Top Banner
Gabay sa pribatisasyon ng power industry at Electric Power Industry Act of 2001 (EPIRA) AGHAM Advocates of Science and Technology for the People Marso 2014
62

Gabay sa Pagtatalakay ng EPIRA

Jan 18, 2015

Download

Agham Nasyunal

A discussion guide on the failures of power industry privatization in the Philippines as well as the unfulfilled promises of the Energy Power Industry Reform Act of 2001 (EPIRA)
Welcome message from author
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
Page 1: Gabay sa Pagtatalakay ng EPIRA

Gabay sa pribatisasyon ng power industry at Electric Power Industry Act of 2001 (EPIRA) !AGHAM Advocates of Science and Technology for the People Marso 2014!

Page 2: Gabay sa Pagtatalakay ng EPIRA

Gabay sa Pribatisasyon ng power industry at Electric Power Industry Act of 2001 Marso 2013

Agham Advocates of Science and Technology for the People 1

Paunang Salita Inihanda ng Agham Advocates of Science and Technology for the People (Agham), sa pakikipagtulungan sa Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN), ang Gabay sa pribatisasyon ng power industry at Electric Power Industry Act of 2001 o EPIRA upang makatulong sa iba’t ibang kampanya sa pagbabasura ng batas gaya ng kasalukuyang kampanya hinggil sa dagdag-singil ng Meralco at mga lokal na kampanya hinggil sa power industry. Ang gabay ay Isinulat para sa mga kampanyador at edukador sa mga komunidad at batayang sektor. Nilalaman ng gabay ang mga konseptong kailangan maunaawan upang epektibong mailunsad ang mga gawain sa propaganda at edukasyon sa mga erya na ating kinikilusan. Nahahati ang praymer sa apat na bahagi. Mayroong itong 13 na mahahalagang punto. Inilahad sa Part I ang kahalagahan ng power industry sa pag-unlad at ang pangangailangan na maisabansa nito. Sa Part II, binaybay naman ang maikling kasaysayan ng pribatisasyon ng power industry at mga kaganapang nagtulak upang ipasa ang EPIRA. Ipinaliwanag dito ang mga mayor na nilalaman sa batas at ang implikasyon nito sa pagbabago sa power industry, mga responsibilidad ng bawat ahensya ng pamahalaan at iba pang mga entidad na kalahok dito. Ipinakita sa Part III ang epekto ng EPIRA. Sa loob ng 13 na taon, sumirit pataas ang singil sa kuryente, nananatiling baon sa utang ang National Power Corporation (NPC), walang pa ring seguridad sa suplay ng kuryente at lalong tumindi ang monopolyo sa power industry. Ang huling bahagi ay inilaan sa mga solusyon sa pagtaas ng singil sa kuryente at mga panawagan sa patuloy na pagbabasura ng EPIRA. Sinikap ng gabay na ilahad sa simpleng presentasyon ang buong isyu. Hinihikayat tayo na palaganapin ang mga diskusyon sa mga komunidad at batayang sektor. Magpadala ng mga tanong o mungkahi sa Agham National Secretariat upang higgit na paunlarin ang gabay na ito. AGHAM ADVOCATES OF SCIENCE AND TECHNOLOGY FOR THE PEOPLE [email protected]

Page 3: Gabay sa Pagtatalakay ng EPIRA

Gabay sa Pribatisasyon ng power industry at Electric Power Industry Act of 2001 Marso 2013

Agham Advocates of Science and Technology for the People 2

PART I: Isabansa ang Power Industry

1. Estrahetiko at mahalaga ang power industry sa pag-unlad ng bansa.

1.1 Ano ang kahalagahan ng industriya ng kuryente (power industry) sa pag-unlad? Pinagagaan ng kuryente ang pang-araw-araw na gawain ng mamamayan. Ginagamit ito sa pagpapa-andar ng mga kagamitan sa loob at labas ng bahay. Samakatuwid, isang serbisyong pampubliko ang ibinibigay ng power industry. Nangangailangan din ng kuryente ang mga establisyimentong komersyal upang umandar ang mga opisina, tindahan at iba pa. Susi rin ang kuryente sa pagpapatakbo ng iba pang industriya. Hindi magkakaroon ng mabilis na produksyon ang mga impresa at pagawaan kung wala ito. Kapag inalis o limitado ang akses sa kuryente, limitado at magiging mahirap ang mga pangkaraniwang gawain at aktibidad ng mamamayan. Hihirap o hindi tatakbo ang mga makina sa mga impresa at pagawaan, at babagal ang pag-unlad ng bansa. Responsibilidad ng pamahalaan na siguruhin ang akses ng mamamayan sa serbisyo ng power industry. Tungkulin rin ng gubyerno na tiyakin na naihahatid ito sa mamamayan sa pinakamabilis, epektibo at abot-kayang paraan.

Page 4: Gabay sa Pagtatalakay ng EPIRA

Gabay sa Pribatisasyon ng power industry at Electric Power Industry Act of 2001 Marso 2013

Agham Advocates of Science and Technology for the People 3

2. Isabansa ang power industry.

2.1 Bakit kailangan isabansa ang power industry? Isang batayan at estratehikong serbisyo ang ibinibigay ng power industry sa pambansang ekonomya at pamumuhay ng mamamayan. Nangangailangan ng mahigpit na integrasyon sa imprastruktura at masinsin na koordinasyon at pagpaplano ang pagpapatakbo ng power industry. Ito ay magagawa lamang kung kontrolado at monopolisado ang buong industriya. Tanging sa paglalagay nito sa kamay at monopolyo ng Estado na naglilingkod sa mamamayan lubos na makikinabang dito ang bansa. Ang pagsasabansa din ng industriyang ito ay unang mga hakbang upang magsilbi ito sa pambansang industriyalisasyon, sa pagpapaunlad ng ekonomya ng bansa at sa pagtataguyod ng kapakanan ng mamamayan. Sa kasalukuyan, hawak ng iilang kapitalista ang power industry. Iilan lamang ang may kontrol sa paggawa ng kuryente, iisang kumpanya ang namamahala sa transmisyon, at iilan lang din ang may hawak ng distribusyon kagaya ng Meralco at iba pang electric cooperatives (EC). Ang mga pribadong monopolyo na ito ay pangunahing nagnanais na kumita sa halip magbigay ng serbisyo. Sa ilalim ng Electric Power Industry Reform Act o EPIRA, ipinapaubaya ng gobyerno sa pribadong sektor ang paglikha (generation), pagdadala (transmission) at pamamahagi (distribution) ng kuryente.

FIg. 1. Daloy ng kuryente mula sa planta papunta sa konsyumer1

Box 1. Paano nakararating sa mga konsyumer ang kuryente? Ang kuryente ay ang pagdaloy ng charged electrons. Dumadaan sa iba’t ibang proseso ang pagbabagong-anyo ng enerhiya mula sa source upang maging kuryente na ginagamit ng mga konsyumer: Ang buong proseso ay maaaring hatiin sa mga sumusunod:

Page 5: Gabay sa Pagtatalakay ng EPIRA

Gabay sa Pribatisasyon ng power industry at Electric Power Industry Act of 2001 Marso 2013

Agham Advocates of Science and Technology for the People 4

1. Generasyon (generation): Nalilikha ang kuryente mula sa coal, diesel,

natural gas, sikat ng araw, nuclear, biomas, atbp. Sa mga planta ng kuryente, nagpapanibagong-anyo ang enerhiya mula sa source upang maging kuryente na nagagamit ng mga konsyumer.

2. Transmisyon (transmission): Dinadala ng mga transmission towers at high tension cables ang kuryente mula sa mga planta papunta sa mga substasyon. Mataas ang voltage ng kuryente sa pagdaloy nito. Sa pagkakataon ng dumaloy na ang kuryente sa mga wires o cables nagkakaroon rin ng system loss.

3. Substasyon (substation): Dito pinabababa ang voltage ng kuryente para makadaloy sa sistema ng distribusyon.

4. Transformers: Dito inaangkop ang lakas ng voltage upang gamitin ng iba’t ibang konsyumer (industrial, commercial o residential)

5. Linya ng serbisyo (service lines): Ang mga kawad na ito ang nagdadala ng kuryente sa mga konsyumer.2

Tinatawag na Grid ang dugtungan ng generation at transmisyon. May tatlong grid sa bansa: ang Luzon, Visayas at Mindanao Grid.

Box 2. Cuba bilang modelo ng kontrol ng Estado sa industriya ng kuryente Kontrolado ng pamahalaan ng bansang Cuba ang kanilang industriya ng kuryente. Isinabansa nila ang industrya ng kuryente upang makapagbigay ng maayos na serbisyo at sapat na suplay sa mamamayang Cubano.3 Ang gobyerno nila ang nagpapatakbo, nangangalaga, at nangangasiwa ng lahat ng pasilidad ng power industry. Nagpatupad sila ng tinatawag na distributed generation kung saan planado at nasa mga estratehikong lugar sa buong Cuba ang kanilang mga power plant upang maiwasan ang pagtatayo ng

Page 6: Gabay sa Pagtatalakay ng EPIRA

Fig 1. Daloy ng kuryente mula sa planta papunta sa konsyumer!

Source: eex.gov.au!

Page 7: Gabay sa Pagtatalakay ng EPIRA

Gabay sa Pribatisasyon ng power industry at Electric Power Industry Act of 2001 Marso 2013

Agham Advocates of Science and Technology for the People 5

mga mahahabang linya ng transmisyon at mabawasan ang system loss o nawawalang kuryente sa proseso ng distribusyon nito. Sa kasalukuyan, sila na lamang ang tanging bansa sa daigdig na hindi nagpatupad ng pribatisasyon at neo-liberalisasyon sa industriya ng kuryente. Sa Venezuela naman 90% ng power generation ay kontrolad ng Estado.

Page 8: Gabay sa Pagtatalakay ng EPIRA

Gabay sa Pribatisasyon ng power industry at Electric Power Industry Act of 2001 Marso 2013

Agham Advocates of Science and Technology for the People 6

PART II: Maikling kasaysayan ng power industry sa bansa at ang EPIRA

3. Ang pribatisasyon at liberalisasyon ng power industry.

3.1 Kasaysayan at kalagayan ng industriya ng kuryente sa bansa a. 1890-1970s Nong 1890, itinayo ng La Electricista ang unang planta ng kuryente sa Quiapo, Manila. Nagtayo rin ito ng tatlong poste ng kuryente sa Escolta, Manila. Noong 1901, kinuha ng Manila Electric Railroad And Light Company (Meralco) ang prankisa ng La Electricista sa pamamahagi ng kuryente sa Manila at mga munisipalidad sa paligid ng siyudad. Noong 1906, ang taunang nalilikhang kuryente ng Meralco ay 8 milyon kW mula sa planta na tinayo ng La Electricista Calle San Sebastian at ang sarili nitong planta na Isla Provisora.4 Noong 1936, isinabatas ang Commonwealth Act 120 na nililikha ang National Power Corporation (NPC) para sa pagpapa-unlad ng hydroelectric potential ng bansa. Ang 8 MW Caliraya Storage Hydro Power Station sa Lumban, Laguna ang unang proyekto nito. Noong 1956, 1/3 ng kabuuang nalilikhang kuryente ay nagmula na sa NPC. Ang natitirang 2/3 ay nasa kamay ng mahigit 300 pribadong electric utilities. Meralco ang pinakamalaki rito na may kakayahang 990 MW. Umaabot sa 1,745.5 MW ang kabuuang pangangailangan sa bansa noon.

