-
MAYO 2015UNANG RELEASE
Liham para kay Nay Celia
Serye ng protesta laban sa kawalan ng trabaho, labor export
policy, at K-12 ni Aquino
Suportahan ang mamamayan ng Venezuela laban sa panghihimasok ng
imperyalismong US
Pagtanggal ng wikang Filipino sa kolehiyo, itinigil ng Korte
Suprema
Panibagong pagtaas sa singil ng kuryente ng Meralco
kinundena
DOJ Secretary De Lima itinatago ang papel ng US sa
Mamasapano
3
5
6
7
7
8
Inilantad ng kaso ni Mary Jane Veloso, manggagawang Pilipina na
pansamantalang nailigtas mula sa death row sa Indonesia, kung paano
itinutulak ng rehimeng US-Aquino ang mga overseas Filipino workers
(OFWs) sa kapahamakan sa ibang bansa.
Gaya ng kalakhan sa aabot na sa 15 milyong mga migranteng
Pilipino sa buong mundo, si Mary Jane ay itinulak ng matinding
kahirapan at kawalan ng disenteng trabaho dito sa ating bansa upang
makipagsapalaran sa ibang bayan.
Si Mary Jane, 30 taong gulang, ay anak ng magbubukid na minsang
nagtrabaho bilang sakada sa Hacienda Luisita. Hindi siya
nakapagtapos ng high school. Sa pagsisikap na buhayin ang kanyang
dalawang anak, nauna na siyang naging OFW sa Saudi noong 2009,
kung
Panagutin si Aquino, pahamak sa mga OFW!
saan tinangka siyang gahasain kayat napilitan siyang umuwi agad
bago pa man matapos ang kanyang kontrata.
Niloko siya ng illegal recruiter na si Maria Kristina Sergio
noong 2010. Pinangakuan siya ng trabaho, ngunit lingid sa kanyang
kaalaman, siya ay ginamit para magpuslit ng droga. Isinilid sa
kanyang dalang bag ang droga para ipuslit papasok sa Indonesia kung
saan siya nahuli noong Abril 2010.
Tuloy ang laban para iligtas si Mary Jane Veloso at mga Pilipino
na nasa panganib sa ibang bansa!
Photo Credits: Philippine Collegian
-
2 MAYO 2015 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN
Ayon mismo sa DFA, umaabot na sa 92 Pilipino ang nasa death row
sa ibat ibang bansa, habang nasa 3,800 ang nakakulong. Pito na ang
nabitay sa ilalim ng rehimeng Aquino, pinakamarami sa ilalim ng
isang rehimen. Ang huling nabitay, si Joven Esteva ay pinatay sa
Saudi Arabia nito lamang March 9, 2015 nang mapatay nito ang amo
dahil sa pagtatanggol sa sarili. Hindi ipinaalam ng DFA sa pamilya
ni Esteva na siya ay bibitayin.
Dapat ipagpatuloy ang paglaban para sagipin si Mary Jane Veloso
at iba pang mga OFW sa death row. Dapat igiit na mabigyan sila ng
sapat na serbisyo at tulong ligal, pinansyal at pulitikal ng
gubyerno. Dapat pang palawakin ang hanay ng mamamayang nananawagan
para tuluyan silang mapalaya at makauwi sa Pilipinas.
Dapat patuloy na ipaglaban ang trabaho sa sariling bayan at
labanan ang mga patakarang neoliberal at makadayuhan na higit pang
nagtutulak sa mas maraming Pilipino na lumikas at mapahamak sa
ibang bayan. Dapat ipaglaban ang ekonomiyang malaya mula sa kontrol
ng dayuhan, magsusulong ng tunay na reporma sa lupa at pambansang
industriyalisasyon na siyang magtitiyak na may sapat na trabaho at
kasaganahan para sa mamamayan.
Sa kabila ng paghingi ng tulong ng pamilya ni Mary Jane,
pinabayaan ng gubyernong Aquino at Department of Foreign Affairs
(DFA) ang kaso. Hindi nagbigay ng abugado o kahit man lamang ng
interpreter ang DFA sa kaso. Hindi rin nito inaksyunan ang mga
panawagan na kasuhan agad ang illegal recruiter ni Mary Jane para
makatulong sa kaso kahit matapos mahatulan na si Mary Jane ng
kamatayan. Ang mga jailguard pa mismo ni Mary Jane ang
nag-ambag-ambag para makabisita ang kanyang pamilya sa kanya,
patunay na walang tulong-pinansyal na binigay ang DFA.
