Top Banner
MGA SINAUNANG KABIHASNAN SA ASYA Modyul 2
129

Q2, a1 mga sinaunang kabihasnan sa asya

Jan 18, 2015

Download

Education

mesopotamia, sumer, akkad, babylon, chaldean, hittite
Welcome message from author
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
Page 1: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya

MGA SINAUNANG KABIHASNAN

SA ASYA

Modyul 2

Page 2: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya
Page 3: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya
Page 4: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya

ALAMIN

Page 5: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya

HALINA’T TUKLASIN

GAWAIN 1

Page 6: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya

GAWAIN 1: HALINA’T TUKLASIN

Tunghayan ang ilustrasyon sa ibaba. Makikita mo ang salitang kabihasnan at sibilisas-yon. Magbigay ka ng iyong ideya o kaalaman tungkol sa salitang nabanggit base sa iyong sariling pananaw at pag-unawa. Isulat mo ito sa pamamagitan ng pangungusap na makikita sa ib-aba. Matapos mong masagutan ay ilahad mo at ibahagi sa mga kamag -aral upang ang lahat ay makabuo ng konsepto at kahulugan.

Page 7: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya
Page 8: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya
Page 9: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya

PAMPROSESONG TANONG

1. Batay sa mga naisulat mong konsepto, ano ang maipapakahulugan mo sa salitang kabihasnan at sibilisasyon?

Ang kabihasnan ay_______________.

Ang sibilisasyon ay ________________.

2. Mayroon kaya silang mga pagkakaiba? Anu - ano ang mga ito?

Page 10: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya

LARAWAN - SURI

GAWAIN 2

Page 11: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya

GAWAIN 2: LARAWAN - SURI

Tunghayan ang mga bagay na nasa larawan. Suriin mo at bigyan kahulugan kung ano ano ang mga ito. Bigyan mo ng kahulugan at kung ano ang naging halaga nito sa Sinaunang Asyano. Matapos mong masuri ay sagutin mo ang mga katanungan na nasa ibaba

Page 12: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya

GAWAIN 2: LARAWAN - SURI

Page 13: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya

PAMPROSESONG TANONG

1. Ano ang ipinahihiwatig ng mga bagay na

nasa larawan?

2. Ano ang kaugnayan ng mga larawan sa

sinaunang kabihasnan?

3. Bakit kaya kinailangan ng mga sinaunang

tao ang mga bagay na ito?

4. Paano naging mahalaga ang mga bagay na

ito noong sinaunang panahon?

Page 14: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya

SURIIN NATIN

GAWAIN 3

Page 15: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya

GAWAIN 3: SURIIN NATIN

Nais mo bang marating ang mga ilog at lambak na ito? Subalit bago mo marating ang mga lugar na ito ay dapat mong malaman ang mga kwento at kasaysayan tungkol sa mga ilog at lambak na makikita. Surin mo ang mga larawan at alamin kung ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng bawat isa.Saan kaya matatagpuan ang mga ito? Ano kaya ang kinalaman ng mga ilog at lambak sa pag -usbong at pag-unlad ng kabihasnan at sibilisasyon?

Page 16: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya
Page 17: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya

PAMPROSESONG TANONG

Sagutin mo ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang ipinakikita ng mga larawan?

2. Ano kaya ang kaugnayan ng mga larawan sa mga

sinaunang kabihasnang nabuo o umusbong sa Asya?

3. Ano ano ang mga salik o batayan sa pagbuo ng

kabihasnan?

4. Paano umusbong ang mga kabihasnan at sibilisasyon sa

mga ilog at lambak sa Asya?

5. Paano nakaimpluwensya ang sinaunang kabihasnan sa

pagbuo at pag-unlad ng mga pamayanan at estado?

