Top Banner
MA. FE GANNABAN, PHD Ma. Fe Gannaban, PhD De La Salle University Manila Isa sa kinahuhumalingan ng mga mag-aaral sa kasalukuyan ay ang social networking sites (SNS). Madalas pinagkakamalang hindi maganda ang nagiging bunga nito sa kanilang pag-aaral (talaga nga kaya?); partikular ang karamihan sa mga magulang sila ay may mga negatibong persepsyon tungkol sa usaping ito. Mahirap igiit sa mga mag- aaral na wala itong mabuting idudulot at lalong mahirap makipagtagisan sa kanila hinggil sa masamang epekto ng social networking sites. Ang pananaliksik na ito ay isang eksploratoryong pag-aaral sa paggamit ng social networking sites sa pagtuturo ng wikang Filipino. Pokus ng pag-aaral na ito na matukoy ang papel na ginagampanan ng SNS sa proseso ng pagkatuto ng mga mag-aaral; gayundin ang pagdalumat sa positibo at negatibong epekto nito sa larangan ng pagtuturo lalo na sa wikang Filipino at aalamin din kung ang SNS ay nakakatulong sa pagtuturo ng Filipino. Layunin ng papel na ito na malaman ang papel na ginagampanan ng SNS sa proseso ng pagkatuto ng mga mag-aaral; tukuyin ang mga positibo at negatibong epekto ng SNS bilang estratehiya sa larangan ng pagtuturo; at dalumatin kung talagang nakakatulong ba ito sa pagtuturo. Penomenolohikal na pamaraan ang gagamitin sa pag-aaral; batay ito sa obserbasyon, eksperimento at karanasan ng mga guro at mag-aaral na gumagamit ng SNS. Nagsagawa ng pakikipanayam sa mga guro na gumagamit ng SNS sa pagtuturo, gayundin sa mga estudyante.Pinakasikat sa mga SNS at madalas gamitin ng mga mag-aaral ay ang Facebook. Ang mga takdang-aralin, babasahin at dapat pag-usapan tulad ng ilang paglilinaw o katanungan tungkol sa paksang-aralin natalakay at tatalakayin pa ay nabibigyang-linaw at tugon sa pamamagitan ng facebook dahil dito madalas naka-OL (on line) ang mga estudyante. Malaking bagay din ito upang maging daan sa pagpapasa ng mga takdang-aralin ng mga estudyante dahil ito ay paper less at malaking tulong pa ito upang mabawasan ang global warming. Sa kabilang banda, ang e-group ay malaking bentahe rin upang doon i-upload ang mga babasahin o iba pang panawagan o ilang paalala sa mga estudyante halimbawa sa mga takdang araw o deadline ng pagpapasa ng proyekto, takdang-aralin, at iba pa. Bagamat, maaari rin namang mag-upload sa facebook. Isinusulong ng papel na ito ang paglalapat ng mga networking sites sa pagtuturo ng wikang Filipino sapagkat may kabutihan din itong maidudulot sa pagkatuto sa halip na palagiang ipagbawal ito sa mga mag-aaral na para bang isang malaking banta sa kanilang pag- aaral at maging sa kanilang buhay. Datapwat, nararapat pa ring isaalang-alang ang hangganan o parameter ng mga SNS. Ang papel na ito ay maihahanay sa isa sa mga kulturang popular na kadalasang pinagbubuhusan ng pansin ng mga mag-aaral. Ang SNS ay isa sa mga dulog- teknolohikal na magagamit natin sa pagtuturo. Maaaring magbigay ng oportunidad ito sa mga guro upang kumonekta sa mga mag-aaral ngunit ang koneksyon ay may parametro ang uganyang guro-mag-aaral. Ang SNS ay ginaggamit sa pagkakaibigan na iba naman ang gamit sa larangan ng pagtuturo. Madalas din itong gamitin ng mga mag-aaral sa pakikipagkaibigan. Kung gayon, kapag ito ba ay ginamit bilang bahagi sa pagtuturo, mailalalagay din ba ng mga mag-aaral at guro na gumagamit ng SNS ang hangganan o parametro ng ugnayan nila sa sia’t isa: guro-mag-aaral na ugnayan. May pagkakataon na nagpopost ang mga estudyante ng personal na pananaw o komentaryo tungkol sa kanilang guro ngunit hindi binabanggit ang pangalan datapwat alam nilang lahat na kabilang sa grupo kung sino ang pinag-uusapan. Idagdag pa ang usapin ng cyberbullying. Salamat at nagkaroon na ng bagong batas ngayon na anti-cyber crime tulad ng cyber bullying. Komprehensibong papel-pananaliksik ang inaasahang kalalabasan ng pag-aaral na ito. Mga Susing Salita. Social Networking Sites (SNS), Pagtuturo ng Wikang Filipino, Dulog Teknolohikal, Teknolohiya, Cyber Crime Act e 76
14

SNS sa PAGTUTURO NG WIKANG FILIPINO

Mar 13, 2023

Download

Documents

Welcome message from author
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
Page 1: SNS sa PAGTUTURO NG WIKANG FILIPINO

