Top Banner
Panimulang Balarila: Palatuntunang Minimalismo Mga Aralin sa Balangkas ng Mga Wikang Pilipino Resty Cena Aralin 2: Salita
83

salita

Apr 11, 2015

Download

Documents

api-3732946
Welcome message from author
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
Page 1: salita

Panimulang Balarila:

Palatuntunang Minimalismo

Mga Aralin sa Balangkas ng Mga Wikang Pilipino Resty Cena Aralin 2: Salita

Page 2: salita

Sa simula, ang salita.

“Lahat ng balangkas ay itinatakda ng salita.”

Page 3: salita

Layunin

Pag-usapan ang mga kaariang pangbalarila

“grammatical properties” ng mga salita.

Page 4: salita

Kaariang Pangbalarila “Grammatical Properties”

Pangbalarila ang isang kaarian ng salita kung nakakatulong o nakakasira ng balangkas ng pangungusap ang kaarian. *Maayos ni Ben ang basi. cf. Ininom ni Ben ang basi. Uminom ng basi *Ben. cf. Uminom ng basi si Ben/ang sundalo. *Nangagsiinom si Ben ng basi. Naging *tumakbo si Ben. cf. Naging lasinggero si Ben.

Kaariang pangbalarila ba ang kahulugan “meaning” ng salita?

Page 5: salita

Mga Kaariang Pangbalarila

kategoriya “category” sab-kategoriya “sub-category” katangiang pangpili “selectional features”

Page 6: salita

Kategoriyang Pangbalarila “Grammatical Category”

Ang mga salita ay inilalapat sa isang kategoriya ayon sa mga katangiang semantik (kahulugan), morpolohikal (anyo) at sintaktik (gamit o lugar).

Mga kategoriya ayon sa semantik ng salita pangngalan “noun”, pandiwa “verb”, pang-uri “adjective”, pang-abay “adverb”, panghalip “pronoun”, pang-ukol “determiner”, pandamdam “interjection”, pangatnig “conjunction”, pangtukoy “preposition”, pandiwari “participle”

Bakit Kailangan ang Kategoriya?

Page 7: salita

Bakit Kailangan ang Kategoriya?

“Categorial information is so obviously necessary that one does not even need to provide an argument to justify its presence in a lexical entry.” (Lasnik, et al., 2004 attribute this view to Chomsky 1995).

It will not be possible to provide a systematic account of inflectional and derivational morphology unless we were to posit that words belong to grammatical categories and that a specific types of inflection and derivation affixes attaches only to a specific category of word. [Wikipedia]

Page 8: salita

Uri ng Salita ayon sa Nilalalaman

Malamang salita “content word or contentive” Mga salitang makahulugan at naglalarawan, halimbawa: bata, bahay, matanda, malakas, mahina, atbp

Matungkuling salita “function word or functor” Mga salitang nagtataglay ng tungkuling pangbalarila, tulad ng kailanan “number”, katauhan “person”, halimbawa: ang, ng, sa, mga, atbp.

Contentives belong to lexical categories Functors belong to functional categories

Page 9: salita

Uri ng Kategoriya ayon sa Uri ng Salita

1. Kategoriyang malaman “lexical category”: saklaw nito ang mga kategoriyang pangngalan, pandiwa, pang-uri, pang-abay, at pantukoy

2. Kategoriyang matungkulin “functional category”: saklaw nito ang mga kategoriyang panghalip, pang-ukol “determiner”, atbp

Page 10: salita

Bukas at Sarado

Bukas na kategorya. Tumatanggap ng mga bagong miyembro. Pandiwa, pangngalan, pang-uri, pang-abay? Meron pa?

Saradong kategorya. Hindi na, o mabagal, tumanggap ng bagong miyembro. Panghalip, pantukoy, pangatnig, pang-ukol. Meron pa?

Page 11: salita

Pagsasanay

Pagsama-samahin ang mga salita ayon sa anumang “makabalarilang” criteria na maiisip ninyo.

Para sa higit na mabisang pagpapatupad, ang wikang pambansa ay ipinahayag na isa sa mga wikang opisyal ng Pilipinas sa bisa ng … Kaugnay din ng batas na ito, ang wikang pambansa ay sinimulang ituro bilang asignatura mula sa unang baitang ng elementarya hanggang ikaapat na taon ng sekundarya noon … Isa sa mga pangunahing paraan ng pagpapalaganap ng wikang pambansa sa panahong iyon ay ang sistemang pampaaralan at pormal na edukasyon.

