-
PEBRERO 2015
Dapat panagutin ang rehimeng US-Aquino na mastermind sa madugong
operasyong isinagawa ng Philippine National Police Special Action
Force (PNP-SAF) sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25,
2015.
Ang operasyon ay nagsanhi ng pagkamatay ng 44 na PNP-SAF, 18
kasapi ng Moro Islamic Liberation Front (MILF), 5 kasapi ng
Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at hindi bababa sa 7
sibilyan kasama ang isang 5-taong gulang na bata.
Sa utos ng US, itinulak ni Aquino at ng kabarkada nitong
suspendidong PNP chief Alan Purisima ang 392 mga kasapi ng PNP-SAF
na sugurin ang Mamasapano, isang bayan sa Maguindanao kung saan may
mga kasapi ng MILF, BIFF at maging ng na private army ng angkang
Ampatuan, para umanoy tugisin sina Zulkifli Abdhir alyas Marwan at
Abdul Basit Usman.
Ang dalawa ay bahagi ng US terrorist list at may reward na aabot
sa $9 milyon. Target sila ng mga tinaguriang black operations:
asasinasyon at pagdukot na karaniwan nang ginagawa ng US nang
walang pakundangan sa soberenya ng mga bansa sa buong daigdig.
Nabunyag na dati nang may ganitong operasyon ang US sa Mindanao,
bahagi ang pagpapaulan ng smart bombs sa Jolo noong 2012.
Panagutin ang rehimengUS-Aquino sa madugong
operasyon sa Mamasapano!
>>>Ituloy sa p2
Biguin ang pagtaas ng matrikula at mga bayarin! Labanan ang
deregulasyon sa edukasyon!
Sa komemorasyon ng DigmaangPilipino-Amerikano
(1899-1916),labanan ang imperyalismong US!
MRT-LRT fare hikes mapupuntasa mga kroni ni Aquino
Gintong kasaysayan ng KM,ginunita sa isang produksyon
3
4
6
8
LARAwAN MULA kAy kRISTINE SABILLO
NAgMARTSA ANg IBAT IBANg MgA ORgANISASyON SA ILALIM Ng BAgONg
ALyANSANg MAkABAyAN PATUNgONg MENdIOLA AT US EMBASSy NOONg PEBRERO
4 PARA IPANAwAgAN ANg PANANAgOT Ng US AT NI AqUINO SA MAdUgONg
OPERASyON SA MAMASAPANO
Tinig Pebrero 2015.indd 1 2/15/2015 8:34:34 PM
-
2 PEBRERO 2015 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYANIniutos ng rehimeng
US-Aquino na sugurin ng PNP-SAF ang Barangay Tukanalipao madaling
araw ng Enero 25. Nagpaulan sila ng bala sa bahay ng pamilya
Panangulon, na siyang agad na ikinamatay ng 5-taong batang si Sarah
Panangulon, at ikinasugat naman ng kanyang mga magulang. Isang
magsasaka rin, si Badrudin Langalan, ang natagpuang patay at
nakatali sa isang tulay malapit sa barangay. Limang tao ring
papunta sa mosque sa Sitio Inugog ang napatay ng SAF. Isang
sibilyang ginawang guide din umano ng SAF ang napatay sa
operasyon.
Nang manlaban ang MILF at BIFF, napalibutan at nagapo ang isang
grupo ng SAF. kung tutuusiy ipinambala sila sa kanyon dahil
isinugod sila sa Mamasapano kahit na alam ng gubyerno na moog ito
ng mga armadong kalaban ng gubyernong Aquino. Isinakripisyo sila sa
altar ng US war on terror. Sinagasaan din ng US at ni Aquino ang
kasunduang pangkapayapaan sa MILF at inapakan ang komand ng PNP at
AFP at tinalaga ang kaibigang si Purisima para magkomand sa
operasyon.