Page 18: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya

BAHAGDAN NG AKING

PAG - UNLAD

GAWAIN 4

Page 19: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya

GAWAIN 4: BAHAGDAN NG AKING PAG - UNLAD

Matapos mong matukoy at mabuo ang mga konsepto at kahulugan ng kabihasnan pati na ang mahahalagang lugar sa Asya ay marahil nais mo nang malaman kung bakit naging mahalaga ang mga ito noong sinaunang panahon. Subalit bago tayo magpatuloy sa pagpapalawak ng kaalaman ay sagutan muna natin ang itinakdang gawain na nasa ibaba.

Panuto: Sagutan ang unang kahon na Ang aking Alam at ang ikalawang kahon Nais malaman. Samantala,ang ikatlong kahon Mga Natutuhan ay mapupuna na may takip at kalakip na tandang pananong dahil masasagutan mo lamang ito kapag natapos mo na ang pag aaral sa paksa kaya’t ito ay muli mong babalikan.

Page 20: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya
Page 21: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya

PAUNLARIN

Page 22: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya

BASA – SURI - UNAWA

GAWAIN 5

Page 23: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya

GAWAIN 5: BASA – SURI - UNAWA

Basahin, suriin at unawain mo ang nilalaman ng teksto tungkol sa kabihasnan at sibi-lisasyon. Matapos mong mabasa ay sagutan ang mga gawain na itinakda para sa bahaging ito.

Page 24: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya
Page 25: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya

VENN DIAGRAM

GAWAIN 6

Page 26: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya

GAWAIN 6: VENN DIAGRAM

Matapos mabasa at masuri ang tungkol sa sibilisasyon at kabihasnan at sa tulong ng mga lara-wan ay sagutan mo ang mga gawain upang matukoy ang kahulugan ng paksa gamit ang Venn diagram

Sa bilang na 1at 2 - ibigay ang katangian ng kabihasnan at sibilisasyon

Sa bilang na 3 – ibigay ang pagkakatulad ng dalawa.

Page 27: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya
Page 28: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya
Page 29: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya

PAMPROSESONG TANONG

1. Ano ano ang mga katangian ng kabihasnan?

2. Balik mahalaga ang mga salik o batayan sa

pagbuo ng kabihasnan?

3. Kung mawala ang isang salik o batayan, masasabi

mo pa bang isang kabihasnan o sibilisasyon ang

mabubuo? Bakit? Ipaliwanag ang sagot.

Page 30: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya

PAGSUSURI NG TEKSTO

GAWAIN 7

Page 31: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya

GAWAIN 7: PAGSUSURI NG TEKSTO

Isa-isahin mong buuin at isalaysay ang mga pangyayari at pagbabagong naganap sa bawat pana-hon, kapaligiran at mga tao na naging dahilan ng pag usbong ng kabihasnan. Isulat mo ito sa ladder web upang makita ang naging pag-unlad mula sa panahong paleolitiko hanggang panahong metal.

Page 32: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya

Ano nga ba ang nangyari o pagbabago sa paglipas ng panahon? Masasabing parasitiko sa kapaligiran ang mga tao noong panahong Paleolitiko, umaasa lamang sila sa kung anong biyaya mayroon ang mga puno sa kapaligiran na makapupuno sa kanilang pang araw araw na pamumuhay at pagkatapos ay aalis kapag naubos na ang mga ito. Nomadiko ang ganitong pamumuhay. Kahit ganito pa man ang kanilang sistema nalinang ang kasanayan nila sa paggawa ng mga kasangkapang yari sa matutulis na bato at kalaunan ay nagamit sa pangangaso. Pinakamahalagang ambag nila ay ang pagkakatuklas ng apoy. Nagpatuloy ang pagbabago dahil sa pag agapay sa pagbabago ng kapaligiran.

Page 33: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya
Page 34: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya
Page 35: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya

Natutong magpaamo ng hayop, gumawa ng mga damit na galing sa mga balat ng hayop bilang proteksyon sa kanilang katawan, naganap ito sa panahong mesolitiko na naging transisyon sa panahong neolitiko.

