-
HULYO 2015IKALAWANG EDISYON
Labanan at biguin ang tumitinding
pampulitikang panunupil at terorismo ng
rehimeng US-Aquino!Sa desperasyong mailigtas ang sarili sa
pananagutan at upang patuloy na maipatupad ang mga makadayuhang
patakaran sa kabila ng lumalawak na galit at pagkamuhi ng
mamamayan, pinatitindi ngayon ng rehimeng US-Aquino ang pasistang
panunupil sa progresibong kilusang masa.
Isang koordinadong kampanya ng panunupil ang inilulunsad ngayon
ng rehimen laban sa mga progresibo at makabayang mga organisasyon,
indibidwal at lider. Kabi-kabila ang mga pagdakip, pagpaslang,
pandarahas at pananakot na naglalayong paralisahin ang kilusang
masa na pinakamatatag na lumalaban sa mga makadayuhang patakaran ng
papet, pahirap at kurap na rehimen.
Sinasabotahe rin ng rehimen ang usapang pangkapayapaan.
Dinadakip at ikinukulong sa pamamagitan ng mga gawa-gawang kaso ang
mga konsultant ng National Democratic Front of the Philippines
(NDFP) para higit na pagtakpan ang mga bangkarote
at kontra-mamamayang patakaran ng rehimen na malalantad sa
pag-usad ng negosasyon.
Aabot na sa 262 o 1 kada linggo ang biktima ng pagpaslang,
habang 26 ang sapilitang pagkawala sa ilalim ng rehimen. Nasa 438
naman ang mga bilanggong pulitikal.
Dumarami kamakailan ang kaso ng mga paniniktik at pananakot sa
mga lider at mga kasapi ng organisasyon. Iniulat ng mga lider ng
unyon ng mga kawani ng pamahalaan sa ilalim ng Confederation for
Unity, Recognition and Advancement of Government Employees
(Courage) ang paniniktik, pananakot at tangkang pagrerekluta ng mga
nagpapakilalang militar sa mahigit dalawampu nitong lider.
Matapos magsampa ng writ of amparo sa Korte Suprema, sinundan ng
mga ahente ng militar ang isa sa mga lider nito na si Antonieta
Setias-Dizon at pinalibutan ang gusali ng Integrated
>>>Ituloy sa p2
3
4
4
5
5
6
7
8
Harassment at pananakot sa mga aktibista, tumitindi
Tangkang pagdukot sa isang lider ng pampublikong unyon,
kinundena
Militarisasyon sa Iloilo City, paghahanda sa APEC
Makiisa sa panawagan ng mga manggagawa ng LBC Express para sa
dagdag sahod at benepisyo!
Gobyerno ng US at Pilipinas, guilty sa paglabag ng mga karapatan
International Peoples Tribunal
Suportahan ang mamamayang Griyego laban sa bailout, austerity,
at kataksilan ng gobyernong Tsipras
Libu-libo dumagsa sa libing ni Kumander Parago sa Davao
Mensahe ni Adelberto Silva at Sharon Cabusao sa Kasalukuyang
Henerasyon ng Kilusang Kabataan at Estudyante
-
2 HULYO 2015 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYANBar of the
Philippines (IBP) kung saan siya tumungo para humingi ng tulong.
Hanggang ngayon, hindi makalabas si Dizon sa gusali dahil patuloy
itong pinalilibutan ng mga sasakyan at ahente ng militar.
Patuloy na tinitiktikan at tinatakot ang mga lider ng Kilusang
Mayo Uno, Childrens Rehabilitation Center at Health Alliance for
Democracy. Samantala, tinitiktikan ng mga sasakyan ng militar ang
mga opisina ng mga organisasyon gaya ng Alliance of Concerned
Teachers at Bayan.
Sa hanay ng kabataan, kabi-kabila ang mga kaso ng pananakot,
paniniktik at tangkang pagrerekluta. Kamakailan, tumungo sa opisina
ng Kabataan Partylist ang mga nagpapakilalang sundalo at may
hinahanap umano na rebelde. Ang opisina ng Anakbayan at League of
Filipino Students ay tinitiktikan din ng mga ahente. Ilan sa mga
organisador at mga aktibista ay nilalapitan para takutin, pahintuin
at o pasukuin. Ang ilang mga lider ay tinatangka ding siraan o
intrigahin.
Lalong mas matindi ang panunupil sa kanayunan kung saan
naghahari ang pasista at berdugong mga sundalo ng Armed Forces of
the Philippines (AFP). Kabi-kabila ang mga kaso ng pwersahang
pagpapalayas sa mga magsasaka, pambubugbog, pang-aaresto, pagdakip
at pagpatay.
Sa Mindanao, ipinasara maging mga paaralan na itinayo ng mga
Lumad at kinampuhan ang mga ito ng militar.