Sa halip, sinabihan pa ng gubyerno ang pamilya ni Mary Jane na
wala nang pag-asa at pinayuhan sila na inilihim ang kaso. Nang
lumabas na ang balita ilang buwan na lamang bago ang planong
pagbitay at nagboluntaryo ng tulong ang Migrante at National Union
of Peoples Lawyers (NUPL), binarahan pa sila ng DFA. Ang mga
dokumentong mahalaga para sa kaso ay wala umano sa DFA. Ang ibang
hawak nila, ni hindi pa translated sa Bahasa. Sa mga huling sandali
bago ang takdang bitay, pinigilan pa ng DFA ang kanyang abugado na
makita si Mary Jane. Isinuko rin ng DFA ang laban at sa huling
sandali sinabing dumaan sa tamang proseso at iginalang ang
karapatan ni Mary Jane.
Dahil sa panawagan ng mamamayang Pilipino, kasama ang suporta ng
mamamayan ng Indonesia at ng buong daigdig, natulak ang pangulo ng
Indonesia na si Joko Widodo na ipagpaliban sa huling minuto ang
pagbitay kay Mary Jane. Sa pangambang higit na sumambulat ang
malawak na pandaigdigang galit at protesta na lilikhain ng pagpatay
sa isang sa totooy biktima ng human trafficking, kasabay ng
pagbitay sa iba pang hinatulan na drug offenders, sinabi mismo ni
Widodo na nakinig siya sa mga aktibista kayat sinagip si Mary
Jane.
Kahit na malinaw na huli na at pabalat-bunga lang ang ginawa,
agad na inako ni Aquino at ng DFA ang tagumpay at kapal-mukhang
pinuri ang kanilang mga sarili sa pansamantalang reprieve na nakuha
ni Mary Jane. Para pagtakpan ang kanilang kriminal na pananagutan,
nagpakawala ang rehimen ng mabalasik na kampanya ng paninira,
panlalait at banta ng karahasan laban sa pamilya Veloso at mga
tagasuporta nila.
Subalit hindi mapagtatakpan ng gubyernong Aquino ang matinding
krimen nito at pagpapahamak sa mga OFW.
Ang mga patakaran ni Aquino na nagbubunsod ng walang kasingsahol
na kahirapan, kawalan ng lupa ng magsasaka at kawalang-trabaho sa
bansa, kasabay ng patakaran ng labor export ay nagtutulak sa
paparaming bilang ng Pilipino na makipagsapalaran sa ibang bansa.
Umaabot na sa mahigit 6,092 Pilipino ang umaalis sa bansa araw-araw
para maging OFW, tumaas mula sa 4,000 lamang noong 2010. Marami sa
kanila ay bulnerable sa panganib ng human trafficking, krimen at
ibat ibang uri ng pang-aabuso lalot salat ang serbisyo at
proteksyon ng gubyerno.
Habang ginagamit ni Aquino at patuloy na pinalalaki pa ang
remittances ng OFWs -- na ngayoy umaabot na sa $26 bilyon -- para
ipagmalaki ang pag-unlad ng ekonomiya, patuloy naman ang
panghuhuthot at pagkakait ng tulong at pondo para sa mga
tinaguriang bagong bayani.
Pinapatawan ng gubyerno ng kung anu-anong mga bayarin ang mga
OFW at sinisingil ng aabot sa mahigit P31,000 bawat isa o lagpas sa
kabuuang P150 milyon araw-araw sa processing fees pa lamang. Tumaas
ito sa ilalim ni Aquino mula sa nasa P18,000 lamang noong 2010.
