-
HUNYO 2015UNANG EDISYON
Datos ng CHED sa taas-matrikula, mali-mali at mapanloko
Edukasyong nakamamatay sa ilalim ng rehimeng Aquino
Labanan ang panunupil ng militar sa paaralan ng mga katutubo sa
Talaingod
K-12 magreresulta sa pagtaas ng matrikula, isang milyong high
school dropouts
Ilantad ang huwad na BBL ni Aquino, itaguyod ang pakikibaka ng
Bangsamoro para sa sariling pagpapasya
Makiisa sa welga ng mga manggagawa ng Tanduay!
Ka Marlon: artista ng bayan, rebolusyonaryong martir ng
sambayanan
3
4
4
5
6
7
8
>>>Ituloy sa p2
Ilunsad ang pambansang walkout!Palakasin at palawakin ang
paglaban sa tuition hike, other school fees at K-12 ni Aquino!
Dapat tapatan ng malakas at malawak na pambansang protesta ang mga
pahirap, bulok at makadayuhang patakaran ng rehimeng US-Aquino sa
edukasyon.
Tinatawagan ang mga mag-aaral, kaguruan, kawani at magulang sa
buong bansa na kumilos sa libu-libong bilang at ilunsad ang serye
ng mga pambansang walkout sa mga susunod na linggo.
Dapat malakas na ipanawagan ang pagtigil ng tuition increase,
pagbasura sa
other school fees, pagtigil ng programang K-12 at iba pang mga
patakaran ni Aquino na higit pang nagpapasahol sa kolonyal,
komersyalisado at pasistang edukasyon.
Dapat kondenahin ang muli na namang pag-apruba ng pagtataas ng
matrikula
at iba pang mga bayarin sa mga pamantasan. Dapat ipanawagan ang
kagyat na pagtigil ng anumang porma ng pagtaas-matrikula.
Ngayong taon, muling pinayagan ng gubyerno ang pagtataas ng
mahigit 400 paaralan sa kolehiyo. Lagpas 1,200 naman ang pinayagang
magtaas sa elementarya at hayskul. Sabi mismo ng gubyerno, aabot
ang mga taas-singil ng hanggang 30%. Aabot na sa P60,000
SINALUBONG ANG UNANG ARAW NG KLASE NG MALAWAK NA PROTESTA SA
MENDIOLA AT SA MGA MAYOR NA LUNGSOD SA IBAT IBANG PANIG NG
BANSA.
-
2 HUNYO 2015 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYANDapat abutin ang
pinakamarami sa ibat ibang porma ng propaganda edukasyon at
ahitasyon. Dapat tiyakin ang kalakhang bahagi, kundi man ang buong
populasyon sa mga paaralan ay inaabot ng mga panawagan at
propaganda. Dapat pagkumbinahin ang ibat ibang porma: verbal,
biswal, kultural, online, written at iba pa. Dapat masalag ang mga
pambabaluktot at pananakot na pinalalaganap ng estado at mga
bayarang ahensya nito para pahinain ang paglaban.
Dapat buuin ang masaklaw na plano, disenyo at kondukta ng
pagkilos. Dapat paghusayan ang mga build-ups sa mga lokalidad,
hanggang sa aktwal na kondukta ng pagrurok ng mga protesta sa mga
walkout. Tiyakin ang paglahok ng kalakhang mga mag-aaral sa mga
pagkilos. Sa pambansang antas, inaasahang mailatag ng mga
pambansang organisasyon ng kabataan ang plano para sa malaking
koordinadong protesta na may ilang linggong paghahanda.
Dapat sumalig sa mga balangay ng organisasyong masa at mga
progresibong institusyon na higit pang lumalakas at lumalawak sa
paglulunsad ng mga kampanyang masa. Susi sa pagtatagumpay ang
pagpapakilos ng pinakamaraming mga masang aktibista, mga
kampanyador at mga lider mag-aaral sa pagpupukaw at pagpapakilos sa
mas malawak pang bilang ng mag-aaral at mamamayan. Dapat igpawan
ang tendensiyang balikatin lamang ng iilan ang maraming tungkulin
ng paglulunsad ng kampanya.
Dapat isanib ng mga mag-aaral ang kanilang laban sa pakikibaka
ng masang manggagawa, magsasaka at sambayanan. Ang mga atake sa
karapatan sa edukasyon ay bahagi ng pangkalahatang atakeng
neoliberal para itulak pababa ang sahod ng manggagawa at higit na
pagsamantalahan ang mamamayan.
Dapat tumulong ang mga mag-aaral sa pagpapalakas ng paglaban ng
mga kabataan sa komunidad at mga kabataang manggagawa para sa
P16,000 pambansang minimum na sahod at laban sa kontraktwalisasyon.