Page 12: salita

Pag-alam ng Kategorya

Ano ang magagamit na batayan sa pagtatag ng mga kategoryang malarawan?

1. Batay sa katangiang semantik (konseptwal o nosyonal) ng salita

2. Batay sa morpolohiya ng salita

3. Batay sa diin “stress”

4. Batay sa gamit o lugar sa pangungusap

Page 13: salita

Kategorya batay sa Semantik

ang pandiwa ay nagsasaad ng aksiyon (tumakbo, kumain, bumili, atbp)

ang pangngalan ay tumutukoy sa bagay “entity” (basi, sundalo, Ben, atbp)

ang pang-uri ay nagsasaad ng kalagayan “state” o kaurian “attribute” (mabilis, mahal, makupad, atbp)

ang pang-abay ay nagsasaad ng paraan (mabilis, makupad, maayos, atbp)

ang pang-ukol ay nagsasaad ng relasyon ayon, alingsunod, tungkol, bagay sa, hinggil sa, ukol , laban, tungo

Ano pa?

Page 14: salita

Pangngalan ba ang tinutukoy ng mga salitang hilig sa ibaba:

1. Tumayo ang mga bata at ang babae.

2. Umupo ang mga matatanda at ang mga tahimik.

3. Basi ang inayawan ni Ben.

4. Inayawan ni Ben ang basi.

Page 15: salita

Pang-uri o Pang-abay?

1. Mabilis uminom si Ben.

2. Mabilis si Ben.

3. Mabilis si Ben sa pag-inom.

Batay sa anyo, paano makikilala ang pangngalan, pandiwa, pang-uri, pang-abay?

Page 16: salita

Kategorya batay sa Morpolohya

Ang mga salitang kabilang sa isang kategorya ay nagpapakita ng pare-parehong katangiang pang-impleksyon at pangderibasyon. Impleksyon Ang pagbabago ng anyo ng salita para magpahayag ng kaukulan, bilang, kasarian, panahon, atbp. Deribasyon Ang pagbabago ng anyo ng salita (karaniwan nang sa pamamagitan ng pagdagdag ng morpema) para ipakita ang pagbabago ng kategorya.

Page 17: salita

Pag-alam ng Kategoriyang Malarawan … 2

Pangngalan ang salita kung may panlaping naghuhudyat ng occupation, gamit, tungkulin o responsibilidad, gawa, pinanggalingan. Deribasyon o impleksyon?

ka- … -an, kabaitan, kalokohansa- … -an, sapilitanpag-, pagpuntapag- + redup, pag-iisipmang- + redup, mangingisdataga- , tagapagsalita, taga-libispang- , panghalibas

Page 18: salita

Panlaping naghuhudyat ng kategorya

Pangngalan kung naghuhudyat ng kasarian.

abogado-abogada, mayor-mayora, doktor-doktora,

Mga “nanigas” na pangngalang galing sa pandiwa:-in- , sinangag, pinakbet, binata, sinigang, pinaksiw

-um- , dumalaga

Page 19: salita

Panlaping Naghuhudyat ng Kategorya … 3

Panlaping naghuhudyat ng pang-urima- , mabilisnapaka- , napakabilispinaka- , pinakamabiliska(sing)- , kabilis, kasing-bilis

Batay sa diin “stress”anihin, pitasin, pakyawin, Pandiwaanihin, pitasin, pakyawin, Pang-uri

Page 20: salita

Impleksyon

Pandiwa ang isang salita na nababanghay para magbadya ng daloy ng panahon “aspect”, tampulan “focus”, at paraan “mode”

Pandiwa: Banghay sa DaloyPawatas Tapos Di-tapos Di-naumpisahantumakbo tumakbo tumatakbo tatakbo bumili bumili bumibili bibili

Page 21: salita

Impleksyon

Pandiwa: Banghay sa Tampulan “focus”TampulangGinaganap Panlapi aktor -um- Uminom ng basi si Ben. mag- Nagdala ng basi si Ben. mang- Nanghingi ng basi si Ben. apektado i- Iluto mo ang isda. -in Lutuin mo ang isda.kagamitan i(pang)- I(pang)putol mo ang itak.nakikinabang i(pag)- Ibili mo si Ben ng basi. Ipagluto mo si Ben.