Page 9: Gabay sa Pagtatalakay ng EPIRA

Gabay sa Pribatisasyon ng power industry at Electric Power Industry Act of 2001 Marso 2013

Agham Advocates of Science and Technology for the People 7

Sa panahong ito, 20% lamang ng populasyon ang may kuryente at naka-konsentra sa Manila at malalapit na lugar. Upang tugunan ang pangangailangan na lumawak ito sa iba pang lugar sa bansa, nilikha ang Electrification Administration (EA) noong 1960. b. 1970s-1990s Pagkatapos ng isang dekada nang rural electrification, mahigit 23% lamang ang nagkaroon ng kuryente, kaya pinalitan ang EA ng National Electrification Administration (NEA) noong 1969. Noong 1972, isinabatas ang PD 40 upang isabansa ang power industry. Naging mandato ng NPC na magtayo ng pasilidad sa generation at transmission sa buong bansa. Binili ng NPC ang mga planta ng Meralco. Tumaas ang generation capacity ng NPC at umabot ng 90% ng kabuuang kakayahan ng bansa sa generation. NPC ang pinakamalaking prodyuser at supplier ng elektrisidad sa panahong ito. Sa pagbuhos ng pondo mula sa mga dayuhang bangko, lumawak ang serbisyo ng kuryente sa kanayunan noong 1970-1980. Ang pamumuhunan sa NPC at NEA ay nagresulta sa 50% electrification rate sa rural areas. Noong 1977, sa pamamagitan ng PD 1206, nilikha ang DOE upang gumawa ng mga programa sa pagpapa-unlad ng mga energy resource ng bansa. Ipinailalim ang NPC sa DOE upang mas mahusay na ikoordina ang mga polisiya at programa sa pagpapaunlad ng enerhiya sa bansa. Ngunit nang mapalitan ang diktadurang Marcos, pinirmahan ni Presidente Cory Aquino ang EO 215 at EO 172 noong 1987. Inalis ng EO 215 sa NPC ang eksklusibong karapatan sa power generation at pinapasok ang pribadong

Page 10: Gabay sa Pagtatalakay ng EPIRA

Gabay sa Pribatisasyon ng power industry at Electric Power Industry Act of 2001 Marso 2013

Agham Advocates of Science and Technology for the People 8

sektor sa power industry. Noong 1989, pinirmahan ang unang kontratang build-operate-transfer (BOT).5 Nilikha naman ng EO 172 ang Energy Regulatory Board na pangunahing tagapag-takda ng singil sa kuryente. Mula sa huling bahagi ng 1980s hanggang sa maagang bahagi ng 1990s, tumaas ang demand sa kuryente ngunit walang mga bagong planta na naitayo. Noong 1991, halos isang bilyong dolyar kada taon ang nawala sa ekonomiya dahil sa 6-8 oras na blackouts. Noong 1992, bilang tugon sa krisis, isinabatas ang Department of Energy Act of 1992. Tungkulin ng DOE na isaayos ang Philippine Energy Program (PEP) at maglalatag ng gabay para sa komprehensibong eksplorasyon, pagpapa-unlad, paggamit at distribusyon ng mga rekurso ng enerhiya ng bansa. Pinalawak ang pribatisasyon at ibinukas sa pribadong korporasyon ang buong industriya sa enerhiya. Noong 1993 lumaganap ang modelo ng BOT; tinatayo ang mga proyekto na nangangailangan ng malaking kapital na hindi diumano gagastos ang gobyerno.6 Imbes na ang tugon ng pamahalaan sa krisis sa kuryente ay magtayo ng kinakailangang imprastruktura para matugunan ang pangangailangan ng bansa, ipinasa ito sa pribadong sektor sa pamamagitan ng mga Independent Power Producers (IPPs). Upang mahikayat ang mga pamumuhunan, nagbigay ng mga insentibo ang pamahalaan tulad ng probisyong take-or-pay sa mga kontrata. Babayaran ng bansa ang kapasidad ng mga planta kahit hindi ito pinaandar o mas maliit dito ang kuryenteng nakonsumo. Pinangako rin ng pamahalaan na akuin ang pa-bagu-bagong halaga ng produksyon dahil sa pabagu-bagong halaga ng dolyar sa pamilihan. Siniguro rin ng pamahalaan na bayaran ang halaga ng

Page 11: Gabay sa Pagtatalakay ng EPIRA

Gabay sa Pribatisasyon ng power industry at Electric Power Industry Act of 2001 Marso 2013

Agham Advocates of Science and Technology for the People 9

panggatong na ginamit sa pagpapatakbo ng mga planta sa pamamagitan ng fuel cost guarantee. Noong 1997, habang nakaranas ng krisis ang mamamayan, maraming negosyo ang nalugi at bumaba and demand sa kuryente dahil sa krisis pangekonomy sa Asya, protektado ang kita ng mga IPPs. Sa 35 IPPs na may kontrata ang NPC, 27 ang may take or pay arrangement. Ibig sabihin, kahit hindi naman nagamit at kinailangan ng mamamayan ang kuryente na kayang likhain ng mga plantang ito ay kailangan pa rin niya itong bayaran. Kailangan din akuin ng mamamayan ang pagkalugi ng dolyar at pagbago ng halaga ng panggatong. Ang mga garantiya at insentibong ito ang dahilan kung bakit lumobo ang gastos ng NPC. Noong 1998, umabot na sa Php 3.6 billion ang utang ng NPC at noon pa man ay ipinapasa na sa mamamayang ang pagbayad ng mga utang na ito at idinadagdag na sa singil sa kuryente.

4. Ang EPIRA ay itinulak ng mga dayuhang interes at imposisyon ng mga dayuhang bangko na may pautang sa bansa.

4.1 Ano ang mga kalagayang nagtulak sa pagsasabatas ng EPIRA? Ang pagsasabatas ng EPIRA ay isa sa mga kundisyon nang US$600 milyong pautang ng Asian Development Bank (ADB) at Japan Bank for International Cooperation (JBIC) noong 1998. Pakay ng pautang ang pag-“restructure” (deregulasyon, pribatisasyon at liberalisasyon) ng industriya ng kuryente upang mas mapabilis pa ang pagpasok ng mga dayuhang kumpanya. Naglatag sila ng mga kundisyon at hakbangin na kailangan gawin ng pamahalaan para marelease ang buong utang na ito.7 Matindi ang lobbying na ginawa ng mga imperyalistang bangko at creditor ng NPC sa pangunguna ng ADB at International Monetary Fund (IMF) para mapasa ang batas at matuloy ang kanilang mga kundisyon. Kapalit ng batas ay

Page 12: Gabay sa Pagtatalakay ng EPIRA

Gabay sa Pribatisasyon ng power industry at Electric Power Industry Act of 2001 Marso 2013

Agham Advocates of Science and Technology for the People 10

ang paglabas ng $100 milyon noong 2001 at $100 milyon noong 20028 na parte ng kabuuang pautang ng IMF, Asian Development Bank at Japan Export-Import Bank sa Pilipinas.9

5. Ang EPIRA ay kontra-mamamayan na batas na lalong nagsitematisa at nagpalawak sa pribatisasyon at deregulasyon ng industriya ng kuryente sa bansa.

5.1 Ano ang EPIRA? Isinulong ng Electric Power Industry Reform Act of 2001 o Republic Act 9136 ang deregulasyon sa serbisyo ng kuryente at pribatisasyon ng National Power Corporation (NPC). Pinagtibay ito ni Macapagal-Arroyo bilang batas noong Hunyo 8, 2001. Pinangako ng rehimeng Arroyo na sa pamamagitan ng batas bababa ang singil ng kuryente, maaayos ang paghahatid ng serbisyo ng kuryente sa pamamagitan ng mas masiglang kompetisyon at efficiency sa industriya. Ang esensya umano ng batas ay para mabigyang ng karapatang pumili ang mga konsyumer kung kanino kukuha ng serbisyo ng kuryente. Nakasaad sa batas na polisiya ng estado ang pagtitiyak at pagpapabilis ng elektripikasyon sa bansa, pagtitiyak sa kalidad, maasahan, tiyak at murang suplay ng elektrisidad, pagtitiyak ng transparent at reasonable na pagtatakda ng presyo ng kuryente, at paghihikayat sa malayang kompetisyon.10 Ginagamit sa batas na ito ang mga salitang “reporma” at restructuring" upang itago ang tunay nitong layunin na deregulasyon at pribatisasyon sa serbisyo ng kuryente. Walang pinagkaiba ang batas na ito sa Oil Deregulation Law, Retail Trade Act, Mining Act, Omnibus Foreign Investment Code at iba na nagdulot ng dagdag pasanin ng mamamayan. Tuluyan nitong ipinaubaya sa mga pribadong negosyo ang kontrol at pamamahala sa mga plantang lumilikha ng kuryente. Isinapribado na rin

Page 13: Gabay sa Pagtatalakay ng EPIRA

Gabay sa Pribatisasyon ng power industry at Electric Power Industry Act of 2001 Marso 2013

Agham Advocates of Science and Technology for the People 11

maging ang transmisyon o ang paghahatid ng kuryente mula sa mga planta tungong mga distribution utilities (DU). Ang EPIRA ang unang kumpletong pribatisasyon ng industriya ng kuryente sa buong rehiyon ng Asya.

Fig. 2. Ang restructuring ng industriya ayon sa DOE11

5.2 Ano ang nilalaman ng RA 9136 o EPIRA? Ang EPIRA at ang Implementing Rules and Regulations nito na inaprubahan ng Joint Congressional Power Commission noong ika-27 ng Peberero 200212 ay naglalaman ng mga sumusunod na mayor na seksyon:

a. Pagbabago sa istruktura, operasyon at mga kalahok sa power industry.15 Hinati sa apat na sektor ang power Industry: generation, transmission, distribution at supply sector. Ang mga organisasyon o entidad dito ay tinatawag na Electric Power Industry Participant.

1. Generation Sector: Ayon sa EPIRA, ang paglikha ng kuryente ay isang business affected with public interest. Ang mga nasa generation sector ay generation companies o (GenCos) na pinayagan ng ERC na lumikha ng kuryente mula sa iba’t ibang sources tulad ng coal, diesel, natural gas, hydro at geothermal. Kasama dito ang mga Independent Power Producer (IPP) na pribadong nagma-may-ari ng planta ng kuryente.

2. Transmission Sector: ang transmission ay ang pagdaloy ng kuryente sa

pagitan ng mga power generators at distribution utilities. Ang mamamahala nito ay pribadong korporasyon na bibigyan ng prankisa ng pamahalaan.

Page 14: Gabay sa Pagtatalakay ng EPIRA

Fig 2. Ang restructuring ng industriya ayon sa DOE!

Source: DOE!

Competitive generation

Regulated transmission

and distribution

Competitive retail

electricity providers

End-user

choice •  Restructuring of power

industry!•  Unbundling of electricity rates

for transparency!•  Privatization of NPC!•  Establishment of WESM!•  Open Access of distribution

network and retail competition!•  Definition of responsibilities of

DOE, NPC, ERC, PSALM!

Page 15: Gabay sa Pagtatalakay ng EPIRA

Gabay sa Pribatisasyon ng power industry at Electric Power Industry Act of 2001 Marso 2013

Agham Advocates of Science and Technology for the People 12

Fig. 3. Ang mg IPP ay nagsusuplay ng kuryente sa NPC, DU at WESM.13 Fig. 4. Ang WESM14

3. Distribution: Ang gawain ng mga electricity distributors ay

maihahalintulad sa mga retail traders. Sila ang bumibili ng produkto (kuryente) mula sa iba’t ibang sources at nagbebenta nito sa consumers. Halimbawa nito ang distribution utilities (DU) gaya Meralco, VECO at iba pang mga electric cooperative (EC) sa mga lalawigan.

4. Supply Sector: Kabilang dito sa ang mga GenCos, mga kapatid na

kumpanya at iba pang pinahintulutan na magbenta ng kuryente sa mga konsyumer. Ginawa ang Wholesale Energy Spot Market (WESM) bilang pamilihan na may mekanismo kung saan makakalahok ang iba't ibang supplier o bumibili ng kuryente para makapagbenta ng kuryente. Ayon sa batas, 10% ng kuryente na binibili ng DU ay dapat magmula sa WESM.

