Top Banner
Name of Learner: ___________________________ Grade & Section: ___________________________ Name of School: ___________________________ Araling Panlipunan Ikaapat na Markahan-Modyul 4, Week 4: MGA KAUGNAYAN NG IBA’T IBANG IDEOLOHIYA SA PAG- USBONG NG NASYONALISMO AT KILUSANG NASYONALISTA Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula 7
16

Araling Panlipunan - ZNNHS

Mar 08, 2023

Download

Documents

Khang Minh
Welcome message from author
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
Page 1: Araling Panlipunan - ZNNHS

Name of Learner: ___________________________

Grade & Section: ___________________________

Name of School: ___________________________

Araling Panlipunan Ikaapat na Markahan-Modyul 4, Week 4:

MGA KAUGNAYAN NG IBA’T IBANG IDEOLOHIYA SA PAG-USBONG NG NASYONALISMO AT KILUSANG NASYONALISTA

Republic of the Philippines

Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

7

Page 2: Araling Panlipunan - ZNNHS

Araling Panlipunan – Ikapitong Baitang Ikaapat Na Markahan – Modyul 4, Week 4: Mga Kaugnayan ng Iba’t- Ibang Ideolohiya sa Pag-Usbong ng Nasyonalismo at Kilusang Nasyonalista Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Printed in the Philippines by Department of Education – Region IX – Dipolog City Schools Division Office Address: Purok Farmers, Olingan, Dipolog City Zamboanga del Norte, 7100 Telefax: (065) 212-6986 and (065) 212-5818 E-mail Address: [email protected]

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Mark Joseph A. Panoy; Ruthie C. Alba

Editor/Tagasuri: Monina R. Antiquina Narciso Bureros

Tagaguhit: Chris Raymund M. Bermudo

Tagalapat:

Tagapamahala: Virgilio P. Batan, Jr. – Schools Division Superintendent Lourma I. Poculan – Asst. Schools Division Superintendent Amelinda D. Montero- Chief, CID Nur N. Hussien, DM – Chief, SGOD Monina R. Antiquina,EMD – Education Program Supervisor AP Ronillo S. Yarag, EdD – EPS – LRMDS

Leo Martinno O. Alejo – PDO II – LRMDS

Page 3: Araling Panlipunan - ZNNHS

1

Alamin

Sa Araling ito, inaasahang maipamamalas mo ang mga sumusunod na kaalaman,

kakayahan at pag-uunawa:

MELC: Nasusuri ang kaugnayan ng iba’t ibang ideolohiya sa

pag-usbong ng nasyonalismo at kilusang nasyonalista

Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

● Nasusuri ang kaugnayan ng iba’t ibang ideolohiya sa pag-usbong ng nasyonalismo at

kilusang nasyonalista

● Natutukoy ang iba’t ibang ideolohiya sa pag-usbong ng nasyonalismo at kilusang

nasyonalista

● Naihahambing ang iba’t ibang ideolohiya sa pag-usbong ng nasyonalismo at kilusang

nasyonalista sa Silangan at Timog-Silangang Asya

Balikan

Gawain 1: Ilarawan mo

Panuto: Suriin at bigyan ng sariling interpretasyon ang ipinakikita sa larawan.

amoradinfinitum.wordpress.com

Ang masasabi ko sa larawan ay ________________________________________________ ____________________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________________

Page 4: Araling Panlipunan - ZNNHS

2

Mga Kaugnayan ng Iba’t Ibang Ideolohiya sa Pag-usbong

ng Nasyonalismo at Kilusang Nasyonalista

Mahalaga ito dahil ___________________________________________________________ ____________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________

Tuklasin

Gawain A: Halu-Ayos-Laya!

Iayos ang mga pinaghalong letra upang makabuo ng isang salita na tumutugon sa

inilalarawan ng pangungusap. Isulat ang sagot sa espayo bago ang bilang.

________________________

_________________________

__________________________

_____________________

I S K O M

O N M U

Ideolohiyang naghahangad na bumuo ng isang lipunang walang

antas o uri (classless society) kung saan ang mga salik ng

produksyon ay pag-aari ng lipunan. Sa sistemang ito,

tinatayang darating ang panahon na hindi na kailangan ang

estado kaya kusa itong mawawala. Ang estado ang may-ari ng

produksiyon ng lahat ng negosyo ng bansa. Upang masiguro ang

maayos na pagpapatupad, kailangang pairalin ang diktadurya.