e

MA. FE GANNABAN, PHD

Ma. Fe Gannaban, PhD De La Salle University Manila

Isa sa kinahuhumalingan ng mga mag-aaral sa kasalukuyan ay ang social networking sites (SNS). Madalas pinagkakamalang hindi maganda ang nagiging bunga nito sa kanilang pag-aaral (talaga nga kaya?); partikular ang karamihan sa mga magulang –sila ay may mga negatibong persepsyon tungkol sa usaping ito. Mahirap igiit sa mga mag-aaral na wala itong mabuting idudulot at lalong mahirap makipagtagisan sa kanila hinggil sa masamang epekto ng social networking sites. Ang pananaliksik na ito ay isang eksploratoryong pag-aaral sa paggamit ng social networking sites sa pagtuturo ng wikang Filipino. Pokus ng pag-aaral na ito na matukoy ang papel na ginagampanan ng SNS sa proseso ng pagkatuto ng mga mag-aaral; gayundin ang pagdalumat sa positibo at negatibong epekto nito sa larangan ng pagtuturo lalo na sa wikang Filipino at aalamin din kung ang SNS ay nakakatulong sa pagtuturo ng Filipino. Layunin ng papel na ito na malaman ang papel na ginagampanan ng SNS sa proseso ng pagkatuto ng mga mag-aaral; tukuyin ang mga positibo at negatibong epekto ng SNS bilang estratehiya sa larangan ng pagtuturo; at dalumatin kung talagang nakakatulong ba ito sa pagtuturo. Penomenolohikal na pamaraan ang gagamitin sa pag-aaral; batay ito sa obserbasyon, eksperimento at karanasan ng mga guro at mag-aaral na gumagamit ng SNS. Nagsagawa ng pakikipanayam sa mga guro na gumagamit ng SNS sa pagtuturo, gayundin sa mga estudyante.Pinakasikat sa mga SNS at madalas gamitin ng mga mag-aaral ay ang Facebook. Ang mga takdang-aralin, babasahin at dapat pag-usapan tulad ng ilang paglilinaw o katanungan tungkol sa paksang-aralin natalakay at tatalakayin pa ay nabibigyang-linaw at tugon sa pamamagitan ng facebook dahil dito madalas naka-OL (on line) ang mga estudyante. Malaking bagay din ito upang maging daan sa pagpapasa ng mga takdang-aralin ng mga estudyante dahil ito ay paper less at malaking tulong pa ito upang mabawasan ang global warming. Sa kabilang banda, ang e-group ay malaking bentahe rin upang doon i-upload ang mga babasahin o iba pang panawagan o ilang paalala sa mga estudyante halimbawa sa mga takdang araw o deadline ng pagpapasa ng proyekto, takdang-aralin, at iba pa. Bagamat, maaari rin namang mag-upload sa facebook. Isinusulong ng papel na ito ang paglalapat ng mga networking sites sa pagtuturo ng wikang Filipino sapagkat may kabutihan din itong maidudulot sa pagkatuto sa halip na palagiang ipagbawal ito sa mga mag-aaral na para bang isang malaking banta sa kanilang pag-aaral at maging sa kanilang buhay. Datapwat, nararapat pa ring isaalang-alang ang hangganan o parameter ng mga SNS. Ang papel na ito ay maihahanay sa isa sa mga kulturang popular na kadalasang pinagbubuhusan ng pansin ng mga mag-aaral. Ang SNS ay isa sa mga dulog- teknolohikal na magagamit natin sa pagtuturo. Maaaring magbigay ng oportunidad ito sa mga guro upang kumonekta sa mga mag-aaral ngunit ang koneksyon ay may parametro ang uganyang guro-mag-aaral. Ang SNS ay ginaggamit sa pagkakaibigan na iba naman ang gamit sa larangan ng pagtuturo. Madalas din itong gamitin ng mga mag-aaral sa pakikipagkaibigan. Kung gayon, kapag ito ba ay ginamit bilang bahagi sa pagtuturo, mailalalagay din ba ng mga mag-aaral at guro na gumagamit ng SNS ang hangganan o parametro ng ugnayan nila sa sia’t isa: guro-mag-aaral na ugnayan. May pagkakataon na nagpopost ang mga estudyante ng personal na pananaw o komentaryo tungkol sa kanilang guro ngunit hindi binabanggit ang pangalan datapwat alam nilang lahat na kabilang sa grupo kung sino ang pinag-uusapan. Idagdag pa ang usapin ng cyberbullying. Salamat at nagkaroon na ng bagong batas ngayon na anti-cyber crime tulad ng cyber bullying. Komprehensibong papel-pananaliksik ang inaasahang kalalabasan ng pag-aaral na ito.

Mga Susing Salita. Social Networking Sites (SNS), Pagtuturo ng Wikang Filipino, Dulog Teknolohikal, Teknolohiya, Cyber Crime Act

e

76

Page 2: SNS sa PAGTUTURO NG WIKANG FILIPINO

e

MA. FE GANNABAN, PHD

PANIMULA

Kaalinsabay ng pagbabago ng panahon ang teknolohiya, at bahagi rin ito ng pagbabago sa akademya. Sa kasalukuyang kalakaran sa mga paaralan partikular sa mga pamantasan, masasabing isa sa kinahuhumalingan ng mga mag-aaral sa kasalukuyan ang social networking sites o services (SNS). Madalas may negatibong persepsyon ang mga nasa generation Y (kabaligtaran ng X, sila ang mga magulang, matatanda, di kabilang sa henerasyon ng mga kabataan o ang mga nilalang na pinagtaksilan na ng panahon o Y pa rin kasi nagbabadya ito ng isang malaking katanungan na why?) sa SNS, pinagkakamalang hindi maganda ang nagiging bunga nito sa pag-aaral ng mga kabataan; isang tanong na kailangan ng ibayong pag-aaral. Mahirap igiit sa mga mag-aaral na walang mabuting idudulot ang SNS at lalong mahirap makipagtagisan o makipagpingkian ng katwiran kung ito nga ba ay may masamang epekto o wala.

Sa kulturang Pilipino, halos bahagi na ng

pang-araw-araw na pamumuhay ang social networking sites o services o mas kilala bilang SNS. Sa ibang salita, ito ang mga website na nagsisilbing daan sa pakikipag-ugnayan tulad ng facebook na madalas gamitin ngayon sa ating bansa, gayundin ang twitter, tumblr, my space, idagdag pa rito ang google sites at yahoo group. Ang mga site na nabanggit ang nagiging daan upang mabilis na kumonekta sa mga kaibigan, mga kamag-anak, mga kakilala na nasa malalayong lugar, matagal nang kakilala, kapareho ng interes, naisin o mithiin, kapareho ng mga aktibidades o gawain, at iba pa. Bahagi na ng kulturang Pilipino ang pakikidaupang palad sa kapwa kaya nagunguna rin tayo sa texting at aminado tayo sa taguring “texting capital of the world.”

Dagdag pa sa usapin na ang SNS ay isa sa mga dulog- teknolohikal na magagamit natin sa pagtuturo. Maaaring magbigay ng oportunidad ito sa mga guro upang kumonekta sa mga mag-aaral ngunit ang koneksyon ay may parametro:

ang ugnayang guro-mag-aaral. Pangunahing layunin ng paggamit ng SNS ay dahil sa pagkakaibigan na may malaking kaibahan naman sa larangan ng pagtuturo. Kung gayon, maaaring ipalagay na kapag ito ay ginamit bilang bahagi sa pagtuturo, mailalalagay sa balag ng alanganin ang hangganan o parametro ng ugnayan ng guro- mag-aaral na gumagamit ng SNS. May pagkakataon na nag-popost ang mga estudyante ng personal na pananaw o komentaryo tungkol sa kanilang guro ngunit hindi binabanggit ang pangalan datapwat alam nilang lahat na kabilang sa grupo kung sino ang pinag-uusapan o binabanggit sa post kahit hindi pinapangalanan- exophoric sa usaping diskurso ang bagay na ito sapagkat may kaalaman o shared knowledge ang bawat isa tungkol sa pinag-uusapaan. Idagdag pa ang usapin ng cyberbullying at isa sa mainit na usapin sa ating lipunan sa kasalukuyan ang Cyber Crime Act.

Sa kabilang banda, sinabi sa pag-aaral ni

Walling 2009, ang unang henerasyon ng internet ay tinawag na pasibong paglalathala o passive-display. Lumawak ito at naging interaktibo lalo na sa aspekto ng pagsulat at pagbasa na lalong humikayat sa mga gumagamit/user nito na magbahagi ng kanilang mga ideya, palagay o maging ang mga malikhain nilang gawa o likha. Bahagi ng SNS ang terminong Web 2.0, na mas kilala bilang ikalawang henerasyon (second generation) ng pag-unlad ng web. Nagsisilbing tulay o daluyan ang internet na makipag-ugnayan o kumonekta sa kapwa, makakuha o makapag-ambag ng mga impormasyon, mga bagay tulad ng mga kasalukuyang ginagawa o events na aabangan o isasagawa o sasalihan kaya, mga larawan, mensahe, notifications, video, wall posting, at iba pang dahilan ng pakikipag-ugnayan o koneksyon. Malawak na ang saklaw ng modernisasyon, lumaganap na ito mula sa ating lipunan hanggang sa mga komunidad. Ang institusyon ng edukasyon ay hindi ligtas dito at nakikinabang sa teknolohiya kung saan ang information technologies (IT) na may taglay na pananagutan ng pagbabago ng pagtuturo, pag-iisip, at pagkatuto (Halverson at Smith 2009-2010). Ang pagdating ng

77

Page 3: SNS sa PAGTUTURO NG WIKANG FILIPINO

e

MA. FE GANNABAN, PHD

makabagong panahon ay nagdulot ng maraming pagbabago sa pananaw ng mga tao. Mula sa mga konsepto kung saan parang napakalaki ng mundo ay bigla itong lumiliit at nagbago; sapagkat ang mga tao ngayon ay madalas nakaupo na lamang sa harap ng kompyuter at hindi na nakikipag-interak sa kapwa tao. At dahil sa ganitong pangyayari, ang konsepto ng cyberspace ay umusbong at ang pakikipag-ugnayan ng mga tao sa isa’t isa ay bigla na lang nagbago o nag-iba (Mapue 2006).