Ang malalaking pagkilos ng kabataan at mag-aaral ay mag-aambag sa
nagpapatuloy na kilusan para patalsikin ang rehimeng US-Aquino at
para sa panlipunang pagbabago. Dapat asamin ang papalaking mga
pagkilos sa State of the Nation Address at mga protestang bayan sa
mga darating na buwan.
Sa sama-sama at militanteng pagkilos, makakamit ng kabataan at
mamamayan ang mga tagumpay at makakahakbang pasulong sa pakikibaka
para wakasan ang bulok na sistemang panlipunan.
hanggang P100,000 kada taon ang matrikula at mga bayaring
pinapasan ng mga magulang at mag-aaral.
Kahit sa mga state universities and colleges, itinataas din ang
matrikula at mga bayarin. Sa mga pampublikong elementarya at
hayskul, patung-patong ang mga bayarin kahit sinasabing libre ang
matrikula.
Dapat itulak ang pagbabasura ng lahat ng other school fees sa
mga pamantasan sa buong bansa. Ngayong taon, bukod sa
taas-matrikula, inapruba pa ang CHED ng pagtataas sa samut saring
other school fees. Ang mga singiling ito ay malaking pabigat,
gatasan ng kita at masahol na porma ng tuition hike.
Ang panibagong pagtataas ng matrikula at mga bayarin ay higit
pang magpapahirap sa maraming pamilya at magtutulak sa mas marami
na magdrop-out. Nakagagalit na kamakailan, itinulak na naman sa
pagpapatiwakal ang ilang mga kabataan dahil sa lumbay na hindi na
sila makapagpapatuloy ng pag-aaral. Samantala, patuloy namang
lumolobo ang kita ng malalaking paaralan na aabot ng bilyun-bilyon
at patuloy na ibinubulsa at kinukurakot ang pondong pampubliko na
para sana sa edukasyon. Dapat itulak ang pagbabasura ng Education
Act of 1982, CHED Memo Order 3 at iba pang mga patakarang
nagpapatuloy
ng deregulasyon ng matrikula at komersyalisasyon ng
edukasyon.
Dapat malakas na labanan ang panunupil at pasismo sa mga
paaralan at salagin ang mga pananakot, harasment, at ibat ibang
porma ng panunupil sa mga mag-aaral kapag sila ay kumikilos para sa
karapatan sa edukasyon. Dapat ding labanan ang militarisasyon ng
mga pamantasan: pagkakampo sa mga kampus, pananakot sa mga
mag-aaral at panghihimasok sa pamamagitan ng student intelligence
at Reserve Officers Training Corps (ROTC).
Dapat kumilos ang malawak na hanay ng mga mag-aaral, magulang at
guro para itigil at ibasura ang K-12 program. Ang K-12 program ay
higit na magpapababa sa sahod ng mga manggagawa at magpapasahol sa
komersyalisasyon ng edukasyon. Pasasahulin pa nito ang makadayuhan
at kontra-mamamayang tunguhin ng edukasyon sa bansa.
Ang mga progresibong organisasyon ng kabataang mag-aaral at mga
kasapi nito ay dapat manguna sa malapad na hanay para ilunsad ang
mga pambansang koordinadong protesta sa mga kampus. Dapat makaisa
ang mga konseho at institusyon, publikasyon, mga samahang masa, mga
unyon ng guro at kawani sa pagpapanawagan at pagkilos. Dapat
ipaloob ang maraming grupo sa Rise for Education Alliance na
tipunan ng malawak na paglaban.
Dambuhalang kita ng mga pribaDong pamantasan
Ang Far Eastern University (FEU) ay nagkamal ng kita ng P1.7
bilyon noong 2013 at P1.5 bilyon noong 2014. Ang Ateneo de Manila
University (ADMU) ay nagkamal ng P2.9 bilyon na kita noong 2013 at
2014. Ang University of the East (UE) ay nagkamal ng kita na P1.9
bilyon para sa mga taong 2013 at 2014.
Kumolekta naman ang University of Sto. Tomas (UST) ng net
revenue na P1.4 bilyon noong 2013 habang nagkamal naman ng P600
milyon na net revenue ang De La Salle University (DLSU) sa nasabing
taon.
Sanggunian: Securities and Exchange Commission, Kabataan
Partylist, at Rise for Education
-
3TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | HUNYO 2015
bilyon ang kanilang kinikita, ani Vencer Crisostomo, pambansang
tagapangulo ng Anakbayan.
Sa ulat, makikitang ang gross profits ng Far Eastern University
ay P1.7 bilyon noong 2013 at P1.5 bilyon noong 2014. Ang Ateneo de
Manila University naman ay may P2.9 bilyon na gross profits sa
parehong 2013 at 2014. Ang University of the East, may P1.9 bilyon
na gross profits noong 2013 at 2014.