Hindi mapagtatakpan ni Aquino ang duguang kamay niya sa
operasyon sa Mamasapano. Sa kabila ng pagsisinungaling niya,
paghuhugas-kamay at pagtatakip sa papel niya at ng kabarkada na
Purisima,
ni gen. Joseph Votel sa mismong pagpapatupad ng plano. Inamin ng
US na may mga drone sila na direktang ginamit sa operasyon. May mga
ulat rin na may mga sundalong kano na kasama sa operasyon at
kabilang sa mga nasawi. Matagal nang nais palawigin ng US ang
interbensyong militar sa bansa, lalo na sa Mindanao. Malinaw na
pinakikita ng operasyon sa Mamasapano ang pagkatuta ni Aquino at ng
sandatahang pwersa ng Estado sa US.
Ang duguang kamay ni Aquino sa operasyon sa Mamasapano ay dagdag
sa marami pa nitong krimen sa bayan na dulot ng sagad-sagarang
pagkatuta, kurupsyon, pagpapahirap at pasismo. dapat palakasin ang
paglaban sa rehimeng US-Aquino at itulak ito na magbitiw sa
puwesto. dapat igiit ang katarungan para sa mga namatay sa
Mamasapano at pakilusin ang malawak na hanay laban sa rehimen.
Hustisya para sa lahat ng biktima ng operasyong Mamasapano!
Panagutin ang rehimeng US-Aquino sa madugong engkwentro sa
Mamasapano! Noynoy Aquino, utak ng operasyong Mamasapano, traydor
sa bayan, tuta ng Kano, RESIGN NOW! Noynoy Aquino, tama na, sobra
na,resign na!
lalong nalalantad ang krimen niya sa operasyon. Nalantad na nasa
Zamboanga si Aquino para direktang imonitor ang operasyon at siya
mismo ang nagbigay ng mga atas na nagpahamak sa mga buhay ng
mamamayan sa Mamasapano.
gamit ang kaduda-dudang dNA test ng daliri ni Marwan na
idiniretso sa Federal Bureu of Investigation ng US, idinedeklara
ngayon ni Aquino na patay na si Marwan at kung gayoy tagumpay ang
operasyon. Nais nilang pahupain ang galit ng mamamayan at maging ng
hanay ng mga pulis at militar sa krimen ng rehimeng Aquino. Nais
din nilang ibunton sa MILF at BIFF ang sisi at itulak ang all-out
war.
Sa kabila nito, higit na lumalawak ang panawagan para magbitiw
na si Aquino. Mula sa pamilya ng mga namatay na SAF, mga obispo at
ibat ibang mga sektor, dumarami ang nagtutulak na bumaba si Aquino
sa pwesto dahil sa pagiging tradyor sa bayan, tuta ng US at utak ng
madugong operasyon sa Mamasapano.
gayundin, nalalantad ang pananagutan ng imperyalismong US at
panghihimasok nito sa bayan. direktang sangkot ang FBI sa pamumuno
ng direktor nitong si James Comey sa pagpaplano ng operasyon,
samantalang dawit naman ang US Special Operations Command sa
pamumuno
LARAwAN MULA SA ANC
Tinig Pebrero 2015.indd 2 2/15/2015 8:34:35 PM
-
3TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | PEBRERO 2015
Ang walang tigil na pagtaas ng matrikula at mga bayarin ay sanhi
ng nagpapatuloy na patakaran ng deregulasyon sa edukasyon. Sa Batas
Pambansa 232 o Education Act of 1982, binigyan ng kalayaan ang mga
pamantasan na itakda ang halaga ng matrikula at iba pang bayarin sa
mga pamantasan. gaya ng sa iba pang mga batayang serbisyo at
produkto, tinatanggal ang kakayanan ng gubyerno na itakda ang
presyo ng matrikula at bayarin sa kabila ng dapat na pampublikong
katangian nito. Bukod sa matrikula, hinuhuthutan pa ng husto ang
mga mag-aaral at mga magulang sa pamamagitan ng paniningil ng iba
pang mga bayarin sa pamantasan o other school fees. Umaabot sa
libo-libong piso ang mga bayaring ito na napakarami, napakamamahal,
kwestiyunable at walang pakinabang sa mag-aaral. Mula elementary,
high school hanggang kolehiyo, pribado man o pampublikong mga
pamantasan naningil ng mga ito -- energy fee, development fee, PE
fee, sports fee at iba pa. Pinahintulutan at pinasahol pa ni Aquino
ang pagtataas ng matrikula at paniningil ng samut saring mga
bayarin sa pamantasan.