Page 22: salita

Pandiwa: Banghay sa Tampulan … 2

Ginaganap Panlapilunan -an Tulugan mo ang bahay. direksiyon “to” -an Dalahan mo si Ben ng baso.direksiyon “from” -an Kunan mo ng tubig ang tapayan.cause, reason i(ka) Ikinayaman ni Ben ang sibuyas. Ikinauwi ni Ben ang Tatang.panahon (Blake) i- Pasko ang araw na idinating ni Ben.sukat i- Isang metro ang inilaki ng palay.reserba ipang- Ipangbahay mo ang kamiseta.patungkol pag-...-an Pinag-usapan nila ang plano.

Page 23: salita

Pandiwa: Banghay sa Paraan “Mode”

Pandiwa ang salita kung may panlaping nagpapakita ng paraan ng pagkakagawa.

Mga panlaping pamamaraanpa- injunctive ipakuha

ma- abilitative makuha

nonvolitional nadala

Page 24: salita

Pandiwa: Banghay sa Paraan … 2

pag- comprehensive ipagbilimag- comprehensive magbigaypang- reservational ipangtulog,

ipangbukasmang- extensive mangisdaka- causative ikakuha,

inversive, reciprocal kaibiganin

Page 25: salita

Pandiwa: Banghay sa Paraan … 2

May mga panlaping pamamaraan na tali “bound” sa ibang panlaping pamamaraan.

-ki- requestive makikuha

-si- intensive magsikuha

-ag- collective mangagkuha

-ti- assistive magpatihulog

-sa- directional magpasa-Maynila

-hi- intensive maghimutok

Page 26: salita

Pandiwa: Banghay sa Paraan … 3

Isama natin sa listahan ang abstrak na mga anyong ulit-bahagi “partial reduplication” at ulit-buo “full reduplication”, dahil sa ang pag-uulit ng pandiwa o bahagi ng pandiwa ay bumubuo ng ibang salita na may karagdagang kahulugan. Halimbawa:ULIT-BAHAGI disapprobational bumili-bili

occasional bali-balitaanULIT-BUO conditional bumiling-bumili

Tila nakabaong pang-abay “embedded adverb” ang mga pamamarang panlapi.

Page 27: salita

Banghay sa Bilang

Ano-ano ang mga kategorya na nababanghay sa bilang?1. Pandiwa. Nagsasaad ba ng bilang (isahan o maramihan)

ang mga ito:magtakbuhan, nangagsitakbo, paghahalikan, magbilihan, nagpagandahan

2. Pangngalan. Nababanghay ba ang pangngalan para magpakita ng bilang?

3. Pang-uri.mabait-mababait,

4. Pang-abayMabibilis tumakbo sina Ben.*Mabibilis tumakbo si Ben.

Page 28: salita

Pang-uri: Banghay sa Katularan

Banghay ng Pang-uri

Bukod sa maramihan (hal., magagalang), ano pa?

kagalang-galang

(mag)kasing-galang comparative

pinakamagalang superlative

napakagalang intensive

pagkagalang-galang intensive

kagalang-galangan superlative

Page 29: salita

Pang-uri

Isa pang paraan ng pagpapakita ng superlative degree:Pangngalan na nagbabadya ng kasukdulan + salitang-ugat na pang-uri:

hari ng galangnuno ng galangsultan ng yabang

Pang-uri ba ang pangngalan ang buong parirala?

Page 30: salita

Deribasyon

Paraan ng deribasyon1. Salitang-ugat at panlapi

taga + ugat = pangngalantagakain, tagaluto, tagasigaw, tagadraybtaga-ilog, tagabundok, taga-Maynilatagadoktor, taganars, *tagadrayber, *tagasenador, tagapangulo, tagapanguna*taga-isda (cf. tagapangisda), *tagalangaw, *tagalamok

Page 31: salita

Deribasyon

mang+Redup +ugat = pangngalan

mangingisda, mangangahoy,

*mangbababoy, magbababoy

ugat + panlapi = pandiwa

kinain, atbp

ugat + panlapi = pang-uri

palasagot, palatawa, palabiro,

*palakain, palakain

malateynga, *malaganda, malasakit (pang-uri?)