Samantala, ang pondo ng gubyerno na dapat sana ay laan para sa
mga OFW ay kinaltas at kinurakot pa ni Aquino at ng kanyang mga
opisyal. Noong 2010 pa lang, kinaltasan na ni Aquino ng higit P100
milyon ang pondo para sa tulong ligal para sa mga OFW. Ang pondo ng
mga ahensya na para sa mga OFW ay kinaltasan ng mahigit P600 milyon
mula 2011 hanggang 2014. Para sa 2015, ginawa ding conditional ang
mahigit P100 milyon na legal assistance fund para mapakinabangan ng
mga kurakot na opisyal ni Aquino, gaya ng sa Disbursement
Acceleration Program (DAP). Samantala, milyun-milyong piso ang
kinukuwestyon dahil hindi ginagasta para sa mga OFW, kung saan-saan
napupunta at ginagawang savings. Ang pondo ng gubyerno para sa OFW
ay katumbas lamang ng nasa P260 kada isang OFW sa isang taon.
-
3TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | MAYO 2015
Liham para kay Nay CeliaKamusta po? Sanay sa kabila po ng lahat,
kayoy nasa mabuti pa ring kalagayan.
Isa po ako sa libu-libong nakarinig ng inyong talumpati sa
Mendiola noong Mayo Uno. Sa totoo, nagulat din po ako sa inyong mga
pahayag. Kakaiba ang kalinawan ng pananalita at tapang na inyong
ipinakita. Sabi ko nga, iyon ang tapang na makukuha lamang kung
naranasan ang paglaban na buhay at kamatayan ang nakataya.
Katabi ko noon ang iba pang mga kabataan at estudyante na pigil
na pigil ang pag-iyak dulot ng pinaghalong pagkaantig, ahitasyon at
paghanga. Alam namin na hindi madali ang magsalita laban sa
may-kapangyarihan at sa bulok na sistema lalo na kung ikaw ay
maliit at mahirap lamang. Marami-rami din po ang tulad ninyo na
tinakasan na ng pag-asa, piniling manahimik at tinanggap na lamang
ang mga pagsasamantala.
Kapag ang maralita kasi ang bumangon, nagsalita at lumaban sa
bulok na sistema, sinusubukan nilang kayoy insultuhin, maliitin,
patahimikin at pasukuin. Tila sinasabi nilang nakatadhana na ang
inyong pagkaapi at paghihirap kayat dapat magpasalamat na lamang sa
anumang tulong na ipagkakaloob sa inyo ng sistema.
Kayat matindi nga ang pang-iinsultot pananalita na tinanggap
ninyo matapos ninyong ipahayag ang saloobin at matalas na
kritisismo laban sa gobyernong Aquino. Gusto nilang magpasalamat na
lamang kayo sa gobyernong nagtulak kay Mary Jane sa bingit ng
kamatayan, di bale nang limang taon kayong pinabalik-balik,
nilinlang, pinaasa at pinahirapan pagkat sa huli namay umaksyon din
daw sila. Kalimutan na lamang ang limang taon ng pag-aalala,
pagtangis at pagluha pagkat binigyan naman kayo ng pagkain,
pamasahe, at pinatulog pa sa hotel sa mga inakalang huling
sandali.
Bakit nga ba sila muhing-muhi sa inyo gayong ipinahayag nyo lang
naman kung
ano ang tingin ninyong tama at totoo? Dahil po ba hindi kayo
pumayag na maging trophy ng gobyernong Aquino?
Ang totoo, gusto nilang gamitin kayo at si Mary Jane para
sabihing may natutulungan ang gobyerno at gumagana pa rin ang
sistema. Nais nila na sa pamamagitan ninyo ay pagtakpan ang
kriminal na kapabayaan sa milyon-milyong OFWs at sa mas marami pang
Pilipinong walang trabaho at nakalubog sa kahirapan.
Sabik na sabik pa naman sila na ipinta ang imahe ni Aquino
bilang tagapagligtas ni Mary Jane. Kailangang-kailangan pa naman
sana nila ito upang pagtakpan ang kanyang pananagutan sa madugong
engkwentro sa Mamasapano, matinding katiwalian at korapsyon sa
DAPork, at patung-patong na pahirap sa mamamayan.
Pero binigo nyo sila Nay Celia. Binasag nyo ang buong kwento at
plano kayat ipaparanas nila sa inyo ang bagsik at lupit ng estado.