Biguin ang pagtaas ng matrikula at mga bayarin! Labanan ang
deregulasyon sa edukasyon!
Umabot na sa P10,350 ang itinaas ng matrikula sa ilalim ni
Aquino dahil sa taon-taong tuition hike. Ipinatupad din ni Aquino
ang CHEd Memo 3, Series of 2012 na sa halip na magtanggal sa mga
ipinoprotestang other school fees ay nagpahintulot at naglehitimisa
pa nito sa mga pamantasan. Todo rin ang pagtataas ng matrikula at
mga bayarin sa mga pampublikong unibersidad gaya ng University of
the Philippines na nagtaas ng matrikula sa P1500 kada yunit (o nasa
P40000 kabuuang bayarin kada taon) mula sa P300 noong 2005 at P1000
kada yunit noong 2013. Ito, kasabay ng taon-taong pagkakaltas ng
pondo ng mga pamantasan at edukasyon sa kalakhan. Ang nakikinabang
sa panghuhuthot na ito ay ang malalaking kapitalista-edukador na
kumukubra ng bilyon-bilyong tubo mula sa bulsa ng naghihirap na
ngang mga pamilya. Ang pondo ring pinagkakait sa mga pamantasan at
mga singilin ay ibinubulsa naman ng gubyernong Aquino at mga
burukrata nito para sa kurakot at pork. Samantala, lumolobo ang
bilang ng mga
Muli na namang nagbabadya ang pagtataas ng matrikula at samut
saring mga bayarin sa mga pamantasan sa bansa. Ngayong Pebrero,
muli na namang ilulunsad ang mga mapanlokong konsultasyon sa mga
pamantasan para matatakan ng Commission on Higher Education (CHED)
ang mga pagtataas ng singil.
kabataang hindi nakakapag-aral o higit na nalulubog sa kahirapan
dahil sa pagtataas ng mga bayarin sa pamantasan. dagdag ito sa iba
pang mga lumalaking gastusin habang patuloy namang bumababa ang
tunay na halaga ng sahod ng manggagawa. katambal ng pagtataas ng
mga bayarin ay ang tumitinding pasismo sa pamantasan para tiyaking
kimi at walang reklamo ang mga mag-aaral. Pinagbabawalan ang mga
protesta at sinusupil ang mga kalayaan sa kampus kasabay ng pagsiil
sa mga makabayan at progresibong mga ideya. dapat biguin sa
pamamagitan ng sama-samang paglaban ang mga pagtataas ng matrikula
at mga bayarin. Itatag natin ang Rise For Education Alliance sa mga
pamantasan at ilatag at malawak na pagtutol ng mga mag-aaral, mga
magulang, guro at mga kawani sa pagtataas ng matrikula at mga
bayarin. Iboykot ang mga konsultasyon ng pagtataas ng matrikula sa
mga pamantasan at sa halip ay tapatan ng malalaking protesta.
Itulak natin ang pagbabawal sa paniningil ng other school fees at
ilunsad ang malakas na pambansang paglaban sa deregulasyon sa
edukasyon. Ilunsad natin ang mga walk-out, boykot at mga malalaking
pagkilos sa mga pamantasan at palakasin ang paglaban ng kabataan at
mamamayan sa pahirap na rehimeng US-Aquino.
