GABAY AT PANUNTUNAN SA TALAKAYAN
GABAY AT PANUNTUNAN SA TALAKAYAN
Ang paglalahad ng plataporma ay ayon sa ganitong pagkakasunod-
sunod:
Kandidato sa Pagkakonsehal (in alphabetical
order), Vice- Mayor, Mayor & Congressman.
Ang bawat kandidato ay
mayroon lamang nakalaang minuto upang mailahad
ang kaniyang plataporma.
Ang mga kandidato sa pagkakonsehal ay
mayroon lamang tatlong (3) minuto, ang vice – mayor,
mayor at kinatawan ay limang (5)
minuto.
Ang organizer ay magbibigay ng ‘
first warning’ kung mayroon na
lamang tatlong (3) minutong nalalabi,
second warning kung dalawang (2)
minuto na lamang ang
nalalabi at, sa huling isang (1) minuto, at final buzzer kapag
naubos na ang kanilang oras.
Sinumang kandidato ay hindi pinahihintulutang magbigay ng puna
sa sinumang kanyang
katunggali.
PURONG PLATAPORMA lamang ang
ilalahad at hindi paninirang puri sa
kasalukuyang nakaupo o sa katunggali.
Mahigpit din ipinagbabawal ang pagbibgay
puna sa personal na buhay ng
ibang kandidato.
Binibigyan ng karapatan ang PPCRV, Parokya
ni San Agustin, at ang mga
Organizer ng Talakayan,
na ilathala, ipalabas, at gamitin ang mga plataporma
at ang iba pang kinalabasan ng
talakayan, para sa kaalaman ng
publiko.
Para sa mga manunuod,
supporters, at publiko, mahigpit na ipinagbabawal ang pagpalakpak,
hanggat hindi nakakatapos ang
lahat, pagpapahiwatig
ng anumang galaw
o ‘gestures’ na nakakairita,
pambubulyaw at pagsigaw na hindi
kailangan.
ANG PPCRV MARSHALLS ay
mayroon karapatan magpalabas sa
sinuman na hindi makasusunod upang mapangalagaan ang
katahimikan.
Irespeto ang pananaw at
plataporma ng iba.
Bawal ang pagdidikit at
pamamahagi ng anumang polyetos o campaign materials sa loob ng bakuran
ng ‘venue’.
Ang mga political supporters ay nasa responsibilidad ng
mga kandidato. Anumang pagkilos ng
mga supporters ay naglalarawan ng
kanilang kandidato.
Panghuli, ang Talakayan ay binuo
hindi para mag-away-away ang mga
kandidato,
kung hindi upang maliwanagan ng mga botanteng nakikinig dito