A S Y A K R E D O

M

Tumutukoy ang ideolohiyang ito sa kapangyarihan ng

pamahalaan na nasa kamay ng mga tao at ang pagkakapantay-pantay ng mga mamamayan sa tingin ng batas at sa iba pang pangunahing aspeto ng pamumuhay. Bukod pa

rito ay karaniwang pumipili ang mga tao, sa pamamagitan ng halalan, ng mga kinatawan na siyang hahawak sa

kapangyarihan o pamahalaan sa ngalan nila.

L O H I I D E O Y

A

Ito ay isang sistema o lipon ng mga ideya o kaisipan na

naglalayong magpaliwanag tungkol sa daigdig at pagbabago nito. Ang mga halimbawa nito ay demokrasya, kapitalismo,

monarkiya, totalitaryanismo, autoritaryanismo, sosyalismo at komunismo.

A L A Y A

N K A

Pangunahing layunin upang wakasan ang panghihimasok ng

mga mananakop sa kanilang pamumuhay at kabuhayan.

1. .

2.

3.

4.

Page 5: Araling Panlipunan - ZNNHS

3

_______________________

Suriin Basahin at Unawain mo ang mga sumusunod na teksto.

Ang pananakop at pagpapahirap sa mga bansa sa Silangang Asya at Timog-Silangang Asya ay naglunsad ng pag-usbong ng diwang makabansa bilang tugon sa pag-aabuso at pagsira sa karapatan ng mga bansa sa Silangan at Timog-

Silangang Asya na ang tanging mithiin ay magkaroon ng kalayaan.

Dahil sa Unang Digmaang Pandaigdig, naiba ang balanse ng kapangyarihan o balance of power sa Asya. Humina ang mga bansang Europeo at lumakas ang

United States at Japan. Nakilala ang Japan dahil pinalakas nito ang kanyang hukbong militar. Isinulong na rin nito pagkatapos ng digmaan ang racial equality

o pantay na pagtingin sa lahi na hindi pinansin ng mga kanluranin. Nagdulot din ang digmaan ng malawakang pagkasira ng mga pamayanan, ari-arian at pagkamatay ng maraming mamamayan. Nakaranas din sila ng matinding

pagkagutom, pagbagsak ng industriya sa mga bansang pinangyarihan na naging dahilan sa krisis na tinatawag na dakilang kapanglawan o Great Depression.

Pagkatapos ng digmaan itinatag nila ang League of Nations upang maiwasan na ang pagkakaroon ng digmaan sa daigdig. Isa pang epekto ay ang pagpasok ang

mga Kanluranin sa Kanlurang Asya upang malinang ang langis. Ipinatupad nila ang sistemang mandato sa rehiyon na kontrolado nila. Nag-umpisa rin ang pagbalik ng mga Jews o Israelite sa rehiyon.

Dahil sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, maraming lungsod sa Asya ang

nasira. Milyun-milyong mamamayan ang namatay. Hirap at tagutom ang sinapit ng mga napinsala ng Japan. Inokupa ng mga Amerikano ang Japan dahil sa

kanilang pagkatalo sa ilalim ng pamumuno ni Hen. Douglas McArthur. Hindi katahimikan ang bumalot sa China, nagpatuloy ang kaguluhan at nagkaroon ng Civil War sa pagitan ng puwersang nasyonalista at komunista. Naghirap ang

maraming bansang Asyano ang kasarinlan pagkatapos ng digmaan. Natigil ang pagsulong ng ekonomiyang pandaigdig dahil sa pagkawasak ng agrikultura,

industriya, transportasyon, at pananalapi ng maraming bansa. Sa pagkakaroon ng armas pandigma naging handa ang mga bansa sa Timog-Silangang Asya na

makidigma upang makamit ang kalayaan sa mga dayuhang kanluranin.

Ang mga sumusunod ay mga pangyayaring naging dahilan ng pagsiklab ng

Ikalawang digmaang pandaigdig.

Taong 1931- Inagaw ng Japan ang lungsod ng Manchuria na nagbunga ng

pagkukundena ng mga liga ng mga bansa sa Japan sapagkat ang kanilang paningin ito ay mali. Kasunod pa nito , napagdesisyonan ng japan na tuluyan

ng tumiwalag sa liga ng mga bansa.