LARAwAN MULA SA ANC
LARAwAN MULA SA ANAkBAyAN CEBU
Tinig Pebrero 2015.indd 3 2/15/2015 8:34:35 PM
-
4 PEBRERO 2015 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN
Abot-tanaw na ang tagumpay ng rebolusyong Pilipino laban sa
kolonyalistang Espanyol nang dumating ang bagong mananakop na mga
Amerikano para agawin ang tagumpay na ito. Nagsimula ang gerang
agresyon ng US sa Pilipinas nang sorpresang sinalakay ng mga
tropang Amerikano ang mga rebolusyonaryong Pilipino sa Sta. Mesa,
Manila noong Pebrero 4, 1899.
Bago pa man nagsimula ang digmaang ito, naitakda na ang mga
kondisyon para sa direktang pagsalakay ng mga Amerikano: ang mock
battle sa Maynila ng US at Espanya noong Agosto 1898, ang pagpirma
ng Treaty of Paris na diumanoy nagbibigay ng kapuluang Pilipinas sa
US sa halagang 20 milyon dolyares, at ang pagdeklara ng benevolent
assimilation ni US Pangulo Mckinley noong disyembre 1898.
Digmaang Pilipino-Amerikano (1899-1916) at ang kasaysayan ng
imperyalistang agresyon sa Pilipinas
Nagtagal ng ilang taon ang magiting na paglaban ng mamamayang
Pilipino laban sa US. Idineklara ng Pangulo ng US na si Theodore
Roosevelt na tapos na ang digmaan nang madakip ang liderato ng
Unang Republiko ng Pilipinas noong Hulyo 4, 1902 . Ngunit
nagpatuloy ang pakikibaka ng mga Pilipino sa ibat ibang panig ng
bansa, at lalo na ang pakikibaka ng mga Moro sa Mindanao, hanggang
sa taong 1916.
Mga pag-abuso ng imperyalismong US
Umabot ng 126,000 tropang Amerikano ang ipinadala ng Estados
Unidos upang makibahagi sa gerang agresyon sa Pilipinas. ginamit ng
mga pwersang US ang ilan sa mga pinakamarahas at di-makataong mga
taktika na target hindi lamang ang mga mandirigmang Pilipino kundi
mismo ang mga ordinaryong sibilyan.
Isa sa mga pinakatampok na paglabag ng mga sundalong Amerikano
sa karapatang pantao ang tintawag na hamletting, ang pwersahang
rekonsentrasyon ng mga sibilyan patungo sa mga kampo militar ng
Amerikano.
Ang mga espasyo sa labas ng mga hamlet ay itinuring na free-fire
zone kung saan sinumang makita ay maaaring barilin ng mga
Amerikano. Isiniksik ang libu-libong mamamayan sa mga kampong ito
upang matanggalan ng baseng suporta ang mga rebolusyonaryong
Pilipino.
kilala ang sistematikong paggamit ng mga Amerikano ng ibat ibang
anyo ng pagtotortyur sa mga nabihag na Pilipino. Isa na dito ang
tinatawag na water cure: ginagapos ang biktima, pinahiga sa ilalim
ng isang tangke ng tubig habang binubuhosan ng tubig ang kanyang
bunganga, at may nakaupo na tao sa kanyang tiyan upang hindi siya
malunod.
Nariyan din ang patakarang pagsunog ng mga baryo at bayang
pinaghihinalaang nagbibigay ng suporta sa mga mandirigmang
Ngayong Pebrero, ginugunita ang ika-116 taon ng pagsiklab ng
Digmaang Pilipino-Amerikano, isang marahas na gerang agresyon na
naging simula ng isang-siglong paghahari ng Estados Unidos sa
Pilipinas. Sa harap ng patuloy na dominasyon ng imperyalismong
Estados Unidos (US) sa ating bansa, mahalagang sariwain ng
kasalukuyang henerasyon ang mahabang kasaysayan ng pang-aabuso,
brutalidad, at panlilinlang ng US laban sa sambayanang
Pilipino.
wATER CURE: ISANg ANyO Ng TORTyUR NA UNANg gINAMIT Ng MgA
SUNdALONg AMERIkANO LABAN SA MgA PILIPINO.