Ayon sa batas, pinahintulutan ang cross-ownership sa GenCos at DUs. Ang mga kapitalistang may-ari ng mga GenCos ay pinayagan rin na mag-ari ng mga DUs. Dahil natural na paburan ng mga DUs ang mga kapatid ng GenCos sa kani-kanilang mga bilateral contracts. PInapayagan rin sa EPIRA na mag-ari ang isang kumpanya ng 30% ng lahat ng mga planta sa isang grid at 25% ng buong kapasidad ng buong bansa kaya naman

Fig. 5. Ang relasyon ng mga ahensya ng gobyerno at industry paticipants16

b. Mga bagong responsibilidad ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan17 Dahil sa pagbabago ng istruktura, nagkaroon din ng pagbabago sa mga responsibilidad ng pamahalaan. Ayon sa batas, ang sektor ng generation ay magiging competitive at deregulated, habang ang transmission at distribution ay nananatili sa ilalim ng “regulasyon” ng gubyerno. Nakasaad sa EPIRA ang mga bagong responsibilidad ng iba't ibang ahensya ng pamahalaan:

Page 16: Gabay sa Pagtatalakay ng EPIRA

Fig 3. Ang mg IPP ay nagsusuplay ng kuryente sa NPC, DU at WESM!

Source: Salimbangon!

Page 17: Gabay sa Pagtatalakay ng EPIRA

5

Fig 4. Ang WESM!

Source: GMA News!

Page 18: Gabay sa Pagtatalakay ng EPIRA

Fig 5. Ang mga ahensya ng gobyerno at industry paticipants!

Source: ERC Primer 2011!

Page 19: Gabay sa Pagtatalakay ng EPIRA

Gabay sa Pribatisasyon ng power industry at Electric Power Industry Act of 2001 Marso 2013

Agham Advocates of Science and Technology for the People 13

• Department of Enegy (DOE): May mandato na bantayan o i-supervise

ang “pagsasa-ayos” ng industriya ng kuryente. Ito rin ang nagpa-plano at nangunguna sa implementasyon ng mga komprehensibong programa tulad ng Philippine Energy Plan (PEP) at Power Development Program (PDP). Ang PDP ay gabay upang magsagawa ng mga eksplorasyon ng mga rekursong pang-enerhiya sa bansa at pag-sanib nito sa industriya ng kuryente sa bansa.

• National Power Corporation (NPC): Ang NPC na tuluyang isinapribado

ng EPIRA ang namamahala sa mga hydro powerplant at gumagawa ng mga kasunduan para sa pribatisasyon ng operasyon at maintenance ng mga power plants. Pinamamahalaan ng NPC ang NEA at Small Power Utilities Group (SPUG).

• National Electrification Administration (NEA): Namamahala sa

elektripikasyon sa mga malalayong lugar. Sa kasalukuyan, NEA ang naghahanda sa electric cooperatives na pumasok sa sistema ng deregulated electric market.

• Power Sector Assets and Liabilities Management Corporation (PSALM):

Kompanyang pag-aari at kontrolado ng pamahalaan nangunguna sa pagbebenta at pagsasapribado ng lahat ng ari-arian ng NPC tulad ng NPC generation assets, liabilities, IPP contracts, real estate at lahat ng disposable assets.

• National Transmission Corporation (TRANSCO) ay nasa pamamahala

ng PSALM na nangangasiwa naman sa paglipat ng pagmamay-ari ng mga imprastruktura sa transmisyon at subsubtransmisyon ng NPC.

• Energy Regulatory Commission (ERC): Isang independyente at quasi-

Page 20: Gabay sa Pagtatalakay ng EPIRA

Gabay sa Pribatisasyon ng power industry at Electric Power Industry Act of 2001 Marso 2013

Agham Advocates of Science and Technology for the People 14

judicial na komisyon na may regulatory function at kapalit ng Energy Regulatory Board. ERC ang pangunahing taga-bantay ng gobyerno sa generation companies at suppliers/aggregators at may responsibilidad na mag-promote ng kumpetisyon at parusahan ang pag-abuso sa industriya ng kuryente. Ang ahensya rin na ito ang nag-aapruba ng mga aplikasyon at petisyon para sa rate adjustment o pag-kontrol sa presyo na tinatakda sa transmission at distribution ng kuryente.

c. Unbundling of rates Kasabay ng restructuring ng power Industry ay ang unbundling of rates o pagtilad-tilad ng mga binabayaran ng konsyumer. Layunin nito na gawing transparent diumano ang paniningil. Ngunit sa kabila ng unbundling, hindi tinanggal ang Power Purchase Agreement o PPA na ikinampanya ng mamamayan na hindi makatarungang bayarin at dagdag singil sa kuryente.

Fig. 6. Ang unbundling of rates at pass through costs18 Fig. 7. Ang binabayaran sa Meralco Bill.19

Box 3. Ang unbundling of rates at repleksyon nito sa binabayaran natin sa kuryente Ang Meralco, bilang DU, ay tagakolekta lang daw ng mga singil sa bawat yugto ng paghatid ng kuryente. Ang mga items ay ang sumusunod at paliwanag dito20:

a. Generation charge. Ito ang presyo ng kuryente na binili ng Meralco mula sa kanyang mga suppliers, ang NPC, IPP at WESM. Humigit kumulang sa 65% ng ibinabayad ng mga konsyumer ang napupunta sa generation component ng electric bill.

b. Transmission charge. Ito ang bayad sa pagdadala ng kuryente mula sa

generators ng NPC at Meralco IPPs tungo sa mga distributors gaya ng

Page 21: Gabay sa Pagtatalakay ng EPIRA

Fig 6. Ang unbundling of rates at pass through costs !

Source: DOE!

Page 22: Gabay sa Pagtatalakay ng EPIRA

Fig 7. Ang binabayaran sa Meralco Bill!

Source: GMA Network!

Page 23: Gabay sa Pagtatalakay ng EPIRA

Gabay sa Pribatisasyon ng power industry at Electric Power Industry Act of 2001 Marso 2013

Agham Advocates of Science and Technology for the People 15

Meralco o mga rural electric cooperatives. Ang transmission charge ang bumubuo sa 8.7% ng power bill. Ang bayaring ito ay napupunta sa korporasyong namamahala sa transmisyon.

c. Distribution charge. Ang distribution charge ang singil sa pagdadala ng

kuryente ng DU gaya ng Meralco o mga rural cooperatives sa mga bahay ng konsyumer. Tinutustusan diumano ng distribution charge ang pagtatayo at pagpapaandar ng mga pasilidad ng Meralco. Mayroon itong dalawang components: (a) Ang metering charge ay ang binabayaran natin sa operasyon, pagbasa at pagmantina ng mga metro ng kuryente at (b) ang supply charge ang singil ng Meralco sa kanilang customer service gaya ng billing, pangongolekta at iba pa. Ang taripang napupunta sa mga distribution companies ay umaabot lamang sa 16% ng total power bill.

d. Taxes. May nakapataw na buwis sa bawat yugto ng paghatid ng

kuryente. Sinisingil ng gobyerno ang franchise tax at value-added tax (VAT) sa mga DU at ipinapasa naman ito sa mga konsyumer. Umaabot ng 10% ang VAT na ipinapataw sa generation ng kuryente.

e. Iba pang charges. May iba pang mga sinisingil sa konsyumer gaya ng

universal charge, subsidies, at system loss. Ang parte o percentage ng bawat item ay pabago-bago dahil maaring magiba ang singil sa bawat isa, ngunit hindi naman mayor ang pagbabago nito. Ang halaga na ginamit sa taas ay batay sa singil ng Meralco noong Enero 2012.

Fig. 8. Ang PPA sa bundled at unbundled bill 21

Box 4. Ang mga hindi nakasaad sa bill na charges gaya ng PPA23 Ang PPA o Purchased Power Adjustment ay maugong na usapin bago pa man isabatas ang EPIRA. Ito ay nagsimula sa mga ma-anomalyang kontrata na pinasok ng gobyerno sa mga IPP. Gaya na ng nabanggit, nakasaad sa mga

Page 24: Gabay sa Pagtatalakay ng EPIRA

Fig 8. Ang PPA sa bundled at unbundled bill !

Source: ERC Primer!

Page 25: Gabay sa Pagtatalakay ng EPIRA

Gabay sa Pribatisasyon ng power industry at Electric Power Industry Act of 2001 Marso 2013

Agham Advocates of Science and Technology for the People 16

Fig. 9. Ang iba’t ibang cost adjustments22

kontrata ang mga probisyon na kakargahin ng NPC ang kapasidad ng mga planta kahit hindi pa ito nagamit. Babayaran din niya ang pagkalugi ng piso pati ang pagtaas ng halaga ng langis at panggatong na ginamit ng IPP. Dahil sa mga probisyon na ito ay nalugi ang NPC at lumubo ang utang nito. Upang mabawi ang gastos ng NPC at mabayaran niya ang mga utang na ito pinapasa niya ito sa mamamayan. Maliban sa basic charges, ang mga power utilities gaya ng NPC at DU ay pinahihintulutang sumingil ng mga karagdagang halaga sa pamamagitan ng automatic cost adjustments. Ang NPC ay naniningil ng karagdagang gastusing: (1) dulot ng pagtaas sa halaga ng langis, (2) dulot ng paggalaw ng halaga ng kuryente na binili ng NPC mula sa Independent power producer, at (3) dulot ng pagbabago ng halaga ng palitan ng piso sa dolyar at iba pang pandaigdigang pananalapi. Ipinapasa ng NPC ang singil na ito sa mga DU upang singilin sa mamamayan sa porma ng PPA. Sa kasalukuyan ay hindi na ginagamit ang mekanismo na PPA, ngunit pinalitan lamang ito ng bagong mekanismo tulad ng Generation Rate Adjustment Mechanism (GRAM) ng mga GenCos, Automatic Adjustment of Generation Rates and System Loss Rates (AGRA) ng mga DU at Transmission Rates Adjustment Mechanism (TRAM). Bukod sa GRAM at AGRA, ipinapasa rin sa mga konsyumer ang pabagu-bagong palitan ng piso at dolyar sa pamamagitan ng Incremental Currency Exchange Rate Adjustment (ICERA). Sinimula nang gamitin ang GRAM at ICERA noong 2003 na kinukwenta sa tuwing ika-apat na buwan. Ang AGRA naman ay nagsimulang isama sa singilin noong 2004 at kinukwenta kada buwan. Awtomatiko ang pagpapatupad ng AGRA habang idinadaan naman sa public hearing ng ERC ang GRAM at

Page 26: Gabay sa Pagtatalakay ng EPIRA

Fig 9. Ang iba’t ibang cost adjustments !

10

Source: ERC!

Page 27: Gabay sa Pagtatalakay ng EPIRA

Gabay sa Pribatisasyon ng power industry at Electric Power Industry Act of 2001 Marso 2013

Agham Advocates of Science and Technology for the People 17

ICERA. Ang esensya ng automatic cost adjustment gaya ng PPA ay may kalayaan at karapatan ang mga pribadong kumpanya na iadjust ang kanilang singil, dagdag pa sa aktwal na gastos nila sa paghatid ng kuryente, at ipasa ito sa mamamayan.

Fig. 10. Ang universal charge24 Box 5. Ang Universal charge Ang pagsingil ng universal charge ay nakasaad sa EPRIA. Sa singil na ito, ipinasa sa mamamayan ang pagbayad sa sa utang ng NPC. Ang maaring singilin sa ilalim ng universal charge ay ang:

• Ang stranded debt o ang utang na naiwan sa NPC na hindi nakayang bayaran ng kinita nito sa pribatisasyon.