Samantala ang University of Santo Tomas ay may koleksyon na P2.8
bilyon at P672 milyon at nagtala ng net revenue na P1.4 bilyon. Ang
De La Salle University ay nagtala ng P1.8 bilyong koleksyon sa
matrikula at P540 milyon sa other school fees at may P600 milyon na
net revenue noong 2013.
Samantala, kinundena din ng Anakbayan ang pag-aapruba ng other
school fees increase at sinabing sa pag-aapruba nito ng
dagdag-singil sa mga kinukuwestyon at ipinapabasurang bayarin,
ginawa pang lehitimo ng CHED ang bagong porma ng tuition
increase.
Tumungo naman ang mga estudyante sa harap ng punong tanggapan ng
CHED noong Mayo 22 kung saan kinalampag at hinagisan ng pintura ang
tarangkahan ng opisina bilang protesta. Nagbabanta ng mas
malalaking mga protesta ang mga mag-aaral sa mga susunod na
linggo.
Matapos umani ng pambabatikos ang Commission on Higher Education
(CHED) dahil sa pag-apruba nito sa pagtaas ng matrikula at iba pang
bayarin sa 313 pamantasan, lumalabas na mali-mali at mapanlinlang
pala ang datos na inilabas ng ahensya.
Sa datos ng ahensya, pinalabas ng CHED na aabot lang sa P29.86
kada yunit o 6.17 porsyento lamang ang average na pagtaas ng
matrikula habang P135.60 o 6.55 porsyento naman ang average na
pagtaas ng ibang mga bayarin sa pambansang antas.
Ngunit kung ikukumpara mismo sa inilabas na listahan ng mga
paaralang nagtaas ng matrikula at iba pang bayarin, kasinungalingan
ang mga ito. Ayon sa National Union of Students of the Philippines
(NUSP), lumalabas na P37.47 kada yunit ang average na pagtaas ng
matrikula habang P212.20 naman ang average na pagtaas ng singil sa
iba pang bayarin sa mga pamantasan sa buong bansa.
Malinaw, ani NUSP national president Sarah Elago, na sadyang
pinababa ng CHED ang sariling mga average na pagtaas ng matrikula
ng P7.61 kada yunit habang binawasan ng P76.60 ang datos sa pagtaas
ng ibang mga bayarin.Sa National Capital Region (NCR) naman,
ibinaba ito mula sa totoong pigura ng P58.48 kada yunit patungong
P32.34 kada yunit ang average na pagtaas ng matrikula. Pinalabas
din ng
CHED na P34.79 lamang ang average na pagtaas sa iba pang bayarin
mula sa P56.40 na tunay na halaga nito.
Ayon sa NUSP, kung tutuusiy mas malaki pa ang datos ng pagtaas
ng matrikula at mga bayarin.
Ang mga datos ng CHED ay mali-mali, sadyang pinepeke at
pinaliliit para pagtakpan ang pagtataas ng matrikula. Desperado
silang pagtakpan ang tumataas na matrikula at mga bayarin sa
pamantasan, ani Elago.
Kinundena naman ng Anakbayan ang patuloy na pagtataas ng
matrikula at bayarin habang lumolobo ang kita ng malalaking mga
kapitalista-edukador.
Ayon sa datos mula sa Securities and Exchange Commission at
Kabataan Partylist, lalagpas sa P10 bilyon ang kita ng limang
paaralan pa lamang nitong 2013 hanggang 2014.
Walang puso ang gubyernong ito. Malinaw na pagnanakaw sa mga
magulang at mag-aaral ang mga dagdag-singil habang bilyun-
National Average Tuition Increase
Maling Datos ng CHED Corrected Datos P29.86 P37.47
National Average Other School Fees Hike
Maling Datos ng CHED Corrected Datos P135.60 P212.20
NCR Average Tuition Increase
Maling Datos ng CHED Corrected Datos P32.34 P58.48
NCR Average Other School Fees Hike
Maling Datos ng CHED Corrected Datos P34.79 P55.23 Datos ng CHED
sa taas-matrikula,
mali-mali at mapanloko
www.anakbayan.orgbisitahin ang
-
4 HUNYO 2015 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN
estudyante mula sa Eulogio Amang Rodriguez Institute of Science
And Technology (EARIST) na si Jhomary Azaula ang nagpakamatay.
Ayon sa National Union of Students of the Philippines (NUSP),
dapat na seryosong imbestigahan ng pangulo ang mga naganap na kaso
ng pagpapakamatay, gayundin ang kalagayan ng mga mag-aaral na
kabilang sa mga mahihirap na pamilya.
Nanawagan ng hustisya ang grupo para sa pagkamatay ni Habibun at
ng iba pang mga bikitma ng tuition increase at atake sa karapatan
sa edukasyon.