S U N D U

K A A N

Pagkakaunawaan ng dalawang magkasalungat na panig upang

matigil na ang kanilang sigalot o di- pagkakaunawaan,

nagkakaroon ng usapan o kompromiso ang magkabilang panig.

5.

Page 6: Araling Panlipunan - ZNNHS

4

Taong 1933- Naganap ang pagtiwalag ng bansang Germany sa liga. Matapos nitong tuluyang tumiwalag,nagtatag ng sandatahang lakas si Adolf Hitler.

Ninais ni Hitler na labagin ang kasunduan ng Versailles na nagdulot sa kanilang bansa na malagay sa sitwasyon na kahiya-hiya.

Taong 1935- Sinakop ng Italya ang bansang Ethipia sa pamumuno ni Benito

Mussolini. Ito ay nagdulot ng tuluyang paglabag ng Italya sa kasanduan ng mga bansang kabilang sa liga.

Taong 1936- Nagsimula ang digmaang sibilsa dalawang panig. Ito ay ang Pasistang Nationalist Front at Sosyalistang Popular Army. Nais ng Austria na mapasama ang kanilang bansa sa mga nasasakop ng Germany ngunit tutol

dito ang iba pang mgabansang kasapi sa Allied Powers (Pransya, Gran Britanya at Estados Unidos)

Taong 1939- Nasakop ng Germany sa pamumuno ni Hitler ang

Sudeten,gayundin ang mga natitirang teritoryo nito kabilang na ang Czechoslavokia. Sa taon din ito naganap ang paglusob ng mga Alemanya sa bansang Poland.

HAKBANG SA PAGLAYA NG SILANGAN AT TIMOG SILANGANG ASYA

Paglaya ng mga Bansa sa Silangang Asya

Paglaya ng China

Dahil sa kasikatan ng produktong China sa Europa hinangad ng mga Europeo na makipagkalakalan sa China na kalaunan ay naging dahilan ng paghahangad na makontrol ang lupain

nito. Ang pagkakatalo ng Tsina sa Digmaang Opyo ay naging daan ng di- makatuwirang kasunduan at pagkakaroon ng Sphere of Influence ng mga bansang Europeo sa teritoryo ng China. Tatlong uri ng

Nasyonalismo ang umusbong nasyonalismong tradisyunal na ang layunin ay paalisin ang mga Kanluranin at ang impluwensiya nito na pinangunahan ng samahang Boxers, ang pangalawa ay ang

Nasyonalismong may impluwensiya ng kanluran na ang layunin ay maging republika ang China yakap

ang ideolohiyang demokratiko na pinangunahan ni Dr Sun Yat Sen at Chiang Kai Shek at ang pangatlo ay ang Nasyonalismong may impluwensiya ng Komunismo na pinangunahan ni Mao Zedong. Sa

paglakas ng nasyonalismong Tsino nabahala ang Japan na baka maapektuhan ang interes nito sa China kung kaya’t sunod sunod ang ginawang pakikidigma at pananakop. Una na ritong naganap ang

Manchuria Incident sinundan ng Rape of Nanking na nasundan pa ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Natalo ang Japan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig ngunit nagpatuloy ang kaguluhan sa China

sa pagitan ng puwersa ng komunista ni Mao Zedong at nasyonalista ni Chiang Kai Shek. Natalo ang

nasyonalista at napasailalim sa komunistang pangkat ang Mainland China samantalang ang nasyonalista ay tumakas at pumunta sa isla ng Formosa na ngayon ay tinawag na Taiwan noong

October 1,1949.

Paglaya at Pagkakahati ng Korea

Unti-unting nasakop ng Hapon ang Korea na ginawang base militar at pilit na itinaguyod

ang kanilang kabihasnan.Bunsod nito maraming pagtatangkang ginawa ang Korea upang mapatalsik ang mga Hapones. Napabilis ito pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig kung

saan natalo ang mga Hapon. Subalit hindi nakaligtas ang Korea sa dalawang ideolohiyang nag-uumpugan, ang komunismo na niyakap ng Hilagang Korea at sinuportahan ng Unyong Sobyet at

demokrasya na niyakap ng Timog Korea na sinuportahan ng Amerika . Noong 1948, pinasinayaan ang bagong republika na sinuportahan ng Amerika na pinamunuan ni Syngman Rhee ngunit

kaagad namang ipinahayag ng North Korea ang Democratic People’s Republic of Korea na

sinuportahan ng Soviet Union na pinamunuan ni Kim Il Sung. Mula noon, nahati ang Korea sa pamamagitan ng 38th parallel.

