-
COVID-19 na Patnubay para sa mga pagpapalit ng mga tripulante ng
mga barko sa New Zealand Pahina 1 ng 27
COVID-19 na Patnubay para sa mga pagpapalit ng mga tripulante ng
mga barko sa New Zealand Ang patnubay na ito ay para sa lahat ng
mga ahente ng barko ng New Zealand at iba pang nagpaplano ng mga
pagpapalit ng mga tripulante sa mga barko sa New Zealand sa panahon
ng COVID-19
-
COVID-19 na Patnubay para sa mga pagpapalit ng mga tripulante ng
mga barko sa New Zealand Pahina 2 ng 27
COVID-19 na Patnubay para sa mga pagpapalit ng mga tripulante ng
mga barko sa New Zealand Huling naisapanahon: 29 Setyembre 2020 Ang
dokumentong ito ay hindi na kontrolado kung naimprenta na.
Mangyaring sumangguni sa website ng
Maritime New Zealand para sa pinakabagong bersyon.
Nasa gabay na ito
1. Panimula 4
2. Hakbang-hakbang na gabay para sa mga pagpapalit ng mga
tripulante sa New Zealand 6
Impormasyon para sa mga may-ari ng barko, mga ahente ng
tripulante at mga ahente ng barko ng NZ
2.1 Mga pagpapalit ng mga tripulante sa mga dayuhang barko na
paalis ng New Zealand 6
2.2 Mga pagpapalit ng mga tripulante sa mga dayuhang barko na
hindi paalis ng New Zealand 9
3. Karagdagang patnubay para sa mga ahente ng barko 12
4. Mga Komunikasyon 15
5. Mga tungkulin at responsibilidad sa pagpapalit ng mga
tripulante 17
6. Makipag-ugnay sa amin para sa tulong 20
-
COVID-19 na Patnubay para sa mga pagpapalit ng mga tripulante ng
mga barko sa New Zealand Pahina 3 ng 27
7. Apendiks 1: Impormasyon para sa darating na mga marino 21 7.1
Direktang transportasyon mula sa paliparan patungo sa barko 21
7.2 Transportasyon mula sa paliparan patungo sa barko na may
pansamantalang pananatili sa isang Pinamamahalaang Pasilidad sa
Pagbubukod (Managed Isolation Facility) 23
8. Apendiks 2: Ang tugon ng New Zealand sa COVID-19 25 8.1 Ano
ang COVID-19? 25
8.2 Paghihigpit ng pagpasok sa hangganan (border) 25
8.3 Estratehiya ng New Zealand 27
-
COVID-19 na Patnubay para sa mga pagpapalit ng mga tripulante ng
mga barko sa New Zealand Pahina 4 ng 27
1. Panimula Hindi lingid sa kaalaman ng Pamahalaang New Zealand
ang malalaking hamon na kinakaharap ng pandaigdigang industriya ng
pagbabarko na dahilan upang magsagawa ng mga pagpapalit ng mga
tripulante bunga ng pagsiklab ng coronavirus (COVID-19). Dahil sa
nagpapatuloy na mga COVID-19 na paghihigpit, malaking bilang ng mga
marino ang kinakailangang magpalawig ng kanilang serbisyo sa barko
matapos ang maraming buwan sa dagat, na hindi mahalinhan pagkatapos
ng mahabang panahon ng paglilingkod (tours of duty) o maibalik sa
kanilang sariling mga bansa sa pamamagitan ng sasakyang
panghimpapawid.
Ang pagbabarko ay mahalaga sa supply chain ng New Zealand. Labis
na nag-aalala ang New Zealand tungkol sa mga negatibong epekto ng
COVID-19 na mga paghihigpit sa kaligtasan at kapakanan ng mga
tripulante at ligtas na pagpapatakbo ng kalakal sa dagat.
Kailangang ilipat ang mga marino sa at mula sa mga barkong
pinagtatrabahuhan nila upang matiyak ang pagsunod sa mga kahingian
(requirements) sa pandaigdigang kasunduan sa dagat.
Ang patnubay na ito ay umaayon sa mga rekomendasyon ng
International Maritime Organization (IMO).
Pagtatanggi
Binuo ng Maritime NZ ang patnubay na ito sa pakikipagtulungan sa
iba pang mga ahensya ng Pamahalaan, industriya (kabilang ang mga
samahan ng manggagawa at tagapag-empleyo).
Habang patuloy na sinusubaybayan ng Maritime NZ ang sitwasyon ng
COVID-19 at nagsisikap na panatilihing napapanahon ang patnubay na
ito sa kasalukuyang mga patakaran at batas na nakatalaga, hindi ito
palaging posible dahil sa mabilis magbagong sitwasyon na ganito,
kaya't ang patnubay na ito ay maaaring magbago nang walang abiso.
Ang patnubay na ito ay hindi kumakatawan bilang ligal na payo at
hindi humahalili sa anumang binanggit na batas, mga pagsusog sa mga
ito, o anumang mga ligal na instrumento na maaaring nakatalaga sa
ngayon, o sa hinaharap na nauugnay sa ngayon, o maaaring maging
nauugnay sa patnubay na ito.
Ang mga link sa pinakabagong mga instrumento ng batas na
nauugnay sa ngayon, o maaaring maging nauugnay sa patnubay na ito
ay matatagpuan sa webpage ng Unite Against COVID-19 dito.
Tinatanggihan ng Pamahalaang NZ at hindi isinasama (excludes)
ang lahat ng pananagutan para sa anumang paghahabol (claim),
pagkawala, kahilingan o pinsala na may anumang uri (kasama ang para
sa kapabayaan) na nagmumula o may kaugnayan sa paggamit ng patnubay
na ito o ng impormasyon, nilalaman o mga materyal na kasama sa
patnubay na ito o sa anumang website na naka-link dito.
https://covid19.govt.nz/updates-and-resources/legislation-and-key-documents/
-
COVID-19 na Patnubay para sa mga pagpapalit ng mga tripulante ng
mga barko sa New Zealand Pahina 5 ng 27
Kung kailangan mo ng payo ng propesyonal, kasama ang payo
tungkol sa iyong mga ligal na obligasyon, dapat kang makipagkita sa
isang propesyonal na tagapayo at huwag umasa sa impormasyon,
nilalaman o mga materyal na kasama sa patnubay na ito o sa anumang
website na naka-link nito.
Patuloy na sinusubaybayan ng Maritime NZ ang sitwasyon ng
COVID-19 at kasama ng iba pang mga ahensya ng Pamahalaan at
industriya (kabilang ang mga samahan ng manggagawa at
tagapag-empleyo), ay isasapanahon ang patnubay na ito ayon sa
pag-unlad ng tugon.
maritimenz.govt.nz/covid
-
COVID-19 na Patnubay para sa mga pagpapalit ng mga tripulante ng
mga barko sa New Zealand Pahina 6 ng 27
2. Hakbang-hakbang na gabay para sa mga pagpapalit ng mga
tripulante sa New Zealand
Impormasyon para sa mga may-ari ng barko, mga ahente ng
tripulante at mga ahente ng barko ng NZ Ang hangganan ng dagat
(maritime border) ng New Zealand ay mananatiling sarado sa
pamamagitan ng COVID-19 Public Health Response (Maritime Border)
Order (No 2) 2020, magmula sa Linggo, ika-6 ng Setyembre 2020.
Ang Kautusan ay maglalaan para sa mga barkong pang-kargamento
(cargo ships), barkong pangisda, mga barko ng banyagang Estado at
iba pang mga barkong binigyan ng pahintulot ng Director-General
Health na tumawid sa hangganang pandagat (maritime border) ng NZ.
Ang mga pagpapalit ng mga tripulante ay maaaring isagawa sa New
Zealand kung naaprubahan nang maaga ng aming mga ahensya ng
pamahalaan. Narito ang mga hakbang na susundin:
2.1 Mga pagpapalit ng mga tripulanteng sakay ng mga dayuhang
barko na paalis sa New Zealand
1. Kumpirmahin na makakapasok ang mga tripulante sa New Zealand
Pinapayagan ang mga dayuhang marino na pumasok sa NZ at sumama sa
isang komersyal na barko ng kargamento (cargo ship) kung susundin
ang prosesong ito. Basahin ang patnubay ng Immigration New Zealand
dito.