Biruin po ninyo, tiyak na nagbuhos sila ng limpak na salapi para
imobilisa ang kanilang koneksyon sa midya, mga personalidad at
online trolls
para kabigin ang opinyong-publiko para sirain kayo at pahinain
ang inyong loob.
May ilan tayong kababayan na nahagip nila sa ganitong pakana at
tumulong pang insultuhin kayo. Tila gusto nilang palabasin na ang
tulad ninyong mahirap at kakaunti ang pinag-aralan ay walang
karapatang magsalita, maghain ng hinaing, o lumaban sa gobyerno.
Yung iba nagagalit dahil hindi po kayo umakto sang-ayon sa
konserbatibo at liberal nilang panlasa.
Kay bilis po nila kayong hinusgahan, ano? Parang alam na alam
nila ang lahat pero ni sa hinagap ay di siguro nila maaarok ang
pakiramdam ng mga tulad ninyo at napakarami pang maralitang
Pilipino na araw-araw na pinagkakaitan, ninanakawan ng pag-asa,
minamaliit, dinadahas at tinatanggalan ng karapatan.
Yung iba sa kanila, kay tataas pa ng pinag-aralan pero bakit
hindi nila maunawaan na di-makatarungan ang pagpapabaya sa inyo ng
gobyerno? Matalino daw sila pero bakit hindi nila maintindihan nang
sabihin ninyong bahagi si Pangulong Aquino sa paglikha at
pagpapasahol ng problema
Sumali ang pamilyang Veloso sa pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw
Ng Paggawa noong Mayo Uno sa Mendiola. Photo Credits: Arkibong
Bayan.
-
4 MAYO 2015 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYANng kahirapan, kawalang
trabaho at malawakang pag-eksport ng lakas paggawa ng ating mga
kababayan? Tinawag pa nila kayong brainwashed pero sino ba ang
nakapiring ang mata at nagbubulag-bulagan sa tunay na nangyayari sa
ating lipunan?
Tama kayo, Nay Celia, marami sa kanila ay hindi kayo kilala at
hindi alam ang inyong pagdurusa. Sana po ay patawarin ninyo sila
pagkat hindi nila alam ang kanilang sinasabi. Balang araw ay
mauunawaan nila na makatarungan ang lumaban. At para sa mga tulad
ninyong pinagkaitan, walang ibang pagpipilian kundi ang makibaka.
Sanay sapat na upang paghugutan ninyo ng lakas na ang laban na ito
ay hindi lamang para kay Mary Jane, o para sa inyong pamilya, ito
ay para din sa kanila.
Sanay makaluwag sa inyong damdamin na marami sa aming mga
kabataan ay nauunawaan kayo at patuloy na susuportat kikilos
hanggang makamit ninyo ang hustisya. Panata namin na tuluy-tuloy na
magmulat, mag-organisa, at magpakilos ng mga kabataang hahanay at
magtatanggol sa mga inapi at pinagkaitan ng sistema, hindi doon sa
mga nagsasamantala. Hangad namin ang panlipunang pagbabago kung
saan wala nang mga tulad ni Mary Jane at wala na ring mga ina na
tulad ninyo na daranas ng ganito.
Tuloy lang tayo, Nay Celia. Siguradong maraming beses nila
tayong iinsultuhin, mamaliitin at tatakutin upang sumuko nat itigil
ang paghahangad ng pananagutan at katarungan. Pero magpapatuloy
tayo, lalo lamang magpapakatibay at magpapalakas. Sa kamay ng
napakaraming inaapi at pinagsasamantalahan nakasalalay ang paglikha
ng mas magandang kinabukasan para sa lahat.
PUNONG PATNUGOTOrion Yoshida
MGA KAWANIAndrea Pauline Lim, Richard James Mendoza, Jaems
Relativo,
Ina Nacario, Jaque Eroles, Vencer Crisostomo, Bethany
Pascua,Karlo Mikhail Mongaya, Issa Baguisi, Reeza Rosalada, Shelly
Dalmacio
PAGLALAPATEdward Pastor
Para sa mga suhestyon, komento at kontribusyon, makokontak kami
sa mga sumusunod:
[email protected]
facebook | Anakbayan Philstwitter | @anakbayan_ph
13-15 milyon ang Pilipinong OFWs sa buong mundo.