LAYUNIN

Layunin ng pag-aaral na ito na (1)

matukoy ang papel na ginagampanan ng SNS sa proseso ng pagkatuto ng mga mag-aaral at pagtuturo ng guro at (2) pagdalumat sa positibo at negatibong epekto ng SNS sa pagkatuto.

Ang pananaliksik na ito ay isang

eksploratoryong pag-aaral, isang pagtatangka ilahad ang paggamit ng social networking sites sa pagtuturo ng wikang Filipino. Penomenolohikal na pamaraan ang ginamit sa pag-aaral; batay ito sa obserbasyon, eksperimento at karanasan ng mga guro at mag-aaral na gumagamit ng SNS. Nagsagawa ng pakikipanayam sa mga guro na gumagamit ng SNS sa pagtuturo, gayundin sa mga estudyante. Isinusulong ng papel na ito ang paglalapat ng mga networking sites sa pagtuturo ng wikang Filipino sapagkat may kabutihan din itong maidudulot sa pagkatuto sa halip na palagiang ipagbawal ito sa mga mag-aaral na para bang isang malaking banta sa kanilang pag-aaral at maging sa kanilang buhay. Datapwat, nararapat pa ring isaalang-alang ang hangganan o parameter ng mga SNS. Ang papel na ito ay maihahanay sa isa sa mga kulturang popular na kadalasang pinagbubuhusan ng pansin ng mga mag-aaral.

AYON SA MGA PAG-AARAL

Sa isang banda, isang instrumento upang

mapabilis ang pagtuturo at pag-aaral ay ang paggamit ng SNS ay sa pamamagitan ng internet. May mga pahayag ang mga dalubhasa hinggil sa

dito. Sa website na www.gartner.com, tinukoy nina Boyd at Ellison (2007) ang kahulugan ng Social Networking Site o Service bilang pampublikong serbisyo na nagrerehistro ayon sa nakapaloob sa isang system; isang online na serbisyo o platform o site na nakatutok sa mga nangangasiwa ng gusali ng mga social network o ugnayan ng mga tao sa lipunan na nais magbahagi ng kanilang interes, gawain, naisin o gusto sa pamamagitan ng koneksyon sa mga buhay na tao. Ito rin ay nagbibigay –daan sa mga gumagamit upang ibahagi ang kanilang mga ideya, kuro-kuro o opinyon, mga gawain, kaganapan o pangyayari sa kanilang buhay at sa lipunang kanilang ginagalawan, at interes sa loob ng kanilang mga indibidwal na network. Makikita ang profile ng mga kasapi sa system; patok ito sa mga tao sapagkat makikilala ng bawat indibidwal ang nais niyang makilala. Binubuo ito ng isang kinatawan ng bawat user- madalas ng profile ang kanyang mga link sa lipunan, at ng mga karagdagang serbisyo. Karamihan sa mga social network ay web based at nagbibigay ito ng mga paraan sa user upang makipag-ugnay sa internet, tulad ng e-mail at instant messaging. Dagdag pa nina Boyd at Ellison na ang mga site na social network ay web-based na serbisyo nanagbibigay-daan sa mga indibidwal na bumuo ng mga pampubliko o semi-pampublikong profile sa loob ng isang sistemang may hangganan (bounded system); gayundin, upang makapili ng sasabihin sa mahabang listahan ng mga user kung kanino mo ibabahagi ang isang koneksyon o ang iyong sasabihin. Panghuli, ginagamit ang SNS upang tingnan at bagtasin ang mga listahan ng iyong koneksyon upang alamin ang kanilang kalagayan o status, o kung anuman ang kanilang ginagawa o pinagkakaabalahan sa loob ng system. Iba’t iba ang mga katawagan at kalikasan ng mga site. Sinipat din nila ang maikling kasaysayan ng SN. Ayon pa rin kina Boyd at Ellison (2007), nagsimula ang SN sa website na sixdegrees.com noong 1987 kung saan nabigyan ng pagkakataon ang bawat kasapi na makakonekta at makapagpadala ng mensahe sa mga kaibigan nito. Kahit marami ang naengganyo sa website na nabanggit, hindi pa rin nila gaanong napatatag ito kaya hindi rin ito nagtagal. Noong

78

Page 4: SNS sa PAGTUTURO NG WIKANG FILIPINO

e

MA. FE GANNABAN, PHD

1999 naman, sumikat ang Livejournal.com, Friendster.com noong 2002, Multiply.com at Myspace.com noong 2003 at noong taong 2004 naman sumikat ang Facebook.com. Sa pananaliksik ni Ellison, naitala sa kanilang jounal article na may pamagat na “The Journal of Mediated Communication” (2007), lumitaw na 85.2% ng mga respondent ay gumagamit ng isa o higit pang mga site ng SNS. Nasa edad 18 at 19 ang pinakamaraming bilang ng gumagamit nito; samantala, mula edad 18 hanggang 24 ang kadalasang gumagamit nito Lumabas din sa kanyang pananaliksik na kung mas bata ang user ay mas ipinapakita o ibinubunyag niya ang mga personal niyang impormasyon tulad ng kanyang buong pangalan, petsa ng kapanganakan, e-mail address o instant messaging scree name (IM). 55.8% ng mga user ay gumugugol ng limang oras bawat linggo. Pangunahing dahilan ng paggamit ng SNS ay upang makipag-ugnayan sa mga kaibigan at mga kaklase at mga dating kakilala. 5.5% ang nagsabing ginagamit ang SNS na may kaugnayan sa kanilang kurso o pinag-aaralan.