2. Kumuha ng mga pag-apruba • Ang mga may-ari ng barko ay dapat
makipagtulungan sa kanilang mga ahente sa NZ upang
makabuo ng isang plano sa pagpapalit ng mga tripulante sa lalong
madaling panahon. Ang dalawang linggo bago ang pagdating ay sapat
na ngunit mas mabuti kung mas marami ang oras ng pamahalaan para
pag-aralan ang isang plano ng pagpapalit ng mga tripulante.
• Huwag maghintay sa pinakahuling sandali dahil maaaring maging
dahilan ito upang matanggihan ang pagpapalit ng mga tripulante.
• Ang kahilingan para sa paglalakbay ay dapat isumite sa
Immigration NZ dito. Kung matagumpay, ang Imigrasyon ay maglalabas
ng isang paanyaya na mag-aplay para sa isang visa, na dapat ding
dumaan sa isang proseso ng pag-apruba.
• Kapag nakuha ang mga pag-apruba ng Imigrasyon para sa
paparating at papaalis na mga tripulante, ang plano sa pagpapalit
ng mga tripulante at ang mga liham ng pag-apruba ay dapat isumite
sa Managed Isolation and Quarantine (MIQ) sa pamamagitan ng
pag-email sa [email protected]. Ang linya ng paksa ng
kahilingan sa email para sa MIQ ay dapat maglaman ng salitang
"MARITIME" na sinusundan ng pangalan ng barko.
• May napakahalagang papel na ginagampanan ang ahente ng
pagbabarko sa pagitan ng mga operator ng barko at MIQ. Dapat laging
ipaalam sa kanila ang lahat ng mga plano at paggalaw ng barko.
https://www.immigration.govt.nz/about-us/covid-19/border-closures-and-exceptionshttps://www.immigration.govt.nz/formshelp/request-for-travel-to-new-zealand
-
COVID-19 na Patnubay para sa mga pagpapalit ng mga tripulante ng
mga barko sa New Zealand Pahina 7 ng 27
2. Hakbang-hakbang na gabay para sa mga pagpapalit ng mga
tripulante sa New Zealand (nagpapatuloy)
3. Paghahanda para sa pagdating • Dapat laging ipinapaalam ng
mga operator at ahente ng barko sa MIQ ang mga iskedyul ng
pagdating at anumang mga pagbabago na makakaapekto sa plano ng
pagpapalit ng mga tripulante.
• Kapag ang mga pag-apruba ng Imigrasyon at MIQ ay nakatalaga
na, ang mga operator ng barko ay maaari nang mag-book ng papasok
(inbound) at papalabas (outbound) na mga tiket ng eroplano para sa
kanilang mga tripulante. Ang passenger name record (PNR) ng
eroplano ay ipapadala ng airline sa NZ Customs, na mag-a-update sa
plano ng pagpapalit ng mga tripulante sa pamamagitan ng mga ahente
ng barko at MIQ.
• Susuriin at aaprubahan ng MIQ ang plano ng pagpapalit ng mga
tripulante, at makikipagtulungan sa ahente ng barko upang ayusin
ang transportasyon sa lupa at mga akomodasyon (kung kinakailangan)
sa isang pasilidad ng pagbubukod.
• Ang mga master ng barko ay dapat magsumite ng Extended Notice
of Arrival (ENA) na hindi kukulangin sa 168 oras (7 araw) bago ang
pagdating maliban kung ang paglalayag sa New Zealand mula sa huling
daungan ay mas mababa sa 168 na oras. Sa kasong ganito, isumite ang
ENA sa lalong madaling panahon. Dapat i-email ang ENA
[email protected].
• Kinakailangan pa ring magsumite ang mga master ng barko ng
Advance Notice of Arrival (ANA) 48 oras bago ang pagdating sa New
Zealand.
• Ang karagdagang impormasyon sa pagdating at mga kahingian
(requirements) ay matatagpuan sa website ng Customs ng NZ.
• Aayusin ng MIQ ang transportasyon sa lupa sa pagitan ng mga
barko at paliparan. Ang mga tagubilin para sa pagdating at pag-alis
ng mga tripulante ay dapat sundin nang eksakto. Kung ang mga
tripulante ay naglalakbay bilang isang grupo, isaalang-alang ang
pagtatalaga ng isang senior na miyembro ng tripulante na mamamahala
sa grupo.
• Ang mga iskedyul ng flight ay maaaring hindi naka-ayon sa mga
iskedyul ng pagdating ng barko. Kung ang mga paglilipat ng mga
tripulante sa parehong araw ay hindi maisagawa, ang mga papasok at
papalabas na mga tripulante ay kailangang manatili sa isang
pasilidad ng pagbubukod nang hanggang 72 oras bago sumakay sa
kanilang barko o eroplano.
• Aayusin ng MIQ ang mga pananatili sa isang pasilidad ng
pagbubukod kung kinakailangan. Ang kapasidad sa mga pasilidad ng
pagbubukod ay limitado sa NZ. Ang impormasyon tungkol sa pananatili
sa isang pasilidad ay matatagpuan dito.
• Kung kinakailangan ng akomodasyon, aaprubahan o tatanggihan ng
MIQ ang kahilingan depende kung may makukuhang akomodasyon.
• Kung naaprubahan, aabisuhan ng MIQ ang isang naaprubahang
operator ng transportasyon sa lupa (na kasalukuyan ay Johnston’s
Transport) na makikipagtulungan sa ahente ng pagbabarko para sa
pagbuo ng plano sa transportasyon.
https://www.customs.govt.nz/business/import/commercial-ships-and-cruise-liners/https://www.miq.govt.nz/being-in-managed-isolation/
-
COVID-19 na Patnubay para sa mga pagpapalit ng mga tripulante ng
mga barko sa New Zealand Pahina 8 ng 27
• Kapag ang plano sa pagpapalit ng mga tripulante ay naaprubahan
ng MIQ, pahihintulutan ng MIQ ang ahente ng pagbabarko na direktang
makipagtulungan sa isang naaprubahang operator ng transportasyon sa
lupa (na kasalukuyan ay Johnston's).
• Makikipagtulungan ang Johnston's sa ahente ng pagbabarko upang
bumuo ng plano sa transportasyon (gamit ang isang template form) na
ipapadala sa pamamagitan ng email sa MIQ sa [email protected]
para sa pag-apruba.
4. Isapanahon ang plano • Dapat ipaalam ng ahente ng pagbabarko
sa MIQ ang anumang mga pagbabago sa plano
kapag nangyari ito sa pamamagitan ng pag-email sa
[email protected] . Kasama rito ang mga napalampas na mga
flight, mga pagkagambala sa mga iskedyul ng flight at mga isyu sa
lugar ng paglisan (point of departure) mula sa ibang bansa.
• Kung ang mga pagbabago ay ginagawa sa loob ng 48 oras ng
nakaplanong pagkilos, dapat ipagbigay-alam ito ng ahente ng
pagbabarko sa MIQ Duty Ops sa pamamagitan ng pagtawag sa +64 21 930
507 na siyang magbibigay-alam at makikipagtulungan sa Johnston's at
iba pang mga kaugnay na ahensya.
-
COVID-19 na Patnubay para sa mga pagpapalit ng mga tripulante ng
mga barko sa New Zealand Pahina 9 ng 27
2. Hakbang-hakbang na gabay para sa mga pagpapalit ng mga
tripulante sa New Zealand (nagpapatuloy)
• Anumang mga pagbabago na kinakailangan sa anumang naaprubahang
plano sa transportasyon (mga oras o lokasyon at iba pa) ay dapat
muling-maaprubahan ng MIQ.
5. Pagdating ng barko • Siguraduhin na ang papasok (inbound) at
papalabas (outbound) na mga marino ay nabigyan
ng kumpletong impormasyon. Ang impormasyon ay matatagpuan sa
website ng MIQ at sa Apendiks 1 ng patnubay na ito.