Kinundena din ng grupo ang Department of Education (DepEd) at
Commission on Higher Education (CHED) sa pag-aapruba ng pagtataas
ng mga matrikula at iba pang bayarin sa mga paaralan.
Duguan ang kamay ni Noynoy Aquino sa higit na pagpapatindi ng
nabubulok na sistema ng edukasyon sa bansa. Hanggat nagpapatuloy
ang deregulasyon sa edukasyon, lalong dadami pa ang mga kagaya nila
Nilna, Jhomary, Kristel at Rosanna, diin ng NUSP.
Ayon sa kanyang ama, hindi na niya kaya pang suportahan ang
pag-aaral ng kanyang anak sa darating na pasukan.
Ang kaso ni Habibun ay ikalawang insidente na para sa buwan ng
Mayo ng pagpapakamatay bunsod ng kawalan ng kakayahang makapagbayad
ng matrikula.Noong Mayo 18 lamang, isa namang
Edukasyong nakamamatay sa ilalim ng rehimeng AquinoIsa na namang
estudyante ang nagpakamatay dahil sa kawalan ng pag-asa na
makapag-aral. Noong Mayo 25, 2015, natagpuang nakabitin at wala
nang buhay sa loob ng kanilang tahanan sa Brgy. Don Andres, Ipil,
Zamboanga Sibugay si Nilna Habibun, isang 17-anyos na estudyante ng
Dr. Aurelio Mendoza Memorial College.
Labanan ang panunupil ng militar sa paaralan ng mga katutubo sa
TalaingodMariing kinukundena ng Anakbayan ang nagpapatuloy na
operasyong kontra-insurhensiya ng rehimeng US-Aquino sa ilalim ng
Oplan Bayanihan na sa pangunahin ay mga ordinaryong mamamayan ang
natatamaan, lalo na sa kanayunan.
Nitong nakaraang linggo lamang ay inutusan ng mga sundalo ng
68th Infantry Battalion ng Philippine Army ang mga lider-katutubo
ng Salugpungan Ta Tanu Igkanugon sa Sitio Tibukag, Talaingod, Davao
del Norte na sunugin ang sarili nilang katutubong paaralan.
Ayon kay Datu Ginom Andel ng Salugpungan Save Our Schools
Network, nagpapatuloy ang mga pagbabanta laban sa Salugpungan Ta
Tanu Igkanugon Community Learning Center (STTICLC) na inaakusahan
ng mga militar na paaralan ng mga rebelde.
Hindi lamang pagsunog ng paaralan ang utos ng mga sundalo kundi
ang pagpatay sa mga guro ng Salugpungan na binansagan naman nilang
mga komunista, ani Datu Ginom. Dahil sa pagbabanta ng militar,
nanganganib na mahinto ang pasukan sa paaralan ng Salgpungan sa
Hunyo.
Sa halip na ipagtanggol ang karapatan ng mga katutubo na
makapag-aral, inirekomenda pa ng Department of Education (DepEd)
ang pagsara ng mga paaralan ng STTICLC dahil sa mga paratang ng
militar laban sa mga ito.
Kasama rin sa rekomendasyon ni Dr. Josephine Fadul, Schools
Division Superintendent ng DepEd sa Davao del Norte, ang pagtayo ng
mga paaralang pinangangasiwaan ng mga sundalong magsisilbing guro.
Isa itong lantarang paglabag sa karapatan ng bata laban sa
militarisasyon ng mga paaralan.
Sa katabing bayan naman ng Kapalong, sa Sitio Muling, Barangay
Gupitan ay hindi makasimula ang klase sa susunod na buwan matapos
magbanta ang mga sundalo laban sa pagpaaral ng mga bata sa
paaralan. Ito ang tanging paaralan sa Muling, isang baryo na
maaabot matapos ang dalawang araw ng paglalakad.
Pinatutunayan lamang ng mga kasong ito na hindi kapayapaan at
kaunlaran ang dala ng Armed Forces of the Philippines sa
pagpapatupad nito ng Oplan Bayanihan ni Aquino, kundi takot,
karahasan, at kahirapan para sa mga komunidad katulad ng mga Lumad
ng Mindanao at sa iba pang mga bahagi ng bansa.
Ibasura ang Oplan Bayanihan ni Aquino! Edukasyon, hindi
bala!
-
5TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | HUNYO 2015
K-12 magreresulta sa pagtaas ng matrikula, isang milyong
high school dropoutsMagreresulta sa pagtaas ng matrikula at
pagdami ng mga high school dropouts ang programang K-12, ayon sa
grupong Anakbayan, sa kabila ng pag-anunsyo ng Department of
Education (DepEd) na inaprubahan nito ang pagtaas ng matrikula sa
mahigit 1,200 pribadong paaralan sa buong bansa.Ang programang K-12
ni Aquino ay magbibigay ng lisensya sa mga pribadong paaralan na
magtaas ng matrikula at iba pang mga bayarin, ayon sa Anakbayan.