Page 7: Araling Panlipunan - ZNNHS

5

Paglaya ng mga Bansa sa Timog Silangang Asya

Paglaya ng Indonesia

Nakamit ng Indonesia ang kalayaan nito noong Agosto 17,1945 sa pamumuno ni

Achmed Sukarno sa pamamagitan ng rebolusyon laban sa mga Olandes. Umigting ang pagnanasang lumaya ng Indonesia nang pinagkalooban ng simbolikong kalayaan si Sukarno

ng Hapon nang masakop ito noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ngunit nang matalo ang Hapon dumating ang mga Olandes upang muling ibalik ang kanilang pamamahala .Subalit ang Indonesia na nakaranas ng kalayaan ay lumaban.Pinamunuan ni Sukarno ang Indonesia sa

loob ng 23 taon. Pinasimulan niya ang pamamahalang guided democracy (limited democracy) base sa Pancasila- 5 patnubay na prinsipyo: paniniwala sa Dios, nasyonalismo,

pagkakawanggawa, katarungang panlipunan at demokrasyang gagabayan ng karunungan. Tinanggap at ipinagbunyi ng mga tao at ginawa siyang pangulong panghabambuhay noong

1963 subalit ang lubos niyang kapangyarihan ang naging dahilan ng pang aabuso niya sa kapangyarihan.

Paglaya ng Vietnam

Sa kasaysayan ng Vietnam ay may tatlong naganap na paglaya ang una ay noong 938 mula sa China, ang pangalawa noong Setyembre 2,1945 mula sa France, at ang pangatlo ay

noong Hulyo 2, 1976. Ang pag-iisa ng Vietnam sa pamumuno ni Nguyen Ai-Quoc o Ho Chih Minh mula sa

kilusang Viet Minh bilang isang Sosyalistang Republika na may oryentasyong komunista. Isang matagalang digmaan ang ginawa ng mga Vietnamese upang makamtan ang kalayaan.

Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig nahati ang Vietnam sa dalawang bansa, ang Hilagang Vietnam na nagsulong ng ideolohiyang Komunismo at Sosyalismo sa pamumuno ni

Ho Chi Minh at Timog Vietnam na yumakap sa ideolohiyang Demokratiko sa pamumuno ni Ngo Dinh Diem .

Nagkaroon ng Vietnam War na sinalihan ng Estados Unidos sa haba ng digmaan naging magastos at madugo ito para sa bansa. Para sa pandaigdigang opinyon ay iwan na ng mga

Kanluranin ang Vietnam at dito natalo ang Estados Unidos ,iniwan nila ang Timog Vietnam at napasailalim sa kontrol ng grupong may ideolohiyang komunismo/sosyalismo. Muling napag-

isa ang dalawang Vietnam at naging isang bansa.

Paglaya ng Burma (Myanmar)

Nakamit ng Burma ang kalayaan nito noong Enero 04, 1948 sa pamumuno ni U Nu

bilang punong Ministro ng Republika ng Burma na kalaunan ay inilipat ang pamumuno kay Heneral Ne Win na isang diktador militar .Bilang pinuno ng mga hukbong armado pinairal niya

ang ideolohiyang Myanmar way to Socialism na kung saan kinumpiska ng pamahalaan , ang anumang negosyo at pangkalakalan,bangko at mga pribadong ari-arian kung kaya’t nawalan ng hanapbuhay ang mga dayuhan. Noong unang hindi pa nakakamit ng Burma ang kalayaan

ang kumokontrol dito ay ang India sa tulong ng Ingles at China.

Bilang pagtugon sa pananakop na ito nagtatag ng iba’t ibang kilusang naglalayon ng

kalayaan. Nang maramdaman ng mga Ingles ang pagpupunyagi sa kalayaan ng mga Burmese

nagkaroon ng pagbabago na nagresulta sa paghiwalay ng Burma sa India noong 1935.