Page 32: salita

Pag-alam ng Kategoryang Malarawan

3. Paglilipat ng Diin

Pandiwa nagiging pang-uri dahil sa paglipat ng diin: kainin > kainin, anihin > anihin, sibakin > sibakin

Pandiwa naging pangngalan dahil sa paglipat ng diin: manggagawa > manggagawa, mangangantiyaw > mangangantiyaw Pero: mangangako > *mangangako

Page 33: salita

Pag-alam ng Kategoryang Malarawan

Pangngalan nagiging ibang pangngalan dahil sa karagdagang panlapi:

pangisda > tagapangisda

tagahuli - tagapanghuli, tagaluto - *tagapangluto

tagapangasiwa - ?tagaasiwa

tao > mapa(sa)-tao

bagay > mapa(sa)-bagay

Page 34: salita

Ano ang kategoriya ng salitang-ugat?

Mga mungkahi: 1. Walang kategorya ang mga salitang ugat.

2. May kategorya ang mga salitang ugat.

Page 35: salita

Kategoriya ng Salitang-Ugat … 2

Mungkahi 1: Walang kategorya

O “precategorial” words ang mga ito. Nagkakaroon lang ng kategorya ang mga salita kapag nabigyan na ng impleksyon o deribasyon o ginagamit sa pangungusap (Foley 1994).

bahay (U), bumahay (V), mabahay (A), mga bahay (N).

Page 36: salita

Kategoriya ng Salitang-Ugat … 3

Mungkahi 2: May kategoriya na ang mga salitang-ugat:

salitang-ugat na pangngalan?: tulog, teynga salitang-ugat na pandiwa?: takbo, inom salitang-ugat na pang-uri?: lakas, ganda salitang-ugat na pang-abay?: tunay, talaga

Tanong: Paano mapapatunayan na ang isang salitang-ugat ay pangngalan, pandiwa, o pang-uri?

Page 37: salita

Kategoriya ng Salitang-Ugat … 4

Anong ebidensiya o argumento ang maihahain para o laban sa mga mungkahing ito?

Kung tama ang mungkahi (1), paano ipapaliwanag ang mga salitang-ugat sa mga halimbawa sa ibaba, na may maliwanag na kategoriya kahit walang panlapi? Ang bilis ng takbo ni Ben.

Ayaw ni Ben na makarinig ng hikbi.

Iyak ang isinalubong ni Ben sa asawa.

Page 38: salita

Kategoriya ng Salitang-Ugat … 5

May mga ugat na kategoryang pang-uri ang gamit. 1. Tinapos na ni Ben ang basi ~ Tapos na ang basi.2. Ginawa na ni Ben ang trabaho ~ Gawa na ang trabaho.3. Binalak na ni Ben ang piknik ~ ?Balak na ang piknik.4. Tinakbo na ang marathon ~ *Takbo na ang marathon.

Sa (3), parang pangngalan ang “balak”, at sa (4), maliwanag na pandiwa. Bakit hindi puwede ang (4)? Sa (1) at (2), pansinin ang diin sa ugat. Ano ang katuturan nito sa isyu?

Page 39: salita

Kategoriya ng Salitang-Ugat … 6

At may mga ugat na maliwanag na ang kategorya ay pang-uri, at ayaw pang tumanggap ng panlaping “ma-”

pandak, *mapandak, paling, *mapaling, sabik, *masabik

Magbigay ng alternative na paliwanag kung bakit hindi tinatanggap ang *mapandak, *mapaling.

Pansinin:

sabik, nasasabik, *sumasabik

pandak, *napapandak, pumapandak

Page 40: salita

Kategoriya ng Salitang-Ugat … 7

May nagsasabing lahat ng salitang-ugat ay tumatayo sa lugar ng pangngalan. Tutuo? (Magbigay ng halimbawa ng ugat na hindi nakatatayong pangngalan.) Pangngalan ba ang kategoriya ng lahat ng salitang-ugat?

Page 41: salita

Pag-alam ng Kategorya batay sa Gamit ng Salita

Paraan

Hahanap tayo ng mga lugar sa pangungusap ('hulmahan') na tumatanggap lang ng salita ng isang kategoryang nosyonal. Sa ganitong paraan mapapatibayan ang pagkakaruon ng nasabing kategorya.