Samantala, itinalaga ng rehimen ang mga kilalang berdugo na sina
Gen. Hernando Iriberri bilang hepe ng Armed Forces of the
Philippines (AFP) at Major General Eduardo Ao bilang hepe ng
Philippine Army. Si Iriberri ay nanguna sa Philippine Army sa
paglabag nito sa mga karapatang pantao, lalo na sa Mindanao habang
si Ao naman ay bahagi ng sapilitang pagkawala kay Jonas Burgos at
mga pasistang pagpaslang at operasyong militar sa Mindanao habang
pinamumunuan ang 10th Infantry Division.
Ang pagtindi ng panunupil ng rehimen ay naglalayong pilayin at
idiskaril ang
pambansa-demokratikong kilusang masa para sa nalalabing taon ng
termino ni Aquino ay patuloy nitong maipatupad ang mga makadayuhang
mga patakarang neoliberal at makatakas ito sa pananagutan sa mga
krimen nito sa mamamayan.
Inaakala ng rehimen na sa panunupil nito ay mapipigil ang
ibayong paglaki at paglawak ng mga pakikibakang masa na magtitipon
sa huling State of the Nation Address (SONA) ng rehimen.
Nakatuon din ang rehimen sa paghahanda para sa Asia-Pacific
Cooperation (APEC) Summit sa Nobyembre kung saan nakatakdang itulak
ang mga makadayuhan at anti-mamamayang patakarang neoliberal.
Patuloy ding itinutulak ng rehimen ang charter change para
alisin ang limitasyon sa 100% dayuhang pag-aari sa lupa at negosyo
sa bansa bilang rekisito sa pagsali sa mapanalasang Trans-Pacific
Partnership Agreement ng Estados Unidos (US) sa Asya.
Nais ding tiyakin ng rehimen ang todo-largang pagpapatupad ng
Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) at pagpasok ng mas
maraming tropang militar at pagtatayo ng mga base militar ng US sa
bansa.
Nais din ni Aquino na makapanatili ang mga kapartido nito sa
kapangyarihan para matiyak na hindi ito mananagot sa
mga pahirap, kurap at kriminal na mga patakaran nito sa
mamamayan. Dahil lalong nahihiwalay sa mamamayan, walang ibang
susulingan ang rehimeng ito sa panloloko, pandarahas at pandaraya
sa halalan.
Nagkakamali ang rehimen kung inaakala nitong aatras at
mapapahina nito ang kilusang masa ng sambayanan sa pamamagitan ng
karahasan at paniniil. Higit na nalalantad ng pasistang mga
hakbangin nito ang pagiging anti-mamamayan ng rehimen. Lalong
sumisidhi ang galit ng mamamayan at higit na lumalawak ang kilusang
masa para ipanawagan na patalsikin at panagutin ang rehimeng
US-Aquino.
Dapat buklurin ang malawak na hanay ng mamamayan laban sa
istilong Martial Law na panunupil ni Aquino. Dapat labanan ang
kriminalisasyon ng mga aktibista at tumindig para sa karapatang
pantao at kalayaang sibil.
Dapat tapatan ng mas matindi at mas malawak na paglaban ang mga
pasistang atake ng rehimen. Higit na palawakin ang mga pakikibaka
ng mamamayan para sa kanilang mga batayang interes sa lupa, sahod,
trabaho, edukasyon at para igiit ang demokratikong karapatan. Dapat
paigtingin ang pakikibaka para patalsikin ang rehimeng US-Aquino at
ibagsak ang estadong malakolonyal at malapyudal bilang sagot sa
pasismo ng estado.
PHOTO CREDITS: BULATLAT.COM
-
3TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | HULYO 2015
Harassment at pananakot sa mga aktibista, tumitindiKinukundena
ng Anakbayan ang lumalalang harassment, pananakot at mga operasyong
paniktik ng mga elemento ng militar laban sa mga kasapi ng mga
progresibong organisasyon at aktibista nitong mga nakaraang
linggo.
Paniniktik sa mga opisina ng progresibong grupo
Noong Hunyo 16, dalawang ahente na nagpakilalang mga sundalo ang
pumunta sa headquarters ng Kabataan Partylist sa Teachers Village,
Quezon City. Naghahanap diumano sila ng isang Ka Tonyo na nakatira
daw doon. Nang itinanggi ng mga istap na mayroong Ka Tonyo sa
opisina, nagpumilit ang mga sundalo na manatili sa lugar at
nagpakita pa ng litrato ng taong sinasabi nilang si Ka Tonyo.