Aabot sa 29 na porsyento ang pagtaas ng halaga ng matrikula, ayon
mismo sa datos na inilabas ng DepEd.
Kinundena ng Anakbayan ang K-12 na lubusang ipatutupad sa
susunod na taon, sa pagiging isang privatized na programa na
magtutulak sa mga magulang na magbayad ng mataas na matrikula sa
mga pribadong paaralan para sa edukasyon ng kanilang mga anak.
Aabot sa P35,000 hanggang P100,000 kada taon ang halaga ng
matrikula at ibang bayarin sa mga pribadong elementarya at high
school.
Kahit ang mga pampublikong paaralan ay nababalitaang magpapataw
na rin ng dagdag na mga bayarin para diumano sa mga module,
workshop, at elective courses sa ilalim ng K-12. Sa Polytechnic
University of the Philippines, halimbawa, na sumisingil lamang ng
P12 per unit sa kolehiyo, ay may planong magpatupad ng P16,000
tuition rate para sa senior high.
Aabot sa 1 milyong dropouts
Sa isang pahayag, inamin din ng DepEd na 3,839 sa 7,976 o 48
porsyento lamang ng mga pampublikong high schools ang isinumite
para sa pagpopondo at pagdagdag ng pasilidad para sa K-12. Sa plano
ng DepEd, 800,000 hanggang 1.1 milyon o kalahati lamang ng 2.2
milyong mag-aaral na kasalukuyang nasa 4th
year high school ang maaaring maipasok sa mga pampublikong
paaralan.
Sa madaling salita, mayorya ng mga paaralang nagbibigay ng
senior high ay mga pribadong paaralan. Aabot ng isang milyong
mag-aaral ang mapipilitang pumasok sa mga pribadong paaralan at
magbayad ng mas mataas na matrikula o magdropout na lamang.
Tiyak na mas tataas ang numero ng out-of-school-youths at mga
dropout sa lubos na pagpapatupad ng K-12, ani Anakbayan. Lalong
lumubha ang dati nang mataas na dropout rate sa bansa, dagdag ng
grupo. Sa kasalukuyan, kalahati ng populasyon ng kabataan na may
edad 11-15 ay out-of-school habang 20 lamang sa 100 na pumasok sa
Grade 1 ang nakatakdang makapagtapos ng kolehiyo.
Karamihan sa mga di makapagtapos ng K-12 ay mahihirapan ding
makapaghanap ng trabaho dahil ituturing na silang mga high school
dropouts. Mangangahulugan din ito ng pagtaas sa numero ng mga
walang trabaho sa bansa.
Vouchers, hindi solusyon
Kinundena rin ng Anakbayan ang ipinangako na vouchers ng DepEd
dahil hindi nito mapupunan ang lahat ng gastos at mataas na tuition
rates sa mga pribadong paaralan.
K-12 at drop-outs
Bilang ng public high schools: 7,976
Mga paaralang may planong magpatupad ng senior high:
3,83948 % lamang ito
Estudyanteng 4th year high school na kailangang magsenior high:
1.95 M-2.2 milyon
Estudyanteng matatanggap sa mga paaralang DepEd:
800,000-1.1 milyonMaaaring umabot sa
800,000-1.4 M ang mga drop-outs.
Mga daratnang kakulangan sa pasukan Klasrum: 210,000 Guro:
114,304 Sanitation Facilities: 2 milyon Libro: 60 milyon
Sanggunian: mga pahayag ng DepEd at ulat nito sa
Senado>>>Ituloy sa p6
-
6 HUNYO 2015 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN
Ilantad ang huwad na BBL ni Aquino, itaguyod ang pakikibaka ng
Bangsamoro para sa sariling pagpapasya
Ang katotohanan, ang BBL na kondisyon ng grupong Moro Islamic
Liberation Front (MILF) sa usapang pangkapayaan nito sa gobyerno ay
nagbibigay lamang ng ilusyon na tutugunan ang mga aspirasyon ng
mamamayang Moro. Lumalabas na ang BBL pa mismo ang magpapahamak sa
mga ito.
Una sa lahat, hindi saklaw ng BBL ang paglutas sa mga
sosyo-ekonomikong ugat ng kahirapan at inhustisya na dahilan ng
rebelyong Moro at digmaan sa Mindanao.
Hindi bahagi sa mga probisyon ng BBL ang pagwasak sa monopolyo
sa lupang agrikultural at mineral ng mga dayuhan at iilang
naghaharing uri, ang pamamahagi nang libre ng lupa sa mga
magsasaka, at ang pagkilala sa mga lupaing katutubo ng Bangsamoro
at ibang pambansang minorya.