Page 42: salita

Lugar sa Pangungusap

Anong mga kategorya, kung mayroon, ang inihihiwalay ng mga lugar na ito sa pangungusap?ang _sa _ng _na __ ang_ sa_ ng_ na_ [ _ ang _]

Page 43: salita

Pangngalan

Hulmahan ng pangngalan: Wala silang [N] Sapat ba ang hulmahan para ihiwalay ang pangngalan lang?basi, alam, utang na loob, paggalang, tagaluto, pag-asa *upang (conjunction) *sa (determiner) *nga (clitic) *maganda (pang-uri; tinatanggap kung pangngalanin “nominal”) ?tumatakbo (pandiwa; tinatanggap kung pangngalanin)

Page 44: salita

Pandiwa

Hulmahan ng pandiwa: Kaya niyang [pandiwa]

Sapat ba ang hulmahan para ihiwalay ang mga pandiwa lang?

Kaya niyang tumakbo/umindayog/lumipad.

*Kaya niyang *basi (noun).

*Kaya niyang *mabait (adjective)

*Kaya niyang *upang (conjunction)

*Kaya niyang *sa (determiner)

*Kaya niyang *na (sa, kay) (preposition)

Page 45: salita

Pang-uri

Hulmahan ng pang-uri: Talagang pinaka[pang-uri] si Ben.

masigla, pandak, mahiyain ...

*tao, *sundalo (pangngalan)

*tumatakbo, *umiinom (pandiwa)

Page 46: salita

Pang-abay

Hulmahan Talagang [pang-abay] mabagal si Ben. masyadong, tutuong, parang, tila, .

Talagang *saging mabagal si Ben. (pangngalan)

Talagang *mabait mabagal si Ben. (pang-uri)

Talagang *upang mabagal si Ben. (pantukoy)

Page 47: salita

Paglalagom

May “natural” na pagkakapangkat-pangkat ang mga salita ayon sa pag-aaring semantik, ayon sa anyo at ayon sa gamit. Ang isang pangkat ng mga salita na sumusunod sa tatlong pag-aaring ito ay bumubuo ng isang kategorya.

Morphological evidence for category-hood is suggestive rather

than conclusive Morphological evidence in conjunction with syntactic criteria

provides better results

Page 48: salita

Pagsasanay

Subukan nating isagisag ang mga hulmahan ng mga kategoriya batay sa mga salitang (pantukoy) ang, ng, sa,

na

Page 49: salita

Pagsasanay … 2

Mabubuo ang pangungusap (a) sa ibaba ng alinman sa mga pangngalang sundalo, tao, kaibigan, atbp, at hindi ng alinman sa mga salitang ang, ng, kaya, mabilis, tunay, ... (a) Ginawa ng _ ng kapitan ang basi.

(b) Ginawa ng {sundalo, kapit-bahay, kaibigan} ng kapitan ang basi.

(b) Ginawa ng *{ang/ng/kaya/mabilis,tunay} ng kapitan ang basi.

Page 50: salita

Pagsasanay … 3

Pakahulugan ng Pangngalan: Masasabi natin na pangngalan ang isang salita kung:

(a) Ang salita ay ipinakikilala ng pang-ukol na ng at

(b) Maaaring magsilbi itong ulo ng salitang ang pang-ukol ay ng.

Ang [ng _ ng] ay maituturing na hulmahan ng pangngalan. Ang salitang lapat sa hulmahang ito ay pangngalan (pero hindi lahat ng salitang hindi lapat sa

hulmahan ay hindi pangngalan).

Page 51: salita

Pagsasanay … 4

Ngayon, gamitin natin ang hulmahang [ng _ ng] sa paggawa ng hulmahan para sa ibang kategorya.

Hulmahan ng pandiwa: _ [ng N ng] N

Ginawa ng anak ng sundalo ang basi. Hulmahan ng pang-uri: _ na [ V [ng N ng] N ]

Mabilis na ginawa ng anak ng sundalo ang basi. Hulmahan ng pang-abay: _ na [ A na [ V [ng N ng] N ]]

Talagang mabilis na ginawa ng anak ng sundalo ang basi.

Page 52: salita

Kategoriyang Matungkulin “functional category”, “grammatical category” Matungkulin ang isang kategoriya kung ang gawain nito

ay mag-ugnay ng mga salitang kabilang sa mga kategoriyang makahulugan, o magdala ng mga katangiang pangbalarila.

