Top Banner
IBA’T IBANG URI NG AKEDEMIKONG SULATIN
28

Rimar B. Campos' Akademikong Sulatin

Jan 21, 2018

Download

Education

GenerosoFil
Welcome message from author
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
Page 1: Rimar B. Campos' Akademikong Sulatin

IBA’T IBANG URI NG AKEDEMIKONG SULATIN

Page 2: Rimar B. Campos' Akademikong Sulatin

ABSTRAKGamit ang mga kwalitatibo’t katutubong metodo ng pananaliksik,

natukoy sa pag-aral na ito ang kasiyahan ng mga kabataan ay nabubuo sa loobng kanilang mga interaksyon lalo na sa pamilya, barkada at organisasyon o samahang kinabibilangan. Nakita ring may dalawang anyo ang kasiyahan at itoay ang pnloob na damdamin at panlabas nitong pagpapahayag. Sinuri ng pananaliksik ang mga konsepto ng loob, kapwa sarili at ang papel nitongginagampanan sa mundo ng damdamin ang saya ng mga kabataang kalahok.

Page 3: Rimar B. Campos' Akademikong Sulatin

BIONOTESi Christine M. Lazaga ay ipinaganak noong Mayo 1, 2000. Ang kanyang ina ay si Marceda

Lazaga at ang kanyang ama naman ay si Andrew Bandigas. May mga kapatid siyang sina Mark Anthony Lazaga at Claire Lazaga. Sila ay kasalukuyang naninirahan sa Maglinte Mayabon, Zamboanguita, Negros Oriental. Nagtapos siya ng elementarya sa Zamboanguita Central School at nagtamo ng karangalan bilang kabilang sa Choir Member. Nagtapos siya ng Junior High saZamboanguita Science High School at naparangalan ng “Outstanding Choir Member”. Kasalukuyansiyang nag-aaral sa higit na mataas na paaralan sa Zamboanguita Science High School. Siya ay angBise Presidente ng Dramatics Club ng paralan.

Page 4: Rimar B. Campos' Akademikong Sulatin

BUODSilence of Love

May isang babae na may amang bingi at pipi. Tinutukso siya sa paaralan dahil sa kanyangama at napapaaway siya dahil dito. Ang kanyang ama ay patuloy paring pinapasaya siya kahit anongmangyari. Gusto ng babae na magkaroon ng mas mabuting ama. Naglayas ang babae at sumama saiba. Sa araw ng kanyang kaarawan, naghihintay ang kanyang ama sa kanya. Dumating siya sakanilang bahay duguan at malapit ng mamatay. Dali dali siyang isinugod ng ama ang kanyang anaksa hospital at nagmakaawa ng husto sa mga doctor na sagip inang kanyang anak. Isinakripisyo ng ama ang kanyang sarili para sa kanyang anak. Nang gumaling at nagising ang babae, napagtanto niyana mahal na mahal niya ng kanyang ama kahit na may kapansanan ito.

Page 5: Rimar B. Campos' Akademikong Sulatin

Lugar na Nais Kong Puntahan

Ang bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang lugar na gusting puntahan. Lugar namagpapasaya sa mga damdamin natin. May kanya-kanyang tayong dahilan kung bakit gusto natinmakapunta doon.

Kung may pagkakataon akong maglakbay, gusto kong pumunta sa Paris. Bakit ko gusting pumunta sa Paris sa dinami-daming lugar sa mundo? Simple lang dahil gusto at pangarap kongmakapunta doon simula noong bata pa ako. Ako ay naengganyo sa mga palabras na napapanood konoong ako’y bata pa. Palaging may senaryo ng pagmamahal at kasiyahan ang na gaganap sa sentrong France. At saka, gusto kong Makita ang Eiffel Tower sa sarili kong mga mata at hindi lamang samga larawan.