Ilan pang pagbabago ang tinangka ng pamahalaang Ingles ngunit hindi nangyari dahil sa

pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at ang bansang Hapon naman ang sumakop sa

Burma. Upang makuha ng mga Hapones ang loob ng mga Burmese maagang ipinahayag nito

Page 8: Araling Panlipunan - ZNNHS

6

ang pagtataguyod tungo sa kasarinlan. Ang pangkat ni Aung San na Dohama Asiayona(Burma

for Burmese) ay nakipagkasundo sa Hapon tungkol sa pagtustos ng sandata at sa pamumuno

sa militar at nagsanib puwersa upang makuha ang Rangoon laban sa mga Ingles .Ipinahayag

ng Hapon ang kalayaan ng Burma sakop pa nila ito subalit kalaunan nadama ng mga Burmese

na ang tunay na layunin ng pagtulong ng Hapon ay hindi upang lumaya kundi sakupin sila.

Nakaranas sila ng kahirapan ang mga Burmese sa pamamalakad ng mga Hapones kung kaya’t

nagtatag sila ng kilusang laban sa Hapon ,ang AFPFL (Anti Fascists People’s Freedom League)

sa pamumuno ni Aung San na binubuo ng mga makademokratiko at komunistang pangkat.

Nagapi nila ang mga Hapones at bumalik ang mga Ingles subalit hindi na pumayag ang mga

Burmese kaya’t sunod -sunod na usaping pangkalayaan ang naganap .Bunga nito, pinagtibay

ang kasunduang Anglo-Burmese na nagpapahayag ng kalayaan sa Burma noong Enero 04,

1948. Sa kasawiang palad pinatay si Aung San at ang kaniyang gabinete ng upahang armado

ng kaniyang talunang kalaban na si U Saw. Ngunit nang maaresto si U Saw ay ipinagpagtuloy

ni U Nu ang naiwan ni Aung San.

Paglaya ng Pilipinas

Nakamit ng Pilipinas ang paglaya noong Hunyo 12, 1898 sa pamumuno ni Heneral Emilio

Aguinaldo .Nakipagsabwatan ang mga Amerikano sa Pilipino upang matalo ang mga Espanol sa Digmaang Espanol-Amerikano kung saan natalo ang mga Espanol. Inakala ng pamunuan ni Aguinaldo na aalis na ang mga Amerikano sa Pilipinas at ipauubaya na ang pamumuno sa

atin kaya idineklara ang ating kalayaan at nagtatag ng isang demokratikong pamahalaan.Samantala, iba naman ang ikinikilos ng mga Amerikano, nagpalabas ito ng

patakarang Benevolent Assimilation at lumagda sa Treaty of Paris na nagpapahayag ng paglilipat ng pamamahala ng Pilipinas sa Amerikano mula sa mga Espanol.Naging hayagan ang

pagtutol ng mga Pilipino sa pananakop ng mga Amerikano kung kaya’t sumiklab ang Digmaang Pilipino- Amerikano. Subalit may ibang Pilipino na hindi nakiisa, walang pakialam at nakiisa sa mga Amerikano. Dahil sa kawalan ng pagkakaisa, nakapagtatag ang Amerikano ng

pamahalaang kolonyal na nagsilbi sa interes ng mga Amerikano at pinalaganap ang edukasyong makabanyaga. Sa isang banda tinugis ang mga Pilipinong lumaban para sa

kalayaan at ipinatapon ang ibang lider -Pilipino sa ibang bansa. Ang ibang Pilipino naman na nakiisa sa mga Amerikano ay isinulong ang paghingi ng kalayaan sa mga Amerikano. Dahil

ang kalayaan natin ay ating hinihingi matagal bago naibalik ang kalayaan at sa bawat paghingi natin ay may katumbas na mas malaking kapalit na likas na yaman at pagkontrol sa kalakalan. Pansamantalang natigil ang pananakop ng mga Amerikano nang tayo’y masangkot sa

Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Nilusob tayo ng Hapon dahil kaalyado natin ang mga Amerikano at ang pinakamalaking base-militar ng Amerikano ay nasa ating bansa.Sa

kasagsagan ng digmaan ,iniwan tayo ng mga lider-Amerikano at natira tayong lumalaban at nagtatanggol sa ating kalayaan. Nasakop tayo ng Hapon sa loob ng 5 taon. Natalo ang Hapon

sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig kung kaya’t binalikan tayo ng mga Amerikano at ibinigay ang ating kalayaan noong Hulyo 04,1946. Ayon kay Renato Constantino hindi ganap na nakamtan ng Pilipinas ang Kalayaan dahil nanatiling makapangyarihan at impluwensiyal ang

Amerikano sa Pilipinas sa larangang pangkabuhayan at pampolitika.

