Top Banner
1 Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula FILIPINO Ikaapat na Markahan - Modyul 6 El-Filibusterismo – Kabanata XIX-XXV
16

Modyul 6 El-Filibusterismo – Kabanata XIX-XXV - ZNNHS

Mar 30, 2023

Download

Documents

Khang Minh
Welcome message from author
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
Page 1: Modyul 6 El-Filibusterismo – Kabanata XIX-XXV - ZNNHS

1

Republic of the Philippines

Department of Education

Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

FILIPINO Ikaapat na Markahan - Modyul 6

El-Filibusterismo – Kabanata XIX-XXV

Page 2: Modyul 6 El-Filibusterismo – Kabanata XIX-XXV - ZNNHS

2

Alamin

Magandang araw kaibigan! Una sa lahat binabati kita dahil matagumpay

mong natapos ang panlimang modyul. Hinahangaan kita sa taglay mong dedikasyon at

husay sa pag-aaral sa gitna ng krisis na ating hinaharap. Ngayon panibagong kaalaman

at kasanayan na naman ang iyong matututuhan sa ikaanim na modyul na ito na tatalakay

sa ikalabinsiyam hanggang ikadalawampu’t limang kabanata ng nobelang El

Filibusterismo. Kaya bago mo ipagpatuloy ang paggawa sa modyul na ito siguraduhin mo

munang nabasa mo na ang nabanggit na mga kabanata.

Sa araling ito malalaman mo ang kahulugan ng mga salitang hiram sa

wikang Espanyol. Susuriin din natin ang mga pangyayari sa akda na may kaugnayan sa

mga pangyayari sa kasalukuyan upang malaman ang pagkamakatotohanan ng akdang

ito. Base naman sa mga kaisipang namayani sa akda, bibigyang ka rin ng pagkakataong

maipaliwanag ang sarili mong paniniwala at pagpapahalaga at panghuli gagamitin mo ang

mga angkop na salitang naghahambing.

Tayo na’t tuklasin natin! Pakatandaan, upang matapos mong matagumpay

ang modyul na ito kailangang matamo ang mga kasanayang pampagkatuto. Kaya naman

pagkatapos mapag-aralan ang buong modyul, ikaw ay inaasahan na;

1. Naipaliliwanag ang kahulugan ng mga salitang hiram sa wikang Espanyol

F10PT-IVg-h-85

2. Naisasaad ang pagkamakatotohanan ng akda sa pamamagitan ng pag-uugnay

ng ilang pangyayari sa kasalukuyan F10PB-IVh-i-92

3. Nagagamit ang angkop na mga salitang naghahambing F10WG-IVg-h-81

4. Naisusulat ang pagpapaliwanag ng sariling mga paniniwala at

pagpapahalaga kaugnay ng mga kaisipang namayani sa akda F10PU-IVd-e-87

Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa nobelang

El Filibusterismo bilang isang obra maestrang pampanitikan

Ang mag-aaral ay nakapagpapa-

labas ng makabuluhang photo/video

documentary na magmumungkahi ng

solusyon sa isang suliraning panlipunan sa

kasalukuyan

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Jeffry C. Villamor at Jefrey D. Batuigas

Editor/Tagasuri: Meldred F. Enriquez / Jill B. Lubguban

Tagalapat:

Tagapamahala: Majarani M. Jacinto,EdD, CESO VI

OIC, Schools Division Superintendent

Raymond M. Salvador, EdD; CESE III

OIC, Asst. Schools Division Superintendent

Visminda Q. Valde, EdD - Asst. Schools Division Superintendent

Juliet A. Magallanes, EdD- Chief Education Supervisor, CID

Josephine L. Tomboc, EdD- EPS-Filipino

Florencio R. Caballero, DTE - EPS, LRMDC

Page 3: Modyul 6 El-Filibusterismo – Kabanata XIX-XXV - ZNNHS

3

Ang araling ito ay gabay mo upang mas lumalim pa ang iyong pag-unawa at pagpapahalaga sa nobelang El Filibusterismo. Tandaang kailangang

nabasa mo na ang mga kabanatang ito sa nobela.

Balikan Natutunan mo sa naunang aralin ang paggamit ng angkop na mga

salitang hudyat sa pagpapahayag ng saloobin o damdamin, ngayon tingnan natin

kung naaalala mo pa ang mga ito.

GAWAIN 1: Panuto: Sipiin sa iyong sagutang papel ang mga pangungusap na

nagpapahayag ng saloobin o damdamin at salungguhitan ang salita na hudyat sa pagpapahayag nito.

1. Gaya ng hinaharap ni Quiroga na mga isyu at sistema sa pier, sa aking pananaw

ay hindi pa rin nawawala ang ganitong mga isyu sa ating bansa, nagbago lang ang

mukha pero paikot-ikot lang ang bulok na sistemang ito. 2. Ibig na ni Placido Penitente na umuwi at magtrabaho na lamang, ayaw na niyang

ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. 3. Sa pagkakaintindi ko, ang pagpapahiya ng isang guro sa kanyang mag-aaral sa

loob ng klase ay isang pang-aalipusta gaya ng ginawa ni Padre Millon kay Placido Penitente.

Tuklasin

I. Naipaliliwanag ang kahulugan ng mga salitang hiram sa wikang Espanyol

F10PT-IVg-h-85 Talasalitaan: Narito ang mga salitang hiram sa wikang Espanyol at Pranses na

mababasa natin sa nobela. Tandaan mong mabuti ang mga kahulugan nito at bigyang pansin ang kahulugan ng isang pahayag na mabubuo mula rito.

