Top Banner
KOMPILASYON NG MGA AKADEMIKONG SULATIN Ni: Rea Mae B. Jaugan
70

Rea Mae B. Jaugan's Akademikong Sulatin

Jan 21, 2018

Download

Education

GenerosoFil
Welcome message from author
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
Page 1: Rea Mae B. Jaugan's Akademikong Sulatin

KOMPILASYON NGMGA AKADEMIKONG

SULATIN

Ni: Rea Mae B. Jaugan

Page 2: Rea Mae B. Jaugan's Akademikong Sulatin

Abstrak

Page 3: Rea Mae B. Jaugan's Akademikong Sulatin

Sa pag-usbong ng tinaguriang makabagong teknolohiya ay

lumitaw rin ang mga tinatawag na "gadgets and appliances" na siyang

nagbibigay aliw, karunungan at pinapadali ang ating mga trabaho sa

bahay man, sa opisina at sa paaralan. Halimbawa na rito ang

telepono na may kalakip na internet. Isa ito sa mga kasangkapan

upang mapadali ng mga mag-aaral ang kanilang mga proyekto o

takdang aralin sa isang pindot lamang. Maraming nagagawa at

ginagampanan ang mga teknolohiyang ito sa ating pangaraw-araw na

buhay.

Page 4: Rea Mae B. Jaugan's Akademikong Sulatin

Ngunit meron din itong mga negatibong epekto sa atin na

gumagamit nito. Sa physical man, mental, social, at iba pang aspeto ng

buhay. Kinakain nito ang ating oras dahil sa labis na pagkaaliw at

paggamit nito. Nakakadulot ito ng katamaran, nakakaimpluwensiya ito sa

ating mga perspektibo sa buhay at sa komunidad at iniiba nito ang ating

mga gawi. Ang pag-aaral na ito ay patungkol sa mga ugali at gawi ng

mga tao na gumagamit ng makabagong teknolohiya kaysa sa mga taong

hindi o paminsan minsan lang na gumagamit nito.

Page 5: Rea Mae B. Jaugan's Akademikong Sulatin

Bionote

Page 6: Rea Mae B. Jaugan's Akademikong Sulatin

Siya ay nakapagtapos ng BS Geodetic Engineering at MA

Sociology at kasalukuyang kumukuha ng PhD sa Filipino:

Pagsasalin sa UP-Diliman. Disertasyon na lamang ang kulang

niya. Siya ay kasalukuyang nagtuturo ng panitikan sa

Unibersidad ng Santo Tomas at resident fellow din ng UST

Center for Creative Writing and Literary Studies. Nailathala ng

NCCA ang kanyang unang koleksiyon ng tula noong 2013.

Nailathala naman noong 2014 ang kaniyang pangalawang

koleksiyon ng tula.

1

Page 7: Rea Mae B. Jaugan's Akademikong Sulatin

Si Gelly Eligio Alkuino ay nakapagtapos ng Bachelor of

Science in Education - History sa Mindanao State University

sa General Santos City at naparangalanna Cum Laude

noong 1986 sa kaparehong pamantasan. Siya ay

nakapagtapos ng Master of Arts in Education - Education

Management sa Notre Dame of Marbel University sa

Koronadal City sa taong 1997.

2

Page 8: Rea Mae B. Jaugan's Akademikong Sulatin

Siya ay naparangalan bilang Valedictorian sa Surallah National

Agricultural School sa Surallah South Cotabato sa taong 1979. Siya rin

ay naging Academic Excellence Awardee sa Mindanao State University

sa taong 1982, 1983 at 1985. At natanghal sa itinampok na National

School Press Conference bilang Outstanding School Paper Adviser of

the Philippines sa taong 2004.Siya ay may-akda ng mga Aklat sa

Filipino I, II, II at IV sa edisyong BEC. May-akda ng pamahayagang

aklat sa Ingles, Campus Journalism in yhe New Generation.At

tagapagsanay at tagapanayam sa pamahayagan at teatrong sining.

Page 9: Rea Mae B. Jaugan's Akademikong Sulatin

Si Rose Ann Adapon ay ipinanganak noong Hulyo 11, 1999 sa

Calango , Zamboanguita Negros Oriental. Siya ay nakapagtapos ng

kanyang elementarya sa Calango Elementary School. Siya ay

nakapagtapos ng kanyang sekondarya sa Zamboanguita Science High

School. Ang kanyanf mga magulang ay sina Evangelina Adapon at

Cesar Adapon. Ang kanyang mga kapatid ay sina Jesyl Adapon, Jessa

Adapon at Abegel Adapon. Ang kanyang dating karanasan ay nakasali

sa Bayle sa Kalye sa taong 2017.