Kakaiba ang nangyari nooong panahong neolitiko kung saan natutong magtanim at mag-alaga ng mga hayop ang mga tao. Malawakan ang naging pagtatanim kaya tinawag itong Rebolusyong Neolithic.

Page 36: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya
Page 37: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya

Naging dahilan ito ng mga tao para manatili sa isang lugar upang mabantayan ang mga pananim at alagang hayop.

Page 38: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya
Page 39: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya

Dito nagsimulang mabuo ang pamayanan. Nagkaroon ng kakayahan ang mga tao sa ibat ibang kasanayan o aspeto ng pamumuhay at nagkaroon ng pag-uuri sa lipunan. Nagsimula ang ibat ibang hanapbuhay ng tao at nabuo ang pundasyon ng isang kabihasnan. Bunsod ng patuloy na pagbabago sa lipunan, nabuo ang panahong Metal kung saan ang mga kasangkapang yari sa bato ay napalitan ng metal at paglaon ay napalitan ng tanso. Ngunit dahil sa salat sa mapagkukunan ng tanso napalitan naman ito ng bakal na siyang ginagamit pa rin hanggang sa kasalukuyan na nagpapalawak ng pamumuhay.

Page 40: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya
Page 41: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya
Page 42: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya
Page 43: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya
Page 44: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya
Page 45: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya

PAMPROSESONG TANONG

1. Ano anong pagbabago ang naganap sa bawat panahon?

2. Paano binago ng kapaligiran ang pamumuhay ng

mga Unang Asyano?

3. Paano sumabay sa pagbabagong ito ang mga

sinaunang Asyano upang makapamuhay ng

maayos? Ipaliwanag ang sagot.

4. Paano nakaapekto ang katangiang pisikal ng Asya

sa pagbuo ng kabihasnan? Ipaliwanag ang sagot.

Page 46: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya

MAPA - TUKOY

GAWAIN 8

Page 47: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya

GAWAIN 8: MAPA - TUKOY

Suriin mo ang mapa at tukuyin kung anong mga kabihasnan ang umusbong at umunlad dito. Sa iyong pagsusuri ay unawain mo ang mga naging dahilan ng Unang Asyano sa pananatili nila dito. Matapos ang gawain ay sagutan mo ang mga tanong sa ibaba na magpapalawak ng iyong kaala-man tungkol sa sinaunang kabihasnan.Maaring gamitin ang legend upang mas madali ang iyong gagawing pagtukoy sa mga lugar.

Page 48: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya
Page 49: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya

GAWAIN 8: MAPA - TUKOY

Sa mga ilog, lambak nagsimula ang mga kauna-unahang kabihasnan ng Asya. Mga lupaing naaangkop sa pagsasaka upang makapagtanim at maging permanenteng panirahan. Sa Mesopotamia na nasa pagitan ng Tigris at Euprates, namuhay ang mga Sumerians, Huang Ho na nasa China umunlad ang pamayanang Shang at sa mga baybayin ng Ilog Indus nagsimulang bumuo ng perrmanenteng panirahan ang mga Indus.

Nalinang ang mga kasanayan sa ibat ibang larangan na nagpaunlad sa kanilang pamumuhay.

Sa mga ilog na ito hinarap ng mga sinaunang tao ang hamon ng kalikasan upang mabuhay.

Page 50: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya

PAMPROSESONG TANONG

1. Ano ang katangian ng mga lugar kung saan unang umusbong ang mga kabihasnan sa Asya?

2. Bakit umusbong ang mga sinaunang kabihasnan sa mga ilog at lambak sa Asya?

3. Ano anong kabihasnan ang umusbong sa mga lugar ng Mesopotamia,Indus Valley at China?

Page 51: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya

KABIHASNAN – ANO KA?

GAWAIN 9

Page 52: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya

GAWAIN 9: KABIHASNAN – ANO KA?