• Dapat lisanin ng outbound (papaalis) na mga tripulante o mga
tripulanteng kumuha ng bakasyon sa baybayin (shore leave) ang
sasakyang-dagat bago sumakay sa barko ang inbound ng mga
tripulante.
• Ang paparating at papaalis na mga tripulante ay hindi dapat
makihalubilo sa isa't isa sa pantalan (wharf).
• Ang mga paglilipat (handover) sa pagitan ng paparating at
papaalis na mga tripulante ay nauunawaan na mahalaga. Gayunpaman,
inirerekumenda na ang paglilipat (handover) na tao-sa-tao ay dapat
iwasan.
• Kapag ang inbound na mga tripulante ay dumating at sumakay sa
kanilang barko, ang buong barko at ang mga tripulante nito ay dapat
muling-simulan ang 14 na araw na pagbubukod at kuwarentena. Hindi
papayagan ang shore leave sa oras na ito.
2.2 Mga pagpapalit ng mga tripulante sa mga barko na hindi
paalis sa New Zealand
Ang ilang mga barko ay hindi naglalayong umalis sa New Zealand
para pumunta sa isang banyagang pantalan kasunod ng pagpapalit ng
mga tripulante at sa halip ay mananatili sa dagat o sa paligid ng
dagat ng New Zealand. Kasama rito ang mga sasakyang-dagat na
pangisda at iba pang uri ng mga barko na naka-flag sa New
Zealand.
• Ang mga pagpapalit ng mga tripulante para sa mga barko na nasa
mga kategoryang ito ay kinakailangang maaprubahan sa ilalim ng
iba't ibang mga kundisyon; na naiiba sa mga barkong naglalayong
umalis sa New Zealand sa lalong madaling panahon kasunod ng
pagpapalit ng mga tripulante.
• Para sa mga dayuhang tripulante na parating mula sa ibang
bansa upang magsagawa ng relyebo (relief) sa barko na naglalagi sa
New Zealand o sa paligid nito, nang hindi naglalakbay sa isang
daungan o iba pang lugar sa labas ng New Zealand, dapat kumpletuhin
ng mga ito ang 14-araw na pagbubukod.
• Ang pagbubukod ay maaaring mangyari sa barko kung ang isang
plano ng pagbubukod, kasama ang isang aplikasyon para sa pagpapalit
ng mga tripulante, ay isinumite at naaprubahan ng Ministro ng
Kalusugan. Kung hindi man ay dapat matugunan ng mga tripulante ang
mga kahingian (requirements) sa pamamagitan ng pananatili sa isang
pinamamahalaang pasilidad ng pagbubukod.
https://www.miq.govt.nz/travel-to-new-zealand/arriving-in-nz/
-
COVID-19 na Patnubay para sa mga pagpapalit ng mga tripulante ng
mga barko sa New Zealand Pahina 10 ng 27
• Kung naaprubahan ang pagbubukod sa barko, ang pagdating ng mga
relyebong tripulante (relief crew) ay muling-magtatakda ng oras ng
pagbubukod para sa buong barko at mga tripulante. Hindi papayagan
ang shore leave habang ang barko at mga tripulante ay
nakabukod.
• Ang kahilingan para sa akomodasyon sa isang pinamamahalaang
pasilidad ng pagbubukod ay maaaring isumite sa MIQ ng operator ng
barko, ngunit dahil sa mga limitasyon sa kapasidad, posibleng
matanggihan ang aplikasyon.
• Ang proseso para sa pag-book ng parating ng mga tripulante sa
isang pinamamahalaang pasilidad ng pagbubukod ay magsisimula sa
pagsusumite ng isang kahilingan sa pag-book sa
[email protected]. Dapat bigyan ng kopya ang MIQ ng
kahilingan: [email protected].
• Tulad ng proseso sa itaas (tingnan ang Seksyon 2.1), ang MIQ
ay may kontrol sa paggalaw ng mga tao sa pagitan ng mga paliparan,
pinamamahalaang pagbubukod at mga barko. Ang kanilang mga tagubilin
at patnubay ay dapat sundin nang kumpleto.
mailto:[email protected]
-
COVID-19 na Patnubay para sa mga pagpapalit ng mga tripulante ng
mga barko sa New Zealand Pahina 11 ng 27
2. Hakbang-hakbang na gabay para sa mga pagpapalit ng mga
tripulante sa New Zealand (nagpapatuloy)
• Upang manatiling sakay ng barko sa karagatan ng New Zealand,
dapat ding matugunan ng mga tripulante ang mga karagdagang
kahingian (requirements) sa imigrasyon ng New Zealand. Ito ay
naiiba sa kahingian para sa mga tripulante na aalis kaagad sa New
Zealand pagkatapos sumali sa kanilang barko.
• Ang mga paghihigpit at mga kahingian sa hangganan (border) at
imigrasyon ay matatagpuan sa mga link na ito:
www.health.govt.nz/our-work/diseases-and-conditions/covid-19-novel-coronavirus/covid-19-current-situation/covid-19-border-controls
www.immigration.govt.nz/about-us/covid-19/border-closures-and-exceptions
https://www.immigration.govt.nz/about-us/covid-19/covid-19-information-for-employers.
• Ang mga partikular na karagdagang patnubay para sa parating na
mga marino ay matatagpuan sa patnubay na ito. Tingnan ang Seksyon
7, Apendiks 1.
http://www.health.govt.nz/our-work/diseases-and-conditions/covid-19-novel-coronavirus/covid-19-current-situation/covid-19-border-controlshttp://www.health.govt.nz/our-work/diseases-and-conditions/covid-19-novel-coronavirus/covid-19-current-situation/covid-19-border-controlshttp://www.immigration.govt.nz/about-us/covid-19/border-closures-and-exceptionshttps://www.immigration.govt.nz/about-us/covid-19/covid-19-information-for-employers
-
COVID-19 na Patnubay para sa mga pagpapalit ng mga tripulante ng
mga barko sa New Zealand Pahina 12 ng 27
3. Karagdagang patnubay para sa mga ahente ng barko
Ang patnubay na ito ay sumasalamin sa papel na ginagampanan ng
Maritime NZ bilang punong tagapamahala ng ugnayan sa pagitan ng
Pamahalaang New Zealand at ng industriyang pandagat. Ang Maritime
NZ rin ang teknikal na tagapayong pandagat para sa iba pang mga
ahensya at industriya ng pamahalaan.
Dahil sa pagiging malala ng pandemyang COVID-19, ang Pamahalaang
New Zealand ay nagpatibay ng isang patakaran na zero tolerance para
sa peligro ng impeksyon at pagkalat. Nangangahulugan ito na hindi
maaaring tanggapin ng pamahalaan at hindi isasaalang-alang ang
anumang mga sertipiko ng kalusugan na inisyu ng mga banyagang
pamahalaan, samahan o awtoridad sa ngalan ng isang marino. Ang
Ministri ng Kalusugan ng New Zealand ang tanging ahensya na
magbibigay ng pagpapasiya sa kalusugan ng mga marino sa NZ.
• Ang Maritime NZ ay may isang kawani sa loob ng MIQ maritime
cell na tutulong sa pagkoordina ng impormasyon.
• Ang Pamahalaang New Zealand ay nagtalaga ng COVID-19 Public
Health Response (Maritime Border) Order (No 2) 2020 na dapat sundin
kapag nag-aasikaso at namamahala ng mga ligtas na pagpapalit ng mga
tripulante at paglilipat ng mga tripulante. Ang patnubay kung paano
ilalapat ang Maritime Border Order ay makukuha sa website ng
Ministri ng Kalusugan dito kasama ang 'mga sitwasyon na
makatutulong sa pagbubukod o proseso ng kuwarentena sa maritime
border'.
• Ang oras ng pagmamaneho ng transportasyon sa lupa (ground
transport) sa pagitan ng mga daungan at paliparan ay isang
pangunahing salik. Kadalasan ay nililimitahan ang mga drayber ng
limang oras sa pagmamaneho kung walang relyebo dahil sa kalusugan
at kaligtasan. Ang ilang mga operator ng ground transport ay
maaaring magpalit ng mga drayber sa biyahe, na isasaalang-alang ng
MIQ kapag sinusuri ang mga plano.