• Ang stranded contract cost naman ay ang naiwang obligasyong pinansyal sa NPC mula sa mga isinapribadong kontrata nito sa mga IPP.

• Kasama din sa universal charge ang paghahatid ng kuryente sa malalayong lugar at ang pangangalaga sa mga watershed.

Page 28: Gabay sa Pagtatalakay ng EPIRA

Fig 10. Ang universal charge!

Source: NPC!

Page 29: Gabay sa Pagtatalakay ng EPIRA

Gabay sa Pribatisasyon ng power industry at Electric Power Industry Act of 2001 Marso 2013

Agham Advocates of Science and Technology for the People 18

PART III: Ang Epekto ng EPIRA

6. Sumirit pataas ang presyo ng kuryente. Isa ang Pilipinas sa pinakamataas ang singil sa buong mundo. Fig. 11. Sumirit pataas ang singil sa kuryente Fig. 12. Pagkukumpara ng singil ng Meralco sa iba pang merkado.25

6.1 Bumaba ba ang singil sa kuryente noong isabatas ang EPIRA? Noong 2000, ang singil ng Meralco sa mga residential customers ay nasa P4.87 kada kilowatt-hour (kWh) lamang. Nang ipinasa ang EPIRA, nagkaroon ng 30 centavos na pagbaba na nilaman ng batas ngunit naging pansamantala lang ito. Sa panahon ng implementasyon ng EPIRA, umabot na sa P10.35/kWh ang average rate noong 2010. Mahigit doble ang itinaas na singil ng kuryente sa nagdaan 10 taon. Kung isasama pa ang singil ngayon, base sa Enero 2014 bill ng Meralco na P 11.45/kWh ay 330% na taas ito o triple kumpara sa 2001.26 Gayundin, lumaki ang generation charge ng NPC. Sa Luzon grid, halimbawa, tumaas ang NPC effective rate mula P2.39 kada kWh noong 2000 patungong P4.67 noong 2011. Halos dumoble ang sinisingil na generation charge ng NPC nitong nagdaang sampung taon. Sa isang pag-aaral, lumalabas na ang Pilipinas ang may pinakamahal na singil sa kuryente sa buong Asya. Ayon sa International Energy Consultants, ang average retail rate ng kuryente sa bansa na 18.1 US cents kada kWh noong Oktubre 2010 ay mas mahal na sa 17.9 US cents sa Japan. Katunayan, maliban sa Japan at Singapore, ang generation charge pa lamang sa Pilipinas ay katumbas na sa buong singil sa kuryente sa mga bansang sakop ng nasabing pag-aaral. Kabilang dito ang Thailand, Malaysia, South

Page 30: Gabay sa Pagtatalakay ng EPIRA

0

2

4

6

8

10

12

14

16 P

hp

Year

MERALCO residential rates Generation rates

Source: Meralco!

Fig 11. Sumirit pataas ang singil sa kuryente ng Meralco!

Page 31: Gabay sa Pagtatalakay ng EPIRA

Fig 12. Pagkukumpara ng singil ng Meralco sa iba pang merkado!

Source: Rappler!

Page 32: Gabay sa Pagtatalakay ng EPIRA

Gabay sa Pribatisasyon ng power industry at Electric Power Industry Act of 2001 Marso 2013

Agham Advocates of Science and Technology for the People 19

Korea, Taiwan, at Indonesia. Pinakamahal ang singil sa Pilipinas dahil ipinapasa lahat sa konsyumer ang gastos sa produksyon at distribusyon. Tinukoy din nito na tanging Pilipinas lamang ang privatized ang industriya ng kuryente at walang subsidy ang gobyerno.27 Inulit ang pagaaral noong 2012 at lumalabas na ang singil ng Meralco ay ika-9 sa pinakamataas sa 44 na pamilihang habang ika-2 naman sa Asya, sumunod sa Japan.28

6.2 Bakit mataas ang singil sa kuryente? Sa kabuuan, mataas ang singil ng kuryente dahil pribado ang kumukontrol sa industriya na ito at inalis ng pamahalaan ang kontrol nito sa pagtatakda ng singil sa kuryente. Mataas ang singil sa kuryente dahil sa mga patakaran ng pribatisasyon at deregulasyon, kung saan super-tubo na ang panguhahing tunguhin sa halip na serbisyo.

a. Ang lahat ng gastos ng mga pribadong kumpanya ay pinapasa sa konsyumer Deregulated ang generation sector kaya walang kontrol ang pamahalaan sa singil ng mga Gencos. Dahil deregulated, hindi na dumadaan sa anumang pandinig (hearing) ang pagtaas ng generation charge. Hindi na rin ito nangangailangan ng pagsang-ayon ng gubyerno sa pamamagitan ng Department of Energy (DOE) at Energy Regulatory Commission (ERC). Walang insentibo ang mga GenCos na babaan ang kanilang singil o babaan ang gastos sa produksyon dahil ang kanilang mga bayarin at gastos, mula sa pagbabago ng halaga sa palitan ng dolyar at piso pati ang pagbabago ng

Page 33: Gabay sa Pagtatalakay ng EPIRA

Gabay sa Pribatisasyon ng power industry at Electric Power Industry Act of 2001 Marso 2013

Agham Advocates of Science and Technology for the People 20

presyo ng panggatong ay ipinapasa lang naman sa mga konsyumer. Ang mga GenCos ay pinapayagan iadjust ang kanilang singil sa pamamagitan ng mga automatic cost adjustments at ito ay napupunta sa konsyumer bilang mga pass through cost ng distributor utilility. Pinapasa din sa konsyumer ang mataas na buwis, utang ng NPC at iba pang mga bayarin ng DU sa pamamagitan ng tax, system loss charge at universal charge Sa bawat yugto na dinadaan ng kuryente ay may buwis dito na binabayad sa pamahalaan. Sa ilalim rin ng EPIRA ipinapasa sa konsyumer ang franchise tax, energy tax at, simula noong 2006, angVAT. Sa katunayan, ang binayaran nating franchise tax at energy tax ay pinapatawan pa ng VAT kaya doble-doble ang buwis. Pati ang kuryenteng hindi hindi nagagamit dahil sa tagasay sinisingil din sa pamamagitan ng system loss charge. Ang system loss ay kuryenteng hindi nagamit dahil sa tagas bunga ng inefficiency sa network o pagnanakaw (pilferage at mga iligal na koneksyon). Sinisingil rin ng NPC at Meralco sa konsyumer ang pagpapapatayo ng bagong mga linya sa mga liblib na lugar o ang missionary electrification charge sa ilalim ng universal charge. May sinisingil rin na environmental charge ang mga DUs.

b. Dagdag pa, hindi rin makatwiran ang pamamaraan ng pagkwenta ng singil ng mga DU at TRANSCO Kahalintulad ng transmission rate, ang distribution rate ay nasa ilalim din ng regulasyon ng ERC. Bagama’t regulated ang mga sektor na ito, ang pamamaraan ng pagkwenta ng singil ng mga DU at TRANSCO ay nagsisilbi pagmaksimisa ng kita.

Page 34: Gabay sa Pagtatalakay ng EPIRA

Gabay sa Pribatisasyon ng power industry at Electric Power Industry Act of 2001 Marso 2013

Agham Advocates of Science and Technology for the People 21

Mula sa dating return on rate base (RORB), ginagamit na ngayon ng ERC ang performance-based regulation (PBR) na ipinakilala nito noong 2005 sa pagtatakda ng singil ng mga DU pati sa singil sa transmisyon ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP). Sa ilalim ng PBR, tumaas ang distribution charge ng mga DU kabilang ang Meralco at transmission charge ng NGCP. Mas paborable para sa mga pribadong korporasyon ang PBR. Sa RORB, kinukwenta ang singil batay sa makatwirang kita (return) mula sa mga asset na aktwal na ginamit sa distribusyon ng kuryente. Sa PBR, kinukwenta ang singil batay sa tinatayang pamumuhunan at gastos sa operasyon sa mga darating na panahon. Kaya ang singil ng NGCP at Meralco ay nakabatay sa gastos at inaprubahang maksimum na kitang inaasahan nila sa hinaharap. Sa madaling sabi, sinisingil na tayo sa mga gastusing hindi pa nangyayari at ito ay sumasalamin bilang kita ng Meralco. Sa pangkalahatan, lahat ng mga sinisingil ay hindi dumaan sa makatotohanang konsultasyan sa mga konsyumer upang ipakita kung paano kinukwenta ang mga bayarin na ito. c. Nakikinabang ang pamahalaan sa mataas ang buwis na ipinapataw sa bawat yugto ng kuryente Gaya ng nabanggit, may nakapataw na buwis sa bawat yugto ng paghatid ng kuryente. Sinisingil ng gobyerno ang franchise tax at value-added tax (VAT) sa mga DU at ipinapasa naman ito sa mga konsyumer. Umaabot ng 10% ang VAT na ipinapataw sa paglikha ng kuryente.

Page 35: Gabay sa Pagtatalakay ng EPIRA

Gabay sa Pribatisasyon ng power industry at Electric Power Industry Act of 2001 Marso 2013

Agham Advocates of Science and Technology for the People 22

6.3 Paano kagyat na mababawasan ang singil sa kuryente? Ayon sa pamahalaan, wala na raw tayong magagawa sa mataas na singil na ito. Hindi ito totoo, kung nanaisin talaga, maaring alisin agad ang mga sumusunod:

• Hindi dapat ipasa sa konsyumer ang mga gastos ng mga kumpanya lalo na sa generation sector. Ang pagkakautang ng NPC mula sa makaisang-panig na mga kontrata sa IPPs contracts pati ang ibang bayarin na ipinapasa sa pamamagitan ng universal charges ay dapat rin alisin. Tungkulin dapat ng mga kumpanya na bigyan ng subsidyo ang mga mahihirap na konsyumers bilang bahagi ng serbisyo nila kaya’t hindi na dapat ito ipinapasa pa sa ibang konsyumer (tanstang 15%).

• Hindi rin dapat sinisingil sa konsyumer ang kuryente na hindi niya nagamit sa pamamagitan ng systems losses (9%),

• Tanggalin ang VAT at iba pang government taxes (tanstang 10%).

Kung aalisin ang mga ito ay mahigit 30% ng ating bill ay mababawas. Dapat rin ay limitahan ang kita ng mga pribadong kumpanya sa power industry. Sa pangmatagalan, mapapababa ang singil sa kuryente kung aalisin ito sa kamay ng pribadong kontrol at ituring itong isang mahalagang serbisyong pinapatakbo ng gobyerno para sa kapakinabangan ng lipunan.

7. Hindi nabawasan, bagkus ay lumubo pa ang utang ng NPC.

7.1. Magkano ang utang ng NPC bago isabatas ang EPIRA? Bago pa man ipasa ang EPIRA, umabot ang utang ng NPC sa USD16. 39

Page 36: Gabay sa Pagtatalakay ng EPIRA

Gabay sa Pribatisasyon ng power industry at Electric Power Industry Act of 2001 Marso 2013

Agham Advocates of Science and Technology for the People 23

Bilyon sa taong 2001. Kalakhan ng mga utang na ito ay dahil sa mga kontrata ng gubyerno sa mga IPPs. Ito ay mahahati sa:

• Utang ng NPC: USD 5.97 Bilyon • Obligasyon sa IPP: USD 10.42 Bilyon

Isa sa mga sinabing layunin ng EPIRA ay ang bawasan o mabayaran ang utang ng NPC mula sa mga nainbentang mga assets nito. Nilikha ang Power Sector Assets and Liabilities Management (PSALM) Corporation at TRANSCO para pangasiwaan ang pagbebenta at pagsasapribado ng mga assets na ito.