Matapos mong matutuhan ang mga lugar na naging panirahan ng Unang Asyano ay tuk-lasin mo naman ang naging kasaysayan at katayuan ng mga kabihasnang itinatag o nabuo ng mga Unang Asyano. Pagkatapos maari mong sagutin ang mga katanungan na magbibigay sa iyo ng malawak na kaalaman.

Page 53: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya

KABIHASNANG SUMER

Page 54: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya

ANG KABIHASNANG SUMER

Ang Mesopotamia ang kinilala bilang “cradle of civilization” dahil dito umusbong ang unang sibilisadong lipunan ng tao.

Matatagpuan ang Mesopotamia sa Gitnang Silangan na tinawag na Fertile Crescent,(Iraq) isang arko ng matabang lupa na naging tagpuan ng ibat ibang grupo ng tao mula sa Persian Gulf hanggang sa dalampasigan ng Mediterranean Sea.

Page 55: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya
Page 56: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya
Page 57: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya

ANG KABIHASNANG SUMER

Sa lugar na ito matatagpuan ang Ilog ng Tigris at Euprates kung saan umusbong ang kabihasnan.

Noong panahong Neolitiko natatag ang pamayanang Jericho sa Israel at Catal Huyuk sa Anatolia at mga kalat-kalat na pamayanan sa Zagros.

Subalit hindi naglaon nangibabaw ang Sumer na naging sentro ng kabihasnang Mesopotamia.

Page 58: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya
Page 59: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya
Page 60: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya

ANG KABIHASNANG SUMER

Ang mga mahahalagang lungsod ng Sumer ay ang Ur, Uruk, Eridu, Lagash, Nippur at Kish. Sa katunayan, isang pinakamahalagang gusali ang itinayo sa Ur na tinawag na Ziggurat bilang pagbibigay karangalan sa kanilang mga Diyos na nagsisilbing panirahan nito.

Page 61: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya
Page 62: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya
Page 63: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya

ANG KABIHASNANG SUMER

Nagkaroon sila ng sistema ng pagsulat na tinawag na cuneiform kasunod nito ang pagkakaroon ng mga scribe na tagatala o tagasulat ng mga pangyayari sa pamamagitan ng pag ukit sa mga clay tablet na naging basehan ng mga historyador ng eksaktong petsa kung kailan naganap ang isang pangyayari.

Page 64: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya
Page 65: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya

ANG KABIHASNANG SUMER

Sa pag-unlad na ito sa sining natala ang mga mito, mahahalagang tradisyon, epiko na naging katibayan ng kanilang kabihasnan. Isang patunay nito ang Epiko ng Gilgamesh.

Page 66: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya
Page 67: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya

ANG KABIHASNANG SUMER

Umunlad ang mga pamayanan at naging lungsod- estado na malaya at nagsasarili, subalit hindi naglaon nagkaroon ng mga pag-aaway.

Sinamantala ng ibang lungsod tulad ng Akkadian ang mga pangyayaring ito at nasakop ang mga Sumerian sa pamumuno ni Sargon na nagtatag ng pinakaunang imperyo sa kasaysayan.

Page 68: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya
Page 69: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya

ANG KABIHASNANG SUMER

Marahil naging masaklap din ang pagwawakas ng mga Akkadian dahil sa pagsakop ng Babylon na gumamit ng kaguluhan at digmaan sa pagsakop na pinamunuan ni Hammurabi na nagpatupad ng mga batas na hango sa “Code of Hammurabi”.

Page 70: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya
Page 71: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya

ANG KABIHASNANG SUMER

Matapos ang mga Babylon sunod sunod na ang mga nanakop dito, ang mga Hittite na kilala sa imperyong gumagamit ng kasangkapang bakal na pandigma, ang mga Chaldean at mga Assyrian na kilala bilang matatapang na mandirigma.