Tinig Pebrero 2015.indd 4 2/15/2015 8:34:36 PM
-
5TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | PEBRERO 2015
www.anakbayan.orgbisitahin ang
Mga tampok na pagmasaker noong Digmaang Pilipino-Amerikano
Isa sa mga pinakatampok na ehemplo ng pagmasaker noong digmaang
Pilipino-Amerikano ang pag-utos ni US Heneral Jacob Smith na huwag
hayaang may lumilipad pang kahit isang ibon sa kalawakan at patayin
ang lahat ng batang may edad sampu pataas sa isla ng Samar. ginawa
ito bilang pagganti sa tagumpay ng mga rebolusyonaryong Pilipino
laban sa mga sundalong Amerikano na nakahimpil sa bayan ng
Balangiga, Samar kung saan 48 sa 74 kataong tropa ang kanilang
nalipol.
Nariyan din ang pagsunog ng malawak na bahagi ng isla ng Panay
na nailathala sa pahayagang Boston Herald noong Agosto 25, 1902:
Nagmartsa ang
Pilipino. Laganap ang pagpapatupad ng mga Amerikano sa
karumal-dumal na patakarang ito sa buong kabisayaan, sa Batangas,
Laguna, at Bikol sa Luzon, at ilang bahagi ng Mindanao.
Tuloy ang laban
Tinatayang umabot sa 1.5 milyong Pilipino ang namatay sa
digmaang Pilipino-Amerikano o lagpas sa 10% ng nasa 7 milyong
populasyon. Ayon sa peryodikong New york Times, umabot ng 600,000
ang namatay sa Luzon.
Sa kabila ng brutalidad ng mga sundalong Amerikano at superyor
na mga sandata nito, hindi mabilis na nagapi ang malawak at
magiting na paglaban ng mamamayang Pilipino laban sa gerang
agresyon ng imperyalismong US. Nasa mahigit 4,000 sundalong
Amerikano ang nalipol ng mga mandirigmang Pilipino.
kahit sa panahon ng direktang kolonisasyon ng US, pilit nang
itinatago ng mga Amerikano ang mga tunay na pangyayari noong
digmaang Pilipino-Amerikano. gamit ang kolonyal na pampublikong
edukasyon at dominanteng midya, layong burahin ng mga
kolonyalistang Amerikano ang kolektibong alaala ng mga Pilipino sa
trahedyang ito.
Sa kasalukuyan, isa sa mga pinakamasugid na tuta ng
imperyalismong US ang rehimeng Aquino. Nagpapatuloy ang paghari ng
imperyalismong US sa politika, ekonomya, at kultura ng bansa.
Pinapalaganap pa rin ang larawan ng mga Amerikano bilang
tagapagligtas at nagbigay ng demokrasya at kalayaan sa mga
Pilipino.
Ang pagsakripisyo ng buhay sa madugong operasyon sa Mamasapano
sa panunulsol ng US ay isa lamang sa pinakamalinaw na tanda ng
patuloy na panghihimasok ng US sa bansa.
Malaking hamon ang pagmulat sa kasulukuyang henerasyon sa tunay
na kasaysayan ng digmaang Pilipino-Amerikano. Ang paglantad sa
brutal at mapanlinlang na mukha ng imperyalismong Estados Unidos ay
mahalagang bahagi ng pangkalahatang pakikibaka upang tuluyang
wakasan ang panghihimasok ng US sa bansa.
13th Regulars mula sa Iloilo sa timog patungong Capiz sa Hilaga
ng Panay, sa atas na sunugin ang lahat ng bayan na lumalaban.
Nagresulta ito ng paghawan ng lugar na may lawak na 60 milya mula
sa isang dulo tungo sa ikalawang dulo.
dagdag pa sa listahan ng mga krimen ng mga Amerikano ang
pananakop nito sa mga Moro sa Mindanao kung saan tampok ang
pagmasaker ng 900 Tausog, kabilang ang mga babae at bata, sa
tatlong-araw na pagsalakay sa Bud dajo, Jolo noong Marso 5-7, 1906.