• Anim na pantalan sa buong NZ ang pinakamainam para sa mga
pagpapalit ng mga tripulante sa oras na ito: Whangarei, Auckland,
Tauranga, New Plymouth, Lyttelton at Timaru. Lahat sila ay hindi
lalampas sa limang oras na pagmamaneho sa pinamamahalaang managed
isolation facilities (MIF) at mga internasyonal na air hub sa
Auckland at Christchurch.
• Ang pitong iba pang mga daungan ay higit sa limang oras sa
pinakamalapit na air hub: Napier, Gisborne, Wellington, Nelson,
Picton, Dunedin at Bluff. Dapat itong isaalang-alang ng mga
kumpanya na nagpaplano ng mga pagpapalit ng mga tripulante kapag
gumagawa ng aplikasyon.
• Mahigpit na inirerekomenda ng MIQ na tuklasin ng mga ahente
mula sa kanilang mga kliyente hangga't maaga bago ang pagdating ng
barko kung pinaplano o nilalayon ang pagpapalit ng mga tripulante
at simulan na ang proseso.
• Bilang pangkalahatang prinsipyo, kung mas marami ang oras ng
MIQ upang makapaghanda para sa mga pagpapalit ng mga tripulante,
mas kaunti ang mga problemang kakaharapin.
http://legislation.govt.nz/regulation/public/2020/0240/latest/LMS403466.html#d10390270e3145http://legislation.govt.nz/regulation/public/2020/0240/latest/LMS403466.html#d10390270e3145https://www.health.govt.nz/our-work/diseases-and-conditions/covid-19-novel-coronavirus/covid-19-information-specific-audiences/covid-19-resources-border-sector/covid-19-maritime-sector
-
COVID-19 na Patnubay para sa mga pagpapalit ng mga tripulante ng
mga barko sa New Zealand Pahina 13 ng 27
• Kailangang bigyan ng abiso ang MIQ na may minimum na 96 na
oras bago sumakay ng eroplano ang isang marino patungo sa New
Zealand, upang makakuha at maasikaso ang akomodasyon at
transportasyon para sa mga pagpapalit ng mga tripulanteng marino.
Limitado lang ang bilang ng mga silid na magagamit para sa mga
paglilipat ng mga marino. Kung ang time frame na ito ay hindi
sinunod, hindi magagagarantiya ng MIQ ang pagkakaroon ng silid sa
MIF. Kung dumating ang isang marino sa pamamagitan ng eroplano at
walang nakumpirmang akomodasyon at transportasyon bago lisanin ang
pinagmulan, hindi makakapag-transit ang marino sa NZ Customs.
-
COVID-19 na Patnubay para sa mga pagpapalit ng mga tripulante ng
mga barko sa New Zealand Pahina 14 ng 27
3. Karagdagang patnubay para sa mga ahente ng barko
(nagpapatuloy)
• Ang Managed Isolation and Quarantine (MIQ) ay isang grupo ng
negosyo sa loob ng Ministry for Business, Innovation and Employment
(MBIE). Aaprubahan at pangangasiwaan ng MIQ ang lahat ng paggalaw
ng transportasyon sa pagitan ng mga pantalan (himpapawid o dagat)
at pinamahalaang pagbubukod. Isasagawa ito gamit lamang ang
naaprubahang transportasyon ng MIQ (na kasalukuyan ay Johnston's).
Makikipag-usap ang MIQ sa lokal na District Health Board (DHB) at
Customs sa sandaling napagpasyahan na ang transportasyon.
• Ang mga ahente ng mga barko sa New Zealand ay hinihikayat na
payuhan ang kanilang mga kliyente na tiyakin na ang mga plano sa
paglalakbay ay tumutugon sa mga kahingian (requirements) ng
papaalis na mga eroplano. Dapat isaalang-alang ng mga may-ari ng
barko ang mga kahingian ng papaalis na mga eroplano at mga
patutunguhang pamahalaan sa kanilang mga plano sa pagpapalit ng mga
tripulante.
• Sa panahon ng paglathala, ang Johnston's ang tanging
naaprubahang provider ng transportasyon sa lupa (ground
transport).
• Kapag naaprubahan na ang pagpapalit ng tripulante, inaasahang
bubuo ang mga ahente ng pagbabarko ng mga plano sa transportasyon
na nakaayon sa Johnston's. Kapag nagpaplano kasama ang Johnston's,
walang miyembro ng mga tripulante ang dapat dumating sa isang
paliparan bago ang oras ng pagbubukas sa Customs para
magpapasok.
• Ibababa lamang ang tripulante sa mga paliparan kapag bukas na
ang pag-check-in para sa kanilang eroplano. Babawasan nito ang oras
na gugugulin sa mga paliparan. Kung ang sitwasyong ito ay
mangailangan ng panandaliang 'araw' na pananatili (day stay) sa
pinamamahalaang pagbubukod, ito ay isasaayos sa panahon ng proseso
ng pagpaplano. Ang karagdagang 'day stay' na ito ay babayaran ng
halaga para sa isang buong araw.
• Ang tripulante ay dapat tagubilinan na sumunod sa lahat ng mga
tagubilin mula sa mga opisyal ng pamahalaan sa buong proseso ng
papasok (inbound)at papalabas (outbound) na pagpapalit ng mga
tripulante. Hindi papayagan ang hindi awtorisadong paglihis o hindi
pagsunod.
• Palalabasin lamang ang mga tripulante mula sa isang sasakyan
kapag may isang kasama (escort) na naghihintay upang salubungin
sila.
-
COVID-19 na Patnubay para sa mga pagpapalit ng mga tripulante ng
mga barko sa New Zealand Pahina 15 ng 27
4. Mga Komunikasyon Upang matiyak ang isang maayos na daloy ng
impormasyon sa pagitan ng MIQ, Maritime NZ, mga ahente at mga
operator ng barko, ilang mga pangunahing rekomendasyon ang ginawa
dito.
Limitahan ang impormasyong nakapaloob sa mga email sa kung ano
lamang ang kinakailangan ng MIQ. Maaaring matakpan ng mga hindi
mahahalagang datos ang impormasyong tunay na kinakailangan ng MIQ
at maaaksaya ang mahalagang oras. Ang mga kritikal na punto ng
komunikasyon ay:
Pinamamahalaang pagbubukod? • Kung kinakailangan ang pananatili
sa isang managed isolation facility (MIF), ang ahente ng
pagbabarko ay dapat mag-book sa pamamagitan ng email address ng
Essential Workers: [email protected].
• Ang linya ng paksa ay dapat maglaman ng salitang "MARITIME" at
ng pangalan ng barko. Ang tanging naka-CC na padadalhan ng email
(addressee) ay ang [email protected]. Walang ibang mga
addressee ang dapat isama sa kahilingan ng akomodasyon.
• Ang mga detalye ng ahente ng pagbabarko ay dapat ipadala sa
email address ng MBIE sa oras ng pag-book.
• Sa unang pakikipag-ugnay sa MIQ, magbibigay ang MIQ ng mga
detalye kung anong impormasyon ang kinakailangan.
• Mangyaring tandaan na ang aplikasyon ay maaari pa ring
tanggihan depende sa kapasidad ng MIF.
• Tukuyin ang isang punto ng pakikipag-ugnay (point of contact)
para sa bawat isa sa may-ari ng barko o sa tagapamahala ng
tripulante at sa ahensya ng pagbabarko ng NZ. Ang maramihang mga
email address, mahabang listahan ng mga tatanggap ng email at
mahabang mga thread ng email ay mabilis makalito at muli,
magsasayang ng oras.
Akomodasyon • Ang ahente sa pagbabarko ay aabisuhan kapag
naaprubahan (o tinanggihan) ang kahilingan
para sa mga akomodasyon. Ang detalyadong pagpaplano ng
transportasyon ay maaaring magsimula sa sandaling makuha ang
pag-apruba.