Ako ay nakakramdam ng kasiglahan at kasiyahan pagdating sa paglalakbay sa ibang lugar. Ako ay interesado sa kung ano ang itsura ng kanilang lugar at iba pang mga pangyayri. Hindi lamanglugar ang interesado ako, pati narin sa paraan ng pamumuhay ng mga nakatira doon. Iilan lamang ‘to sa mga dahilan kung bakit ko gusto makapunta sa Paris. Kaya kung papipiliin ako ng lugar na gusto kong puntahan, Paris ang unang pipiliin ko.

Page 6: Rimar B. Campos' Akademikong Sulatin

LAKBAY SANAYSAYKawasan Canyoneering

Ako ay isang tao na mahilig maglakbay sa iba’t ibang lugar. Lugar na dinadayo ng mga turista at iba’t ibang tao. Hindi lang para mamasyal kundi dahil gusto ko rin ng mgapambihirang karanasan. Isa rito ay ang desisyon gusto kong gunitain. Ito ay ang karanasanko noong Kawasan Canyoneering namin. Palagi ko itong maaalala dahil halos hindi sapat‘yon para sa akin.

Ang canyoneering ay isang isport sa paglalakbay sa mga “canyons” gamit ang ibat’tibang pamamaraan kabilang na ang mga panlabas na aktibidad kagaya ng paglalakad, pag-akyat, pagtalon, at paglangoy. Sa lungsod ng Badian, naghihintay ang ganitong gawain. AngBadian ay nasa siyamnapu’t walong kilometro at nasa tatlong oras na byahe mula sa Cebu. Ang aktibidad na ito ay kadalasang nasa ₱1,500 bawat tao, kasama na rito ang bayad para satour guide, safety gears, at mga pagkain. Ang buong aktibidad ay nagtatagal ng mga apathanggang anim na oras depende sa kung gaano kalaki ang grupo.

Ito na siguro ang isa sa napakasuklit na apat hanggang anim ng oras ng buhay ko kahitnakakapagod. Sulit dahil napaligiran ako ng mga nakakabighaning tanawin na hindi makikita kahitsaan. Napakalinaw at linis ng tubig sa ilog at mga falls kaya ang sarap maglakbay. Sinabi ng guide namin na dapat kaming mag-ingat dahil may mga batong madudulas na maaring ikadisgrasya namin. Isa sa unang mga ginawa namin ay ang magpadulas at mga falls. Ang pinakapaborito ko ay ang mgapagtalon sa mga dalawampu hanggang apatnapung talampakan naa ang kataas. Napahinto nalang akoat napapaisip “Patay! Walana akong magagawa kundi tumalon kung gusto kong matapos ito at

Page 7: Rimar B. Campos' Akademikong Sulatin

REPLEKTIBONGSANAYSAY

My Beautiful Woman

Gaano nga ba kahirap ang maging batang magulang? May inaarugang bata kasabay ng pag-aaral. Mahirap isipin pero ito ay katotohanan sa loob ng ating lipunan. May kilala akong mgaganitong personalidad. Ang mga kababatako, kakilala ng mga kaibigan ko, at maging ang iba ay makikita sa telebisyon. Ang iba ay hindi natapos ng pag-aaral at ang iba naman ay nagsumikap at nakapagtapos.

Ang napanood kong “My Beautiful Woman” ay isang halimbawa ng ganitong sitwasyon. Nakakaantig ng puso at nagbibigay inspirasyon. Si Jane na isang ordinaryong tao lamang ay napagkamalang isang batang ina. Gayon pa man, kahit anong sinasabi ng mga tao sa likod niya ay hindi niya ito pinapansin at ‘di niya ito hinahayaan na sumira sa kanyang pamumuhay. Maayosn’yang pinalaki angbata, si June, kahit siya ay may mga sitwasyon sa buhay kagaya ng kanyang pag-aaral. Kahit ganon, may tumaggap parin sa kanya, ang guro ni June na naniniwala sa kanya. Kahit ‘di man kagandahan, ang kanyang ugali at pagiging metatag ang gumawa sa kanya bilang pinakamaganda. Dumating ang araw ng Mother’s Day Celebration at ipinakita ng kanyang anak kung gaano siya kamahal nito. Ang kwento ni Jane at ni June ay nakakapukaw ng damdamin.