Tampok din ang masaker sa Bud Bagsok, Jolo noong Hulyo 11, 1913
kung saan umabot sa 2,000 Moro ang namatay kasama ang 196
kababaihan at 340 bata.
Tinig Pebrero 2015.indd 5 2/15/2015 8:34:37 PM
-
6 PEBRERO 2015 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN
Ngunit ang katotohanan, ang pagtaas ng pamasahe ay mapupunta sa
dagdag kita ng mga kroni ni BS Aquino na malalaking negosyanteng
inawardan ng kontrata sa MRT at LRT. Ang sinasabing matitipid na
pondo ay mapupunta naman sa pork barrel ni Aquino at pondo para sa
eleksyon.
Ayala at Pangilinan
kasama sa regalong kontrata na inaward sa pribitisasyon at
ekstensyon ng LRT-1 na ibinigay sa mga Ayala at Pangilinan ang fare
hike. kada dalawang taon, nakatakdang tumaas ang pasahe sa LRT-1 ng
10% sa loob ng 25 taon. Tataas din ng 5% ang pamasahe oras na
matapos ang extension ng tren.
dagdag dito, maaari ding tumaas ang pasahe oras na sumirit
tumaas ang singil sa kuryente. Si MVP ang chairman ng Meralco
habang kilalang power generator ang Ayala Corp.
Tubong lugaw at walang kalugi-lugi ang mga kabarkada ni Aquino
sa Public Private Partnership na ito: aabot sa P39 bilyon ang
gagastusin ng gobyerno sa kontrata labas pa sa mga buwis na
sasagutin din ng gubyerno. Sa kabilang banda, nasa P9.5 bilyon
lamang ang gagastusin ng mga nangontrata, bagay na kukunin din nila
sa mga komyuter.
Samantala, ang taas-pasahe naman sa LRT-2 ay upang
makapag-engganyo ng mga bidders sa operations and maintenance
(O&M) mula sa pribadong sektor. Nakatakda na rin kasi ang
pagsasapribado nito kaugnay ng Masinag extension project.
Sino ang makikinabang saMRT-LRT fare hikes?
Ang sumusunod ay ang nakahanay na bidders sa kontrata: (1)
Aboitiz Equity Ventures-SMRT Transport Solutions Consortium; (2) dM
Consunji Inc-Tokyo Metro Company Limited Consortium; (3) LRM2
Consortium of Ayala Corporation and Metro Pacific Investments
Corporation (MPIC); and (4) San Miguel Corporation-korail
Consortium.
Supertubo sa MRT
Sa MRT naman, inamin mismo ni transport Sec. Jun Abaya sa isang
panayam na hindi mapupunta sa pagpapabuti ng MRT-3 ang P1 bilyon
mula sa dagdag na pamasahe. Sa halip, mapupunta ito sa escrow
account ng pribadong Metro Rail Transit Corporation (MRTC), bilang
bahagi ng buwanang bayad dito sa ilalim ng build-lease-transfer
agreement.
dadagdag lamang sa ibinubulsang tubo ng kumpanyang MRTC at
palpak na maintenance provider (APT global) ang makakalap sa fare
hike.
Napakalaki na ng tinubo ng MRTC mula sa kontrata ng MRT kumpara
sa inisyal na ginasta para sa proyekto:
$190M MRTC initial investment
$779M Ibinayad ng gobyerno sa MRT para masiguro ang 15% Return
of Interest
$448M Inutang ng MRTC na binayaran ng gobyerno
kung tutuusin, sa huling inilabas na datos ng MRT (2012),
lumalabas na 1.17 ang kanilang farebox ratio. Ibig sabihin,
sobra-sobra na ang kanilang kinikita para pondohan ang operations
and mainentance (O&M) ng tren sa lumang pamasahe.
Bagamat binabayaran ng gobyerno, hindi bumibili ng mga
panibagong spare parts o tren ang MRTC at APT global. dumidiretso
lamang ang pera sa kanilang bulsa.