3

Page 10: Rea Mae B. Jaugan's Akademikong Sulatin

Sintesis

Page 11: Rea Mae B. Jaugan's Akademikong Sulatin

"Silence of Love"

Ang video ay pinamagatang "Silence of Love." Ito ay tungkol sa isang mag-aaral

na babae na may amang may kapansanan na naghahangad ng isang perpektong ama,

isang ama na makakarinig sa kanyang mga hinaing at saloobin. Palagi siyang

tinutukso ng kanyang kapwa mag-aaral dahil mayroon siyang isang ama na pipi at

bingi. Wala siyang mapuntahan, walang masabihan ng kanyang mga hinanakit. Dahil

sa sobrang pagkadeppress ay naglaslas ang babae sa araw ng kanyang kaarawan.

Nanlumo ang kaniyang ama at dinala ito sa hospital. Isinasaad sa napanood na video

na hindi man tayo magkaroon ng perpektong mga magulang, perpektong pagmamahal

naman ang kanilang ibibigay sa atin na hindi kayang tumbasan ng anumang bagay o

salapi. Sa huli nakaramdam ng pagsisisi ang anak at hinawakan ang kamay ng

kanyang ama na nagdonate ng dugo para sa kanya.

Page 12: Rea Mae B. Jaugan's Akademikong Sulatin

Replektibong

Sanaysay

Page 13: Rea Mae B. Jaugan's Akademikong Sulatin

My Most Beautiful Woman

Ano nga ba ang isang Ina? Ano ang kanyang ginagampanang

papel sa iyong buhay? Ano ang maihahalintulad mo sa isang ina?

Sa isang ordinaryong anak na may buong pamliya, ang isang ina

ang aiyang tao na nag-aaruga, nag-aalaga, at taga-gawa ng mga

gawaing bahay. Ngunit base sa aking napanood, hindi lamang dito

nagtatapos ang papel na ginagampanan ng isang magiting na ina. Sa

mga pamilya na may buong membro, ang tungkulin ng isang ina ang

kanyang ginagampanan lamang.

Page 14: Rea Mae B. Jaugan's Akademikong Sulatin

Ngunit sa mga pamilyang nag-iisa lamang ang magulang, doble pasakit iyon lalo na't

sila lamang ang gumagawa ng responsibilidad ng isang ama o isang ina. Hahamakin nila ang

lahat upang maibigay nila ang pangangailangan ng kanilang mga anak.

Ang isang magulang, isang ina, na hulog ng langit. Isang anghel na siyang

umaagapay sa'yo lalong-lalo na sa panahon na ikaw ay nagangailanganng masasandigan.

Isang magiting na mandirigma na siyang poprotektahan ka laban sa mga tao o sitwasyon na

masasama. Isang ilaw na siyang nagbibigay liwanag/tanglaw sa gabing nababalot ng dilim.

Sila ang lahat lahat sa akin.

Kung kaya't aking napagtanto na ang isang ina, isang magulang ay hindi laman binibivyang

depinisyon at halaga batay sa kanyang ginagawa pero batay sa kanyang responsibilidad at

papel na ginagampanan sa buhay ng mga taong mahalaga sa kanya kundi pati na rin sa mga

anak niya.

Page 15: Rea Mae B. Jaugan's Akademikong Sulatin

Posisyong

Papel

Page 16: Rea Mae B. Jaugan's Akademikong Sulatin

Death Penalty sa Pilipinas: Dapat bang ipatupad?

Death penalty, salitang kinatatakutan ng mga kriminal, salitang nagbibigay ng kaginhawaan sa mga biktima at mga tao. Isang kaparusahan na kinikitil ang buhay ng isang tao na gumawa ng di makataong gawain. Isang paksa na kasalukuyang tinatalakay at pinagdedebatihan sa Senado. Ayon sa Republic Act No. 7659, ang Death penalty ay parusang ipinapataw sa mga gumagawa ng mga kakilakilabot, at nakakapoot. Ano ang mga halimbawa nito? Pagkasangkot sa illegal na droga, pagpatay, terrorismo, robbery etc.