Ang mga salitang kabilang sa mga kategoriyang ito ay tatawagin nating salitang matungkulin “function words” o

“functors”.

Page 53: salita

Kategoriyang Matungkulin

Kabilang sa kategoriyang matungkulin ang mga sumusunod: pangtukoy “determiner”, pangtakal “quantifier”, pangturo “demonstrative”, panghalip “pronoun”, kaganapan “complementiser”.

Page 54: salita

Pangtukoy“Determiner”

Pangtukoy ang isang salita kung tinitiyak nito ang tao, lunan, bagay, o pangyayaring binabanggit.

Pantukoy na pangkaraniwan (ang, ng, sa) ginagamit sa pangngalang pangkaraniwan

ang tatay, ng tao, sa sundalo Pantukoy na panao (si, sina, ni, nina, kay, kina)

ginagamit sa pangngalan ng tao.

si Karma, ni Ben, kay Oscar

Page 55: salita

Pantukoy

Pangngalang pangkaraniwan ang pangalan ng mga lugar, kaya minamarkahan ang mga ito ng pantukoy na pangkaraniwan.

ang Maynila, sa Maynila, ng Maynila. Kapag ginagamit na panauhan ang mga pangngalang

pangkaraniwang, minamarkahan ang mga ito ng pantukoy na panao. Nangisda si Tatang (Kuya, Ingkong, ...) Hatid ito ni Presidente (Senador, Kongresista, ...) Para kay Sundalo (Amerikano, Pilay, ...) ang basi.

Page 56: salita

Maari rin naman ang mga ngalang-tao ay pantukuyang balana.

ang Kristong iyan ay gawa sa Paete

iyan ang Kristong gawa sa Paete (Lope K. Santos)

Page 57: salita

Pangtakal “Quantifier”

Tinatawag na pangtakal ang mga salitang nagsasaad ng dami ng sumusunod na pangngalan. lahat ng mga isda. bawat kasinungalingan. karamihan sa mga bata. isa sa kanila. ilan sa mga bata kalahati ng mga isda kaunting tao ang dumating

Page 58: salita

Pangtakal “Quantifier”

Paglutang ng Pangtakal “quantifier float”

Ang pangtakal na lahat ay may abilidad na lumutang at kumapit sa ibang sangkap:

Hinuli ni Ben ang lahat ng mga isda.

Hinuli ni Ben lahat ang mga isda.

Hinuli lahat ni Ben ang mga isda.

Lahat hinuli ni Ben ang mga isda.

*Hinuli ni Ben ang mga isdang lahat.

Page 59: salita

Kategoriyang Matungkulin: Panturo “Demonstrative”

Ginagamit ang mga panturo para ipahayag ang agwat ng pangngalang tinutukoy ng nagsasalita at kausap

1. Malapit sa Nagsasalita ito, ire, dito, dine, nito, nire

2. Malapit sa Kausap

iyan, diyan, niyan

3. Malayo

iyon, doon, niyon

Page 60: salita

Panturo

Tulad ng mga pang-uri, maaaring lumitaw ang pangturo sa harap o likod ng tinutukoy: Nasa harap ang pangtukoy: Dumaing (ang) itong sundalo. Nagsalita (ang) iyong sundalo.

Nasa likod ang pangtukoy: Dumaing ang sundalong ito. Nagsalita ang sundalong iyon

Page 61: salita

Kategoriyang Matungkulin: Panghalip

Ang panghalip ay salitang matungkulin “functor”. Hindi sila naglalarawan, bagkus, nagdadala sila ng impormasiyong pangbalarila.

Uminom siya. (“siya” ay [3Person])

Ibinigay ni Ben ang basi sa kanila (kanila ay [3Person,

Plural]).

Page 62: salita

Panghalip

Panghalip na Pamatlig “pronominal demonstrative” (o panturo)

Ang mga panturo “demonstrative” ay maaring gamiting panghalip. Binasa ni Ben itong libro > Binasa ni Ben ito.

Ininom ni Ben iyong basi > Ininom ni Ben iyon.

Pinasaya ni Ben silang mga bisita > Pinasaya ni Ben sila.

Page 63: salita

Panghalip

Panghalip na Pangtakal “pronominal quantifier” Ang mga pangtakal ay maaaring gamiting panghalip.

