintay
dito pero wala pa din!
“Ah, Miss?” napalingon ako ng may tumawag sa akin. Teka, si Travis Lacuesta ‘to ah!
Napatayo naman ako mula sa kinauupuan ko tapos inayos ang uniform ko.
“H-hi!” then I waved at him.
“Bakit mag-isa ka lang?”
Umupo naman ako at ganun din ang ginawa niya. Umurong naman siya ng konti para makatabi pa
sa akin.
“A-ah, naghihintay kasi ako ng jeep pauwi sa amin eh.”
Anong ginagawa niya dito? Tsaka bakit kaya niya ako kinakausap? First time ‘to ah!
“Gusto mo bang sumabay na lang sa akin?” napalingon naman ako ng sabihin niya yun.
“H-ha? Ah eh...”
“Okay lang naman sa akin kung tanggihan mo yung alok ko. Ano kasi...” napahawak pa siya sa
batok niya at kumamot doon, “Kung gusto mo lang naman diba?”
Wala naman sigurong masama kung sasabay ako sa kanya diba?
“Sige na nga.”
Parang umaliwalas ang mukha niya ng sabihin ko ‘yon sa kanya, “Talaga?”
Tumango ako at bahagyang natawa. Weird ni Travis pero ang cute niya, seryoso.
**
Tinigil naman niya ang sasakyan niya ng makarating na kami sa bahay. Lumabas siya at
pinagbuksan naman ako ng pinto.
“Thank you, Travis.”
“You’re always welcome, Zaree. Eto na ba ang bahay niyo?”
Tumango ako, “Ah oo. Pasensya ka na ah. Maliit lang talaga ang bahay namin.”
“Sus, wala yon! Cute nga eh.”
“Cute? Anong cute don?”
Lumapit naman siya ng konti sa akin at itinuro ako, “Eto oh, cute.”
Natawa ako ng bahagya at hinampas ng mahina yung kamay niya, “Oh paano, see you tomorrow,
Travis! Bye!”
“Ah, Zaree...”
“Oh?”
“Susunduin kita bukas ah?”
“Travis, kaya ko naman mag-commute.”
“Basta, susunduin kita sa ayaw at sa gusto mo, okay? Bye!” kumaripas naman siya ng takbo
papasok sa kotse niya at umalis na.
Hay nako, Travis. Kung hindi ka lang kaibigan ni Hunter eh. Tsk.
**
Binuksan ko ang cellphone ko para makita ang oras. 5 PM na pala at maya-maya lang ay nandito na
din sila Audrey at Sandy para sunduin ako. Tinext ko naman si Mama na magdi-dinner ako sa labas
kasama ang dalawa kong kaibigan at agad niya naman akong pinayagan.
Pumunta na ako sa kwarto ko para magbihis, paglabas ko naman ay nakasalubong ko si Kuya Zeke
at mukhang may hinahanap yata.
“Kuya Zeke, anong hinahanap mo dyan?”
Pabalik-balik siya sa paglalakad at mukhang hindi alam kung saan pupunta, “Yung flash drive ko
kasi, Zaree!”
“Anong meron sa flash drive mo?”
“Nawawala! Nandoon lahat ng kailangan kong ipa-print para bukas! Activity namin yon!
Nakita mo ba?”
Umiling-iling naman ako at tinapik siya sa balikat, “Kalma ka lang kasi, okay? Nasaan ba si Kuya
Zed?”
“Nasa eskwelahan pa din yata.”
Tumango-tango naman ako, “Aalis ako, Kuya Zeke.”
Napatigil naman siya sa paglalakad at hinarap ako, “Ano?! Gabi na! Saan ka naman pupunta,
Zaree?”
“Magdi-dinner lang kami sa labas ng mga kaibigan ko, okay? Nagpaalam na ako kay Mama.”
“Oh sige, mag-iingat ka ha!”
“Opo, Kuya. Paki-sabi na lang din kay Kuya Zed ah?” tinap niya naman ang ulo ko at tumango.
Lumabas na ako ng bahay at sinarado ang gate namin. Sakto naman ang pagdating nila Audrey at
Sandy. Binuksan nila ang pinto ng sasakyan para makaupo ako sa likod kasama nila.
Pagkatapos lang ng ilang minuto ay huminto ang sasakyan sa isang restaurant, “Tara na, girls!”
Ginuide naman kami ng isang waiter nang makapasok kami at dito naman namin napili na puwesto
na lang sa may gilid. Binigyan naman kami ng tig-iisang menu at hinayaang pumili doon.
“Sure ba kayo dito, Sandy at Audrey?”
“Saan?” nilapag naman ni Sandy ang menu na hawak-hawak niya.
“Ang mahal naman kasi ng mga pagkain dito eh.”
“Treat nga diba, Zaree?”
“Sabi ko nga.”
Napalingon naman kaming tatlo ng biglang may sumigaw na babae dito sa loob ng restaurant. Teka,
parang pamilyar sa akin yung babaeng yun ah.
“Ughhh! Tingnan mo ginawa mo sa dress ko!” napansin kong natapunan ng softdrink yung suot-
suot niyang dress.
“Look, girls. Hindi ba siya yung bagong girlfriend ni Hunter?” tanong sa amin ni Audrey.
“Siya nga. The famous Cassandra Devera.” Sagot naman ni Sandy at nag-cross arms. Oh, si Cassy
pala ‘to. Kaya pala familiar sa akin.
“Mag-isa lang siya? Nasaan si Hunter?” napalingon naman silang dalawa sa akin ng tanungin ko
yon.
“Seriously, Zaree? Hunter pa din hanggang dito?”
Inikot ko naman ang mga mata ko at nag-cross arms din, “Syempre, nakakapagtaka lang.
Girlfriend niya yan eh.”
Tumango-tango naman sila at pinanuod si Cassy na nakikipag-away doon sa waiter na nakatapon
ng softdrink sa dress niya. Napansin kong nilabas niya ang cellphone niya mula sa bag at may
mukhang may tinawagan. Paniguradong si Hunter yon.
Pero teka, hindi sila magkasama? Mag-isa lang si Cassy?
Bumukas ang main entrance ng restaurant at pumasok doon si Hunter. Wow, ang bilis! Pag talaga
para sa girlfriend ay gagawin ang lahat para lang makapunta siya dito ‘no?
“Are you okay?” narinig kong tanong niya kay Cassy at inakbayan ito.
“Mukha ba akong okay, Hunter? Syempre hindi! Sisihin mo yang walang kwentang waiter na
yan! Tara na nga!” nauna nang lumabas si Cassy pero naiwan sa loob ng restaurant si Hunter.
Nilabas ni Hunter ang wallet niya mula sa bulsa niya at binigyan ang waiter ng pera, “Take this.
Pasensya ka na sa ginawa ng girlfriend ko, bro.” Tinapik niya ito sa balikat at sinundan na si
Cassy.
“Wow, parang nanuod lang ako ng teleserye, girl!” pumapalakpak pa si Audrey habang sinasabi
niya yon.
“Infairness dyan kay Hunter ah, ang bilis kumilos. Kakatawag pa lang sa kanya ng girlfriend
niya ay mabilis na lang siyang sumulpot. Bilib din ako dyan sa crush mo, ‘teh!” hinampas pa
ako ni Sandy sa balikat.
“Hindi ko siya crush ‘no!”
“Eh ano lang?”
“Mahal ko siya.”
Ngumiti naman ako ng pagkalaki-laki pero inikot lang nila ang mga mata nila at itinuon ang pansin
sa menu.
“Grabe, supportive niyo talaga.”
{THREE}
“Teh, tulungan mo naman ako i-solve ‘tong number one! Ang hirap!” hinarap naman sa akin ni
Sandy yung papel niya.
“Ganito lang yan oh.” Kinuha ko naman yon at pinakita ko sa kanya kung paano i-solve yung
equation sa number one.
Math time kasi namin ngayon at kasalukyan kaming gumagawa ng activity. Sanay kasi si Sir na after
niyang mag-discuss ay magbibigay siya ng activity para malaman kung may natutunan ba kami sa
kanya or wala.
Binalik ko naman kay Sandy ang papel niya at hinayaan na siyang sagutan ang iba pang numbers.
*tok.tok.tok.*
Napalingon naman kaming lahat sa teacher namin ng may kumatok sa pintuan. Agad naman siyang
tumayo at pumunta doon.
“Ms. Salameda?” napalingon naman ako sa teacher ko ng tawagin niya ako.
“Yes po?”
“The principal wants to talk to you.”
Nakaramdam ako ng kaba mula sa dibdib ko. Bakit kaya niya ako gustong makausap? Tatanggalin
niya na ba ang scholarship ko? Huhuhu, wag naman sana.
“Sir, paano po itong seatwork ko?”
“Tapos ka na ba dyan?”
“Malapit na ho.”
“Pwede mo naman ituloy yan mamaya pagkabalik mo. Sige na, kailangan ka na makausap ng
principal.”
Tumango naman ako at inayos ang gamit ko. Napalingon naman sa akin yung dalawa kong kaibigan.
“Zaree, kami na bahalang magbantay sa gamit mo.” Sabi ni Audrey sa akin at ngumiti pa.
“Za, pa-kopya ng number two ah? Di ko pa rin ma-gets eh.” Kumamot naman si Sandy sa ulo
niya tapos kinuha ang notebook ko sa math.
“Kopyahin mo na lahat yan, nahiya ka pa eh.”
“Yehey! The best ka talaga, Zaree! Thank you!” pabulong niyang sigaw tapos naglakad na ako
papunta sa principal’s office.
**
“English – 77, Social Studies – 78, Filipino – 83, Physics – 75, Math – 76...” napangiwi ang bibig
ko ng marinig ko ang mga grado na ito mula sa principal.
Imposible namang grades ko ito ‘no. Hindi naman ako mabibigyan ng scholarship at magiging Top 1
kung ganito ang grades ko sa bawat klaseng pinapasukan ko.
“Oh tingnan mo, Ms. Salameda.” Inabot naman sa akin ng principal ang report card na kanina niya
pa hawak-hawak.
Oo nga, lahat ng grades na nakasulat dito ay puro line of 7. Well, may isang line of 8 pero isa lang
yun ‘no!
“Eh Mrs. Damian, kanino po ba itong report card na ito?”
“The one and only... Hunter Grae Salazar.”
Napanganga ako dahil sa sinabi ni Mrs. Damian—ang aming school principal. Seryoso? Eto lahat ang
grades ni Hunter?
“Seryoso po ba kayo dyan, Mrs. Damian?”
“Oo naman. Hindi siya nagpapasa ng projects, hindi gumagawa ng assignments, hindi nagpa-
participate sa class discussions, tatlo lang yan sa mga naire-reklamo sa akin ng mga nagiging
teachers ni Mr. Salazar.”
Nasa kabilang section kasi si Hunter—oo, hindi ko siya kaklase dahil nasa section B siya at nasa
section A naman ako kaya ganito na lang ang naging reaksyon ko ng makita ko ang mga grades niya.
“Pwede niya pang mahabol ang grades niya dahil kakasimula pa lang naman ng 2nd grading
ngayong araw.”
“Pero paano po?”
“I want you to be Mr. Salazar’s private tutor, Ms. Salameda.”
Teka...
Private tutor? W-what?
**
“Eh ano? Tinanggap mo yung alok ni Mrs. Damian?” tanong sa akin ni Audrey habang kumakain
siya ng spaghetti.
Lunch time kasi namin ngayon at kasalukuyang nandito kaming tatlo sa loob ng cafeteria.
“Tinatanong pa ba yan, Audrey?” sumingit naman si Sandy sa pag-uusap namin kaya sinamaan ko
lang siya ng tingin.
“Syempre kawawa naman kung hindi ko siya tutulungan, diba?”
Tumigil naman sa pagkain si Sandy at hinarap ako, “Yung totoo? Siya ba talaga yung nahihirapan
o ikaw?”
Natahimik naman ako sa tinanong niya. Para kasing may hugot eh, alam niyo yon? Tss.
Nag-peke naman ng ubo si Audrey at nagsalita, “Yung totoo? Tutorial pa ba ang pinag-uusapan
natin dito or iba na?”
“Sabi ko nga tutorial eh.” Kumain na lang ulit si Sandy at umiling-iling naman ako.
**
Uwian na namin ngayon at nandito kaming tatlo sa may lockers area. May mga assignment kasing
iniwan sa amin ang iba naming teachers kaya kinuha namin yung iba naming libro.
“Oo nga pala, Zaree. Hindi ba’t sabay kayo uuwi ni Travis ngayon?” tanong sa akin ni Sandy
habang sinasarado ang locker niya.
Nai-kwento ko na din kasi sa kanilang dalawa yung paghatid at pagsundo sa akin ni Travis kahapon
at kaninang umaga. Kinilig pa nga sila eh. Sus, eh wala naman akong gusto dun kay Travis. Forever
Hunter kaya ‘to!
“Oo nga, eh sabi niya ite-text niya na lang daw ako kapag tapos na ang klase nila.” Nilabas ko
naman ang cellphone ko sa bulsa at tiningnan kung nag-text na si Travis, kaso wala pa din eh.
“Paano yan? Mauuna na akong umuwi sa inyong dalawa. May family dinner kasi kami eh.”
Paalam sa amin ni Audrey at nauna na siyang naglakad palabas ng campus.
“Eh ikaw, Sandy? Hindi ka pa ba uuwi?”
“Hmm, boring naman kasi sa bahay! Tsaka tinatamad pa akong gumawa ng assignments eh.”
“Sus, kelan ka ba sinipag?” pagbibiro ko sa kanya.
“Tse! Kainis ‘to! Tara! Tambay muna tayo sa garden!”
**
Nagke-kwentuhan lang kami ni Sandy ng mga bagay-bagay ng biglang tumunog ang cellphone niya.
Binasa niya naman ito at pagkatapos ay humarap sa akin.
“Zaree, uuwi na ako ah? Nag-text na sa akin si Mommy eh, maggo-grocery daw kami.”
So paano na ako neto? Wala pa rin kasi si Travis at 5:30 PM na!
“Sige, una ka na.”
“Sure ka, Zaree? Ayaw mo pa bang umuwi? Mukhang matatagalan pa yata sila Travis oh.”
“Hayaan mo na, kaya ko naman eh.”
“Sige ha. Ingat ka! Bye!” nakipag-beso beso naman siya sa akin at umalis na.
Lumingon-lingon ako sa paligid ko at napansin kong kumokonti na ang tao dito sa school graden.
Oras na din kasi ng uwian at wala pa din si Travis! Huhu, Travis nasaan ka na ba?
Ilang minuto na ang nakakalipas pero wala pa din siya kaya naman tumayo na ako at sinukbit na
ang backpack ko sa balikat ko. Ite-text ko na lang si Travis na umuwi na ako dahil ang tagal-tagal
niya. Tss.
“Hey!”
Napalingon ako ng may tumawag sa may likuran ko.
“HUNTER?!”
Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Hunter sa may di kalayuan. Anong ginagawa niya dito?
“Hi Zaree.”
{FOUR}
“A-anong ginagawa mo dito?”
Lumapit naman siya sa akin tapos nginitian ako. Wag kang ganyan, Hunter. Ayoko pang mamatay.
“Pinatawag kasi ako ng principal kanina at ang sabi niya may magiging private tutor daw
ako at nalaman kong ikaw pala yon.”
“So, kilala mo pala ako?”
Ay ang bobo mo talaga magtanong, Zaree! Malamang kilala ka niya! Nahanap ka nga niya, diba?
“Oo naman, you’re Zaree Ysabelle Salameda, right? Sinabi sa akin ng principal, syempre.”
nilahad niya naman ang kamay niya at tumango ako.
Kinuha ko naman ang kamay niya at nakipag-shake hands sa kanya, “Yes, it’s me. I’m your private
tutor.”
“Well, I’m Hunter Grae Salazar. You can call me Hun for short.” Ngumiti naman siya ng
nakakaloko.
“Hun?”
“Hun short for Honey.”
Feeling ko lahat ng dugo ko sa katawan ay napunta sa mukha ko. Hunter naman kasi!
“Joke lang, Zaree. Just call me, Hunter or Grae. Basta, kung anong trip mo.”
Tumango-tango naman ako at nginitian din siya. Pwede niyo ba akong kurutin? Baka nananaginip
lang kasi ako eh!
“So, kelan mo gustong mag-start?” nakapameywang siya at hinihintay ang pagsagot ko.
“Hindi ba dapat ako ang nagtatanong sa iyo niyan?”
Natawa siya ng konti tapos kumamot sa batok niya, “Ay sorry, hehe.”
Hunter, mahal pa rin kita kahit corny ka.
“Bukas na lang? Padilim na din kasi eh.”
“Ah, sige ba! Wala ba kayong assignment ngayon?”
“Hmm...” tinapat niya naman ang index finger niya sa baba niya at kunwaring nag-isip, “Wala
naman.”
“Okay.”
Bakit sila walang assignment tapos kami meron?! Grabe, unfair!
Tumalikod naman siya at maglalakad na sana paalis pero huminto siya at humarap ulit sa akin,
“Teka, bakit nga pala nandito ka pa? Gabi na ah?”
“Ah, hinihintay ko kasi si Travis eh.”
“S-si Travis?” Oo, Hunter! Bakit ba ang tagal-tagal ng bestfriend mo?
“Oo eh, sabi niya kasi sabay daw kaming uuwi ngayon.”
Napansin ko ang pag-iba ng aura niya. Teka, nag-iba ng ba or nagi-imagine lang ako? Weh, Zaree.
Assuming ka talaga, forever.
“Hindi ba siya nagtext sayo?”
“Hindi pa nga eh.”
“A-ah, gusto mo sabay ka na lang sa akin?”
Ano daw? Sabay na kami? Tama ba ako ng pagkakarinig?
“K-kung ayaw mo, okay lang naman.” ngumiti naman siya ng pilit.
“Diba ihahatid mo pa ang girlfriend mo pauwi?”
Nanlaki naman ang mga mata niya tapos lumapit sa akin, “A-ah ano kasi, may practice pa sila ng
cheerdance sa gym.”
Ay oo nga pala. Cheerleader nga pala si Cassy.
“Okay lang ba sa kanya? Baka magalit sa akin si Cassy ha.”
“Hindi yun ‘no! Kaibigan naman kita eh.”
Wow, mag-kaibigan na kami? Agad-agad?
“Sige na nga—”
“Zaree Ysabelle!”
Napalingon naman ako sa may gate ng campus namin. Nakita ko doon si Kuya Zed na prenteng-
prenteng naghihintay sa may gilid at nakapamulsa pa siya. Ano namang ginagawa niya dito?
Nilapitan ko naman si Kuya at napansin kong sumunod din sa akin si Hunter sa paglalakad.
“Anong ginagawa mo dito, Kuya Zed?”
“Sinusundo ka.”
“Ha? Bakit naman? Kaya ko na ang sarili ko, Kuya!”
Lumapit naman siya sa akin at bumulong, “Pakilala mo naman ako dyan sa kasama mo.
Boyfriend mo ba yan?”
Ngumiti naman siya ng nakakaloko at lumayo ng konti sa akin. Nagulat naman ako ng tapikin niya si
Hunter sa balikat nito at inakbayan pa. Wow ha, feeling close.
“Ingatan mo ‘tong kapatid ko ha? Ano nga palang pangalan mo, pare?”
Siya naman ang umakbay kay Kuya Zed, “Hunter Grae Salazar, pare.”
Wow ‘pare’, close na yata talaga. Tss.
“Halika na, Kuya Zed! Umuwi na tayo!” hinila ko naman si Kuya palayo kay Hunter.
Pinigilan naman ako ni Hunter at hinawakan niya pa ako sa braso, “O-oy, teka! Akala ko ba ako
ang maghahatid sayo?”
“Mukhang nakakasira yata ako dito ah.” Hinampas ko naman ng mahina si Kuya sa braso niya ng
sabihin niya yon.
“Ah hindi na muna, Hunter. Salamat na lang ha? Nakakahiya naman kasi kung isasabay pa
natin si Kuya diba? Next time na lang.”
“Anong nakakahiya don, Zaree? Gusto ko din makasakay sa sasakyan— AW! BRUTAL!”
sinuntok ko ng mahina si Kuya sa tyan niya at nginitian naman ng pilit si Hunter.
Lumapit naman ako at bumulong sa kanya, “Kuya, tara na! Nakakahiya ka talaga.”
“Okay lang naman sa akin, Zaree. Ano, hatid ko na kayong dalawa ng Kuya mo?”
“Tara na nga, Hunter! Matatagalan pa yan sa pag-iisip si Zaree eh! Mauna na tayo sa kotse
mo!”
Hay, Kuya Zed. Panira ka talaga ng moment!
**
Habang nasa daan kami pauwi ay panay lang ang kwentuhan ni Kuya Zed at Hunter. Biruin mo yon,
ngayon lang sila nagkakilala ni Hunter, close na agad sila? Eh, mas nauna naman ako ng ilang
minuto na makilala si Hunter kaysa kay Kuya Zed ‘no. Tss.
“Alam mo, pareng Hunter, try mo minsan bumisita sa bahay para matikman mo si Zaree.”
Ano kamo?!
“Ha?” napansin kong kumunot ang noo ni Hunter dahil sa sinabi ni Kuya.
“Ang ibig kong sabihin, minsan try mong bumisita sa bahay para matikman mo yung
specialty ni Zaree na adobong manok! Aba, the best yan magluto non, diba kapatid?” ginulo
naman niya ang buhok ko pero sinamaan ko lang siya ng tingin.
Nasa likod kasi siya naka-upo at nandito naman ako sa shotgun seat, bale magkatabi kami ngayon ni
Hunter dahil malamang—siya ang nagda-drive.
“Ah, yun naman pala.” Halatang pinipigilan pa ni Hunter yung pagtawa niya.
Hay nako, Kuya! Patay ka talaga sa akin pag-uwi natin sa bahay!
“Dito na lang, pare.” Tinapik naman ni Kuya Zed sa balikat si Hunter kaya hininto niya na ang
sasakyan.
“Paano? Mauuna na akong pumasok sa loob ah? Baka kasi maglabing-labing pa kayo dyan eh.
Ingat, kapatid!” tinap ako sa ulo ni Kuya tapos maya-maya pa ay may binulong siya kay Hunter na
siya namang ikinatawa nito.
“Pumasok ka na nga sa bahay niyo, pare!” tinapik naman ni Hunter si Kuya sa balikat niya at
tuluyan na nga itong lumabas ng sasakyan.
“Pagpasensyahan mo na si Kuya ah? Anong sinabi niya sayo? Bakit ka natatawa dyan?” nag-
cross arms naman ako at hinintay ang pag-sagot niya.
Napa-lipbite naman siya para pigilan ang pagtawa, “Wala yon, wag mo nang intindihin ang Kuya
Zed mo. Teka, eto na ba ang bahay niyo?”
Itinuro niya yung bahay namin at tumango naman ako, “Pasensya ka na ah. Maliit lang talaga ang
bahay namin dahil hindi naman kami mayaman.”
“Shh.” Tinapat niya naman ang index finger niya sa labi ko, “Wala akong pakialam kung hindi
kayo mayaman, okay? Wala lang yon sa akin, Zaree.”
Ngumiti naman ako at nagpaalam na sa kanya, “Oh paano? See you na lang tomorrow, okay?
Bye!”
“Opps. Wag ka munang lalabas.”
“Huh? Bakit?”
Hindi niya naman ako sinagot at lumabas na lang siya ng sasakyan para makaikot sa may pwesto ko,
“Oh ayan, pwede ka nang bumaba, Zaree.”
“Thanks, Hunter.”
“You’re welcome.”
Kung ganito lang kami ni Hunter araw-araw, pwede nang sumabog ang puso ko sa sobrang saya.
Kaso hindi pwede eh.
{FIVE}
“Seryoso ka ba dyan, Zaree? Baka nananaginip ka na naman ha?”
“Totoo nga kasi, Audrey! Totoo ‘tong sinasabi ko sa inyo!”
“Well, hindi lang talaga kasi namin makalimutan ni Audrey yung kwinento mo sa amin nung
nakaraang buwan.”
“Anong kwinento ko sa inyong dalawa? Alin don?” pinatong ko naman ang kamay ko sa desk.
“Yung sinabi mo sa amin na hinalikan ka sa cheeks ni Hunter sabay harurot ng panaginip
lang pala! Nakakaloka ka, girl!” kunwaring nagpaypay naman si Sandy sa sarili niya gamit ang
mga kamay niya.
Inirapan ko na lang sila at sakto namang dumating din ang English teacher namin.
Bakit ba ayaw maniwala ng mga ‘to? Hay nako, Audrey at Sandy!
Nagka-usap na din pala kami kaninang umaga ni Travis dahil sinundo niya ako sa bahay. Nag-sorry
siya sa akin dahil nga hindi niya na daw ako naihatid pauwi kagabi. Sabi ko nga okay lang sa akin eh
pero nagpumilit siya na hayaan ko na lang daw siya na bumawi sa akin araw-araw. Edi go.
Katulad nga ngayon, kakatapos lang ng klase namin at nakita ko siyang hinihintay ako sa labas ng
classroom namin.
“Oh, tapos na din klase niyo?”
“Oo, kakatapos lang din. Tara na?” akmang kukunin niya na sana yung bag ko nang pigilan siya ni
Audrey at Sandy.
“Hep hep, saan mo dadalhin itong kaibigan namin ha?” nag-cross arms naman si Sandy.
“Oo nga! Baka mamaya rape-in mo si Zaree ah! Nako, kapag nangyari talaga yon ipapa-pulis
ka namin kahit gwapo ka!” tinaas naman ni Audrey ang isa niyang kilay at nag-cross arms din.
“Chillax lang kayo, girls. Yayayain ko lang sana manuod si Zaree ng basketball game namin
today.”
“Ha?! Ngayon na ba yon? OMG, Sandy!” nakipag-apir naman si Audrey kay Sandy at tumalon-
talon pa silang dalawa.
“Hoy kayong dalawa dyan, bakit naman kayo biglang na-excite sa sinabi ni Travis?” nilagay ko
naman ang dalawa kong kamay sa bewang ko at tinaasan sila ng kilay.
“Eh kasi naman, girl! Kasali yung crush ko dun sa team na makakalaban nila Travis ngayon!”
pumalakpak pa si Audrey dahil sa tuwa.
“Oo nga! Pati din yung akin!” tumalon-talon pa si Sandy na ikinatawa naman naming dalawa ni
Travis.
“Oh, yun naman pala eh! Manuod na din kayo pero kami pa din ang iche-cheer niyo ah!”
tuluyan namang kinuha ni Travis sa akin yung bag ko at siya na ang nagdala.