$189M Ibinabayad ng gobyerno sa APT global para i-maintain ang
MRT
Pahirap at kurap
Ang pagtataas ng pamasahe at pagsasapribado ng mga tren ay
isinagawa upang paligayahin ang mga tunay na boss ni Aquino...
Samantala, pupunta sa pork barrel ng mga kurakot ang pondong
inaalis mula sa mga serbisyo.
Sa kabilang banda, pipigain ng husto ni Aquino ang naghihirap na
ngang komyuter at mamamayan.
dapat magprotesta laban sa pahirap na taas-pasahe, panagutin si
Aquino at labanan ang patakaran ng pribitisasyon. Marapat na igiit
ng mamamayan ang karapatan para sa pampublikong transportasyon at
iba pang panlipunang serbisyo.
Sa pagpapatupad ng dagdag pasahe sa Metro Rail Transit (MRT) at
Light Rail Transit (LRT) nagpalaganap ang gobyerno ng samut saring
kasinungalingan: mapapaganda umano ang serbisyo; kesyo tumaas na
raw ang mga bilihin; kailangan na raw bawasan ang subsidyo ng
gubyerno.
Tinig Pebrero 2015.indd 6 2/15/2015 8:34:38 PM
-
7TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | PEBRERO 2015
PUNONG PATNUGOTOrion yoshida
MGA KAWANIAndrea Pauline Lim, Richard James Mendoza, Jaems
Relativo,
Ina Nacario, Jaque Eroles, Vencer Crisostomo, Bethany
Pascua,karlo Mikhail Mongaya, Issa Baguisi
PAGLALAPATEdward Pastor, Alya Simone Mongaya
Para sa mga suhestyon, komento at kontribusyon, makokontak kami
sa mga sumusunod:
LIkHANg SININg NI BOy dOMINgUEZKUNG TUYO NA ANG LUHA MO, AKING
BAYAN Amado V. Hernandez
Agosto 13, 1930
Lumuha ka, aking Bayan; buong lungkot mong iluhaAng kawawang
kapalaran ng lupain mong kawawa:Ang bandilang sagisag moy lukob ng
dayong bandila,Pati wikang minana moy busabos ng ibang wika,ganito
ring araw nang agawan ka ng laya,Labintatlo ng Agosto nang saklutin
ang Maynila,
Lumuha ka, habang sila ay palalong nagdiriwang,Sa libingan ng
maliit, ang malakiy may libingan;katulad mo ay si Huli, naaliping
bayad-utang,katulad mo ay si Sisa, binaliw ng kahirapan;walang
lakas na magtanggol, walang tapang na lumaban,Tumataghoy, kung
paslangin; tumatangis, kung nakawan!
Iluha mo ang sambuntong kasawiang nagtalakopNa sa iyoy
pampahirap, sa banyagay pampalusog:Ang lahat mong kayamanay
kamal-kamal na naubos,Ang lahat mong kalayaay sabay-sabay na
natapos;Masdan mo ang iyong lupa, dayong hukboy nakatanod,Masdan mo
ang iyong dagat, dayong bapor, nasa laot!
Lumuha ka kung sa puso ay nagmaliw na ang layon,kung ang araw sa
langit mo ay lagi nang dapithapon,kung ang alon sa dagat mo ay ayaw
nang magdaluyong,kung ang bulkan sa dibdib mo ay hindi man
umuungol,kung wala nang maglalamay sa gabi ng pagbabangon,Lumuha ka
nang lumuhat ang laya moy nakaburol.
May araw ding ang luha moy masasaid, matutuyo,May araw ding di
na luha sa mata mong namumugtoAng dadaloy, kundi apoy, at apoy na
kulay dugo,Samantalang ang dugo mo ay aserong kumukulo;Sisigaw kang
buong giting sa liyab ng libong suloAt ang lumang tanikalay
lalagutin mo ng punglo!