May pagkakataong ang user ay

nagpapalit ng pangalan o gumagamit ng alyas o ibang pangalan, iniiba ang kanilang profile account. Isang paraan rin ang SNS upang ang mga tahimik na indibidwal ay nagiging aktibo naman sa paggamit nito. Sa kabilang dako, may mga estranghero na ginagamit ang mga SNS sa hindi magandang layunin tulad ng makapanakit ng kapwa dahil kung ano-anong masasama at masasakit na salita ang pinopost o di kaya’y upang subaybayan nang palihim ang isang tao na gustong-gusto niya o may masamang tangka sa isang indibidwal, may mga spammer din, stalker, magnanakaw, predator, at iba pa. Kaya dapat maging maingat sa anumang ipinopost. Sa sandaling naglagay ka ng isang bagay sa iyong account ay walang garantiya na maari mo na itong matanggal muli. Tulad ng isang pangyayari na kamakailan lamang ay nabalita sa telebisyon tungkol sa mga sinuspinding mag-aaral sa isang pribadong paaralan dahil sa mga hindi magagandang salita na pinost nila tungkol sa kanilang guro. Naging dahilan ito ng kanilang kapahamakan at nasira ang kanilang kinabukasan

dahil dito. Marami na ring ulat ng mga batang nagpakamatay dahil sa cyber bullying, mga pulitikong napikon at mga artistang naiskandalo dahil sa mga naka-post at ipinost tungkol sa kanila at samut-saring pang mga pangyayari. Hindi lamang usaping interaksyon at sosyal ang kapakinabangang dulot ng SNS bagkus malaki rin ang naitutulong nito sa mga negosyo isa na rito ang pagdami ng mga mamimili online dahil bukod sa presyo na makikita sa website ay makikita rin ang iba’t ibang produkto na pwedeng pamilian. Malaki rin ang kapakinabangan dulot nito sa sa larangan ng pangangalakal. Ayon sa pag-aaral, kapag ang mga kasapi ng organisasyong ito ay nakapagpatala ng maraming miyembro o kasapi uunti ang gagastusin ng kompanya o organisasyon sa website ng negosyo. Iba pa rito ang pakinabang sa mga kasapi lamang kaysa sa mga tumatangkilik o gumagamit ng produkto. Kaya lang, kung minsan dahil sa sobrang dami ng miyembro, hindi na kayang suportahan ito ng website at dahil dito, kailangan nang maghigpit ang website lalo na sa panganaglakal at pangangailangan ng mga consumer ng produkto. Sa kabila nito, marami pa ring kompanya o organisasyon na napapanatiling panatag ang daloy ng komunikasyon sa mga kasapi na nagiging dahilan ng pagbabalik-normal ng takbo o daloy ng negosyo.

Maliban sa Facebook ilan pa sa mga

gingamit na SNS ay Twitter, Yahoo, Google+, Twitter, Tumblr, Skype, You Tube, Multiply, Myspace, Blogger, Plurk. Ilan sa dahilan ng paggamit ng mga nabanggit na SNS ay upang makipagkaibigan, pakikipag-usap sa kapamilya at malayong kamag-anak, pagbabahagi ng mga larawan, pampalipas oras, upang makakuha ng impormasyon, para sa assignment at pagbebenta ng produkto.

Ayon sa pananaliksik ni Zuckerberg at

Lunden (2012), higit sa isang bilyon ang gumagamit ng Facebook, sumunod ang Twitter na may higit na may 500 milyong user, sinundan ng Yahoo, Tumblr, at marami pang iba. Natukoy sa pananaliksik ng University of Minnesota ang

79

Page 5: SNS sa PAGTUTURO NG WIKANG FILIPINO

e

MA. FE GANNABAN, PHD

mga benepisyong dulot ng SNS. Lumitaw sa kanilang pag-aaral na hindi lamang nakakapadulot ng ligaya ang SNS o upang makakonekta lamang sa ibang tao ang SNS kundi nakakadagdag ito ng kaalaman sa digital o sistema ng teknolohiya at mga kasanayang panteknolohiya, nakakatulong din ito sa paghahanap ng mga oportunidad, may kapakinabangang edukasyonal tulad ng pagiging malikhain halimbawa sa tula at paggawa ng film, pagsasaalang-alang sa mga responsibilidad sa paggamit ng IT (Information Technology).

Sa kabilang banda, lumabas sa pag-aaral ni Shaulis (2011 ang isa sa negatibong epekto nito ito ay ang nakakabawas ito sa pagiging produktibo ng mga estudyante.

DATOS NG PAG-AARAL

Maikli lamang ang panahong ginugol sa kasalukuyang pag-aaral, kaya hindi sapat ang datos na nalikom upang ipalagay ang pangkalahatang resulta nito hinggil sa epekto ng SNS sa pagkatuto ng mga mag-aaral at pagtuturo ng mga guro. Tulad ng nabanggit sa panimula ng pag-aaral, isang eksploratoryo ang kasalukuyang pag-aaral kaya pinapangahasang sabihin ng mananaliksik na nangangailangan pa ito ng mahaba-habang panahon upang dalumatin, sipatin, at limiing mabuti ang mga resultang natamo.

Anim na guro lamang ang nakapanayam

ng mananaliksik: tatlong guro mula sa Technological University of the Philippines –Taguig Campus (TUP-T) at tatlong guro rin mula sa SLU – Baguio (Saint Louis University – Baguio). Ang mga nainterbyung guro ay hindi lahat nagtuturo ng Filipino. Kinapanayam lamang ang mga guro na gumagamit ng SNS sa kanilang pagtuturo. Habang isinasagawa ang pag-aaral na ito, natuklasan na kaunti pa lamang ang mga guro na gumagamit ng SNS sa kanilang pagtuturo ng Filipino. Kaya minabuting kapanayamin ng mananaliksik ang mga guro na kahit hindi nagtuturo ng Filipino ngunit gumagamit ng SNS sa kanilang pagtuturo. 77 mag-aaral naman ang

respondent; 40 ay nagmula sa TUP-T, 30 sa DLSU-M, at 7 mag-aaral mula sa iba’t ibang pamantasan sa Maynila.

Nakalahad sa ibaba ang transkripsyon ng

interbyu sa anim na guro hinggil sa paraan ng paggamit nila ng SNS sa kanilang pagtuturo.

T1: Depende kung sino ang admin sa

paggawa ng grupo sa FB. Pag titser kasi ang admin, medyo takot ang mga estudyanteng magpost ng kung ano-ano, siyempre. Pero pag student kasi, walang kontrol kung ano-ano ang pinopost nila. Pero di ko sila pinapansin, bahala sila. Basta kung ano ang pinost ko doon for next meeting na gagawin dapat alam nila kasi pag hindi, sorry sila. Mas tipid sa panahon kasi kung minsan kesa puntahan mo pa sila isa-isa, doon na lang sa google site namin ko ipinopost. Tapos din, di mo kailangang i-text sa kanila ang gagawin, menos gastos pa, di ba at di mo kailangang puntahan sila isa-isa o personal kasi nga me group na kami. Paper less din kasi nga di na nila kailangang mag-pass ng hard copy kasi lahat dun sa e-group namin. May nagtanong dati na estudyante na paano kung di member sa group namin. Sabi ko, nasa sa inyo yan basta ba alam ninyo ang pinopost ko saka wag kayong magtatanong kung anong gagawin next meeting kasi nga nakapost yun. Pero sa akin ang ginagamit ko ay google sites. Sa higher year hinahayaan ko sila, I mean pipili ang klase na gagawa ng account pero sa lower year ako ang admin, siyempre, first year pa lang.

T2: Ako ang gumagawa ng grupo namin.