Sakabuuan, mahirap ang magpalaki ng bata lalo na’t bata pa lang. Pero kung nabigyan ng anak, dapat panindigan at palakihin nang maayos ang bata upang ‘di mapariwara sa buhay. Hindi dapat ihinto ang pag-aaral kundi dapat ipagpatuloy upang mabigyan ng magandang kinabukasan angsarili at ang batang pinapalaki.

Page 8: Rimar B. Campos' Akademikong Sulatin

POSISYONG PAPELPagbabalik ng Death Penalty sa Pilipinas

Maraming krimen ang nangyayri at laganap sa ating bansa. Ilan dito ay ang pagpatay, panggagahasa, paggamit ng ipinagbabawal na droga, at pagnanakaw. Maraming buhay angnasasayang at nahihirapan dahil sa mga krimeng ito. Para sa akin, dapat ipatupad ang Death Penalty.

Dapat mapanagot ang mga taong gumawa ng mga kasalanan. Ang krimen sa ating bansa ay lumalaganap at dapat ito’y malutas. Ang pagbabalik ng Death Penalty ayon kay Sen. Sotto ay dapatipa tupad dahil palubha nang palubha ang mga krimen sa bansa kaya nararapat lamang ito’y ibalik. Ito ay nagsisilbing babala para sa mga taong gagawa ng krimen. Ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte, ang muling pagpapatupad ng parusang kamatayan ay hindi panakot sa mga kriminal kundipambayad sa kanilang kasalanan. Ang kamatayan ay ‘di lamang ipinapataw sa kung sino-sino ayonsa Republic Act No. 7659, ang death penalty ay ang parusang ipinapataw sa mga gumawa ng mgakagimbal-gimbal na krimeng nakahahapis, nakaririmarin, kakilakilabot, at mga nakakapoot. Ayondin sa Death Penalty Law, ang uri bribery na ang opisyal mismo ang namimili ng kanyang gustongkapalit para “magserbisyo” sa isang tao ay karapat-dapat sa parusang kamatayan.

Kaya dapat ipatupad ang Death Penalty sa Pilipinas upang mahinto ang mga masasamanggawain. Kailangan din ito upang mabigyan ng hustisya ang mga taong nagawan ng masasama. Dapatipatupad ang parusang Death Penalty upang magkaroon ng kapayapaan ang ating bansa.

Page 9: Rimar B. Campos' Akademikong Sulatin

makauwi.” Inipon ko ang aking tapang, pagkatapos ay nagustuhan ang pakiramdam at dahil doon ay gusto ko pang tumalon. May pinagawa rin ang guide sa amin, kagaya ng pagbuo ng bilog kasamaang buong grupo habang nakapalutang. May malaking bato and dapat akyatin at makikitid na daan sagitna ng mga bato ang daanan para makapagpatuloy. Nakakagutom ang paglalakad, pag-akyat, at paglangoy pero nasiyahan kami sa kalagitnaan ng aming paglalakbay dahil sa masarap na amoy ng mga inihaw na hotdogs at barbeque. Sa paglalakbay naming ay kumuha din kami ng mga litrato ng mga nakakabighaning tanawin kagaya ng maliliit na kweba, stalagmites, stalactites, at iba pa, at patina rin ang pinaggagawa naming.