Page 72: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya
Page 73: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya

KABIHASNANG INDUS

Page 74: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya

ANG KABIHASNANG INDUS

Sa Timog Asya makikta ang lambak-ilog ng Indus at Ganges. Tulad din ng Ilog Tigris at Euprates ay umaapaw din ito taun taon dahil sa pagkatunaw ng yelo sa Himalayas na nag iiwan din ng banlik na nagpapataba sa lupaing agrikultural nito.

Page 75: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya
Page 76: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya
Page 77: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya

ANG KABIHASNANG INDUS

Bago pa man umunlad ang kabihasnang ito ay may mga pamayanan nang natatag noong panahon ng Neolitiko. Ito ang pamayanang Mhergah na nasa kanluran ng Ilog Indus. Masasabing sedentaryo at agrikultural ang pamumuhay ng tao dito batay sa mga nahukay na ebidensya. May dalawang importanteng lungsod ang umusbong dito, ang Harrapa at Mohenjo - Daro.

(www.youtube.com/watch?v=RAyKZAXTAea Mohenjo Darro and Harrapa).

Page 78: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya
Page 79: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya
Page 80: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya

ANG KABIHASNANG INDUS

Pinalagay na ang mga Dravidian ang bumuo ng kabihasnang Indus. Salat sa likas na yaman ang Indus tulad ng metal at kahoy kaya’t pagsasaka ang naging pangunahing gawain dito. Tulad ng Sumerian natuto rin silang makipagkalakalan sa mga baybayin ng Arabian Sea at Persian Gulf.

Page 81: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya
Page 82: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya

ANG KABIHASNANG INDUS

Dahil sa istruktura ng bahay dito na may isa o higit pang banyo o palikuran na konektado sa sentralisadong sistema ng tubo at imburnal sa ilalim ng lupa ay masasabing planado at organisado at sentralisadong pamahalaan ang mga Dravidian.

Mahiwaga ang kabihasnang Indus dahil maraming katanungan ang hindi masagot ng mga arkeologo tulad na lamang ng hindi maipaliwanag na kahulugan ng mga simbolo ng pagsulat ng mga Indus na pictogram;

Page 83: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya
Page 84: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya

ANG KABIHASNANG INDUS

May mga artefact din na nahukay, mga laruan na nagpahiwatig na mahilig maglibang at maglaro ang mga Dravidian. Hindi naging malinaw ang paglaho ng Kabihasnang Indus dahil walang bakas ng digmaan. Hindi rin malinaw kung may kinalaman ang Aryan sa paglaho nito. Ipinalagay na maaring may matinding kalamidad na nangyari dito.

Page 85: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya
Page 86: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya

KABIHASNANG SHANG

Page 87: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya

ANG KABIHASNANG SHANG

Naging tagpuan ng Kabihasnang Shang ang Ilog Huang Ho na tinawag ding Yellow River dahil pagkatapos ng pagbaha ang tubig nito ay nag iiwan ng loess o dilaw na lupa na nagsisilbing pataba sa lupaing agrikultural na malapit dito. Ang taunang pagbaha sa ilog na ito na kumikitil ng maraming buhay ay pinaghandaan ng mga tao dito sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga halaman na kokontrol sa tubig pati na ang paglalagay ng mga dike. May mga pamayanang sumilang dito.

Page 88: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya
Page 89: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya
Page 90: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya

ANG KABIHASNANG SHANG

Pagtatanim ang pangunahing gawain sa panahong ito. Ang Longshan ay naging transisyon tungo sa Kabihasnang Shang. May mga hinalang naunang dinastiya na natatag dito ang Xia o Hsia subalit wala itong basehan o ebidensyang arkeolohikal. Ang pagsusulat ang naging importanteng bahagi ng kulturang Tsino.

Calligraphy ang sistema ng kanilang pagsulat na nagsilbing taga pag- isa sa mga Tsino. Ginamit na simbolo ng pagsulat ang mga oracle bones. Dahil sa sunod sunod na pamumuno ng mga mahihinang hari ay bumagsak ang Shang at dito nabuo ang paghahari ng mga dinastiya.