Page 9: Araling Panlipunan - ZNNHS

7

Pagyamanin

Gawain: Buo-laya

Iyong natunghayan kung paano lumaya ang mga bansa sa Asya, at upang

magkaroon ng buong pananaw sa paglaya ng mga bansa, buuin ang talahanayan at ihambing ang bawat datos na iyong makakalap.

Bansa sa Silangan Asya (na nasa teksto)

Mga bansang nanakop

Araw ng paglaya

Namuno Pamamaraang ginamit sa paglaya

Ideolohiyang niyakap

Bansa sa Timog-

Silangan Asya

(na nasa teksto)

Mga

bansang nanakop

Araw ng

paglaya

Namuno Pamamaraang

ginamit sa paglaya

Ideolohiyang

niyakap

Gawain

Panuto: Batay sa nabasang teksto tungkol sa mga nabuong ieolohiya ng mga

bansang Asyano upang umusbong ang pagiging nasyonalismo, punan mo ang

hinihiling sa talahanayan (chart) gawin ang pagsagot sa kwaderno.

Page 10: Araling Panlipunan - ZNNHS

8

Mga bansang

lumala sa

digmaan

Ideolohiyang

sinusunod o

ipinapatupad

Kabutihan ng

ideolohiya

Masamang dulot

ng ideolohiya

1. China

2. Korea

3. Indonesia

4. Vietnam

5. Burma

(Myanmar

6. Pilipinas

Pamprosesong tanong:

1. Sa iyong sariling paniniwala at paninindigan, alin sa mga ideolohiya ang higit

mong pinaniniwalaan at mas makakatulong sa mga mamamayan? Patunayan ang

sagot.

Sagot:

_________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________.

Isaisip

Panuto: Sagutin ang mga tanong.

1. Paano nakaapekto ang Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa

paglaya ng mga bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya?

Sagot: _______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.

2. Paano hinubog ng ideolohiya ang paglaya ng mga bansa sa Silangan

at Timog Silangang Asya? Magbigay ng patunay sa inyong mga sagot.

Sagot:

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.

Page 11: Araling Panlipunan - ZNNHS

9

Tayahin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na tanong.

Isulat ang titik na tumutugon sa tamang sagot bago ang bilang.

____1.Paano naapektuhan ng Ikalawang Digmaang

Pandaigdig ang Silangan at Timog-Silangang Asya sa pag-

aangat ng mga malawakang kilusang nasyonalista?

A. Nagpatuloy ang digmaan at nagkaroon ng digmaang sibil

B. Lumakas ang nasyonalismo at dahil dito nakamit ang kalayaan

C. Nagkaroon ng lakas ng loob na lumaban upang makamtan ang

kalayaan

D. Miylon-milyong mamamayan ang namatay at maraming lungsod ang nasira.

____2. Bakit itinatag ang League of Nations?

A.Ito ay upang maiwasan ang pagkakaroon ng digmaan sa daigdig

B.Ito ay upang pigilan ang pagpasok ng mga kaaway C.Ito ay upang mapanatili ang mabuting relasyon sa mga Asyano

D.Ito ay upang protektahan ang daigdig

Para sa aytem blg. 3, suriin ang larawan sa ibaba.

____3. Ano ang mahihinuha mo sa kalagayan ng pamumuhay ng mga Asyano sa ilalim ng mga mananakop?

A. Ang pagsasaka ay kinokontrol ng mga mananakop.

B. Mas napalago ng mga mananakop ang sektor ng agrikultura.

C. May kalayaan ang mga bansang Asyano na pamunuan ang sariling bansa.

D. Ang mga Asyano ay lubos na binabantayan sa kanilang pagtatrabaho.

Page 12: Araling Panlipunan - ZNNHS

10

Para sa aytem na blg.4, suriin ang larawan sa ibaba.

____4. Inihahalintulad ng ekonomistang si Kaname Akamasu ang pag-unlad ng

ekonomiyang Asyano sa gansang lumilipad (flying geese). Ano ang mensaheng ipinahihiwatig nito?

A. Magkakaiba ang antas ng pag-unlad ng mga bansang Asysano.

B. Mabagal ang pag-unlad ng mga bansang Asyano.

C. Magkakasabay ang tinatamasang pag-unlad ng mga bansang Asyano.

D. May malaking impluwensiya ang mga kanluraning bansa sa pag-unlad ng mga

bansang Asyano.