“Sige na nga! Pero ngayon lang ah!”
“Sus! Mas magaling pa kami don sa kabilang team!”
“Mas gwapo naman sila!”
“Anong mas gwapo sila? Wala namang gwapo don. Tingnan mo nga sa team namin, nandun
ako, si Gerald, si Carlos, si Dante, lalong-lalo na ang bestfriend kong si Hunter! Oh, diba?”
Oo nga, Travis, tama ka din dyan. Pero sorry, si Hunter lang talaga ang pinaka-pogi para sa akin.
Hihihi.
**
“GO TRAVIIIIIIIIS!”
“OMG! NANDYAN NA SI HUNTER!”
“GO HUNTER SALAZAR!”
Lumakas na ang sigawan sa gym lalo na nung dumating na ang mga kalaban. Napansin ko namang
kanina pa naghahampasan yung dalawang magkaibigan dito sa tabi ko. Hindi ko sila kilala eh pero
sure akong ka-batchmates ko din sila.
“Omg, girl! Tingnan mo yun isang lalaki dun oh! Nakatingin sa akin!” narinig kong sabi nung
isang babae sa kaibigan niya.
Tiningnan ko naman ito at tinignan mabuti ang mukha. Well, maputi lang naman siya pero di naman
siya ka-gwapuhan eh. Tsk. Walang-wala yan kay Hunter ‘no.
Si Hunter—gwapo, magaling mag-basketball, malakas ang sex appeal, matangkad, matangos ang
ilong, mabango, at moreno.
Oh, saan ka pa diba?
Tumunog na ang buzzer at hudyat ito na magsisimula na ang basketball game. Unang nakakuha ng
bola ang basketball team ng school namin. Sinundan ko naman ng tingin si Hunter dahil siya ang
may hawak ng bola.
Hay grabe, ang hot niya talagang tingnan.
“Zaree, laway mo.” Siniko naman ako ni Sandy at tinikom ang bibig ko.
“Ha? Meron ba?”
“Kanina nga meron! Wag masyadong magpapahalata, girl! Nandyan kaya yung girlfriend
niya.” Nginuso niya naman si Cassy na tutok na tutok sa paglalaro ni Hunter.
Ay oo nga, nakalimutan ko.
“Salazar for three!”
And... shoot!
Isang malakas na sigawan ang ibinigay ng mga nanunuod dito sa gym ng maka-3 points si Hunter.
Napansin kong napatayo si Cassy at sabay na sumigaw nang, “Go Hunter! I love you, babe!”
Napalingon naman si Hunter sa kanya ng sandali at nag-flying kiss pa ito kay Cassy. Syempre, ano
pa nga bang naging reaksyon ni Cassy? Edi kinilig. Yun lang naman yun eh, tss.
**
“Congrats babe! Sabi sayo eh, panalo pa din kayo.” Sabi ni Cassy paglapit ni Hunter sa kanya.
“Thanks babe.”
“Halika, punasan ko na yang pawis mo.” Naglabas naman si Cassy ng towel at pinunasan ang
pawis ni Hunter.
Natigil lang ako sa pagtitig sa kanilang dalawa ng biglang may nag-snap na mga daliri malapit sa
mukha ko.
“Zaree, okay ka lang?” napalingon ako at nagulat nang makita ko si Travis na nasa harap ko.
“A-ah, okay lang ako.”
“Are you sure? Bakit mukhang tulala ka yata dyan?”
“H-hindi ah!”
Napalingon naman si Travis sa tinitingnan ko kanina. Napansin kong kumunot ang noo niya at
napalingon ulit sa akin.
“Sila ba yung tinitingnan mo?” tinuro niya naman yung dalawa at napaiwas ako ng tingin.
“Hindi ah!”
“Weh?”
“Oo nga, Travis. Tara na!” hinila ko ang braso niya pero hindi pa din siya umaalis sa pwesto niya.
“Sabihin mo sa akin ang totoo, Zaree. May gusto ka ba kay Hunter?” hinawakan niya ang
magkabila kong pisngi dahilan para magtama ang mga tingin namin.
T-teka, ano daw?
“Wala ‘no. Hindi ko gusto si Hunter.” Hindi ko siya gusto, gustong-gusto lang.
Parang umaliwalas ang mukha niya nang sabihin ko ‘yon. Yung totoo, Travis? Ano bang meron
sayo?
“Yun naman pala eh. Tara na!” inalis niya ang mga kamay niya sa pisngi ko at hinawakan naman
ang kanang kamay ko.
“Saan tayo pupunta?”
“Dinner. Ayaw mo ba kumain sa labas? Treat ko.”
“Ha? Eh may pupuntahan kasi ako Travis eh.” Oo, itu-tutor ko si Hunter ngayon!
“Ganon ba?” lumungkot naman ang mukha niya, “Eh bukas? Free ka?”
Umiling-iling naman ako bilang sagot, “Saturday at Sunday, pwede ako.”
“Hmm...” nilagay niya naman ang mga kamay niya sa baba niya at kunwaring nag-isip, “Oh sige,
tamang-tama, nagpa-plano sila Mom at Dad na magkaroon kami ng family dinner.”
“Hala! Family dinner? Nakakahiya naman sa mom at dad mo kung ganon.”
“Hindi yan! Akong bahala.” Kumindat pa siya at bahagyang natawa.
“Oh sige na nga.”
“Yun! Oh, paano? Sasabay ka na ba sa akin pauwi?”
“Hindi na, Travis. May hihintayin pa kasi ako eh.”
Napalingon-lingon naman ako para hanapin yung dalawa kong kaibigan. Nasaan na ba yung mga
yon? Hindi ko kasi namalayan na umalis na pala sila kanina eh. Hindi man lang nagpapaalam!
“Sige, bye! Ingat ka pauwi ha? See you tomorrow, Zaree. Just text me kapag nakauwi ka na so
I’ll know that you got home safe.” Tumango na lang ako at nag-wave na siya paalis.
“Zaree Ysabelle!” napalingon ako ng marinig ko ang boses ng dalawa kong kaibigan.
“Oh?! Saan ba kayo pumunta?! Iniwan niyo na lang ako bigla!” nag-cross arms naman ako at
sumimangot.
“Sorry na, girl! Kasama mo naman si Travis kanina eh. Nagpa-picture lang kami sa mga crush
namin bago sila umalis ng school.” Mukhang kilig na kilig pa ‘tong si Sandy habang nagke-
kwento.
“Hay nako, kayo talaga!”
Lumapit naman sa akin si Audrey at bumulong, “Oo nga pala, Zaree. Nakasalubong namin ni
Sandy kanina si Hunter. Sabi niya, puntahan mo na lang daw siya sa may parking lot ng
school.”
Tumango naman ako at kinuha na ang mga gamit ko, “Bye, girls! See you tomorrow!”
“Grabe talaga ‘to! Pagdating kay Hunter mabilis talagang kumilos!”
Dumila naman ako sa kanila at tuluyan na akong lumabas ng gym.
**
Pagkadating ko naman sa parking lot ay agad kong nakita ang sasakyan ni Hunter. Syempre alam ko
ang gamit niyang sasakyan, madalas ko kasi siyang abangan dati sa parking lot tuwing papasok siya
or kaya naman pauwi na. Hehe, stalker na kung stalker ang peg ko ‘no.
Kinatok ko naman ang bintana ng sasakyan niya sa may shotgun seat dahil napansin kong naka-
headphones siya at hindi niya naman maririnig ang boses ko mula sa labas ng sasakyan niya kapag
ganon. Nang makita niya naman ako ay napangiti siya at lumabas ng sasakyan niya.
Sinabit niya muna ang headphones sa may leeg niya at kinausap ako, “Pasok ka na, Zaree.”
Binuksan niya ang pintuan sa may shotgun seat at inalalayan akong umupo, “Thanks.”
Sinarado niya yon at umikot na ulit para makaupo siya sa driver’s seat. Habang nasa daan kami ay
tahimik lang kaming dalawa. Uhm, ako ba dapat yung unang magsalita dito? Hehe, nakakahiya
naman ‘to, pakshet.
“Zaree.” Finally!
“Hmm?”
“Can I call you Ysabelle? Parang mas comfortable kasi ako dun eh.”
“Ah sure, Hunter.”
Napatingin naman siya sa akin at ngumiti. Maya-maya ay binalik niya na din ang tingin niya sa daan.
“Mabuti pinapayagan ka ng parents mo na mag-drive?”
“Ah oo, pinayagan naman ako ni Mama.” tumango-tango naman siya, “Tinuruan ako nung tito
ko mag-drive nung 13 years old pa lang ako.”
“13?! Seryoso ka ba dyan?”
“Yup. Nung una, syempre ayaw niya eh sa mapilit ako.” Natawa naman siya ng konti sa sinabi
niya, “Gustong-gusto ko na kasi talaga matuto mag-drive ‘non, astig kasing tingnan diba?”
“Oo, astig nga pero pag na-aksidente ka, ay aba, ibang usapan na yan.” Natawa naman siya sa
sinabi ko.
“Ikaw, Ysabelle? Gusto mo din ‘bang matuto mag-drive?”
“Oo naman kaso wala kaming sasakyan eh. Paano ako matututo?”
“Edi driving school.”
“Wow, mahal kaya ang bayad sa mga driving school! Wag na ‘no, gagastusin ko na lang yun sa
pag-aaral ko.”
“Sabagay. Ano nga palang trabaho ng mama at papa mo?”
“Si Mama, isang call center agent. Si Papa naman, ayun, sumakabilang-bahay eh.”
“Sumakabilang-bahay or sumakabilang-buhay?”
“Yung una, hehe.” Ngumiti ako ng tipid, “Ewan ko ba kay Papa kung bakit pinagpalit niya pa si
Mama sa ibang babae. Eh hamak naman na mas maganda si Mama doon sa bago niyang
babae.”
“Ganun talaga ang buhay, Ysabelle. Malay mo, hindi lang naibigay ng Mama mo ang sapat na
pagmamahal sa Papa mo kaya nagkaganyan sila.”
“Hindi pa ba sapat yung pagmamahal na binibigay ni Mama kay Papa araw-araw? Baka
naman sadyang malandi lang si Papa kaya ganon.”
“Ysabelle, tatay mo pa din siya.”
“Kahit na, alam mo bang sobrang sakit para sa akin na makita ang nanay ko na umiiyak at
nasasaktan? Kung siya nasasaktan, mas doble pa yung nararamdaman ko kasi anak niya ako
eh.”
Nagkibit-balikat na lang siya, “Some people are meant to fall in love with each other but not
meant to be together.”
Napa-nganga naman ako dahil sa sinabi niya, “Ha?”
“Wala yun, hehe. Naalala ko lang yung line na yon sa isang movie na napanuod ko.” umiling-
iling naman siya at hininto na ang sasakyan sa loob ng bahay nila. Nandito na pala kami sa kanila,
hindi ko man lang namalayan.
Pero infairness ha, grabe maka-hugot ‘tong si Hunter. May pinagdadaanan ba?
{SIX}
Pagkapasok namin sa bahay nila Hunter ay agad naman siyang sinalubong ng ibang maids. Kinuha
nila ang mga gamit ni Hunter na dala-dala niya at inakyat na ito sa taas.
“Yaya Fely!” tinawag naman ni Hunter ang isang yaya at lumapit ito sa kanya.
“Yes po, Sir Hunter?”
Kinuha naman sa akin ni Hunter ang backpack ko at binigay ito kay Yaya Fely, “Pakidala po nitong
gamit ni Ysabelle sa library. Salamat po.” Tumango naman yung yaya at agad na umakyat ito sa
taas.
“Finally! You’re home, anak!” Lumapit naman sa kanya ang isang babaeng—kung hindi ako
nagkakamali ay nanay niya—at agad siyang niyakap nito.
Kumalas naman sa yakap si Hunter at agad akong nilingon, “Ma, I want you to meet, Zaree
Ysabelle Salameda.”
Napalingon naman sa akin yung mama niya at nginitian ako, “Hello, hija. So you must be my son’s
new girlfriend? Anak, wala na agad kayo ni Cassy? Parang nung nakaraan lang ay pinakilala
mo pa lang siya sa akin ah.”
“No, she’s not my girlfriend, Ma. She’s my private tutor.”
“Ohh...” ngumiti ulit ito sa akin at nakipag-beso beso, “I’m Tita Krish, Hunter’s mom.”
“Hi po, Tita.”
“So kailan ang start ng tutorial niyo ng anak kong si Hunter?”
Nag-peke naman ng ubo si Hunter at sinenyasan niya kaming dalawa ni Tita Krish na aakyat muna
siya sa kwarto niya para magpalit ng damit.
“Halika, hija. Maupo ka muna.”
Sinamahan niya naman akong maupo sa isang couch dito sa sala nila. Sumenyas naman siya sa isang
maid na paghandaan ako ng makakain.
“Uhm, hija, what’s your name again?”
“Zaree Ysabelle Salameda po.”
“Oh, sorry,” bumuntong-hininga naman siya, “Anong gusto mong itawag ko sayo? Zaree or
Ysabelle?”
“Zaree na lang po.”
“Ngayon lang ba kayo naging magkaklase ni Hunter?”
Umiling-iling naman ako, “Ay hindi ko pa po siya nagiging kaklase, Tita.”
“Oh, so palagi kang nasa section one kung hindi ako nagkakamali?”
“Yes po.”
Mukha namang namangha siya sa narinig niya, “Nako, pagpasensyahan mo na kung ikaw ang
naging tutor ni Hunter ah? Kasi naman yung batang yon, ewan ko ba at walang hilig sa pag-
aaral!”
“Okay lang po, Tita.” Nginitian ko naman siya.
Saktong dumating ang hinihinging meryenda ni Tita Krish sa isang maid nila at iniabot niya naman
ito sa akin.
“Ay salamat po.”
“Walang anuman.” Nag-bow naman ang maid sa akin at tsaka umalis.
“Matagal ka na bang nag-aaral sa Westville High?”
“Ay hindi po, nag-transfer po ako dun nung 2nd year highschool pa lang po ako. Wala naman
po kasi kaming sapat na pera para mai-enroll ako dun ni Mama. Dati po ay sa public school
lang ako.”
“Ano bang trabaho ng mama mo?”
“Call center agent po. Tsaka may mga kapatid pa po kasi akong nag-aaral sa college kaya
tinitipid din kami ni Mama.”
“Nasaan ang tatay mo?”
“Ah, wala na po akong tatay. Iniwan niya na po kami nila Mama noong maliit pa lang po ako.
Wala eh, nag-asawa po ng iba.”
“Hay nako, ganyan talaga ang ibang lalaki, hija. Hindi nakukuntento sa kung anong meron
sila, pero hayaan mo na. Dapat sa mga ganyan, binabaon na sa limot.”
“Oo nga po eh,” nginitian ko naman siya ng tipid, “Eh nasaan po ba ang tatay ni Hunter?”
Napansin kong nag-iba ang aura niya ng tanungin ko sa kanya iyon. Hay nako, Zaree! Masyado ka
talagang madaldal!
“Ah sorry po, Tita. Pasensya na po kung masyado na akong—”
“Iniwan niya din kami ni Hunter, Zaree.” Tumahimik ako saglit at hinintay ang susunod niya
pang sasabihin.
“Bata pa lang si Hunter noon siguro nag-aaral pa lang siya sa elementarya. Masyado akong
busy sa trabaho. Pati nga kay Hunter eh nawawalan na din ako ng oras. Kung si Hunter nga,
hinahanap-hanap ako parati eh, yung tatay niya pa kaya?” isang mapait na ngiti ang inilabas
niya, “Dahil don, nalaman ko na lang na tuwing busy ako sa pagta-trabaho, busy din siya sa
paghahanap ng pagmamahal ng iba.” Lumapit ako kay Tita Krish at hinagod ang likod niya.
“Simula noon, parati na kaming nag-aaway. Palagi din kaming inaawat ni Hunter. Biro mo
yon? Bata pa lang si Hunter pero nakakakita na siya ng mga ganong away? Edi ang
kinalabasan, naghiwalay kami ng Papa niya.”
“Hayaan niyo na po siya, Tita. Diba nga po ang sabi niyo sa akin, dapat lang sa mga katulad
nila ay binabaon na sa limot?”
Tumango-tango naman siya at tumayo na, “Oh sige na, hija. Akyatin mo na si Hunter, okay? Next
time na lang ulit tayo mag-chikahan tsaka bonding na rin, hehe.”
“Sige po, Tita. Sure po!”
Nginitian ko naman siya bago ako umakyat papunta sa kwarto ni Hunter.
“Uhm, excuse me po.” tawag ko sa isang maid at agad naman itong napalingon sa akin.
“Ano yun, hija?”
“Nasaan po ba ang kwarto dito ni Hunter?”
“Ah, dyan yung kwarto niya oh.” Tinuro niya naman yung isang pintuan na may nakalagay na ‘Do
not disturb, batman is sleeping.’ Wow, batman talaga?
“Sige po, thank you!”
Naglakad naman ako papunta don at kakatok na sana kaso bigla siyang lumabas, “Oh nandyan ka
na pala eh. Tara na sa library?”
“Kakatok pa lang sana ako eh,” natawa naman ako ng bahagya, “Tara na!”
**
“Alam mo bang madali naman talaga para sa akin ang math.” Napakamot pa si Hunter sa ulo
niya habang sino-solve ang problems na binigay ko sa kanya.
“Oh, madali naman pala eh. Bakit hindi mo masagutan ang mga yan?”
“I mean, madali pa yung math para sa akin nung hindi pa hinahaluan ng alphabet.” Tumingin
naman siya sa akin saglit at ngumiti ng nakakaloko.
“Hay nako, Hunter. Ganyan talaga!”
“Sorry na, okay?” tinap niya naman ang ulo ko ng mahina, “Joke lang yun. Chillax ka lang.”
“Anong chillax ka dyan? Sagutan mo na lang yan! Nako, Hunter ha.”
“Sus, sisiw lang ‘to sa akin eh. Pikit ka muna.”
“Hunter, hindi ito ang oras para maglaro.” I warned him pero umiling-iling lang siya.
“Basta! Pikit ka lang tapos bilang ka ng 10 seconds. After nun, buksan mo mga mata mo,
okay?”
“Hmm... okay!”
Pinikit ko naman ang mga mata ko at nagbilang ng 10 seconds.
“Walang dayaan ah! Baka sumisilip ka!”
“Hindi nga! Oh, takpan mo pa eh!”
“Oo na! Oo na!” tumawa naman siya tapos naramdaman ko na lang na biglang tumahimik.
“Buksan mo na mga mata mo, tapos na kaya 10 seconds. Masyado ka namang nasarapan sa
pagpikit.” Aba’t!—
“Oh, check mo na! Tapos na ako!” hinarap niya naman sa mukha ko yung papel na sinagutan niya.
“Sure ka na ba dito sa mga sagot mo?”
Nilapag niya naman yung ballpen niya at tumayo, “Ysabelle, i-check mo na. Excited na akong
malaman kung perfect ako o hindi, okay? Wait lang, kukuha lang ako ng makakain natin.”
Lumisan na siya ng library at naiwan naman akong nakaupo doon. Tinitigan ko naman ang papel
niya at kinuha ang red ballpen ko.
Okay, na-perfect talaga ni Hunter yung pinapasagutan ko sa kanya. Aba, magaling na bata.
“Nandito na ako!” sumigaw naman siya pagpasok niya ng library at tumabi ulit sa akin. Oo, may
sariling library sila Hunter sa bahay nila.
“Oh ayan, tingnan mo na score mo.”
Kinuha niya naman agad sa akin yung papel at nung makita niya yung score niya ay nanlaki ang
mga mata niya, “Perfect talaga ako, Ysabelle? Walang halong joke ‘to?!”
“Oo nga!” natawa naman ako ng konti, “Gusto mo bang bawiin ko?”
“The best ka talaga, Ysabelle! Thank you!”
Nagulat naman ako ng yakapin niya ako bigla. Wag ka namang ganyan, Hunter. Mas lalo tuloy akong
nafa-fall sayo.
{SEVEN}
Kakatapos lang ng tutorial namin ni Hunter at nag-aayos na nga ako ng gamit ko dahil may gig pa
ako mamaya sa isang bar.
“Oh basta ha, yung mga tinuro ko sayo wag mong kakalimutan, Hunter. Tsaka galingan mo
pala sa long quiz niyo sa trigonometry bukas, okay?”
“Yes boss.” Sumaludo pa siya at ngumiti sa akin.
“Sige, mauuna na ako. May—”
Hindi ko naman natapos ang pagsasalita ko dahil bigla siyang nagsalita, “May gig ka mamaya?”
“Oo. Yun pa nga lang ang sasabihin ko eh.” Sinukbit ko naman sa balikat ko yung backpack ko at
humarap sa kanya, “Bakit mo nga pala natanong?”
“Balak kasing manuod ulit ni Cassy eh. Idol ka kaya non.”
Ah, kaya pala.
“Sure! Daan na lang kayo mamayang 9PM, okay?”
“Sige ba.” Napakamot naman siya sa batok niya, “Uhm, hatid na kita?”
“Hindi na siguro, Hunter. Kaya ko naman mag-commute mag-isa.”
“Gabi na, Ysabelle. Sige na, hahatid na kita.”
“Sige na nga.”
**
Pagkauwi ko sa bahay ay nasalubong ko naman si Mama sa sala na mukhang kakadating pa lang.
“Hi Ma! Good evening!”
“Hello anak! Oh, kakauwi mo lang? Saan ka galing?”
“Ah, may tinu-tutor pa po ako diba?”
“Ay oo nga pala. Pagpasensyahan mo na si Mama ha? Marami lang talaga akong iniisip sa
trabaho kaya ako nagkakaganito.” Napahawak pa siya sa sentido niya at agad na umupo sa sofa
naming de kahoy.
“Oh, ayos ka lang ba, Mama?”
“Oo, wag mo na akong alalahanin, anak. Masyado lang talaga akong napagod ngayong araw.
Sige na, mag-asikaso ka na. May gig ka pa diba?”
“Opo. Sure ka, Mama ah?”
“Oo, kaya ko na, anak. Nandito din naman ang mga Kuya mo eh.”
Tumango naman ako, “Keri?”
Ngumiti naman si Mama at tumayo para mayakap ako, “Kering-keri, anak.”
**
Saktong 8:30 PM ako dumating sa bar kung saan madalas akong mag-gig. Dumeretso naman ako sa
backstage at doon ko nakasalubong si Ms. Sarah—ang may-ari ng bar na ito.
“Oh, Zaree! Bakit ngayon ka lang ulit? Madaming naghahanap sayo nung nawala ka!” nakipag-
beso beso naman siya sa akin.
“Pasensya na po, Ms. Sarah. Naging busy lang po talaga ako sa school. Don’t worry po, I
prepared two songs para sa kanilang lahat ngayong gabi.”
“Really? Sige ba! Exciting yan ha! At dahil dyan, dadagdagan ko din ang bayad ko sayo!”
Agad naman akong napayakap sa kanya, “Thank you po, Ms. Sarah. Thank you po talaga.”
“Nako, wala yun ‘no. Parang anak na din ang turing ko sayo.” Kumalas naman siya sa yakap at
hinarap ako, “Oh, mag-ayos ka na. Ilang minuto na lang ay magsa-start ka na.”
**
{9:30 PM}
Kakatapos ko lang kantahin ang una kong kanta. Nagsipalakpakan naman silang lahat at ang iba ay
tumili pa. Lumingon-lingon ako sa paligid. Baka sakaling makita ko siya eh.
Sabi niya manunuod sila ni Cassy diba?
Bumukas naman ang pintuan ng bar at nakita ko silang dalawa na papasok—magka-holding hands
pa. Syempre, ano pa bang aasahan ko?
Nang makaupo silang dalawa ay napansin kong napatingin siya sa akin. Binigyan niya ako ng isang
matamis na ngiti at nag-thumbs up pa. Ginantihan ko din siya ng isang tipid na ngiti at napatingin sa
girlfriend niya na kasalukuyang inaayos ang kwelyo ng polo niya. Naks, girlfriend duties.
Inayos ko naman ang pagkakasabit ng gitara ko sa katawan at nagsimula na ulit i-strum ang gitara.
What is this I’m feelin’
I just can’t explain
When you’re near
I’m just not the same
I’m tryin’ to hide it
Try not to show it
It’s crazy
How could it be
Ipinikit ko ang mga mata ko at fineel ang pagkanta.
I’ve fallen for you
Finally, my heart gave in
And I’m fallen in love
I finally know how it feels
Dumilat ako at nilibot ang paningin ko—na dapat ay hindi ko na lang pala ginawa.
When you said hello
I looked in your eyes
Suddenly, I felt good inside
Is this really happenin’
Or am I just dreaming
I guess, it’s true
I can’t believe
Nakita kong nilagay ni Cassy ang dalawang kamay niya sa mga pisngi ni Hunter at nilapit ito sa
kanya para mahalikan siya sa labi. Napansin ko din ang pagkagulat ni Hunter dahil nanlaki pa ang
mga mata nito. Bakit dito pa?
I’ve fallen for you
Finally, my heart gave in
And I’m fallen in love
I finally know how it feels
So this is love
Pinikit ko ang mga mata ko ng mariin—kinakalimutan na kunwari ay wala akong nakita. Kunwari
wala lang yon.
Kumanta ka na lang, Zaree. Yan ka na naman eh.
Doesn’t matter where I am
Thoughts of you still linger in my mind
No matter what time of day
I’ve really, really
Fallen for you
Pagkadilat ko ng mga mata ko ay napansin kong wala na silang dalawa doon. Bakit bigla na lang sila
nawala?
Baka naman lumabas na at pinagpatuloy na sa pribadong lugar—napangiti ako ng mapait ng maisip
ko ‘yon. Bakit ko nga ba sila iniisip? Ano bang pake ko sa relasyon nilang dalawa?
I’ve fallen for you
Finally, my heart gave in
And I’m fallen in love
I finally know how it feels
I’ve fallen for you
Finally, my heart gave in
And I’m fallen in love
I finally know how it feels
So this is love
“Whoo! The best ka talaga, Ms. Zaree Salameda!” tumayo pa ang isa sa mga audiences at
pumalakpak ito ng malakas. Nagsitawanan naman ang iba at pumalakpak na lang din.
**
10 PM natapos ang gig ko at nandito nga ako ngayon sa labas. Naghihintay ng masasakyan. Punuan
na din ang jeep pauwi sa amin, kaya no choice—magta-taxi ako ngayon.
Isinabit ko sa kanang balikat ang gitarang dala-dala ko tapos ang maliit ko naman na bag ay hawak
ko gamit ang kaliwang kamay ko.