Hindi ko hinahayaan ang mga estudyante ko na gumawa ng account namin. At dapat may guidelines ka, mahalaga iyon. Halimbawa, isa sa guidelines ko ay bawal magpost ng mga foul language, bawal magmura, bawal

80

Page 6: SNS sa PAGTUTURO NG WIKANG FILIPINO

e

MA. FE GANNABAN, PHD

ang jejemon. Tinatanggal ko sa grupo ang gumagawa noon at zero siya sa test. Ngayon, pag gusto niyang bumalik, pinagso-sorry ko at mangangakong di na niya uulitin. Isinasama ko sa test ang guidelines ko, may spot visit. Pag nakasagot me additional points. Pag hindi, zero. Hinahati ko ang ina-upload ko sa kanila for one term. Halimbawa, ang isang worksheet ay may 1 to 10 homework, 11 to 20 seatwork, 21 to 30 group work at 31 to 40 web work. Minsan tinatanong ako ng mga estudyante kung paano ko natsetsek kung nagkokopyahan sila o hindi. Sabi ko may sarili akong paraan. Lahat ng pinopost nilang sagot sa worksheet sini-save ko sa PDF file then titingnan ko doon kung sino ang nagkopyahan. Sa klase din, random, tatawag ako ipapa-solve ko sa blakbord yung ginawa niya, doon ko malalaman kung talagang naunawaan niya at siya talaga ang gumawa ng assignment niya. Marami rin akong ina-upload na readings at lectures at power point sa group namin sa FB at pag ni-like ng estudyante ibig sabihin binasa niya at naintindihan niya. So, magrarandom uli ako sa klase tatanungin ko tungkol doon halimbawa sa video na inupload ko at sa lahat ng nag-like pipili ako at tatawag ng isa kung sinong nag-like para malaman ko kung talagang naintindihan talaga nila. Pag di nakasagot zero kasi bat siya nag-like kung di niya naiintindihan. Nasa guidelines ko kasi na bago mag-like ibig sabihin naiintindihan nila, o pinanood muna nila o binasa nila alin man doon. May grupo sila na dapat pag may pina-submit ko may oras lang iyon. Nilalagyan ko ng timeline, ginuguhitan ko sa wall kung hanggang kanino lang ang nagpasa, at sumunod sa oras pag lumagpas doon at nag-send pa rin, dinidelete ko na. Kaya, zero ang hindi nakapagpasa on time. Sa wall ko rin pinopost kung ano ang mga gagawin sa

mga susunod na miting kaya pag tinanong ako ng estudyante kung ano ang gagawin next meeting sabi ko, bat di ka ba nagbabasa sa group natin? Pinapaalala ko rin na academic portal ang group namin at kaya bawal silang mag-post ng kung ano-ano. Ang negatibong nakita ko ay wala. Hindi matrabaho sa part ko kasi nga upload lang ako ng upload at namomonitor ko pa sila dahil nakikita ko ang mga pinopost nila sa wall nila at kung anong klase ng pagkatao nila. Halimbawa, nalalaman ko kung sino ang gf ni kuwan na galing sa ibang tech, so, sinasabihan ko na mag-aral–aral ka muna bago manligaw at ayus-ayusin ang mga pictures na pinopost. Tatatawa-tawa lang ang estudyante. Sa klase, nagpapa-manual rin ako. Lalo na kapag research, hand written lahat para maiwasan ang plagiarism. May software ngang nabibili o na-dadownload yata para malaman kung ilang percentage halimbawa ang na-plagiarize ng isang research. Digital, i-aupload ang research mo halimbawa, then titingnan kung ilan percentage doon ang na-plagiarize. Sa klase, nagpapa-check ako per group may i-aasign akong lider, iba-iba per meeting para mag-check ng assignment. Tapos, kukuha lang ako ng isang notbuk, at kapag mali ang natsek ko, zero yung buong grupo ibig sabihin nag-tsek lang siya na hindi inunawa, di man lang tiningnan, ni binasa. Kaya minsan, galit na galit ang mga kagrupo. Sa group din namin sa FB may group work kami na i-popost ko ang schedule at oras kung kailan kami mag-chachat, doon ako magpopost tapos dapat yung kagrupo niya i-lalike yung ginawa niya kung tama at kung mali at na i-like niya zero lahat sila. Nag-a-upload ako ng video. Sabi ko pag masaya ang pinost ko na music video ibig sabihin tama ang sagot, pag malungkot, mali. May chat

81

Page 7: SNS sa PAGTUTURO NG WIKANG FILIPINO

e

MA. FE GANNABAN, PHD

group kami kaya nalalaman ko kung ano ang pinag-uusapan nila. Ngayon, pag inoff nila iyon at hindi ako kasama sa usapan nila, okay lang sa akin. Minsan may nabasa ako doon sa chat sabi “i-download mo na lang itong sagot ko at kopyahin mo…” hinayaan ko lang, i-download pala, eh. .So, pag dating sa klase tinawag ko silang dalawa at pina-solve ko sa blakbord yung assignment ko, doon ko nalalaman kung sino talaga ang may alam at nangopya lang. So, yung mali zero. Pag naging member na kasi sa akin sa grupo namin, plus five na kaagad. So, may five points na siya. Lahat ng may negative comments o nag-jejemon, deleted agad. May nagsasabi na magastos daw kasi kailangan mag-net lagi. Sabi ko hindi. Grupo naman iyan, anim sa isang grupo, magkano lang ba isang oras sa net shop, 15.00 so kung anim sila, eh di tig-dodos sila or more than. Eh, tutal na-upload ko na nga ang buong worksheet for the whole term kung tutuusin nasagot na nila ang hard copy nun kaya i-eencode na nga lang nila o kokopyahin sa FB di ba, so, anong magastos dun? Anong mahirap dun. Hindi mahirap sa part ko kasi mas nadadalian nga ako. At bago ako nag create ng group sa FB inaral ko nang husto ang FB, ano ba ang pros and cons nito. Paano ko ito gagamitin sa pagtuturo ko. Madadalian ba ako pati mga estudyante. So, nakita ko na in the end nadididisiplina rin ang mga estudyante sa SNS. So, malalaman nila na di lang socializing ang Facebook noh. Pwede naman kasi itong gamitin sa pagtuturo, masaya pa. Pwedeng i-customize, halimbawa ang mag-kocomment ay ako muna so, saka pa lang sila pwedeng mag-comment pagkatapos ko. Nag-aupload din ako ng mga video at hindi sila pwedeng mag-comment dun hanggat wala akong pahintulot. Pag may nagtangka, so,

zero. Di pwedeng magpa-member ang alyas dapat buong pangalan. May master list ako kung sino na ang mga member. Nag-iiskedyul ako kung kailan kami mag-chachat at inaanawns ko sa klase at sa wall ko. Lider lang ng grupo ang sasagot pero dapat alam ng mga kagrupo ang sagot sa tanong ko at kailangang i-like nila yun. Ngayon pag mali ang sagot ng lider, zero lahat sila sa grupo kasi ni-like din ng mga ka-member, ibig sabihin di talaga nila alam ang tamang sagot. Never kong inallow ang student ko na mag-create ng grupo namin sa FB, ako lagi, sa lahat ng section na hawak ko. Last last year pa ako naggaganito. Bawat section may grupo kami. Ako, may sarili akong account na pang friends lang at pang grupo ko sa mga estudyante ko. Kaya sabi ko sa kanila kung ayaw nyong makita ko ang mga pinaggagawa ninyo, mag-create kayo ng another account ninyo sa FB para di makasali sa grupo natin. Paper less talaga kasi dun na ako mismo sa FB nagtsetsek ng mga ginawa nila at alam na agad nila ang iskor nila. Sabi ko sa mga students, pag nag-brown out okay lang, pag may kalamidad okay pa rin dami namang net shop kahit saan. Eh di lipat ka sa ibang lugar pag baha sa inyo tapos mag-net ka. Inaral ko nga kasi ang FB bago ko inintigrate sa pagtuturo ko ito.

