Hunyo 2014 Kataga Kataga ng ng Buhay Buhay
Hunyo 2014 Hunyo 2014
KatagaKataga
ng ng
BuhayBuhay
“Tandaan ninyo, ako’y laging kasama ninyo
hanggang sa katapusan ng panahon” (Mt 28,20).
Sinimulan ng Ebanghelistang
si Mateo ang kanyang
Ebanghelyo tungkol sa buhay
ni Jesus. Inalala niya na Siya
ay ang Emanuel, na ibig
sabihin ay “sumasaatin ang
Diyos”. (cf Mt 1,23),
Inulit niya ang mga katagang ito sa pagtatapos ng
Ebanghelyo, ang Kanyang pangakong palaging manatili
sa ating piling, kahit pagkatapos Niyang bumalik sa
langit. Siya ay mananatiling “Diyos na sumasaatin”
hanggang sa wakas ng panahon.
Sinabi ni Jesus ang mga katagang ito sa mga alagad matapos Niyang ipagkatiwala sa kanila ang
tungkuling dalhin ang Kanyang mensahe sa buong mundo.
Alam Niya ang mga panganib na kanilang haharapin, na sila ay parang mga tupa sa gitna ng mga lobo at
sila ay makakaranas ng mga kahirapan at pagtuligsa. (cf Mt 10,16-22).
Ito ang dahilan kung bakit ayaw Niya silang iwan sa kanilang misyon. Kaya’t sa mismong sandali ng Kanyang paglisan, nangako Siyang mananatili!
Hindi na nila Siya makikita, hindi na maririnig ang Kanyang tinig, o kaya ay mahahawakan, subalit Siya
ay paroroon sa kanilang gitna, kagaya ng dati; katunayan, higit pa kaysa dati.
Hanggang sa panahong iyon, ang Kanyang presensya sa mundo ay limitado lamang sa isang tiyak na lugar,
sa Capernaum, sa lawa, sa mga bundok, o sa Jerusalem. Subalit simula sa pagkakataong iyon,
paroroon Siya saan man naroon ang Kanyang mga alagad.
Iniisip din tayong lahat ni Jesus, ang ating mga dinaranas sa araw-araw, ang kung minsa’y tila
magulong pamumuhay.
Sapagkat Siya ay Pag-ibig na nagkatawang tao, maaring naisip Niya: nais Kong palaging makasama sila, makibahagi sa kanilang mga alalahanin, bigyan
sila ng payo; nais Kong maglakad sa lansangan kasama nila, pumasok sa kanilang tahanan, bigyan sila
ng sigla ng Aking presensya.
Ito ang dahilan kung bakit nais Niyang manatili sa ating piling at ipadama sa atin ang Kanyang pagiging malapit, ang Kanyang lakas, ang Kanyang pag-ibig.
Sinasabi sa Ebanghelyo ni Lukas na pagkatapos na makita Siyang umakyat sa langit, ang mga alagad
ay “nagbalik sa Jerusalem ng may matinding kagalakan” (Lk 24,52).
Paano ito nangyari?
Dahil naranasan nila ang katotohanan ng Kanyang mga sinabi.
Tayo rin ay mapupuno ng kagalakan kung tunay tayong maniniwala sa pangako ni Jesus:
“Tandaan ninyo, ako’y laging kasama ninyo
hanggang sa katapusan ng panahon” (Mt 28,20).
Ang mga huling katagang ito ni Jesus sa mga alagad, ang tanda ng katapusan ng Kanyang buhay dito sa
lupa, at kasabay nito, ang simula ng buhay ng Simbahan kung saan Siya ay naroon sa maraming
paraan:
sa Eukaristiya, sa Kanyang Salita, sa Kanyang mga ministro (obispo, pari), sa mga dukha, sa mga maliliit,
sa mga isinasantabi ng lipunan... sa bawat kapwa.
Nais nating bigyang diin ang isang natatanging presensya ni Jesus, na ipinahayag Niya sa atin sa Ebanghelyo ni Mateo: “Kung saan may dalawa o tatlong natitipon sa pangalan Ko, naroon Akong
kasama nila” (cf Mt 18,20).
Ninais Niyang
lagi Siyang
naroon saan
man sa
ganitong
paraan.
Kung isasabuhay natin ang mga utos Niya, lalo na ang Kanyang Bagong Utos, mararanasan natin ang presensyang ito kahit sa labas ng simbahan, sa gitna ng karamihan, saan man
ang presensyang ito ay pinapatiling buhay, sa lahat ng dako.
Ang hinihingi sa atin ay pagmamahalan, na binubuo ng paglilingkod at pagkakaunawaan, ng pakikibahagi sa mga pagdurusa, pagkabahala at tuwa ng ating mga
kapatid, isang pagmamahal na tinitiis ang lahat, nagpapatawad sa lahat, na pangkaraniwan sa
Kristiyanismo.
Mamuhay tayo sa ganitong paraan upang ang lahat ay mabigyan ng pagkakataon na makatagpo Siya dito pa
lamang sa lupa.
Isinulat ni Chiara LubichIsinulat ni Chiara Lubich
“Tandaan ninyo, ako’y laging kasama ninyo hanggang sa
katapusan ng panahon”(Mt 28,20).