• May ilang napiling mga silid ang MIQ sa mga hotel sa Auckland,
Rotorua at Christchurch na ilalaan sa mga Tripulanteng Pandagat.
Ang bilang ng mga silid na ito ay hindi napakarami.
• Ang lokasyon kung saan mananatili ang isang miyembro ng mga
tripulante ay hindi maaaring piliin ng ahente ng pagbabarko.
Kukumpirmahin ito ng MIQ at laging depende kung may makukuha.
• Ang halaga ng MIF ay ipapasa sa Ahente ng Pagbabarko (Shipping
Agent) pagkatapos makumpleto ng mga tripulante ang kanilang
pananatili, na karaniwan ay sa loob ng 48 oras.
mailto:[email protected]
-
COVID-19 na Patnubay para sa mga pagpapalit ng mga tripulante ng
mga barko sa New Zealand Pahina 16 ng 27
Pagpaplano ng transportasyon • Kapag ang akomodasyon ay
naaprubahan na, pahihintulutan ng MIQ ang ahente ng
pagbabarko na direktang makipagtulungan sa isang naaprubahang
operator ng transportasyon sa lupa (na kasalukuyan ay Johnston's).
Ang contact email address ng Johnston's para sa pagpaplano ng
transportasyon ay [email protected] kasama sa
CC: [email protected].
• Tandaan na ang plano ay hindi pa aprubado hangga't hindi pa
nagbibigay ng pag-apruba ang [email protected]. nz. Bahagi ng
proseso ng pag-apruba na ito ay ang kahingian (requirement) para sa
MIQ na makipag-ugnay sa mga nauugnay na ahensya upang matiyak ang
mabisang escort, pag-apruba ng Customs, at pag-apruba sa kalusugan
sa pamamagitan ng lokal na DHB.
-
COVID-19 na Patnubay para sa mga pagpapalit ng mga tripulante ng
mga barko sa New Zealand Pahina 17 ng 27
5. Mga tungkulin at responsibilidad ng pagpapalit ng mga
tripulante
Mga may-ari ng barko at mga tagapamahala ng barko
Ang mga may-ari ng barko at mga tagapamahala ng barko ay
responsable sa pagtiyak na ang mga patakaran at pamamaraan ng
pagpapalit ng tripulante sa dokumentong ito ay sinusunod, na may
partikular na pagsasaalang-alang sa mga kahingian ng Maritime Labor
Convention.
Ang proseso para sa pagsasagawa ng pagpapalit ng mga tripulante
sa NZ ay nakadetalye sa Seksyon 2 sa itaas.
Ang mga may-ari/tagapamahala ay responsable rin na simulan ang
proseso ng pagpapalit ng mga tripulante sa New Zealand sa
pamamagitan ng kanilang mga ahente sa lalong madaling panahon.
Mga ahente ng barko sa NZ
Ang mga ahente ng barko sa NZ ay kailangang makipag-usap sa MIQ
sa lalong madaling panahon kapag pinaplano ang paglilipat ng mga
tripulante at humingi ng pag-apruba ng konsepto mula sa MIQ. Dapat
silang patuloy na mag-update at makipag-usap sa MIQ sa buong
proseso ng pagpaplano at kumpirmasyon habang ipinaparating ang
plano at mga hakbang ng paghihigpit sa kapitan at mga tripulante ng
barko na nagnanais bumaba sa NZ.
Inaasahan pa ring bubuo ang mga ahente ng barko (para sa
pag-apruba) ng mga plano ng transportasyon kasama ang Johnston's,
habang katrabaho nang malapitan ang MIQ. Kasama rito ang
pakikipag-komunikasyon ng anumang mga pagbabago para sa muling
pag-apruba ng MIQ.
Managed Isolation and Quarantine (MIQ)
Ang MIQ ay responsable sa Pamahalaang New Zealand para sa
kontroladong paggalaw ng mga tripulanteng pandagat sa pagitan ng
mga daungan ng pagpasok at mga daungan ng pag-alis (himpapawid o
dagat) at anumang mga kahingian (requirements) sa pinamamahalaang
pagbubukod. Aaprubahan ng MIQ ang mga plano sa transportasyon para
sa paggalaw ng mga tripulante sa pagitan ng mga daungan at mga
pasilidad ng pagbubukod na gumagamit lamang ng naaprubahang
transportasyon.
Makikipagtulungan ang MIQ sa mga ahente ng mga barko upang
matiyak na ang mga pagpapalit ng mga tripulante ay pinamamahalaan
nang ligtas at sa napapanahong paraan. Bukod pa rito, responsable
ang MIQ sa pagtiyak na ang kapasidad ng pinamamahalaang pagbubukod
ay pinananatiling naaangkop at hindi lumalampas sa pambuong bansa.
May ilang mga salik (factors) na lampas sa sektor ng maritime na
nakakaimpluwensya sa pagkakaroon ng kapasidad sa pagbubukod.
Maglalaan ang MIQ ng akomodasyon kung ang paglipat (transfer) sa
daungan ng paglisan (port of departure) ay hindi magagawa sa
parehong araw at sisikaping mag-book ng contingency na akomodasyon
kung ang mga transfer ay maantala. Ang anumang pananatili sa isang
pinamamahalaang pasilidad ng pagbubukod, ay magkakaroon ng gastos
kahit na mas mababa sa 24 na oras.
-
COVID-19 na Patnubay para sa mga pagpapalit ng mga tripulante ng
mga barko sa New Zealand Pahina 18 ng 27
Ang kapasidad ay napakahalaga, samakatuwid importante na ang mga
ahente ng mga barko ay nakikipagtulungan sa MIQ, may nakaplano mang
parehong araw na transfer o wala. Bagaman ang karamihan ng
pinamamahalaang pagbubukod ay nasa rehiyon ng AUCKLAND, maaaring
may mga opsiyon na kumpletuhin ang pagbubukod sa ROTORUA o
CHRISTCHURCH depende sa sitwasyon sa rehiyon.
New Zealand Customs Service (NZ Customs)
Ang NZ Customs ang lupong nagkokoordina (coordinating body) para
sa iba pang mga ahensya ng hangganan (border) tulad ng Ministry of
Health, Maritime New Zealand at Immigration New Zealand. Bilang
naitalagang mga opisyal ng pagpapatupad sa ilalim ng COVID-19
Public Health Response Act 2020, responsable ang NZ Customs sa
pagtiyak na nasusunod ang Maritime Border Order sa loob ng mga
daungan at marina ng New Zealand.
http://www.legislation.govt.nz/act/public/2020/0012/latest/LMS344134.htmlhttp://www.legislation.govt.nz/act/public/2020/0012/latest/LMS344134.html
-
COVID-19 na Patnubay para sa mga pagpapalit ng mga tripulante ng
mga barko sa New Zealand Pahina 19 ng 27
5. Mga tungkulin at responsibilidad ng pagpapalit ng mga
tripulante (nagpapatuloy)
Immigration New Zealand (Immigration NZ)
Pinag-aaralan ng Immigration NZ ang mga aplikasyon para sa mga
kahilingan na maglakbay sa New Zealand habang ipinapatupad ang mga
COVID-19 na paghihigpit sa hangganan (border). Kung ang isang
kahilingan para maglakbay ay naaprubahan, ang Immigration NZ ay
maglalabas ng isang paanyaya upang mag-aplay para sa visa, o
naiibang mga kundisyon ng visa, na sasailalim din sa pag-apruba o
pagtanggi ng Immigration NZ.
Ministry of Health (MoH)
Ang MOH ang nangungunang ahensya sa pagtugon sa COVID-19 ng New
Zealand, at nagkokoordina sa mga aktibidad ng District Health
Boards at Public Health Units. Ang Ministro ng Kalusugan at ang
Direktor-Heneral ng Kalusugan ay maaaring mag-isyu ng COVID-19 na
mga Kautusan alinsunod sa kanilang awtoridad sa ilalim ng COVID-19
Public Health Response Act 2020. Ang isang kasintulad na Kautusan
ay ang Maritime Border Order, na nabanggit sa itaas ng patnubay na
ito. Sa ilalim ng Maritime Border Order, pinag-aaralan ng
Direktor-Heneral ng Kalusugan ang mga aplikasyon para sa mga
exemption sa paghihigpit sa mga barko at maaaring magbigay ng
pahintulot para sa mga barko na makarating sa New Zealand kung
nasisiyahan ito na ang ilang mga kahingian (requirements) ay
natugunan.