Pagkatapos ng ilang minuto, umalis ang dalawang lalaki. Ngunit
bago nito, nag-iwan sila ng isang piraso ng papel para daw ibigay
kay Ka
Tonyo sakaling pupunta siya sa headquarters. Nakasulat sa papel
ang isang cellphone number at ang pangalang Alma.
Matapos ang insidente, napansin ng mga kasapi ng Kabataan
Partylist na may mga lalaking crewcut ang buhok na palagiang
tumatambay sa harapan ng headquarters. Minsang nakikita silang may
kausap sa kanilang mga cellphone.
Isang kaparehong insidente ang iniulat naman ng mga kasapi ng
League of Filipino Students. Ayon sa kanilang obserbasyon, may mga
di kilalang lalaking bumibisita at nagmamasid sa kanilang opisina
sa Maynila nitong mga nakaraang linggo.
Intimidasyon at pananakot sa mga aktibista
Iniulat naman ng ilang mga estudyanteng aktibista ng Polytechnic
University of the Philippines (PUP) ang pagbisita sa kanilang mga
tahanan ng mga lalaking nagpakilalang mga tauhan ng militar.
Binigyan ng babala ang mga aktibista at kanilang mga magulang laban
sa pagsali sa mga kilos-protesta at iba pang mga aktibidad ng mga
progresibong organisasyon. May mga lider-aktibista din na inaalukan
ng trabaho, matapos ay tinatangkang rekrutin bilang ahenteng
paniktik ng militar.
Ayon sa Anakbayan, hindi mga hiwalay na kaso ang mga insidente
kundi bahagi ng isang sistematikong kampanya ng pananakot at
intimidasyon upang patahimikin ang mga kritiko ng rehimeng Aquino
ngayong papalapit na ang huling State of the Nation Address ni
Aquino.
LUMAHOK ANG MGA MAG-AARAL NG KRUS NA LIGAS HIGH SCHOOL SA
SABAY-SABAY NA KILOS-PROTESTA LA-BAN SA K-12 SA IBAT IBANG PAARALAN
SA KAMAYNILAAN NOONG HULYO 16. NAGDAOS DIN NG MGA PROGRAMA SA
KANI-KANILANG MGA KAMPUS ANG MGA MAG-AARAL NG RAMON MAGSAYSAY HIGH
SCHOOL, BATASAN HIGH SCHOOL, MANILA HIGH SCHOOL, NATIONAL TEACHERS
COLLEGE, AT POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIP-PINES. PHOTO
CREDITS: MANILATODAY.NET
-
4 HULYO 2015 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN
Militarisasyon sa Iloilo City, paghahanda sa APECNagpahayag ng
alarma ang Anakbayan-Panay at ibang mga progresibong grupo sa
nagaganap na militarisasyon sa Iloilo City na ginagawa diumano
bilang paghahanda para sa ibat ibang pulong ng Asia-Pacific
Economic Cooperation (APEC) na gaganapin sa syudad ngayong
taon.
Ayon sa ulat ng Anakbayan-Panay, kasalukuyang nakatalaga ang mga
sundalo ng Philippine Army sa 22 barangay ng Iloilo City kung saan
inokupahan ng mga sundalo ang baranggay hall at mga pribadong
tahanan. Kabilang dito ang San Isidro, Bitoon, Democracia, Tabuc
Suba, Tacas, Sambag, at Dungon A at B sa Jaro; Punong, Progreso,
Sinikway, Lapuz Norte sa Lapuz; Bonifacio, Santo Nino Norte, Sooc
at Calaparan sa Arevalo; San Pedro, North Baluarte, San
Antonio, at Calumpang sa Molo; Ingore sa Lapaz; at Calahunan sa
Mandurriao.
Ayon kay Bryan Bosque, tagapagsalita ng Anakbayan-Panay, lahat
ng mga barangay na ito ay kilalang may mga aktibong progresibong
organisasyon ng maralitang tagalunsod, manggagawa, kabataan,
kababaihan, at mangingisda. Tinatawag na Community Peace and
Development Teams (CPDT) ang mga pangkat ng sundalong tumutuloy sa
mga komunidad bilang bahagi ng Civil-Military Operations (CMO) ng
militar. Tinatakot ng mga armadong sundalo ang mga tao upang
tumigil na sila sa paglaban. Dapat palayasin ang mga tropang
militar sa komunidad sa lalong madaling panahon, ani Bosque.
Mariing kinundena ng Anakbayan-Panay ang diumanoy paggamit ng
pwersang
militar upang takutin at supilin ang karapatan na magpahayag at
mag-organisa ng mga mamamayan upang hadlangan ang posibleng mga
protesta laban sa APEC sa Iloilo Cty.