Naramdaman ko naman na biglang kumulo ang tiyan ko at agad naman akong napahawak dito.
Hindi pa nga pala ako kumakain ng dinner. Hay, makadaan na nga lang muna sa isang convenience
store.
“Ate, pahingi naman po kahit konting barya lang. Hindi pa po kasi ako kumakain eh.”
Napalingon naman ako sa batang kanina pa ako kinakalabit.
Madungis siya at mapayat—typical look ng mga batang kalye na nakikita mo sa mga gilid-gilid ng
daan.
“Nasaan ang mga magulang mo?”
“Wala na po akong mga magulang, ate.”
“Ha? Eh saan ka tumutuloy?”
“Sa tabi-tabi lang po. Wala naman po akong bahay na matutuluyan eh.”
Hindi ko alam pero nanlambot ang puso ko ng makita ko siya. Mabilis talaga akong maawa sa mga
ganitong bata. Imagine? Sobrang bata pa sila tapos mag-isa lang silang pagala-gala sa kalye at wala
pang makain.
“Ilang taon ka na at anong pangalan mo?”
“Ako po si Earl, 6 years old pa lang po ako.”
“Tara! Samahan mo ako!”
Kumunot naman ang noo niya, “Ha? Saan po, ate?”
Ginulo ko naman ang buhok niya at sabay na kaming pumasok sa isang convenience store. Nung
una nga ay ayaw pang papasukin ng guard yung bata na kasama ko pero sa huli, napilit ko din
naman.
“Upo ka muna dyan ha? Bibili lang ako ng makakain natin.”
“Sige po, ate.”
Iniwan ko siya na nakaupo sa isang upuan at naglibot-libot muna ako sa loob para bumili ng
makakain. Kumuha ako ng dalawang rice meal at binayaran ito sa cashier.
Nang makabalik naman ako sa table naming dalawa ay nakita ko siyang nilalaro ang isang straw na
nakapatong sa table namin.
“Oh, kumain ka muna ha?”
Tumango siya at nagsimula nang kumain. Magkaharap kaming dalawa ngayon. Binuksan ko na din
ang binili ko at kumain na din.
Tiningnan ko naman ang bata habang kumakain siya. Halatang sarap na sarap siya sa kinakain niya.
Naisip ko lang—swerte pa din pala ako sa lagay na ‘to. Kahit na wala akong tatay at mahirap lang
kami, atleast may nakakain pa din ako, diba? Hindi katulad niya, wala na ngang magulang, wala
pang makain.
“Ysabelle?”
Napalingon ako sa taong nagsalita.
Ysabelle. Isa lang naman ang tumatawag sa akin nun.
{EIGHT}
“Ysabelle?”
Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko siya, “H-hunter? Anong ginagawa mo dito?”
Akala ko pa naman ay umuwi na sila ni Cassy kaya sila nawala kaninang dalawa sa bar?
“A-ah, napadaan lang.”
Napadaan? Seryoso ba ‘tong si Hunter?
“Sino yang kasama mo?” lumapit siya sa bata at tinapik-tapik ito sa balikat.
“Ah, si Earl.” Sagot ko naman at kumain na lang.
“Hi po, Kuya!” binati naman siya ng bata at ngumiti pa ito sa kanya.
“Hello.” Ngumiti siya at lumapit sa akin para bumulong.
“Ka-ano ano mo ‘tong bata?”
Humarap ako sa kanya at nginitian na lang siya. Umusog ako ng konti para makaupo siya sa tabi ko
at nagsimula na akong mag-kwento.
“Nakita ko siya sa labas kanina habang naghihintay ako ng taxi pauwi sa amin. Nanghihingi
siya ng barya kasi wala siyang makain eh.” Tumingin ako sa bata at halata namang wala itong
pakialam sa amin dahil busy siya sa pagkain.
“Ysabelle, hindi mo ba alam na delikado yang ginagawa mo?”
“Anong delikado doon? Tinulungan ko lang naman siya dahil hindi pa nga siya kumakain.
Kawawa nga eh.”
“Ysabelle, kahit na. Hindi mo sigurado kung anong pwede niyang gawin sayo. Nako, kahit
bata pa yan eh galing sa kalye yan.”
Napailing-iling na lang ako at pinihit ang ulo niya para makita niya ang batang kumakain pa rin.
“Tingnan mo ang bata, mukha bang may gagawing masama yan sa akin ha, Hunter?”
“Ysabelle, kahit na.”
Ngumiti na lang ako sa kanya at nagpatuloy na lang sa pagkain, “Ikaw? Kumain ka na ba ng
dinner mo?”
“Oo, kakatapos lang namin mag-dinner ni Cassy.”
Ah, kaya pala bigla silang nawala kanina.
“By the way, ang ganda ng boses mo, Ysabelle. Walang pinagbago.”
Napaharap naman ako sa kanya ng sabihin niya yon, “W-walang pinagbago?”
“Oo, hindi mo ba alam na matagal na akong nanunuod sayo kapag may gig ka sa bar na yon?”
Alam ko, Hunter. Alam na alam ko.
“A-ah, syempre alam ko.”
“Yun naman pala eh. Oo nga pala, pwede ka bang mayaya—”
Wait, eto na ba yon? Eto na ba yung araw na pinaka-hinihintay ko na yayayain ako ni Hunter na
makipag-date sa kanya?
Ay, wag ganyan Zaree. Patapusin mo muna si Hunter magsalita.
“...okay lang ba sayo, Zaree Ysabelle?” nabalik naman ako sa wisyo ng bigla niyang banggitin ang
pangalan ko.
“H-ha? Ano ulit yon?”
“Tss.” Ginulo niya naman ang buhok ko, “Ang sabi ko, kung pwede bang ikaw na lang ang
tumugtog sa first monthsary namin ni Cassy? Okay lang ba yun sayo, Ysabelle?”
Parang namang may sumaksak na kung ano dito sa puso ko ng marinig ko yun. Hay, masyado na
naman kasi akong umasa eh.
Tandaan: Masakit umasa, nakamamatay.
**
Nandito na kaming tatlo ngayon sa labas ng convenience store dahil kakatapos lang namin
kumain—ay mali, kaming dalawa lang pala ni Earl ang kumain dahil si Hunter ay binantayan lang
kaming dalawa.
“Ate, maraming salamat po sa pag-libre sa akin ha?” niyakap naman ako ng bata sa bewang ko
dahil yun lang naman ang abot niya.
“Wala yon, Earl. Oh sige na, mauuna na ako. Wag magiging pasaway para hindi mapahamak
sa daan ha? Delikado, wala ka pa namang mga magulang na magbabantay sayo.” Tinapik-
tapik ko naman siya sa balikat niya at kumalas naman siya sa yakap.
“Kuya, thank you din po.” Nagulat naman si Hunter ng yakapin din siya ng bata at agad naman na
kumalas ito.
Natawa ako sa naging reaksyon niya. Ano, ngayon lang ba siya nayakap ng isang bata?
“Mauuna na po ako, ate at kuya.”
“Sige, ingat ka!” nag-wave naman ako pabalik sa kanya at tuluyan na siyang nakalayo.
Nag-cross arms ako at hinagod-hagod ang magkabilang braso dahil sa lamig ng hangin na tumatama
sa akin. Gabi na kasi eh kaya malamig na talaga sa labas.
“Ysabelle, hatid na kita.”
“Ha? Hindi na, Hunter. Kaya ko naman mag-commute eh.”
“Dali na, hahatid na kita.”
“Hunter.” I warned him kaya naman tinikom niya na lang ang bibig niya.
Napansin ko naman na hindi pa siya umaalis kaya humarap na ako sa kanya, “Hindi ka pa ba
uuwi? Sinong hinihintay mo?”
“Ikaw.”
“Hunter, kaya ko naman kasing umuwi ng mag-isa eh. Malaki na ako.”
“Ysabelle, wag mo ngang nira-rason yan. Oo, malaki ka na, pero sa tingin mo ba mapo-
protektahan mo ang sarili mo kapag may nanamantala sayo?”
“Hunter...”
“Tara na.” Nagulat ako ng bigla niya akong buhatin ng pa-bridal style at pinasok sa loob ng
sasakyan niya—sa shotgun seat.
Agad niya naman itong ni-lock at umikot para makaupo sa driver’s seat.
“Oh, ayan. Edi nakuha din kita. Kulit kulit mo talaga, Ysabelle.” Pinisil niya pa ang magkabila
kong pisngi bago paandarin ang kanyang sasakyan.
Matagal mo nang nakuha ang loob ko, Hunter. Matagal na matagal na.
**
“Anak! Anak!” nagising ako ng maramdaman kong may yumuyugyog sa buong katawan ko.
Kinusot-kusot ko ang mga mata ko tapos umupo sa aking kama. Nakita ko naman doon si Mama na
naka-ngiti sa akin ng wagas. Anong meron?
“Bakit ba, Mama? Late na po ba ako?”
Napatingin naman siya sa orasan dito sa loob ng kwarto ko, “Hindi pa naman, anak. Marami ka
pang oras para mag-asikaso.”
“Oh? Eh bakit niyo na po ako ginising? Matutulog pa ako.” Hihiga na sana ulit ako ng bigla niya
akong pigilan, “Ano ba kasi yun, Ma?”
“Bumangon ka na dyan at mag-ayos ng sarili mo. May naghihintay na sayo sa labas ng bahay
natin!”
“Ano po? Sino daw po siya?”
“Eh basta! Mag-ayos ka na lang dyan, anak!” tumayo naman siya at lumapit sa may pintuan,
“Infairness, anak ha. Gwapo ng boyfriend mo!” tuluyan naman siyang lumabas na ng kwarto ko
at isinarado na ang pinto.
Ano daw? Boyfriend? Sa pagkakaalam ko wala pa namang nanliligaw sa akin ah?—Napa-iling na
lang ako ng maisip ko ‘yon. Tsk, Mama talaga oh.
Bumangon na ako at lumabas ng kwarto para dumeretso sa pagligo. Syempre, nakakahiya naman
kung lalabasin ko agad yung bisita ko kahit hindi pa ako naliligo diba?
“May tao ba?” kumatok ulit ako sa pintuan ng CR at narinig ko ang boses ni Kuya Zeke.
“Oo, meron! Saglit lang! Matatapos na ako.” Narinig ko pa ang pagbuhos niya ng tubig tapos
maya-maya pa ay lumabas na din siya ng CR ng nakatapis lang.
“Oh, dalian mo na maligo, Zaree. May bisita ka.” Sabi ni Kuya Zeke sa akin pagkalabas niya ng CR.
“Opo, alam ko naman yun. Kakasabi lang sa akin ni Mama.”
Tumango-tango naman siya at pumasok na ako sa CR. Nilock ko ito at nagsimula na akong maligo.
Pagkatapos nun ay bumalik ako sa kwarto ko para suotin na ang school uniform ko.
“Anak, napaka-tagal mo talagang kumilos. Nakakahiya sa boyfriend mo.” Narinig kong singhal
sa akin ni Mama habang sinusuklay ko ang mahaba kong buhok sa harap ng salamin.
“Ma, wala nga po akong boyfriend.”
“Anong wala? Eh kakasabi niya pa nga lang sa akin na girlfriend ka daw niya, anak! Hay
nako, kelan ka pa natutong magsinungaling sa akin, Zaree Ysabelle—”
Hindi ko na pinatapos sa pagsasalita si Mama dahil dali-dali na akong lumabas ng bahay para
makita kung sino ang tinutukoy nilang dalawa ni Kuya Zeke.
“Travis? Anong ginagawa mo dito?”
Lumapit naman siya sa akin at inakbayan ako, “Hi girlfriend!”
Ano k-kamo?! Girlfriend?!
Hinampas ko naman ng malakas ang braso niya—dahilan para mapa-‘aray’ siya, “Hoy, Travis.
Sinong may sabing girlfriend mo na ako?”
“Bakit, hindi ba?”
“Hindi!”
“Aray ko naman!” humawak pa siya sa kaliwa niyang dibdib at umarteng parang nasasaktan.
Hinampas ko naman ulit siya ng gawin niya yon.
“Tigil-tigilan mo nga ako, Travis Lacuesta!”
“Alam mo ikaw, ang aga-aga highblood ka. Jino-joke lang naman kita eh!”
“Anong joke?! Napaniwala mo sila Mama na boyfriend kita kahit hindi naman!”
“Oh, sorry na,” umakbay ulit siya sa akin pero tinabig ko lang ulit ang kamay niya, “Tara, pasok
tayo sa inyo. Ako na mismo magsasabi kay Tita na hindi mo ako boyfriend.”
Inirapan ko lang siya at nauna nang pumasok sa bahay.
“Good morning po ulit, Tita.” Bati ni Travis kay Mama at hinalikan niya pa ito sa pisngi.
“Oh, good morning din sayo, hijo.”
“Mama, may sasabihin si Travis sa inyo.” Nag-cross arms naman ako at hinintay ko lang siyang
magsalita.
“Ano yun, Travis? Na kayo na ng anak ko? Diba kakasabi mo pa lang sa akin kanina? Hayaan
mo, tanggap naman kita, hijo. Basta aalagaan mo lang ng maigi itong anak ko.”
Natawa naman ng mahina si Travis pero natigil yon dahil hinampas ko na naman siya sa braso niya.
“Sabihin mo na kasi!”
“Oo na, eto na!” hinarap niya naman si Mama, “Tita, hindi po totoo yung sinabi ko sa inyo
kanina na kaming dalawa na po ng anak ninyong si Zaree. Joke lang po yun.”
Kumunot naman ang noo ni Mama pero maya-maya ay ngumiti na din, “Ay sayang! Akala ko pa
naman ay totoo na!”
“Mama!”
**
Nasa daan kami papasok sa school ni Travis dahil sinabay niya ako sa sasakyan niya. Tahimik lang
ako pero kanina pa siya daldal ng daldal. Hinahayaan ko na nga lang eh. Haha, sarap niya pag-
tripan.
“Zaree sa saturday wag kang mawawala ah?”
Napalingon naman ako sa kanya, “Ha? Bakit?”
Sumulyap siya sa akin ng kaunti tapos tinuon ulit ang tingin sa daan, “Eh may family dinner kami
diba?”
“Family dinner naman pala yon eh, hindi naman ako kasama sa family ninyo.”
Napansin ko ang pag-ngisi niya, “Tss. Basta, sumama ka na lang sa akin, okay?”
“Sige na nga.”
Pinark niya naman sa parking lot ng school ang kotse niya at sabay na kaming bumaba.
“Bakit bumaba ka agad? Dapat hinintay mo muna akong pagbuksan ka ng pintuan bago ka
bumaba, Zaree. Parang hindi naman ako lumalabas na gentleman niyan dahil sa ginagawa
mo eh.” Pagmamaktol niya pa habang naglalakad kami papasok sa campus.
“Kaya ko naman, Travis. Napaka-arte talaga neto.”
“Aba’y sorry na!”
Umiling-iling na lang ako at dumeretso na sa classroom. Nakita ko agad ang dalawa kong kaibigan
na busing-busy sa pagsusulat ng kung ano-ano sa papel.
“Aba, busing-busy kayo dyan ah.”
Napaharap naman sa akin yung dalawa at halata pa sa mga mukha nila ang pagkagulat.
“Grabe ka, girl! Aatakihin naman kami sa puso ng dahil dyan sa ginagawa mo!” napahawak pa
si Sandy sa kaliwang dibdib niya.
“OA mo, Sandy.” Natawa pa ako ng mahina at umupo na sa upuan ko.
“Ah, Zaree, nakapag-locker ka na ba?” lumingon sa akin si Audrey at tinaas pa ang isa niyang
kilay.
Oo nga pala! Nakalimutan ko mag-locker kanina nung pagpasok ko! Huhu, napaka-kulit naman kasi
ni Travis eh!
“Buti pinaalala mo, Audrey! Samahan mo ako, please?”
“Ayun! Tara na! Ayaw kasi ako samahan netong si Sandy eh!” Tumayo naman siya at inayos ang
uniform niya.
Lumabas naman kaming dalawa ni Audrey at dumeretso sa locker area. Oo nga pala, may
nakakalimutan pa akong i-kwento sa kanya.
“Audrey...”
“Hmm?”
“May sinabi sa akin si Hunter kagabi.”
Kumunot naman ang noo niya at napalingon pa siya sa akin, “Ano kamo? Kagabi? Magkasama
kayo?”
“Oo, nanuod sila ng gig ko kagabi eh.”
“Kasama niya si Cassy?” pinagpatuloy niya naman ang pagkuha ng gamit sa locker.
“Malamang.”
“Oh, eh ano ngang sinabi niya sayo kagabi? Na nakaka-inlove kang kumanta tapos nahulog
ka lang lalo sa kanya dahil sa sinabihan ka lang niya ng ganon? Hay nako, Zaree.”
“Hindi ganon, Audrey!”
“Eh ano?”
“Sinabihan niya ako na kung pwede daw ba na ako yung tumugtog sa first monthsary nila.”
“Pumayag ka naman?”
Tumango-tango naman ako bilang sagot tapos nasapo niya ang noo niya.
“Alam mo, Zaree, hindi na namin alam ni Sandy kung anong ipapalaklak namin sayo para
magising ka sa realidad.”
“Ha?”
Tinapik-tapik niya naman ako sa balikat, “Zaree, kaibigan ka namin ni Sandy. Iisa lang ang ibig
sabihin non, mahal ka namin at ayaw ka namin nakikitang nasasaktan. Pero sa ginagawa mo,
mas lalo mo lang sinasaktan yung sarili mo eh.”
Natahimik naman ako sa sinabi niya at hinayaan na lang siya magsalita, “Tingnan mo ah, nilalayo
ka namin kay Hunter pero ikaw ‘tong nagpupumilit na mapalapit sa kanya. Ikaw din ‘tong
nananakit sa sarili mo eh. Pero eto ha, may tanong ako...”
“Ano yun?”
“Kaya mo bang kumanta para sa first monthsary nila kahit may sakit kang nararamdaman
dito?” itinuro niya pa ang kaliwa kong dibdib.
Kaya ko ba?
“Siguro?”
“Oo at hindi lang ang pwede mong isagot, Zaree.”
Napa-iling iling naman ako, “Pwede bang ‘o’ na lang yung isagot ko?”
Sinara niya naman ang locker niya pagkatapos niyang kumuha ng gamit at tumitig sa akin, “Alam
mo, Zaree, isa kang malaking tanga.”
{NINE}
Sabado ngayon at dahil wala naman kaming tutorial ni Hunter ay sasama ako kay Travis para sa
family dinner nila. Nag-suot lang ako ng isang simple dress na binili sa akin ni Mama sa divisoria at
tinernuhan ko ito ng flat shoes. Kinuha ko na ang pouch ko at lumabas na ng kwarto.
Doon ko naabutan ang dalawa kong kapatid na busing-busy sa panonood ng basketball.
“Mga Kuya, nasaan si Mama?”
Napalingon naman silang dalawa sa akin pero maya-maya ay tinuon lang ulit nila ang tingin nila sa
panunuod ng basketball.
“Maaga umalis, Zaree. May pasok siya, nakalimutan mo na ba?” sagot ni Kuya Zeke kaya naman
nasapo ko agad ang noo ko.
Oo nga pala, nakalimutan ko.
“Kuya Zeke at Kuya Zed, aalis po muna ako ah?”
“Saan ka pupunta, Zaree? Gabi na ah? May gig ka ba ngayon?” tanong sa akin ni Kuya Zeke at
humarap pa siya sa akin para makita ang reaksyon ko.
“Wala po akong gig ngayon. Niyaya kasi ako ni Travis na sumama sa kanya eh—”
“Ano kamo?! Sasama ka sa kanya?! Sino ba yang Travis na yan? Yung sumundo sayo nung
isang araw dito sa bahay?” napatayo naman si Kuya Zed at nag-cross arms.
Tumango-tango naman ako at sasagot pa sana pero inunahan na naman ako ni Kuya Zed.
“Zaree, lalaki yon! Baka mamaya kung anong gawin nun sayo eh!” napakamot pa siya sa ulo
niya, “Akala ko ba si Hunter lang ang mahal mo?!”
Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Kuya Zed, “Ano bang sinasabi mo dyan,
Kuya?!”
“Joke lang! Eto naman! Wag kang masyadong highblood, sis! Nakaka-panget yan eh, maawa
ka naman sa sarili mo.” Napa-iling iling pa siya.
Sumingit naman si Kuya Zeke sa usapan namin, “Zaree, pakisabi naman kay Travis na gumamit
siya ng proteksyon para safe.”
“Ano yun, Kuya Zeke?!”
“A-ah, ang ibig kong sabihin ano, proteksyon! Syempre, baka mamaya eh maaksidente kayo
sa daan! Mas maganda nang safe!”
Hay nako, Kuya Zeke. Kahit anong gawin mong palusot ay bukong-buko ka na.
“Ewan ko sa inyong dalawa! Magsama nga kayo ni Kuya Zed!” padabog naman akong lumabas
ng bahay at iniwan ko silang dalawa doon na nagtatawanan.
Jusko Lord, ano po bang nangyayari sa mga Kuya ko?!
**
“Travis, nakakahiya naman. Pwede ba mag-back out?” napakapit pa ako sa braso niya ng
makarating kami sa isang restaurant.
Natawa naman siya ng bahagya at hinawakan lang ang kamay kong nakakapit sa braso niya, “Wag
ka nang kabahan, nandito naman ako eh. Promise, mababait sila. Just be yourself, okay?”
Tumango na lamang ako at binigyan siya ng isang tipid na ngiti.
“Good evening Mom and Dad.” Napahiwalay ako kay Travis ng batiin niya ang mga magulang niya.
Tumayo ang dalawa at hinalikan silang dalawa ni Travis sa pisngi.
“Ah, mom and dad, I want you to meet Zaree Ysabelle Salameda.”
Napatingin naman sa akin ang mga magulang niya at binigyan nila ako ng isang malaking ngiti,
“Hello, hija. Nice to meet you.”
“Good evening po, Tita and Tito. Nice to meet you too.” Nag-bow ako tapos nginitian sila.
“Oh have a seat, hija.” Sabi ng tatay sa akin ni Travis.
Inalalayan naman akong maupo ni Travis sa isang upuan. Bale, katapat ko ngayon ang mama niya at
si Travis naman ang katabi ko.
“So, girlfriend ka ba ni Travis?”
Para naman akong nabilaukan sa tinanong ng Mama niya kahit wala pa akong kinakain. Kailangan
ba talagang yun ang itanong?
“A-ah, hindi po. We’re just friends.”
“Actually, my son likes you, hija. Hindi mo ba napapansin?” natawa naman ng bahagya ang
Papa ni Travis ng sabihin niya ito sa akin.
“Dad!”
“Oh, sorry naman, anak. Akala ko naman eh nasabi mo na sa kanya.”
Nanlaki ang mga mata ko at napatingin naman ako kay Travis, “T-travis...”
Lumapit naman siya sa akin at bumulong, “Don’t mind him. Ganyan lang talaga si Daddy.”
Tumango-tango naman ako at maya-maya pa ay hinanda na sa amin ng isang waiter ang in-order ng
pamilya nila.
“Where’s Ate Fritzie, mom?” tanong ni Travis sa mama niya.
Fritzie? May kapatid pa si Travis?
“Oh, nakalimutan kong sabihin sayo na she can’t join us for our dinner tonight. Busy siya sa
school works niya eh.”
“Ah, okay.”
Habang kumakain ako ay nararamdaman kong parang nakatingin sa akin si Travis kaya naman
napalingon ako sa kanya.
“Bakit? May problema ba sa mukha ko?”
Tumawa naman siya ng bahagya at kumuha ng tissue sa may table. Lumapit siya sa akin at
pinunasan ako sa may bandang labi.
“A-ah, Travis...”
Napalingon naman kaming apat ng makarinig kami ng tunog ng basong nabasag. Medyo may
kalayuan sa amin ang taong nakabasag kaya hindi ko din masyadong makita ang mukha nito.
Naka-cap siya at naka-shades. Napansin kong all-black din ang outfit nito. Feeling ko ay tumaas ang
mga balahibo ko sa katawan.
Eh kasi naman, nakakatakot talaga siya! Malay ko ba kung magnanakaw pala yan or holdaper diba.
Tapos bigla na lang siyang sumigaw sa loob ng restaurant ng—“Holdap ‘to! Itaas niyo ang mga
kamay niyo at ibigay niyo sa akin ang lahat ng pera niyo! Walang gagalaw kundi ipuputok ko ‘tong
baril na hawak ko!”
Hay nako, Zaree. Tama na sa kaka-imagine. Nasosobrahan ka na yata sa panonood ng mga movies,
tsk.
“Hey, Zaree. Are you okay?” napalingon naman ako kay Travis ng bigla siyang magsalita.
“Y-yes, I’m fine.”
Tumango-tango naman siya at nagpatuloy na sa pagkain. Nang lingunin ko naman ang lalaking
kanina ko pang tinitingnan ay nagulat ako ng bigla na lang siyang nawala na parang bula.
**
“Oh, tapos? Ano pa? Dali! Mag-kwento ka pa, girl!” hinahampas-hampas naman ako ni Audrey sa
braso habang nagke-kwento ako sa kanilang dalawa ni Sandy.
“Ano ba, teh! Masakit kaya!” hinimas ko pa ang braso kong hinahampas-hampas niya.
Mabilis na lumipas ang araw at Monday na ulit ngayon. Nandito kami sa cafeteria dahil oras ng
recess namin. Eh kine-kwento ko lang naman sa kanila yung dinner namin ni Travis with his family
tapos grabe naman sila kung kiligin. Yung totoo, nasaan yung nakakakilig doon?
“Hay nako! Team TraBelle na ako!” sigaw pa ni Sandy at winagayway pa ang dalawa niyang
kamay.
“OMG! Ako din ‘no!” nakipag-apir naman si Audrey kay Sandy at umirit pa silang dalawa.
Seriously, nakakahiya na talaga. Kanina pa kaya kami pinagtitinginan dito sa loob ng cafeteria.
“TraBelle?”
“TraBelle! Short for Travis and Ysabelle! Nakakakilig diba?” sagot naman ni Sandy sa tanong
ko.
TraBelle? Seriously?
“Tumigil nga kayong dalawa dyan. Kayo lang naman ang kinikilig eh.”
“Anong kami lang?! Hindi ka ba kinikilig sa mga ginagawa sayo ni Travis?” napahampas pa si
Audrey sa table pero inirapan ko lang siya.
“Nah, we’re just friends!”
“Para sayo, friends lang kayo pero para sa kanya hanggang friends nga lang ba talaga?”
nagpangalumbaba naman si Sandy pagkatapos niyang sabihin iyon.