Talahanayan A

Mga Salitang Hiram Kahulugan

Memento Tanda/Alaala

Pulvis Pulbo/Alikabok

Homo Tao/Lalaki

Es Ikaw ay

Flumina Ilog

Super Sa

Babylonis Babylon

Sedimus Nakaupo kami

Similia/Similibus Pagkagusto

Curantur Paggamot/Pagpapagaling

Les Ang

Cloches Mga kampana

De Ng

Aralin

4.6 EL FILIBUSTERISMO

(Kabanata XIX-XXV)

Page 4: Modyul 6 El-Filibusterismo – Kabanata XIX-XXV - ZNNHS

4

A. Pagpapaliwanag sa hiram na pahayag; Hiram na pahayag; Memento homo, quia pulves es. Katumbas sa Filipino; Tandaan mo, tao, na ika’y alabok.

Maipapaliwanag mo ba kung bakit ganito ang katumbas na kahulugan nga hiram na pahayag base sa kahulugan ng mga hiram na salita sa itaas?

Tumpak! Sang-ayon sa talahanayan sa itaas ang kahulugan ng memento ay tanda o alaala, ang homo naman ay nangangahulugang tao at ang pulves ay may

kahulugang pulbo o alikabok.

B. Pagpapaliwanag sa hiram na salita;

Kapwa may bongo de copa sa ulo sina Camaroncocido at Tiyo Kiko upang makaiwas sa init at ulan.Ano ang kahulugan ng sinalungguhitang salita na hiram

sa Espanyol? Tama! Ang kahulugan ng sinalungguhitang salita ay salakot o som- brero

dahil sang-ayon sa pangungusap ay inilalagay ito sa ulo para makaiwas sa init at ulan.

II. Naisasaad ang pagkamakatotohanan ng akda sa pamamagitan ng pag-

uugnay ng ilang pangyayari sa kasalukuyan F10PB-IVh-i-92

Basahin mo ang dalawang pangyayari sa loob ng kahon, masasabi mo ba ang kaugnayan ng isa’t isa?

Pangyayari sa akda Pangyayari sa kasalukuyan

Nasaktan ng husto si Placido Penitente sa

panlilibak at pagpapahiya na ginawa ng

kanyang mga gurong prayle kaya’t naisipan niyang huwag nang bumalik sa pag-aaral at

pumunta na lang sa Hongkong upang matakasan ang mapait niyang kalagayan.

Mas pinili na lang ni Jane ang

magtrabaho sa murang edad at tumigil

na lang sa pag-aaral. Hindi naman siya nahihirapan sa mga aralin ngunit

bumibigat ang mga ito dahil sa mga masasakit na biro ng kanyang mga

kaklase na paminsan pang sinasabayan ng kanyang guro. Idagdag

mo pa ang mga panlalait at panlilibak ng mga ito sa kanyang kalagayan sa

buhay

Mapapansin mo na parehong tungkol sa pag-aaral ang dalawang pangyayari at halos pareho rin ang dahilan ng kanilang pagtigil sa pag-aaral at ang paraan ng

kanilang pagtalikod dito. Ang isa ay mula sa nobela at ang isa ay hango naman sa tunay na buhay, ibig sabihin ang akdang ito ay talagang makatotohanan dahil kahit hanggang

ngayon sa tunay na buhay ay nangyayari ang ganitong paniniil sa kapwa na nagdudulot ng kapariwaraan sa buhay ng ilan. Siguro may karapatan tayong magalit sa ibang tao

pero wala tayong karapatang alipustahin at hamakin ang ating kapwa.

III. Nagagamit ang angkop na mga salitang naghahambing F10WG-IVg-h-81 Mga pangungusap na naghahambing

1. Si Don Custodio ay may budhing kasinlinis kay Epaminodas ng Gresya. 2. Mas nagpapahalaga si Don Custodio sa kanyang dangal kaysa sa ibang mga

Kagawad ng Batasan na kimi’t tamad at nisisyahang matulog sa pulong at bumubutong kasama ng nararami.

3. Ang pananamit ni Camaroncocido ay di-gaanong malinis na gaya ng kay Tiyo Kiko.

Sa iyong pagsipat, aling salita ang naghahambing sa bawat pangungusap?

Page 5: Modyul 6 El-Filibusterismo – Kabanata XIX-XXV - ZNNHS

5

Magaling! Sa unang pangungusap ang salitang naghahambing ay kasinlinis, sa ikalawa naman ay mas at kaysa at sa ikatlo ay di-gaano at kaysa.

Sa palagay mo angkop ba ang mga salitang naghahambing na ginamit sa

Bawat pangungusap? Maari mo bang ipaliwanag?

Tumpak! Ang husay mo naman. Angkop na angkop ang mga salitang

naghahambing na ginamit sa bawat pangungusap. Una ang salitang kasinlinis ay naghahambing ng dalawang may parehong katangian kaya angkop itong gamitin sa

unang pangungusap. Ang salitang mas at kaysa naman ay angkop din gamitin sa ikalawang pangungusap dahil ang paksa o simuno nito ay may higit na katangian sa

bagay na pinaghahambingan. Panghuli, ang salitang di-gaano at kaysa ay ginagamit

naman kung ang paksa ng pangungusap ay mas mababa ang katangian kaysa sa pinaghahambingan gaya ng sa ikatlong pangungusap.

