Top Banner
Republic of the Philippines DEPARTMENT OF AGRICULTURE NATIONAL MEAT INSPECTION SERVICE 1101 Visayas Ave., Diliman, Quezon City (02)9247980/7973 Ano-ano ang mga batas na nagpapatibay sa pagbabawal ng “flooding” sa hayop? ⦿ DA - Administrave Order No. 15 s. 2006 Batas na nagbabawal sa di-makataong pagbobomba o sapilitang pagpapainom ng tubig sa mga baka at kalabaw. Ito ay malimit gawin ng mga viajero at dealers bago katayin para bumigat ang mbang at mag mukhang malusog ang mga hayop. Pagbabawal ng Supak o Tingal sa Kataying Baka o Kalabaw (Prohibiting “flooding” of Food Animals in Slaughterhouses) Region 1 (075)514-2152 Region 2 (078)846-7428 Region 3 (045)455-3331 Region 4A (043)757-3181 Region 4B (02)927-4877 Region 5 (054)477-0499 Region 6 (033)337-0956 Region 7 (032)345-5974 Region 8 (053)323-8503 Region 9 (062)214-4731 Region 10 (088)855-3472 Region 11 (082)224-2737 Region 12 (083)228-3662 CAR (074)444-9848 CARAGA (085)341-2531 NCR 927-4050 ⦿RA 10536 Amended RA 9296 (Meat Inspecon Code of the Philippines) Unang paglabag: P50,000.00 Pangalawang paglabag: P75,000.00 Pangatlong paglabag: P100,000.00 at pagbawal magnegosyo ng dalawang (2) taon. ⦿ RA 7394 – Consumer Act of the Philippines Kulong na di baba sa limang (5) taon o multa na hindi bababa sa isang libong piso (P1,000.00) at hindi hihigit sa sampung libong piso (P10,000.00) o parehong pagkakulong at multa. ⦿RA 10631 – Amended RA 8485 (Animal Welfare Act of the Philippines) Kulong ng dalawang (2) taon at isang araw hanggang tatlong (3) taon o multa na dalawang daan at limampung libong piso (P250,000.00) o parehong pagkakulong at multa kapag ang lumabag ay nanunungkulan sa gobyerno o isang sindikato. Paano ka makakatulong upang matigil ang gawain na ito? Ipagbigay alam kaagad sa Beterinaryo o sa local na pamahalaan ng inyong bayan o lalawigan ang maling gawaing ito. Maari ring pumunta o tumawag sa tanggapan ng Naonal Meat Inspecon Service sa inyong rehiyon. Ano ang Pinagkaiba ng Normal na Karne sa Karneng dumaan sa flooding?” Ang karneng dumaan sa tamang pamamaraan ng pagkatay ay: ⦿ Mapula ⦿ Malaki ang hibla ng karne at merong taba ⦿ Malambot Ang karne ng baka na dumaan sa flooding o supak ay: ⦿ Nagtutubig ⦿ Maputla ⦿ Mabilis mapanis ⦿ Mataas ang reseko o kabawasan sa mbang Ang mga larawan ay halimbawa ng karne na dumaan sa flooding: Nagtutubig, maputla, may umaahos na tubig mula sa yan ng kinatay na hayop.
2

Supako Tingal

Jan 29, 2017

Download

Documents

TranAnh
Welcome message from author
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
Page 1: Supako Tingal

Republic of the Philippines DEPARTMENT OF AGRICULTURE

NATI O NAL M EAT I NSPECTI O N SERVI CE

1101 Visayas Ave., Diliman, Quezon City (02)9247980/7973

Ano-ano ang mga batas na nagpapatibay

sa pagbabawal ng “flooding” sa hayop?

⦿ DA - Administrative Order No. 15 s. 2006

Batas na nagbabawal sa di-makataong pagbobomba o sapilitang pagpapainom ng tubig sa mga baka at kalabaw. Ito ay malimit gawin ng mga viajero at dealers bago katayin para bumigat ang timbang at mag mukhang malusog ang mga hayop.