Page 91: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya
Page 92: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya

ANG KABIHASNANG SHANG

Ipinalagay ng mga Tsino na ang kanilang kabihasnang umusbong sa Huang Ho ang isa sa mga sinaunang kabihasnan at pinakamatandang nabubuhay na kabihasnan sa daigdig. Ang pananaw nilang ito ay nagpatuloy tungo sa pagtatatag ng mga imperyo.

Page 93: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya

PAMPROSESONG TANONG

1. Ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng bawat kabihasnan? Saang aspeto sila nagkakatulad?

2. Paano nalutas ng bawat kabihasnan ang mga hamon ng kalikasan?

3. Bakit itinuring na mahiwaga ang kabihasnang umusbong sa Indus? Paano ito naglaho? Ipaliwanag ang iyong sagot.

4. Bakit napakahalaga ng ilog Huang Ho sa kabihasnang Shang? Paano nagwakas ang kabihasnang ito?

Page 94: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya

LIKUMIN ANG DATOS

GAWAIN 10

Page 95: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya

GAWAIN 10: LIKUMIN ANG DATOS

Ngayong nalaman mo na ang lahat ng impormasyon sa mga Sinaunang Kabihasnan sa Asya ay punan mo ng sagot ang talahanayan ng mga natutuhan mo mula sa pagtalakay sa paksa. Sikapin na maisulat ang lahat.

Page 96: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya

GAWAIN 10: LIKUMIN ANG DATOS

Page 97: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya

PAMPROSESONG TANONG

1. Alin sa mga kontribusyon ng sinaunang kabihasnan ang iyong lubusang hinangaan? Bakit?

2. Paano mo pahahalagahan ang mga naging kontribusyon ng mga kabihasnan na nakatulong ng malaki sa kasalukuyang panahon?

3. Bakit pinanatili ng mga Tsino ang ambag na sistema ng pagsulat ng kanilang kabihasnan ? Ano ang naging malaking tulong nito sa kanila hanggang sa ngayon?

4. Sa iyong palagay may epekto kaya ang mga katangian ng mga unang kabihasnan sa katangian ngayon ng mga estado at imperyo sa Asya? Ipaliwanag ang sagot.

Page 98: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya

MAGTALA TAYO

GAWAIN 11

Page 99: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya

GAWAIN 11: MAGTALA TAYO

Sa paglipas ng panahon ay nagpatuloy ang pag-unlad ng mga kabihasnan mula sa payak na pamumuhay patungo sa pagtatatag ng mga bagong estado at imperyo sa Asya. Sa gawaing ito ay alamin mo at itala ang mga Kaisipang Asyano na naging batayan o pundasyon sa pag-buo ng mga pamayanan,estado at imperyo sa Asya. Itala ito sa ilustrasyon sa ibabang bahagi. Basahin at unawain ang tungkol sa kaisipang Asyano na umiral sa Asya.

Page 100: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya
Page 101: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya

Panuto para sa gawain: (Indibidwal ) Tingnan ang tsart sa susunod na pahina at isulat ang hinihingi sa mga sumusunod:

1. Kaisipang Asyano – sa unang mga kahon sa banding itaas.

2. Mga rehiyon, bansa kung saan ito nagmula – sa bawat bilog

3. Mga paniniwala kaugnay ng mga kaisipang Asyano – ikatlong bahagi ng mga kahon

4. Ang impluwensya nito sa pagbuo at pag-unlad ng mga estado at imperyo pati na sa buhay ng mga Asyano – sa ikaapat at huling kahon. Matapos ang gawain ay ilahad ito sa klase para sa talakayan.

Page 102: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya

Para sa pangkatang gawain;

1. Suriin ang mga Kaisipang Asyano na nabasa ninyo.

2. Isa-isahing alamin at ipaliwanag ang mga kaisipang Asyano batay sa mga estratehiya na gagawin at napagkasunduan ng grupo. Halimbawa:

Unang Pangkat : Maglalahad at magpapaliwanag sa pamamagitan ng kwento

Ikalawa Pangkat: Sa pamamagitan ng role play

Ikatlong Pangkat: Sa pamamagitan ng mga paglikha ng drawing batay sa pagkaunawa sa mga kwento.