Maritime New Zealand (Maritime NZ)
Ang Maritime NZ ang nangungunang ahensya ng pamahalaan para sa
pakikipag-ugnayan ng stakeholder sa industriyang pandagat at
nagbibigay ng teknikal na patnubay, suporta at payo sa mga
ahensyang kasosyo. Kinokontrol ng Maritime NZ ang mga dayuhan at
domestikong barko upang matiyak ang pagsunod sa batas sa kaligtasan
sa dagat at proteksyon sa kapaligirang pandagat, mga alituntunin,
mga regulasyon at mga patnubay. Ang Maritime New Zealand ay
regulator din ng New Zealand sa kalusugan at kaligtasan ng trabaho
sa mga barko at sa mga barko bilang mga lugar ng trabaho.
-
COVID-19 na Patnubay para sa mga pagpapalit ng mga tripulante ng
mga barko sa New Zealand Pahina 20 ng 27
6. Makipag-ugnay sa amin para sa tulong
Patuloy na sinusubaybayan ng Maritime NZ ang sitwasyon at
isasapanahon (update) ang patnubay na ito kung naaangkop.
Mangyaring makipag-ugnay nang direkta sa Maritime NZ para sa
anumang mga katanungan o komento tungkol sa patnubay na ito o
tungkol sa proseso ng pagpapalit ng mga tripulante.
[email protected]
-
COVID-19 na Patnubay para sa mga pagpapalit ng mga tripulante ng
mga barko sa New Zealand Pahina 21 ng 27
7. Apendiks 1: Impormasyon para sa darating na mga marino
Ligtas na paglalakbay sa iyong barko Upang matulungan kang
maglakbay nang ligtas sa iyong bagong barko, mangyaring sundin ang
mga tagubilin sa ibaba.
7.1 Direktang transportasyon mula sa paliparan patungo sa
barko
Bago ka lumipad sa New Zealand Mangyaring tiyakin na hawak mo
ang iyong pasaporte at lahat ng dokumentong kinakailangan ng NZ
Customs at Immigration NZ upang payagan kang makapasok sa bansa.
Papayuhan ka ng ahente ng daungan na namamahala sa iyong paglipat
(transfer) kung ano ang kailangan mong dalhin sa iyong
paglalakbay.
Sa iyong pagdating sa paliparan Sundin ang lahat ng mga
tagubilin ng opisyal ng NZ Customs o awtorisadong ahente. Titiyakin
nito na makapaglalakbay ka nang mabilis at ligtas sa paliparan,
makakadaan sa Immigration NZ at NZ Customs, makukumpleto ang mga
kinakailangang pagsusuri sa kalusugan, makukuha ang iyong bagahe at
makakalabas sa terminal. Kakailanganin mong magsuot ng tamang
Personal na Kagamitan sa Proteksyon (PPE - Personal Protection
Equipment) at panatilihin ang pisikal na distansiya sa lahat ng mga
yugto hanggang sa ligtas kang makasakay sa iyong barko o makarating
sa hotel.
Sa lugar na pagkikitaan (meeting point) Sa meeting point ay
ipapaubaya ka sa drayber ng van o bus na magdadala sa iyo sa iyong
barko. Mula sa puntong ito ay dapat mong sundin ang lahat ng mga
tagubilin ng drayber upang matiyak na maisasakay mo ang iyong
bagahe at ligtas na makakabiyahe sa bus.
Sa partikular, mangyaring sundin ang mga tagubilin ng drayber
kaugnay sa pagkakarga at paghawak ng iyong bagahe, pag-akyat at
pagbaba sa sasakyan, saan ka uupo upang masiguro ang tamang pisikal
na pagdistansya at pagsuot ng naaangkop na kagamitang
pamproteksiyon tulad ng mga mask at guwantes.
Mangyaring umupo lamang kung saan sinabi sa iyo.
Ang iyong drayber ay mayroong naaprubahang plano sa
transportasyon at makikipagkoordina sa mga awtoridad sa daungan at
sa barko upang ipaalam sa kanila ang inaasahang oras ng iyong
pagdating.
-
COVID-19 na Patnubay para sa mga pagpapalit ng mga tripulante ng
mga barko sa New Zealand Pahina 22 ng 27
Kung sa anumang yugto ay nabigo kang tugunan ang kinakailangang
mga pagsusuri sa
kalusugan o nagpapakita ka ng anumang mga sintomas ng COVID-19,
ikaw ay hindi
makakapaglakbay nang direkta sa barko.
Dadalhin ka sa kalapit na Managed Isolation at Quarantine
Facility kung saan ikaw ay
irerehistro, dadalhin sa iyong silid at tuturuan kung paano
pamamahalaan ang panahon
ng iyong kuwarentena.
-
COVID-19 na Patnubay para sa mga pagpapalit ng mga tripulante ng
mga barko sa New Zealand Pahina 23 ng 27
7. Apendiks 1: Impormasyon para sa darating na mga marino
(nagpapatuloy)
Sa barko Sa daungan, susuriin ang iyong sasakyan upang direkta
kang maihatid kung saan nakaangkla ang barko. Huwag lalabas sa
sasakyan hangga't hindi sinasabihan ng drayber. Pagkatapos ay
ibibigay ka sa isang opisyal mula sa barkong responsable upang
samahan ka sa pagsakay sa barko.
7.2 Transportasyon mula sa paliparan patungo sa barko na may
pansamantalang pananatili sa isang Managed Isolation Facility
(MIF)
Bago ka lumipad sa New Zealand Mangyaring tiyakin na hawak mo
ang iyong pasaporte at lahat ng dokumentong kinakailangan ng NZ
Customs at Immigration NZ upang payagan kang makapasok sa bansa.
Papayuhan ka ng ahente ng daungan na namamahala sa iyong paglipat
(transfer) kung ano ang kailangan mong dalhin sa iyong
paglalakbay.
Sa iyong pagdating sa paliparan Sundin ang lahat ng mga
tagubilin ng opisyal ng NZ Customs o awtorisadong ahente. Titiyakin
nito na makapaglalakbay ka nang mabilis at ligtas sa paliparan,
makakadaan sa NZ Customs, makukumpleto ang mga kinakailangang
pagsusuri sa kalusugan, makukuha ang iyong bagahe at makakalabas sa
terminal.
Sa AUCKLAND AIRPORT maaaring mananatili ka sa isang lokal na
hotel sa paliparan. Sasamahan kang maglakad ng opisyal ng NZ
Customs o awtorisadong ahente sa bulwagan (reception) ng hotel.
Sa lugar na pagkikitaan (meeting point) Kung naglalakbay ka sa
isang MIF na hindi matatagpuan sa paliparan ikaw ay sasamahan sa
meeting point ng paliparan kung saan ka ipapaubaya sa drayber ng
van o bus na magdadala sa iyo patungo sa MIF. Sa puntong ito ay
dapat mong sundin ang lahat ng mga tagubilin ng drayber upang
matiyak na maikakarga mo ang iyong bagahe at makakabiyahe ka sa bus
nang ligtas.
Sa partikular, mangyaring sundin ang mga tagubilin ng drayber
kaugnay sa pagkakarga at paghawak ng iyong bagahe, pag-akyat at
pagbaba sa sasakyan, saan ka uupo upang masiguro ang tamang pisikal
na pagdistansya at pagsuot ang naaangkop na kagamitang
pamproteksiyon tulad ng mga mask at guwantes.
Mangyaring umupo lamang kung saan sinabi sa iyo.
Sa MIF Huwag lalabas sa sasakyan hangga't hindi sinasabihan ng
drayber. Pagkatapos ay ipapaubaya ka sa isang miyembro ng pangkat
na nagpapatakbo ng MIF at irerehistro, dadalhin sa iyong silid at
tuturuan kung paano pamamahalaan ang panahon ng iyong pagbubukod.