Bumabasa ang lahat ng mga bata > Bumabasa ang lahat. Nailigtas ang maraming bata > Nailigtas ang marami. Ilang sundalo lang ang hinuli > Ilan lang ang hinuli.

Page 64: salita

Panghalip

Panghalip na Pangtakda “pronominal determiner” Ginagamit din na pangtakda ng pangngalan ang panghalip na panao “personal pronouns” tulad ng ako, ikaw, siya, kami, kayo, sila, atbp. Masasaya silang mga kusinero. Akong doktor na, nagkakasakit pa. Kayong mga Pilipino, oo!

Iparis ang gamit ng sila, ako, at kayo sa pangtukoy na ang sa ibaba: ang mga kusinero, ang doktor, ang mga Pilipino

Page 65: salita

Kategoriyang Matungkulin: Pangganap

Complementiser” Ang kategoriyang pangganap “complementiser” ay

nagpapakilala ng mga sugnay. Ang mga pangganap ay na, kung, at para.

Na : Nagpapakilala ng sugnay na paturol “declarative clause” ang kaganapang na. Suspetsa ni Ben [na [malakas uminom ng lambanog si Nori]]

Tanong: Pangganap ba ang gamit ng salitang na sa. bahay na bato, umaga na.

Complementizer: rougly subordinating clause introducer

Page 66: salita

Pangganap: kung

Kung : Nagpapakilala ng sugnay na pananong “interrogative clause” ang pangganap na kung. Nagdududa si Ben [kung [malakas ngang uminom ng basi si Nori]]

Tanong: Pangganap ba ang kung sa: Uuwi ako kung uuwi si Ben.

Pagkakaiba ng pangganap na kung at pangatnig na kung: *Kung malakas ngang uminom ng basi si Nori, nagdududa si Ben. Kung uuwi si Ben, uuwi ako.

Page 67: salita

Pangganap: para

Para : Nagpapakilala ng sugnay na pawatas “infinitival clause” ang pangganap na para. Kinausap ko si Ben [para [umuwi siya lagi]]

Kinumbinsi ko si Ben [para [umuwi siya agad]] Tanong : Pangganap ba ang para sa:

Sinabi ni Ben na para sa iyo ito. Pagkakaiba:

Para sa iyo ito, sinabi ni Ben.

Para umuwi siya lagi, kinausap ko si Ben.

Page 68: salita

Pangganap

Mga pangganap pa?

Umuwi ako dahil (sa) nagkasakit ang Inang.

Umuwi ako sapagkat nagkasakit ang Inang. Cf. sapagka at

Umuwi ako kahit (na) bumabagyo sa Iloilo.

Umuwi ako bagamat pinigil ako ng Tatang. Cf. bagaman at

Uuwi ako /ngunit, pero, subalit, datapuwat/ tumutol siya.

Page 69: salita

Tipik “Clitics”

Tinatawag na tipik “clitics” ang mga salitang ito:

ba, kasi, kaya, daw/raw, din/rin, ho, lamang/lang, man, muna, na, naman, nga, ?noon, pa, pala, po, sana, tuloy, yata

Ininom daw ni Ben ang basi.

Ininom lang din daw nga pala muna ni Ben ang basi.

Maaari kayang isama sa ibang kategorya ang mga tipik? Bakit?

Page 70: salita

Tipik

May pagkakaiba ba ang mga pangungusap sa ibaba na dala ng magkakaibang lugar ng daw?

(a) Ikaw ang aalis daw. (b) Ikaw daw ang aalis. (k) Ikaw daw ang aalis daw. (Tinatanggap? Kung hindi, bakit?)

Kung iba ang basa ng (a) sa (b), pang-abay ba ang daw sa (b)? Kung tinatanggap ang (k), ebidensiya ba ito na ang daw ay hindi pang-abay?

Page 71: salita

Tipik

Ano ang ayos ng mga tipik?

Ininom lang din daw nga pala muna ni Ben ang basi.

*?Ininom pala muna din nga pala daw ni Ben ang basi? Aling mga tipik ang hindi maaaring lumitaw na

magkakasama sa isang pangungusap?