IV. Naisusulat ang pagpapaliwanag ng sariling mga paniniwala at pagpapahalaga

kaugnay ng mga kaisipang namayani sa akda F10PU-IVd-e-87

Maraming mga pangyayari o mga pahayag ng tauhan na nagpapahiwatig ng mga kaisipang namamayani sa nobela na tiyak na pupukaw at

makakaimpluwensiya sa ating mga paniniwala at pagpapahalaga. Basahin mo ang

ginawa kong paliwanag ng sariling paniniwala at pagpapahalga base sa isang kaisipang namayani sa nobela.

Pangyayari o pahayag sa nobela

“Ang kanser ay magagamot lamang ng apoy at bakal. Ang kasalanan ay dapat pagbayaran…kung nakagawa man ako ng masama, ito ay para sa kabutihan din

at ang wakas ang siyang magpapatunay sa kadahilanan. Hindi ko dapat ihayag ang aking sarili.” Kaisipang namayani sa akda

Inihahayag sa pangyayaring ito ang paghihiganti sa naranasang karahasan gamit din ang karahasan sa layuning matatamo ang inaasam na kalayaan sa panahon kung kailan naisulat ang nobelang ito. Kung baga hinihikayat ng may-akda sa panahong ito ang mga Filipino na lumaban, na ang katuparan ng kanilang minimithing kalayaan at makapapawi sa sakit ng lipunan ay matatamo sa pamamagitan ng madugong rebolusyon. Paliwanag ng sariling paniniwala at pagpapahalaga

Kung sisipatin natin ang kaisipan sa pangyayaring ito sa panahon kung kailan naisulat ang akda, hindi ko maitatatwang sisiklab ang damdaming makabayan ng mga ninuno natin dahil napakahusay ng pagkalahad ng may-akda sa kaisipang nais niyang iparating. Ngunit kung ibabatay natin ito sa kasalukuyang panahon at sa simpleng pakikipag-ugnayan natin sa kapwa, sa aking pananaw bilang isang kristiyano ay hindi katanggap-tanggap ang ganitong ideya o gawain. Sa pagkakaintindi ko ang gawaing masama ay mananatiling masama maging mabuti man ang layunin o nais makamit nito.

Sang-ayon ka ba sa paliwanag ko? Katanggap-tanggap ba ang paglalahad

ko nito? Huwag kang mag-alala magkakaroon ka rin ng pagkakataong maipahayag ang iyong sariling paniniwala base sa mga kaisipang nabasa mo sa akda pagkatapos na

maging malinaw sa iyo ang araling ito.

Suriin Kaibigan alam kong medyo mahirap intindihin ang mga nabasa mo sa

naunang bahagi ng araling ito, pero huwag kang mabahala gagabayan kita upang

Page 6: Modyul 6 El-Filibusterismo – Kabanata XIX-XXV - ZNNHS

6

matutuhan mo ang lahat ng kasanayang nais mong matamo. Halika’t himayin natin ang bawat isa. Kasanayan 1. Naipaliliwanag ang kahulugan ng mga salitang hiram sa wikang Espanyol F10PT-IVg-h-85 Talasalitaan

Kadalasan ang kahulugan ng mga mahihirap na salita na ginagamit sa

bawat akda ay makikita sa pamamagitan ng mga pahiwatig, kung papaanong ginamit ang salita sa pangungusap at o literal na ibinibigay at ipinaliliwanag ng may-akda gamit

ang mga talahanayan. Kaya ang pagpapaliwanag sa mga kahulugan ng mga ito ay nakadepende sa kung paano ito inilalahad o ginagamit sa akda.

A. Pagpapaliwanag sa hiram na pahayag;

Sa pagpapaliwanag sa kahulugan ng mga hiram na pahayag, una iniisa-

isa natin ang bawat salita at hinahanap ang katumbas nito sa ating wika sang-ayon sa ibinibigay ng mga reperensiya. Sa modyul na ito makikita mo iyon sa Talahanayan

A. Pagkatapos ay binubuo natin ang katumbas nitong kahulugan sang-ayon sa hinihingi ng hiram na pahayag. Masasabi nating ito’y isang paraan ng pagsasaling

wika ngunit pakatandaan na ang sinasalin natin ay ang diwa ng pahayag at hindi ang bumubuong mga salita nito.

Sa unang halimabawa na “Memento homo, quia pulves es” sang-ayon sa talahanayan sa itaas ang kahulugan ng memento ay tanda o alaala, ang homo

naman ay nangangahulugang tao at ang pulves ay may kahulugang pulbo o alikabok kaya pwede ang katumbas na pahayag nito sa Filipino na “Tandaan mo, tao, na ika’y

alabok”. B. Pagpapaliwanag sa hiram na salita;

Ang ganitong pagpapaliwanag naman ay nakadepende sa ibinibigay na kahulugan ng mga reperensiya gaya ng diksyunaryo , sa pahiwatig na kahulugan at sa kung papaano ginamit ang salita sa loob ng pangungusap.

Sa halimbawang pangungusap na “Kapwa may bongo de copa sa ulo sina Camaroncocido at Tiyo Kiko upang makaiwas sa init at ulan” ang kahulugan ng

sinalungguhitang salita ay salakot o sombrero dahil sang-ayon sa pangungusap ay inilalagay ito sa ulo para makaiwas sa init at ulan.

Sa halimbawang ito kitang-kita na ang kahulugan ng salita ay inihahayag sa pamamagitan ng kung papaano ito ginamit sa pangungusap at sa

pahiwatig na kahulugan.

