Top Banner
MGA TEORYANG PAMPANITIKAN
22

Ppt - Mga Teoryang Pampanitikan

Jan 03, 2016

Download

Documents

bacalucos8187
Welcome message from author
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
Page 1: Ppt - Mga Teoryang Pampanitikan

MGA TEORYANG PAMPANITIKAN

Page 2: Ppt - Mga Teoryang Pampanitikan

Ano ba ang teoryang pampanitikan?

• Ang teoryang pampanitikan ay ang sistematikong pag - aaral ng panitikan at ang mga paraan sa pag - aaral ng panitikan.

Page 3: Ppt - Mga Teoryang Pampanitikan

BAYOGRAPIKAL

• Ipamalas ang karanasan o kasagsagan sa buhay ng may-akda, ang mga bahagi sa buhay ng may-akda na siya niyang pinakamasaya, pinakamahirap, pinakamalungkot at lahat ng mga “pinaka” na inaasahang magsilbing katuwang ng mambabasa sa kanyang karanasan sa mundo.

Page 4: Ppt - Mga Teoryang Pampanitikan

HISTORIKAL

• Ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na siyang masasalamin sa kasaysayan at bahagi ng kanyang pagkahubog.

• Nais din nitong ipakita na ang kasaysayan ay bahagi ng buhay ng tao at ng mundo.

Page 5: Ppt - Mga Teoryang Pampanitikan

KLASISMO

• Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng mga pangyayari, matipid at piling-pili sa paggamit ng mga salita at laging nagtatapos nang may kaayusan.

Page 6: Ppt - Mga Teoryang Pampanitikan

HUMANISMO

• Ipakita na ang tao ang sentro ng mundo at binibigyang-tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino, talento atbp.

Page 7: Ppt - Mga Teoryang Pampanitikan

ROMANTISISMO

• Ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakhan.

• Ipinakikita rin sa akda na gagawin at gagawin ng isang nilalang ang lahat upang maipaalam lamang ang kanyang pag-ibig sa tao o bayang napupusuan.

Page 8: Ppt - Mga Teoryang Pampanitikan

IMAHISMO

• Ang layunin ng panitikan ay gumamit ng mga imahen na higit na maghahayag sa mga damdamin, kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may-akda na higit na madaling maunawaan kaysa gumamit lamang ng karaniwang salita.

Page 9: Ppt - Mga Teoryang Pampanitikan

REALISMO

• Ang realismo ay sukdulan ng katotohanan, higit na bininigyang pansin o pinahahalagahan nito ang katotohanan kaysa kagandahan. Nakatuon sa makatotohanang paglalahad at paglalarawan ng mga bagay, mga tao at lipunan.

Page 10: Ppt - Mga Teoryang Pampanitikan

PORMALISTIKO

• Matukoy ang nilalaman, kaanyuan o kayarain at paraan ng pagkakasulat ng isang akda.

• Naniniwala na ang kariktan ng isang akda ay nasa anyo o porma nito. Walang kaugnayan ang pinagmulan, pagkatao at mga karanasan sa buhay ng isang akda sa pagkakabuo ng isang panitikan.

Page 11: Ppt - Mga Teoryang Pampanitikan

SIKO - ANALITIKO

• Ang teoryang siko-analitiko ay pinapaniwala na nasa paghahanapbuhay ang tugon upang lasapin ang sarap ng buhay at nagkakaroon lamang ng matsuridad ang isang tao bunga ng kanyang kamalayan sa kahirapan.

Page 12: Ppt - Mga Teoryang Pampanitikan

• May malaking impluwensya rito ang pahayag ni Freud na tanging ekonomiya lamang ang motibo ng lipunan. Tinatalakay sa akda ang mga damdaming namamayani sa mga tauhan gaya ng pagmamahal, paghanga, pagkadakila gayon din ang mga negatibong damdamin ng pangamba, takot, pagkabigo at iba pa.

Page 13: Ppt - Mga Teoryang Pampanitikan

EKSISTENSYALISMO

• Ito ay sumusuri sa katauhan ng tauhan batay sa kanyang kilos, paniniwala, gawi at paninindigan. Samakatwid binibigyang-diin dito ang personalidad ng tauhan at may layuning ipakita na may kalayaan ang taong pumili o magdesisyon para sa kanyang sarili.

Page 14: Ppt - Mga Teoryang Pampanitikan

• Ang tao lamang ang sentral at tanging nilikha na makapagbibigay ng kahulugan sa kanyang sariling buhay at kairalan; na wala nang ibang nilikha ang makapag-iisip at makapagdedesisyon sa lahat ng kanyang ginagawa maliban sa kanya

Page 15: Ppt - Mga Teoryang Pampanitikan

DEKONSTRUKSYON

• Ang kahulugan ng isang teksto ay nasa kamalayan ng gumagamit sa teksto at hindi sa teksto mismo. Habang isinusulat ang teksto, ang kahulugan nito’y nasa kamalayan ng manunulat, ngunit sa oras na nasa kamay na ito ng mambabasa, ang kahulugan ng teksto ay nasa mambabasa na.

Page 16: Ppt - Mga Teoryang Pampanitikan

FEMINISMO

• Ito ay tumutukoy sa kalaksan at sa kakayahan ng tauhang babae sa isang kuwento o akda.

• Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan.

Page 17: Ppt - Mga Teoryang Pampanitikan

SIKOLOHIKAL / SAYKOLOHIKAL

• Ang layunin ng panitikan ay ipaliwanag sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga salig (factor) sa pagbuo ng naturang behavior (pag-uugali, paniniwala, pananaw, pagkatao) sa isang tauhan sa kanyang akda.

Page 18: Ppt - Mga Teoryang Pampanitikan

• Ipinakikita sa akda na ang tao ay nagbabago o nagkakaroon ng panibagong behavior dahil may nag-udyok na mabago o mabuo ito.

Page 19: Ppt - Mga Teoryang Pampanitikan

SOSYOLOHIKAL

• Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang kalagayan at suliraning panlipunan ng lipunang kinabibilangan ng may-akda.

• Nagpapakita ng interaksyon ng tauhan sa lipunang kanyang ginagalawan.

Page 20: Ppt - Mga Teoryang Pampanitikan

MORALISTIKO

• Ipinalalagay na ang akda ay may kapangyarihang maglahad o magpahayag hindi lamang ng literal na katotohanan kundi mga panghabambuhay at unibersal na mga katotohanan at mga di mapapawing mga pagpapahalaga at kaasalan (values).

Page 21: Ppt - Mga Teoryang Pampanitikan

TEORYANG QUEER

Ang layunin ng panitikan ay iangat at pagpantayin sa paningin ng lipunan sa mga homosexual.

Page 22: Ppt - Mga Teoryang Pampanitikan

Maraming salamat!

Inihanda ni: Gng. Josephine E. DiazMake Presentation much more fun