Page 72: salita

Panagano“Modal”

A modal verb (also modal, modal auxiliary verb, modal auxiliary) is a type of auxiliary verb that is used to indicate modality. Can, shall, will, must, may, dare, need

Modal verbs (also known as helping verbs or auxiliary verbs) give additional information about the mood of the main verb that follows it. In other words, they help to incorporate or add the level of necessity: (must/need to/have to = obligation, requirement, no choice); (should/ought to = suggested obligation); (can/could = it is possible); and (may/might = option, choice)

In linguistics, many grammars have the concept of grammatical mood (or mode), which describes the relationship of a verb with reality and intent.

Page 73: salita

Currently identified moods include conditional, imperative, indicative, injunctive, negative, optative (hopes, wishes), potential, subjunctive, and more.

The indicative mood is used in factual statements. The potential mood is a mood of probability, indicating that in the

opinion of the speaker, the action or occurrence is considered likely. The subjunctive mood expresses hypothetical or unlikely events,

expressing opinions or emotions, or making polite requests

Page 74: salita

Mga panagano: dapat, baka, tila, kailangan, maari, puwede, parang, tiyak, tunay, talaga, siguro, sigurado,

sana, Baka umalis si Ben.

Tila umalis si Ben.

Parang umalis si Ben.

Kailangang umalis si Ben.

Page 75: salita

Panagano

Panagano ba ang gamit ng baka, tila, parang, sana?

Baka si Ben. Tila si Ben. Parang si Ben. Sana si Ben.

Kung ang panagano ay tumatayong auxiliary to a main verb, paano nagiging panagano ang mga salita sa itaas?

Pansinin:Tila nasa kusina si Ben. Parang may pera si Ben. Siguradong masaya si Ben.Anong bahagi ng pangungusap ang pinapanaganohan?

Page 76: salita

Panagano

Panagano ba ang ayaw, hindi:

Ayaw umalis ni Ben. Hindi umalis si Ben.

Hindi ayaw umalis ni Ben. Hindi si Ben. Ano ang ibig sabihin?

Maaari sigurong umuwi si Ben.

*Maaari siguradong umuwi si Ben.

Page 77: salita

Panagano at Tipik

Panagano o tipik?

Wish

Sana, umalis si Ben. Umalis sana si Ben.

Doubt*Yata umalis si Ben. Umalis yata si Ben.

Parang umalis si Ben Umalis *parang si Ben.

Surprise

*Pala umalis si Ben. Umalis pala si Ben.

Page 78: salita

Panagano

Pang-abay ba ang mga panagano? Pang-abay: Mabilis (na) umalis si Ben. Panagano: Dapat (na) umalis si Ben. Naihihiwalay ang panagano ng ay, pero hindi lahat ng pang-abay ay maihihiwalay ng ay: Pang-abay: *Mabilis ay umalis si Ben. Panagano: Dapat ay umalis si Ben. Nakapagpapalitan ng lugar ang pang-abay at pandiwa (a), pero hindi ang panagano at pandiwa (b). (a) Mabilis na umalis si Ben > Umalis na mabilis si Ben. (b) Dapat na umalis si Ben > *Umalis na dapat si Ben

Page 79: salita

Ano Naman ang Kategoriya ng ...?

Anong kategoriya ang kinabibilangan ng mga salitang initiman sa ibaba:

1. Ay, karamba! 2. Si Ben ay dumighay. 3. Pamaya-maya e dumighay si Ben. 4. Paalam na. 5. Kumusta? 6. Kapagdaka, dumighay si Ben. 7. Kamala-mala mo, dumighay si Ben. (*Kapagdaka mo, dumighay si

Ben.) 8. Busog na si Ben sapagka't dumighay na.

Page 80: salita

Ano Naman ang Kategoriya ng ...?

9. Aalis ka na, hano? 10. Si Ben mismo ang dumighay. 11. May pera si Ben. 12. May pera kay Ben. 13. May giyera sa bundok. 14. Ayaw ng sundalo ng pansit. 15. Ayaw umalis ng sundalo.

Page 81: salita

Mga Daglat ng Kategoriya

Kategoriyang Makahuluganpangngalan N noun

pang-uri A adjective

pandiwa V verb

pang-abay ADV adverb

pang-ukol P preposition

Page 82: salita

Daglat ng mga Kategorya

Kategoriyang Matungkulinpanghalip PRN pronoun

pangganap C complementizer

pantukoy D determiner

pangtakal Q quantifier

pangatnig Conj conjunction

Page 83: salita

Itutuloy …