Kasanayan 2. Naisasaad ang pagkamakatotohanan ng akda sa pamamagitan ng pag- uugnay ng ilang pangyayari sa kasalukuyan F10PB-IVh-i-92

Ang akdang ito ni Dr. Jose P. Rizal ay sadyang makatotohanan dahil

masasalamin dito ang mga pangyayari sa kasagsagan ng pananakop ng mga Kastila lalo na ang paggamit ng mga prayle sa kapangyarihan upang mapaikot ang pamahalaan

at ang mamamayan. Ibig sabihin masasabi nating makatotohanan ang isang akda kung hango ito o may malaking kaugnayan sa tunay na pangyayari sa buhay.

Pakatandaan lang natin na mas magiging makatotohanan ang akdang ito kung maiuugnay pa rin natin ang mga pangyayari dito sa tunay na mga nagaganap sa

ating kasalukuyang panahon sa pamamagitan ng mga kaisipang namamayani sa bawat

pangyayari.

Kasanayan 3. Nagagamit ang angkop na mga salitang naghahambing F10WG-IVg-h-81

Ang kaangkupan sa paggamit ng mga salitang naghahambing ay naka- depende sa antas ng paghahambing dahil may dalawang uri ng paghahambing, ang

paghahambing na patulad at di-patulad.

Page 7: Modyul 6 El-Filibusterismo – Kabanata XIX-XXV - ZNNHS

7

Sa paghahambing na patulad puweding gamitin ang sumusunod na

mga salita dahil naghahambing lamang ito ng dalawang may kaparehong katangian. 1. magka-

2. magsing- / magsin- (para sa ikakabit na salitang ugat na nagsisimula sa letrang d, l, r, s, o t) / magsim- (para sa ikakabit na salitang ugat na

nagsisimula sa letrang b o p)

3. magkasing- / magkasin- (para sa ikakabit na salitang ugat na nagsisimula sa letrang d, l, r, s, o t) / magkasim- (para sa ikakabit na salitang ugat na

nagsisimula sa letrang b o p) 4. kasing- / kasin- (para sa ikakabit na salitang ugat na nagsisimula sa letrang

d, l, r, s, o t) / kasim- (para sa ikakabit na salitang ugat na nagsisimula sa

letrang b o p) 5. sing- / sin- (para sa ikakabit na salitang ugat na nagsisimula sa letrang d,

l, r, s, o t) / sim- (para sa ikakabit na salitang ugat na nagsisimula sa letrang b o p)

6. ga- : halimbawa gabutil (kasinliit ng butil) at gabundok (kasinlaki ng bundok)

Ang paghahambing na di-patulad naman ay nahahati sa dalawa ang pahambing na palamang at pahambing na pasahol.

Palamang ang paghahambing kung ang paksa o simuno sa pangungusap

na inihahambing ay may higit na katangian kaysa pinaghahambingan kaya gumagamit ng mga mga salitang;

1. higit na…kaysa 4. di-hamak na…kaysa

2. lalo/lalong…kaysa 5. lubha/lubhang…kaysa 3.mas…kaysa

Pasahol naman ang paghahambing kung ang pinaghahambingan ay

mas higit ang katangian sa paksa o simuno ng pangungusap na inihahambing at angkop na gamitin ang mga salitang;

1. di-gaano/di-gaanong…na gaya/na tulad 2. di-lubha/di-lubhang…na gaya/na tulad

3. di-gasino/di-gasinong…na gaya/na tulad

4. di-masyado/di-masyadong…na gaya/na tulad

Kasanayan 4. Naisusulat ang pagpapaliwanag ng sariling mga paniniwala at pagpapa- halaga kaugnay ng mga kaisipang namayani sa akda F10PU-IVd-e-87

Gagamitin mo ang natutunan mo sa naunang modyul ang tungkol sa paggamit ng angkop na mga salitang hudyat sa pagpapahayag ng saloobin o

damdamin. Kung mapapansin mo ang paliwanag sa ikaapat na kasanayan sa

bahaging tuklasin ng modyul na ito may mga pahayag na nakaitalisado. Ang mga pahayag na ito’y sariling saloobin o damdamin na reaksyon tungkol sa kaisipang

lumilitaw o nais iparating ng may-akda. Inilalahad ang mga saloobing ito gamit ang mga salitang hudyat sa

pagpapahayag ng saloobin o damdamin upang maging pormal at katanggap-tanggap ang paglalahad nito kahit na sabihin pang hindi naman sang-ayon ang iilan sa

sariling saloobin ng iba. Ibig sabihin hindi natin ipinagpipilitang tanggapin ang sarili nating pananaw bagkus ay inilalahad lang natin ito sa isang mabisa at tanggap na

paraan. Kung baga ito ang tamang paraan ng malayang pagpapahayag ng ating

saloobin at damdamin sa alin mang plataporma lalo na sa social media.

Page 8: Modyul 6 El-Filibusterismo – Kabanata XIX-XXV - ZNNHS

8

Pagyamanin

Kumusta kaibigan? Nakikita kong may namumuo nang kaalaman sa iyong isipan at nagpapahiwatig na handa ka ng mas matuto pa sa mga kasanayang

pinagtutuunan natin ng pansin. Halika! Subukin natin ang iyong kaalaman nang mapagtibay mo ang natutunan mong kasanayan.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tuntunin at sagutin sang-ayon sa hinihingi ng bawat gawain.

