Top Banner
WASTONG GAMIT NG MGA SALITA Sanggunian: Retorika: Mabisang Pagpapahayag sa Filipino (2004)
21

Wastong gamit ng mga salita

Nov 17, 2014

Download

Documents

arnielapuz

 
Welcome message from author
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
Page 1: Wastong gamit ng mga salita

WASTONG GAMIT NG MGA SALITA

Sanggunian: Retorika: Mabisang Pagpapahayag sa Filipino (2004)

Page 2: Wastong gamit ng mga salita

NANG

• Karaniwang ginagamit na pangatnig sa mga kaugnayang pangungusap at ito ang panimula ng katulong na sugnay.Halimbawa:Mag-impok ka NANG may magamit ka sa oras ng pangangailangan.Matutong magbanat ng buto NANG hindi naghihikahos sa buhay.

Page 3: Wastong gamit ng mga salita

NANG

• Nagmula sa ‘na’ at inangkupan ng ‘ng’ at inilalagay sa pagitan ng pandiwa at ng panuring nito.Halimbawa:Nag-iisip NANG mabuti si Edward bago mabuo ang kanyang desisyon.Nagpasa si Pauline ng proyekto NANG maaga.

Page 4: Wastong gamit ng mga salita

NANG

• Ginagamit ang ‘nang’ sa gitna ng dalawang salitang-ugat na inuulit, dalawang pawatas o neutral na inuulit at dalawang pandiwang inuulit.Halimbawa:Galaw NANG galaw si Binggay kaya hindi mawasto ang paggupit sa kanya.Wala siyang ginawa kundi ang magdasal NANG magdasal maghapon.

Page 5: Wastong gamit ng mga salita

NG

• Ginagamit na pananda sa tuwirang layon ng pandiwang palipat.Halimbawa:Nagkamit siya NG karangalan dahil sa pagsisikap niya sa pag-aaral.Ang magtanim NG buti ay buti rin ang aanihin.

Page 6: Wastong gamit ng mga salita

NG

• Ginagamit na pananda ng aktor o tagaganap ng pandiwa sa tinig balintiyak.Halimbawa:Tinulungan NG guro na makatapos ng pag-aaral ang kanyang mag-aaral.Niligawan NG binata ang mabait na dalaga.

Page 7: Wastong gamit ng mga salita

NG

• Ang panandng ‘ng’ ay ginagamit kapag nagsasaad ng pag-aari ng isang bagay o katangian.Halimbawa:Ang ani NG magsasaki ay naipagbili sa malaking halaga.Ang kinabukasan NG anak ang laging iniisip ni Aling Marya.

Page 8: Wastong gamit ng mga salita

MAY

• Ginagamit ng ‘may’ kapag sinusundan ng pangngalan.Halimbawa:MAY pera sa basura.Kung MAY lungkot MAY ligaya.

• Ginagamit ang ‘may’ kapag sinusundan ng pandiwa.Halimbawa:MAY dadaluhan kaming handaan sa linggo.MAY natanggap akong mabuting balita.

Page 9: Wastong gamit ng mga salita

MAY

• Ginagamit ang ‘may’ kapag sinusundan ng pang-uri.Halimbawa:MAY kahali-halinang mukha ang artistang ‘yan.MAY magarang kotse si Camille.

• Ginagamit ang ‘may’ kapag sinusundan ng panghalip panao sa kaukulang paari.Halimbawa:MAY kanya-kanyang bahay na ang anim na anak ni Mang Danilo.

Page 10: Wastong gamit ng mga salita

MAYROON

• Ginagamit ang ‘mayroon’ kapag may napapasingit na kataga sa salitang sinusundan nito.Halimbawa:MAYROON pa bang kape at asukal?MAYROON po sana akong gustong sabihin.

• Ginagamit ang ‘mayroon’ sa panagot ng tanong.Halimbawa:May pera ka ba? MAYROON.May naipasa ka bang takdang-aralin? MAYROON.

Page 11: Wastong gamit ng mga salita

SUBUKIN

• Ang ‘subukin’ ay nangangahulugan ng pagsusuri o pagsisiyasat sa uri, lakas, o kakayahan ng isang tao o bagay.Halimbawa: SUBUKIN mong pangaralan siya at baka makinig sa ‘yo.SUBUKIN mo ang katapatan ng kanyang niloloob sa iyo.

Page 12: Wastong gamit ng mga salita

SUBUKAN

• Ang ‘subukan’ ay nangangahulugan ng pagmamanman upang malaman ang ginagawa ng tao o mga tao.Halimbawa:SUBUKAN natin kung saan talaga siya nakatira.SUBUKAN mo nga ang anak mo kung saan siya nagpupunta pagkatapos ng klase.

Page 13: Wastong gamit ng mga salita

PAHIRIN

• Ang ‘pahirin’ ay nangangahulugan ng pag-alis o pagpawi ng isang bagay.Halimbawa:PAHIRIN mo ang sobrang lipstik sa iyong labi.PAHIRIN mo ang pawis sa iyong likod.

Page 14: Wastong gamit ng mga salita

PAHIRAN

• Ang ‘pahiran’ ay nangangahulugan ng paglalagay ng isang bagay.Halimbawa:PAHIRAN mo ng manzanilla ang tiyan ng sanggol.PAHIRAN mo nga ng mantekilya ang baon niyang tinapay.

Page 15: Wastong gamit ng mga salita

OPERAHIN

• Tinutukoy ng ‘operahin’ ang tiyak na bahaging titistisin.Halimbawa:Nakatakdang OPERAHIN ang mga mata ni Mang Julio sa Martes.Ipinasya ng doktor na OPERAHIN na ang bukol sa tiyan ng pasyente.

Page 16: Wastong gamit ng mga salita

OPERAHAN

• Tinutukoy ng ‘operahan’ ang tao hindi ang bahagi ng katawan.Halimbawa:Habang INOOPERAHAN si Rhodora ay panay ang dasal ng kanyang anak na si Lisabeth.

Page 17: Wastong gamit ng mga salita

PINTUAN

• Ang ‘pintuan’ ay ang kinalalagyan ng pinto (doorway). Ito rin ang bahaging daraanan kapag bukas na ang pinto.Halimbawa:Nakaharang sa PINTUAN ang bagong biling refrigerator.

Page 18: Wastong gamit ng mga salita

PINTO

• Ang ‘pinto’ (door) ay bahagi ng daanan na isinasara o ibinubukas.Halimbawa:Tiyaking nakakandado nang mabuti ang PINTO bago matulog sa gabi.

Page 19: Wastong gamit ng mga salita

IWAN

• Ang ‘iwan’ (to leave something) ay nangangahulugang huwag isama/ dalhin.Halimbawa:IWAN mo na siya at mahuhuli ka sa lakad mo.

Page 20: Wastong gamit ng mga salita

IWANAN

• Ang ‘iwanan’ (to leave something to somebody) ay nangangahulugang bigyan ng kung ano ang isang tao.Halimbawa:IWANAN mo ako ng pambili ng gamot ng anak mo.

Page 21: Wastong gamit ng mga salita