T3: Nag-SNS ako sa bawat klase ko. Para

lang iyon sa mga updates at dapat basahin kaya ko ginagamit sa klase ko. Pero di ako ang admin, student ko, per section isa bawat isa. Yahoo e-group ang ginagamit namin sa klase. Minsan, nag-OL ako. May nabasa ako sa isa sa post nila at pinag-uusapan nila ang isang prof, wala namang name kung sinong prof yun. Pero, siempre di ba, nakakahiya iyon. At pinagtatawanan pa nila.

82

Page 8: SNS sa PAGTUTURO NG WIKANG FILIPINO

e

MA. FE GANNABAN, PHD

T4: Pinapa-upload ko sa students ko ang music video nila sa youtube cause that’s their final project. I give them the deadline and they have to give me the name that they have tag in there.

And then I checked it at night. Usually the deadline is twelve midnight, and I have to check it like after twelve. This is where I see and if it is not there, they’re late. The problem is…the headache and very painful in the eye, that to mention the multiplicity of number of people …I also use it for their blog. I asked them to put in a blog, their resume, application letter. I opened a blog and put it in there.

T5: Limited yung time for lecture kasi one hour lang usually di ba for a 3 unit subject. Especially yung subject na ang dami mong gustong i-input. Pero hindi mo masabi lahat sa class. So, what I do is I post references like video maybe o kaya write-up on the FB account. But what I do is to create an FB account for that particular subject. I cannot impart it all during class periods, so what I do is I just inform them to add the account in

their FB friend. So, they can access yung mga posts ko regarding a certain topic. So if there are videos that need to be watched also in relation to a certain topic, pinopost ko na rin diyan and ang maganda roon hindi lang ako ang pwedeng mag-post. Pwede ring mag-share ang mga students. Kasi I inform them na kung meron silang makuhang related na video whatever or write-up about the said subject, i-post din nila so everybody could be able to see it or read it.

T6: Information dissemination just like what we have an additional assignment. And if you are going to give additional reading I mean meaningful sites for them to find out kasi as educators, the instructional time is not enough for us to cover all the topics so that’s the idea of setting this one I call a cyber class. And when I give up notes, I give links to additional meaningful sites and if there’s announcements like I announce that there are no classes, or I’m sick, I’ll be leaving the town, I put it there. I am

also announcing top performers of the class. Then it’s also a very good site in surveys like halimbawa, may fieldtrip kami, mayroon kaming tatlong option, the

there options may feature naman ang facebook na survey, di ba, so, ilagay mo lang doon then malalaman mo yung answers nila.

BUOD NG INTEBYU SA MGA GURO HINGGIL SA KANILANG PANANAW SA PAGGAMIT NG SNS SA PAGTUTURO

Nakatala sa ibaba ang transkrip ng

isinagawang interbyu sa anim na guro mula sa Technological University of the Philippines

Taguig Campus at Saint Louis Baguio. Ikinubli ang pangalan ng mga respondent upang mapangalagaan ang kanilang pribadong buhay.

83

Page 9: SNS sa PAGTUTURO NG WIKANG FILIPINO

e

MA. FE GANNABAN, PHD

PANANAW NG MGA MAG-AARAL

Ang talatanungan ay para lamang sa mga respondent na gumamit ng SNS sa kanilang klase o kasalukuyang gumagamit ng SNS ang kanilang guro sa klase.

Ang talatanungan ay isinagawa sa

dalawang pamamaraan. Una, sa pamamagitan ng On Line Survey, may 33 respondents ang sumagot dito mula sa iba’t ibang pamantasan. Ikalawa, ang personal na pagpapasagot ng talatanungan sa mga respondent. Walumpung talatanungan (80) ang ibinigay sa mga

respondent ngunit 44 lamang ang nakabalik o na-retrieve. Ang ilang kadahilanan ay nawala ito ng ilang respondents, nakalimutan kung saan nailagay, at hindi sinagutan. Samakatuwid, may kabuuang 77 respondents ang sumagot sa talatanungan. Ang mga respondent ay mga mag-aaral mula sa TUP-T na may 40 respondents, DLSU na may 30 na respondents at 7 na mag-aaral mula sa iba’t ibang pamantasan dito sa Metro Manila.

Nakatala sa ibaba ang buod ng datos.

Guro Institusyon Taon na Tinuturuan

Bilang ng Taon ng

Paggamit ng SNS sa

Pagtuturo

Teknolohiyang Ginagamit sa Pagtuturo

T1 TUP-Taguig

Unang Taon at Ikatlong Taon sa kolehiyo

3 Taon Google Sites – Sa higher year pipili ang klase na gagawa ng account pero sa lower year guro ang admin. Pag-upload ng mga advance readings para sa mga susunod na klase, pagpopost ng mga dapat gawin sa klase, mga nakaligtaang sabihin, mga reminder

T2 TUP-Taguig

Unang Taon sa Kolehiyo

3 Taon Facebook Account – guro ang admin at gumagawa ng lahat ng guidelines. Pag-upload ng video clip, power point slides, worksheets na naglalaman ng homework, seatworks, groupwork, at webwork. May takdang iskedyul kung kalian ang chat para sa quiz kahit by group ang sagot

T3 TUP-Taguig Ikalawang Taon

4 na Taon Yahoo E-Group – isang estudyante ang admin sa bawat klase

T4 SLU-Baguio Unang taon 3 Taon You Tube at Blog- guro ang lumikha ng blog account

T5 SLU-Baguio Unang taon 4 na Taon Gumagawa ng FB Account para sa bawat klase ang guro

T6 SLU-Baguio Unang taon 3 Taon Facebook

84

Page 10: SNS sa PAGTUTURO NG WIKANG FILIPINO

e

MA. FE GANNABAN, PHD

Matapos makalap ang mga kasagutan, lumabas sa pag-aaral na mula sa 77 mag-aaral na respondents, nangibabaw ang kasagutan na 41 o 53.25% na naniniwalang nakakatulong ang SNS sa kanilang pag-aaral, 26 o 33.77% ang nagsabing walang naitutulong sa kanilang pag-aaral at 10 o 12.98% ang may iba’t ibang sagot tulad ng medyo na may 3 sagot, depende, 2 sagot, maaari 2 sagot, siguro na may 1 sagot, oo at hindi na may 2 sagot. Ayon sa mga respondent, ang mga asignatura o sabjek na ginagamitan ng SNS ay Advance Electricity, Basic Electronics, Basic Programming, Business Research, Constitution, Draw, English, Filipino, Laboratory, Language Curriculum, Linguistics, Logic Circuit, Management, Mathematics tulad ng Trigonometry, Differential Calculus, Integral Calculus, Multi-media at Data Communication,

Obligation and Contracts, Political Science, Psychology, Reading, Sciences tulad ng Chemistry, Physics, Sociology, at Training and Workshop Program.

Nakatala naman sa ibaba ang buod ng mga tinuran ng mga mag-aaral na respondent tungkol sa mga positibo at negatibong epekto ng SNS.