GAWAIN 1. Ipaliwanag mo. Ibigay ang kahulugan ng mga hiram na pahayag at salita na nakaitalisado sa bawat pangungusap at ipaliwanag kung bakit ito ang katumbas na

kahulugaan. Isulat ang iyong sagot sa isang malinis na papel. 1. Ang taong iyan ay isang mangangalakal na ang lahat ng bagay ay pingadadayaan, pati

na ang kanyang Fe de Bautismo, ang katibayan ng kanyang pagiging kristiyano.

Kahulugan:___________________________________________________________________ Paliwanag:____________________________________________________________________

2. Ipinaskil ang mga pulang kartelon na nagbabalita ng Les Clotches de Corneville. Kahulugan___________________________________________________________________

Paliwanag:____________________________________________________________________

GAWAIN 2. Pag-ugnayin mo. Piliin mula sa ibaba ang pangyayari sa kasalukuyan na

maaring maiugnay sa pangyayaring mula sa akda. Hanapin din sa isa pang hanay ang kaisipang nag-uugnay sa dalawang pangyayari upang masabi natin na talagang

makatotohanan ang akda. Titik lamang ang isulat sa inyong sagutang papel.

Pangyayari sa akda: Ang pagkalulong ni Kapitan Tiyago sa paghitit ng opyo na naging dahilan ng

kanyang mabilis na panghihina ng katawan at nagbigay daan upang harapin niya ang kanyang kamatayan. Hindi matukoy kung sino ang nagbibigay ng opyo gayong mahigpit itong binabantayan ni Basilio at ang tanging dumadalaw sa kapitan ay sina Simuon at Pari Irene. Ang una ay bihirang dumalaw at ang ikalawa ay kabaliktaran.

Mga Pagpipilian

Pangyayari sa kasalukuyan A. Ang bangayan at sisihan ng mga politiko sa ating bansa sa gitna ng kinakaharap

nating pandemya. Hindi pa rin magkasundo ang bawat panig, ang administrasyon at ang oposisyon, nariyang sinisiraan ng pangalawa ang una at binabatikos naman ng una ang

pangalawa.

B. Ang patuloy pa ring paglaganap ng ipinagbabawal na gamot sa ating bansa kahit pa sa mahigpit na kampanya ng ating pangulo. Marami pa rin ang mga nahuhuling naglalako

at gumagamit nito.

Kaisipan A. Noon pa man ay naging suliranin na ang pagkalulong sa ipinagbabawal na gamot

na nagpapalubha sa problema ng ating bayan hanggang sa kasalukuyan. Masasabing hindi pa rin nagtatagumpay ang pamahalaan upang masugpo ang paglaganap nito dahil hindi

mo mawari kung kanino at kung saan ito nagmumula.

B. Ang hindi pagkakaisa ang siyang ugat ng suliranin sa ating bansa na hanggang ngayon ay hindi pa rin nalulutas na tila lumalala pa. Hindi mo na tuloy nalalaman kung

sino ang siyang may tunay na pagmamahal sa bayan dahil di nila alintana na walang maidudulot na maganda sa bayan ang patuloy na patutsadahan.

Page 9: Modyul 6 El-Filibusterismo – Kabanata XIX-XXV - ZNNHS

9

GAWAIN 3. Paghambingin mo.Gamit ang angkop na mga salitang naghahambing, paghambingin mo ang ang mga tauhang magkapares sa ibaba ayon sa paglalarawan o

katangian nito. Isulat ang iyong paghahambing sa isang malinis na papel

Mga tauhan Katangian o Paglalarawan

1. Isagani at Juanito Pelaez Mahal at sinisinta ni Paulita Gomez

2. Tadeo at Sandoval Kahusayan sa pag-iintindi ng salitang

Pranses

GAWAIN 4. Buuin mo.Piliin sa loob ng kahon ang mga paliwanag na sa tingin mo’y nalalapit sa iyong sariling paniniwala at pagpapahalaga kaugnay sa kaisipang inilalahad ng akda.

Isulat mo ito ng patalata sa iyong sagutang papel.

Kaisipan

Magkasalungat ang paniniwala ng bawat tao tungkol sa pagtatamo ng kaunlaran gaya ng pagkakasalungat ng mga pangarap at pananaw sa buhay nina Isagani at Paulita

Gomez.

Mga pagpipiliang paliwanag

1. Sa pakiwari ko ay magiging maligaya ang sinumang nagmamahalan kung ang

kanilang mga pangarap ay magkaugnay. 2. Hindi man madaling gawin ngunit para sa akin ang pakikipagkasundo sa

kapwa ay magdudulot ng mabuting ugnayan.

3. Ang kaunlaran ay hindi maabot kung walang mangyayaring pagkakasunduan.

4. Mahirap mang matamo ang iisang hangarin pero base sa aking karanasan, ang pagkakaisa ang siyang daan patungo sa kaunlaran.

5. Mas gagaan ang isang gawain kung magtutulungan at dahil dito’y may uusbong pang mabuting pakikipagsamahan.

Isaisip

Malayo na ang ating narating kaibigan. Alam kong nahirapan ka sa pagsagot sa mga gawain ngunit hindi mo maitatatwang marami kang natutuhan sa ating aralin ngayon.

Isulat mo ang iyong mga kaalaman na natutuhan mula rito.