6,092 umaalis sa bansa araw-araw para maging OFW, tumaas mula sa
4,000 lamang noong 2010.
$26 bilyon remittance ng OFWs, itinuturing na tagasagip ng
ekonomiya.
P31,000 isa o P150 milyon kada araw koleksyon ng gubyerno sa
processing ng OFWs, itinaas ni Aquino mula sa P18,000 lamang noong
2010.
P260 budget ng gubyerno para sa isang OFW sa isang taon.
SUMA TUTAL: Aquino at OFWs
P600 milyon kinaltas ni Aquino sa budget ng mga ahensyang para
sa OFW.
P100 milyon kinaltas sa legal assistance fund noong 2010.
92 bilang ng mga Pilipinong nasa death row, ayon sa DFA.
3,800 bilang ng mga Pilipinong nakakulong sa ibayong dagat.
7 bilang ng mga namatay sa death row sa ilalim ni Aquino,
pinakamalaki sa kasaysayan sa ilalim ng isang pangulo.
Photo C
redits: Pinoy W
eekly
-
5TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | MAYO 2015
Ayon naman kay LFS national spokesperson Charrise Baez, mas
titindi ang pag-export ng murang paggawa sa ibang bansa sa lubusang
implementasyon ng programang K-12 sa susunod na school year.
Mapipilitang pasanin ng mga magulang at estudyante ang dagdag na
gastos ng dagdag na taon ng pag-aaral habang sinasamantala ng mga
dayuhang korporasyon ang murang paggawa ng bansa, ani Baez.
Sa huli, iginiit ng Anakbayan na ang tunay na reporma sa lupa at
pambansang industryalisasyon ang tanging paraan upang mapaunlad ang
bansa, maiangat ang mga Pilipino sa kahirapan, at mabigyan ng
solusyon ang malawakang kawalan ng trabaho sa bayan.
Serye ng protesta laban sa kawalan ng trabaho, labor export
policy, at K-12 ni Aquino Inilunsad ang mga serye ng protesta laban
sa K-12, labor export policy, at kawalan ng trabaho sa ilalim ng
rehimeng Aquino nitong buwan ng Abril na nagrurok sa malaking
martsa patungong Mendiola sa Mayo Uno.
Pinangunahan ng Anakbayan at ibang mga grupo ng kabataan ang
isang piket sa labas ng opisina ng Department of Labor and
Employment (DOLE) noong Abril 17.
Isang mock graduation naman ang isinagawa sa U-Belt sa Maynila
noong Abril 21 kung saan nakatoga ang mga nagprotesta at bitbit ang
mga diplomang may nakasulat na murang paggawa, ready for export, at
walang trabaho.
Nagprotesta rin sa harap ng opisina ng Department of Education
(DepEd) sa Quezon City ang mga grupo ng kabataan sa pangunguna ng
League of Filipino Students (LFS) noong Abril 23 upang ipanawagan
ang pagbasura ng K-12.
Sa pangunguna naman ng Kilusang Mayo Uno, nagmartsa ang mahigit
15,000 manggagawa kasama ang ibat ibang sektor mula sa Liwasang
Bonifacio patungong Mendiola ang ibat ibang sektor noong Mayo Uno
para ipanawagan ang pagbitiw ni Aquino sa pwesto. Bitbit nila ang
mga panawagan para sa pagpapatupad ng P16,000 national minimum wage
at pagbasura ng mga kontra-mamamayang patakaran ng gobyerno gaya ng
kontraktwalisasyon, labor export policy at programang K-12.
Ayon sa Anakbayan, aabot ng 4.3 milyong Pilipino ang walang
trabaho at 6.9 milyon naman ang may trabaho ngunit hindi sapat ang
sahod (underemployed) noong taong 2014 ayon sa datos mismo ng
gobyerno. Sa kabila ito ng pagmamayabang ng rehimeng Aquino tungkol
sa pag-unlad diumano ng ekonomya.
Dagdag pa, napipilitan ang maraming kabataan na maghanap ng
magandang oportunidad sa ibayong dagat bilang mga manggagawang
kontraktwal dahil sa kawalan ng trabaho sa Pilipinas.