Positibong Epekto ng SNS Negatibong Epekto ng SNS

Nakakapag-save ng dokumento, lektyur, pagsusulit, educational video, activities, topics, handouts, ibang references/links, exercises na lilinang sa iba’t ibang kasanayan, power point, dissemination of info, files, docs, announcements, latest/updates, download ng latest info, posting ng topics na pag-aaralan, pagbibigay ng quizzes, tests, exercises, activities, iba pang features, important events, projects, research, post activities

Clarifications sa lesson o topic, nalalaman kung sinong bagsak o kulang ng requirements

Napapadali ang pag-intindi sa lektyur bago pa ang talagang lektyur kasi may background ka na

Nagiging tamad dahil hindi na nagagamit/gumagamit ang / ng libro, di na nag-reresearch sa library

Hindi na nakikinig sa klase at hindi na nagsusulat

Nagiging dependent na lang Nawawalan na ng gana mag-aaral Minsan ginagawang sangkalan na kailangang

gumamit ng SNS kahit di naman totoo, nakakapagsinungaling kahit di dapat

Nagagamit sa mga kalokohan, paninira ng tao Binabalewala lang ng ibang estudyante

85

Page 11: SNS sa PAGTUTURO NG WIKANG FILIPINO

e

MA. FE GANNABAN, PHD

Napapadali ang pagtuturo at pagsusulit, transaksyon, ang kaisipan, pwedeng mag-follow -up question sa guro o sa mga kaklase

Mas naiintindihan kasi halimbawa paano gumagana ang makina pag napanood sa video na inapload mas madaling makuha

Madaling makapaghalungkat ng data dahil sa links

Nakakapagpalitan ng ideya o kaalaman sa isa’t isa

Nakakahabol sa klase Nakakataas ng grade Napapabilis ang paggawa ng project Napapaganda ang presentasyon Napapadali ang paggawa ng takdang-aralin Nakakatipid sa oras

Nahihikayat maglaro ng mga online games, makipag-chat, basahin ang notifications

Pagkatapos gawin ang assignment sa SNS, nada-divert ang attention

Minsan di na masyadong nagtuturo ang prof dahil inaasa na lang na basahin lahat sa SNS, di na rin nagdidiscuss

Nawawalan na ng ganang mag-aral dahil sa labis na paggamit

Hindi naman nakakatulong sa pag-aaral mas okay pa kung personal ang pagtuturo ng titser

Masakit sa mata Na-eexpose sa radiation dulot ng computer Magastos, nakakaubos ng pera Nakakaadik (FB Addiction Syndrome),

nakakalulong, nasosobrahan ng gamit

Umaayon sa iskedyul ng mga mag-aaral Pwedeng makapagpasa kahit na absent sa

klase, pwedeng makapag-make-up, makakabalita sa mga ginawa sa klase, makakakalap ng alternatibo upang makagawa ng paraan sa anumang bagay

Mabilis na paraan para makatipid ng oras Madaling makapagtanong ng assignments Kahit malayo sa isa’t isa pwedeng

makipagkomunikasyon Hindi ka napag-iiwanan ng panahon Mas madali dahil wala nang masyadong iisipin Mas high tech ang pag-aaral Hindi boring ang pag-aaral, fun, parang

naglalaro lang Mas nakakapag-explore kaysa makinig lang sa

salita ng guro Nakakatulong upang tumalino ang estudyante Pag di malinaw ang pagtuturo ng guro minsan

mas makakakuha ng dagdag na kaalaman sa net

Lumalawak ang kaalaman mo sa buong daigdig

Nakakaabala sa halip na magbasa ng libro Nakakatanggal ng focus ng pag-aaral kasi

nagba-browse sa ibang net, naglalaro ng LAN games

Nakakaubos ng oras Laging kailangang magbukas ng net para lang

ma-update kaya tuloy nakakadagdag lang ng alalahanin

Di na nakakatulong sa houseworks kasi puro na lang nakatuon sa SNS

Naaakit mag-open ng ibang website, nababaling sa iba ang atensyon

Inaabuso ang paggamit minsan lahat ng oras inuubos ditto

Napapabayaan ang ibang aralin kasi nauubos sa SNS

Limitado dahil di naman lahat ng impormasyon nandito

Hindi agad naiintindihan ang mga ina-upload, walang nagpapaliwanag, mas maganda pa rin kung kaharap ang prof

Hindi napapalawak ang pag-eexplain sa mga detalye ng leksyon ng prof

Minsan di na naituturo ang dapat ituro kasi pinapabasa na lang sa net

Iba pa rin ang stud-prof lecture kaysa basahin sa net

Iba pa rin ang direktang pagtuturo ng guro kasi mas madali

86

Page 12: SNS sa PAGTUTURO NG WIKANG FILIPINO

e

MA. FE GANNABAN, PHD

Nakapaglalaan ng oras upang mapag-aralang muli o balikang-muli ang lektyur at masagutan ang mga pagsusulit na wala sa klasrum

Nakakakuha ng mga bagong ideya at solusyon sa problema

Narerebyu ang mga araling tatalakayin at tinalakay na

Nagiging daan upang magbuklod kami ng mga kaklase upang pumasa sa subject

Pwedeng gawing sideline Nakakapag-advance studies

Nagiging palaasa ang iba Di na masyadong nag-iisip Imbis na magresearch mas inuuna muna ang

mag-FB o twitter Nauuna ang libangan kaysa kailangan Di lahat ng impormasyon tama, kulang-kulang Masyadong public ang impormasyon kahit na

pampribado na May advertisement sa ibang sites kaya maakit

ka na i-click so ididiscover mo muna kaya minsan nalilibang ka na

Napapadali ang pagpasa, pagkuha ng impormasyon, naa-update kung ano ang mga gagawin sa susunod na klase, kung kalian ang tests, kung ano ang gagawin pag biglaang walang pasok, may pagbabago sa lesson

Madaling makontak ang mga nasa malalayong lugar

Dagdag na kaalaman, mas napapadali ang research

Pagtutulungan sa paggawa ng takdang-aralin

Madaling mahumaling sa ibang babasahin, website, music

Problema pag walang network connection Inuuna ang walang pakinabang (FB muna bago

ang assignment) Kinakain ang oras mo Minsan di na masyadong ineexplain ng guro

ang lesson kasi gumagamit siya ng SNS Minsan nakakalimutang ituro ng prof yung

ibang lesson

Madaling makahanap ng kaalaman, makapag-research

Makakakuha ng mga kaalaman na wala sa libro Pag absent ang prof doon na nagpopost ng

mga dapat gawin ng estudyante

Sa mga kasagutang ibinigay ng mga

respondent, may isang respondent na ganito ang kanyang naging pahayag.

“Depende pa rin sa estudyante kasi kahit

anong post ng prof sa SNS kung di rin naman babasahin ng estudyante balewala rin.”