I. Talasalitaan:

A. Sa pagpapaliwanag ng hiram na pahayag; Natutunan ko na _________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________ B. Sa pagpapaliwanag ng hiram na salita;

Natutunan ko na ________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________

II. Pagiging makatotohanan ng akda: Masasabi nating makatotohanan ang isang akda kung;

____________________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________________

Page 10: Modyul 6 El-Filibusterismo – Kabanata XIX-XXV - ZNNHS

10

Mas magiging makatotohanan ang akda kung maiuugnay pa rin natin ang mga pangyayari dito sa _____________________________________________________________

____________________________________________________ sa pamamagitan ng mga ___________________________________________________________________.

III. Paggamit ng angkop na mga salitang naghahambing:

Ang kaangkupan sa paggamit ng mga salitang naghahambing ay nakasalalay sa;_____________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________________ IV. Pagpapaliwanag ng sariling mga paniniwala at pagpapahalaga

Nailalahad ko ang sariling mga paniniwala at pagpapahalaga kaugnay ng mga kaisipang namayani sa akda gamit ang mga salitang __________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Mahalaga ito dahil ____________________________________________________ _____________________________________________________________________________________

Tayahin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat katanungan. Isulat ang tamang sagot sa iyong sagutang papel sang-ayon sa hinihingi ng bawat aytem.

Para sa bilang 1 hanggang 3, ibigay ang paliwanag sa kahulugan ng salita o pahayag na sinalungguhitan sa loob ng pangungusap. Maaari mong gamitin ang talahanayan A sa

bahaging tuklasin ng modyul na ito. 1. Ang mga palko sa itaas ng teatro na iilan lang ang upuan at walang bubungan ay puno

ng mga kababaihan at nagtila bakal na puno ng bulaklak. Kahulugan: Balkonahe

Paliwanag: ______________________________________________________________________

2. “Isang piging na katulad ng sa mga bilanggo, super flumina Babylonis sedimus!” Ang sabi ni Tadeo.

Kahulugan: Nakaupo kami sa ibabaw ng ilog ng Babylon! Paliwanag: ______________________________________________________________________

3. “Iyang kagalang-galang na ginoo na maayos ang pagkakabihis ay hindi mediko, kundi

kakaibang nilalang na sa lahat ng bagay ay naniniwala sa similia similibus curantur”. Kahulugan: Ang pagkagusto ay napapagaling din ng pagkagusto.

Paliwanag: _____________________________________________________________________

Para sa bilang 4 hanggang 5, piliin kung aling pangyayari sa kasalukuyan ang maaari mong maiugnay sa mahalagang pangyayari/kaisipan na mababasa mo sa kabanata upang

mapatunayan na makatotohanan ang akda. Isulat ang titik ng tamang sagot.

4. Bigo man ang naging kahilingan sa pamahalaan na maitatag ang Akademya ng Wikang

Kastila, nagdiwang ang mga kabataang mag-aaral sa Panciteria Macanista de Buen Gusto para ipagdiwang ang sinapit ng nilalakad nila . Naging maingay at puno ng biruan at

halakhakan ang nangyaring piging kahit pa sa kabiguan ng kanilang kahilingan. A. Ang pagkagumon ng kabataan sa social media na halos ang buong araw ay

ginugugol sa pagsu-surf sa internet. B. Pagkapariwara ng mga kabataan dahil sa hindi nakapag-aral at naging palaboy

na lang.

C. Madaliang pagsuko ng mga kabataan kahit sa mga simpleng pagsubok at problema lang sa buhay.

Page 11: Modyul 6 El-Filibusterismo – Kabanata XIX-XXV - ZNNHS

11

D. Pang-aabuso sa karapatan ng mga kabataan lalo na sa karapatang magkaroon ng tahimik at ligtas na pamayanan.

5. Buong galak na tinatangkilik ng buong kamaynilaan ang operatang Pranses na bantog

sa pagtatanghal ng dulang Les Cloches de Corneville. Bulong-bulongan ang magagandang artista kaya ikapito pa lamang ng gabi ay wala nang mabiling tiket.

A. Mas gustong panoorin ngayon sa ating bansa ang mga palabas mula sa bansang Korea at iniidolo ng mga Filipino ang mga artista mula sa bansang ito.

B. Marami ang gustong sumikat gaya ng mga artista kaya marami ang nakikipagsapalaran na magpa-audition sa mga reality show gaya ng Pinoy Big

Brother. C. Mas iniidolo ng mga kabataan ang mga artistang banyaga dahil sa magaganda

sila at mas makinis kaysa mga artistang Filipina.

D. Mas tinatangkilik na ng masang Filipino ang mga palabas sa telebisyon o pelikula kaysa mga pang-entabladong pagtatanghal.

Para sa bilang 6 hanggang 8, piliin ang angkop na mga salitang naghahambing upang mabuo ang pangungusap sa bawat bilang. Titik lamang ng tamang sagot ang isulat sa

papel.

6. Ang mga artistang Pranses ay ________________________ magaling na tulad ng mga

artistang Filipino. A. di-gaanong B. di-hamak na C. lubhang D. mas

7. Ang umpukan ng kalalakihan sa teatro ay ________________ na maingay kaysa

kababaihan. A. di-gaano B. di-hamak C. di-lubha D. mas

8. Para kay Simoun, ang pagkawala ng isang kaibigan ay ________________________masakit

na gaya nang pagkawala ni Maria Clara.

B. higit na B. di-hamak na C. di-masyadong D. lubhang

Para sa bilang 9 hanggang 10, piliin ang pangungusap na sa tingin mo’y nalalapit sa iyong

sariling pagpapaliwanag ng mga paniniwala at pagpapahalaga kaugnay sa kaisipang inilalahad ng bawat bilang. Titik lamang ang isulat sa iyong sagutang papel.