Wala ring probisyon ang BBL para sa pagtatayo ng mga pambansang
industriya na magbibigay ng sapat na trabaho sa mamamayang Moro.
Mistulang hindi nito layunin ang pag-angat sa kahirapan ng
mamamayang Moro, katutubo at iba pang naninirahan sa
Bangsamoro.
Minamadali ngayong ipasa ng mga alyado ni Aquino sa Kongreso ang
BBL. Pinapaasa ng rehimeng Aquino ang MILF na madaling ipagkaloob
ng mga reaksyunaryong institusyon katulad ng Kongreso,
Hudikatura, at ng mga naghaharing uri ang tunay na awtonomiya
para sa Bangsamoro.Ngunit malinaw ngayon na ginagamit lamang ng
gobyernong Aquino ang BBL para sa pagpapahina at lubusang
pasipikasyon ng pakikibaka ng mamamayang Moro.
Gayunman, kahit na mapasa ang BBL sa Kongreso malamang na
hahamunin pa rin ito sa Korte Suprema tungkol sa pagiging
konstitusyonal nito. Hinahadlangan sa ngayon ng iilang mambabatas
ang BBL dahil sa paglabag nito sa Konstitusyon, lalo na sa paksa ng
pagtatayo ng sariling gobyerno ng Bangsamoro. Nariyan din ang
implementing rules and regulations na malamang ay susunod na
administrasyon na ang gagawa.
Hinding-hindi isusuko ng naghaharing uri ang kanilang awtoridad
sa Bangsamoro lalo na sa lupang ninuno at mga likas na kayamanan
nito. Sa halip ay gagamitin lamang ang BBL upang pabilisin ang
pagpasok ng dayuhang kapital at pandarambong ng kayamanan ng
rehiyon.
Kaya hindi kataka-taka na nililimitahan pa rin ng mga
kontra-mamamayang patakaran ng pambansang gobyerno ang lahat ng
maaaring ipasa at ipatupad ng mga opisyal ng Bangsamoro sa ilalim
ng BBL. Mapapasailalim pa rin ang Bangsamoro sa mapaminsalang Oil
Deregulation Law, Electric Power Industry Act, 1995 Mining
Act, foreign investment law, mga di-pantay na kasunduan sa
dayuhan, at iba pang mapagsamantala at mapang-aping mga batas sa
pambansang saklaw.
Walang magiging pinagkaiba kung gayon ang gobyernong Bangsamoro
ng BBL sa bigong pagsubok sa awtonomiya ng Autonomous Region of
Muslim Mindanao o ARMM. Ang hindi paglutas ng BBL sa laganap na
kahirapan at kawalan ng katarungan sa Bangsamoro ay magsisilbi
lamang panlipunang batayan sa pagpapatuloy ng armadong rebelyon ng
mamamayang Moro sa hinaharap.
Naninindigan ang Anakbayan na hindi makakamit ang mga hinahangad
ng mamamayang Moro sa ilalim ng BBL ni Aquino. Nakikiisa kami sa
mga mamamayan sa Mindanao sa pagsusulong ng pakikibaka para sa
tunay na kapayapaan at kalayaan at para sa sariling pagpapasya.
Ang DepEd vouchers ay may halaga lamang ng P8,750 hanggang
P22,500 kada estudyante habang aabot sa P35,000 hanggang P80,000
ang mga bayarin sa pribadong paaralan, di pa kasali ang ibang
gastos para sa transportasyon at pagkain.
Malaki rin ang posibilidad na ang pondo para sa DepEd vouchers
na maghahaalga ng P19.8 bilyon ay maibubulsa lamang ng mga
pribadong paaralan at kakuntsabang korap na opisyal habang ang mga
mag-aaral at mga magulang ay magdurusa sa mas mataas na bayarin
para sa edukasyon.
Pinangungunahan ng Anakbayan, League of Filipino Students, at
iba pang mga grupo ng kabataan at estudyante ang Stop K-12
Movement, isang pambansang alyansa ng mga mag-aaral, magulang, at
guro. Plano ng mga grupong ito na batiin ang pagbukas ng klase sa
pambansang protesta laban sa K-12 at pagtaas ng matrikula.
Isang malaking kasinungalingan ang pinalalabas ng rehimeng
US-Aquino na isusulong ng Bangsamoro Basic Law (BBL) ang pakikibaka
ng mamamayang Moro para sa sariling pagpapasya at na ihahawan nito
ang landas para sa pagkamit ng kapayapaan sa Mindanao.
-
7TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN | HUNYO 2015
Makiisa sa welga ng mga manggagawa ng Tanduay!