Page 103: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya
Page 104: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya

PAMPROSESONG TANONG

1. Paano nakaapekto ang mga kaisipang Asyano sa pagbuo ng mga imperyosa Asya?

2. Ang mga kaisipang Asyano ba ay may malaki ring epekto sa naging pag-uugali ng mga Asyano sa kasalukuyan? Magbigay ng halimbawa at ipaliwanag ang sagot.

3. Paano nakatulong ang mga kaisipang ito sa pag-unlad ng mga estado sa kasalukuyang panahon?

4. Alin sa mga kaisipang Asyano ang sa tingin mo at pananaw ay nananatili pa hanggang sa kasalukuyan? Magbigay ng halimbawa at ipaliwanag.

Page 105: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya

FEEDBACK TOOLS

GAWAIN 12

Page 106: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya

GAWAIN 12: FEEDBACK TOOLS

Bigyan ang bawat mag-aaral ng “feedback tool face” (naglalarawan ng nararamda man).Matapos ang pagtalakay, pagsusuri ng mga konsepto at kaalaman sa naging aralin ay dito malalaman mo kung gaano mo naunawaan ang naging pag-aaral tungkol sa mga kabi-hasnan nagsimula sa Asya. Ipaskil sa pisara ang bawat pahayag na isa-isahing babasahin ng mag-aaral at dito ay ididikit nila ang tool face base sa kanilang naging pagsusuri at pag-unawa. Maaring itala ng guro ang resulta upang malaman kung babalik o magpapatuloy sa susunod na gawain.

Page 107: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya
Page 108: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya

UNAWAIN

Page 109: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya

TALASAYSAYAN

GAWAIN 13

Page 110: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya

GAWAIN 13: TALASAYSAYAN

Sa gawaing ito ay mararanasan mo at mararamdaman kung ano ang naging buhay ng mga tao noong sinaunang panahon sa pamamagitan pagsulat ng kasaysayan.

Panuto:

A. Isipin mo na isa kang scribe o tagatala ng mga mahahalagang pangyayari o kaganapan noong unang panahon. Matapos mong maitala o maisulat ang lahat ng mahalagang impormasyon ay sagutin mo ang mga katanungan.

Page 111: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya

PAMPROSESONG TANONG

1. Ano ang naramdaman mo habang ginagawa ang mga gawain?

2. Mahalaga ba ang papel na ginampanan ng mga scribe sa Sinaunang Kabihasnan Sumer? Sa kasalukuyang panahon kaya, mahalaga pa ba sila?

3. Kung wala ang mga scribe, ano kaya ang nangyari sa sinaunang kabihasnan?

4. Ano ang pagkakaiba ng paraan ng pagsulat noon at ngayon? Ihambing sa Pilipinas o sa ibang bansa sa Asya na nais mo.

Page 112: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya

GAWAIN 13: TALASAYSAYAN

Panuto: Maituturing na isa sa pinakamahalagang ambag ng kabihasnan ang Epiko ng Gilgamesh. Maari mo itong panoorin(www.youtube.com/watch?v=oSZg5DTW7Hw The Epic of Gilgamesh-An Animation) upang mapagyaman mo ang iyong kaalaman at mapahalagahan ang mga iniwang pamana ng Unang Asyano. Suriin mo ang nilalaman nito at ang mahahalagang pangyayaring naganap sa Unang kabihasnan. Gumawa ng isang reaction paper tungkol sa napanood na epiko. Ang iyong magiging grado ay batay sa iyong malalim na pagkaunawa, paglalahad ng datos, kaalaman sa naganap na pangyayari at pag-uugnay ng mga pangyayari sa mga kaisipang Asyano.