9. Ang bawat mamamayan ay may mga tungkuling dapat gampanan sa ikauunlad at ikapapanatag ng bayan. Ngunit marami sa atin ay kagaya ni Camaroncocido na

ipinagsasawalang bahala lang ang mga kahina-hinalang mga bagay na kanyang naririnig at nangyayari sa paligid.

A. Mas mainam na magsawalang kibo na lang kaysa madamay pa sa maaaring

kaguluhan. B. Kung ang kaligtasan ng ating lipunan ang pag-uusapan, base sa aking

karanasan, mas makabubuti ang makisangkot, makiisa at makipagtulungan.

C. Kung sa ikauunlad ng bayan ang ating titingnan, magandang magkaroon tayo ng puhunan dahil sa kaunlaran dapat walang naiiwan sabay-sabay dapat.

D. Hindi ka isang mabuting mamamayan kung magkikibit-balikat ka lang sa mga nangyayari sa bayan.

Page 12: Modyul 6 El-Filibusterismo – Kabanata XIX-XXV - ZNNHS

12

10. Huli na sa takdang oras ang pagsisimula ng pagtatanghal sa kadahilanang huli ring dumating ang Kapitan Heneral – ang magbubukas ng tabing ng tanghalan. Hanggang

sa ngayon naging sakit na natin ang pagdating ng huli sa mga pagtitipon at iba pang gawain na tinawag na ngang Filipino Time.

A. Galing sa mga Kastila ang pag-uugaling laging pahuli-huli sa takdang oras,

kung hindi ako nagkakamali, ang mga ninuno natin alas tres pa lang ng

madaling araw ay nagbubungkal na ng lupa sa sakahan kaya masasabi kong napakaaga ng ating Filipino Time.

B. Minana lang natin ang kaugaliang iyan kaya huwag ninyong isisi sa atin. Marami naman sa atin ang maagang dumating sa anumang gawain sadyang

ang mga may dugong Kastila lang ang ganyan. C. Kadalasan naman sa mga pagpupulong ay hindi rin nagsisimula sa takdang

oras kaya walang silbi rin kung ikaw ang pinakamaaga baka antukin ka lang at

makatulog o di kaya’y ikaw pa ang makapagwalis sa lugar na pagpupulungan. D. Filipino Time, matandang sakit na natin talaga iyan, hindi na kailangan ang

marami pang rason at patunay kung saan galing ang kaugaliang ito. Nasa sa iyo na rin naman kung gusto mong magbago o mananatiling ganyan na lang

habambuhay.

Karagdagang Gawain

Narito ang isang pangyayaring sinipi mula sa kabanata kasama ang kaisipang

namamayani mula rito. Basahin at suriin itong mabuti para maisagawa mo ang kasunod na gawain.

Pangyayari: Mula sa kabanata XXV

Nagdiwang ang mga kabataang mag-aaral sa Panciteria Macanista de Buen Gusto para ipagdiwang ang sinapit ng nilalakad nilang Akademya ng Wikang Kastila. Naging

maingay at puno ng biruan at halakhakan ang nangyaring piging kahit pa sa kabiguan ng

kanilang kahilingan.

Kaisipan: Bigo man ang mga kabataang mag-aaral sa kanilang kahilingan, subalit ganoon man ang nangyari payapa nilang tinanggap ang kabiguang iyon. Nagdiwang pa sila sa kabila ng nangyari na nagpapakita ng kanilang pagiging pursigido at positibo.

Panuto: Gamit ang natutunan mo sa paggamit ng angkop na mga salitang naghahambing at paggamit ng angkop na mga salitang hudyat sa pagpapahayag ng saloobin o

damdamin, sumulat ka ng isang talatang magpapaliwanag ng sarili mong mga paniniwala at pagpapahalaga kaugnay ng kaisipang namayani sa nabasang

pangyayari sa itaas. Gawing gabay ang rubriks sa ibaba.

Page 13: Modyul 6 El-Filibusterismo – Kabanata XIX-XXV - ZNNHS

13

Nangangailangan

ng tulong (1)

Di-gaanong mahusay (3)

Mahusay (4)

Napakahusay (5)

Nilalaman

Ang talata ay

may mga pangungusap

na hindi

nakitaan o walang

maayos na diwa at

balangkas. Ang mga

bahagi ay

hindi malinaw.

Ang talata ay

may isa o dalawang

pangungusap

lamang na nakitaan ng

maayos na diwa at

balangkas. May iilang

bahagi na

hindi malinaw.

Ang talata

ay may tatlo o higit pang

pangungusa

p na nakitaan ng

maayos na diwa at

balangkas. Malinaw ang

pagkakasula

t ng mga bahagi.

Maayos ang

pagkakabalangkas ng talata.

Lahat ng

pangungusap ay may

koneksyon. Ang diwa ng

talata ay malinaw at

mahusay na

nailahad.

Kawastuhan

- Salitang

Pahambing

- Salitang

Hudyat na nagpapahayag

ng saloobin

Ang talata ay hindi

nakitaan ng paggamit ng

salitang pahambing.

Ang talata ay nakitaan

lamang ng isang salitang

pahambing.

Ang talata ay nakitaan

lng dalawang

salitang pahambing.

Ang talata ay nakitaan ng

tatlo o higit pang mga

salitang pahambing.

Ang talata ay

hindi

nakitaan ng paggamit ng

salitang hudyat na

nagpapahayag ng saloobin.