Page 17: Rea Mae B. Jaugan's Akademikong Sulatin

Sa isang bansa na puno ng karahasan at kriminalidad, naayon lamang na ito ay ipatupad. Naayon at nararapat itong ipatupad upang masugpo ang mga krimen at ng magkaroon ng kaginhawaan sa mga tao sa lipunan/bansa lalo na sa mga biktima. Ayon naman kay Senador Tito Sotto, nararapat ito ibalik at ipatupad lalong-lalo na na palubha nang palubha ang mga krimen sa bansa.

Page 18: Rea Mae B. Jaugan's Akademikong Sulatin

Ngunit sa isang kristyanismong bansa, ito ay isang kasalanan. Dahil kahit sino man ang walang karapatan na kumitil ng buhay na may buhay kundi ang Poong Maykapal lamang. Ayon kay Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani, sa halip na buhayin ang Death penalty ay hulihin ang mga kriminal at mabilis na ipataw ang hustisya sa mga krimen upang masugpo ang anumang kriminalidad. Sa isang prolife na mga tao, hindi ito dapat ipatupad.

Page 19: Rea Mae B. Jaugan's Akademikong Sulatin

Dahil may kaparusahan na ang mga gumawa ng krimen at iyon ang pagkakulong o di kaya'y panghahambuhay na pagkakulong. Sapat na iyon na kaparusahan kaysa sa parusang kamatayan. Dahil hindi lahat ng nakakulong ay masasama. Minsan ang iba ay inakusahan lamang. Kaya dapat tibagin ang panukalang pagbabalik ng parusang kamatayan datapwat ay bigyan ng pangalawang pagkakataon ang nagkasala.

Page 20: Rea Mae B. Jaugan's Akademikong Sulatin

Lakbay

Sanaysay

Page 21: Rea Mae B. Jaugan's Akademikong Sulatin

Paglalakbay patungong Kinabukasan

Budget, travelogue, destination, mga salitang maiuugnay sa isang

salita na nagbibigay ng tatlong K sa isang indibidwal. Ang tatlong K na ito

ay kagalakan, kaalaman at karanasan. Kagalakan sapagkat nagbibigay ito

ng saya sa mga taong nais itong gawain at sa mga taong ito ang

ginagawa. Kaalaman dahil nagbibigay ito ng impormasyon sa mga taong

naglalakbay at maglalakbay pa sa hinaharap. Karanasan dahil pwede

kang magbalik tanaw sa iyong mga karanasan at pwede kang gumawa ng

mga di malilimutang pangyayari na pwede mong ibaon sa iyong pag-uwi

at pagtanda. At ang salitang ito ay "paglalakbay."

Page 22: Rea Mae B. Jaugan's Akademikong Sulatin

Ang paglalakbay ay hindi lamang hanggang pagbisita o pagpunta sa iba't-ibang lugar

na may magagandang tanawin kundi maihahalintulad din natin ito sa ibang aspeto ng

ating buhay. Isang halimbawa nito ay ang iyong paglalakbay patungo sa kinabukasan o

hinaharap. Hindi mo kailangan bumili o gumawa ng time machine upang makapunta sa

hinaharap at malaman ang iyong magiging kinabukasan. Dahil para itong isang

experimento na kung saan may mga materyales na gagamitin at hakbang na susundin.

Materyales na iyong gagamitin upang maging produktibo at mga hakbang na susundin

upang makamit ang ninanais na resulta. Resulta na maganda o tagumpay, o di kaya'y

palya na nagpapahiwatig na may kulang na materyales o may hakbang na kalimutang

gawin upang makamit ang iyong ninanais na resulta.

Page 23: Rea Mae B. Jaugan's Akademikong Sulatin

Marami na rin akong napagdaanan sa aking paglalakbay patungo sa aking

kinabukasan. Mga hirap at pasakit na siyang maging daan upang ako'y mas maging

pursigido na magpatuloy sa aking paglalakbay. Ang aking mga magulang, kaibigan at guro

na aking mga materyales upang makamit ang aking ninanais na kahihinatnan o resulta. Mga

desisyon na aking magiging hakbang na susundin upang makamit ang magandang resulta.

Pero higit sa lahat, masaya ako sa aking paglalakbay. Masaya dahil marami akong

nakasalubong, maraming mga aral na nalaman at maraming mga karansan na hindi

malilimutan.

Hindi pa rito nagtatapos ang aking paglalakbay dahil ang totoo, hindi pa ako umaabot

sa kalagitnaan ng aking paglalakbay. Marami pa akong madadaanan sa aking daan

patungong kinabukasan na maaaring maging daan patungong tagumpay!