Pagkaraan ng paghihirap at pagpupunyagi upang makatapos sa
kolehiyo ay madadagdag lamang sa mahigit 11.2 milyong walang
trabahong Pilipino ang karamihan ng mga bagong nagsipagtapos, ani
Anakbayan national chairperson Vencer Crisostomo.
Ayon sa Anakbayan, sa ilalim ng labor export policy ng rehimeng
Aquino, ibinubugaw at inilagay nito sa panganib ang ating mga
kababayan sa ibang bansa katulad sa nangyari kay Flor Contemplacion
at Mary Jane Veloso.
Photo C
redits: Kathy Yam
zon
-
6 MAYO 2015 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN
Mariing kinukundena ng Anakbayan ang pagdeklara ng
imperyalistang Estados Unidos sa Venezuela at sa mamamayan nito
bilang national security threat at sa pagpataw ng mga sanction
laban sa pitong senior na opisyal ng nasabing bansa. Nitong
nakaraang Marso, naglabas rin ang administrasyong Obama ng
Executive Order na nagdeklara ng isang national emergency laban sa
Venezuela. Ang mga aksyong ito ng Estados Unidos ay isang malinaw
na panghihimasok sa Venezuela at malubhang paglabag sa pambansang
soberanya nito. Ito ay bahagi ng imperyalistang taktika laban sa
mga bansang pinanghahawakan ang linyang anti-imperyalista.
Anti-imperyalistang gobyerno ng Venezuela
Labinlimang taon na ang nakaraan simula nang pamunuan ni
Pangulong Hugo Chavez ang mga makabuluhang pagbabago sa Venezuela.
Isa na rito ang pagsasabansa ng industriya ng langis upang magamit
ang kita mula rito para sa benepisyo ng mamamayan. Ginamit ang kita
nito sa mga programa ng gobyerno para sa serbisyong panlipunan
tulad ng pagkain, pabahay, serbisyong pangkalusugan, at
edukasyon.
Nanguna rin ang Venezuela sa pagtayo ng mga anti-imperyalistang
pulitikal at pang-ekonomiyang na mga alyansa katulad nga Bolivarian
Alliance for the Peoples of Our America (ALBA), Community of Latin
America and Caribbean States (CELAC), at Union of South American
Nations (UNASR). Tinutuloy ng gobyerno ni Nicolas Maduro ang mga
pagbabago at anti-imperyalistang tindig ni Chavez hanggang sa
kasalukuyan.
Destabilisasyon sa instigasyon ng US
Dahil sa makamamamayang pamamalakad ni Chavez sa Venezuela,
umani ito ng batikos mula sa mga naghaharing-uri sa instigasyon na
rin ng Estados Unidos. Humantong ang paggamit ng Estados Unidos ng
mga kontra-Chavez na grupo sa isang kudeta noong 2002 laban kay
Chavez. Tumagal lang ng 2 araw ang kudeta at mabilis na naibalik ng
mga tapat na opisyal ng armadong pwersa si Chavez sa poder.
Nailuklok sa pwesto si Chavez sa sunud-sunod na demokratikong
halalan hanggang sa kaniyang pagkamatay noong 2013. Pumalit ang
gobyerno ni Maduro ngunit sinalubong din ito ng panibagong serye ng
destabilisasyon sa pangunguna ng Estados Unidos.
Mahaba ang kasaysayan ng panghihimasok ng US sa mga bansang
anti-imperyalista. Isang pamamaran nito ay ang pagbibigay ng pondo
sa mga lokal na reaksyunaryo upang lumikha ng mga kaguluhan, tulad
ng nangyayari ngayon sa Venezuela. Sa desperasyon ng
administrasyong Obama na makontrol ang industriya ng langis at mga
pampublikong empresa ng Venezuela, malisyosong idineklara ng US ang
bansa bilang isang banta nang sa gayon ay mabibigyang katwiran ang
agresyon laban sa Venezuela.