Ayon kay Bosque, isang imperyalistang institusyon ang APEC na
tumutulak sa pagbukas ng ekonomya ng mga kasaping bansa upang
mapadali ang pandarambong ng mga dayuhan at multinasyunal na
korporasyon sa likas na yaman at murang paggawa. Magaganap sa
lungsod ang APEC Senior Ministerial Meeting on Infrastructure
Development and Financing sa Hulyo 23-24. Dito rin gaganapin ang
Ministerial Meeting on Small and Medium Enterprises sa Setyembre
21-25 at ang Ministerial Meeting on Food Security and Blue Economy
mula Setyembre 28 hanggang Oktubre 6.
Mariing kinukundena ng Anakbayan ang mala-Martial Law na
tangkang pagdukot sa isang lider-aktibista ng Confederation for
Unity, Recognition and Advancement of Government Employees
(COURAGE) noong gabi ng Hulyo 14.
Napilitan si Antonieta Dizon at kanyang mga kasamahan sa COURAGE
na manatili sa opisina ng Integrated Bar of the Philippines (IBP)
sa Ortigas, Mandaluyong City mula Hulyo 14 hanggang sa kasalukuyan
dahil sa panganib na sila ay dukutin o patayin ng mga ahente ng
militar na nakapaligid sa gusali.
Natatakot si Dizon para sa kanyang buhay at kaligtasan dahil sa
walang tigil na pagbuntot ng mga sasakyan at ahente ng militar sa
kanyang bawat kilos mula pa sa mga nagdaang mga linggo. Nagsampa si
Dizon at ibang mga lider ng COURAGE ng petisyon para sa Writ of
Amparo sa Korte Suprema noong Hulyo 14 upang ipagtanggol ang
kanilang buhay, kalayaan, at seguridad laban sa pagbabanta ng
estado.
Matapos nilang magsampa ng petisyon sa Korte Suprema, napansin
nila ang mga hinihinalang sasakyan at tauhan ng militar na
nakamotorsiklo na sumusunod kay Dizon. Dahil dito, humingi sila ng
tulong sa IBP na payagang gawing kanlungan ang kanilang
opisina.
Hindi nagpakita ng respeto ang mga hinihinalang ahente ng
militar sa IBP.
Pinaligiran nila ang gusali at hanggang sa ngayon ay kinukubkob
pa rin nila sina Dizon at ang kanyaang mga kasamahan. Halos isang
linggo nang nananatili sa IBP Center sina Dizon at hindi makauwi
dahil sa pangambang dukutin o patayin.
Maraming mga sasakyan at mga motorsiklo ang kung hindi man
nakaparada sa labas ng gusali ay paulit-ulit na dumaraan na parang
naghihintay para lumabas si Dizon. Isa sa mga sasakyan ang isang
silver Toyota Innova na may plate number na AAM 3129.
Ayon kay Dizon, makailang beses niyang napansin ang Innova na
nagmamasid sa kanya sa nakaraang mga araw. Nakita rin ang sasakyang
ito sa harap ng Korte Suprema sa kanilang filing at maging
sa mga opisina ng mga progresibong organisasyon.
Isa si Dizon sa mga council of advisers at dating Deputy
Secretary General ng COURAGE. Presidente rin siya ng Majorem
Consultancy and Services, at dating former Program and Plans
Director ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Kamakailan, isinulong ng COURAGE na bahagi si Dizon ang dagdag
sahod at mga benepisyo para sa mga kawani ng pamahalaan at
inilantad ang Disbursement Acceleration Program ng rehimeng
Aquino.
Kasalukuyang nagkakampo ang mga kasapi ng mga progresibong
organisasyon sa labas ng gusali ng IBP upang bantayan si Dizon
laban sa mga ahente ng militar.
Tangkang pagdukot sa isang lider ng pampublikong unyon,
kinundena
PH
OTO
CR
EDITS: P
INO
YWEEK
LY.OR
G
-
5TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | HULYO 2015
Nakikiisa ang Anakbayan sa mga manggagawa ng Luzon Brokerage
Corporation Express-Davao (LBC Express-Davao) sa kanilang panawagan
para sa dagdag sahod at benepisyo.
Noong Marso 16, nagkaroon ng pag-uusap ang mga manggagawa sa
ilalim ng LBC Davao Employees Union-ADLO-KMU (LBCDEU-ADLO-KMU) at
ang management ng LBC. Inihain ng LBCDEU ang kanilang mga
kahilingan para sa 7% dagdag pasahod, 6 na araw na vacation leave,
7 araw na sick leave, educational assistance, union leave, 14th
month bonus, and signing bonus sa nasabing pag-uusap. Tinanggihan
ng management ang mga inihain ng LBCDEU.
Ang nasabing mga kahilingan ng mga manggagawa ay aabot lamang sa
4% pagbawas sa P57.8 milyong pangkabuuang kita ng LBC mula 2013
hanggang 2014 mula sa 27 sangay nito sa Southeastern Mindanao
Region.