Pagbabawal ng

Supak o Tingal sa Kataying Baka o

Kalabaw

(Prohibiting “f looding” of

Food Animals in Slaughterhouses)

Region 1 (075)514-2152

Region 2 (078)846-7428

Region 3 (045)455-3331

Region 4A (043)757-3181

Region 4B (02)927-4877

Region 5 (054)477-0499

Region 6 (033)337-0956

Region 7 (032)345-5974

Region 8 (053)323-8503

Region 9 (062)214-4731

Region 10 (088)855-3472

Region 11 (082)224-2737

Region 12 (083)228-3662

CAR (074)444-9848

CARAGA (085)341-2531

NCR 927-4050

⦿RA 10536 – Amended RA 9296 (Meat Inspection Code of the Philippines)

Unang paglabag: P50,000.00

Pangalawang paglabag: P75,000.00

Pangatlong paglabag: P100,000.00 at pagbawal magnegosyo ng dalawang (2) taon.

⦿ RA 7394 – Consumer Act of the Philippines

Kulong na di baba sa limang (5) taon o multa na hindi bababa sa isang libong piso (P1,000.00) at hindi hihigit sa sampung libong piso (P10,000.00) o parehong pagkakulong at multa.

⦿RA 10631 – Amended RA 8485 (Animal Welfare Act of the Philippines)

Kulong ng dalawang (2) taon at isang araw hanggang tatlong (3) taon o multa na dalawang daan at limampung libong piso (P250,000.00) o parehong pagkakulong at multa kapag ang lumabag ay nanunungkulan sa gobyerno o isang sindikato.

Paano ka makakatulong upang matigil ang gawain na ito?

Ipagbigay alam kaagad sa Beterinaryo o sa local na pamahalaan ng inyong bayan o lalawigan ang maling gawaing ito. Maari ring pumunta o tumawag sa tanggapan ng National Meat Inspection Service sa inyong rehiyon.

Ano ang Pinagkaiba ng Normal na Karne sa Karneng dumaan sa

“flooding?”

Ang karneng dumaan sa tamang pamamaraan ng pagkatay ay:

⦿ Mapula

⦿ Malaki ang hibla ng karne at merong taba

⦿ Malambot

Ang karne ng baka na dumaan sa flooding o supak ay: ⦿ Nagtutubig ⦿ Maputla ⦿ Mabilis mapanis ⦿ Mataas ang

reseko o kabawasan sa timbang

Ang mga larawan ay halimbawa ng karne na dumaan sa flooding: Nagtutubig, maputla, may umaahos na tubig mula sa tiyan ng kinatay na hayop.

Page 2: Supako Tingal

Ano ang magandang maidudulot ng

Animal Welfare?

Ang karne ng baka ay isa sa mga pangunahing pinagkukunan ng protina na nagbibigay nutrisyon sa tao. Ang pagsunod sa tamang pamamaraan ng pagkatay at maayos na pangangalaga ng hayop ng mga matadero ay nagdudulot ng mas ligtas, mabilis at mas epektibong pamamaraan sa pagkatay.

Maayos na pagtataboy ng hayop.

Ang pagsupak ay malupit na pagtrato sa kataying hayop. Ang sapilitang pagpapainom ay magdudulot ng sakit at maaring ikamatay ng hayop. Ito ay ginagawa ng mga hanggaring lumaki ang kita sa maling pamamaraan.

Ano ang “Flooding,” Tingal, Supak o Bomba?

Maayos na pangangalaga sa hayop.

Ang tingal, supak o bomba ay salitang tumutukoy sa flooding o ang malupit na pagtrato sa kataying hayop na sapilitang pinapainom sa pamamagitan ng pagpasok ng hose ng tubig sa bunganga hang-gang sa mabundat ang katawan at tumirik ang mga mata nito.

2. Dilat na dilat ang mga mata.

3. May

lumalabas na dugo at tubig sa ilong at bibig.

4. Hindi makakilos o makagalaw ng normal dahil sa kabigatan ng katawan.

5. Labis na

paglalaway at sumusuka ng tubig.

1. Halos mabilog ang buong pangagatawan lalo na sa bandang leeg, buong tiyan at mukha.

Ano ang mga palatandaan ng hayop na

na-tingal, nasupak o nabomba? Tamang pamamaraan sa pagtrato at pag-restrain sa hayop bago katayin.

Maayos na pagdiskarga sa hayop.

Epektibo at maayos na pamamaraan sa pagkatay ng hayop.

Ang gawaing ito ay ang isa sa mga dahilan ng

pagkakaroon ng kontaminasyon sa karne mula sa

mga nilalaman ng bituka at tiyan ng kinatay na

hayop.