[email protected]
facebook | Anakbayan Philstwitter | @anakbayan_ph
Tinig Pebrero 2015.indd 7 2/15/2015 8:34:41 PM
-
8 PEBRERO 2015 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN
LARAwAN MULA SA PHILIPPINE COLLEgIAN
LARAwAN MULA kAy TONyO CRUZ
Gintong kasaysayan ng KM,ginunita sa isang produksyon
Ang napakalaki at makabuluhang selebrasyong ito ay pinangunahan
ng Anakbayan, karatula, Institute for Nationalist Studies, at UP
Ugnayan ng Manunulat sa pakikipagtulungan sa UP Diliman Office of
the Chancellor at PUP Office of the President. Ang kabataang
Makabayan@50: Paglingkuran ang Sambayanan ay itinanghal sa panulat
ni Charisse Banez, halaw sa mensahe ni Prop. Jose Ma. Sison at
direksyon ni donna dacuno. Sa pamamagitan ng pagkanta, pagsayaw, at
sabayang pagbigkas ng tula, nagtanghal sa entablado ang ilampung
kabataang aktibista mula sa ibat ibang progresibong organisasyon ng
kabataan upang ipakita ang makasaysayang ambag ng kM at ihayag ang
nagpapatuloy na halaga nito sa kasalukuyang panahon. Ang kM ay
komprehensibong pambansa demokratikong organisasyon ng kabataan na
itinatag nina Jose Maria Sison noong Nobyembre 30, 1964.
Isinabuhay sa produksyon ang militante at magiting na kasaysayan
ng kM mula pagkatatag nito, ang paragasa ng kabataan at mamamayan
sa lansangan sa Sigwa ng Unang kwarto (First quarter Storm), ang
paglaban sa diktaduryang
na ramdam mula sa mga nagtatanghal na kabataang aktibista ang
taos-pusong pagbubuhos ng kanilang pagmamahal at pagdakila sa
kabataang Makabayan (kM) at sa rebolusyunaryong kilusan ng
mamamayan. Higit sa lahat, ang produksyon ay pagpapatibay ng
panata. Tumuntong ang mga kasalukuyang lider-kabataan sa entablado,
binigkas ang kanilang mga pangalan at organisasyong
pinangunguluhan, at inihayag nang buong determinasyon at
paninindigan ang panatang igugugol ang kanilang kabataan sa
pagsulong ng pakikibaka at iaalay ang kanilang buhay hanggang sa
tagumpay ng paglaya. Tumugon ang libo-libong manonood, itinikom ang
kanilang kamao at isinuntok sa langit. Simbolo ng patuloy na
paghihimagsik at paglaban. Simbolo na nagpapatuloy ang kabataang
Makabayang may panata sa pagtatagumpay ng rebolusyon.
US-Marcos, hanggang sa patuloy na pakikibaka ng sambayanang
Pilipino hanggang sa kasalukuyan.
Sa loob ng limang dekada, susi ang papel ng kM sa paglikha ng di
napapatid na salinlahi ng rebolusyon. Napakarami ng kabataang mula
sa kM ang naging bayani at martir ng sambayanan simula dekada 60
hanggang kasalukuyan. Ipinakita ng kM@50: Paglingkuran ang
Sambayanan na modelo ang kabataang Makabayan ng walang-imbot na
paglilingkod sa sambayanan. Ito ay nagsilbing paalala sa
militansya, kapangyarihan, at kabayanihang maaaring iambag ng
kabataan at estudyante kung itoy tunay na magiging rebolusyunaryo
sa pagsanib nito sa pakikibaka ng masang api. Sa kabuuan,
nilampasan ng produksyon ang simpleng pagsasalaysay at pag-alaala
sa 50 taon ng kM. Sa buong panahon ay ramdam
Mahigit 4,000 ang nagtipon sa University Theater sa Unibersidad
ng Pilipinas-Diliman noong Enero 30 upang tunghayan ang isang
produksyong gumugunita sa limang maningning na dekada ng Kabataang
Makabayan (KM). Itinaon din ang pagtatanghal na ito sa ika-45 taong
anibersaryo ng Sigwa ng Unang Kwarto (First Quarter Storm).
Tinig Pebrero 2015.indd 8 2/15/2015 8:34:42 PM