Fig. 13. Kabuuang utang ng NPC mula 2001 hanggang 2011.33

7.2 Ano ang nangyari sa utang na ito? a. Halaga ng kasalukuyang utang Noong 2001 ang utang ng NPC ay USD16. 39 Bilyon. Lumipas ang sampung taon ng EPIRA, tanging USD 570 milyon ang nabawas rito. Kasalukuyang USD 15.82 Bilyon utang nito sa PSALM.34 Habang ang obligasyon sa IPP ay nabawasan ng USD 1.63 Bilyon mula 2001 hanggang 2010, tumaas naman ang utang ng NPC ng USD 1.63 Bilyon sa panahon ito. b. Saan napunta ang pondong pambayad-utang ng NPC? Noong 2004, ang gobyerno ay nagbayad na nang 200 bilyong pisong utang ng NPC. Mula 2001-2010, nakapaglabas na ng USD 18 Bilyon ang PSALM. Ang halagang ito ay napunta sa mga sumusunod:

• Principal amortization: USD6.7 bilyon

Page 37: Gabay sa Pagtatalakay ng EPIRA

Fig 13. Kabuuang utang ng NPC mula 2001 hanggang 2011!

Source: PSALM!

Page 38: Gabay sa Pagtatalakay ng EPIRA

Gabay sa Pribatisasyon ng power industry at Electric Power Industry Act of 2001 Marso 2013

Agham Advocates of Science and Technology for the People 24

• Pambayad ng interes USD4.3 bilyon • Independent power producers (IPPs): USD7 bilyon

c. Halaga ng kinita ng PSALM sa pribatisasyo ng mga assets at ang mga bagong utang ng NPC Noong 2011, 79.56% ng mga generating plants at 79.56% ng mga kontrata nito sa IPPs ay naisapribado na. Mula sa pagbebenta ng mga generation plant, transmission assets at IPP’s contracts, ay nakalikom ang PSALM ng USD10.21 bilyon. Ito ay mahahati sa:

• Pagsasasapribado ng National Transmission Corporation (TRANSCO): USD3.95 bilyon

• Pagbebenta ng mga generating plants: USD3.01 bilyon • Paglipat ng ng kontrata ng NPC sa IPP sa IPP Administrators (IPPAs):

USD3.23 bilyon Ngunit sa halagang ito, USD5.48 bilyon pa lang ang aktwal na nakolekta ng PSALM, hulugan ang iskema ng pagbabayad sa pribatisasyon. Hindi sapat ang nalikom ng PSALM bilang kabayaran sa utang ng NPC. Kaya naman sa panahon na kailangan nang bayaran ang mga utang, umuutang ulit ito na nagresulta sa USD12 Bilyon na bagong utang ng NPC sa loob ng 10 taon.

Box 6. Mga petisyon ng PSALM sa ERC para singilin sa mamamayan ang utang ng NPC Gaya na ng nabanggit, ayon sa EPIRA, ang mga pambayad utang na hindi makukuha mula sa pagbebenta ng mga assets ng NPC ay kukunin sa consumer sa porma ng universal charge.

Page 39: Gabay sa Pagtatalakay ng EPIRA

Gabay sa Pribatisasyon ng power industry at Electric Power Industry Act of 2001 Marso 2013

Agham Advocates of Science and Technology for the People 25

Noong 2009, naghain ng petition ang PSALM sa ERC na kunin ang P470.87 bilyon stranded debts para sa mga utang na hindi mababayaran dahil sa pribatisasyon ng NPC at P22.26 bilyon na stranded contract costs o ang ang bayad sa kuryente na hindi naman nagamit ng mamamayan pero kailangan bayaran dahil ito ang nakasaad sa kontrata ng NPC at IPP sa Luzon Grid. Ang pagbawi sa stranded debts ay nangangahulugan ng dagdag 30.49 centavos per kilowatt-hour (kWh) batay sa recovery period na 17 na taon. Ang pagbawi naman sa stranded contract costs sa loob ng 5 taon ay 9.20 centavos per kWh na dagdag. Kung titignan ang laman ng P470.865 utang ng PSALM na nais nitong ipasa sa konsumer, ito ay mahahati sa:

• “performance incentive” bonus na binigay nito sa kanyang mga empleyado: P80.9 milyon

• sahod ng 165 na tauhan: P80.5 milyon • night shift differentials ng trading team sa WESM: P18.4 milyon • bayad sa serbisyo ng kanyang mga consultants sa pribatisasyon: P118

milyon. Naghain ulit ang PSALM noong 2010 na petition para mabawi ang stranded debts sa taong iyon na tinatayang P54.90 bilyon, katumbas ng 86.77 centavos per kWh. Minungkahi rin nito na bawiin ang stranded contract costs ng 2009 na may halagang P26.69 bilyon sa18.79 centavos per kWh na dagdag sa loob ng 3 taon. Hindi pinayagan ng ERC ang mga petisyong ito dahil hindi nakapagsumite ang PSALM ng mga kinakailangang dokumento. Ayon sa desisyon ng ERC maaring magsumite ng bagong petisyon ang PSALM kung makumpleto nito ang mga rekisitos.

Page 40: Gabay sa Pagtatalakay ng EPIRA

Gabay sa Pribatisasyon ng power industry at Electric Power Industry Act of 2001 Marso 2013

Agham Advocates of Science and Technology for the People 26

Kaya naman ay maasahan na magsusumite ng petisyon ang PSALM at ikakarga sa consumer ang mga utang nito hanggang lagpas pa sa buhay ng PSALM bilang korporasyon sa 2025.

8. Hindi nagkaroon ng istableng suplay ng kuryente.

8.1 Ano ang kalagayan ng suplay ng kuryente sa bansa? Bago isabatas ang EPIRA noong 2000, may installed generating capacity na 13,185 MW sa bansa. Noong 2012, nadagdagan ito at umabot na sa 17,025 MW. Ngunit ang dagdag na kapasidad na ito dulot pa rin ng mga planta na itinayo 20 na taon na nakalipas. Ibig sabihin, hindi talaga nagtatayo ng bagong mga planta ang mga kapitalista, sa halip pinagkakakitaan lang nila ang dati ng mga plantang naitayo ng NPC. Sa Luzon, 1 lang ang bagong planta na natayo sa loob ng 13 na taon. Batay sa 17,025 MW installed generating capacity sa bansa na may 10,761 MW total peak demand sa taong 2012, inamin ni Energy Secretary Petilla, na masikip ang suplay ng kuryente hanggang 2016 pero hindi magkakaroon ng power failure.37 Sa ilang pag-aaral, mangangailangan ng dagdag na 2500 MW sa susunod na 4 na taon hanggang 2017 ang bansa. Ang pangangailangang ito ay tutugunan daw ng dagdag na 1400 MW na committed plants na sinasabing matatapos ang konstruksyon sa 2016. Ngunit kahit pa matuloy ang pagtatayo ng mga dagdag na plantang ito ay hindi pa rin masasabing may tiyak at estableng suplay ng kuryente sa bansa. Dahil hindi kontralado ng pamahalaan ang mga generators, tila hostage ng mga

Page 41: Gabay sa Pagtatalakay ng EPIRA

Gabay sa Pribatisasyon ng power industry at Electric Power Industry Act of 2001 Marso 2013

Agham Advocates of Science and Technology for the People 27

pribadong kumpanya ang mga konsyumer kapag naisipan nilang mag-shutdown ng mga planta. Wala rin sa plano ng gobyerno ang pagsasaayos ng power industry upang maghanda sa isang pambansang industriyalisasyon.

8.2 Nagkaroon ba ng tiyak na suplay ng kuryente dahil sa EPIRA? Hindi nagkaroon ng istableng suplay ng kuryente dahil ipinaubaya sa pribado ang pagtatayo ng mga bagong planta at operasyon ng halos kabuuan ng power industry. Inuna ng mga kumpanyang ito na siguruhin ang kita sa halip na tugunan at ayusin ang suplay ng kuryente. Tungkulin ng estado na planuhing mabuti ang suplay ng kuryente para sa pangangailangan ng mga industriya at kabahayan. Trabaho nitong tiyakin ang istabilidad ng suplay sa gitna ng mga umiiral na kondisyong gaya ng climate change. Dahil sa pribatisasyon, arbitraryong nakakapagsagawa ng plant shutdowns ang mga may hawak ng mga planta gaya ng nangyari sa Luzon. Ang pagpapaunlad sa lokal na pinagkukunan ng enerhiya ay pinaubaya rin sa mga dayuhan at pribadong kumpanya. Inalis ng EPIRA ang buwis sa paggamit ng mga lokal na rekurso kaya’t libre itong pinagkakakitaan ng mga korporasyon. Dagdag pa, alinsunod sa Seksyon 6 at 12 ng EPIRA binibigay sa mga transmission at distribution companies ang karapatan na magpaalis sa mga naninirahan o nagmamayari ng mga lupain na sakop ng kanilang operasyon. Ito ay nagdulot ng malawakang dislokasyon ng mga katutubo mula sa kanilang lupang ninuno at mga magsasak sa kanilang lupang sakahan sa pagpasok ng mga proyekto sa kanilang lugar.

Page 42: Gabay sa Pagtatalakay ng EPIRA

Gabay sa Pribatisasyon ng power industry at Electric Power Industry Act of 2001 Marso 2013

Agham Advocates of Science and Technology for the People 28

Box 7. Kulang pa rin ang suplay ng kuryente sa Mindanao at walang paghahanda para tugunan ang pangangailangan na ito Noong 2010, halimbawa, dumanas ng krisis sa suplay ng kuryente ang iba’t ibang bahagi ng bansa. Sa Mindanao, umabot sa 700 MW ang kakulangan sa suplay noong Marso 2010. Nakaranas ang mga probinsya rito ng rotating brownouts ng hanggang 8 oras kada araw. Sinisi ng pamahalaan ang tagtuyot o El Niño dahil kalahati ng suplay sa Mindanao ay mula sa mga hydropower plant. Walang dagdag na kapasidad sa paglikha ng kuryente sa nasabing rehiyon sa loob ng mahigit isang dekada. Tungkulin ito ng NPC ngunit inaatupag nito ang pagbebenta ng mga ari-arian sa ilalim ng EPIRA kaya hindi natugunan ang lumalaking demand sa kuryente sa Mindanao.38 Maging ang Metro Manila at Luzon ay dumanas din ng rotating brownouts noong 2010. Umabot sa 641 MW ang kulang sa suplay ng kuryente sa Luzon kasabay ng krisis noon sa Mindanao.

9. Lalong umigting ang monopolyo sa industriya ng kuryente at hindi nagkaroon ng "malayang kumpetisyon".

Sa ilalim ng Electric Power Industry Reform Act o EPIRA, ibinigay sa pribadong mga kumpanya ang pag-gawa (generation), pagdala (transmission) at pagmamahagi (distribution) ng kuryente. Dahil dito, hawak ng pribadong pag-aari ang isa sa susing bahagi ng industriya. Iilan na lamang ang may kontrol ng pag-gawa ng kuryente, iisang kumpanya ang may pagaari ng transmission, at iilan lang din ang may hawak ng distribution.

Page 43: Gabay sa Pagtatalakay ng EPIRA

Gabay sa Pribatisasyon ng power industry at Electric Power Industry Act of 2001 Marso 2013

Agham Advocates of Science and Technology for the People 29

Fig. 14. Mga planta ng kuryente sa bansa at mga nagmamay-ari nito39 9.1 Sino ang kumukontrol sa sektor ng generation?

Pag-aari na ng iilang pamilya/korporasyon ang pinakamalalaking naisapribadong planta ng kuryente bukod pa sa naisapribado na ring contracted capacity ng NPC:

1. Aboitiz a. Tiwi-Makban (747.53 MW) b. Magat (360 MW) c. Ambuklao-Binga (175 MW) d. PB 117 (100 MW), e. PB 118 (100 MW), f. Pagbilao (700 MW), g. Talomo (3.5 MW);

2. Lopez a. Palinpinon-Tongonan geothermal plants (305 MW), b. Bac-Man (150 MW), c. Pantabangan-Masiway (112 MW);

3. Consunji a. Calaca coal (600 MW); b. SMC – Limay (620 MW), c. Sual (1,000 MW), d. Ilijan (1,200 MW), e. San Roque (345 MW).