Page 24: Rea Mae B. Jaugan's Akademikong Sulatin
Page 25: Rea Mae B. Jaugan's Akademikong Sulatin

Photo Essay

Page 26: Rea Mae B. Jaugan's Akademikong Sulatin

Korupsyon

Ang pinakasikat na isyu, sa larangan ng politika at ang salitang

"korupsyon." Halos araw-araw ito ang laman ng mga balita. Saan kaya ito

nagsisimula? Sinong mga personalidad ang sangkot sa ganitong gawain.

Maiuugnay ang salitang korupsyon kay Mayor, konsehal o sa simpleng

salita mga politiko. Ngunit hindi lamang ito limitado sa mga politiko kundi

pati na rin ang mga nagtatrabaho sa gobyerno o ordinaryong mga tao.

Pero bibigyan natin ng tuon ang mha politiko na minsan pinapangalanan

ng malalaking tao sa gobyerno.

Page 27: Rea Mae B. Jaugan's Akademikong Sulatin

Paparating na naman ang eleksyon. Uso na naman

ang mga kampanya ng bawat grupo na tatakbo sa

iba't ibang pwesto sa gobyerno. Uso na naman ang

mga rally saanmang dako ng bansa.Nanghihikayat

at nagsusumamo sa madla na iboto at tulungan na

makaupo sa ninanais na pwesto. Mga kampanyang

puno ng mga pangako ng pagpapa-unlad sa bansa,

pagsugpo ng mga krimen at iba pang mga isyu.

Pangakong pinanghahawakan at inaasahang

isasakatuparan ng masa mula sa mga personalidad

na susuportahan.

Page 28: Rea Mae B. Jaugan's Akademikong Sulatin

Lahat ay abala. Abala ang mga

botante sa pagboto, abala rin ang

mga politiko sa huling segundo ng

pangangampanya. Uso na naman

ang pagbebenta at pagbili ng boto

sa panahong ito. Sa simpleng

gawain na ito, dito nagsisimula ang

tinatawag na korupsyon.

Page 29: Rea Mae B. Jaugan's Akademikong Sulatin

Pagkatapos ng botohan, lahat ay agad na

bubuksan ang telebisyon upang manood ng

live broadcast sa pagbilang ng mga boto.

Lahat ay tensyonado. Pumapalakpak kapag

nakaabante, natatakot kapag nahuhuli.

Minsan nagkakaroon ng dayanan sa

pagbibilang ng boto. Minsan ay naluluho

ang iba sa pera kung kaya't may dayaan at

korupsyon.

Page 30: Rea Mae B. Jaugan's Akademikong Sulatin

Pagkatapos ng eleksyon, pagkatapos

ng "mabusising" psgbilang ng mga boto,

hihirangin ang mga panalo. Katulad ng

nasa larawan, ang mga panalo ng mga

politiko ay manunumpa. Manunumpa ng

buong puso at kaluluwa ang kanilang

tungkulin at isasakatuparan ang

kanilang ipinangako na agbabago sa

harap ng sambayanang Pilipino.

Page 31: Rea Mae B. Jaugan's Akademikong Sulatin

Pagkatapos ng lahat na pangyayari at proseso ay ang

pagsisimula ng sinumpaang tungkulin. Ngunit sa mga

panahong nagdaan, tila ang mga pangako ay napapako.

Marami na ang mga balita tungkol sa mga proyektong tila

parang trapik sa EDSA sa sobrang bagal ng pag-usad . Mga

balita na nasasangkot ang mga politiko sa mga scam at

korupsyon. Pagsamsam ng mga pera na inilaan para sa mga

proyekto at pagpapa-unlad ng bansa. Mga kilos protesta saan

man katulad ng 1 million people march, mga taong hindi na

nagugustuhan ang nangyayari sa loob ng pamahalaan. Mga

pangakong napapako, mha tungkulin na nababahiran ng

korupsyon. Kabilang ein ba ito sa kanilang sinumpaan?

