Ang Small Farm Reservoir (SFR) ay isang uri ng water harvesting technology o maliit na imbakan ng tubig na kumukulekta ng tubig-ulan. Nasa P20,000-30,000 ang karaniwang gastos para sa isang SFR. Inirerekomenda ito sa mga sakahang hindi lalampas ng 2 ektarya. Piliin ang uri ng lupa na loam, sandy loam, sandy clay loam, o clay loam para maging imbakan ng tubig. Mas mainam gumawa sa patag o nasa 3-8 porsyento ang kiling o slope na lupa. Magsukat ng nasa 1,500 metro kwadradong luwang at maghukay ng hindi lalampas sa 5 metro ang lalim. Mainam na bulldozer o backhoe ang gamiting panghukay kung higit pa sa isang SFR ang itatayo. Maaaring gumamit ng PVC pipes o tubo at bombang de makina para magpatubig. Paggawa ng SFR Series 6, No. 1