Page 113: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya
Page 114: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya

QUIET TIME

GAWAIN 14

Page 115: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya

GAWAIN 14: QUIET TIME

Bigyan mo ang sarili ng pagkakataon na makapag-isip at makapagsulat ng isang replek-syon essay at reyalisasyon tungkol sa mga paksang napag -aralan o natutuhan mula sa mga gawain at kaalamang naunawaan sa Sinaunang Kabihasnang Asyano hanggang sa naging pag - unlad nito sa kasalukuyang panahon. Maaring isulat ang repleksyon essay mo sa isang buong papel o kaya naman ay sa iyong reflection journal.

Page 116: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya
Page 117: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya

ISABUHAY

Page 118: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya

PORTFOLIO

GAWAIN 15

Page 119: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya

GAWAIN 15: PORTFOLIO

Ngayon ay maaari mo nang balikan ang unang Gawain 1 (Ang Aking Natutunan ) upang maitala ang lahat ng bagay at impormasyon na iyong natutuhan. Ilagay o isulat sa isang buong papel at ipunin sa inyong Portfolio.

Page 120: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya
Page 121: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya

STORY BOARD KO – LIKE MO BA?

GAWAIN 16

Page 122: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya

GAWAIN 16: STORY BOARD KO – LIKE MO BA?

Sa mga natutuhan mo, nalikom na impormasyon mula sa pag-aaral ng paksa ay pagyamanin mo ito sa pamamagitan ng paglikha ng isang presentasyon (Story Board) na magpapaliwanag at magpapakita ng naging pag usbong at pag-unlad ng Sinaunang Kabihasnang Asyano sa pamamagitan ng mga larawan na iyong lilikhain. Basahin ang panuto para sa gawain mo.

Page 123: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya

GAWAIN 16: STORY BOARD KO – LIKE MO BA?

1. Gumawa ng isang presentasyon sa pamamagitan ng sarili mong paglikha (drawing) na maglalarawan ng pagbuo at pag-unlad ng kabihasnan.

2. Gamitin ang iyong pagiging malikhain sa pagpapaliwanag ng mga mahahalagang datos o impormas-yon.

3. Kapag natapos mo na ang paglikha ay maari mo itong ipost sa facebook upang makita ng ibang kamag-aral upang makalikom ka ng pag -sangayon nila.

4. Kung hindi naman maipopost sa facebook ay maari mo itong ipakita sa klase at ilahad ang mga paliwanag mo tungkol sa nabuo mong proyekto. Ang magiging grado mo ay ibabatay sa mga pamantayan tulad ng nilalaman,pagkamalikhain,presentasyon at kaangkupan ng impormasyon.

Page 124: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya
Page 125: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya

REFERENCEMga Mungkahing Babasahin:

Grace Estela Mateo.et al., Asya Pag-Usbong ng Kabihasnan

Ma. Carmelita B. Samson.et.al., Pana-Panahon

Michael D. Pante et.al.Kasaysayan ng Daigdig

McDougal Littell ,World History

Microsoft Student with Encarta

www.wikipidia.com

www.google images.com

Mga Mungkahing Panoorin:

www.youtube.com/watch?v=w8v2vRILL58 (Mesopotamia, Sumerian First Civilization on Earth)

www.youtube.com/watch?v=RAyKZAXTAeA (Mohenjo-Darro and Harrapa)

www.youtube.com/watch?v=OSZg5DTW7Hw(The Epic of Gilgamesh- An Animation)

Page 126: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya

DOWNLOAD LINK

http://www.slideshare.net/jaredram55

E-mail: [email protected]

Page 127: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya

All is well, all is well, all is well

May the odds be ever in your favor

Good vibes =)

Page 128: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya
Page 129: Q2, a1   mga sinaunang kabihasnan sa asya

Prepared by:JARED RAM A. JUEZAN

Teacher I, AP 7August 7, 2014

THANK YOU VERY

MUCH!