Page 32: Rea Mae B. Jaugan's Akademikong Sulatin

Katitikan ng

Pulong

Page 33: Rea Mae B. Jaugan's Akademikong Sulatin

Kalian: Setyembre 5, 2017Saan: Senior High School BuildingOras: 10:15 ng umaga

Mga Dumalo:Bb. Marie Raphelle T. Deloria ( President eng Kompanya )Mga Kasapi ng KompanyaBb. Rose Ann M. Adapon ( representatibo ng ABS-CBN )Bb. Sharmine Alarcio ( representatibo ng GMA )

Katitikan ng Pulong Pagpili ng Produkto at ng Advertising Company

Page 34: Rea Mae B. Jaugan's Akademikong Sulatin

Di Nakadalo: G. Dan Byron Deloria Bb. Janine BautistaBb. Gypsy Mae Elnar

Kalihim ng Lupon: Bb. Rea Mae B. Jaugan

Page 35: Rea Mae B. Jaugan's Akademikong Sulatin

Agenda:Nagsimula ang pagpupulong sa may 10:15 ng umaga.

Sinimulan ito ng panalangin ni B. Rose Ann M. Adapon, ang kinatawan ng kompanya ng ABS-CBN. Pagkatapos ay ang pagbabalik tanaw ng napag-usapan at napagkasunduan ng kompanya na mag i-endorso ng produkto na inireview ni Bb. Marie Raphelle T. Deloria, ang presidente ng kompanya. Pagkatapos ng pagrereview ay ang pagtatalakay ng Agenda na magpipili ng kompanya ng produktong I-endorso at ang advertising company na gagawa nito.

Page 36: Rea Mae B. Jaugan's Akademikong Sulatin

Unang nagbigay ng pagpipilian si Bb. Marie Raphelle sa pagitan ng Sunsilk at Head n’ Shoulder at kung alin sa dalawang produkyo ang gagawan ng advertisement. Humingi si Bb. Marie Raphelle ng mga suhestyon sa mga kasapi ng kompanya. Ang unang nagbigay ng kanyang suhestyon ay si G. Jhon Mar Trinidad na ang dapat na produktong i-endorso ay ang Sunsilk dahil “ mabango tsaka maganda sa buhok.” Sinundan naman ito ni Bb. Christine Lazaga na Sunsilk din ang pinili na produkto dahil ayon sa kanya “ Sunsilk dahil mabango, it makes your hair soft at ito ang yung ginagamit ko na shampoo matagal na.” At sa huling nagbigay ng kaniyang suhestyon ay si Bb. Khrizzle Jean Maquiling. Ayon sa kanya “ Head n’ Shoulders ang pipillin ko dahil kumbaga it makes your sculp cool tsaka nakakatanggal ng mga dandruff.”

Page 37: Rea Mae B. Jaugan's Akademikong Sulatin

Sa ikalawang bahagi ng pagpupulong ipinakilala ni Bb. Marie Raphelle and dalawang representatibo ng kompanya ng ABS-CBN at GMA na si Bb. Rose Ann Adapon (representatibo ng ABS-CBN) at Bb. Sharmine Alarcio (representatibo ng GMA). Itinanong ni Bb. Marie Raphelle sa dalawang representatibo kung paano gagawing mabenta ang produkto. Ang unang naglahad ng kaniyang suhestyon ay si Bb. Rose Ann. Ayon sa kaniya upang maging mabenta ang produkto, “kailangan nating gumamit ng popular na artista o personalidad.” Sumunod naman si Bb. Sharmine na nagsabing “pwedi naman yung mismong gumagamit talaga ng produkto.” Pagkatapos marinig ang dalawang suhestyon ng magkabilang panig, inulit ng presidente ng kompanya upang magkaroon ng kalinawan sa mga kasapi ng kompanya.

Page 38: Rea Mae B. Jaugan's Akademikong Sulatin

Pagkatapos marinig ang mga suhestyon ng mga kasapi ng kompanya ay sinimulan na ni Bb. Marie Raphelle ang botohan. Anim (6) sa mga nakadalo ang sumang-ayon na Sunsilk ang gagamitin ng produkto habang labing-apat (14) naman ang sumang-ayon sa Head n’ Shoulder. At dahil nanalo sa botohan ang produktong Head n’ Shoulder, ito ang gagamitin na produkto ng kompanya para sa gagawing advertisement.