Sa mga dayuhan, nangunguna ang

1. AES Corp. ng US (Masinloc, 600 MW) at 2. SPC Power Corp. ng Korea/KEPCO (Panay & Bohol, 168.5 MW; Naga,

55 MW). 3. Taga-Korea rin (K-Water) ang nakakuha ng Angat (218 MW) pero

Page 44: Gabay sa Pagtatalakay ng EPIRA

15

Fig 14. Mga planta ng kuryente sa bansa at mga nagmamay-ari nito!

Source: KPMG Global Energy Institute!

Page 45: Gabay sa Pagtatalakay ng EPIRA

Gabay sa Pribatisasyon ng power industry at Electric Power Industry Act of 2001 Marso 2013

Agham Advocates of Science and Technology for the People 30

nakabinbin pa ang kaso nito sa Supreme Court. Sa kabuuan, naisapribado na ang katumabas na 7,448.08 MW kapasidad ng mga generating plants at contracted capacities ng NPC. Pinaghatian ito ng mga sumusunod: SMC (42.5%), Aboitiz (29.3%), Consunji (8.1%), Lopez (7.6%), AES Corp. (8.1%), iba pa (4.4%). Kontrolado ng tatlong korporasyon ang 52% ng kapasidad sa generation: SMC (20%); First Gen ng Lopez (17%) at Aboitiz (17%). Nasa 18% na lang ang hawak ng PSALM at 6% sa NPC.

9.2 Sino ang kumukontrol sa transmisyon? Ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), ang may hawak sa operasyon ng transmission nang isinapribado ang TRANSCO. Ito ay pinagmamayarian ng mga sumusunod:

• Henry Sy, Jr. sa pamamagitan ng One Taipan Holdings na binili mula sa Monte Oro Sources ni Enrique Razon: 30% State Grid ng China (40%) Calaca High Power Corp. (30%).41

9.3 Sino ang kumukontrol sa distribusyon? Hindi lamang sa pag-generate ng kuryente namamayagpag ang monopolyo ng mga kumprador. Hawak din nila ang distribution ng kuryente sa bansa. Meralco, ang pinakamalaking DU sa bansa ay pagmamayari ng mga sumusunod:

• Beacon Electric Asset Holdings, Inc. (consortium of PLDT and Metro Pacific) ni Manny Pangilinan 49.96%

Page 46: Gabay sa Pagtatalakay ng EPIRA

Gabay sa Pribatisasyon ng power industry at Electric Power Industry Act of 2001 Marso 2013

Agham Advocates of Science and Technology for the People 31

• SMC ang 27.12% • First Philippines Utitilites Corporation ng mga Lopez ang 3.95%

Samantala, hawak naman ng Aboitiz ang pitong DU:

1. Davao Light and Power Co. Inc., 2. Cotabato Light and Power Company, 3. Visayan Electric Co. (VECO), 4. San Fernando Electric Light & Power Co. Inc., 5. Subic Enerzone Corp., 6. Mactan Enerzone Corp., at 7. Balamban Enerzone Corp.

Ang Davao Light at ang Veco ang pangalawa at pangatlong pinakamalaking DU sa bansa. 42

Fig. 15. Ang nagmamayari at kumukontrol sa Meralco (2013)44

Box 8. Epekto ng pribatisasyon at monopolyo sa power industry: kaso ng Disyembre 2013 dagdag-singil ng Meralco 1. Ang Meralco bilang distribution utility Ang Meralco ang kasalukuyang pinakamalaking distribution utility (DU) sa bansa na nagsu-supply ng 75% ng kuryente sa Luzon at 55% sa buong bansa. Ang mga lugar na sakop nito ay 9337 square meters o buong Metro Manila, ang buong probinsya ng Bulacan, Rizal at Cavite; parte ng mga probinsya ng Laguna, Quezon at Batangas at 17 barangay sa Pampanga. Ang populasyon sa mga lugar na ito ay aabot sa 23 miilyong tao o halos isang kapat ng buong populasyon ng Pilipinas. Ang gawain ng distributor ay bumili ng kuryente mula sa iba’t ibang generating companies (GenCos) at ibenta ito sa konsumer. Ang mga distribution utilities ay

Page 47: Gabay sa Pagtatalakay ng EPIRA

Fig 15. Ang nagmamayari at kumukontrol sa Meralco (2013)!

Source: Meralco!

Page 48: Gabay sa Pagtatalakay ng EPIRA

Gabay sa Pribatisasyon ng power industry at Electric Power Industry Act of 2001 Marso 2013

Agham Advocates of Science and Technology for the People 32

Fig. 16. Advisory ng Meralco na nagpapahayag at nagpapaliwanag ng kanilang dagdag singil.45

may kalayaang pumili ng kanilang mga suppliers. Sa teorya, maari nilang paghaluin ang ibat ibang pinagkukunan ng kuryente upang mabawasan ang halaga ng kuryente na sinisingil sa mga konsyumer. Karamihan ng kuryente ng Meralco ay nagmumula sa National Power Corp. (NPC), at mga independent power producers (IPPs), tulad ng Quezon Power (coal) at Santa Rita and San Lorenzo (na kapwa natural gas-fired powers plants) sa pamamagitan ng bilateral contracts habang ang 10% ay sa pamamagitan ng WESM gaya ng nakasaad sa batas.46

2. Magkano ang balak na dagdagsingil sa kuryente? Noong Nobyembre at Disyembre 2013, binalak ng Meralco na maningil ng dagdag na P3.44 kada kilowatt-hour (kWh) sa singil nito sa kuryente. Kapag isinama ang VAT, aabot ng P4.14/kWh ang itataas ng singil sa generation charge. Para sa regular na bahay na nagkokonsumo ng 200 kWh, tataas ng P9.1070 per kWh ang Disyembre 2013 bill o nangangahulugan ng P828 pesos na dagdag-singil sa buwanang bill ng konsyumer. Sa orihinal na plano, isang beses na P4.15/kWh pagtaas ang balak ng Meralco. Subalit dahil sa presyur mula sa publiko, nagpasya ang Meralco na unti-untiin ang rate hike. Sumulat ito sa Energy Regulatory Commision noong Disyembre 5 upang ipaalam na uunti-untiin ng kumpanya ang pagtaas ng singil sa loob ng tatlong buwan: Disyembre (P2.41), Pebrero (P1.21) at Marso (P0.53).47 Ang ERC ay sumulat naman sa Meralco noong ika- 9 ng Disyembre na pinapayagan ang staggered rate hike.48 3. Ano raw ang dahilan ng pagtaas ng singil sa kuryente?

a. Pagtataas ng singil ng GENCOs

Page 49: Gabay sa Pagtatalakay ng EPIRA

Fig 16. Advisory ng Meralco na nagpapahayag at nagpapaliwanag ng kanilang dagdag singil. !

Page 50: Gabay sa Pagtatalakay ng EPIRA

Gabay sa Pribatisasyon ng power industry at Electric Power Industry Act of 2001 Marso 2013

Agham Advocates of Science and Technology for the People 33

Ang mga GenCos na pinagkukunan ng kuryente ng Meralco ay kumukuha ng enerhiya mula sa Malampaya gas station sa Palawan. Nagsasara at nagsasagawa ang Malampaya ng maintenance kada 3 taon. Nagsagawa ng shut down ang Malampaya mula Nobyembre 11 hanggang Disyembre 10. Dahil sa pansamantalang pagsasara ng Malampaya gumamit ng mas mahal na panggatong ang mga planta na dating gumagamit ng gas galing sa Malampaya sa Palawan. Ang mga plantang ito ay ang mga sumusunod; 1,200-megawatt (MW) Ilijan combined cycle natural gas plant ng Kepco Philippines Corp., ang 1,000-MW Sta. Rita at and 500-MW San Lorenzo natural gas facilities na pagmamay-ari ng First Gen Corp. ng mga Lopezes. Nagpasya din ang Meralco na i-dispatch o patakbuhin ang mga planta ng First Gas, gamit ang liquid fuel sa halip na natural gas. Mas mahal ito nang doble sa natural gas. Nagresulta ito ng P1.04/kWh na dagdag singil. b. Pagtaas ng presyo na galing sa WESM Ang 11.5% na kinuha ng Meralco sa WESM ay nagdulot ng 70% na pagtaas ng generation rates ng Meralco. Napakaliit na bahagi ng WESM sa kabuuang supply na kuryente ng Meralco. Gayunpaman, ito ang pinagmulan ng P2.38/kWh sa dagdag singil na P4.14/kWh Sa bentahan ng power sa WESM, itinatakda nang pinakamataas na presyo ang kabuuang presyo ng power na binebenta rito. Binabayaran ng iisang rate (presyo) ang lahat ng organisasyon/kumpanya na nagbebenta sa WESM. Dahil sa mahal na bentahan ng power sa WESM, iniakyat nito ang kabuuang presyo ng kuryente na babayaran ng mga konsyumer.

Page 51: Gabay sa Pagtatalakay ng EPIRA

Gabay sa Pribatisasyon ng power industry at Electric Power Industry Act of 2001 Marso 2013

Agham Advocates of Science and Technology for the People 34

4. Bakit hindi katanggap-tanggap ang dahilan ng Meralco sa pagtaas ng singil? a. Ang dahilang gumamit ng mahal na panggatong ang mga GenCos dahil sa pagsasara ng Malampaya Ang Malampaya ay nagsasagawa ng scheduled maintenance at shut down kada tatlong taon. Maaari itong paghandaan upang mapunuan ang magiging kakulangan sa kuryente na dulot ng pansamantalang pagsasara ng Malampaya. Bukod sa pagsasara ng Malampaya, nagkaroon din ng hindi maipaliwanag na sabay-sabay na power outages at shutdown ang mga iba’t-ibang plantang gumagawa ng kuryente na nagpalala sa kakulangan ng supply ng kuryente. b. Idinikta ng Meralco sa Therma Mobile ang mataas na presyo ng pagbenta ng power sa WESM.

May kontrata ang Therma Mobile (diesel plant) na magsupply sa Meralco ng 0.6% ng power requirements nito. Ang presyo nito para sa Nobyembre, ayon sa kontrata, ay P8.65. Ngunit ayon sa rekord ng WESM, ilang ulit na nag-bid ang Therma Mobile sa presyong P62/kWh noong Nobyembre at Disyembre. Ito ang humatak pataas ng presyo sa WESM.

Bilang may hawak ng supply contract, nasa interes ng Meralco na kontrolin ang buong supply ng Therma Mobile. Ngunit lumabas sa balita na Inuutos ng Meralco sa Therma Mobile na magbid ng mataas (P62/kWh). Sinadyang hinatak pataas ng pinakamalaking DU sa bansa ang presyo ng kuryente sa WESM.49

Page 52: Gabay sa Pagtatalakay ng EPIRA

Gabay sa Pribatisasyon ng power industry at Electric Power Industry Act of 2001 Marso 2013

Agham Advocates of Science and Technology for the People 35

c. Maaring nagsabwatan ang mga organisasyon/kumpanyang may kinalaman sa power industry:

1. Sumabay sa pag-shutdown ng Malampaya ang Pagbilao 2 at Sual 1 2. Halos itinaon din ang scheduled maintenance ng Pagbilao 2, Ilijan B, at

ng Calaca 2 sa panahong nagsasagawa ng maintenance ang Malampaya

3. Nagkaroon ng hindi maipaliwanag na shutdown ang iba pang plantang tulad ng Malaya 1 and 2, Pagbilao 2, Sta. Rita, Calaca 1, Masinloc 1 and 2 at Ilijan noong mga panahong hindi pinapatakbo ang Malampaya.