Dahil sa pagtanggi ng management ng LBC sa mga inihahapag na mga
pagbabago ng LBCDEU, nagpasya ang mga manggagawa sa ilalim ng
LBCDEU na magbotohan para sa pagwewelga. Sa naganap na botohan ng
mga manggagawa noong Hunyo 22, 92% sa kanila ang pabor sa pagkakasa
ng welga. Nangamba ang management ng LBC sa mga ginagawa ng mga
manggagawa. Namigay ng memo ang management na nagsasabing lahat ng
sasali sa welga ay aalisin sa trabaho.
Sa ngayon, nakapaghapag na ng notice to strike dahil sa
Collective Bargaining
Makiisa sa panawagan ng mga manggagawa ng LBC Express para sa
dagdag sahod at benepisyo!
Agreement (CBA) deadlock ang mga manggagawa. Kasalukuyang
nagpapatuloy ang mga pagpipiket sa labas ng main office ng LBC sa
Davao. Patuloy ang panawagan ng mga manggagawa para sa dagdag sahod
at benepisyo, pagpapabalik sa trabaho ang mga manggagawang
sinuspinde at tinanggal sa trabaho, at karapatan sa pagwewelga.
Ang kalagayan ng mga manggagawa ng LBC ay nagpapakita sa
kalagayan ng mga manggagawa sa Pilipinas, kung saan ang mga
manggagawa ay patuloy na binabarat at pinagkakakitaan ng mga
kapitalista, tinatanggalan ng karapatan sa pag-uunyon at
pagwewelga, at hinaharass at tinatakot kapag umalma. Lahat ng
panunupil na nararanasan ng mga manggagawa ay hinahayaan lang ng
administrasyong Aquino. Ang gobyerno pa mismo ang gumagawa ng
mga polisiya na sumusuporta sa ganitong klaseng kalagayan ng mga
manggagawa.
Nananawagan ang Anakbayan sa lahat na makiisa sa laban ng mga
manggagawa ng LBC para sa dagdag sahod at benepisyo, pagpapabalik
sa trabaho ang mga manggagawang sinuspinde at tinanggal sa trabaho,
at karapatan sa pagwewelga. Ang laban ng mga manggagawa ng LBC
Davao ay laban ng mamamayang Pilipino. Nananawagan din ang
Anakbayan sa pagpapatalsik sa kontra-manggagawang rehimeng
US-Aquino, dahil ang pagpapatalsik sa rehimeng ito ang magbibigay
ng daan sa tunay na pagbabagong panlipunan, at tunay na hustisya
para sa mga manggagawang inaalipin ng kasalukuyang bulok na
sistemang panlipunan.
Hinatulan ng International Peoples Tribunal (IPT) ang rehimeng
Aquino na guilty sa paglabag ng mga karapatan ng mamamayang
Pilipino. Hinatulan ding may sala ang gobyerno ng US, na
napatunayang parehong may pananagutan sa mga malubhang paglabag ng
karapatang pantao.
Lumabas ang hatol na ito ilang araw bago ang huling State of the
Nation Address (SONA) ni BS Aquino kung saan inaasahang pagtatakpan
niya naman ang kanyang mga krimen laban sa mamamayang Pilipino sa
mga kasinungalingan at hungkag na retorika.
Ang IPT ay isang hukumang bayan na inorganisa ng International
Coalition
Gobyerno ng US at Pilipinas, guilty sa paglabag ng mga karapatan
International Peoples Tribunal
for Human Rights in the Philippines, International Association
of Democratic Lawyers, National Lawyers Guild, at Ibon
International sa Washington DC noong Hulyo 16-18.
Nagpresenta ang prosekusyon ng 34 kaso ng paglabag ng karapatan
sa pamamagitan ng 32 testigo. May 29 pang mga kaso na isinumite
para sa konsiderasyon ng mga hurado.
Ayon sa IPT, naganap ang mga paglabag ng karapatang pantao
bilang bahagi ng isang sistematikong kampanya ng panunupil sa
konteksto ng pagpapatupad ng gobyernong Aquino ng Oplan Bayanihan
sa tulong ng gobyerno ng US.
Aabot sa 262 biktima ng pagpaslang, 27 biktima ng sapilitang
pagkawala, 438 bilanggong pulitikal, at 723 iligal na inaresto at
ibinilanggo sa ilalim ni Aquino.
Kabilang sa mga hurado ng IPT ay sina Atty. Azadeh Shahshahani,
isang prominenteng human rights lawyer sa US, former South African
ambassador Rev. Dr. Molefe Tsele, Atty. Camilo Perez-Bustillo,
Prof. Pao-Yu Ching, Rev. Malcolm Damon, Rev. Michael Yoshii, at
Canadian development worker na si Mary Boyd.