Pagkatapos ng paglalakbay namin ay masasabi ko na ang canyoneering ay para sa mgamatatapang at mga mapangahas. Masarap at masaya talaga maglakbay kasama ang mga mahal sabuhay. Napagtanto ko rin sa sarili ko na ganito pala ako, yong tipong mahilig magbabad sa tubig at mga aktibidad na nakakahamon. Natulungan din ako na lalong ‘di matakot sa matataas na lugar kasiang sarap pala sa pakiramdam ang tumalon sa ere at bumagsak sa tubig. At ang pinakamahalagangntutunan ko sa aking sarili ay dapat pahalagahan ang ating kalikasan dahil ito ang kinakasiya at pinagkukunan ng ikinabubuhay ng ibang tao, at ito rin ang pakikinabangan ng mga susunod na mgahenerasyon.

Page 10: Rimar B. Campos' Akademikong Sulatin

PHOTO ESSAYGyera sa Marawi

Dumating ang mga Maute sa siyudad ng Marawi. Sila ay

armadong grupo na naghasik ng kasamaan at takot sa mga

residente ng lugar.

Page 11: Rimar B. Campos' Akademikong Sulatin

Nagpadala ng mga sundalo ang gobyerno mula sa iba’t

ibang lugar sa Pilipinas. Ito ay upang matulungan na

masugpo ang grupong Maute.

Page 12: Rimar B. Campos' Akademikong Sulatin

Nagpatupad ng Martial Law si Pangulong Duterte sa buong

Mindanao. Ipinatupad niya ito upang mapalakas ang

seguridad ng lugar.

Page 13: Rimar B. Campos' Akademikong Sulatin

Matindi ang bakbakan sa pagitan ng grupong militar at

Maute. Marami ang nasawi at pamilyang nangungulila sa

kanilang mga mahl sa buhay.

Page 14: Rimar B. Campos' Akademikong Sulatin

Patuloy parin ang labanan ng mga grupong militar at Maute

hanggang sa kasalukuyan. Gayundin ang pinsala na naidulot

nito sa siyudad ng Marawi.

Page 15: Rimar B. Campos' Akademikong Sulatin

RESUMERimar B. Campos

Salngan, Mayabon, Zamboanguita, Neg. OR.

0916 325 6019

[email protected]

Layunin

Makakuha ng posisyon bilang Civil Engineer sa inyong kompanya.

Edukasyon

Cebu Institute of Technology 2018-2023

● Bachelor of Science in Civil Engineering

Zamboanguita Science High School (Senior High School) 2016-2018

Zamboanguita Science High School (Junior High School) 2012-2016

Salngan Elementary School 2006-2012

● Valedictorian

Page 16: Rimar B. Campos' Akademikong Sulatin

Karanasan

● Civil Engineer sa National Grid Corporation of the Philippines 2029-20131

● Civil Engineer sa JGC Philippines Inc. 2027-2029

● Civil Engineer sa Philsouth Properties and Development Corp. 2024-2027

Kasanayan

● Marunong gumamit ng AutoCAD

● Marunong gumawa ng mga disenyo ng bahay

● Marunong tumantsiya ng presyo ng mga kagamitan

● Marunong mag-inspeksiyon ng mga imprastraktura

Page 17: Rimar B. Campos' Akademikong Sulatin

LIHAMAPLIKASYON

Ika-14 ng Setyembre 2017

Bb. ANA MELISSA VENIDO

Chief Executive Officer

Yokogawa Philippines inc.

Quezon City, Philippines

Mahal na Bb. Venido:

Magandang araw! Nag-aaplay po ako sa posisyong Civil Engineer sa inyong kompanya. Nakita ko sa inyong official website na naghahanap po kayo ng inhinyero. Masisiguro ko po sa inyona magagawa ko ng maayos ang aking trabaho. Naniniwala ako na Malaki ang maitutulong ko sainyong kompanya.

Makikita po ninyo ang aking kakayahan, karansan, at akademikong kwalipikasyon sa

Page 18: Rimar B. Campos' Akademikong Sulatin

nakalakip na resume. Maari po ninyo akong interbyuhin sa araw at oras na inyong ninanais upangmalaman ninyo ng mas detalyado ang aking kwalipikasyon. Maaari po ninyo akong kontakin saaking email address [email protected] o sa aking cellphone number 09163256019.