Suporta sa mamamayan ng Venezuela
Ipinapahayag ng Anakbayan ang buong suporta nito sa mamamayan ng
Venezuela at sa kanilang makabayan at anti-imperyalistang gobyerno
sa pamumuno ni Maduro. Nananawagan
ang Anakbayan sa mga kapwa kabataang Venezuelan na patuloy na
magmulat, mag-organisa, at magpakilos sa kanilang hanay at mahigpit
na ikawing ang kilusang kabataan sa ibat ibang sektor at uri upang
ipagtanggol ang kanilang karapatan sa pagpapasya-sa-sarili at
soberanya laban sa anumang tangka ng imperyalistang Estados Unidos
na tapakan ito.
Nananawagan din ang Anakbayan sa lahat ng kabataang Pilipino na
patuloy na suportahan ang pakikibaka ng mga mamamayan ng Venezuela
laban sa imperyalistang panghihimasok. Dapat tayong humalaw ng aral
at inspirasyon sa kanilang militante at magiting na pakikibaka
laban sa kahit anong maka-imperyalistang panghihimasok at agresyon.
Gamitin natin itong inspirasyon sa ating pagusulong ng pakikibaka
ng sambayanang Pilipino laban sa imperyalismong US at lokal na
reaksyonaryo at sa pagsusulong ng lipunang tunay na malaya at
demokratiko.
Suportahan ang mamamayan ng Venezuela laban sa panghihimasok
ng imperyalismong US
Caracas, Venezuela: Pagkilos ng libu-libong mamamayan ng
Venezuela laban sa panghihimasok ng imperyalismong US. Photo
Credits: Venezuelaanalysis.com
-
7TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | MAYO 2015
Layunin nilay lumikha ng kabataan na walang pagmamahal sa
sariling bayan, maging sunud-sunuran na madaling siilin. Ito ang
mga katangian na kailangan ng mga dambuhalang korporasyon, ani LFS
national spokesperson Charisse Baez.
Ayon kay Baez, isang malaking tagumpay ang TRO sa CMO 20 ngunit
patuloy pa rin ang laban upang ipagtanggol ang wikang Filipino
laban sa mga atake ng K-12 at para isulong ang makabayan,
siyentipiko, at makamasang edukasyon.
Panibagong pagtaas sa singil ng kuryente ng Meralco
kinundenaKinundena ng Anakbayan ang pinakahuling pagtaas sa singil
ng Meralco sa kuryente na P0.27 kada kilowatt hour para sa buwan ng
Abril. Ayon sa grupo, isa na naman itong pasanin ng mamamayang
Pilipino, lalo na ng mga manggagawa at maralitang pamilya.
Hindi ito simpleng pagtaas ng presyo. Ito ay lantarang
pagnanakaw! Habang nagdurusa ang ordinaryong Pilipino sa mababang
sahod, tumataas na presyo ng bilihin, MRT-LRT fare hike, at
nakaambang tuition increases, kumakamal ng malaking kita ang
Meralco, ani ng Anakbayan national chairperson na si Vencer
Crisostomo.Kinundena ng Anakbayan ang rehimeng
Aquino sa pakikipagsabwatan nito sa mga power companies sa
pamamagitan ng pagtanggi nitong pigilan ang power rate hikes.
Dagdag pa ni Crisostomo, dapat panagutin ang rehimeng Aquino sa
mga kontra-mamamayang polisiya nito lalo na ang pagtaguyod nito sa
Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) na nagtutulak sa
deregulasyon at pribitisasyon ng industrya ng elektrisidad sa
bansa.
Hindi kusang gagalaw si Aquino para kontrolin ang presyo ng
kuryete dahil kakuntsaba siya ng malalaking negosyo na kumukontrol
sa power industry. Dapat mag-organisa ang
mamamayang Pilipino ng mas malaking protesta upang maitulak ang
gobyerno na ibasura ang EPIRA at para kontrolin ang industriya ng
kuryente, ani Crisostomo.
Kinundena rin ng Anakbayan ang pahayag ng Meralco na ang
maintenance shutdown sa Malampaya gas field ang dahilan sa pagtaas
ng singil ng kuryente.
Isa itong walang basehang palusot upang makapagkamal ng
super-tubo sa mga konsumidor dahil mas mura naman ng 50 porsyento
ang fuel energy sa pandaigdigang pamilihan nitong nakaraang mga
buwan, ani Crisostomo.