Ihahatid ang hatol sa gobyerno ng Pilipinas at US, at iba pang
mga concerned na indibidwal at organisasyon katulad ng Prosecutors
Office ng International Criminal Court (ICC).
PH
OTO
CR
EDITS: M
ANILATO
DAY.N
ET
-
6 HULYO 2015 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN
Lubos na nakikiisa ang Anakbayan sa paglaban ng mamamayan ng
Greece sa bailout program na ipinapataw ng European Central Bank
(ECB), European Union (EU), at International Monetary Fund (IMF) sa
Greece sa gitna ng matinding krisis nito.
Mariing kinukundena ng Anakbayan ang tatlong institusyon, na mas
kilala sa taguring Troika, sa pagtulak ng bailout program o
pagpapautang sa mga bangko ng Greece kapalit ang mga hakbanging
austerity o pagbabawas ng pondo sa badyet ng gobyerno sa mga
serbisyo para sa mamamayan.
Kinukundena rin ng Anakbayan ang gobyerno ni Punong Ministro
Alexis Tsipras sa kataksilan at pagkainutil nito. Mahigit 61
porsyento ng mga Griyego ang bumoto laban sa bailout sa referendum
na ipinatawag noong Hulyo 5. Subalit walang pasubaling sumuko si
Tsipras sa mga imposisyon ng Troika.
Tinanggap ng gobyernong Tspiras ang Memorandum ng Troika noong
Hulyo 13 at ipinasa ito sa Parliamento ng Greece noong Hulyo 15.
Ito ay sa kabila ng pangako ni Tsipras at ng kanyang partidong
Syriza na ibabasura nito ang mga nakaraang bailout program.
Ang kasunduang pinirmahan ni Tsipras ang ikatlong bailout
program na ipapataw ng European Troika sa Greece sa loob ng limang
taon.
Di-makatarungang mga imposisyon
Mariing tinututulan ang bailout dahil nangangahulugan ito ng
pagtulak sa mamamayang Griyego sa mas matinding pagkabaon sa utang
at kahirapan sa kabila ng pagtapon ng limpak-limpak na salapi para
sa mga bangkong pag-aari ng mga kapitalista.
Mahigit 13 bilyong euro ang kakaltasin galing sa serbisyong
pampubliko sa panukala ng gobyernong Tspiras sa Troika. Mas malaki
ito ng 4 bilyon euro kung ikukumpara sa panukalang tinanggihan ng
mamamayang Griyego sa referendum noong Hulyo 5.
Tataas ng 50 porsyento ang gastos para sa serbisyong
pangkalusugan ng mga
pensiyonado kahit na 40 porsyento sa kanila ay nabubuhay sa
kasuklam-suklam na kahirapan. Mababawasan din nang husto ang sahod
ng mga manggagawa sa pampublikong sektor. Tataas din ng 23
porsyento ang value added tax na mangangahulugan ng pag-umento ng
presyo ng mga bilihin. Ihahain din sa pribatisasyon ang mga
pampublikong pasilidad katulad ng mga daungan at paliparan.
Direktanbg ipapasailalim sa kontrol ng Troika ang pinansya ng
Greece sa susunod na tatlong taon upang mapaseguro na mababayaran
ang utang nito.
Maaalalang ang mga nagdaang bailout at austerity program noong
2010 at 2012 ay nagresulta sa higit na paglubha ng krisis sa
Greece. Tinamaan ito ng pinakamasahol na depresyon sa lahat ng
maunlad na bansa mula 1930s at matinding kawalan ng trabaho na
aabot sa 25 porsyento ng buong pwersa ng lakas paggawa.
Maaasahang magpapataw ng mas malupit na mga imposisyon ang
Troika. Wala nang magiging pinagkaiba sa kolonya ang Greece katulad
noong sa panahon ng Nazi Germany sa ilalim ni Hitler.
Kataksilan ng gobyernong Tsipras
Sa katunayan, tinutulak ngayon ng Troika ang Greece na tanggapin
na lamang ang panukalang austerity ng EU o mag-Grexit at umalis na
lamang sa eurozone.
Ngunit imbes na labanan ang pananakot ng Troika, ipinalaganap ng
pangkatin ni Tsipras ang ilusyong makapagkuha ng isang kompromiso
sa Troika. Hindi rin ito gumawa ng seryosong preparasyon para sa
posibilidad ng Grexit upang makapagbigay ng mas mabuting
alternatibo upang malagpasan ang krisis.
Hindi sineryoso ng gobyerno ni Tsipras ang pagtutulak ng isang
debt default at moratorium o pagtigil sa pagbayad sa utang sa
Troika upang mabigyan ng ginhawa ang mamamayang Griyego.