Ayon sa pakikipanayam sa mga mag-

aaral, pinakasikat sa mga SNS at madalas gamitin ng mga mag-aaral ay ang Facebook sapagkat lahat sa kanila ay may account nito. Ang mga takdang-aralin, babasahin at dapat pag-usapan tulad ng ilang paglilinaw o katanungan tungkol sa paksang-aralin natalakay at tatalakayin pa ay nabibigyang-linaw at tugon sa pamamagitan ng facebook dahil dito madalas naka-OL (on line) ang mga estudyante. Malaking bagay din ito

upang maging daan sa pagpapasa ng mga takdang-aralin ng mga estudyante dahil ito ay paper less at malaking tulong pa ito upang mabawasan ang global warming. Sa kabilang banda, ang e-group ay malaking bentahe rin upang doon i-upload ang mga babasahin o iba pang panawagan o ilang paalala sa mga estudyante halimbawa sa mga takdang araw o deadline ng pagpapasa ng proyekto, takdang-aralin, at iba pa. Bagamat, maaari rin namang mag-upload sa facebook. Ayon sa pakikipanayam sa mga guro, may kinalaman ang gamit ng SNS batay sa kung sino ang gumawa o lumikha ng grupo o tinatawag na administrator. Nagkaisa

naman ng pananaw ang mga respondent (mga guro at mag-aaral), sa kanilang pahayag tungkol sa mga personal comments na

87

Page 13: SNS sa PAGTUTURO NG WIKANG FILIPINO

e

MA. FE GANNABAN, PHD

lumalagpas na sa hangganan o parametro. Ayon sa kanila, kung guro ang lumikha ng grupo sa SNS, mas limitado ang mga pinopost nila na personal comments dahil may authority ang gumawa nito tiyak na mamomonitor nito kung sino ang nagpopost ng mga kalokohan o di- magagandang pahayag. Sa isang banda, kung estudyante naman ang gumawa o nag-create ng grupo at imbitado lang ang kanilang guro sa kanilang nilikhang grupo, walang kimi o hindi sinasala o pini-filter ng mga miyembro ng grupo ang pi-nopost nilang comments. Wika nga nila, tamaan ang dapat tamaan ngunit takot pa rin silang pangalanan kung sino ang kanilang pinag-uusapan lalo na’t guro nila ito. Sa kabuuang pananaw ng mga guro at mag-aaral tungkol sa gamit ng SNS sa pagtuturo, parehong dahilan ang kanilang sinabi sa sumusunod na kadahilanan: pag-popost ng mga dapat basahin, updates ng mga dapat gawin sa klase, announcements tungkol sa klase, mahahalagang paunawa o babala, biglaang panawagan (halimbawa hindi makakapasok ang guro), supplemental readings, mga paglilinaw na hindi naintindihan sa klase, mga tanong at sagot tungkol sa paksang tinalakay (nakakatulong lalo na kung absent ang estudyante), maiiwasan ang personal na pagtukoy sa estudyanteng nagkasala o nagkamali kasi pangkalahatan ang pagtukoy, mga paalala at mga nakaligataang sabihin at dagdag na kaalaman o impormasyon, at higit sa lahat ay katipiran sa pagpapaliwanag.

Para sa mga interesado at nagnanais gumawa na may kaugnayan sa kasalukuyang pananaliksik, iminumungkahi ng mananaliksik ang sumusunod: a larangan ng metodolohiya, iminumungkahi na sa pagsasagawa ng susunod na kahalintulad na pag-aaral lawakan ang saklaw ng pag-aaral; dagdagan ang bilang ng mga respondent: mga guro at mga mag-aaral; magsagawa ng kahalintulad na pag-aaral sa iba pang sulok ng Pilipinas at tingnan ang epekto ng SNS sa kanilang pagtuturo (para sa guro) at pagkatuto (mag-aaral); habaan ang panahong ilalaan sa isasagawang pag-aara; batay sa kinalabasan ng pag-aaral, hindi lahat ng mga gurong nakapanayam ay nagtuturo ng Filipino,

kaya iminumungkahi ng kasalukuyang pag-aaral na isagawa ng susunod na pag-aaral sa mga guro na nagtuturo lamang ng Filipino. Gayundin, ang isasagawang pakikipanayam sa mga mag-aaral ay dapat para lamang sa mga may SNS sa kanilang asignatura sa Filipino upang maipokus ang gagawing pananaliksik sa epekto ng SNS sa asignaturang Filipino lamang.

PAMITAWAN

Bahagi na ng modernisasyon ang teknolohiya lalo na sa mga kabataan; masasabing hindi lamang ito maliit na bahagi ng kanilang buhay kundi halos karugtong ito ng kanilang buhay o maaaring ituring na virtual world nila. Mula sa kanilang paghinga hanggang sa pagtulog, umiinog pa rin ang kanilang mundo sa teknolohiya. Kaya, maaaring ipalagay na malaki ang maitutulong ng SNS maging sa kanilang pag-aaral. Batay sa mga resulta ng eksploratoryong pag-aaral, mapagtitimbang ang mabubuti at ang masasamang epekto ng SNS sa mga guro at mag-aaral; ngunit hindi sapat ang datos na nalikom upang ipalagay ang pangkalahatang resulta nito hinggil sa epekto ng SNS sa pagkatuto ng mga mag-aaral at pagtuturo ng mga guro dahil na rin sa kakulangan ng panahon. Tahasang sinasabi ng mananaliksik na ang kasalukuyang pag-aaral ay nangangailangan pa ng mahaba-habang panahon upang dalumatin, sipatin, at limiing mabuti ang mga resultang natamo.

Anumang bagay na lumagpas sa hangganan ay palagiang may masamang epekto o hindi magandang epekto. Kung gayon, masasabing ang anumang teknolohiya ay may mga positibo at negatibong epekto sa proseso ng pagtuturo-pagkatuto ng mga guro-mag-aaral. Nararapat ding isaalang-alang ng bawat isa na sa bawat kalayaang ating tinatamasa o natatamo ay may kaukulang responsibilidad na nakataang sa ating balikat.

Minsan, wala naman talaga sa teknolohiya ang ikagagaling ng isang guro o mag-aaral nasa guro iyon o estudyante, nakasalalay sa kanilang mga kamay at sa atin ang pagpapasya.

88

Page 14: SNS sa PAGTUTURO NG WIKANG FILIPINO

e

MA. FE GANNABAN, PHD

SANGGUNIAN

Boyd, D. AT Ellison, N. (2007) Journal of Computer-Mediated Communication (journal article):

http://jcmc.indiana.edu/vol13/issue/boyd.ellison.html

Educational benefits of social networking sites. (n.d.). Nakuha October 11, 2012, mula sa University of Minnesota: http://www1.umn.edu/news/features/2008f/UR_191308_REGION1.html

Halverson, R. at Smith, Annette. (2009-2010). How new technologies have (and have not) changed teaching and learning in schools. Journal of Computing in Teacher Education. p. 49-54.

Lunden, I. (2012, July 30). Analyst: Twitter Passed 500M Users in June 2012, 140M of them in US; Jakarta ‘Biggest Tweeting’ City. Nakuha October 10, 2012, mula sa techrunch.com: http://techrunch.com/2012/07/30/ analyst-twitter-passed-500m-users-in-june-2012-140m-of-them-in-us-jakarta-biggest-tweeting-city/

Mapue, B.A. (2006). Cyberstalking and cyberbullying in the Philippines. Nasa dswd.gov.ph. Nakuha noong Nobyembre 8, 2011 mula sa http://miss.dswd.gov.ph/index.php/component/content/article/1-latest/78-cyberstalking-and-cyberbullying-in -the-philippines.

Shaulis, M. (2011, November 16). Facebook has negative effects on college students. Nakuha October 12, 2012, mula sa California University of Pennsylvania: http://sai.calu/caltimes/index/2011/11/16/facebook-has-negative-effects-on college-students/

Zuckerberg, M. (2012, October 4). Newsroom. Nakuha October 10, 2012 mula sa Facebook: http://newsroom.fb.com/News/One-Billion-People-on-Facebook-1c9.aspx

89