____5. Ang mga sumusunod ay mga dahilan ng pagsiklab ng ikalawang digmaang pandaigdig MALIBAN sa:

A. Kasunduan ng Liga ng mga bansa sa Versailles.

B. Pag-agaw ng Japan sa bansang Manchuria sa Tsina.

C. Pagsakop ng Germany sa Poland at Czechoslovakia.

D. Pagsanib ng mga bansang Austria at Germany.

____6. Alin sa sumusunod ang nagpapamalas ng mamamayan ng pambansang

kapakanan na nagpapakita ng matinding pagmamahal at pagpapahalaga sa kanyang bansa?

A. Kalayaan C. Kolonyalismo

B. Nasyonalismo D. Demokrasya

____7. Ang sumusunod ay tumutukoy sa katangian ng komunismo MALIBAN sa isa A. Lipunang walang antas/uri (classless society)

B. Mga salik ng produksiyon ay pag-aari ng lipunan C. Pinaiiral ang demokrasya D. Ang estado ang may-ari ng produksyon ng lahat ng negosyo ng bansa

____8. Alin sa sumusunod ang hindi kasali sa mga katangian ng demokrasya? A. Nasa kamay ng mga tao ang kapangyarihan ng pamahalaan B. Pagkakapantay- pantay ng mamamayan sa tingin ng batas at sa iba pang

pangunahing Aspekto ng pamumuhay C. Pumili ng kinatawang hahawak sa pamahalaan sa pamamagitan ng halalan

D. Hawak ng estado ang mga salik ng produksiyon

Page 13: Araling Panlipunan - ZNNHS

11

____9. Alin sa sumusunod na mga ideolohiya ang hindi kasali sa mga ideolohiyang nagdulot

ng transpormasyon sa mga bansang Silangan at Timog-Silangang Asya? A. Demokrasya C. Totalitaryanismo

B. Komunismo D.Teocracy

____10. Bakit sinasabing hindi ganap ang kalayaan na nakamtan ng mga Pilipino mula sa mga mananakop na mga Amerikano?

A. Nanatili pa rin ang kapangyarihan ng mga mananakop B. May impluwensiya pa rin ang mga mananakop sa kabuhayan at politika ng bansa

C. Nagpalabas ang mga Amerikano ng mga patakarang mapagsamantala sa kabuhayan at karapatan ng mga Pilipino lalo na sa aspektong pang ekonomiya

D. Lahat ng nabanggit

Page 14: Araling Panlipunan - ZNNHS

12

Karagdagang Gawain

Panuto: Sagutin mo ang mga sumusunod na tanong.

1. Bakit nasali ang Pilipinas sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig? Ipaliwanag.

Sagot: _____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Page 15: Araling Panlipunan - ZNNHS

13

Susi sa Pagwawasto

Sanggunian:

Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba. Rosemarie C. Blando et.al., pp. 364-376, Asya Pag-Usbong ng Kabihasan II, www.pinterest.com, www.google.com ,

at SlideShare.

Page 16: Araling Panlipunan - ZNNHS

14

1

Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land

Here the trees and flowers bloom

Here the breezes gently Blow,

Here the birds sing Merrily,

The liberty forever Stays,

Here the Badjaos roam the seas

Here the Samals live in peace

Here the Tausogs thrive so free

With the Yakans in unity

Gallant men And Ladies fair

Linger with love and care

Golden beams of sunrise and sunset

Are visions you’ll never forget

Oh! That’s Region IX

Hardworking people Abound,

Every valleys and Dale

Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,

Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos,

Ilongos,

All of them are proud and true

Region IX our Eden Land

Region IX

Our..

Eden...

Land...

The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer

One night I had a dream. I dreamed that

I was walking along the beach with the

LORD.

In the beach, there were two (2) sets of

footprints – one belong to me and the

other to the LORD.

Then, later, after a long walk, I noticed

only one set of footprints.

“And I ask the LORD. Why? Why? Why

did you leave me when I am sad and

helpless?”

And the LORD replied “My son, My son,

I have never left you. There was only one

(1) set of footprints in the sand, because it

was then that I CARRIED YOU!

I think that I shall never see

A poem lovely as a tree.

A tree whose hungry mouth is prest

Against the earth’s sweet flowing breast;

A tree that looks at God all day,

And lifts her leafy arms to pray;

A tree that may in Summer wear

A nest of robins in her hair;

Upon whose bosom snow has lain; Who

intimately lives with rain.

Poems are made by fools like me, But only God can make a tree.