Kahit ang mga kongretong mungkahi ng mga kapartido ni Tsipras sa
loob ng Syriza para salungatin ang pagsara ng ECB sa mga bangko ng
Greece ay hindi rin binigyang pansin. Kabilang dito ang pagkuha sa
Bank of Greece galing sa kontrol ng ECB at ang paghingi ng tulong
sa BRICS o Brazil, Russia, India, China at South Africa.
Suportahan ang mamamayang Griyego laban sa bailout, austerity,
at kataksilan ng gobyernong Tsipras
PH
OTO
CR
EDITS: C
AMB
RID
GEG
LOB
ALIST.OR
G
>>>Ituloy sa p7
-
7TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | HULYO 2015
Libu-libong tagasuporta at tagabati ang dumagsa sa libing ni
Leoncio Kumander Parago Pitao sa lungsod ng Davao noong Hulyo 10,
2015.
Ito ang naging sagot ng mamamayan ng Mindanao sa paratang ng
militar na ang pagkamatay ng tanyag na kumander ng New Peoples Army
(NPA) ay magreresulta diumano ng paghina ng armadong
rebolusyonaryong kilusan sa rehiyon.
Tinatayang 12,000 katao, na karamihan ay mga magsasaka at lumad
galing sa ibat ibang panig ng isla ng Mindanao, ang nakidalamhati
at sumama sa prosesyon sa kahabaan ng mga kalye ng Davao upang
ihatid ang labi ni Ka Parago sa Davao Memorial Park.
Napuno rin ng libu-libong katao ang isang programang parangal na
inihandog para kay Ka Parago sa Davao City Almendras Gymnasium gabi
bago ang kanyang libing.
Ayon kay Satur Ocampo, dating kinatawan ng Bayan Muna sa
Kongreso, ang pagdagsa ng maraming tao sa libing ni Ka Parago ay
sumasalamin sa lumalakas at lumalawak na baseng masa ng
rebolusyonaryong kilusan sa Timog Mindanao.
Pinabulaanan nito ang mga pahayag ng militar na humihina ang
armadong pakikibaka sa lugar sa pagkapatay ni Pitao. Pinapakita
nito kung paano handang magsakripisyo ang masa para sa rebolusyon
sa kabila ng banta ng estado na balikan sila dahil sa pagpunta nila
sa libing, ani Ocampo.
Hindi natinag ang mga nagmamartsa sa harap ng maraming pulis,
sundalo, at ahenteng paniktik na nagmamasid sa prosesyon ng libing
ni Ka Parago. Ito ay kabilang sa sistematikong kampanya ng rehimeng
Aquino upang supilin ang mga hinihinalang tagasuporta ng NPA.
Pinaslang ng mga berdugong militar si Ka Parago at ang kanyang
medic na si
Vanessa Ka Kyle Limpag sa Paquibato District, Davao City noong
Hunyo 28 habang nagpapagaling sa mga sakit na diabetes, hepatitis,
at hyperthyroidism.Kinundena ng rebolusyonaryong kilusan ang
paglabag ng militar sa International Humanitarian Law at karapatang
pantao sa walang awang pagpatay kay Pitao at Limpag.
Kilala si Ka Parago bilang tanyag na kumander ng NPA dahil sa
kanyang pangunguna sa mga matagumpay na mga taktikal na opensiba sa
nagdaang apat na dekada, kabilang na ang paghuli kay General Victor
Obillo bilang bihag-ng-digma noong 1999 at ang reyd sa Davao Penal
Colony noong 2007.
Punong opisyal ng bantog na Pulang Bagani Battalion na aktibo sa
Southern Mindanao sa panahon ng kanyang kamatayan, kilala si Ka
Parago bilang Tatay ng mga masa sa kanayunan ng Mindanao na
tinulungan niyang tumindig para ipaglaban ang kanilang mga
karapatan.
Sa halip na sumandig sa matinding pagtutol ng mamamayang Griyego
sa austerity, nauwi ang taksil at inutil na liderato ni Tsipras sa
pagpilit sa mamamayan na tanggapin na lamang ang mapaminsalang
dominasyon ng Troika at imperyalistang Europa.
Dahil sa pagtalikod ng partido sa mga masang sumuporta nito sa
nagdaang panahon, inaasahang may magaganap na biyakan sa Syriza sa
pagitan ng taksil na pangkatin ni Tsipras at mga organisasyong
nakaugat sa uring manggagawa, masang anakpawis, kabataan,
kababaihan at iba pang sektor.
Nabigyan din ng pagkakataon ang mga pasistang partido at
kilusang maka-kanan na samantalahin ang sentimyento ng publiko
laban sa EU upang kumuha ng suporta para sa kanilang reaksyunaryong
pakana.