Page 39: Rea Mae B. Jaugan's Akademikong Sulatin

Pagkatapos ng paglalahad ay nagtanong si G. Jairus Canchela na “ paano naman ang budget ng commercial?” Tinanong ni Bb. Marie Raphelle ang dalawang kintawan kung ilan ang kanilang tantsya na magagagstos ng kanilang advertisement. Sa panig ni Bb. Rose Ann, ang kanyang tantsya na magagastos ng kompanya ay Php 500,000. Sa panig naman ni Bb. Sharmine aabot ito sa Php 100,000. Pagkatapos marinig ang kanilang mga suhestyon at sagot, binuksan ni bb. Marie Raphelle ang botohan kung alin sa dalawang ideya ng dalawang representatibo ang gagamitin ng kompanya sa pag a-advertise ng produkto. Anim (6) sa mga nakadalo ang sumag-ayon sa ideya ni Bb. Rose Ann habang labing-tatlo (13) naman ang sumang-ayon sa ideya ni bb. Sharmine. Kaya ang gagamiting advertising company ng kompanya ay ang GMA.

Page 40: Rea Mae B. Jaugan's Akademikong Sulatin

Naitanong naman ni Bb. Marie Raphelle kung saan gaganapin ang commercial. Ayon kay Bb. Sharmine ay sa beach, ayon naman kay Bb. Rose Ann ay sa bahay. Humingi ng suhestyon si Bb. Marie Raphelle sa mga kasapi ng kompanya. Ang unang nagbigay ng kaniyang suhestyon ay si Bb. Marielle Gayem na ayon sa kanya na sa Boracay Beach. Sinundan naman ito ni Bb. Sheena Louis Nodado na sa Sipalay. Ayon naman kay Bb. Rosemelita Catalonia sa Highway. Ayon naman kay Bb. Rea Mae Jaugan “ kahit saan namay polusyon at init.” Ayon naman kay G. Jhon Mar Trinidad sa bahay ng proud user. Ayon naman kay G. Jhon Ryan Jumawan sa workplace ng tao. At ayon naman kay Bb. Khrizzle Jean Maquiling sa camping site.

Page 41: Rea Mae B. Jaugan's Akademikong Sulatin

Iba pang Napag-usapan:Dahil hindi na nakapagdesisyon kung saan gagawin ang

advertisement, napagdesisyunan na tatalakayin iyon sa susunod na pagpupulong. Natapos ang pagpupulong sa may 10:37 ng umaga.

Itinala ni:

Bb. Rea Mae B. Jaugan

Kalihim

Page 42: Rea Mae B. Jaugan's Akademikong Sulatin

Panukalang

Proyekto

Page 43: Rea Mae B. Jaugan's Akademikong Sulatin

“ Ligtas ang may Alam “Panukala para sa Pagsasagawa

ng Syposium patungkol sa First Aid o Paunang Lunas

Zamboanguita Science High SchoolDel Pilar St. Pob., Zamboanguita Negros Oriental

KATEGORYA NG PROYEKTO: Symposium PETSA: Setyembre 11, 2017HABA NG PANAHON NG PROYEKTO: Dalawang (2) araw

Page 44: Rea Mae B. Jaugan's Akademikong Sulatin

Rasyonal Sa ating bansa kadalasan tayong nasasalanta at nakakaranas ng

iba’t ibang sakuna o disgrasya. Mga sakuna na minsan ay dinudulot ng mga tao. Mga halimbawa nito ay mga kalamidad, pagbaha at iba pa. Minsan ay aksidente sa ating tahanan at paaralan katulad ng sugat, napaso, nadulas, nakagat ng hayop at iba pa. At dahil hindi natin alam kung kailan ito mangyayari, ang kailangan nating gawin ay maging handa at matuto ng Paunang lunas o First Aid.

Page 45: Rea Mae B. Jaugan's Akademikong Sulatin

Kaya napagtanto ng aming grupo na magsagawa ng symposium patungkol sa pagsasagawa ng First Aid. Napag-isipan naming ito dahil sa panahon ngayon konti nalang ang may alam tungkol sa First Aid lalo na sa mga kabataan. Para kung maranasan nila ito ay alam nila kung anong dapat gawin at mabigyang lunas agad ang mga aksidente o sakuna. Hindi lang ito para sa malalaking sakuna kundi pwede din ito sa mga maliliit na aksidente.

Page 46: Rea Mae B. Jaugan's Akademikong Sulatin

Layunin:

Ang mga layunin ng naturang proyekto sa mga mag-aaral ng Grade 7 ay:- Mapaunlad ang kanilang kaalaman ukol sa First Aid o Paunang

Lunas- Makatulong sa kapwa- Makatulong pagpreserba ng buhay- Makatulong sa mga sakuna o aksidente

Page 47: Rea Mae B. Jaugan's Akademikong Sulatin

Ang mga nasabing layunin ang gustong makamit ng panukalang proyekto na ito. Hindi lamang nalalayun na magbigay ng kaalaman kundi pati na rin sa pagsasagawa nito sa totoong buhay kapag nakaranas ang mga kabataan ng aksidente o sakuna sa kanilang tahanan o paaralan.