Pagtanggal ng wikang Filipino sa kolehiyo, itinigil ng Korte
SupremaUmani ng tagumpay ang kampanya laban sa Commission on Higher
Education (CHED) Memorandum No. 20 series of 2013 (CMO 20) nang
ipatigil ng Korte Suprema ang implementasyon nito.
Noong Abril 22, naglabas ng Temporary Restraining Order (TRO)
ang Korte Suprema bilang tugon sa petisyon ng Alyansa ng Mga
Tagapagtanggol ng Wikang Filipino (Tanggol Wika), isang grupo ng
mga guro, mag-aaral, at manunulat, para ibasura ang CMO No. 20.
Ang CMO 20 ay naglalayong ipatanggal ang wikang Filipino sa
kolehiyo. Ito ay bahagi ng implementasyon ng programang K-12 kung
saan aalisin na ang Filipino at Panitikan bilang mga saligang
asignatura sa kolehiyo.
Tinuligsa ng Tanggol Wika ang CMO 20 sa paglabag nito sa mga
probisyon ng Konstitusyon at ang mga kaugnay na batas katulad ng RA
7356 hinggil sa pagtaguyod ng makabayang kultura at edukasyon.
Ayon din sa grupo, malalagay sa panganib ang trabaho ng mahigit
78,000 guro sa bansa bunsod ng pagtatanggal ng wikang Filipino sa
kolehiyo.
Tugon ng rehimeng Aquino ang pagtatanggal ng wikang Filipino sa
kolehiyo sa dikta ng mga imperyalistang bansa na hubugin ang
sistema ng edukasyon upang makasagot sa kanilang pangangailangan
para sa murang lakas-paggawa, ayon sa League of Filipino Students
(LFS).
www.anakbayan.orgbisitahin ang
Photo Credits: Pinoy Weekly
-
8 MAYO 2015 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN
Ang tanging rason na makapangahas si De Lima na sabihin ito ay
dahil matagal na niyang alam ang testimonya at hangad na lamang na
iliko ang usapan patungo sa pagpangatwiran sa interbensyong militar
ng US sa bansa, ani Crisostomo.
Ayon sa Anakbayan, malinaw na isinakripisyo lamang ang buhay ng
mga Pilipino sa Mamasapano para sa isang operasyong Amerikano.
Panawagan ng Anakbayan na muling buksan ang mga imbestigasyon at
tutukan ang papel ng US sa insidente. Iginiit ng grupo na dapat
pagtuunan ng pansin ang papel ni Philip Goldberg at John Negroponte
ng CIA, ang pagpopondo ng US, at ang pagpapahintulot ni Aquino sa
US sa operasyon.
DOJ Secretary De Lima, itinatago ang papel ng US sa
MamasapanoTumulong si Department of Justice (DOJ) Secretary Leila
De Lima sa cover-up sa papel ng Estados Unidos sa madugong labanan
sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25.
Ito ang paratang ng Anakbayan laban sa opisyal matapos lumabas
ang 225 pahinang ulat ng DOJ kung saan ibinunyag ng prinsipal na
testigo na 2 sundalong Amerikano ang namatay sa sagupaan sa
Mamasapano.
Tinuligsa ni Anakbayan national chairperson Vencer Crisostomo
ang antala sa paglabas ng ulat na ito at ang hindi paglabas ng
nasabing testimonya sa mga imbestigasyon sa Kongreso at Senado.
Imposibleng hindi alam ni De Lima ang testimonya nang mas maaga.
Malinaw na bahagi ito ng cover-up sa pamamagitan ng katahimikan
nito tungkol sa testimonya, ani Crisostomo.
Dagdag pa ni Crisostomo: di na sorpresa na ang mga argumento ni
De Lima sa imbestigasyon sa Kongreso ay kusang nagpawalang-sala sa
direktang partisipasyon ng mga Kano sa combat operations dito sa
bansa.
Sa kabila ng pagiging labag nito sa Konstitusyon, humirit si De
Lima na hindi isyu ang partisipasyon ng US sa actual combat
operations bastat ang gobyerno ng Pilipinas ang may kontrol ng
operasyon.