Maraming salamat!

Tapat na sumasainyo,

RIMAR B. CAM

Page 19: Rimar B. Campos' Akademikong Sulatin

KATITIKAN NG PULONG

Pagpili ng Produkto at Advertising Company

Kailan : Setyembre 05, 2017

Saan : Zamboanguita Science High School Senior High Building

Oras : 10:15 A.M.

Mga Dumalo:

1. Marie Raphelle Deloria – Presidente

2. Sharmaine Alarcio – Kinatawan ng GMA

3. Rose Ann Adapon – Kinatawan ng ABS-CBN

4. Mga kasapi ng kompanya

Mga Hindi Dumalo:

1. Janine Bautista

2. Dan Byron Deloria

Page 20: Rimar B. Campos' Akademikong Sulatin

Pinanguluhan ni Marie Raphelle Deloria ang pulong para sa pagpili ng produktong i-eendorso at advertising company na mag-eendorso.

Tinalakay ang mga sumusunod na adyenda:

1. Ano ang I-eendorso na Produkto

Produktong pinagpilian:

1. Head & Shoulders

2. Sunsilk

Mga suhestiyon:

1. “Sunsilk dapat ang piliin kasi ‘yon ang ginagamit ko.” – Christine Lazaga

2. “Head & Shoulders dapat kasi nakatatanggal ito ng dandruff sa scalp.” – Khrizzle Jean Maquiling

3. “Ginagawa ng Sunsilk na gawing mas shinier, smoother, and silkier ang buhok.” – JhonMar Trinidad

Pagkatapos ng pagbibigay ng mga suhestiyon ay napagdesisyunan ni Pangulong Marie Raphelle na pagbotohan ang sa kung ano ang produkto na i-eendorso. Ang resulta ng botohan ay may

Page 21: Rimar B. Campos' Akademikong Sulatin

anim na nakuhang boto ang Sunsilk samantalang ang Head & Shoulders naman ay nakakuha ng labing-apat na boto. Kaya ang Head & Shoulders ang produkto na i-eendorso.

2. Pagpili ng Advertising Company

Advertising Company na pinagpilian:

1. GMA

2. ABS-CBN

Ang GMA ay kinatawanan ni Sharmaine Alarcio habang si Rose Ann naman kumatawan saABS-CBN. Sila ay tinanong sa kung paano i-eendorso ang produktong Head & Shoulders upangmaging mabenta. Hiningan sila ng paraan kung paano nila gagawin.

Sabi ni Rose Ann Adapon na kumatawan sa ABS-CBN na gumamit ng artista para mas hikayatin ng masa dahil sikat ang gagamit at ang nakalaan na budyet sa proyekto ay P500,000. Angpanig naman ng GMA na kinatawanan ni Sharmaine Alarcio ay nagsabi na dapat gumamit ng taonggumagamit ng Head & Shoulders para makatotohanan ang pag-eendorso at P100,000 naman angnakalaan na budyet para sa proyekto.

Page 22: Rimar B. Campos' Akademikong Sulatin

Napagdesisyunan ng pangulo na magbotohan para sa kung ano advertising company napipiliin at ang paraan na masusunod sa pag-eendorso. Ang bumoto sa panig ng ABS-CBN ay animhabang labin-tatlo naman ang pumanig sa GMA. Sa huli ay ang pamamaraan ng GMA angmasusunod. Ang GMA ang napiling advertising company para sa pag-eendorso ng produktong Head & Shoulders.

3. Iba Pang Pinag-usapan

Pagkatapos ng botohan ay pinag-usapan naman ang lugar na saan gaganapin ang shooting sapag-gawa ng video commercial. Ang isinasaalang-alang ay ang badyet para sa proyekto . Nagbigayng kanya-kanyang suhestiyon ang mga dumalo.