Page 48: Rea Mae B. Jaugan's Akademikong Sulatin

Deskripsyon:Ang kaligtasan ay napakahalaga sa buhay ng isang tao.

Hindi lamang sa tao kundi pati na rin sa iba pang may buhay sa mundo. Kung ikaw ay ligtas, makakaya mong gawin ang mga bagay na may kasiguraduhan na malayo sa kapahamakan o peligro. Ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon ay makakasiguro tayo na tayo ay parating ligtas.

Page 49: Rea Mae B. Jaugan's Akademikong Sulatin

Halos lahat ng pagkakataon ay malalagay tayo sa peligro o kapahamakan. Maraming mga salik ang makadudulot nito halimbawa nito ay mga kalamidad sa kalikasan at mga aksidente sa daan, paaralan o tahanan. At dahil hindi natin alam kung kailan ito mangyayri ang magagawa natin ay maging handa palagi at ang pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa First Aid.

Page 50: Rea Mae B. Jaugan's Akademikong Sulatin

Ang pagsasagawa ng symposium patungkol sa kahandaan at First Aid ay makatutulong sa mga kabataan na magig handa at maging alisto sa mga sitwasyon na ito. Ang mga magsasagawa ng naturang symposium ay maggagawa ng powerpoint presentation at demo patungkol dito. Nakapaloob sa powerpoint at demo na ito kung anong mga sitwasyon ang nangangailangan ng First Aid, paano ihahanda ang First Aid, Paano ito gagawin, mga bawal at hindi dapat gawin sa panahon ng sakuna.

Page 51: Rea Mae B. Jaugan's Akademikong Sulatin

Ang nasabing symposium ay inaasahang makatutuong sa pagdagdag sa kaalaman ng mga kabataan na hindi pa alam ang tungkol sa First Aid at sa mga may alam na. Ang naturang symposium ay nangangailangan ng buong kooperasyon ng mga respondente. Ito ay inaasahang gaganapin sa Grade 7 Faburada at inaasahang magtatagal ng dalawang araw.

Page 52: Rea Mae B. Jaugan's Akademikong Sulatin

Suliranin: Sa panahon natin ngayon maraming tao ang nakararanas ng

iba’t ibang suliranin kasama na nito ang suliranin sa kaligtasan kung kaya’t napag-isipan ng grupo na isagawa ang symposium na ito upang malaman ng bawat isa kung paano bigyan ng solusyon ang mga suliraning katulad ng aksidente o kalamidad na ngangailangan ng First Aid para sa kaligtasan ng isang indibidwal. Dahil hindi sa lahat ng pagkakataon tayo ay palaging ligtas.

Page 53: Rea Mae B. Jaugan's Akademikong Sulatin

Badyet:

Materyales Inaasahang Halaga

PowerPoint presentationPhp 0.00

Page 54: Rea Mae B. Jaugan's Akademikong Sulatin

Schedule:Talahanayan 1

Araw ng Symposium Mga Paksa na Tatalakayin

Day 1 ( Isang oras) 1. Mga sitwasyon na nangangailangan ng First Aid2. Paano ihahanda ang First Aid3. Paano ito gagawin (part 1)

Page 55: Rea Mae B. Jaugan's Akademikong Sulatin

Day 2 ( Isang oras) 1. Paano ito gagawin (part 2) 2. Mga hindi dapat gawin sa mga sakuna

Page 56: Rea Mae B. Jaugan's Akademikong Sulatin

Pakinabang: Napakahalaga na marunong o may laalaman tayo sa

pagbibigay ng paunang lunas o First Aid. Sa ganitong paraan ay maiiwasang lumala ang tinamong sugat o pinsala sa katawan ng isang tao na naaksidente gaya ng pagkalason, nasugatan o kaya ay nabalian. Makabubuting matuto ang mga tao sa simpleng pagbibigay ng paunang lunas upang maiwasan ang mas malalang pinsala na natamo ng isang porsyento o sinumang nangangailangan nito.

Page 57: Rea Mae B. Jaugan's Akademikong Sulatin

Samakatuwid, ang “First Aid” ay kapakipakinabang sa mga kabataan sapagkat nagbibigay ito ng kaalaman sa mga kabataan o maaari nilang I aplay sa kanilang buhay at kapaligiran.