Gaya ng nabanggit na, ang mga kapitalistang nagmamay-ari ng Meralco ay parehong mga indibidwal na nagmamay-ari rin ng mga generators. Iilang indibidwal at organisasyon lamang ang mayroong shares sa GenCo na nagpo-prodyus ng kuryente at sa mga distribution units tulad ng Meralco na makikinabang sa mataas na presyo. Halos 70% ng enerhiya ng Luzon ay binibili ng Meralco kaya sila ang isa sa susing nagtatakda ng presyo ng kuryente.

d. Bilang DU, may responsibilidad pa rin Meralco na magbigay ng tapat na serbisyo sa konsyumer Kahit pa sabihin na wala silang pakinabang o kikitain sa dagdag-singil, hindi pa rin maaaring iabswelto ng Meralco ang sarili nito sa pagdadagdag sa pasaning bayarin ng mamamayan. Malinaw na walang pakialam ang mga generators at maging ang Meralco sa itataas ng singil sa kuryente, dahil nga automatic pass-on naman ito sa consumer. Kahit pa umabot sa P62/kWh ang generation charge, ipapasa lang nila ito sa consumer. Dagdag pa, ang mataas na singil ng kuryente ay nangangahulugan ng mataas na kita para sa Meralco.

Page 53: Gabay sa Pagtatalakay ng EPIRA

Gabay sa Pribatisasyon ng power industry at Electric Power Industry Act of 2001 Marso 2013

Agham Advocates of Science and Technology for the People 36

5. Magkano ang kinikita ng Meralco bilang DU? Kung titigan, para sa isang kumpanya na sinasabing walang pakinabang sa pagtaas ng presyo ng kuryente, lumobo ang kita ng Meralco noong mga nakaraang taon. Ayon sa pagaaral ng Ibon, na mula 2008 ay tumaas ang return on equity (ROE) at kita ng Meralco. Ang ROE ay isang sukatan ng kita ng isang kumpanya, ito ang halaga ng netong kita na bumalik kumpara sa pinuhanan ng kanyang mga shareholders. Ani ng grupo, mula sa 5% noong 2008 ay umakyat ang ROE ng Meralco ng 10% noong 2009, 16% noong 2010, 20% noong 2011 at 25% noong 2012. Dagdag pa, 56.3% ang tinaas ng kita ng Meralco noong nakaraang 6 na buwan. Kung titignan din ang netong kita ng Meralco na P2.6 bilyon in 2008, tumaas ito ng 6 na beses sa kita nito na P16.3 bilyon sa 2012. Para sa 2013, tinataya ng Meralco na ang netong kita nito ay aabot sa P17.5 bilyon o 7 beses ng kita nito noong 2008.50

6. Ano ang ginawa ng gubyerno upang pigilan ang dagdag-singil sa kuryente?

Sabi ni Pangulong BS Aquino, walang magagawa ang gubyerno laban sa pagtaas ng singil sa kuryente.55 Sa isang panayam, binigyan ni Aquino ng dalawang pagpipilian ang mamamayang Pilipino: mataas na presyo ng kuryente o walang kuryente. Ito rin ang sinabi ni Aquino hinggil sa krisis sa supply ng kuryente sa Mindanao.56 Mula nang maupo sa pwesto, walang ginawa ang administrasyong Aquino laban sa patuloy na pagtaas ng singil sa kuryente at sa patuloy na pribatisasyon ng power Industry.

Page 54: Gabay sa Pagtatalakay ng EPIRA

Gabay sa Pribatisasyon ng power industry at Electric Power Industry Act of 2001 Marso 2013

Agham Advocates of Science and Technology for the People 37

Mula nang isabatas ang EPIRA, dumoble ang singil sa kuryente ng Meralco. Sumirit ang singil sa kuryente mula P4.87/kWh noong 2000 tungong P10.93/kWh ngayon. Hindi pa rito kasama ang nakaambang dagdag-singil na napigilan ng mga kasong isinampa ng Makabayan bloc sa Korte Suprema (KS).

Noong unang lumabas ang isyu ng dagdag-singil, iminungkahi ni DOE Secretary Petilla na gawing “staggered” o unti-untiin ang pagsingil sa mga konsyumer sa halip na iutos na inimbestigahan ng ERC ang posibleng pang-aabuso sa presyuhan. Inaprubahan ng ERC ang staggered rate hike nang walang hearing. Hindi rin inimbestigahan ang kakaibang mga kaganapan na nagdulot ng mataas na presyo ng kuryente sa WESM.

Dagdag pa sa walang ginawa ang pamhalaan, makikinabang ang gobyerno sa P3.44/kWh increase dahil may dagdag pa itong 70 sentimos na VAT kada kWh. Kung nakakabenta ng 2.8 billion kWh sa isang buwan ang Meralco, aabot sa P1.96 bilyon ang kikitain ng gobyerno na VAT sa rate hike. 7. Paano napigilan ang pagtaas ng singil na ito?

Nang maglabas ang Meralco ng sulat sa ERC, inihain kaagad ng mga kinatawan ng Bayan Muna Partylist na sina Neri Colmenares at Carlos Zarate ang House Resolution No. 588. Inaatasan nito ang Kongreso na imbestigahan ang napakataas na pagbabago sa singil ng kuryente. Bilang tugon, inumpisahan ng House Committee on Energy ang imbestigasyon noong Disyembre 10, 2013.

Naghain ng petisyon laban sa Meralco at ERC ang Makabayan Bloc na binubuo ng Bayan Muna, Gabriela, Kabataan at ACT Teachers partylist sa KS para hilingin ang Temporary Restraining Order (TRO) sa dagdag-singil. Naghain din ng petisyon ang organisasyong Nasecore.

Noong Disyembre 23, nagisyu ng 60-araw na TRO ang KS kontra sa rate

Page 55: Gabay sa Pagtatalakay ng EPIRA

Gabay sa Pribatisasyon ng power industry at Electric Power Industry Act of 2001 Marso 2013

Agham Advocates of Science and Technology for the People 38

hike.57 Ipinatigil ang koleksyon ng dagdag-singil ngunit marami na ang nakapag-bayad. Hindi isinapubliko ng Meralco kung gaano na kalaki ang nasingil nito bago ipataw ang TRO.

Kasabay ng laban sa korte ay ang kaliwa’t kanang kilos protesta na isinagawa ng iba’t ibang progresibong grupo at mga sektor laban sa rate hike. 58 Noong Pebrero 18, pinalawig ng KS ang TRO ng karagdagang 60 araw. Kasunod nito inutusan din ng KS na itigil pansamantala ng mga GenCos ang pagsingil sa Meralco ng dagdag na generation costs.59 Marso 3, naglabas ng utos ang ERC na hindi ‘reasonable, rational, and competitive' ang presyo ng WESM noong panahon ng Nobyermbre at Disyembre 2013. Initusan naman nito ang Philippine Electricity Market Corp. (PEMC), operator ng WESM na irecompute ang presyo sa panahaong ito.60 Ang ganitong mga pangyayari ay dulot ng tuloy tuloy na protesta ng mamamayan at mga progresibong grupo.

8. Ano ang ugat ng dagdag singil sa kuryente?

Itinulak ng EPIRA ang pribatisasyon at deregulasyon ng power industry. Kung saan pinaubaya nito sa mga pribadong kumpanya ang pagbibigay ng serbisyo. Dahil sa ang tunay na interes ng mga kapitalista ay ang magkamal ng tubo, naisasantabi ang pagbibigay ng maayos na serbisyo sa presyong makakaya ng konsyumer.

Page 56: Gabay sa Pagtatalakay ng EPIRA

Gabay sa Pribatisasyon ng power industry at Electric Power Industry Act of 2001 Marso 2013

Agham Advocates of Science and Technology for the People 39

PART 4: Tuloy ang laban sa pagbabasura ng EPIRA at pagsasabansa ng power industry 10. Sa loob ng 13 taon, walang mabuting idinulot ang EPIRA sa mamamayan.

Sa kabuuan, maituturing ang EPIRA na isa sa pinakapahirap at kontra-mamamayan na programang neoliberal na iniwan ng kinasuklamang rehimeng US-Arroyo. Pinaniwala noon ng rehimeng US-Arroyo ang publiko na bababa ang singil sa kuryente, magkakaroon ng seguridad sa suplay, at mababayaran ang lumulobong utang ng NPC. Sa loob ng 13 taon, mabilis na sumirit pataas ang singil sa kuryente, nanatili ang kawalan ng seguridad sa suplay, at nanatiling baon sa utang ang NPC. Sumulpot ang bagong mga monopolyo sa enerhiya na binubuo ng mga pinakamalaking burgesya kumprador at katuwang nilang mga dayuhang negosyo.

11. Hindi babaguhin ng rehimeng US-Aquino ang kasalukuyang kaayusan sa power

Sa ilalim ng rehimeng US- Aquino, tila wala rin tayong maaasahang makabuluhang pagbabago sa program sa enerhiya. Katunayan, ang pangunahing programang pang-ekonomya ng administrasyon ni Aquino ay public-private partnership (PPP). Wala itong ipinagkaiba sa pribatisasyon ng kuryente na sinimulan ng mga proyektong BOT noong 1980s at 1990s at pinatindi ng EPIRA nitong nakalipas na dekada.

Page 57: Gabay sa Pagtatalakay ng EPIRA

Gabay sa Pribatisasyon ng power industry at Electric Power Industry Act of 2001 Marso 2013

Agham Advocates of Science and Technology for the People 40

industry. Ang pangunahing programa niyo ay pagpapatindi pa ng pribatisasyon.

12. Tanging ang sama samang pagkilos ang napatunayan na epektibong pamamaraan upang pigilan ang dagdag singil sa kuryente.

Ang pagpigil ng Korte Suprema sa nakaambang pagtataas ng singil sa kuryente sa huling buwang ng 2013 at ang desisyon na ito na hindi makatwiran ang inihapag na dagdag singil ng Meralco ay pagpapakita na sama-samang pagkilos ang pangunahing sandata ng mamamayan upang sawatain ang ganid na pagkakamal ng tubo ng mga kapitalistang nasa power industry. Kahit pa ang naunang mga refund ng Meralco sa PPA ay ibinunga ng malawak na pagkilos ng mamamayan noong 2004.

13. Kailangan ipaglaban, isulong at igiit ang pagbabasura

Sa pagtindi ng krisis pang-ekonomya at lumalalang kawalan ng trabaho at kahirapan, lalong kailangan ang mahigpit na kontrol ng gobyerno sa power industry. Para sa ordinaryong konsyumer, malaking bagay sa bitin na bitin nang badyet ang abot-kayang bayarin sa kuryente. Sa kagyat ay kailangang tutulan ang nakaambang dagdag-singil ng Meralco.

Page 58: Gabay sa Pagtatalakay ng EPIRA

Gabay sa Pribatisasyon ng power industry at Electric Power Industry Act of 2001 Marso 2013

Agham Advocates of Science and Technology for the People 41

ng EPIRA at pagsasabansa ng industriya ng kuryente.

Kaugnay nito ay kailangang ilantad ang polisiya na nasa likod ng dagdag-singil na ito at ang kontra-mamamayang balangkas ng kasalukuyang pamahalaan hinggil sa power Industry. Kailangang palitan ang kasalukuyang oryentasyon ng industriya na naniniwala sa pribatisasyon at deregulasyon bilang pinakamahusay na paraan upang maging maayos ang serbisyo. Dahil gaya na lang ng pinakita na epekto ng EPIRA, walang mabuting ibinunga sa mamamayan ang ganitong polisiya at oryentasyon.

Kontrolin at ibaba ang singil sa kuryente!

Huwag ipasa sa mamamayan ang utang ng Napocor!

Seguridad sa suplay ng kuryente, tiyakin!