Mga suhestiyon sa lugar na pag-gaganapan ng video commercial:

1. “Sa Boracay.” – Marielle Asanuddin

2. “Sa Sipalay kasi maliit lang ang badyet.” – Sheena Nodado

3. “Sa lugar na mainit at may polusyon dapat gawin ang shooting.” – Rea Mae Jaugan

4. “Sa mismong bahay ng gumagamit ng produkto dapat gawin ang video commercial.”

- Jhon Mar Trninidad

Page 23: Rimar B. Campos' Akademikong Sulatin

5. “Sa lugar na pinagtratrabahohan ng nag-eendorso.” – Jhon Ryan Jumawan

6. “Sa ilalim ng init dapat gawin ang shooting.” – Khrizzle Jean Maquiling

Ipagpapatuloy ang diskusyon sa kung saan gagawin ang shoting ng video commercial sasusunod na pagpupulong.

Itinala ni: Rimar B. Campos

Kalihim ng Lupunan

Page 24: Rimar B. Campos' Akademikong Sulatin

AGENDAPETSA : Ika-5 ng Oktubre 2017

PARA SA : Mga kasapi sa lupon ng WxC

MULA KAY : G. RIMAR B. CAMPOS

Maaring dumalo sa ating pagpupulong sa Oktubre 8, ika-1 ng hapon na gaganapin sa TNC High Grounds Café Conference room.

AGENDA

1. Pagsisimula

2. Pag-apruba ng Agenda

3. Pag-apruba ng katitikan ng nakaraang pulong

4. Mga isyu sa katitikan ng nakaraang pulong

5. Update sa boot camp

a. Kagamitan sa CR

b. Kagamitan sa kusina

c. Bintana sa mga kwarto

Page 25: Rimar B. Campos' Akademikong Sulatin

6. Pagbili ng mga bagong kagamitan

a. PC

b. Mouse

c. Keyboards

d. CPU

e. Internet Connection

7. Pagpili ng bagong coach

8. Pagdesisyon sa bagong talaan ng mga manlalaro

9. Mga kinakailangan ng mga manlalaro

a. Sweldo

b. Pasaporte

10. Paparating na mga paligsahan

a. Perfect World Masters

b. Dream League

Page 26: Rimar B. Campos' Akademikong Sulatin

c. Kiev Major

d. ESL One

e. ASUS ROG

f. The International

Ang susunod na pagpupulong ay gaganapin sa Oktubre 20, sa parehong lugar at oras.

Page 27: Rimar B. Campos' Akademikong Sulatin

MEMORANDUMRepublika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon

Zamboanguita Science High School

Del Pilar St., Pob., Zamboanguita

October 03, 2017

PAKSA : PAGPUPULONG PARA SA 2017 CHRISTMAS PARTY

PARA SA : MIYEMBRO NG STUDENT COUNCIL

1. Ang Christmas Party ay mahalaga upang ipadama sa mga estudyante ang kahalagahan ng Pasko. Sa pamamagitan nito ay naiibsan ang pagod ng mga estudyante. Napapatag din nito ang samahanng mga estudyante.

Page 28: Rimar B. Campos' Akademikong Sulatin

2. Ang layunin ng pagpupulong na ito ay ang mga sumusunod:

Maorganisa ang mga aktibidad na isasagawa

Mapagdesisyunan ang mga dadalhin

Mapag-usapan ang mga opisyales na maitatalaga sa araw ng Christmas Party

3. Inaanyayahan ang bawat miyembro ng Student Council na dumalo sa pagpupulong para sa 2017 Christmas Party na gaganapin sa ika-10 ng Nobyembre 2017 sa ganap na 8:30 ng umaga sa silidaralan ng Grade-12 Generoso, SHS building, ZSHS.

4. Ang bayad sa transportasyon ay kukunin sa SHS badyet.

5. Para sa madaliang diseminasyon

RIMAR B. CAMPOS

Pangulo ng Student Council