Ang talata ay

nakitaan

lamang ng isang salitang

nagpapahayag ng saloobin.

Ang talata

ay nakitaan

ng dalawang salitang

nagpapahayag ng

saloobin.

Ang talata ay

nakitaan ng

tatlo o higit pang mga

salitang nagpapahayag

ng saloobin.

Kaugnayan sa

kaisipan

Walang

koneksyon

ang isinulat na talata sa

kaisipan.

May isang

kaisipan

lamang na nakikita sa

talata. Hindi masyadong

malinaw ang pagkakasulat.

Hindi

masyadong

malinaw ang pagkakasula

t at may katamtaman

g kaugnayan lamang sa

kaisipan.

Mahusay ang

pagkakasulat

at lubos na may

kaugnayan sa kaisipan.

Page 14: Modyul 6 El-Filibusterismo – Kabanata XIX-XXV - ZNNHS

14

1. Gaya ng hinaharap ni Quiroga na mga isyu at sistema sa pier, sa aking pananaw ay hindi pa rin nawawala ang ganitong mga

isyu sa ating bansa, nagbago lang ang mukha pero paikot-ikot lang ang bulok na sistemang ito.

3. Sa pagkakaintindi ko, ang pagpapahiya ng isang guro sa kanyang mag-aaral sa loob ng klase ay isang pang-aalipusta gaya

ng ginawa ni Padre Millon kay Placido Penitente.

Susi ng Pagwawasto Balikan

Pagyamanin

1.Kahulugan: Sertipiko ng Binyag Paliwanag: Dahil sa salitang Bautismo na ginagamit pa rin

ngayon sa mga simbahan at dahil din a huling pahayag na

“Kahulugan: Ang mga Kampana ng Corneville

Paliwanag: Dahil makikita sa Talahanayan A sa tuklasin na bahagi ng modyul na ito ang mga kahulugan ng bawat salita.

Ang kahulugan ng Les ay ang at ang Cloches naman ay mga kampana.

Page 15: Modyul 6 El-Filibusterismo – Kabanata XIX-XXV - ZNNHS

15

Tayahin

Sanggunian

Magbaleta, Corazon, and Alcaraz, Cid. El Filibusterismo (sa bagong pananaw) ni Dr. Jose P. Rizal. Valenzuela City: JO-ES Publishing House, Inc., 2006.

Noche, Pia. “Kaantasan ng pang-uri worksheets.” Last modified September 18,

2014. https://samutsamot.com/2014/09/18/kaantasan-ng-pang-uri-worksheets/.

Noche, Pia. “Pagsasanay sa Filipino: Paghahambing na palamang o pasahol.” 2014. https://samutsamot.com/wp-content/uploads/2014/09/paghahambing-na-

palamang-o-pasahol_11-1.pdf.

Noche, Pia. “Pagsasanay sa Filipino: Patulad o di-patulad na paghahambing.” 2014. https://samutsamot.com/wp-content/uploads/2014/09/patulad-o-di-patulad-na-

paghahambing_12-1.pdf.

1.Balkonahe ang ibig sabihin nito dahil nabanggit sa pangungusap na sa itaas itong bahagi ng teatro at iilan lang ang upuan, kadalasan

sa mga teatro ay may especial na kuwarto kung saan nandoon nakaupo ang iilang mahahalagang tao sa lipunan.

2.Dahil makikita sa Talahanayan A sa tuklasin na bahagi ng modyul

na ito ang mga kahulugan ng bawat salita. Madaling masabi dahil ang kahulugan ng flumina ay ilog at ang

Babylonis ay Babylon. 3.Dahil makikita sa Talahanayan A sa tuklasin na bahagi ng modyul

na ito ang mga kahulugan ng bawat salita. Ang kahulugan ng similia at similibus ay parehong pagkagusto at ang

curantor naman ay paggamot o pagpapagaling.

4.C. 5. A 6. A. 7. B. 8. C. 9. B. 10. A.

Page 16: Modyul 6 El-Filibusterismo – Kabanata XIX-XXV - ZNNHS

16

The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer

One night I had a dream. I dreamed

that I was walking along the beach

with the LORD.

In the beach, there were two (2) sets

of footprints – one belong to me and

the other to the LORD.

Then, later, after a long walk, I

noticed only one set of footprints.

“And I ask the LORD. Why? Why?

Why did you leave me when I am sad

and helpless?”

And the LORD replied “My son, My

son, I have never left you. There was

only one (1) set of footprints in the

sand, because it was then that I

CARRIED YOU!

I think that I shall never see

A poem lovely as a tree.

A tree whose hungry mouth is prest Against the earth’s sweet flowing

breast;

A tree that looks at God all day, And lifts her leafy arms to pray;

A tree that may in Summer wear

A nest of robins in her hair;

Upon whose bosom snow has lain; Who intimately lives with rain.

Poems are made by fools like me,

But only God can make a tree.

Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land

Here the trees and flowers bloom

Here the breezes gently Blow,

Here the birds sing Merrily,

The liberty forever Stays,

Here the Badjaos roam the seas

Here the Samals live in peace

Here the Tausogs thrive so free

With the Yakans in unity

Gallant men And Ladies fair

Linger with love and care

Golden beams of sunrise and sunset

Are visions you’ll never forget

Oh! That’s Region IX

Hardworking people Abound,

Every valleys and Dale

Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,

Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos,

Ilongos,

All of them are proud and true

Region IX our Eden Land

Region IX

Our..

Eden...

Land...