Isang hiwalay na tagubilin ang ibibigay sa iyo sa MIF.
-
COVID-19 na Patnubay para sa mga pagpapalit ng mga tripulante ng
mga barko sa New Zealand Pahina 24 ng 27
7. Apendiks 1: Impormasyon para sa darating na mga marino
(nagpapatuloy)
Patuloy na transportasyon sa barko Kapag dumating ang petsa ng
iyong paglalakbay sa barko, sundin ang mga tagubilin mula sa
pangkat ng pamamahala ng MIF at pumunta sa meeting point ng MIF
para maipasa (handover) sa drayber na magdadala sa iyo sa barko.
Muli, sundin ang lahat ng tagubilin ng drayber upang matiyak na
magagawa mong ikarga ang iyong bagahe at makabiyahe nang
ligtas.
Ang iyong drayber ay mayroong naaprubahang plano sa
transportasyon at makikipagkoordina sa mga awtoridad sa daungan at
sa barko upang ipaalam sa kanila ang inaasahang oras ng iyong
pagdating.
Sa barko Sa daungan, susuriin ang iyong sasakyan upang direkta
kang maihatid kung saan nakaangkla ng barko. Huwag lalabas sa
sasakyan hangga't hindi sinasabihan ng drayber. Pagkatapos ay
ipapasa ka sa isang opisyal mula sa barkong responsable upang
samahan ka sa barko.
Kung sa anumang yugto ay nabigo kang tugunan ang kinakailangang
mga pagsusuri sa
kalusugan o nagpapakita ka ng anumang mga sintomas ng COVID-19,
ikaw ay hindi
makakapaglakbay nang direkta sa barko.
Dadalhin ka sa kalapit na Managed Isolation at Quarantine
Facility kung saan ikaw ay
irerehistro, dadalhin sa iyong silid at tuturuan kung paano
pamamahalaan ang panahon
ng iyong kuwarentena.
-
COVID-19 na Patnubay para sa mga pagpapalit ng mga tripulante ng
mga barko sa New Zealand Pahina 25 ng 27
8. Apendiks 2: Ang tugon ng New Zealand sa COVID-19
8.1 Ano ang COVID-19? Ang COVID-19 ay unang naiulat noong
Disyembre 2019 sa Wuhan, China at mula noon ay kumalat sa halos
lahat ng mga bansa sa buong mundo. Sa karamihan ng mga kaso, ang
COVID-19 ay isang banayad, kusang gumagaling na karamdaman. Sa
ilang mga kaso, maaari itong maging sanhi ng mas matinding
karamdaman kabilang ang pulmonya at maaaring humantong sa
kamatayan. Ang panahon mula sa unang kontak sa virus hanggang
magkaroon ng mga sintomas ay karaniwang 5 hanggang 7 araw bagaman
maaari itong umabot sa 14 na araw. Sa mga mas malubhang kaso, ang
mga sintomas ay karaniwang lumalala nang dahan-dahan matapos unang
lumitaw ang mga ito.
Walang bakuna o partikular na gamot ang kasalukuyang magagamit,
at ang tinututukan ng mga pampublikong awtoridad sa kalusugan sa
buong mundo ay ang pigilan ang virus sa pamamagitan ng mga hakbang
sa pag-iwas, upang limitahan at pabagalin ang pagkalat ng
pagkahawa.
Ang pagkahawa ay nangyayari sa pamamagitan ng mga tilamsik ng
patak (aerosolized droplet) at kontak sa ibabaw ng mga bagay. Ang
mga panloob na espasyo na may mga grupo ng mga tao ay natukoy
bilang mga kapaligiran na may potensyal ng mataas na panganib.
Ang malaking hamon na ito sa pampublikong kalusugan ay
nangangailangan ng malapit na kooperasyon sa pagitan ng flag at
port States, mga kumpanya ng pagbabarko at iba pang mga provider ng
serbisyong pandagat upang maprotektahan ang kalusugan ng mga marino
at mga tauhan ng daungan at pati na rin ang pangkalahatang
publiko.
8.2 Paghihigpit ng pagpasok sa hangganan (border) Ang mga
dayuhang manlalakbay mula sa lahat ng mga bansa ay hindi maaaring
pumasok sa New Zealand. Ang mga mamamayan ng New Zealand at mga
permanenteng residente (at ang kanilang malapit na pamilya) at mga
mamamayan ng Australya na nakatira sa New Zealand ay maaaring
maglakbay sa New Zealand.
Ang mga dayuhang barkong pangkargamento ay exempted at maaaring
pumasok sa New Zealand.
Ang mga internasyonal na tripulanteng pandagat na sakay ng mga
komersyal na barkong pangkargamento na pumapasok sa New Zealand
upang mangalakal ay hindi kailangang mag-aplay para sa isang visa o
exemption.
Ang mga papasok (inbound) na relyebong tripulante na darating sa
pamamagitan ng hangganang panghimpapawid (air border) ay dapat
mayroong kahilingan para sa paglalakbay na inaprubahan ng
Immigration NZ, nabigyan ng visa at dapat kasama sa isang
naaprubahang plano sa transportasyon bago sila makapasok sa New
Zealand upang maging relyebo ng iba pang mga miyembro ng
tripulante. Tingnan ang Seksyon 2 sa itaas para sa higit pang mga
detalye tungkol sa prosesong ito.
Dapat matugunan ng mga tripulante na bababa mula sa mga
komersyal na barko ang mahigpit na
-
COVID-19 na Patnubay para sa mga pagpapalit ng mga tripulante ng
mga barko sa New Zealand Pahina 26 ng 27
mga kahingian sa pagbubukod at kuwarentena.
https://www.health.govt.nz/our-work/diseases-and-conditions/covid-19-novel-coronavirus/covid-19-information-specific-audiences/covid-19-resources-border-sector/covid-19-maritime-sector
Ang lahat ng aktibidad ng internasyonal na cruise ship ay
nakasuspinde sa New Zealand nang walang katiyakan.
https://www.health.govt.nz/our-work/diseases-and-conditions/covid-19-novel-coronavirus/covid-19-information-specific-audiences/covid-19-resources-border-sector/covid-19-maritime-sectorhttps://www.health.govt.nz/our-work/diseases-and-conditions/covid-19-novel-coronavirus/covid-19-information-specific-audiences/covid-19-resources-border-sector/covid-19-maritime-sector
-
COVID-19 na Patnubay para sa mga pagpapalit ng mga tripulante ng
mga barko sa New Zealand Pahina 27 ng 27
8. Apendiks 2: Tugon ng New Zealand sa COVID-19
8.3 Estratehiya ng New Zealand Sa New Zealand ang aming
estratehiya sa pagpuksa sa COVID-19 virus ay isang napapanatiling
pamamaraan na pigilan itong makapasok, hanapin ito at puksain
ito.
Ginagawa namin ito sa pamamagitan ng:
• paghihigpit ng pagpasok sa hangganan (border)
• pagsubaybay sa sakit
• pisikal na pagdistansya at mga hakbang sa kalinisan
• pagpapasuri at pagsubaybay (tracing) sa lahat ng mga potensyal
na kaso
• pagbubukod ng mga kaso at kanilang malapit na mga kontak
• mas malawak na mga paghihigpit sa pampublikong kalusugan
depende sa antas ng alerto na kinalalagyan natin.
Ang aming pambansang estratehiya ay makikita sa:
https://www.health.govt.nz/our-work/diseases-and-conditions/covid-19-novel-coronavirus/covid-19-current-situation/covid-19-elimination-strategy-aotearoa-new-zealand.
Ipinahayag ng Pamahalaang New Zealand ang mga hakbang upang
palakasin ang hangganang pandagat (maritime border). Ang COVID-19
Public Health Response (Maritime Border) Order (No 2) 2020 ay
mababasa dito.
Tandaan na ang naipong impormasyong pandagat ng Ministri ng
Kalusugan (MoH) ay maaari na ngayong mabasa dito.