Buwagin ang pribado at dayuhang monopolyo sa industriya ng kuryente!

Epira, ibasura!

Isabansa ang industriya ng kuryente!

Page 59: Gabay sa Pagtatalakay ng EPIRA

Gabay sa Pribatisasyon ng power industry at Electric Power Industry Act of 2001 Marso 2013

Agham Advocates of Science and Technology for the People 42

Talaan ng sanggunian at dagdag na babasahin Mayor na sanggunian at dagdag na babasahin

• Ever increasing rates from the EPIRA: A closer look at the electric power industry in the Philippines. AGHAM Advocates of Science and Technology for the People. http://www.bulatlat.com/news/4-52/4-52-epira.html

• Power Failure: 10 years of EPIRA, A people’s review on the impact of the Electric Power Industry Reform Act of 2001. People Opposed to Warrantless Electricity Rates (POWER), Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN), IBON Foundation Inc., AGHAM Advocates of Science and Technology for the People. June 2011. http://natoreyes.files.wordpress.com/2011/06/epira-report-final.pdf

• Power Failure: Sampung taon ng Electric Power Industry Reform Act (EPIRA). Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), Hunyo 2011. http://www.anakbayan.org/wp-content/uploads/2014/01/bayan-discussion-paper-sampung-taon-ng-epira-may-2011-final-1.pdf

Hinggil sa EPIRA at kalagayan ng sektor ng kuryente sa bansa

• Republic Act No. 9136. An act ordaining reforms in the electric power industry, amending for the purpose certain laws and for other purposes. http://www.neda.gov.ph/wp-content/uploads/2013/12/R.A.-9136.pdf

• Rules and regulations to implement republic act no. 9136, entitled "electric power industry reform act of 2001" http://lia.erc.gov.ph/documents/65

• 22nd Electric Power Industry Reform Act Implementation Status Report (Period Covering November 2012 to April 2013). Department of Energy. https://www.doe.gov.ph/doe_files/pdf/01_Energy_Situationer/22nd_EPIRA_Status_Report_Final.pdf

Hinggil sa kalagayan ng power industry

• 2012 Power statistics. Department of Energy. https://www.doe.gov.ph/doe_files/pdf/02_Energy_Statistics/Power-Statistics-2012.pdf

• The Energy Report Philippines: Growth and Opportunities int he Philippine Electric Power Sector. KPMG Global Energy Institute. http://www.kpmg.com/Global/en/IssuesAndInsights/ArticlesPublications/Documents/energy-report-philippines.pdf.

• Challenges In Pricing Electric Power Services In Selected Asean Countries Philippines. US AID. April 2013. http://www.catif.org/wp-content/uploads/2013/10/Challenges-in-Pricing-Electric-Power-Services.pdf

Page 60: Gabay sa Pagtatalakay ng EPIRA

Gabay sa Pribatisasyon ng power industry at Electric Power Industry Act of 2001 Marso 2013

Agham Advocates of Science and Technology for the People 43

1 Image source: http://eex.gov.au/files/2012/01/AEMO-Transport-of-Electricity_High-Res.jpg 2 Brain, Marshall. "How Power Grids Work" 01 April 2000. HowStuffWorks.com. http://science.howstuffworks.com/environmental/energy/power.htm. 15 March 2014. 3 Distributed generation in Cuba. Mario Alberto Arrastía Avila. Cogeneration and On-Site Power Production november–december 2008 http://www.cubanismo.net/teksten_nl/sociaal/distri_generation.pdf 4 http://en.wikipedia.org/wiki/Meralco 5 http://www.doe.gov.ph/about-doe/who-we-are/energy-sector-milestones 6 Cham, Ma. Rowena. The Philippine power sector: Issues and solutions. June 2007. 7 Power Failure: Sampung taon ng Electric Power Industry Reform Act (EPIRA). Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), Hunyo 2011 8 Philippine power industry restructuring and privatization. July 7, 2007. http://pcij.org/blog/wp-docs/Philippine_Power_Fact_Sheet.pdf 9 Padilla, Arnold. The role of foreign lenders, investment banks, and credit rating agencies in Philippine power sector reform. 13 June 2011. http://arnoldpadilla.wordpress.com/2011/06/13/the-role-of-foreign-lenders-investment-banks-and-credit-rating-agencies-in-philippine-power-sector-reform. 15 March 2014. 10 Padilla, Arnold. 10 years of EPIRA: what went wrong? 6 June 2011. http://arnoldpadilla.wordpress.com/2011/06/06/10-years-of-epira-what-went-wrong/. 15 March 2014. 11 Image source: http://www.doe.gov.ph/doe_files/pdf/Researchers_Downloable_Files/EnergyPresentation/Philippine_Power_Sector.pdf 12 Rules And Regulations To Implement Republic Act No. 9136, Entitled "Electric Power Industry Reform Act Of 2001" http://lia.erc.gov.ph/documents/65 13 Image source: http://salimbangon.systemixp.com/images/pw2.jpg 14 Image source: http://www.erc.gov.ph/admin/UploadFiles/Documents/Infographics_WESM.jpg 15 Republic Act No. 9136. An Act Ordaining Reforms In The Electric Power Industry, Amending For The Purpose Certain Laws And For Other Purposes. http://www.neda.gov.ph/wp-content/uploads/2013/12/R.A.-9136.pdf 16 Image source: http://www.erc.gov.ph/admin/UploadFiles/Documents/ERC Primer 2011.pdf 17 Rules And Regulations To Implement Republic Act No. 9136, Entitled "Electric Power Industry Reform Act Of 2001" http://lia.erc.gov.ph/documents/65 18 Image source: http://www.doe.gov.ph/doe_files/pdf/Researchers_Downloable_Files/Brochures/Unbundling_of_Rates.pdf 19 Image source: http://www.gmanetwork.com/news/photo/50283/what-goes-into-your-electricity-bill 20 Albert, Jose Ramon G. "What Drives Electricity Rates to Go Up, Up and Away?" NSCB. 27 September 2013. http://www.nscb.gov.ph/sexystats/2013/SS20130927_electricity.asp. 15 March 2014. 21 Image source: http://www.erc.gov.ph/admin/UploadFiles/Documents/812_pub-unbundled.pdf 22 Image source: http://www.erc.gov.ph/admin/UploadFiles/Documents/EvolutionGRAdjmech.jpg 23 Energy Regulatory Commission. Ating Alamin ang PPA. http://www.erc.gov.ph/admin/UploadFiles/Documents/Alamin ang PPA.PDF. 15 March 2014. 24 Image source: http://www.napocor.gov.ph/index.php/universal-charge 25 Image source: http://static.rappler.com/images/energy-regional-comparison%202012-08-18.png 26 http://www.MERALCO.com.ph/pdf/rates/2014/January/01_2014_Rate_Schedule.pdf 27 International Energy Consultants. Regional Comparison of Retail Electricity Tariffs. June 2012.

Page 61: Gabay sa Pagtatalakay ng EPIRA

Gabay sa Pribatisasyon ng power industry at Electric Power Industry Act of 2001 Marso 2013

Agham Advocates of Science and Technology for the People 44

http://www.MERALCO.com.ph/pdf/newsandupdates/2012/NW04812a_link.pdf.15 March 2014. 28 Anonuevo, Euan Paulo C. "PH electricity rates among 10 highest in survey of 44 countries." InterAksyon.com. 16 August 2012. http://www.interaksyon.com/business/40664/ph-electricity-rates-among-10-highest-in-survey-of-44-countries. 15 March 2014. 33 http://www.psalm.gov.ph/liability.asp - pdp 34 PSALM’s Debt Profile. http://www.psalm.gov.ph/liability.asp - pdp.15 March 2014. 37 Gonzales, Iris. "YEARENDER: No shortage of energy woes in 2013." The Philippine Star. 28 December 2013.. http://www.philstar.com/business/2013/12/28/1272590/yearender-no-shortage-energy-woes-2013. 15 March 2014. 38 Rosauro, Ryan. "Mindanao power crisis: 2010 all over again, but with differences." Inquirer.net. 14 April 2012. http://newsinfo.inquirer.net/176799/mindanao-power-crisis-2010-all-over-again-but-with-differences. 15 March 2014. 39 The Energy Report Philippines: Growth and Opportunities int he Philippine Electric Power Sector. http://www.kpmg.com/Global/en/IssuesAndInsights/ArticlesPublications/Documents/energy-report-philippines.pdf.15 March 2014. 41 https://www.ngcp.ph. 15 March 2014. 42 Power Failure: 10 years of EPIRA, A people’s review on the impact of the Electric Power Industry Reform Act of 2001. People Opposed to Warrantless Electricity Rates (POWER), Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN), IBON Foundation Inc., AGHAM Advocates of Science and Technology for the People. June 2011. http://natoreyes.files.wordpress.com/2011/06/epira-report-final.pdf 44 Image source: http://www.meralco.com.ph/resources/images/120413_Rel_Companies_Group_large_01.png 45 Image source: http://www.mommypracticality.com/2013/12/meralco-advisory-plus-energy-efficiency.html 46 http://www.Meralco.com.p 47 Image source: Meralco Advisory Plus Energy Efficiency Tips. December 23, 2013. http://www.mommypracticality.com/2013/12/Meralco-advisory-plus-energy-efficiency.html 48 Meralco’s staggered rate hike OK’d By Bong Lozada, Riza Olchondra. INQUIRER.net, Philippine Daily Inquirer. 3:20 pm December 9th, 2013. http://newsinfo.inquirer.net/543319/erc-approves-Meralcos-p2-41-power-hike-option-for-december 49 Meralco inflated charges, SC told by Buena Bernal POSTED ON 01/21/2014 6:38 PM. UPDATED 01/23/2014 8:09 AM. http://www.rappler.com/business/industries/173-power-and-energy/48556-Meralco-hike-supreme-court-oral-arguments 50 Ibon. "Meralco profitability soaring amid rising power rates--IBON." 22 January 2014. http://ibon.org/ibon_articles.P?id=362. 15 March 2014. 55 Ubac, Michael Lim. "Aquino says he has no power to stop power rate hike." Philippine Daily Inquirer. 14 December 2013. http://newsinfo.inquirer.net/546365/aquino-says-he-has-no-power-to-stop-power-rate-hike. 15 March 2014. 56 Burgonio, TJ. "Aquino: Higher Mindanao power rates inevitable." Philippine Daily Inquirer. 27 March 2013. http://newsinfo.inquirer.net/380609/aquino-higher-mindanao-power-rates-inevitable. 15 March 2014. 57 Diola , Camille. "SC halts Meralco rate hike." Philstar.com. 23 December 2013. http://www.philstar.com/headlines/2013/12/23/1271382/sc-halts-Meralco-rate-hike. 15 March 2014. 58 Arkibong Bayan. "The people vs the conspiracy of the power cartel and government bureaucrat-capitalists Protesting the P4.15/kwh increase in electricity rates. January 21, 2014." http://www.arkibongbayan.org/2014/2014-01Jan21-vsMeralcoRatesHike/VsPowerHike2.htm. 15 March 2014. 59 Avendaño, Christine O. "60-day extension of TRO on power rate." Philippine Daily Inquirer. 19 February 2014. http://newsinfo.inquirer.net/578979/sc-extends-tro-on-Meralco-power-rate-hike-by-60-days-until-apr-22 60 Salaverria, Leila B. "Meralco ready to refund excess charges." Philippine Daily Inquirer. 13 March 2014. http://business.inquirer.net/166005/Meralco-to-refund-excess-after-erc-orders-re-computation-of-spot-market-power-rates.15 March 2014.

Page 62: Gabay sa Pagtatalakay ng EPIRA

AGHAM Advocates of Science and Technology for the People!Address: 279-B Scout Fuentebella St. Brgy. Sacred Heart, Kamuning, Quezon City!

Telephone: +632 998 4226 !E-mail: [email protected] !

www.agham.org!