Panawagan ng suporta
Nananawagan ang Anakbayan sa lahat ng kabataang Pilipino na
suportahan ang mamamayang Griyego sa kanilang buhay-at-kamatayang
paglaban sa mga pinakabagong imperyalistang imposisyon ng
Troika.
Dapat suportahan ang magiting na pakikibaka ng mamamayang
Griyego
laban sa tumitinding kahirapan, kawalan ng trabaho, mas mataas
na presyo ng mga bilihin at serbisyo, at mas mabigat na buwis.
Hindi nalalayo na mangyari sa ibang mga bansa ang sinapit ng
Greece sa harap ng papaputok na panibagong serye ng pinansyal at
pang-ekonomikong krisis na mas masahol pa sa krisis ng 2008.
Nakikiisa ang Anakbayan sa lahat ng mga progresibo at
anti-imperyalistang grupo saan mang panig ng mundo na lumalaban sa
panibagong mga atakeng neoliberal sa mamamayan ng buong
daigdig.
Libu-libo dumagsa sa libing ni Kumander Parago sa Davao
PH
OTO
CR
EDITS: M
ANILATO
DAY.N
ET
>>>Mula sa p6
-
8 HULYO 2015 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN
Patuloy na umunlad at lalakas ang mga balangay ng mga pambansa
demokratikong organisasyong masa sa pamamagitan ng mahusay na
pamumuno at malawak na ugnayan at pakikipagtulungan sa napakaraming
tradisyunal na organisasyon hinggil sa ibat ibang suliranin at
proyektong kabataan.
Patuloy din ang pagsigla ng KKE sa pagsusulong ng wastong
kumbinasyon ng mga sektoral at lokal na kampanyang masa, K-12 at
tuition fee increases, at pagtuligsa sa ekspansyunismong Tsina at
paglakas pa ng dominasyon at interbensyong US sa bansa. Palagiang
tungkulin ang pagpukaw sa makabayang diwa ng kabataan habang
mahusay na isusulong ang kanilang mga demokratikong karapatan at
kahilingan.
Nahawan na ng mga naunang henerasyon ang landas patungo sa
pambansang paglaya at demokrasya. Nasa inyo, sa kasalukuyang
henerasyon ng mga mabubuting anak ng bayan, ang hamon upang
makamtan ang mas matatayog pang tagumpay, ang pagkakamit sa ganap
na paglaya at demokrasya sa ating bansa!
Adelberto Silva at Sharon CabusaoCamp CrameIka-29 ng Hunyo,
2015
Hitik sa aral ang kasaysayan ng Kilusang Kabataan at Estudyante
(KKE) sa mga pagkakataong naging makapangyarihan itong pwersa para
sa panlipunang pagbabago.
Tampok dito ang paghugos ng daanlibong kabataan sa kalsada noong
Enero 1970, sa panahon ng rehimeng US-Marcos, at pagputok ng
makasaysayang Unang Sigwa.
Mga kabataang intelektwal, manggagawa at magsasaka rin ang
kalakhang bumuo sa mga kilusang naitatag sa panahong ito, kapwa sa
kanayunan at kalunsuran, na nagdala sa sambayanang Pilipino sa di
na mapipihit na landas ng pakikibaka laban sa imperyalismo,
pyudalismo, at burukrata-kapitalismo.
Sa kasalukuyang panahon, maaring gumampan ang KKE ng susing
papel sa paglawak at pagsigla ng buong kilusang masa sa kalunsuran,
at sa pagbubuo ng mga rekisito para sa isang bagong pagdaluyong ng
kilusang masa sa bansa.
Ngayon pa lamang, dapat nang kilanlanin ang mga panimulang
tagumpay sa pagbubuo ng mas malawak na pagkakaisa sa hanay ng
kabataan. May mga bagong organisasyong masa sa mga bagong lugar at
paaralan. May mga bagong lider at organisador na naghahasa sa
araw-araw ng kakayahang mamuno, magpaliwanag at magpakilos sa
kani-kanilang saklaw.
Mensahe sa mga Lider, Propagandistat Organisador ng Kasalukuyang
Henerasyon ng
Kilusang Kabataan at Estudyante
PUNONG PATNUGOTOrion Yoshida
MGA KAWANIAlexia Fuentes, Andrea Lim, Bethany Pascua, Richard
James Mendoza,
Ina Nacario, Issa Baguisi, James Relativo, Jaque Eroles, Karlo
Mongaya, Reeza Rosalada, Shelly Dalmacio, Vencer Crisostomo
-PAGLALAPAT
Edward Pastor
Para sa mga suhestyon, komento at kontribusyon, makokontak kami
sa mga sumusunod:
[email protected]
facebook | Anakbayan Philstwitter | @anakbayan_ph