Nakikiisa ang Anakbayan sa pakikibaka ng mga manggagawa ng
Tanduay, na pinamumunuan ng Tanggulan Ugnayan Daluyang Lakas ng
Anakpawis sa Tanduay Distillers Inc. (TUDLA), para sa regular na
hanapbuhay at makataong kondisyon sa paggawa. Ang Tanduay
Distillers Inc. ay pagmamay-ari ng kilalang malaking negosyante na
si Lucio Tan.
Ikinasa ng mga manggagawa ng Tanduay ang kanilang welga noong
Mayo 18, 2015.
Lumahok dito ang 397 na kontraktwal na mga manggagawa na bumubuo
ng 90% ng mga manggagawang nagtatrabaho sa Tanduay Distiller Inc.
sa Cabuyao, Laguna. Karamihan sa mga manggagawang kontraktwal ay 5
hanggang 11 taon nang nagtatrabaho sa Tanduay pero nananatili pa
ring kontraktwal. Ang mga manggagawang kontraktwal ng Tanduay ay
sumasahod lamang ng P315 kada araw, at maaari pang bumaba ang
mababa na ngang sahod sa P255 floor wage dahil sa iskemang
Two-Tiered wage system na isang anti-manggagawang polisiya na
pinapatupad ng rehimeng US-Aquino.
Ang mga manggagawa sa Tanduay ay malapit sa peligro dahil sa
kawalan ng safety protocols. Ayon nga mismo sa mga manggagawa ng
Tanduay, kapos din sila sa mga Personal Protective Equipment (PPE).
Madalas ikinakaltas pa ng management sa kanilang sahod ang pagkuha
sa PPE.
Wala ding nakukuhang benepisyo mula sa management ang mga
manggagawa na maaari sanang makapagpataas ng kalidad ng kanilang
buhay sa kagyat at sa kanilang pagreretiro. Dagdag pa, wala din
silang kaseguruhan sa trabaho dahil sa iskemang Labor Only
Contracting (LOC) na ipanatutupad ng Tanduay.
Kahit napakarami na ng kasalanan ng management ng Tanduay sa
kanilang manggagawa, hindi tumindig ang kasalukuyang nakatayong
unyon sa loob ng pagawaan. Pinaasa ng dilawang unyon na ito ang mga
manggagawa ng Tanduay. Ang unyon na ito ay nag bingi-bingihan sa
mga hinaing ng mga manggagawa. Bago ikinasa ang welga, nagpetisyon
na para sa regularisasyon ang mga manggagawa sa Department of Labor
and Employment (DOLE). Subalit pumanig ang DOLE sa management ng
Tanduay, pinagtanggol ng DOLE ang paggamit ng LOC ng kumpanya.
Samut saring panunupil na ang nararanasan ng mga manggagawa mula
sa management. Kabilang na rito ang 5 araw na forced leave simula
noong Abril 24, sapilitang pagpapapirma sa waiver na mag-aatras sa
paglaban ng mga manggagawa para sa regularisasyon, at bago pa man
magsimula ang welga, kumpirmado nang higit sa 200 manggagawa ang
tatanggalin ng management dahil lamang sa kanilang paninindigan na
ipaglaban ang kanilang karapatan. Sa mismong pagputok ng welga,
binomba ng tubig, pinagbabato at sapilitang pinaalis ang mga
manggagawa, pero nanaig ang lakas ng sama-samang pagkilos ng mga
manggagawa laban sa panunupil ng management at ng gobyerno.
Ang kalagayan ng mga manggagawa sa Tanduay ay naglalarawan sa
kabuuang kalagayan ng mga manggagawa sa buong Pilipinas. Ang mga
manggagawa
na siyang nagpapagod para umunlad ang ating bayan ay patuloy na
pinapahirapan ng mababang pasahod, kontraktwalisasyon, kawalan ng
maayos na benipisyo sa trabaho, delikadong kundisyon sa paggawa, at
kawalan ng karapatan sa pag-uunyon. Habang patuloy na lumulubog sa
kahirapan ang mga manggagawa, nagpapakasasa sa yaman na nililikha
nila ang mga kapitalista gaya ni Lucio Tan.
Sa kabila ng kalunus-lunos na kalagayan ng mga manggagawa
patuloy parin ang ang atake ng rehimeng US-Aquino sa mga
manggagawa. Patuloy ang paglikha at pagpapatupad sa
kontra-manggawang mga polisiya sa ilalim ni Aquino. Lagi ring
nakaantabay ang gobyerno ni Aquino na ipagtanggol ang mga
kapitalista, at supilin ang mga manggagawang nakikipaglaban para sa
kanilang mga karapatan.