Friends lang naman talaga kami ni Travis ah? Wala naman siyang sinasabi na gusto niya ako. Ano
namang kaso don?
**
Physics class namin ngayon at kasalukuyang may pinapagawa sa amin ang teacher namin na isang
experiment. Eto namang si Sandy kanina pa nagpa-panic dahil may timer ang bawat experiment na
gagawin pero hindi siya umaabot sa time, kaya ayon, naze-zero tuloy siya. Hahaha!
“Ugh! Ayoko na, Miss! Hindi ko na kaya!” nilapag niya naman yung latang hawak-hawak niya at
umupo na ulit sa upuan niya.
“Ms. Bartolome, anong problema mo dyan?”
“Kanina ko pa po kasi hindi naba-balance itong lata, Miss!” pinukpok-pukpok niya naman yung
lata sa desk niya at sumigaw, “Ugh! Ang sakit sakit mo sa bangs! Napaka-kulit ng lata na ito!”
“Kailangan mong magawa yang experiment na yan dahil wala ka pang nagiging score sa mga
naunang experiments, Ms. Bartolome. Pag hindi mo nagawa yan, iba-bagsak kita sa
experiment na ‘to.”
“Miss, pwede po bang iba na lang yung gawin ko? Pasmado po kasi talaga ako at hindi ko
talaga mapatayo ng pa-slant ang lata na ‘to!”
“Sandy!” inawat naman namin siya ni Audrey pero patuloy pa din siya sa pagmumukmok.
“No, that’s unfair, Ms. Bartolome.” Umiling-iling ang teacher namin at hindi na lang siya pinansin,
“Okay class, you have 20 seconds left.”
Agad naman na nag-panic si Sandy at triny ulit ang experiment. Lumingon-lingon ako at nakita kong
hindi naman nakatingin sa amin ang teacher namin kaya lumapit ako sa kanya.
“Alis nga dyan, ako na gagawa.” Tinulak ko siya ng konti at ako na ang gumawa ng experiment
niya.
Ilang saglit pa ay nagawa ko na ito at dali-daling bumalik sa pwesto ko. Baka makita pa kasi kami ng
teacher namin eh, hahaha!
Tumingin naman ako ng saglit kay Sandy at nagpasalamat naman siya kaagad. That’s what friends
are for.
{TEN}
Pagkatapos ng klase ay tumakbo na ako papunta sa parking lot at doon ko na lang napagpasyahan
na hintayin si Hunter. Lumingon-lingon pa ako sa gilid dahil baka mamaya ay may makakita pa sa
akin. Pero teka, bakit ko nga ba nililihim na private tutor ako ni Hunter?
Malamang Zaree, kaya nga private eh.
“Boo!”
“AHHHHHHH!” napatalon ako ng may sumigaw sa may bandang tenga ko.
Hahampasin ko na sana kung sino yon pero bigla niya akong inawat gamit ang mga kamay niya,
“Oh, sorry na, Zaree.” Natatawa pa si Hunter habang sinasabi niya yon.
Aish! Kahit crush kita hindi ko pa din maiwasan na mainis dahil sa pangti-trip mo!
“Nakakagulat ka naman kasi, Hunter! Kainis!”
Natawa na lang siya ulit tapos pinagbuksan ako ng pinto sa may shotgun seat, “Sakay na.”
Wala na akong ibang ginawa kundi ang sumakay. Nilagay niya muna ang ibang gamit namin sa
compartment at dere-deretso na din siyang umupo sa driver’s seat.
“Oh, bakit tulala ka dyan? May problema ba?”
“Wala.”
Narinig ko siyang bumuntong-hininga tapos hinawakan ang dalawa kong kamay. Ano bang
ginagawa niya? Hindi niya ba alam na pinakikilig niya ako sa mga ginagawa niya? Hunter naman.
“Kung nagagalit ka man dahil sa pag-gulat ko sayo kanina, sorry na, okay?”
Pinikit ko ang mga mata ko at pilit kong kinuha ang mga kamay ko na hawak niya, “Hindi yon.”
“Eh anong minumukmok mo dyan? May nagawa ba akong mali, Ysabelle?”
Dumilat ako at tumingin sa labas, “Wala yon. Wag mo na akong intindihin.”
“Sure ka?”
Nag-thumbs up naman ako at sinimulan niya nang i-start ang engine ng sasakyan. Habang nasa
daan kami, napansin ko naman na nag-iba yung daan namin papunta sa bahay nila. Saan naman ako
neto dadalhin?
“A-ah, Hunter...”
“Hmm?”
“Saan tayo pupunta? Bakit nag-iba na yata yung daan pauwi sa bahay ninyo?”
Ngumisi naman siya at nagsalita, “Sikretong malupet.” Tinaas baba niya pa ang kilay niya at
nanlaki naman ang mga mata ko.
“Hunter, bata pa ako! Maawa ka naman!”
Natawa naman siya ng pagkalakas-lakas sa sinabi ko. Anong nakakatawa don? Siya na nga ‘tong
may balak na rape-in ako tapos tatawa-tawa pa siya dyan!
Ay tama nga ba? Rarape-in nga ba ako ni Hunter?
Itinigil niya naman yung kotse niya sa tapat ng isang convenience store, “Wala naman akong
balak na galawin ka, Ysabelle. Malaki ang respeto ko sa babaeng katulad mo.”
Whoo, medyo napahiya ako dun ah.
“A-anong ginagawa natin dito?”
“Gusto ko kumain ng ice cream, bili tayo, Ysabelle!” masiglang-masigla pa siya habang sinasabi
niya yon at tinaas pa ang isa kong kamay.
“Hunter naman eh.”
“Ano? Tara na!”
Bumaba na ako ng kotse niya. Dali-dali pa nga siyang pumunta sa akin para pagbuksan ako ng
pintuan pero nagulat na lang siya ng makita akong nakababa na.
“Ysabelle naman eh. Dapat ako ang magbubukas ng pintuan para sayo.”
“Kaya ko naman, Hunter.”
“Kahit na!”
“Alam mo, parehong-pareho talaga kayo ng bestfriend mong si Travis.” Nag-cross arms naman
ako at tinitigan lang siya, “Kaya ko naman bumaba mag-isa.”
Umiwas naman siya ng tingin tapos nilagay niya ang dalawa niyang kamay sa bewang niya, “Anong
kinalaman ni Travis dito?”
“Pareho kayong gentleman ni Travis. Ganyan na ganyan din siya sa akin eh.”
Ngumiti ako ng maalala ko yon. Mabait si Travis sa akin at hindi ko naman maikakaila yon. Swerte
siguro ng magiging girlfriend ni Travis. Bukod sa mabait na siya, gwapo pa. Parang si Hunter lang,
kaso aminin na nating mas lamang si Hunter para sa akin. Hihihi.
“Hoy, anong nangyare sayo?” tinapik ko siya sa balikat tapos napaharap siya sa akin,
“Tumahimik ka yata? May problema ba kayo ni Travis?”
“A-ah, wala naman. Tara na nga!” hinila niya na ako papasok ng convenience store.
Dere-deretso lang kami hanggang sa makapunta kami sa isang ref na punong-puno ng ice cream.
Woooow! Ang sarap!
Kumuha naman siya ng isa doon—vanilla flavor. Pagkatapos niyang kumuha ay tiningnan niya lang
ako.
“Ikaw, Ysabelle? Anong gusto mo?”
Gusto ko rin sanang bumili kaso lang naisip kong wala nga pala akong pera ngayon. Hehe, naubos
na kaka-chibog namin kanina nila Audrey at Sandy.
“A-ah, hindi busog pa ako.”
“Weh?” pinitik niya naman ako sa noo kaya napahawak ako doon sa parteng pinitik niya.
“Aray ko naman!”
“Sorry!” hinimas-himas niya naman iyon tapos ngumiti ng nakakaloko, “Hindi kasi ako
naniniwalang busog ka eh. Sige na, kumuha ka na dyan ng kahit ano. Treat ko.” Tinaas baba
niya naman ang kilay niya.
“Sure ka ha?”
“Oo nga! Napaka-kulit!” napakamot pa siya sa ulo niya.
“Oo na! Eto na!”
Kumuha din ako ng isa—strawberry flavor. Eh sa favorite ko ang strawberry eh! Hihihi.
“Yuck, strawberry?!” mukhang nandidiri pa si Hunter ng makita niya yung hawak-hawak kong
strawberry ice cream.
“Anong yuck don?! Favorite ko kaya ‘tong strawberry!” tuwang-tuwa ko pang sabi pero
bumuntong-hininga lang siya.
“Kadiri kaya yan! I hate strawberries!”
“Alam mo bang napaka-arte mo?” natawa ako ng bahagya tapos hinila na siya papunta sa cashier,
“Hindi naman ikaw ang kakain neto eh.”
“Sabi ko nga!”
**
Nang makarating kami sa bahay nila Hunter ay agad naman kaming pumasok doon. Halos
mabitawan na nga ni Hunter yung plastic na dala-dala niya ng dahil sa nakita niya. Mabuti na nga
lang at nahawakan ko yon eh. Kundi sayang naman yung ice cream, huhuhu.
“H-hunter, anak...” lalapit na sana ang Mama niya sa kanya pero umiwas siya dito.
“Anong ibig sabihin nito?” wala siyang karea-reaksyon habang sinasabi niya yon. Anong
nangyayare?
Napansin ko namang tumayo ang isang lalaki na nakaupo sa sofa nila kanina pa. Nakayuko ito
habang papalapit kay Hunter.
“Hunter...”
“P-papa...”
Halos malaglag ang panga ko ng sabihin ni Hunter iyon. P-papa niya itong nasa harap namin
ngayon? Siya ba yung kine-kwento sa akin ni Tita Krish?
Ay, ang gwapo din niya. May pinagmanahan nga talaga si Hunter.
“A-anong ginagawa niyo dito?” halos pumiyok na si Hunter sa mga nasasabi niya.
Ramdam kong paiyak na siya kaya naman gumilid ako ng konti at umiwas muna sa kanila. Syempre,
usapang pamilya yan eh. Eh ano lang naman ako? Kaibigan ni Hunter! Tss.
“Anak, I can explain...”
“Explain what, Papa?” humikbi siya ng kaunti, “Na nambabae ka dati dahil wala nang oras sayo
si Mama? Malinaw na po sa aming dalawa yon. Wala na kayong dapat ipaliwanag.”
“Anak, please... Hunter.”
“Hindi na ako galit sa inyo, Papa eh. Matagal na kasing nag-sink in sa utak ko na ‘Ah, wala na
akong tatay. Iniwan niya na kasi kami ni Mama para sa ibang babae.’ at naiintindihan ko na
po ang lahat ng yon. Pero bakit nung nakita ko ulit kayo, parang...” humikbi ulit siya at
pinunasan ang luha na umagos mula sa mga mata niya, “Bakit parang bumalik lahat ng sakit?
Lahat ng sakit na naidulot niyo sa aming dalawa ni Mama?”
Yumuko ulit ang tatay niya at nakita ko itong lumuha, “Hunter, natukso ako. Pasensya na.”
“Hindi niyo po kailangang mag-sorry sa akin.” Yumuko siya at tumigil na sa pag-iyak, “Kay
Mama po. Sa kanya po dapat kayo mag-paliwanag at mag-sorry dahil siya ang mas nasaktan
dahil sa kagaguhang ginawa ninyo.”
“May mga naging pagkukulang din ako sayo, Hunter Grae.”
“Alam ko yon, Papa. Marami kang naging pagkukulang sa akin. Araw-araw iniisip ko, bakit
kaya? Bakit kaya kung kelan nagkaroon ng asawa at anak ang tatay ko ay doon niya pa
nagawang magloko?”
“P-pasensya na, a-anak.”
“Nung umalis ka, walang ibang ginawa si Mama kundi ang umiyak. Depressed na depressed
si Mama ng mga panahon na yon. Ako ang naging sandalan niya, nasaktan din ako eh.
Nasasaktan din ako sa tuwing nakikita ko siyang umiiyak. Sino ba naman kasing anak ang
gustong makita na umiiyak ang nanay niya?” bumuntong-hininga siya at agad na nagsilabasan
ulit ang mga luha niya, “Pero alam niyo kung anong sinabi ko sa kanya? ‘Kalimutan mo na si
Papa, Ma. Masaya na siya sa iba.’ Kaso sabi niya, ‘Hindi, anak. Sobrang mahal ko ang Papa mo
kaya sobrang hirap din na kalimutan siya.’ See?”
Nagulat naman ako pati na si Tita Krish ng lumuhod ang Papa niya sa harap ni Hunter.
“Anak, alam kong gago ako. Kahit ulit-ulitin mo yan sa harapan ko tatanggapin ko kasi totoo.
Ang gusto ko lang naman ngayon ay humingi ng tawad sa inyong dalawa ng Mama mo at
tanggapin niyo ulit ako. Maaring nakusot ang pagsasamahan nating tatlo pero pwede pa
namang maayos ito diba?”
“Nakusot nga, pero wag niyong aasahan na babalik na ang lahat sa dati ng ganun kadali,
Papa.” Pinatayo niya ang Papa niya, “Kausapin niyo si Mama. Balitaan mo agad ako kapag
tinanggap ka na ulit niya, dahil pag nangyari yon, tatanggapin na din ulit kita ng buong-buo.
Papayag ako sa kagustuhan mo na bumalik sa amin pero ayoko lang ulit na makikitang
nasasaktan si Mama dahil parang pinapatay ko na din ang sarili ko kapag nakikita ko siyang
nagkakaganon.”
“Maraming salamat, anak.” Niyakap siya ng Papa niya ng mahigpit. Niyakap niya din ito pabalik
pero saglit lang, “Pangako, gagawin ko ang lahat para lang maibalik ko ang tiwala ninyo sa
akin.”
“Aakyat na ho ako.” Isang tipid na ngiti ang pinakita niya dito at pinuntahan naman ako ni Hunter
sa gilid.
“Ayos ka lang ba?” tanong ko sa kanya at ngumiti ako ng pilit.
“Siguro.” Kumunot naman ang noo niya, “Eh ikaw? Ayos ka lang ba? Bakit umiiyak ka din
dyan?”
Napa-punas naman ako sa magkabila kong pisngi ng sabihin niya yon. Agad akong nakaramdam ng
basa mula sa pinunasan ko. Oo nga, umiyak nga ako.
Siguro ay natutuwa lang ako para kay Hunter dahil bumalik na ang Papa niya sa kanila. Ako kaya?
Kailan ko kaya ulit makakasama ang tatay ko?
{ELEVEN}
“Sige na kasi, Ysabelle. Sabihin mo na kasi sa akin yung dahilan kung bakit ka naiyak
kanina.” Tinusok-tusok niya pa ako sa tagiliran pero umiiwas lang ako sa kanya.
“Hunter naman, wag ka ngang makulit dyan! Oh eto, sagutan mo na lang ‘to.” Binigay ko sa
kanya ang isang papel na punong-puno ng problem solvings.
“Eh! Sige ka, hindi ko sasagutan yan hangga’t hindi mo sinasabi sa akin ang dahilan.” Nag-
cross arms naman siya at nagkunwaring nagtatampo.
“Hindi bagay sayo, Hunter.” Bagay na bagay lang.
“Dali na kasi, Zaree Ysabelle!”
“Ang kulit naman ng bungo mo, Hunter eh! Ayaw nga sabi! Bahala ka, isusumbong kita kay
Mrs. Damian na hindi ka nakikinig sa akin. Ikaw din, baka palitan ako bilang private tutor
mo.”
“Sinong tinakot mo?” Oo nga naman. Wala nga pala siyang pake kung mawala ako sa kanya, ha-ha.
“Sige na nga, sasagutan ko na ‘to. Basta pag na-perfect ko yan, ike-kwento mo sa akin yung
dahilan ha?”
“Wow ha. Sino ‘ding tinakot mo? Sa tingin mo mape-perfect mo yan?”
“Yabang neto! Porket top 1 ka lang sa klase niyo!” umirap naman siya na siyang ikinatawa ko,
“Makikita mo, mape-perfect ko ‘tong pinapasagutan mo.” Nag-angas look pa siya pero umiling-
iling na lang ako.
“Puro ka na lang salita! Gawin mo!” inangasan ko din siya at tinapik pa ng malakas ang balikat
niya.
“Angas mo ah!” natawa siya tapos kinurot yung magkabila kong pisngi, “Pero cute ka pa din.”
“Tse! Sagutan mo na lang yan!” nag-cross arms naman ako at inirapan siya.
Wag kang ganyan, Hunter. Baka mahalikan na lang kita bigla, sige ka.
“Yes, madame!”
**
“Ysabelle naman eh!” nagulat ako ng bigla siyang sumigaw habang sinasagutan niya yung mga
problems na sinulat ko.
“Aba, anong ginawa ko sayo?” napatayo ako mula sa kinauupuan ko at tiningnan ang sinasagutan
niya.
Tahimik lang naman akong nakaupo kanina at kinakalikot ang cellphone ko tapos bigla na lang
siyang sisigaw. Baliw ba ‘to?
“Nakakainis! Ang dami-dami naman netong problems na sinulat mo! Daig mo pa teacher
natin sa trigonometry eh. Five questions nga lang binibigay sa amin ‘non tapos ikaw
sampu?!”
Natawa naman ako dahil sa ka-cute-an niya. Oo, ang cute niya kasing mag-reklamo eh.
“Hay nako, Hunter. Challenge yan sayo! Hindi pwedeng lahat madali! Ang ibang bagay dapat
pinaghihirapan din.”
Umiling-iling naman siya at sinagutan na lang yung papel, “Don’t tell me hindi mo na kayang
sagutan yan?”
“Wag ka ngang mang-asar dyan. Tss.” Nakita ko namang seryoso niyang sinasagutan yung nasa
papel. Wow, kinareer talaga. Hahaha!
“Cute mo.” Napatakip naman kagad ako sa bibig ko ng masabi ko bigla yon.
Aish, Zaree! Dahan-dahan ka naman!
Dinahan-dahan niya pa ang pag-lingon sa akin tapos ngumiti siya ng nakakaloko. Hawak niya pa din
ang ballpen niya at mukhang inaasar niya pa ako dahil sa mga titig niya.
“Joke lang yon, wag kang ano dyan.” Inirapan ko siya pero wa-epek eh.
“Sus, kunwari ka pa dyan.” Tinuon niya na lang ulit ang pansin niya sa pagsasagot, “Aminin mo
na kasi na may gusto ka sa akin.”
Tangina neto ni Hunter. Binabastos niya ba yung feelings ko sa kanya? Huhuhu.
“W-wala ah! Kwela mo din eh ‘no?”
“Sus, deny pa more!”
**
“Oh diba? Sabi sayo mape-perfect ko ‘to eh! Galing ko talaga!” inalog-alog niya pa ko tapos
maya-maya tumalon siya ng tumalon.
“Hunter, maghunos-dili ka nga!” nag-cross arms ako pero hindi pa din siya tumitigil, “Hunter,
isa!”
Bigla naman siyang tumigil at tahimik na umupo, “Eto na, Madame. Oh paano ba yan? Kwento ka
na!”
“Hindi pwede! Marami ka pang aaralin.”
Sumimangot naman siya at hindi na ako pinansin, “Magpo-promise promise ka dyan tapos hindi
mo naman pala tutuparin.”
“Aba! Hindi naman ako nag-promise sayo ah!”
“Pero pumusta ka pa din!”
Hay nako, ang kulit talaga!
“Oh sige na nga!”
“Yon!” humarap naman ulit siya sa akin, “Kwento mo na.”
Bumuntong-hininga ako bago magsalita, “Ang swerte mo ‘no?”
Kumunot naman ang noo niya ng marinig iyon, “Ha? Anong swerte sinasabi mo dyan?”
“Ikaw, swerte ka pati si Tita Krish.” Nagpangalumbaba ako tapos nagsalita ulit, “Swerte kayo
kasi binalikan niya kayo.”
“Ni Papa?”
“Eh sino pa ba?” sarkastiko kong sabi pero umirap lang siya. Napaka-taray talaga ng isang ‘to. Hmp.
“Swerte na ba ang matatawag doon, Ysabelle?”
“Oo naman, Hunter. Kasi kayo, binalikan eh. Kami kaya? May balak pa kayang bumalik si
Papa sa amin? Alam mo bang sa tuwing lumalabas ako ng bahay at may nakikitang buong
pamilya—kasama ang nanay at tatay tapos yung mga anak nila ay masaya, natutuwa ako
para sa kanila? Pinagdarasal ko na sana hindi magkawatak-watak ang pamilya nila kahit
hirap sila sa buhay.”
“Bakit mo naman ginagawa yon? Pinagdadasal mo sila?”
“Oo. Kasi ayokong matulad ang pamilya nila sa pamilya namin. Hirap na nga kami sa buhay,
iniwanan pa kami ng tatay namin. Paano na lang diba?”
“Nandyan naman ang Mama mo ah. Yung dalawa mong Kuya. Hindi pa ba sila sapat?”
“Sa tingin mo sapat na para mabuo ang pamilya kung walang ama?”
Napansin ko naman ang pagtahimik niya dahil sa sinabi ko, “Oh diba, swerte ka, Hunter? Kaya
kung ako sayo, kapag may napatunayan na ulit ang Papa mo sa inyo ng Mama mo, tanggapin
mo na ulit siya ng buong-buo. Ayoko ng magagaya kayo sa pamilya namin. Mahirap na nga,
sira pa.”
Naramdaman ko ang pagpatak ng luha ko, kainis. Wala naman ‘to sa script ah, hehe.
“Tss. Sabi ko mag-kwento ka lang hindi yung may kasama pang iyak.” Napansin kong inikot
niya pa ang mga mata niya tapos ay lumapit siya sa akin para punasan ang luha ko, “Wag ka ng
umiyak, hindi bagay sayo.”
Kumunot naman ang noo ko, “Bakit? Dahil pumapanget ako lalo?”
“Oy! Ikaw ang nagsabi niyan ah!” natawa siya ng konti pero sumeryoso ulit, “Wag ka na iiyak,
ayokong nakikitang nagkakaganyan ka, Ysabelle. Sanay ako na masaya ka eh, kapag ganon,
gumaganda ka lalo.”
“Sus, bola!” Pero deep inside, kilig na kilig na talaga ako mga ‘teh!
“Anong bola? Totoo yon, Zaree.” Wow, tinawag niya ulit ako sa una kong pangalan, “Wala ka
ngang tatay, nandyan naman ang mga Kuya mo, pati ako.”
“Wow ah.”
“Bakit? Magkaibigan naman tayo diba?”
Oo nga pala, magkaibigan nga pala tayo. Magkaibigan lang.
**
Napagpasyahan na akong ihatid ni Hunter pauwi sa amin. Sabi ko nga okay lang naman sa akin
mag-commute pero nagpumilit eh.
“Akin na yang bag mo.”
“Ha? Kaya ko ng bitbitin ‘to. Tara na!”
“Hindi, akin na.” Kinuha niya naman sa akin yon at siya na ang nagbuhat, “Tara!”
Pagbaba naman namin ay naabutan namin si Tita Krish na nakaupo sa sofa at tahimik na nanunuod
ng TV. Halata sa mukha niya ang saya dahil kanina pa ito nakangiti.
“Ma, okay ka lang? Bakit nakangiti ka dyan mag-isa?” hinalikan naman siya ni Hunter sa pisngi
kaya napalingon siya sa akin.
“Oh nandyan na pala kayo. Uuwi ka na ba, hija?”
Tumango-tango ako tapos ngumiti naman siya, “Why don’t you join us for dinner?”
“P-po? Dinner?”
Tiningnan ko naman si Hunter at nakita kong lumawak ang mga ngiti niya.
“What a great idea, Ma. Tara na, Ysabelle?”
“Tara!”
**
“You know what, hija? Favorite food ‘to ni Hunter.” Tinuro naman sa akin ni Tita Krish yung
niluto niyang sinigang na baboy.
Humarap naman ako kay Hunter at tinanong siya, “Eh sinigang na hipon, ayaw mo?”
Umiling-iling lang siya at nagpatuloy sa pagkain. Si Tita Krish naman ang sumagot sa tanong ko,
“No. Hindi siya kumakain non. Allergic si Hunter sa seafoods hija, lalong-lalo na ang hipon.”
Wow, allergic pala ‘tong si Hunter sa hipon pero bakit nagka-girlfriend siya ng ganon? Ay sorry,
hehe.
Nandito kami ngayong tatlo sa dining room at kumakain ng dinner. Magkatabi kaming dalawa ni
Hunter ngayon at nasa harap naman namin si Tita Krish. Yung papa ni Hunter ay umuwi muna sa
sarili niyang condo.
“Mahilig siya sa maasim eh.”
“Talaga?” napatingin naman ako kay Hunter na wala na yatang pakialam sa pinag-uusapan namin
ng Mama niya.
“Ha? Ano yon?”
“See, Zaree? Hindi niya na tayo napapansin dahil sa sarap niyang kumain.” Napailing-iling
naman si Tita Krish tapos natawa ako ng mahina, “Gusto niya sa sinigang yung mapapapikit ka
na lang sa sobrang asim.”
“Ikaw, Ysabelle? Ano bang favorite mong food?” nilingon naman ko naman si Hunter ng
tanungin niya ako non.
“Favorite ko yung kare-kare. Yung luto ni Mama, the best!”
“Talaga, hija?” mukhang kuminang pa ang mga mata ni Tita Krish ng marinig iyon.
Tinuro naman ni Hunter ang Mama niya gamit ang tinidor na hawak niya at kinausap ako, “Nako,
yan si Mama? Favorite niyan yung kare-kare tapos may partner na—”
“Maraming bagoong!” sabay pa kaming nagsalita ni Tita Krish at natawa.
“Hayaan niyo po, Tita. Dadalhan ko po kayo minsan ng kare-kare na luto ni Mama.”
Pinagpatuloy ko naman ang pagkain ko.
“Really? Oh my! Thanks ha!”
“No problem, Tita.”
“Ma, alam mo bang magaling ‘tong kumanta si Ysabelle?”
Sinapak ko naman ng mahina sa braso si Hunter ng sabihin niya yon. Anong kinalaman ng pagkanta
ko sa usapang pagkain? Aish! Nakakahiya kay Tita Krish!
“Hunter, nakakahiya!” bulong ko sa kanya pero natawa lang din siya.
“I want to hear you sing, Zaree! Please?”
“Nako, Tita. Nakakahiya naman po.”
“Kahit konti lang, please?”
I guess, wala na talaga akong magagawa. Tinigil ko naman ang pagkain ko at uminom muna ng
tubig. Napansin kong napatigil din sila sa pagkain at ang mga maids na nakapalibot sa amin dito sa
dining room ay hinihintay na din ang pagkanta ko.