Page 58: Rea Mae B. Jaugan's Akademikong Sulatin

Resume at

Liham

Aplikasyon

Page 59: Rea Mae B. Jaugan's Akademikong Sulatin

Rea Mae B. Jaugan Lutoban Zamboanguita Negros Oriental

#[email protected]

Layunin:Maging isa sa mga medical staff ng St. Lukes Medical

Center

Page 60: Rea Mae B. Jaugan's Akademikong Sulatin

Edukasyon:Silliman University ( Doctor of medicine) - 2018-

2025Zamboanguita Science High School (SHS) - 2016-

2018Zamboanguita Science High School (JHS) - 2012-

2016Lutoban Elementary School - 2006-2012

Page 61: Rea Mae B. Jaugan's Akademikong Sulatin

Karanasan: °Part time Doctor sa Silliman University - 2020-2025°Full time Doctor sa Negros oriental - 2015-2026Provincial Hospital

Mga Kasanayan:°Marunong magsagawa ng medical allied operations°Nakagagawa ng medical related experiments

Page 62: Rea Mae B. Jaugan's Akademikong Sulatin

Ika – 14 ng Setyembre 2017

Bb. Ana Melissa VenidoCEO – St. Lukes Medical CenterManila, Philippines

Mahal na Bb. Venido:

Magandang Umaga!

Nabasa kop o sa inyong wbsite na St.LukesMedicalCenter.com.ph noong nakaraang Setyembre 7, 2017 na nangangailangan po kayo ng karagdagang doctor sa inyong hospital.

Page 63: Rea Mae B. Jaugan's Akademikong Sulatin

Naniniwala po ako na ang mga katangian at mga kwalipikasyon na inyong hinahanap ay taglay ko, kung kaya ako po ay nag-aaplay sa naturang trabaho. Masisiguro ko po sa inyo na magagawa kop o ng mabuti at maayos ang aking trabaho.

Makikita niyo pos a kalakip na resume na tumutukoy sa aking edukasyon, mga karanasan at mga kasanayan at kakayahan ko ayon sa inyong kahingian.

Page 64: Rea Mae B. Jaugan's Akademikong Sulatin

Handa po akong magtungo sa inyong tanggapan kung nais ninyo akong interbyuhin sa kahit anong oras at panahon upang matalakay ko nang maayos ang aking kwalipikasyon at inyong mga kahingian. Maaari niyo po akong makontak sa aking email address na [email protected] o di kaya sa aking cellphone number na 09364449113.

Page 65: Rea Mae B. Jaugan's Akademikong Sulatin

Maraming Salamat!

Sumasainyo, Rea Mae B. Jaugan

Aplikante

Page 66: Rea Mae B. Jaugan's Akademikong Sulatin

Memorandum

Page 67: Rea Mae B. Jaugan's Akademikong Sulatin

Republika ng PilipinasKagawaran ng Edukasyon Zamboanguita Science High SchoolDel Pilar St., Poblacion Zamboanguita Negros Oriental

Octobre 3, 2017

Paksa : Pagpupulong para sa 2017 Christmas Party

Page 68: Rea Mae B. Jaugan's Akademikong Sulatin

Para sa : Miyembro ng Student Council

1. Papalapit na naman ang kapaskuhan at isa ito sa mga okasyon ng pinaghahandaan at pinagdiriwang ng bawat isa. Sa panahong ito naipapakita ang pagmamahal at pagbibigayan ng bawat isa.2. Ang layunin ng nasabing pagpupulong ay:

Page 69: Rea Mae B. Jaugan's Akademikong Sulatin

Talakayin ang mga posibleng mangyayari o programa sa nasabing okasyon tulad ng mga palaro, pagkain na dadalhin at iba pa.

Magsasagawa ng Christmas Party sa bawat silid-aralan ng ZSHS

3. Inaanyayahan ang mga miyembro ng student council na dumalo sa naturang pagpupulong na gaganapin sa ika – 10 ng Nobyembre sa may 8:30 ng umaga sa loob ng silid-aralan ng Grade 12 Generoso Senior High School building ZSHS.

Page 70: Rea Mae B. Jaugan's Akademikong Sulatin

4. Tatalakayin din ang travel expenses na kukunin sa SHS budget.5. Para sa malawakang diseminasyon.

REA MAE B. JAUGANPresidente ng

Student Council