Nararapat lang na makiisa tayo sa laban ng mga manggagawa ng
Tanduay para sa regular na hanapbuhay at makataong kondisyon sa
paggawa. Tulungan natin ang mga manggagawa ng Tanduay na ilantad
and kanilang kalunus-lunos na sitwasyon, at ang sabwatan ng ganid
na management ng Tanduay at ng bulok na gobyerno ni Aquino.
Manghimok din tayo ng mas marami pang tao na tumungo sa piket upang
makiisa sa welga. Tiyak na maipapanalo ang welgang ito sa
sama-samang pagkilos ng mga manggagawa at ng sambayanan.
Ang tagumpay na makakamit ng welgang ito ay hindi lamang
tagumpay ng mga manggagawa ng Tanduay Distiller Inc., ito ay
tagumpay din ng lahat ng mga manggagawa sa Pilipinas at isang
hakbang pasulong sa tunay na pagbabago sa lipunan.
PH
OTO
CR
EDITS: A
RK
IBO
NG
BA
YAN
.OR
G
-
8 HUNYO 2015 | TINIG NG KABATAANG MAKABAYAN
PUNONG PATNUGOTOrion Yoshida
MGA KAWANIAndrea Lim, Bethany Pascua, Richard James Mendoza, Ina
Nacario, Issa Baguisi, Jaems Relativo, Jaque Eroles, Karlo Mikhail
Mongaya,
Reeza Rosalada, Shelly Dalmacio, Vencer Crisostomo
PAGLALAPATEdward Pastor
Para sa mga suhestyon, komento at kontribusyon, makokontak kami
sa mga sumusunod:
[email protected]
facebook | Anakbayan Philstwitter | @anakbayan_ph
Ka Marlon: artista ng bayan, rebolusyonaryong martir ng
sambayanan
Ipinapaabot ng Anakbayan ang pinakamataas na pagpupugay para kay
Ka Marlon Caacbay, artista ng bayan, rebolusyonaryong martir ng
sambayanan.
Taong 2004 nang marekluta sa Politeknikong Unibersidad ng
Pilipinas (PUP) sa organisasyon ng Musicians for Peace, si Ka
Marlon o mas kilala sa tawag na Lon. Sa simula, hindi gaanong
aktibo at mahiyain. Noong taong 2005, sustinido itong lumahok sa
ibat-ibang mga aktibidad at masikhay na gumampan ng gawain ng
organisasyon kaya nahalal itong vice chairperson noong 2006. Dito,
aktibong gumampan si Lon ng gawaing edukasyon at organisasyon.
Dahil sa mga positibong resulta ng kanyang mga gawain, taong
2007 nagpasya si Lon na lumabas sa apat na sulok ng pamantasan
upang mag-organisa sa mga komunidad sa Maynila sa kasagsagan ng
kainitan ng paglaban ng mamamayan sa tabing riles. Nakatulong ang
mga karanasan niya sa panahong iyon upang makapagpasya siya na
kumilos ng buong panahon bilang manggagawang pangkultura.
Tuloy-tuloy siyang naging aktibo sa paglahok sa mga malalaking
kampanya at pagkilos sa buong Metro Manila tulad ng Peoples Caravan
for Truth, Justice and Change. Naging mabisa ang kampanyang ito sa
pag-abot sa malawak na bilang ng maralitang tagalungsod, mga
paaralan at maging ang simbahan. Tugon ito upang patalsikin ang
naghaharing rehimeng US-Arroyo.
Noong 2009, nakipamuhay si Lon sa mga manggagawa ng Advan na
nakapiket din noong mga panahong iyon. Nagbigay siya ng mga pag
aaral at nag-ambag para mapataas ang kanilang ahitasyon. Naging
bahagi din siya ng paglaban sa demolisyon ng mamamayan ng San Juan,
Corazon de Jesus noong 2010.
Sa kalakhan ay nagpatuloy si Lon na kumilos lalo na bilang
manggagawang pangkultura. Noong taong 2014, nagpasya siyang tumungo
sa kanayunan at mag-organisa sa malawak na hanay ng magsasaka.
Nitong ika-10 ng Mayo, pinaslang ng mga kaaway si Ka Marlon o Ka
Ope. Namartir siya sa edad na 27.
Maiksi man ang buhay ni Ka Marlon, kasimbigat ng bundok ang
kanyang kamatayan. . Martir
at bayani ng kabataan at mamamayan si Ka Marlon. Mananatili ang
kanyang mga kontribusyon at inspirasyon. Mas marami pang tatangan
ng armas niyang nabitawan at magpapatuloy ng pambansa-demokratikong
pakikibaka hanggang sa tagumpay.
Mabuhay si Ka Marlon Ka Ope Caacbay! Mabuhay ang lahat ng martir
ng sambayanan!Kabataan tumungo sa landas ng paglaban!
PH
OTO
CR
EDITS: P
IXEL OFFEN
SIVE