“Go Ysabelle. Wag ka nang mahiya.”
“Sige na nga.” I cleared my throat tapos nagsimula nang kumanta, “Kung ako na lang sana ang
iyong minahal, di ka na muling mag-iisa. Kung ako na lang sana ang iyong minahal, di ka na
muling luluha pa. Di ka na mangangailangan pang humanap ng iba. Narito ang puso ko,
naghihintay lamang sayo... kung ako na lang sana.”
“W-wow.” Nauutal pang sabi ni Tita Krish tapos dahan dahan siyang pumalakpak.
Napansin kong nagtinginan ang ibang maids sa isa’t-isa tapos dahan dahan din silang pumalakpak.
“Galing mo talaga, Ysabelle.” Nginitian ko naman si Hunter ng sabihin niya yon.
“Thanks.” Kumain na lang ulit ako at hinayaan nang mag-usap si Tita Krish at Hunter.
Muntik pa nga akong mabilaukan dahil sa sinabi ni Hunter eh. Dapat pala hindi ko na lang sila
pinakinggan habang nag-uusap, dapat pala kumain na lang ako ng kumain, kasi...
“Anong masasabi niyo sa pagkanta ni Ysabelle, Ma? Diba she’s great? That’s why siya ang
sinabihan ko na kumanta sa first monthsary namin ni Cassy.”
“Yeah, Zaree’s really great! Oo nga pala ‘no, bakit naisipan mong may kumanta pa sa
monthsary niyo ni Cassy kung marunong ka naman kumanta at tumugtog ng gitara, anak?”
“No, Ma. Idol kasi ni Cassy si Ysabelle eh, pero hindi niya pa alam na kakanta si Ysabelle sa
first monthsary namin. Akala niya may simpleng dinner date lang kami.”
“Wow, sweet!”
“Syempre, Ma!”
Nagpatuloy na lang sila sa pagkain at natahimik naman ako dahil sa pag-uusap nila. Bigla tuloy nag-
pop up sa utak ko yung ibang lines ng kantang kinanta ko kanina sa harap nila.
At ewan ko nga sayo
Parang balewala ang puso ko
Ano nga bang meron siya
Na sa akin ay di mo makita
Hay Hunter, kung ako na lang sana...
{TWELVE}
Isang linggo na ang nakakalipas at wala pa din namang pinagbago ang takbo ng buhay ko. After
class, tinu-tutor ko pa din si Hunter at pagkatapos non ay ihahatid niya ako sa bahay. Si Travis nga
ay hindi na masyadong nagpaparamdam sa akin. Bakit kaya?
“Hoy, ‘teh! Pila na daw! Tulala ka pa dyan!” kinalabit ako ni Audrey kaya naman bumalik ako sa
katinuan ko.
Nandito kami ngayon sa gym ng school. P.E kasi namin at maglalaro kami ngayon ng volleyball.
“Okay, class! Yung Group 1 muna ang maglalaro, okay? Group 1 laban sa Group 2!” sigaw ng
mapeh teacher namin at tumango naman kaming lahat.
At dahil kasama ako sa group 1, pumwesto naman ako kung saan ako pwinesto ng teacher namin.
Nako, hindi pa naman ako masyadong marunong maglaro ng volleyball. Oo, nakapaglaro na ako ng
ganito pero isang beses lang at dati pa yon.
Pumito naman ang teacher namin at hudyat ito na magsisimula na ang laro. Nakita kong may
pumasok na mga estudyante na taga-kabilang section dito sa gym. Siguro vacant ng mga ‘to.
“Go Zaree!” napalingon naman ako sa dalawa kong kaibigan ng sumigaw sila.
Nag-thumbs up lang ako sa kanila tapos tinuon na ang pansin ko sa laro. Ang daya naman kasi eh,
hindi ko sila ka-group! Paano na ako neto?
“Zaree, yung bola papunta na sayo!”
“Ha? Saan?”
Nung mapalingon naman ako kung nasaan ang bola ay hindi ko ito na-spike kasi dere-deretso na
itong tumama sa mukha ko. Natumba naman ako at nakita ko pa ang paglapit sa akin ng mga
kaklase ko. Pati nga ang mga taga-kabilang section ay tila napa-sigaw din dahil sa pagkatumba ko.
“Ysabelle, okay ka lang?”
Medyo nahihilo na ako kaya hindi ko na masyadong maidilat ang mga mata ko, pero clear na clear
pa rin sa akin kung sino yung tumawag sa akin.
Si Hunter yon at hindi ako pwedeng magkamali. Nandito siya.
...And everything went black.
**
“Okay na siya, kailangan niya lang magpahinga.”
Naidilat ko naman ang mga mata ko ng marinig ko ang boses na yon. Nilibot ko ang paningin ko at
hindi talaga ako nagkakamali—nandito ako sa clinic. Ibig sabihin... dinala ako ni Hunter dito?
“Oh, gising ka na pala eh. Ayos ka na?”
Nanlaki ang mga mata ko ng madatnan ko siya—hindi si Hunter kundi si... Travis.
“T-travis?”
“A-ah oo, ako yung nagdala sayo papunta dito sa clinic.”
Ay, akala ko si Hunter. Pero hindi ba’t si Hunter lang naman talaga ang tumatawag sa akin ng
Ysabelle?
“Ayos ka na ba talaga, Zaree?”
Tumango-tango naman ako at tinaklob sa mukha ko ang kumot—ayokong ipakita sa kanya na hindi
siya yung ine-expect ko na nandito sa loob ng clinic.
Tinanggal ko naman ang nakatakip sa akin na kumot at hinarap ulit si Travis, “Nasaan sila Audrey
at Sandy?”
“Bumili lang ng pagkain nila sa cafeteria. Nagugutom na daw sila eh. Ikaw? Hindi ka pa ba
nagugutom? Gusto mo bilhan kita ng makakain mo?”
Umupo naman ako ng dahan-dahan sa kama at inalalayan niya ako, “A-ah, hindi na siguro, Travis.
Busog pa ako eh.”
“Sige, sabihin mo lang sa akin kung may kailangan ka.” Dahan-dahan naman siyang umupo sa
isang couch at tiningnan ang mga paa niya.
“Travis...”
Inangat niya naman ang ulo niya tapos nilingon ako, “Bakit? May masakit ba?”
“Wala naman. A-ano kasi...”
“Ano?”
“May gusto lang sana akong itanong sayo.”
“Go, spill it.”
“B-bakit hindi ka nagpaparamdam sa akin noong mga nakaraang araw? May p-problema
ba?” kinagat-kagat ko naman ang pinky finger ko para maiwasan ang kaba.
Napansin kong napangiti siya dahil sa tinanong ko. Hala, baliw ba ‘to?
“Bakit? Namiss mo ako ‘no?” tinaas-baba niya pa ang kilay niya at ngumiti ulit ng pagkalaki-laki.
“Asa!” inirapan ko naman siya at nag-cross arms.
“Sungit naman neto!” natawa naman siya saglit pero tumigil din, “May ano lang... ano—”
“Ano nga?! Puro ka ano dyan eh!”
“Oh, chill!” bumuntong-hininga naman siya, “M-may inasikaso lang.”
“Isang linggo?! Napaka-tagal naman!”
“Matagal na pala ang isang linggo para sayo, Zaree? Aminin mo na kasing namiss mo lang
ako. Ganon lang ka-simple.”
“Kapal talaga ng mukha neto—”
“OMG! Gising na siya!” nagulat naman kaming dalawa ni Travis ng may sumigaw na isang babae.
Sino pa nga ba?
“Sandy! Ang ingay mo!” binatukan naman siya ni Audrey at lumapit silang dalawa sa akin.
“Ano bang nangyari sayo, girl?” kinapa-kapa naman nila yung noo ko.
“Pwede ba, natamaan lang ako ng bola.” Tinapik ko naman yung kamay nila tapos umupo sila sa
couch.
Napalingon naman sila sa katabi nilang si Travis, “Oh, nandito ka pala Travis! Hi!”
“Hello Sandy!” kumaway naman siya dito at ganon din ang ginawa niya kay Audrey, “Hello
Audrey!”
“Hi! Anong ginagawa mo dito? May klase na kayo diba?”
“Binabantayan si Zaree.”
Napansin ko namang nagtulakan pa si Audrey at Sandy ng dahil sa naging sagot ni Travis. Mga
baliw.
“Anong oras na?”
Tiningnan naman ni Travis ang relo niya at sumagot, “2 PM pa lang, bakit? Gusto mo na ba
umuwi?”
“Oo eh.”
“Ha? May klase pa kaya tayo, girl!” hinampas naman ako ni Sandy sa braso pero inirapan ko lang
siya.
“Aray ko naman, girl! Brutal mo talaga!” hinimas-himas ko naman yung parte na pinalo niya.
“Paano yan, teh? Pasok na kami, may klase pa eh. Hindi naman kami excused netong si
Sandy, ikaw lang.” Tumayo naman si Audrey at dinala na ang shoulder bag niya.
“Ay oo nga ‘no! Dapat pala nagpatama na lang din ako sa bola para excused din ako!”
binatukan naman ni Audrey si Sandy ng sabihin niya yon.
“Tara na kasi, Sandy!” pinatayo niya naman si Sandy at hinarap ako, “Oh paano, Zaree? Mag-
iingat ka pauwi ha. Magpahatid ka na lang dito kay Travis para safe.”
“Kaya ko na, mga teh. Sige na, pasok na kayo sa klase niyo, baka mapagalitan pa kayo ng
dahil sa akin eh.”
Bumeso naman silang dalawa sa akin at nag-wave paalis kay Travis.
“Oh, ano? Hatid na kita, Zaree?”
Tumango naman ako at dahan-dahang umalis sa kama, “Sure kang okay ka na ha?”
“Oo naman, ako pa ba?”
Napangiti naman siya ng bahagya at inakbayan ako, “Papaalam muna tayo sa nurse na uuwi ka
na.”
**
“Gusto mo na ba talaga umuwi?” ini-start niya naman ang engine ng sasakyan niya.
Nandito ako nakaupo sa shotgun seat at malamang—nasa driver’s seat siya nakaupo dahil siya ang
driver. Wahaha, funny ko talaga. Tss.
“Ha? Bakit ba paulit-ulit mo na lang sa akin tinatanong yan, Travis?” natawa ako ng bahagya
pero napansin kong seryoso lang ang mukha niya.
“Pwede bang umalis muna tayo?”
Nagulat naman ako sa sinabi niya, “Saan naman tayo pupunta?”
“Basta.”
Hinayaan ko na lang siya mag-drive at binuksan ko na lang ang radyo ng sasakyan niya. Wow
naman ‘tong kantang pambungad. Hindi naman siguro nananadya ito, ano po?
Matagal ko nang itinatago
Mga ngiti sa munti kong puso
Batid kong alam mo nang umiibig sayo
Napatingin naman ako kay Travis ng bigla siyang sumabay sa pagkanta. Busy lang siya sa pagda-
drive at nakatuon pa din ang tingin niya sa daan.
“Bakit di mo pansin itong aking pagtingin? Ba’t di mo ramdam ang tibok nitong dibdib?
Kaibigan lang pala, ang tingin mo sa akin...”
Tiningnan ko lang siya hanggang sa matapos siya sa pagkanta. Hindi niya na nga sinabayan yung
radyo dahil tumahimik na lang siya bigla. Anong nangyayare dito?
Kung ako ba siya
Mapapansin mo
Kung ako ba siya
Mamahalin mo
Ano bang meron siya
Na wala ako?
Kung ako ba siya
Iibigin mo...
“Okay ka lang?” tinapik ko siya sa balikat at ngumiti naman siya ng tipid.
“Bakit mo naman natanong yan?”
“Wala naman. Para kasing may pinagdadaanan ka eh.” Tumingin siya sa akin ng saglit tapos
nagpatuloy na sa pagda-drive.
Masakit ko mang isipin
Mahirap mang tanggapin sa damdamin
Pag-ibig mo pala’y hindi sa akin
Ngunit anong gagawin ng puso
Sa’yo lang ibinigay ang pangako
Patuloy na namang
Aasa sa’yo sinta
Umayos ako ng upo at tinuon ang tingin sa may bintana. Maganda ang tanawin ng mga nadadaanan
namin. Hindi ko nga lang alam kung saan kami papunta ni Travis ngayon pero sa tingin ko ay wala
naman akong dapat ikakaba. Malaki naman ang tiwala ko kay Travis dahil kahit papaano ay
kaibigan na din ang turing ko sa kanya.
Kung ako ba siya
Mapapansin mo?
Kung ako ba siya
Mamahalin mo?
Ano bang meron siya
Na wala ako?
Kung ako ba siya
Iibigin mo...
Sinulyapan ko si Travis at napansin ko ang pag ngiti niya, “Wag mo naman akong tunawin sa mga
titig mo, Zaree.”
Napalihis naman ako ng tingin ng sabihin niya yon, “Sira!”
Narinig kong tumawa siya ng konti at ganun din naman ako. Bakit kaya hindi na lang si Travis ang
mahalin ko? Dahil kung tutuusin naman ay gwapo din siya, matangkad, magaling mag-basketball,
matangos ang ilong, pero maputi nga lang itong si Travis kesa kay Hunter.
Ikaw lamang
Ang inibig ng ganito
Sabihin mo
Kung paano
Lalayo sa’yo
Ano bang ginawa mo sa akin, Hunter?
Kung ako ba siya
Mapapansin mo?
Kung ako ba siya
Mamahalin mo?
Ano bang meron siya
Na wala ako?
Hininto naman ni Travis ang kanyang sasakyan sa gilid at sabay kaming bumaba ng kotse. Nagulat
na lang ako ng makita ko ang magandang tanawin na nasa harap ko.
“Wow, Travis...”
“Nagustuhan mo ba?” hinarap ko siya at tumango-tango ako.
“Nasaan tayo?”
“Antipolo.”
“Bakit tayo nandito?”
“Wala, tara na!” hinila niya naman ako at sabay kaming tumakbo papunta sa kung saan.
Kung ako ba siya
Kung ako ba siya
Oooohhh...
Iibigin mo...
{THIRTEEN}
“Ang ganda naman dito, Travis.”
Napaka-perfect ng view—nakaka-relax talaga ang tanawin dito. Umakyat kami sa isang burol tapos
umupo kaming dalawa sa duyan na nakasabit sa dalawang puno. Hapon na din kasi kami nakarating
dito at papalubog na din ang araw.
“Mas maganda yung nasa tabi ko.”
Tiningnan ko naman siya at mahinang sinapak sa braso, “Corny mo!”
“Crush mo naman.”
“Ano?! Hindi kaya!” binatukan ko naman siya at nag-cross arms.
“Joke lang! Napaka-brutal mo naman, Ms. Salameda.” Tumawa siya ng konti tapos pa-simpleng
umusog ng konti para mas lalo akong makatabi.
Hoo, damoves talaga netong si Travis.
“Matanong ko lang, bakit nga dinala mo ako dito?”
Napansin kong napalunok siya at bumuntong-hininga, “Wala lang. Gusto ko lang na makaiwas ka
muna sa stress.”
Natawa naman ako ng konti dahil sa sinabi niya, “Ha? Hindi naman ako ganun ka-stress!”
“Hindi ba nakaka-stress turuan ang bestfriend ko?” tiningnan niya ako at napalaki naman ang
mata ko don.
Alam niya pala? So sinabi na sa kanya ni Travis? Ay malamang, Zaree. Bestfriend niya yun eh.
“Hindi naman, medyo lang.”
Hindi naman nakaka-stress turuan si Hunter eh. Nakaka-stress siyang mahalin, hay.
“Swerte ng bestfriend ko.”
“Ha?”
“Ganda ng tutor niya eh. Pa-tutor din ako, Zaree!”
Nag-make face lang ako tapos tiningnan ang papalubog na araw, “Alam mo bang gumagaan ang
pakiramdam ko tuwing nakikita ko ang paglubog ng araw.”
“Bakit naman?”
“Wala lang. Para sa akin kasi, achievement na yon sa isang buhay ng tao. Imagine, natapos
na naman ang isang araw mo at makikipagbakbakan ka na naman kinabukasan.”
Napansin kong natahimik si Travis dahil sa sinabi ko tapos maya-maya ay ngumiti din ng tipid.
“May problema ka ba, Travis? Napansin ko kasing mukhang problemado ka.”
“H-hindi, wala yon. Wag mo na pansinin.”
Tumango-tango naman ako tapos hinayaan ko na lang siyang ganon—tahimik. Baka naman kasi
may problema talaga siya at ayaw niya lang sabihin sa akin. Pero okay lang din, naiintindihan ko
naman siya.
“Alam mo bang wala pa akong dinadalang ibang babae dito?”
Napalingon naman ako sa kanya, “Kahit Mama at Ate mo?”
“Oo. Hindi nga nila alam na may tambayan ako dito eh.” Tumawa siya at humarap sa akin.
“So ibig sabihin, ako pa lang ang dinadala mo dito?”
“Oo.” Tumungo siya at nilaro-laro ang daliri niya, “Ibig sabihin, kapag may dinala akong babae
dito, special siya sa akin kasi hinayaan ko siyang makapasok sa mundo ko eh.”
“S-special?”
“Zaree, dinala kita dito kasi special ka sa akin.” Tumingin ulit siya sa akin pero umiwas din,
“Wag mo nga akong titigan, Ms. Salameda. Naiilang ako.” Tinakpan niya pa ang mukha niya
gamit ang dalawa niyang kamay pero tinanggal ko din yon.
“Parang tanga ‘tong si Travis!” tumatawa pa ako pero binalik niya din yung pagkakatakip niya sa
mukha niya.
“Wag!”
“Travis!” kiniliti ko naman siya sa tagiliran kaya napaharap siya sa akin na tawa pa din ng tawa.
“Zaree!” iniiwas niya ang sarili niya sa akin pero mas lalo lang akong lumalapit sa kanya.
“Napaka-kulit mo talaga, Mr. Lacuesta.” Umiling-iling ako at tinigilan ko na ang pagkikiliti sa
kanya, “Ano nga ulit yung sinasabi mo?”
Umiling-iling siya tapos tumahimik ulit.
“Yun ba ang dahilan kung bakit dinala mo ako dito?”
“Isa na din yon sa napaka-raming dahilan.” Ngumiti siya sa akin at yumuko ulit, “Kapag ba
sinabi kong mahal kita, mamahalin mo din ako pabalik?”
“T-travis...”
“Alam kong matagal mo ng gusto ang kaibigan kong si Hunter.” Tumawa siya pero alam kong
peke yon.
“P-paano...”
“Nakikita ko sa mga mata mo, Zaree. Nakikita ko sa mga mata mo ang saya sa tuwing
nakikita mo si Hunter—at dumodoble pa ang saya na yon kapag binabanggit niya ang
pangalan mo.”
Napayuko ako dahil sa hiya. So all this time, may lihim palang nagmamahal sa akin kaso lang hindi
ko napapansin. Masyado pala akong abala sa pagmamahal ng iba—na hindi naman kayang suklian
ang lahat ng pagmamahal na binibigay ko sa kanya.
“Alam mo bang masakit yon para sa akin, Zaree? Kaso lang wala naman akong magagawa eh.
Sino ba naman ako para pigilan yang feelings mo para sa bestfriend ko? Ako lang naman si
Travis Lacuesta na tangang nagmamahal sa isang Zaree Ysabelle Salameda.”
“Travis naman...”
“Hindi ako nage-expect na mamahalin mo din ako, Zaree. Kasi mas dodoble yung sakit eh,
kaya hinahayaan ko na lang. Hayaan mo na lang ako na magsabi sayo ng mga ganitong bagay,
Zaree.”
Tumango-tango naman ako at hinayaan ko na lang siyang magsalita. Tumingin siya sa langit at
pinigilan ang pagpatak ng luha niya. Hindi ako sanay na ganito si Travis.
“Gusto kitang habulin at sabihing ‘pwede bang tumigil ka sa pagtakbo para mahabol kita?’
ang kaso lang, hindi mo nga pala ako maririnig kasi abala ka sa paghahabol ng iba.”
Pinunasan niya ang luhang pumatak tapos ngumiti—isang mapait na ngiti.
“Kailan kaya yung ako naman yung mamahalin, Zaree? Kailan kaya darating yung oras na
hindi na bestfriend ko ang kalaban ko sa pagmamahal ng ibang babae?”
Tinapik ko siya sa balikat at nginitian ko siya ng tipid, “Travis, pwede naman natin klaruhin yang
nararamdaman mo para sa akin eh.”
“Hindi na kailangan, Zaree.” Nagulat naman ako sa sinagot niya, “Klarong-klaro na sa akin na
mahal kita. Ang tanong, mahal mo ba ako?”
Kahit papaano naman ay naging mahalaga na din sa akin si Travis. Palagi siyang nandyan para sa
akin, pinapasaya niya ako kahit hindi naman kailangan. Pero ang tanong, mahal ko na nga ba siya or
si Hunter pa din?
“Sorbetes! Sorbetes kayo dyan!” napalingon ako sa isang matandang lalaki na sumisigaw at
pinapatunog ang isang bell.
Hinawakan ko naman si Travis sa kamay at dinala siya papunta sa lalaking nagtitinda ng sorbetes,
“Manong, dalawa nga po.”
“Anong flavor ang gusto niyo, hija?”
“Strawberry na lang po ang akin.” Nilingon ko naman si Travis, “Ikaw? Ano bang gusto mo?”
“Strawberry na lang din.”
“Oh heto na, dalawang strawberry ice cream para sa inyong dalawa.” Binigay naman sa amin
ng matandang lalaki yung sorbetes at binigay ko na din ang bayad ko, “Teka nga, eh mag-dyowa
ba kayong dalawa?”
Umiling-iling naman ako, “Nako, hindi ho. Magkaibigan lang po kami.”
“Ay ganon ba? Sayang naman kung ganon. Bagay sana kayo eh.” Napalingon naman siya kay
Travis, “Hijo, bakit hindi mo ligawan itong kaibigan mo? Try lang naman!”
“Hindi pa nga po ako nanliligaw ay naunahan na po ako.”
Napangiti naman ako ng peke kay Manong at sinabing mauuna na kami ni Travis. Nang makabalik
naman kami sa pwesto namin ay agad ko siyang sinapak sa braso niya.
“Aray naman, Zaree! Kanina mo pa ako sinasaktan.”
“Nakakainis naman kasi! Bakit ganon ang sinagot mo kay Manong?”
Dumila naman siya sa ice cream niya bago sumagot, “Bakit? Hindi ba’t totoo naman?”
“Ang alin?”
“Na wala talaga akong chance sayo.”
“Bakit? Tinanong mo na ba ako?”
**
Iniwan ako saglit ni Travis para kumuha ng isang blanket sa compartment ng kotse niya. Pagkabalik
niya naman ay nilatag niya iyon sa lapag at sabay kaming humiga doon. Wala, trip lang talaga namin
mag-star gazing.
“Zaree...”
“Hmm?”
“Thank you.” Then he gave me his sweetest smile.
“Para saan?” tanong ko ng naka-deretso lang ang tingin sa langit.
“Dahil binigyan mo ako ng chance na iparamdam sayo kung gaano kita kamahal.”
“Wala yon, Travis. Ang dapat mo na lang gawin ay panindigan ang nararamdaman mo para
sa akin.”
Oo, pinayagan ko siyang manligaw sa akin. Wala naman sigurong masama doon, diba? Tsaka malay
mo, ma-inlove din naman ako sa kanya habang nililigawan niya ako. Pwede namang matutunan na
mahalin ang isang tao eh, kalimutan ang hindi.
Naramdaman ko namang nag-vibrate ang cellphone ko. Malamang, may nag-text. Kinuha ko naman
agad iyon at tiningnan.
From: +63915*******
Ysabelle! Nasaan ka ba? Galing ako sa bahay niyo at nakausap ko ang mga Kuya mo. Wala ka pa din
pala sa bahay niyo. Hindi mo ba ako tuturuan ngayon? May quiz kasi kami bukas sa physics eh. Reply
ka naman oh?
Napawi naman ang mga ngiti ko sa labi ng mabasa ko yon. Si Hunter ito panigurado. Nakalimutan
kong may tutorial pala kami ngayon.
Tiningnan ko naman si Travis na busing-busy sa kakatingin sa langit at mukhang walang pakialam
kung sino ang tinetext ko. Ang bastos ko naman kung ngayong nasasayahan na siya ay iiwan ko siya
bigla?
To: +63915*******
Sorry, Hunter. Bukas na lang ng umaga, pwede? Thanks! :)
Sinend ko naman yon at pagkatapos ay pinatay ko na ang cellphone ko. Tinago ko ulit ito sa bulsa ng
jogging pants ko at tiningnan si Travis.
“Hoy, ngingiti-ngiti ka dyan. Saya mo ah?”
Napalingon naman siya sa akin at ngumiti ng nakakaloko, “Sino ba namang hindi matutuwa
ngayon?”
Umupo naman ako at ganun din ang ginawa niya, “Gutom na ako, Travis.”
“Gusto mo na ba kumain?”
“Syempre.”
“Tara!” tinulungan niya akong tumayo at inayos na ulit yung blanket.
**
Nag-drive lang ng nag-drive si Travis at agad niya naman itong hininto ng makita niya ang isang
carinderia.
“Okay lang ba na dito muna tayo kumain?”
“Oo naman, hindi naman ako maarte sa pagkain.” Nginitian ko naman siya at inalalayan niya na
akong makababa ng kotse niya.
“Anong gusto mong kainin?” tinanong niya ako ng makahanap kami ng table.
“Meron ba silang kare-kare?”
“Itatanong ko na lang, ako na bahala, okay? Dyan ka lang, hintayin mo ako.”
Tumango-tango naman ako at nginitian siya. Nung makalayo-layo naman siya ay bigla kong naalala
si Hunter. Nag-text na kaya ulit yon? Ano na kayang ginagawa niya ngayon?
Agad ko namang kinuha sa bulsa ang cellphone ko at binuksan ito. Hindi nga ako nagkakamali—
may 26 missed calls at 4 new messages. Lahat galing kay Hunter. Ibig sabihin hindi man lang ako
naaalala ng mga kapatid ko?! Mga walangya talaga.
From: +63915*******
Ysabelle, gabi na. Nasaan ka ba?! Sinong kasama mo?!
From: +63915*******
Zaree Ysabelle Salameda! Uso mag-reply ano po?
From: +63915*******
Tangina, oo na, nag-aalala na ako sayo. Kahit sila Sandy at Audrey ay tinext ko na pero hindi din alam
kung nasaan ka.
From: +63915*******
Zaree, please.