Ang mga paghihigpit ng pamahalaan sa mga tripulanteng pandagat
na bababa ng barko ay hindi ligal na pinipigilan ang mga stevedore
at iba pang mahahalagang manggagawa sa pagsakay sa mga
internasyonal na barko, hangga't nagsasagawa ng mga naaangkop na
hakbang upang pamahalaan ang kalusugan at kaligtasan at pagsunod sa
mga patnubay ng Ministro ng Kalusugan.
Gayundin, ang paglitaw ng COVID-19 at pagtugon dito ay hindi
nakakaapekto sa mga karapatan ng lahat ng mga manggagawa sa barko
na tumigil o tumanggi na magsagawa ng hindi ligtas na gawain tulad
ng nakadetalye sa seksyon 83 ng Health and Safety at Work Act 2015
(HSWA).
https://www.health.govt.nz/our-work/diseases-and-conditions/covid-19-novel-coronavirus/covid-19-current-situation/covid-19-elimination-strategy-aotearoa-new-zealandhttps://www.health.govt.nz/our-work/diseases-and-conditions/covid-19-novel-coronavirus/covid-19-current-situation/covid-19-elimination-strategy-aotearoa-new-zealandhttp://www.legislation.govt.nz/regulation/public/2020/0240/latest/LMS403466.html?search=ts_act%40bill%40regulation%40deemedreg_COVID-19+Public+Health+Response+(Maritime+Border)+Order+(No+2)+2020_resel_25_a&p=1https://www.health.govt.nz/our-work/diseases-and-conditions/covid-19-novel-coronavirus/covid-19-information-specific-audiences/covid-19-resources-border-sector/covid-19-maritime-sector
Nasa gabay na ito1. PanimulaPagtatanggi Binuo ng Maritime NZ ang
patnubay na ito sa pakikipagtulungan sa iba pang mga ahensya ng
Pamahalaan, industriya (kabilang ang mga samahan ng manggagawa at
tagapag-empleyo). Habang patuloy na sinusubaybayan ng Maritime NZ
ang sitwasyon ng COVID-19 at nagsisikap na panatilihing napapanahon
ang patnubay na ito sa kasalukuyang mga patakaran at batas na
nakatalaga, hindi ito palaging posible dahil sa mabilis magbagong
sitwasyon na ganito, kaya't ang patnubay na ito ay maaaring magbago
nang walang abiso. Ang patnubay na ito ay hindi kumakatawan bilang
ligal na payo at hindi humahalili sa anumang binanggit na batas,
mga pagsusog sa mga ito, o anumang mga ligal na instrumento na
maaaring nakatalaga sa ngayon, o sa hinaharap na nauugnay sa
ngayon, o maaaring maging nauugnay sa patnubay na ito. Ang mga link
sa pinakabagong mga instrumento ng batas na nauugnay sa ngayon, o
maaaring maging nauugnay sa patnubay na ito ay matatagpuan sa
webpage ng Unite Against COVID-19 dito.Tinatanggihan ng Pamahalaang
NZ at hindi isinasama (excludes) ang lahat ng pananagutan para sa
anumang paghahabol (claim), pagkawala, kahilingan o pinsala na may
anumang uri (kasama ang para sa kapabayaan) na nagmumula o may
kaugnayan sa paggamit ng patnubay na ito o ng impormasyon,
nilalaman o mga materyal na kasama sa patnubay na ito o sa anumang
website na naka-link dito.Kung kailangan mo ng payo ng propesyonal,
kasama ang payo tungkol sa iyong mga ligal na obligasyon, dapat
kang makipagkita sa isang propesyonal na tagapayo at huwag umasa sa
impormasyon, nilalaman o mga materyal na kasama sa patnubay na ito
o sa anumang website na naka-link nito. Patuloy na sinusubaybayan
ng Maritime NZ ang sitwasyon ng COVID-19 at kasama ng iba pang mga
ahensya ng Pamahalaan at industriya (kabilang ang mga samahan ng
manggagawa at tagapag-empleyo), ay isasapanahon ang patnubay na ito
ayon sa pag-unlad ng tugon.2. Hakbang-hakbang na gabay para sa mga
pagpapalit ng mga tripulante sa New ZealandImpormasyon para sa mga
may-ari ng barko, mga ahente ng tripulante at mga ahente ng barko
ng NZ2.1 Mga pagpapalit ng mga tripulanteng sakay ng mga dayuhang
barko na paalis sa New Zealand1. Kumpirmahin na makakapasok ang mga
tripulante sa New Zealand2. Kumuha ng mga pag-apruba
2. Hakbang-hakbang na gabay para sa mga pagpapalit ng mga
tripulante sa New Zealand (nagpapatuloy)3. Paghahanda para sa
pagdating4. Isapanahon ang plano
2. Hakbang-hakbang na gabay para sa mga pagpapalit ng mga
tripulante sa New Zealand (nagpapatuloy)5. Pagdating ng barko2.2
Mga pagpapalit ng mga tripulante sa mga barko na hindi paalis sa
New Zealand
2. Hakbang-hakbang na gabay para sa mga pagpapalit ng mga
tripulante sa New Zealand (nagpapatuloy)3. Karagdagang patnubay
para sa mga ahente ng barko3. Karagdagang patnubay para sa mga
ahente ng barko (nagpapatuloy)4. Mga KomunikasyonPinamamahalaang
pagbubukod?AkomodasyonPagpaplano ng transportasyon
5. Mga tungkulin at responsibilidad ng pagpapalit ng mga
tripulanteMga may-ari ng barko at mga tagapamahala ng barkoMga
ahente ng barko sa NZManaged Isolation and Quarantine (MIQ)New
Zealand Customs Service (NZ Customs)
5. Mga tungkulin at responsibilidad ng pagpapalit ng mga
tripulante (nagpapatuloy)Immigration New Zealand (Immigration
NZ)Ministry of Health (MoH)Maritime New Zealand (Maritime NZ)
6. Makipag-ugnay sa amin para sa tulong7. Apendiks 1:
Impormasyon para sa darating na mga marinoLigtas na paglalakbay sa
iyong barko7.1 Direktang transportasyon mula sa paliparan patungo
sa barkoBago ka lumipad sa New ZealandSa iyong pagdating sa
paliparanSa lugar na pagkikitaan (meeting point)
Kung sa anumang yugto ay nabigo kang tugunan ang kinakailangang
mga pagsusuri sa kalusugan o nagpapakita ka ng anumang mga sintomas
ng COVID-19, ikaw ay hindi makakapaglakbay nang direkta sa barko.
Dadalhin ka sa kalapit na Managed Isolation at Quarantine Facility
kung saan ikaw ay irerehistro, dadalhin sa iyong silid at tuturuan
kung paano pamamahalaan ang panahon ng iyong kuwarentena.7.
Apendiks 1: Impormasyon para sa darating na mga marino
(nagpapatuloy)Sa barko7.2 Transportasyon mula sa paliparan patungo
sa barko na may pansamantalang pananatili sa isang Managed
Isolation Facility (MIF)Bago ka lumipad sa New ZealandSa iyong
pagdating sa paliparanSa lugar na pagkikitaan (meeting point)Sa
MIF
7. Apendiks 1: Impormasyon para sa darating na mga marino
(nagpapatuloy)Patuloy na transportasyon sa barkoSa barko
Kung sa anumang yugto ay nabigo kang tugunan ang kinakailangang
mga pagsusuri sa kalusugan o nagpapakita ka ng anumang mga sintomas
ng COVID-19, ikaw ay hindi makakapaglakbay nang direkta sa barko.
Dadalhin ka sa kalapit na Managed Isolation at Quarantine Facility
kung saan ikaw ay irerehistro, dadalhin sa iyong silid at tuturuan
kung paano pamamahalaan ang panahon ng iyong kuwarentena.8.
Apendiks 2: Ang tugon ng New Zealand sa COVID-198.1 Ano ang
COVID-19?8.2 Paghihigpit ng pagpasok sa hangganan (border)
8. Apendiks 2: Tugon ng New Zealand sa COVID-198.3 Estratehiya
ng New Zealand