Top Banner
Kayarian ng mga Salita Carmela Dawn Micosa Michie Lorenz Basco Rikki James Laurente
22

kayarian ng mga salita

Oct 22, 2014

Download

Business

filipino presentation
Welcome message from author
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
Page 1: kayarian ng mga salita

Kayarian ng mga Salita

Carmela Dawn MicosaMichie Lorenz Basco

Rikki James Laurente

Page 2: kayarian ng mga salita

• Payak

• Maylapi

• Inuulit

• Tambalan

Kayarian ng mga Salita

Page 3: kayarian ng mga salita

• Ito ay binubuo ng salitang-ugat lamang, walang panlapi, hindi inuulit at walang katambal na salita.

Halimbawa:

Alay Kahoy Bango Araw

Dasal Dahon Lakad Gabi

Payak

Page 4: kayarian ng mga salita

Maylapi

• Ito ay mga salitang binubuo ng salitang-ugat na may kasamang isa o higit pang panlapi.

Halimbawa:

Usigin pagsumikapan

Katapangan sumpa-sumpaan

Page 5: kayarian ng mga salita

Paglalapi

• Tumutukoy sa pagbuo ng salita sa papapagitan ng pagsasama ng panlapi at salitang-ugat.

Halimbawa:

Panlapi + s.u salitang maylapi

um- + ikot umikot -um- + sama sumama

-hin + sabi sabihin

Nagkakaroon ng iba’t ibang anyo at kahulugan sa

pamamagitan ng paglalagay ng iba’t ibang panlapi.

Page 6: kayarian ng mga salita

a. Mga uri ng panlapi

• Unlapi ikinakabit sa unahan ng salitang ugat

• Gitlapi isinisingit (unahang katinig at kasunod na patinig)

nagagamit lamang ito kung ang salitang-ugat ay nagsisimula sa katinig

• Hulapi ikinakabit sa hulihan ng salitang ugat

Page 7: kayarian ng mga salita

Mga halimbawa:

• Unlapi

Um + awit = umawit

Mag + sama = magsama

i- + sukat = isukat

• Gitlapi

-um- + dalaw = dumalaw

-in- + sabi = sinabi

Page 8: kayarian ng mga salita

• Hulapi

-in + gamot = gamotin

-an + kamay = kamayan

-hin + sabi = sabihin

-han + sama = samahan

-in at -an hinuhulapi sa mga salitang nagtatapos sa katinig at impit na tunog o tunog glottal na itinuturing din na isang pomenang katinig

-hin at -han hinuhulapi sa mga salitang nagtatapos sa patinig

Page 9: kayarian ng mga salita

b. Mga Paraan ng Paglalapi

(1)Pag-uunlapi

(2)Paggigitlapi

(3)Paghuhulapi

(4)Pag-uunlapi at paggigitlapi

(5)Pag-uunlapi at paghuhulapi o kabilaan

(6)Paggigitlapi at paghuhulapi

(7)Pag-uunlapi, paggigitlapi, at paghuhulapi o laguhan

Page 10: kayarian ng mga salita

Halimbawa:

1.) Pag-uulapi

Um- + alis umalis

Ipa- + hakot ipahakot

2.) Paggigitlapi

-um- + talikod tumalikod

-in- + bati binati

Page 11: kayarian ng mga salita

3.) Paghuhulapi

-in + walis walisin

-hin + samba sambahin

4.) Pag-uunlapi at paggigitlapi

Mag + um + sikap magsumikap

Nag + um + mamo nagsumamo

Halimbawa:

Page 12: kayarian ng mga salita

5.) Pag-uunlapi at paggigitlapi

Pag + tibay + -an pagtibayan

In + awit + an inawitan

6.) Paggigitlapi at paghuhulapi

-in + taas + -an tinaasan

-in + wika + -an winikaan

Halimbawa:

Page 13: kayarian ng mga salita

7.) Pag-uunlapi, paggigitlapi, at paghuhulapi

Pag- + -um- + sikap + -an pagsumikapan

Ipag- + -um- +sumpa + -an ipagsumpaan

Halimbawa:

Page 14: kayarian ng mga salita

Inuulit

• Ang buong salita ay inuulit o kaya naman, ang isa, o higit pang patinig ay inuulit.

• Mayroong dalawang uri:

a.) Pag-uulit na ganap

b.) Pag-uulit na di-ganap

Page 15: kayarian ng mga salita

a.) Pag-uulit na ganap

• Inuulit ang buong salitang-ugat

• May nababago ang diin kapag inuulit mayroon namang nananatili ang diin.

Page 16: kayarian ng mga salita

Salitang Ugat Pag-uulit

gabi gabi – gabi

araw araw - araw

Halimbawa: (walang pagbabago sa diin)

Page 17: kayarian ng mga salita

b.) Pag-uulit na di-ganap

• Bahagi lamang ng salita ang inuulit

Salitang Ugat Pag-uulit

inom iinom

sulat susulat

usok uusok

takbo tatakbo

Halimbawa:

Page 18: kayarian ng mga salita

Halimbawa ng patinig na may kayariang Katinig Patinig Katinig (KPK), ang inuulit ay unang katinig at kasunod na patinig ng pantig.

Salitang Ugat Pag-uulit

lukso lulukso

benta bebenta

sipsip sisipsip

Page 19: kayarian ng mga salita

Tambalan

• Tawag sa pagsasama ng dalawang salita.

• May dalawang uri:

a.) Mga tambalang ganap

b.) Mga tambalang di-ganap

Page 20: kayarian ng mga salita

a.) Mga tambalang ganap

• Nagkakaroon ng iba sa isinasaad ng mga salitang pinagsama.

• ang dalawang salitang pinagtambal ay nagkakaroon ng ikatlong kahulungang iba kaysa isinasaad ng mga salitang pinagsama:

Halimbawa:

Bahag + hari bahaghari

Patay + gutom patay-gutom

Page 21: kayarian ng mga salita

b.) Mga tambalang di-ganap

• Pinagsamang dalawang salita na nananatili ang kahulugan.

Halimbawa: Bahay-kubo

(ang ‘bahay’ ay tirahan ng tao at ang ‘kubo’ ay maliit na bahay)

• May iba’t ibang uri ng tambalang salita batay sa kahulugang idinaragdag ng ikalawang salita.

Halimbawa:

1. Naglalarawan 2. Pagtitimbangan

Burdang-Batangas Bantay-salakay

Hatid-sundo

Araw-gabi

Page 22: kayarian ng mga salita

Ginawa ni: Carmela Dawn S. Micosa

MMA-1