Pinatay ko naman ulit ang cellphone ko ng makita kong papalapit na si Travis sa akin.
“Oh, okay ka lang ba? Bakit ganyan ang itsura mo?” nilapag niya naman yung tray na may laman
na order namin.
“Sinigang na baboy?” tinuro ko naman ang binili niyang pagkain para sa kanya.
“Oo, favorite ko ‘to eh.”
Naalala ko tuloy bigla si Hunter. Favorite niya din kasi ang sinigang na baboy, diba?
{FOURTEEN}
“Thank you so much for this day, Zaree.”
“No problem, Travis.”
Nginitian ko siya bago ako bumaba ng kotse niya, “Opps. Ako na magbubukas ng pintuan para
sayo.”
Natigil naman ako sa pagbukas ng pintuan ng sasakyan niya at hinayaan na lang siya. Nakita kong
umikot siya papalapit sa akin at inalalayan akong bumaba ng sasakyan niya.
“Thank you.”
“Oh, matulog ka na agad ah? Wag ka na magpupuyat, may pasok pa bukas.”
“Opo, master.” Kunwari pa akong nag-bow pero tinawanan niya lang ako.
“Zaree Ysabelle? Ikaw na ba yan?” napalingon naman ako ng may nagsalita mula sa likod ko.
Tumabi ako kay Travis at sabay naming hinarap si Kuya Zeke na kakalabas pa lang ng bahay at
mukhang hinihintay ang pag-uwi ko.
“Hi Kuya Zeke.” Hahalik sana ako sa pisngi niya pero umiwas lang siya.
“Bakit ginabi ka na ha? Alam niyo ba kung anong oras na?” tinaas niya pa ang isa niyang kilay at
nilagay ang dalawa niyang kamay sa bewang niya.
Nag-peke naman ng ubo si Travis at siya na ang nagsalita, “Ah Kuya Zeke, wala naman po akong
ginawang masama sa kapatid niyo. May pinuntahan lang po kaming dalawa ni Zaree.”
“Saan naman kayo pumunta ha?”
“Kuya naman eh! Ang mahalaga wala siyang ginawa sa aking masama!” nginitian ko na lang si
Travis at ganon din ang ginawa niya sa akin.
“Teka nga lang...” tinuro-turo pa kaming dalawa ni Kuya Zeke at kunwaring nag-isip, “Travis,
nililigawan mo ba itong si Zaree?”
Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Travis at sabay na ngumiti. Tumango-tango naman siya
bilang sagot kay Kuya, “Hayaan niyo po, Kuya Zeke. Bukas na bukas ay pupunta ulit ako dito sa
bahay niyo para ipaalam sa inyong lahat na manliligaw ako ni Zaree.”
Tumango-tango naman si Kuya at nilagay ang isa niyang kamay sa baba niya, “Tama yan. Pero
matanong lang kita, saan mo naman nakukuha yang lakas ng loob mo, aber?”
“A-ah, Travis, uwi ka na! Gabi na oh, baka hinahanap ka na din sa inyo. See you tomorrow!”
tinulak-tulak ko naman si Travis papasok sa kotse niya.
“Teka lang, Zaree! May tinatanong pa ako—” tinakpan ko naman ang bibig ni Kuya Zeke at
hinayaan na lang na makaalis na si Travis.
Noong makalayo-layo na ang sasakyan ni Travis ay tinanggal ko na ang kamay ko na nakatakip sa
bibig ni Kuya Zeke.
“Zaree naman! May itatanong pa nga ako doon sa manliligaw mo eh!”
“Kuya naman! Pumasok na lang tayo sa loob! Maaga pa kaya ang pasok ko bukas!”
Dire-deretso naman akong pumasok sa loob ng bahay at iniwan na si Kuya na nakatayo doon sa
may gate namin. Naabutan ko naman si Kuya Zed na busing-busy sa paggawa ng homeworks niya.
Wow naman, bago ‘to ah!
“Nice one, Kuya Zed. Anong nakain mo at sinipag ka yata?” tinatawanan ko siya pero tinapunan
niya lang ako ng isang masamang tingin.
“Nice one, Zaree Ysabelle. Anong ginawa mo at ginabi ka na yata ng uwi?” ginaya niya naman
ang tono ng pananalita ko kanina, “Saan ka galing?”
“Secret.”
“Sus, pa-secret secret ka pa dyan! Dami mong alam!” tinuon niya naman ulit ang pansin niya sa
pagsusulat. Papunta na sana ako sa kwarto ko ng bigla niya ulit akong tawagin kaya napalingon
naman ako sa kanya.
“Hep hep!”
“Hooray?”
“Ha-ha, funny.” Umirap naman ako ng dahil sa naging sagot ni Kuya Zed. Hay nako, napaka talaga
neto!
“Ano yon, Kuya Zed? Inaantok na ako! Sabihin mo na kasi.”
“Pumunta dito si Hunter kanina at hinahanap ka niya.”
Napalaki naman ang mata ko ng maalala ko yon. Oo nga pala, kumusta na kaya si Hunter?
“Anong sinabi niyong dalawa ni Kuya Zeke?”
“Syempre wala! Eh hindi naman namin alam kung nasaan ka eh! Dapat kasi tinext mo man
lang kami.” Umiling-iling siya at hindi na ako pinansin, “Hooray ka pa ah.” Narinig kong bulong
niya kaya dumeretso na lang ako papasok sa kwarto ko.
**
Maaga akong pumasok ngayon dahil ayoko munang makita o makasalubong si Hunter sa loob ng
school. Baka kasi ay magalit siya sa akin dahil hindi ko nga siya sinipot kahapon.
“Hoy girl! Sinong tinataguan mo dyan?” napalingon naman ako ng may kumalabit sa akin.
“Wag ka ngang sumigaw dyan, Sandy!”
“Eh sino munang tinataguan mo? Alam mo bang nagmumukha kang tanga dyan?”
Nandito kasi ako sa malaking bintana ng classroom namin at kitang-kita ang mga naglalakad na
mga estudyante na nandito din sa floor namin. Dahil magkatabi lang ang classroom namin at nila
Hunter, mabilis ko lang siyang makikita kung dadating na siya.
“Sinong tinitingnan mo dyan?”
Bumilis naman ang tibok ng puso ko ng marinig ko ang pamilyar na boses na yon. Hindi ako
pwedeng magkamali, siya na nga ito.
Dahan-dahan naman akong lumingon sa kanya at ngumiti ng peke, “A-ah, hehe, Hi! Good
morning!”
“Sinong hinahanap mo?” nilagay niya naman ang dalawa niyang kamay sa bewang niya at tinaas
ang dalawa niyang kilay.
“W-wala! Hehe, tara na! Tuturuan na kita sa physics! Diba sabi mo may quiz kayo dyan
ngayon?” Hindi ko na ulit siya tiningnan at hinila ko na lang siya papunta sa may upuan ko.
“Oh, dyan ka muna umupo habang wala pa si Audrey.” Tinapik-tapik ko naman ang upuan ni
Audrey na nasa tabi ko at kusa naman siyang umupo.
Paano siya nakapasok dito sa loob ng classroom kung kanina pa ako nakabantay sa may bintana?
Bakit hindi ko man lang siya napansin?
“Nakakainis na, Ysabelle. Ako ‘tong kasama mo pero iba ang iniisip mo.” Nabalik ako sa wisyo
ng biglang magsalita si Hunter at nakita ko pa siyang umirap.
Umupo naman ako sa upuan ko at hinarap siya, “Hindi ka galit?”
“Galit nga ako!” nag-cross arms naman siya at nagkunwaring nagtatampo.
“Hala! Sorry na, Hunter!” hinawakan ko pa ang dalawa niyang kamay pero umirap lang ulit siya,
“Napaka-taray naman neto! Ano bang gusto mong gawin ko para mapatawad mo na ako?
Lahat gagawin ko, promise!”
Humarap naman siya sa akin at ngumiti ng nakakaloko, “Talaga? Lahat gagawin mo?”
Napalunok naman ako dahil sa sinabi niya, “U-uh...”
“Wala na, sinabi mo na eh. Wala ng bawian.” Umiling-iling pa siya at hinarap sa akin ang right
cheek niya.
“Oh, anong gagawin ko dyan?”
“Kiss mo.” Pumikit naman siya pero nilayo ko lang ang mukha niya sa akin.
“Hunter naman eh! Bahala ka dyan, hindi kita tuturuan.” Hay nako, hindi na pwede, Hunter. Pa-
fall ka naman eh!
“Ay joke lang.” Umayos naman siya ng upo at binuklat agad ang libro niya sa physics, “Oo nga pala,
bago tayo magsimula...”
“Ano?” tinaas ko naman ang isa kong kilay at hinintay siyang magsalita.
“Magkasama pala kayo ni Travis kagabi kaya hindi ka nagre-reply sa akin.” Napansin ko
naman ang pag-ngiti niya.
“Ah, oo magkasama nga kami. Paano mo nalaman?”
“Syempre sinabi niya, Ysabelle talaga oh.” Ginulo-gulo niya naman yung buhok ko, “Nag-enjoy
ka ba?”
Hay nako, Hunter! Hindi ka man lang ba nagseselos sa aming dalawa ni Travis?
Tumango-tango na lang ako at tinuon ang pansin sa libro niya, “Ano bang iqui-quiz niyo mamaya?
Dali na, tuturuan na kita.”
Tinuro niya naman sa akin yon, “Tapos na kami dito last week ah. Kahapon lang ba ‘to tinuro sa
inyo?”
“Oo eh.” Napakamot pa siya sa batok at nilabas ang notebook niya, “Eto pa, marami kasing
computations kaya hindi ko maintindihan.”
“Ah, ganito lang yan—”
“ZAREE! ZAREE!” napalingon naman ako ng may tumawag sa akin at nakita ko si Franco—ang
bakla naming kaklase—na tumatakbo papalapit sa akin at may hawak hawak na bouquet ng
flowers.
“Oh, para sa iyo yan. Kaloka!” Inabot niya naman sa akin yon habang hinahabol ang hininga niya.
“Huh?” kunot-noo ko naman itong tinanggap at napatingin kay Hunter. Halatang naguguluhan din
siya sa mga nangyayari.
“Hoo, hoo...” napatingin ulit ako kay Franco at tinaasan siya ng kilay, “Galing yan sa manliligaw
mo. Sabi niya ay ibigay ko na lang daw sayo kasi may gagawin pa daw siya.”
Umalis na siya at tsaka naman nag-sink in sa utak ko na galing pala ang mga ito kay Travis. Nakita
kong may nakatiklop na maliit na papel sa gitna ng mga bulaklak kaya naman kinuha ko ito.
Ms. Salameda,
Good morning, beautiful! This one is for you, hope you like it! Have a great day ahead!
- Travis L.
Napangiti naman ako ng mabasa ko yon. Tiniklop ko naman ulit ito at tinago na ang papel sa bulsa
ng bag ko.
Nagpeke naman ng ubo si Hunter kaya napatingin ako sa kanya, “Ay, sorry. Oh start na, tuturuan
na kita—”
“Kanino galing yang flowers?”
“Galing kay Travis yan.”
“Ah.” Umiling-iling naman siya, “Ang panget talaga mamili ng flowers nung hinayupak na yon.
Roses? Diba tulips ang gusto mo? Tss.” Napa-irap naman siya at tumawa ng mahina.
“Hoy grabe ka! Atleast may binigay siya kahit hindi tulips!”
Humarap naman siya sa akin at inirapan ulit ako, “Seriously?”
“Ano bang problema mo, Hunter?”
“Wala! Eh ang panget naman nyan!”
“Grabe ka! Isusumbong kita kay Travis! Mag-bestfriend pa naman kayo non!” nag-cross arms
naman ako pero parang wala pa din siyang pakialam.
“Sus, sabihin mo! Alam niya naman yon. Mabuti pa ako, magaling mamili ng flowers. Tss.”
Kumunot naman ulit ang noo niya at sumandal siya sa upuan niya.
“Syempre, sa dinami-dami ba naman ng binibigyan mo ng flowers—”
“Hoy, wala pa akong binibigyan ng bouquet of flowers ‘no! Tsaka kung gusto ng mahal ko ng
ganon, hindi lang bouquet ang ibibigay ko sa kanya, garden pa.” Umiling-iling naman siya at
sinarado niya na ang libro at notebook niya.
“Oh saan ka pupunta? Tuturuan pa kita diba?”
“Hindi na kailangan, nawalan na ako ng gana.” Dere-deretso naman siyang umalis ng classroom
namin at hindi na ako pinansin kahit tinatawag ko pa siya.
Ano bang problema ‘non? May nasabi ba akong mali?
**
“...Ay oo, tapos ilalagay natin sa inidoro si Zaree para mabalik na siya sa wisyo niya.”
Napalingon naman agad ako kay Sandy ng sabihin niya yon kay Audrey.
“Sira.” Inirapan ko siya at uminom na ulit ako ng juice ko.
Nandito kami sa cafeteria ngayon dahil wala ang english teacher namin. Eto naman kasing si
Audrey, dinalaw ng gutom kaya heto, nakain na naman siya pero kaming dalawa ni Sandy ay bumili
lang ng maiinom.
“Sino ba kasi ‘yang iniisip mo at kanina ka pa tulala, Zaree? Kanina ka pa kaya namin
kinakausap!” kukuha na sana si Sandy sa chips na kinakain ni Audrey pero pinitik lang nito ang
kamay niya.
“Pahingi lang eh! Napaka-damot talaga netong babaeng ‘to.” Umirap naman si Sandy sa kanya.
“Bumili ka kasi ng iyo! Hindi mo gayahin si Zaree? Tahimik lang!”
“Gaga, may iniisip kasi yan.”
“Sandy!” pinalo ko naman siya ng mahina sa braso niya at inirapan siya.
“Nako, kung sino man yang iniisip mo, malamang lunod na lunod na yan.” Napa-irap naman si
Audrey at kinalikot na lang ang cellphone niya.
“Pwede mo naman kasing i-share sa amin ni Audrey yan, teh! Ano ba yun?”
“Eh kasi si Travis...”
“Oh anong meron kay Travis? Kayo na?!” sigaw ni Sandy kaya naman tinapik ko ng mahina yung
bibig niya. Napaka-daldal talaga ng isang ‘to!
“Nililigawan niya na ako.”
Nabitawan naman ni Audrey ang cellphone niya ng sabihin ko yon, “Hala yung cellphone ko!!”
“Oh, kasalanan namin ni Zaree? Ha?”
Umirap naman si Audrey kay Sandy tapos hinarap ako, “Pero seryoso, nanliligaw na talaga siya?
Paano?!”
“Eh sabi niya mahal niya ako eh.”
“Mahal mo din ba?”
{FIFTEEN}
Nandito ako kela Hunter ngayon dahil oras na ng tutorial namin. Para ngang wala ako dito kung
umasta siya eh. Pag tinatanong ko siya, tatango lang siya or kaya iiling. Ano bang problema netong
si Hunter?
“Hunter...”
Napalingon naman siya sa akin at tinaas ang dalawa niyang kilay, “A-ah, yung sinasabi mo pala sa
akin na ako yung napili mo para kumanta sa first monthsary niyo ni Cassy—”
“Kalimutan mo na yon.”
“Ha?”
“Kalimutan mo na. Nagbago na din isip ko, babaguhin ko na lang yung plano.”
“Sayang, ang ganda pa naman nung plano mo.”
Hindi na siya nagsalita pagkatapos non at tinuon na lang ulit ang pansin niya sa notebook na hawak
niya, “Ano? Gets mo na?”
Umiling naman siya kaya kinuha ko sa kanya ang notebook na hawak niya at sinara ito. Napansin
kong nagulat pa nga siya dahil sa ginawa ko eh, pero gusto ko lang talaga malaman kung bakit ang
tahimik niya ngayon. Hay nako, nakakapanibago kaya!
“Akin na, nag-aaral ako eh!”
“Naiintindihan mo ba?” umiling naman siya bilang sagot, “Ano ba kasing problema mo? Okay
ka lang ba?”
“Oh,” ngumiti naman siya na kita ang mga ngipin niya, “Okay lang ako! Akin na yang notebook!”
“Hunter.” Sinamaan ko siya ng tingin kaya naman yumuko na lang siya, “Hoy, ano ba kasing
problema?—Teka, mainit ka ah?” kinapa-kapa ko naman ang noo niya at oo, mainit nga siya.
“Hot ko kasi.”
“Che! May lagnat ka lang kaya ka nagkakaganyan!” niligpit ko naman agad yung mga gamit niya
at nilapitan siya ulit, “Tara, samahan muna kita sa kwarto mo. Magpahinga ka na muna.”
“Wag mo akong rerape-in, Ysabelle!”
“Feeling mo naman!”
Nang makarating naman kami sa kwarto niya ay agad siyang humiga sa kama niya at pinikit ang
mga mata niya.
“Dyan ka muna ah. Kukuha lang ako ng gamot mo sa baba.”
“Ha?” napabangon naman siya at agad na hinawakan ang mga kamay ko, “Wag na, Ysabelle. Dito
ka na lang, please?”
“Hunter, hindi pwede. Gusto mo ba may sakit ka na lang forever?”
“Pwede ba naman yon?” napakamot naman siya sa ulo niya ng tanungin niya yon.
“Kaya nga kukuha muna ako ng gamot mo, okay? Babalik agad ako. Tsaka kailangan pag
balik ko, nakapag-palit ka na ng damit mo ah?”
“Sige na nga.” Binitawan niya na ako at dumeretso na sa harap ng cabinet niya.
**
Nang makababa naman ako ay hindi ko nakita ang Mama ni Hunter doon. Si Yaya Fely lang ang
nakita kong nag-aasikaso sa may kusina kaya siya na ang nilapitan ko.
“Ah, Yaya Fely...”
Napalingon naman siya sa akin at ngumiti, “Oh hija? Anong kailangan mo?”
“Si Hunter po kasi nilalagnat eh. May gamot po ba siya dito?”
“Ay nako, ganon ba? Meron, saglit lang at kukunin ko.” Umalis siya saglit at pagbalik niya ay
dala-dala niya na ang isang lalagyan na may laman na gamot, “Kumuha ka na lang dyan, hija.
Tsaka teka, hintayin mo na din itong pagkain na ihahanda ko para sa kanya.”
Tumango na lang ako at hinanda na yung face towel at maliit na planggana na may lamang
maligamgam na tubig.
“Nasaan nga po pala ang Mama ni Hunter?”
“Nako, may pinuntahan kasama ang papa niya eh. Siguro mamaya ay babalik na din yun.”
Umupo naman ako sa isang high stool at pinanuod ko na lang na magluto si Yaya Fely.
“Nobyo mo ba si Hunter?”
Napa-ubo naman ako ng tanungin sa akin yon ni Yaya Fely, “N-nako hindi po! Magkaibigan lang
po kami, hehe.”
“Ganon ba? May nobyo ka na ba, hija?”
“Wala pa po.”
“Manliligaw?”
“M-meron po.”
Napatango-tango naman siya at ngumiti, “Kaya siguro hindi mo pa nobyo si Hunter dahil siya
ang manliligaw mo, ano?”
“Nako, hindi po!” natawa naman ako ng bahagya.
“Mabait naman yang batang yan, maloko lang talaga.” Hinalo-halo niya naman yung soup na
niluluto niya habang nagke-kwento sa akin, “Napaka-sweet ng batang yan hindi lang talaga
halata dahil sa bad boy image niya. Kaya naisip ko, ma-swerte ang magiging nobya ng batang
ito dahil sigurado akong hindi pababayaan ni Hunter yon.”
Nako Yaya Fely, sinabi mo pa.
“Kaya nga po eh, swerte nga po ni Cassy.”
“Cassy?” napaharap siya sa akin ng nakakunot ang noo, “Yun ba yung babaeng maputi at
matangkad?”
“Opo, si Cassy nga po yon. Girlfriend po siya ni Hunter.”
“Ganun ba? Akala ko naman eh kaibigan lang yun ni Hunter. Mas napagkamalan ko pa nga
kayong mag-nobyo at mag-nobya ni Hunter eh!” pinatay niya naman ang kalan at sinalin na ang
soup sa isang maliit na bowl.
“Bakit niyo naman po nasabi yan?”
“Siguro dahil sa mga ngiti ni Hunter tuwing nakatingin siya sayo, hija.”
“Paanong tingin po?”
“Basta iba yung tingin sayo ni Hunter eh.” Inayos niya naman ang mga dadalhin ko sa isang tray,
“Ewan ko ba o sadyang kinikilig lang talaga ako sa inyong dalawa.” Natawa naman siya ng
konti.
“Yaya Fely talaga!”
“Oh sige na, ikaw na muna ang bahala doon kay Hunter. Malamang hinahanap ka na non.”
**
“Hunter! Paki-buksan naman ng pintuan, please?” sigaw ko mula sa labas ng kwarto niya dahil
hindi ko kayang buksan ang pintuan niya. May dala-dala kasi akong tray.
Maya-maya pa ay binuksan niya na ito at tutulungan niya na sana akong dalhin yung tray kaso
nilayo ko ito sa kanya, “Hep hep! Ako na magdadala neto. Pinabuksan ko lang sayo yung
pintuan.”
Pumasok naman ako at sumunod naman siya sa akin, “Oh, nakapagpalit ka na ba ng damit?”
“Yes boss!” sumaludo naman siya sa akin at ngumiti. Nilapag ko naman ang tray sa side table at
dali-dali din siyang humiga sa kama niya.
“Oh, kumain ka muna bago ka uminom ng gamot.” Inabot ko naman sa kanya yung soup kaso
lang hindi niya naman tinanggap yon.
“Ayoko busog pa ako.”
“Hunter naman eh, hindi ka makakainom ng gamot hangga’t hindi ka pa kumakain.”
“Ayoko ngaaa!” nag-cross arms naman siya kaya nilapag ko na lang ulit yung bowl sa tray, “Bahala
ka dyan, kapag di ka kumain, iiwan kita dito.”
Napaharap naman siya sa akin at hinawakan ang mga kamay ko, “Alam mo bang nagugutom na
ako, Ysabelle? Pakainin mo na kasi ako!”
“Ano kamo? Bakit papakainin pa kita? Kaya mo na yan, may kamay ka naman eh!”
“Napaka-sama mo naman! May sakit kaya ako!” lumungkot naman ang mga mukha niya at
tumalikod sa akin.
Ang cute magtampo ni Hunter, sarap suntukin. Hahaha joke lang!
“Oh eto na nga! Susubuan na kita.”
“Labag naman sa loob mo eh. Sige, magpapahinga na lang ako.”
“Hunter! Ang arte arte mo! Dali na, kailangan ko na din umuwi maya-maya.”
Humarap naman siya sa akin ng ganon pa din ang mukha, “Aalis ka talaga? Iiwan mo ako?”
“Eh malamang! Hindi naman dito ang bahay namin!”
Napakamot naman siya sa ulo niya at tumalikod ulit sa akin. Aba, ano bang gusto neto?
“Hay nako, Hunter naman! Wag ka na kasing magtampo dyaaan!” tinapik ko naman siya sa
balikat pero wa-epek eh.
Paano ko ba aamuhin ‘tong isang ‘to? Ang arte arte ah!
{SIXTEEN}
Sa ilang beses na pangungulit ko sa kanya para kumain at uminom ng gamot, mabuti naman at
napapayag ko na din si Hunter. Heto nga at ayaw pang magpahinga, gusto niya kumanta daw muna
ako bago niya akong payagan makauwi sa amin.
“Hunter naman eh! Magpahinga ka na kasi!”
“Ayoko nga! Kanta ka muna.”
“Ayoko din!”
“Sus, parang di naman tayo magkaibigan niyan oh!”
Napa-irap na lang ako, “Hay nako, eto na nga!”
I cleared my throat at pagkatapos ay nakita ko siyang nakatitig lang sa akin—hinihintay niya talaga
akong kumanta sa harap niya.
Kung sa habang buhay
Isa lang ang sasabihin
Ang pangalan mo ang sasambitin
Maya-maya pa ay napansin kong tahimik lang siya at hindi inaalis ang tingin sa akin.
Kung sa habang buhay
Isa lang ang matatanaw
Ang ‘yong mukha ang pagmamasdan
Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at tinuloy ko ang aking pagkanta.
Kung iisa lang ang aking pangarap
Ang mahalin mo ako ang nais kong matupad
At kung sa habang buhay ikaw ang kapiling
Wala nang kahit na ano pang nanaisin
Ikaw ang panaginip ang laging nasa isip
Kung sa habang buhay
Isa lang ang tatanganan
Kamay mo lang ang aking hahawakan
Kung sa habang buhay
Isa lang ang hahalikan—
Hindi ko naman naituloy ang pagkanta ko dahil narinig kong tumunog ang cellphone ko mula sa
bulsa ko. Tumayo naman ako para sagutin ang tawag at nilingon ko naman saglit si Hunter—
ngumiti siya ng tipid at nag-thumbs up.
“Hello?”
[Ehem.]
“Oh, Travis? Napatawag ka?”
Narinig ko namang may tumikhim sa may likod ko at paglingon ko naman ay nakita ko si Hunter na
nahiga na ng padapa at nagtalukbong ng kumot niya.
[Wala, namimiss lang kita.]
“Sus, nagkikita naman tayo araw-araw ah?”
[Hindi nga tayo nagkita kanina eh. By the way, natanggap mo ba yung mga bulaklak kanina?]
“Yup, thank you, Travis!”
[You’re welcome. Teka, nasaan ka ba? Parang ang tahimik yata dyan sa inyo ah?]
“A-ah e-eh...”
[Hmm?]
“Nandito ako kela Hunter.”
[Ay oo nga pala. Anong oras matatapos yung tutorial mo? Gabi na ah?]
“Pauwi na din ako.”
[Ganon ba? Sunduin na kita dyan sa kanila, gabi na eh.]
“Hindi na kailangan, Travis. Magco-commute na lang ako.”
[Hindi pwede. Gabi na kaya! Hintayin mo ako dyan. Bye!]
“Teka lang, Travis—”
Bago ko pa matapos yung sasabihin ko ay binabaan niya na ako. Hindi ko alam kung maiinis ako o
matutuwa eh. Hay nako, Travis talaga.
Tinago ko naman yung cellphone ko sa bulsa ko at nilapitan si Hunter na for sure, nagtutulog-
tulugan lang.
“Hunter...” tinapik-tapik ko siya pero hindi naman siya kumikibo, “Uy, tulog ka na ba?”
Wa-epek pa din!
“Ah Hunter, uuwi na ako ah? Tinawagan na ako ni Travis at—”
Gumulong naman siya sa kama para makaharap sa akin at bigla siyang napa-upo sa kama niya,
“Bakit? Tatay mo ba si Travis?”
Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya, parang sira ‘tong si Hunter oh!
“Joke lang.” Ngumiti siya pero nagseryoso din siya agad, “Ano? Hatid na kita sa inyo! Baka
magalit na sa akin yang manliligaw mo eh.”
“Hindi na kailangan. Susunduin niya daw ako dito, doon na lang ako sa labas maghihintay.”
“Oh sige, samahan na kita.”
“Wag na, Hunter. Mabibinat ka pa niyan eh, may lagnat ka pa kaya.”
“Kaya ko na!”
“Maniwala ka sa akin na hindi mo pa kaya. Sasapakin kita eh, magpahinga ka na para
makapasok ka bukas, okay?”
“Ysabelle, maglalakad lang naman ako ng konti!”
“Hay nako, bahala ka nga dyan! Di hamak na naging mag-bestfriend nga kayo ni Travis.”
Umiling-iling pa ako habang inaayos ang mga gamit ko.
“Oo nga pala, Ysabelle.”
“Hmm?”
“Kailan pa?”
Napatigil naman ako sa pag-aayos ng gamit at hinarap siya, “Anong kailan pa?”
“A-ah, kailan pa nagsimulang m-manligaw sayo yung bestfriend ko?”
“Kahapon lang.” Bumalik naman ako sa pag-aayos ng gamit ko, “Bakit?”
“Wala naman. Masaya lang ako para sa kanya.”
“Masaya?”
“Oo, hindi na torpe eh.”
**
“Ang tagal tagal naman niyang sundo mo, Ysabelle!” natawa naman ako ng magreklamo ulit si
Hunter na nasa tabi ko.
Pang-apat niya nang reklamo yan, kanina pa kasi kami naghihintay dito kay Travis sa labas ng
bahay nila kaso hanggang ngayon ay wala pa din.
“Alam mo kung napapagod ka na, pumasok ka na sa inyo. Magpahinga ka na kasi don!”
“Ayoko nga! Tapos iiwan kita dito?! Hah, baka mamaya may manamantala sayo ‘no. Di ko
mapapatawad sarili ko kapag nangyari yon.”
“Ang drama mo.”
“Bakit? Totoo naman ah?”
Napa-iling iling na lang ako at hinagod-hagod ang magkabila kong braso. Malamig kasi ang simoy ng
hangin at naka-school uniform pa din kasi ako.
“Oh, gamitin mo muna ‘to.”
Inabot niya naman sa akin yung hoodie na suot-suot niya kanina pero hindi ko tinanggap yon.
“Oh, tatanggi ka na naman sa alok ko eh. Suotin mo na yan, di naman talaga ako nilalamig.”
No choice, edi sinuot ko na kesa naman makipag-talo pa ako sa lalaking ‘to.
“Alam mo, kung ako yang manliligaw mo, hindi kita papahintayin ng matagal—”
Natigil naman siya sa pagdakdak ng marinig naming dalawa ang pag-busina ng isang sasakyan na
hindi kalayuan sa amin. Maya-maya pa ay nakita ko na lang si Travis na nasa tapat naming dalawa
ni Hunter at naglalakad na papunta sa akin.
“Hi Zaree.”
“Hello.”
“Uy pareng Hunter! Kumusta?” nakipag-bro fist naman siya kay Hunter pero tumango lang ito.
“Ayos naman, pare. Sige, mauna na ako sa loob. Ingat kayo ah!”
“Sige pare, salamat.”
“Walang anuman.”
Nilingon naman ako saglit ni Hunter at tinaas baba niya lang ang kilay niya at tinapik ako sa balikat,
“Magpapahinga na din ako, Ysabelle. Salamat pala.”
“Wala yun.”
Nang makita naming dalawa ni Travis na nakapasok na si Hunter sa loob ng bahay nila ay
tinulungan niya naman akong magbitbit ng mga gamit ko.
“Tara na?”
Tumango na lang ako at pinagbuksan niya na ako ng pintuan sa shotgun seat. Umikot naman siya
papunta sa driver’s seat at nagdere-deretso na din siyang mag-drive pabalik sa bahay namin.
Napansin kong hindi umiimik si Travis habang nasa byahe kami kaya naman ako na ang unang
nagsalita, “Travis, okay ka lang ba?”
Lumingon siya saglit sa akin at tumango, “Okay naman. Ikaw? Nagustuhan mo ba yung mga
bulaklak na binigay ko sayo kanina?”
“Ah oo naman.”
Teka, yung bulaklak pala! Saan ko nga ba nailagay yon?!
“Oh, bakit parang may hinahanap ka yata?”
“A-ah, wala yon, hehe.”
Hindi pwedeng sabihin ko kay Travis na nawawala ko yung binigay niyang bulaklak sa akin!
Nakakahiya talaga!
“Zaree...”
“Hmm?”
Napansin kong huminto na ang sasakyan sa harap ng bahay namin. Akmang bababa na sana ako
pero pinigilan niya ako.
“Teka lang, may sasabihin ako.”
“Ano yun?”
“Okay lang ba sayo na mawala muna ako ng ilang buwan?”
Parang na-istatwa naman ako nang marinig ko yun mula sa kanya. Anong meron?
“Bakit?”
“May kailangan lang akong asikasuhin sa New York kasama ang parents ko.”
“Ganon ba? Paano na yung pag-aaral mo dito?”
“Hindi ko alam sa parents ko pero pasensya na, Zaree. Babawi talaga ako pagbalik ko—”
“Okay lang yun, naiintindihan ko. Kelan ba ang alis mo?”
“Mamaya na.”
“A-ah, sige.” Pinaglaruan ko naman ang mga daliri ko at iniwas ko ang tingin ko sa kanya, “Ingat ka
dun ah.”
“Mamimiss kita, Zaree. Sana pag-uwi ko, alam mo na yung sagot mo sa tanong ko sayo
kahapon, pero kung hindi pa, okay lang, maghihintay ako hanggang sa maging pwede na.”
Nginitian ko siya ng tipid at tuluyan na akong bumaba ng sasakyan niya.
Bakit feeling ko may tinatago sa akin si Travis?
{SEVENTEEN}
Mabilis na lumipas ang araw at sabado na nga ngayon. Naisipan ko namang lumabas mag-isa dahil
gusto ko lang magpahangin. Wala si Audrey at Sandy dahil may bonding sila kasama ang sarili
nilang mga pamilya. Si Mama naman may trabaho tapos yung dalawa kong Kuya may mga
schoolworks pang gagawin. Si Travis naman wala na dito sa Pilipinas. Edi no choice, solo flight
talaga ako ngayon.
“Ano bang pwedeng gawin dito sa mall?” inikot-ikot ko naman ang paningin ko sa mga stalls.
Tinitingnan ko pa lang ang mga presyo ng magagandang damit dito ay naiiyak na ako. Bakit ba kasi
ang mahal ng bilihin ngayon?!
Pumasok naman ako sa isang boutique at tumingin ng mga dress. May isa namang nakapukaw ng
atensyon ko, isang yellow dress na sa tingin ko ay bagay na bagay sa akin. Nung tiningnan ko naman
yung presyo... parang gusto ko na lang umuwi.
“Hi Miss! Isusukat niyo po ba?” tanong sa akin ng saleslady pero umiling ako at nginitian na lang
siya.
Naisipan ko na lang lumabas ng boutique na yon bago pa ako umiyak. Kakain na nga lang ako,
whoo! Kaya mo ‘to, Zaree. Single ka kaya panindigan mo ‘tong ginagawa mo.
“Pst! Panget!”
Hindi ko alam pero nung may nagsabi non ay bigla akong napalingon. Shet, Zaree. Nakakahiya na
yang ginagawa mo! Aminadong-aminado ka talagang panget ka?!
Napalingon naman ako sa lalaking tumatawa sa gilid. Hindi ko alam kung maiinis ba ako eh, leche
ha.
“Hoy Hunter!” Oo, si Hunter nga yung lalaking tumatawa sa gilid at mukhang trip pa ako.
“Hi panget!” ngumiti naman siya sabay akbay sa akin.
Tinanggal ko naman yung pagkakaakbay niya sa akin dahil baka may makakita pa sa amin. Hay
nako, baka ma-issue pa kami ‘no!
“Che!” inirapan ko naman siya at nauna nang maglakad.
“Uy saglit lang! Saan ka ba pupunta, Ysabelle?”
“Sa lugar kung saan wala ka.”
“Ay grabe, ayaw mo na sa akin?”
Napaharap naman ako sa kanya at nakita kong nagpu-puppy eyes pa siya, yuck.
“Bakit? Gusto ba kita?”
Natawa naman siya tapos tumabi sa akin, “Grabe, ang sungit mo ngayon! Anong meron?”
“Wala.”
“Sus,” kiniliti niya naman ako sa bewang na siya namang ikinalayo ko sa kanya, “May namimiss ka
‘no?”
“Sino naman?”
“Si Travis siguro?” itinapat niya pa ang index finger niya sa baba niya at inasar-asar pa ko, “Pero
seryoso, bakit mag-isa ka lang? Nasaan na yung dalawa mong kaibigan?”
“Wala, busy sila eh. Tsaka trip ko lang lumabas nang mag-isa.”
“Eh kung ganon, pwede ba kitang samahan?”
Napa-isip naman ako sa sinabi niya. Wala namang masama kung sasamahan niya ako diba? Tsaka
kailangan ko din ng kasama, baka ikamatay ko na din ang ka-boring-an.
“Ikaw ba? Bakit hindi mo kasama si Cassy ngayon?”
“Ah, kasama siya ngayon ng mga kaibigan niya.”
“Hindi ba siya magagalit kung...”
“Kung?”
“Eto.” Tinuro ko naman siya, “Hindi ba siya magagalit kung magkasama tayong dalawa?”
Umiling lang siya at inakbayan ako, “Eto ba? May magagalit ba kung inakbayan kita?”
Napatingin naman ako sa kamay niyang naka-akbay na sa akin at agad akong napangiti, “Siguro si
Travis?”
“Wala naman si Pareng Travis dito eh. Tsaka hayaan mo, wala namang malisya ‘to.”
**
“Ang panget naman ng mga palabas ngayon! Tss.” Nag-cross arms naman si Hunter habang
pumipili kami ng pwedeng panuorin sa sinehan.
Niyaya niya kasi akong manuod ng sine pagkatapos naming kumain kanina. Tapos ngayon namang
nandito na kami, wala naman daw siyang mapiling maganda. Gulo din ng bungo neto eh.
“Labas na lang kaya tayo?”
“Ha?”
“Tara!”
“Saan?”
“Sa heaven.” Itinaas baba niya pa ang kilay niya kaya naman pinalo ko siya sa braso, “Joke lang,
basta, akong bahala.”
“Baka naman may masama kang balak sa akin ah!”
“Ysabelle, ilang beses ko bang uulit-ulitin sayo na malaki ang respeto ko sa babaeng katulad
mo?”
“Oo na, sige na. Dami pang satsat eh.”
“Psh, ikaw kasi, para namang wala kang tiwala sa akin.” Kunwari namang nagtampo pa siya
habang naglalakad kami sa may parking lot ng mall.
“Ang drama naman neto oh! Hindi mo ba nagets na joke lang yung kanina?” umirap naman
ako at nag-cross arms.
“Ang gulo niyo talagang mga babae ‘no? Dapat ako yung nagtatampo dito eh tapos
magtatampo ka din.”
“Grabe siya oh! Alam mo, mas magulo kayong mga lalaki!”
“At bakit?”
“Kahit sa sarili niyo, hindi niyo alam kung sino yung babaeng mahal niyo kaya kadalasan
pinagsasabay-sabay niyo kami!”
“Mas magulo ang mga babae, Ysabelle. Sasabihin niyong mahal niyo kami tapos sa huli hindi
naman pala.”
“Mas magulo kayong mga lalaki—”
“Hep hep! Paano ba napunta ‘tong usapan natin dito?”
“Ewan ko sayo, Hunter. Ikaw nagsimula eh!”
“Anong ako? Ikaw!”
“Ikaw kaya!”
“Sige na, talo na ako.”
**
Hininto naman ni Hunter ang sasakyan sa tabi ng dagat. Bakit niya naman kaya naisipan na dalhin
ako dito? Pero infairness ah, nakaka-relax yung paligid.
“Bakit nandito tayo?”
“Wala lang. Ayaw mo bang ma-relax sa masarap na simoy ng hangin sa may dalampasigan?”
Nilibot ko ang paningin ko at kokonti lang naman ang tao dito. Hindi naman kasi siya resort.
Talagang madadaanan mo lang siya sa gilid at kung gusto mong pumunta dito ay wala namang
bayad.
Umupo ako sa may dalampasigan at ganon din naman ang ginawa ni Hunter. Malapit na din
lumubog ang araw kaya maganda din pagmasdan ang kalangitan.
“Grabe, ang ganda dito.”
“Syempre naman. Dito ako madalas tumambay kapag wala akong ginagawa o kaya naman
gusto kong mapag-isa.”
“Wow,” napatingin naman ako sa kanya, “Hindi ko alam na ume-emote ka din pala minsan.”
“Ysabelle naman, tao din ako. Malamang alam kong maging malungkot.”
Natawa naman ako sa sinabi niya, “Nakakailang girlfriends ka na?”
Napalingon naman siya sa akin at maya-maya pa ay natawa siya, “Talagang tinatanong mo yan
ah?”
Hay nako, Zaree! Bakit kasi yun ang tinanong mo sa kanya?!
“W-wala lang. M-madalas na kasi kitang makita sa school dati na may kasamang mga babae.”
“Actually hindi ko naman talaga sila pinagsasabay-sabay,” iniwas niya ang tingin niya sa akin at
tumitig sa kalangitan, “Madali lang talaga akong makipag-hiwalay sa kanila kasi hindi ko
nahahanap sa kanila yung katangian ng babaeng gusto ko eh.”
“Sus, palusot mo.”
“Hala, oo nga, promise.” Tumitig pa siya sa akin at nag-cross ng heart, “Talagang wala eh, nafe-
feel kong hindi siya yung para sa akin eh.”
“Ano bang ideal girl mo?”
“Katulad ni mama.”
Para namang lumambot ang puso ko dahil sa narinig ko mula sa kanya, maya-maya ay nagkwento
ulit siya with matching actions pa.
“Gusto ko yung hindi lang maganda sa panlabas, pati panloob din. Gusto ko yung mabait,
maalalahanin, sweet, hindi ako iiwan, at kaya akong tanggapin kung sino man ako. Basta,
katulad na katulad ni Mama, yung simple lang pero ang lakas ng dating para sa akin.”
Tumango-tango naman ako at pinaglaruan ang buhangin. Napansin kong natahimik din siya at
maya-maya pa ay tinanong niya din ako, “Ikaw ba, Ysabelle? Anong ideal guy mo?”
“Simple lang yung ideal guy ko.” Nginitian ko siya at nahiga naman ako sa buhanginan. Nakatitig
lang naman siya sa akin na nakaupo pa din sa gilid ko at hinihintay ang pagsagot ko.
“Katulad ng?”
“Yung lalaking kayang panindigan yung mga salitang sinabi niya na mahal niya ako.”
{EIGHTEEN}
Pareho kaming nakahiga ni Hunter sa buhanginan at pareho lang kaming tahimik. Ako? Iniisip ko na
sana ganito lang kadali yung buhay. Sana ganito katahimik yung buhay ko pero hindi pala pwede,
dahil nasa realidad ako at normal na magulo ang buhay ng isang tao.
Talaga bang makakahanap ka lang ng kapayapaan kapag sumakabilang-buhay ka na?
Eto kayang katabi ko? Ano kayang iniisip neto?
“Ayos ka lang ba, Hunter?”
“Oo naman, may naisip lang ako.”
“Ano naman yun?”
“Bakit kaya ang hirap hanapin ng taong para sayo? Bakit kaya kung sino pa talaga ‘tong
tinadhana sa isa’t-isa, kailangan pa nilang hanapin ang bawat isa at kailangan pa nilang
mahirapan?”
“Hindi ko din alam eh. Challenge, siguro? Diba ganon naman, kapag may gusto kang makuha,
kailangan paghirapan mo muna?”
Maya-maya pa ay may narinig kaming nagpatugtog sa isang di kalayuan na tindahan. Malakas ang
volume ng radyo nila kaya umabot hanggang dito sa pwesto namin ni Hunter.
Napansin ko namang tumayo siya kaya napaupo naman ako. Nilahad niya ang kamay niya sa
harapan ko at tinulungan akong tumayo.
Kung sa habang buhay
Isa lang ang sasabihin
Ang pangalan mo ang sasambitin
“Oh bakit mo ako pinatayo?” tanong ko sa kanya habang pinapagpag ang damit ko.
“Pwede ba tayong sumayaw?”
“Ha? Magmu-mukha naman tayong tanga dito, Hunter eh.”
“Hindi yan,” natawa siya ng konti, “Oh ano, pwede ba kitang isayaw?”
Kung sa habang buhay
Isa lang ang matatanaw
Ang ‘yong mukha ang pagmamasdan
Wala pang anu-ano’y tumango ako at nilapat ko naman ang mga kamay ko sa magkabila niyang
balikat. Pinulupot niya naman ang dalawa niyang kamay sa bewang ko tsaka hinila niya ako palapit
sa kanya.
Kung iisa lang ang aking pangarap
Ang mahalin mo ako ang nais kong matupad
At kung sa habambuhay ikaw ang kapiling
Wala nang kahit na ano pang nanaisin
Ikaw ang panaginip ang laging nasa isip
“Hindi ba’t eto yung kinanta mo sa akin nung isang araw?” tanong niya habang nagsasayaw
kami.
“Ha? Hindi ko matandaan.”
“Naalala mo nung nagkasakit ako?” tumango naman ako, “Noong ayaw kitang pauwiin
hangga’t hindi mo pa ako kinakantahan?”
Napa-ngiti naman ako ng maalala ko yon, “Oh, ano namang meron?”
Kung sa habang buhay
Isa lang ang tatanganan
Kamay mo lang ang aking hahawakan
Binigyan niya naman ako ng isang matamis na ngiti at tingin na nakakaloko, “Hindi mo pa natapos
ang pagkanta mo ‘non.”
“So?”
“Pwede bang sabayan mo yung tugtog?”
“Ayoko nga.”
“Sige na, please?”
Hindi naman ako makakatanggi kay Hunter at paniguradong alam niya yon kaya naman sinabayan
ko na ang kanta. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at tumingin sa may dagat.
Kung sa habang buhay
Isa lang ang hahalikan
Labi mo lamang ang tanging asam
“Humarap ka naman sa akin. Hindi ko ma-feel yung pagkanta mo, Ysabelle.” Hinarap niya
naman ang mukha ko sa kanya kaya napatigil ako sa pagkanta.
“Ayoko nga.”
“Bakit ba? Ang galing mo kayang kumanta. Sa akin ka pa ba mahihiya?”
Hindi pwede, Hunter. Hindi kita pwedeng titigan ng matagal dahil pinipilit ko nang kalimutan ang
nararamdaman ko sayo.
“Ayoko nga kasi.”
“Naiilang ka?”
Tumango ako at natawa naman siya, “Sige na nga, okay lang. Enjoy na lang natin ‘tong
pagsasayaw natin, wag ka na kumanta.”
Kung iisa lang ang aking pangarap
Ang mahalin mo ako ang nais kong matupad
At kung sa habambuhay ikaw ang kapiling
Wala na kahit na ano pang nanaisin
Ikaw ang panaginip at laging nasa isip
Nag-iisa lang
Ang hirap din palang kalimutan ang nararamdaman mo sa isang tao ‘no? Feeling mo mawawasak
yung puso mo anytime, lalo na kung ganito kayo kalapit sa isa’t-isa.
Oohh... oohh...
Bakit ba kasi sayo ako na-inlove, Hunter?
Ikaw ang panaginip at laging nasa isip
Oh...
Nagulat naman ako ng bigla niyang sabayan ang kanta. Hindi ko alam na magaling pala siyang
kumanta, nagkulang yata ako ng information noong mga panahon na inii-stalk ko siya, hehe.
Kung iisa lang ang aking pangarap
Ang mahalin mo ako ang nais kong matupad
At kung sa habambuhay ikaw ang kapiling
Wala nang kahit na ano pang nanaisin
Ikaw ang panaginip at laging nasa isip
Nag-iisa lang
Tumigil naman siya at nagsalita naman ako, “Magaling ka naman pala kumanta eh. Bakit hindi
mo sinabi sa akin?”
“Hindi na kailangan, nahihiya din ako sa ganda ng boses mo ‘no.”
Ikaw ang panaginip at laging nasa isip
Nag-iisa lang...
Pagkatapos ng kanta ay bumitaw na kami sa isa’t-isa. Sana ‘tong nararamdaman ko kay Hunter ay
yun na lang din ang nararamdaman ko kay Travis.
Kay Travis na kayang gawin ang lahat... mapunta lang ako sa kanya.
“Sinong iniisip mo?”
“A-ah, wala.”
“Sus, ide-deny pa.”
Bumuntong-hininga ako bago magsalita, “Naalala ko lang si Travis. Alam mo ba kung anong
aasikasuhin niya sa ibang bansa?”
“Hindi ko din alam eh, nagpaalam lang siya sa akin na aalis lang siya. Ganon din naman ang
sinabi niya sayo, hindi ba?”
Tumango ako at yumuko. Feeling ko mali ‘tong ginagawa ko... na napapalapit ako masyado kay
Hunter. Ano na lang iisipin ni Travis neto?
Sabagay, sabi nga ni Hunter kanina, wag ko na lang daw haluan ng malisya. Magkaibigan naman
daw kami eh.
“Gusto mo na bang magpahinga? Iu-uwi na kita sa inyo.”
“Pwedeng dito muna tayo? Ayoko pang umuwi eh.”
“Dahil gusto mo pa ako makasama?”
“In your dreams!” Natawa na lang kami pareho at naglakad-lakad na lang ulit.
{NINETEEN}
Nasa daan na kami pauwi ni Hunter ng may bigla akong maalala. Baka kasi naiwan ko sa bahay nila
yung bouquet ng flowers na binigay sa akin ni Travis noong nakaraang araw. Diba yun din yung
araw na binigyan ako ni Travis ng mga bulaklak at dumeretso ako kela Hunter para sa tutorial
namin?
“A-ah, Hunter...”
“Hmm?” sumilip siya saglit sa akin at tinuon na lang ulit ang tingin sa daan.
“May ano ba, ah—”
“Ano?”
“May naiwan ba ako sa bahay niyo noong nakaraang araw? May nakita ka bang bouquet ng
flowers doon sa library niyo?”
Agad naman siyang napa-iling at nagtanong, “Bakit? Anong meron?”
“Nawawala ko kasi yung flowers na binigay sa akin ni Travis nung isang araw eh. Akala ko
lang naman naiwan ko sa inyo—”
“Mahalaga ba sayo yun?”
Ako lang ba o sadyang nanlamig ang mga boses ni Hunter nung tinanong niya ako? Hay nako, Zaree.
Ano na naman ba yang nasa isip mo!
“S-syempre naman, Hunter. Bigay kasi ni Travis yun sa akin tsaka baka magalit siya kapag
nalaman niyang nawala ko yun, diba?”
“Edi palitan na lang natin.”
“Hindi na, Hunter. Okay lang.”
Saglit namang natahimik yung loob ng sasakyan niya. Wala kasing nagsasalita sa amin, ewan ko ba,
pagkatapos kong i-open yung topic na yun, wala na ulit umimik sa aming dalawa.
“Kumusta na pala kayo ni Cassy?”
Tumango-tango naman siya pero nakatuon pa din ang tingin niya sa daan, “Ayos lang, ganon pa
din.”
“Ano na nga palang plano mo sa monthsary niyo? May matutulong ba ako?”
“Hindi ko din alam eh.”
Napakunot naman ang noo ko dahil sa sagot niya. Parang dati lang excited na excited pa siya na ako
daw ang kakanta para sa monthsary nila tapos ngayon parang wala na siyang gana. Tss.
“Oo nga pala, hindi ba kayo nagde-date ni Cassy tuwing weekends? Kasi diba ganon yung
mga couples, usually nagde-date sila kapag free time nilang dalawa? Kayo ba?”
“Hindi ako mahilig makipag-date tsaka kung may free time man ako, mas pipiliin ko lang din
na sa bahay na lang.”
“Eh bakit nasa mall ka kanina?”
Napahinto naman siya sa pagda-drive dahil naka-red yung ilaw sa stoplight. Lumingon-lingon
naman siya sa paligid na parang may hinahanap at pagkatapos ay tiningnan niya naman ako.
“Alam mo ikaw napaka-dami mong tanong ‘no? Panigurado gutom lang yan.”
Inirapan ko naman siya kaya natawa siya bigla, “Saan mo gusto kumain ng dinner?” tanong niya
ulit.
“Sa bahay na lang ako magdi-dinner, Hunter.”
“Sure ka? Ako namang bahala sayo eh. Sige na, Ysabelle.” Pamimilit niya pa pero umiling lang
ako.
“Hindi na, okay lang ako, promise.” Itinaas ko pa ang kanan kong kamay.
“Okay, ikaw bahala.” At nagsimula na ulit siyang mag-drive.
Aba’t parang ako pa yata yung natalo dito ah?
**
Huminto naman siya sa tapat ng bahay namin at nauna na siyang bumaba para pagbuksan ako ng
pintuan ng sasakyan.
“Thank you.”
Napakamot siya sa batok niya at inalalayan pa akong makapasok sa bahay namin, “Okay na,
Hunter. Siguro naman safe na ako dito ‘no? Nasa loob na ako ng sarili kong bahay.” Dagdag ko
pa.
Natawa naman siya ng mahina at pagkatapos ay nilibot ang paningin niya sa bahay namin.
“Bakit parang walang tao sa loob ng bahay niyo?” Napatingin naman siya sa relo niya, “Alas
syete pa lang ng gabi ah? Nasaan ang mama at mga kuya mo, Ysabelle?”
“Ah, nandyan lang sila sa loob. Gusto mo bang pumasok muna?”
Tumango naman siya at sabay na kaming pumasok doon. Madilim lang ang paligid pero alam kong
nandito sila, sus, saan pa ba pupunta yung mga yon?
“Kuya Zeke? Kuya Zed?”
Teka, masyado ngang madilim dito. Ano na naman kayang trip ng mga kuya ko?
“Mga kuya, nasaan ba kayo?—”
Halos mapatalon naman ako sa gulat ng biglang may lumabas na nakaputing t-shirt sa loob ng isang
kwarto. Buti na lang at nasa likod ko si Hunter at naalalayan niya ako bago ako bumagsak sa sahig.
“Zaree? Ikaw na ba yan?” tinutukan naman ako ng flashlight ni Kuya Zed na siyang ikinatakip
namin ni Hunter sa mukha namin.
“Kuya Zed naman! Ang sakit sa mata nung flashlight!”
Imbis na patayin niya pa ay pinaglaruan niya pa yun at inikot-ikot sa may bandang mukha ko.
Narinig ko namang tumatawa lang si Hunter at mukhang nagugustuhan pa ang trip sa akin ng
kapatid ko.
“Kuya Zed naman eh! Sasapakin na kita!”
“Sorry, haha.” Binaba niya naman ang flashlight na nakabukas pa din at umupo sa sofa naming de
kahoy.
“Ano bang meron at ayaw niyong buksan ang ilaw?” inabot ko naman ang switch pero kahit
anong gawin ko ay hindi naman nagbubukas ang ilaw.
“Sige, buksan mo lang ng buksan, Zaree.” Napabuntong-hininga naman si Kuya Zed, “Naputulan
tayo ng ilaw. Nakalimutan magbayad ni Mama.”
Sinasabi ko na nga ba. Hindi na bago sa amin ‘to ‘no. Madalas na din kaming maputulan ng kuryente
dahil walang sapat na pambayad si Mama, wala eh.
“Nasaan si Mama?” napansin ko namang tahimik lang si Hunter na nasa gilid ko.
“Eh ayun, lumabas para manghiram ng pera. Si Kuya Zeke naman, nasa school pa din,
paniguradong madami pang ginagawa yun don.”
“Bakit hindi na lang siya nanghiram sa akin?”
Si Mama talaga oh. Dapat tinext niya na lang ako na kailangan niya ng pera pambayad sa bill namin
sa kuryente. May ipon naman ako dahil may gig ako tuwing gabi diba?
“A-ah, Ysabelle—”
“Teka, pareng Hunter, nandyan ka nga pala! Kumusta na?” lumapit naman si Kuya Zed sa kanya
at inakbayan pa ‘to, “Nako, pare. Bakit ngayon ka lang bumisita dito sa bahay? Tsk, sa sobrang
tagal mo, naunahan ka na. Etong si Zaree, ay aba, may manliligaw na! Akala ko ba—”
“Kuya Zed naman!”
“Bakit totoo naman diba? Kwinento kaya sa akin ni Kuya Zeke, yung Travis ba yon?”
Inirapan ko na lang siya at hinablot sa kanya yung flashlight. Dumeretso naman ako sa kusina para
maghanap ng kandila at posporo, nang makahanap naman ako ay bumalik ako sa pwesto nila at
nagpa-ilaw ng kandila sa ibabaw ng center table.
Naabutan ko naman silang nagtatawan doon at mukhang hindi pa ako napansin kaya naman
dumeretso na muna ako sa kwarto ko para magpalit ng damit.
Kung magkakaroon nga naman ako ng Kuya, bakit yung kasing daldal pa ni Kuya Zed? Hay nako,
kaasar talaga!
“Oh, nandyan na ulit si Zaree. Kumain na ba kayong dalawa?”
“Hindi pa nga eh. Niyaya ko kasi kanina si Ysabelle na kumain muna ng dinner bago kami
umuwi kaso lang tumanggi eh.”
“Zaree naman?!” napatayo pa si Kuya Zed at nilapitan ako, “Hindi mo dapat tinatanggihan ang
libre!”
“Kuya Zed naman! Pwede bang tumahimik ka muna kahit saglit lang?!” ginaya ko pa yung tono
ng boses niya kaya naman natawa si Hunter na nakikinig lang sa amin.
“Oh chill ka lang, kapatid.” Tinaas niya pa ang dalawa niyang kamay, “Labas muna ako saglit ah?
Ang init dito eh. Oh kayong dalawa dyan, baka mamaya kung anong gawin niyo dito—”
“Kuya!!” sa pagsigaw ko naman na yon ay tuluyan na siyang lumabas kaya naiwan kaming dalawa
ni Hunter dito sa loob ng bahay.
“Uhm, Hunter...”
“Hmm?”
“Pasensya ka na kay Kuya Zed ah? Tsaka pasensya ka na rin dito sa bahay namin kung wala
kaming kuryente, hindi kasi nakapag-bayad si Mama eh. Kung gusto mo samahan na lang
muna kita sa labas? Wala din kasing nahandang pagkain dito.”
Tumayo naman siya at nakita ko pa siyang ngumiti, “Wala lang ‘to, Ysabelle. Okay lang sa akin
ang lahat ng ‘to.”
“Salamat.”
“Kain tayo sa labas?”
“Wag na, Hunter. Okay lang ako.”
“Sus, tatanggi ka na naman eh. Tara na!”
{TWENTY}
Monday na naman ngayon at maaga akong nagising dahil may pasok na ulit. Lumabas ako ng
kwarto na dala-dala ang towel ko para maligo pero nang makalabas naman ako ay muntik pa akong
mahagip ni Kuya Zed na nagmamadaling pumasok sa banyo.
“Kuya Zed naman eh! Napakadaya mo!” kinatok-katok ko pa yung pintuan ng banyo pero wala na
akong nagawa, naunahan na naman ako ng napaka-gentleman kong Kuya.
“Maghintay ka na lang dyan, Zaree! Kailangan ko lang talagang mauna kasi maaga akong
papasok ngayon!”
Hindi ko na lang siya pinansin at umupo na muna sa sofa namin. Doon ko naabutan si Mama na
nanunuod ng balita sa tv at inaayos ang gamit niya para sa trabaho.
“Oh ano, naunahan ka na naman ng Kuya Zed mo?” natawa pa si Mama habang sinasabi niya
yon.
“Good morning, Ma. Opo eh, minsan nga po ay turuan niyo yong maging gentleman! Kainis
talaga.”
“Hayaan mo na ang Kuya mo, Zaree. Ganon na talaga yon simula noong bata pa siya.” Tinapik
niya naman ako sa balikat at nung matapos niyang ayusin ang gamit niya ay umupo na din siya.
“Kumusta ka na nga pala, anak?”
“Po?”
“Kinakamusta lang kita. Matagal na din kasi tayong hindi nakakapag-usap tungkol sa buhay
mo.”
“Ayos naman po, Mama.” Nginitian ko naman siya pero binigyan niya lang ako ng isang matamis
na ngiti.
“Hmm, ang baby ko may manliligaw na! Dala-dalawa pa!” napa-iling iling pa siya sa sinabi niya
na siyang ikinalaki ng mga mata ko.
“Ano po?! Paano pong naging dalawa?!”
“Diba yung si Travis pati yung sino nga ba yun?” nilagay niya pa yung index finger niya sa baba
niya at mukhang nag-iisip pa, “Hunter ba yon?”
“Nako Ma, hindi ko po manliligaw si Hunter!”
“Eh bakit parang may something? Alam mo na, hehe. Talaga ba?”
“Opo, Mama. Yun pong si Travis, yun talaga ang manliligaw ko pero si Hunter po?” umiling-
iling naman ako, “May girlfriend na yun, Ma tsaka magkaibigan lang kami ‘nun.”
Narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya at nilapitan ako, “Basta, kung sasagutin mo man
yang manliligaw mo na si Travis ay wag kayong magpapadalos-dalos ng desisyon ah? Wag ka
nang tumulad sa akin, anak. Mahirap ang buhay kapag hindi pinagplanuhan at pinag-isipan
ng mabuti.”
“Alam ko naman po yun.” Hinawakan ko naman ang kamay niya na nakapatong sa kamay ko,
“Tsaka wala pa naman po akong balak sagutin si Travis, masyado pa pong maaga.”
**
10 minutes before 7 am nang makarating ako sa school. Naabutan ko naman ang mga kaklase ko na
maingay sa loob ng classroom. Yung iba, tumutugtog ng gitara. Yung iba, nagliligawan. Yung iba,
nagdadaldalan. Wala namang bago dun. Sanay na ako sa ganitong eksena sa loob ng classroom
tuwing umaga.
“Oopsie! Nandyan na ang babaeng sobrang haba ng hair!” napalingon naman ako sa babaeng
nagsalita sa loob ng classroom at panigurado akong si Sandy yon.
Pumunta naman ako sa side kung saan nakaupo kaming tatlong magkakaibigan at sinamaan ng
tingin si Sandy.
“Ay bakit? Totoo namang mahaba ang hair mo, girl!” hinawi-hawi niya pa yung buhok ko at
tumawa-tawa pa.
“Ewan ko sayo, Sandy! Nasaan nga pala si Audrey—” natigil naman ako sa pagsasalita nang may
mapansin akong isang box ng cupcake na nakapatong sa table ko, “Kanino galing ‘to?”
“Hay nako, tingnan mo kaya!” inikot-ikot pa ni Sandy ang dulo ng buhok niya at mukhang kilig na
kilig pa sa nakikita niya. Parang baliw lang eh.
May nakita naman akong note sa ibabaw ng box kaya naman kinuha ko ito at binasa. Hmm, si Travis
kaya ang nagbigay neto?
Ysabelle,
My mom baked some cupcakes kaya I want you to taste some of it. Good morning, by the way! Ehem,
sabihan mo ako mamaya kung masarap ha? Ako naglagay nung icing, hehe.
- Hunter Grae
“Oh, alam mo na kung sinong nagbigay?” umupo naman si Sandy ng maayos sa upuan niya,
“Tama na ngiti, girl! Hay nako, panigurado kung nandito si Travis ay malamang nagsapakan
na yung dalawang mag-bestfriend.”
“Sandy!”
“Ay sorry, hehe. Sabi ko nga joke lang eh. Ano bang nakalagay sa note?”
Inabot ko naman sa kanya yung note at siya na ang bahalang nagbasa, “OMG! PATIKIM NAMAN
AKO NUNG CUPCAKES!” Bago niya pa maabot yung cupcakes ay nilayo ko na agad yun sa kanya.
“Hep hep! Mamayang break, bibigyan kita.”
“Sabi mo yan ah! Akin yung red velvet!”
“Aba namili ka pa?”
“Syempre naman, ganon talaga kapag maganda.”
Umirap naman ako at sabay kaming natawa, “Teka, nasaan ba si Audrey?”
“Ewan ko nga din eh. Kanina ko pa tinetext pero hindi naman nagrereply, hindi naman nale-
late yun diba?”
Oo nga, hindi naman talaga nale-late sa klase yung si Audrey. Sa aming tatlo, ako lang talaga yung
nakakaranas ng pagka-late pero first time yata netong si Audrey ah.
“Hindi kaya absent yun ngayon—”
“Mga teh!” napalingon naman kaming dalawa ni Sandy ng biglang may sumigaw sa may likod
namin.
“Oh Audrey! Akala namin absent ka na eh.”
“Hindi ‘no, na-late lang talaga ako ng gising pero Zaree...”
“Hmm?”
“May kailangan kang malaman.”
“Ano yun?”
**
“Hindi nga? Break na si Cassy at Hunter?”
“Sus, hindi ka pa ba nasanay? Malamang may bago na namang ipapalit si Hunter dun sa
babaeng yon.”
“Wala pa nga silang isang buwan eh!”
“Gaga ka ba? Si Cassy nga lang ang tumagal dyan kay Hunter eh.”
Narinig ko naman ang ibang usap-usapan ng mga estudyante dito sa loob ng cafeteria. Actually,
kanina ko pa alam. Kwinento sa amin ni Audrey kaninang umaga dahil nakita niya pa daw itong
nagtatalo sa may garden at nagmamakaawa pa daw si Cassy na wag silang maghiwalay.
“Seryoso mga teh, nakakaawa tingnan si Cassy kanina. Biro mo yun? Isang babae ang
nagmamakaawa para lang hindi siya iwan ng taong mahal niya?”
“Oh eh anong masama don?” tanong ni Sandy kay Audrey sabay kain sa sandwich niya.
“Hello Sandy? Kung ako si Cassy, hindi ako luluhod sa harap ni Hunter para lang hindi siya
makipaghiwalay sa akin ‘no! Tsaka ang daming nanunuod kanina sa pagtatalo nila tapos yun
pa? Ew, nakakababa ng level yun mga teh!”
“Ang sama ng ugali mo, Audrey. Ganon talaga, eh paniguradong mahal na mahal ni Cassy si
Hunter kaya siya nagkaganon.”
Hindi ko na lang pinansin yung dalawa at napagpasyahan kong i-text muna si Hunter.
To: Hunter Salazar
Nasaan ka?
Wala pang ilang minuto ay nagreply na agad siya.
From: Hunter Salazar
Somewhere. Alam mo naman siguro kung saan ako pumupunta kapag may problema ako diba?
Natigil naman ako sa pagtetext ng mag-peke ng ubo si Audrey at Sandy sa harapan ko. Tiningnan ko
naman sila pero wala akong nakuhang sagot.
“Sino yang ka-text mo, girl?” tanong sa akin ni Audrey.
“A-ah...”
“Don’t tell me si H yang ka-text mo?” tinaasan naman ako ng kilay ni Audrey kaya natago ko bigla
ang cellphone ko.
“Sino si H?”
“Oh my gosh, girl! Alam mo na kung sino si H!” inikot niya pa yung mata niya, “Anong meron sa
inyong dalawa?”
“Wala! Kinumusta ko lang siya. Alam niyo namang—”
“Zaree naman, hanggang kailan ko ba sasabihin sayo na tigilan mo na yang lalaking yan?
Wala kang mapapala dyan!”
“Audrey, kaibigan ko lang si Hunter, okay?”
“Siguraduhin mo lang, Zaree ah. May Travis na naghihintay ng matamis mong oo, wag mo
sanang paaasahin yung tao at sa huli sasabihin mo sa amin na mahal mo talaga si Hunter.”
“Ano naman kasing masama, Audrey kung piliin man ni Zaree si Hunter kay Travis? Malay
mo, sila naman talaga ang para sa isa’t-isa diba? Tsaka hindi natin pwede ipilit si Zaree sa
taong hindi niya naman gusto o naguguluhan siya para sa nararamdaman niya dito, hindi
ba?”
“Kasi alam ko kung ano ang pwedeng gawin ni Hunter kay Zaree. Hindi niyo ba nakikita?
Playboy yang si Hunter, hindi siya pwede kay Zaree dahil mahina siya pagdating sa mga
ganyan.”
“Kung makapag-usap kayo parang wala ako dito ah.” Malumanay kong sabi pero nakayuko lang
ako.
Naramdaman ko naman ang pagtahimik nila kaya nagsalita ulit ako, “Pwede bang wag muna
nating pangunahan ang lahat? Si Travis, nanliligaw yun sa akin. Si Hunter, kaibigan ang
turing namin sa isa’t-isa kaya pwede? Tigil muna?”
{TWENTY-ONE}
Hindi muna kami masyadong nagdaldalan pagkatapos non. Bumalik kami sa classroom na wala
lang, parang hangin lang ang turingan namin sa isa’t-isa pero paminsan-minsan naman ay
naglilingunan kami.
Naramdaman ko naman na nag-vibrate ang cellphone ko kaya naman binasa ko kung sino ang
nagtext.
From: Hunter Salazar
May klase pa ba kayo?
To: Hunter Salazar
Meron, bakit?
From: Hunter Salazar
Pwede ba kitang sunduin mamayang uwian? May pupuntahan lang tayo.
Inisip ko naman kung may gagawin ba ako mamaya. Hmm, wala naman bukod sa itu-tutor ko siya
pero parang iba yata ang mangyayari ngayon. Wala yatang tutorial na magaganap.
To: Hunter Salazar
Oh sige ba.
From: Hunter Salazar
Thank you, Ysabelle.
Hindi na ako nagreply pagkatapos non. Alam kong nalulungkot siya dahil sa nangyari kanina pero
nalulungkot nga ba? Nalulungkot din ba ang isang playboy kapag nakikipag-break sila sa babaeng
panandalian lang nilang nakasama?
“Okay class, get ¼ sheet of pad paper.”
“Hala, Miss? Para saan po?”
“Surprise quiz!”
Oh sht. Hindi ako nakapag-advance man lang ng aaralin. Hay nako, pauso talaga ‘tong teacher namin
sa History.
Nilingon ko naman ang dalawa kong kaibigan na walang ka-ekspre ekspresyon ang mukha.
Mukhang nafe-feel ko din ang nafe-feel nila, pare-pareho lang kaming hindi nag-advance reading.
Goodluck na lang talaga.
After 15 minutes...
“Hindi na ako nagulat sa score ko, sinasabi ko na nga ba.” Patuloy pa ni Gerald habang umiling-
iling nang makita ang result ng quiz niya.
“5/10, not bad.” Sabat naman ni Kean na siyang ikinatawa ng iba naming mga kaklase.
“If I call your name, please let me know your score, okay?” paalala pa ng teacher namin kaya
napayuko na lang kaming lahat.
“Oh no! Recorded pa!”
“Malas talaga ng araw na ‘to.”
“Hay nako, sana hindi na lang ako pumasok.”
Hindi ko din alam kung anong meron sa petsa ngayon. Ang daming nangyayari hindi pa man tapos
yung araw, paano pa kaya mamaya?
**
Uwian na namin at nauna nang umuwi yung dalawa kong kaibigan. Agad ko namang tinext si
Hunter na nandito na ako sa may parking lot ng school at maya-maya pa ay nakita ko na ang kotse
niyang nakahinto sa tapat ko.
Bumaba naman siya doon at pinagbuksan ako ng pintuan para makapasok sa shotgun seat, “Thank
you.”
Hindi na siya nagsalita at umikot na para makasakay sa driver’s seat, “Hindi ka pumasok kanina?
Nag-cut ka?”
Ngumiti naman siya ng tipid at tumango, “Nakakawalang gana pumasok puro na lang tsismisan
ang maririnig ko don.”
“Eh saan ka pumunta?”
“Sa lugar kung saan ako pumupunta kapag gusto kong mapag-isa.”
Pagkatapos ng ilang oras na byahe ay nakarating kami sa pupuntahan namin. Dito niya ulit ako
dinala katulad noong sabado. Pinagmasdan ko ang mukha niya pero wala namang bahid ng lungkot
dito, oh hindi ko lang talaga halata?
“Wag mo naman akong titigan ng ganyan, matutunaw ako eh.” Tumawa pa siya pero hindi ko
yon pinansin.
“Ayos lang naman sa akin kung ilalabas mo yang sama ng loob mo, Hunter. Wag mo nang i-
peke yang nararamdaman mo.”
Sabay kaming naglakad papunta sa may dalampasigan at doon naupo, “Hindi naman talaga ako
malungkot. Ewan ko, gusto ko lang talaga mapag-isa kanina pagkatapos ng nangyare.”
Nakatitig lang siya sa papalubog na araw habang pinagmamasdan ko ang mga mata niya. Kanina pa
ako naghihintay ng luhang papatak mula sa mga mata niya pero wala.
“Ano bang nangyare?”
Nagkibit-balikat siya, “Hindi ko alam.”
“Pero may nakapagsabi sa akin na nagmamakaawa daw si Cassy sayo na wag mo siyang
hiwalayan, hindi ba? Bakit iniwan mo pa din siya?”
“Oo, nagmamakaawa nga siya sa akin.”
Nang marinig ko ang sagot niya ay gusto kong paniwalaan si Audrey na kapag patuloy kong minahal
si Hunter ay wala akong mapapala sa kanya. Kaso lang hindi eh, feeling ko may kailangan pa akong
marinig mula kay Hunter kaya tumahimik muna ako.
“...Pero binalewala ko lang siya.” Tumingin siya saglit sa akin pero umiwas din, “Hindi ko alam.
Hindi ko ramdam.”
“Ang alin?”
“Hindi ko ramdam sa sarili ko na siya yung para sa akin. Feeling ko mali ‘tong mga ginagawa
ko eh. Mali ‘tong nagmamahal ako.”
“Hindi kailanman maling magmahal, Hunter.”
“Nagawa ko na, Ysabelle. Alam ko, pinaglalaruan ko lang yung ibang babae, binabalewala ko
lang yung feelings nila pero wala eh, ayoko na.”
“Ayaw mo nang magmahal?”
“Gusto kong magmahal, Zaree.” Wow, ngayon niya lang ulit ako tinawag sa una kong pangalan,
“Kaso hindi pwede.”
“Ano bang pumipigil sayo?”
“Sarili ko.” Bumuntong-hininga siya, “Kasalanan ko kaya buwan buwan kayong may nakikita
na babaeng umiiyak sa loob ng campus. Tanungin mo sila kung bakit sila umiiyak ang
isasagot nila, ‘Nag-break na kasi kami ni Hunter’ o kaya naman ‘Pinagpalit na ako ni Hunter.’
Oh diba?”
Hindi ko ma-gets yung point niya. Sinasabi niya ba ‘to dahil gusto niya nang magtino pagdating sa
pagmamahal o may iba siyang gusto pero hindi niya lang masabi sa akin?
“May oras pa para magbago.”
Tumango naman siya, “Oo, alam ko pero... may oras pa din kayang mahalin ako ng taong
mahal ko kahit ganito ako ka-gago?”
T-teka, totoo ba ‘tong naririnig ko?
“A-ano?”
“Deh, wala.” Ngumiti naman siya pagkatapos niyang sabihin ang lahat ng yon. Hala, abnormal ba
‘to?
“Abnormal ka ba?”
“Ano kamo? Abnormal? Tss.” Nag-smirk naman siya, “Ang gwapo ko namang abnormal kung
ganon.”
“Eh kasi pagkatapos mong mag-drama ng sobra ngingiti ka dyan tapos sasabihin mong wala
lang yung lahat ng yun?!”
“Eto naman oh, masyado mong inii-stress yung sarili mo. Chillax ka lang, pwede?”
naramdaman kong pinitik niya pa yung noo kong kanina pa nakakunot.
“Aray ha!”
“Ay sorry, hehe.” Nag-peace sign naman siya tapos ngumiti ng kita lahat ng ngipin.
“Ew, ang panget mo.” Joke lang, syempre.
“Kung panget ako, ano ka pa?”
“Maganda siguro?”
Inikot niya naman ang mata niya na siyang ikinatawa ko, “Ang sungit mo, Hunter pero bagay ah!”
“Ewan ko sayo, Ysabelle. Tara na nga! Kumain muna tayo!”
“Bakit ba pag palagi kitang kasama eh hindi mawawala yung salitang ‘kumain muna tayo?’”
“Kasi Ysabelle, kapag kasama mo ako, hinding-hindi ka magugutom.”
“So tatay kita ganon? Ayaw mo akong magutom eh.”
“Ang corny mo, Ysabelle.”
“Mas corny ka.”
“Che!”
**
Pagkatapos naming kumain ay nagpasya kaming maglibot-libot muna. Ngayon ko lang din nalaman
na nasa Tagaytay na pala kami. Maya-maya pa ay nag-park siya sa gilid ng simbahan. Hindi ko alam
na nagsisimba din pala ‘tong si Hunter.
“Nagsisimba ka pala?” tanong ko sa kanya pero tumawa lang siya ng bahagya.
“Syempre, tao din naman ako kahit ganito ako, Ysabelle.” Naramdaman ko naman ang
paghawak niya sa kamay ko at sabay na kaming pumasok sa loob ng simbahan.
Walang misa pero nakita kong may ibang nagdadasal, “Upo na tayo.” Naupo naman ako at ganon
din ang ginawa niya.
Napansin ko namang tahimik lang si Hunter sa tabi ko kaya naman tiningnan ko siya ng saglit.
Nakita ko siyang nakatitig lang sa harap ng altar at ngumingiti ngiti pa.
“Uy, bakit nangiti ka dyan? Ayos ka lang ba?”
Napaharap naman siya sa akin tapos lumingon ulit sa altar, “Ang sarap siguro sa feeling nang
naghihintay ako doon sa tapat ng altar.”
“Hunter, masyado pang maaga para mag-imagine ka ng ganyan.”
“Hindi naman masamang mangarap na balang araw, ako yung nakatayo dyan sa harap ng
altar at hinihintay ko yung babaeng papakasalan ko. Diba masayang mag-imagine ng ganon,
Ysabelle?”
Tumango naman ako at hindi ko maiwasan na isipin ang mga magulang ko. Yung mga magulang ko
na hindi natupad ang mga pangarap nila noong bata pa sila na makasal sa simbahan. Yung nanay ko
na maliit pa lang, pangarap nang maiharap sa altar ng lalaking mahal siya.
Ganon kapag minamadali ang pag-ibig. Pinapangunahan mo lahat ng bagay kaya hindi mo alam na
may nakakaligtaan ka na palang parte na dapat mo pang pagdaanan.
“Ayos ka lang ba, Ysabelle?”
Nabalik naman ako sa katinuan ng maramdaman ko ang paghawak ni Hunter sa kamay ko.
Napatingin naman ako doon at agad na binawi yon.
“A-ah, oo. Wala lang ‘to.”
Hindi ko na lang siya pinansin at lumuhod ako para magdasal. Naramdaman ko namang ganon din
ang ginawa ni Hunter kaya tiningnan ko siya saglit at napansin kong nakatingin din siya sa akin.
“B-bakit? May dumi ba ako sa mukha?”
Ngumiti lang siya at umiling. Maya maya pa ay yumuko siya at nagdasal na lang. Ganon lang din ang
ginawa ko. Ngayon lang ulit ako nagkaroon ng oras para pumunta sa simbahan at makausap ng
maayos ang Diyos.
Lord, ako po ito, si Zaree Ysabelle Salameda. Gusto ko lang po sanang sabihin sa inyo na
nagpapasalamat po ako sa lahat ng binigay niyong biyaya sa akin at sa pamilya ko. Kahit po na hindi
kami kompleto, nararamdaman ko pa din pong kuntento na kami sa kung anong meron kami. May isa
lang po sana akong hihilingin sa inyo, sana po kapag nandito na yung lalaking para sa akin, bigyan
niyo po ako ng isang sign na nandito na siya. Gabayan niyo po ako palagi kapag nakilala ko na siya
para maging maayos ang buhay ko dahil alam ko pong nandyan kayo para sa akin kahit anong
mangyari. Alam ko pong masyado pang maaga para hilingin ko ito sa inyo pero maghihintay po ako
na maging maayos ang lahat bago niyo siya ibigay sa akin. Maraming salamat po. Amen.
Dumilat naman ako pagkatapos kong sabihin ang prayer ko. Pansin ko namang kanina pa pala tapos
‘tong katabi ko pero nakaluhod pa rin at mukhang hinihintay pa ang pag-upo ko.
“Anong tinitingnan mo? Bakit ayaw mo pang maupo?”
“Hinihintay lang kitang matapos magdasal.”
Ngumiti naman siya sa akin pagkatapos niyang sabihin yon pero hindi ko alam... may iba talaga