Top Banner
Name of Learner: ___________________________ Grade & Section: ___________________________ Name of School: ___________________________ Araling Panlipunan Ikaapat na Markahan-Modyul 2,Week 3 & 4 Mga Dahilan, Mahahalagang Naganap at Bunga ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula 8
16

Araling Panlipunan - ZNNHS

Mar 21, 2023

Download

Documents

Khang Minh
Welcome message from author
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
Page 1: Araling Panlipunan - ZNNHS

Name of Learner: ___________________________

Grade & Section: ___________________________

Name of School: ___________________________

Araling Panlipunan Ikaapat na Markahan-Modyul 2,Week 3 & 4

Mga Dahilan, Mahahalagang Naganap at Bunga ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Republic of the Philippines

Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

8

Page 2: Araling Panlipunan - ZNNHS

Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang Ikaapat Na Markahan – Modyul 2- Week 3-4: Mga Dahilan, Mahahalagang Naganap at Bunga ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig Unang Edisyon, 2021 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Ginalyn S. Cabilin at Charles Ryan A. Calacat

Editor: Monina R. Antiquina

Tagaguhit: Chris Raymund M. Bermudo Tagalapat: Tagapamahala: Virgilio P. Batan, Jr. – Schools Division Superintendent Lourma I. Poculan – Asst. Schools Division Superintendent

Amelinda D. Montero- Chief, CID Nur N. Hussien, DM – Chief, SGOD

Monina R. Antiquina,EMD – Education Program Supervisor AP

Janette A. Zamoras – Public Schools District Supervisor Ronillo S. Yarag, EdD – EPS – LRMDS

Leo Martinno O. Alejo – PDO II – LRMDS

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Region IX – Dipolog City Schools Division Office Address: Purok Farmers, Olingan, Dipolog City

Zamboanga del Norte, 7100

Telefax: (065)212-6986 and (065) 212-5818

E-mail Address: [email protected]

Page 3: Araling Panlipunan - ZNNHS

1

Alamin

MELC: Nasusuri ang mga dahilan, mahahalagang pangyayaring naganap at bunga ng ikalawang Digmaang Pandaigdig. AP8AKD-IVb-2

Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

● Natutukoy ang mga sanhi, mahahalagang pangyayari at bunga ng ikalawang digmaang pandaigdig.

● Nakapagtala ng mga dahilan, mahahalagang pangyayari at bunga ng ikalawang digmaang pandaigdig.

● Nakaka pagsulong ng adbokasiya tungkol sa di-magandang dulot ng mga digmaan sa pamamagitan ng paggawa ng simpleng jingle at iba pa.

Balikan Panuto: Piliin sa mga salita sa loob ng kahon ang tinutukoy na mga naganap na pangyayari sa Unang Digmaang Pandaigdig sa bawat bilang sa ibaba. Titik lamang ang piliin ng may katumbas na tamang sagot sa bawat bilang. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Naganap ang pinakamainit na labanan noong Unang Digmaang Pandaigdig na ang bahaging sakop ng digmaan ay mula Hilagang Belhika hanggang sa hangganan ng Switzerland.

2. Kailan pinatay si Archduke Franz Ferdinand at ang asawa nitong si Sophie.

3. Digmaan ng Paglusob ng Russia sa Prussia(Germany)sa pangunguna ni Grand Duke Nicholas.

4. Ang paglusob ng Austria at tinalo ang Serbia pagkaraan ng ilang buwan. 5. Ang halagang nagastos ng Unang Digmaang Pandaigdig. 6. Ang Kasunduan na nagtanim ng hinanakit sa Germany. 7. Binalangkas niya ang Labing-apat ng Puntos na naglalaman ng mga

layunin ng United States sa pakikidigma.. 8. Ang digmaan na nag subukan ang mga hukbong pandagat ng Germany

at Britanya. 9. Ang paglusob sa Belhika ng mga hukbong Germany at ipagwalang

bahala nitong huli ang pagiging neutral na bansa . 10. Ang Digmaan noong 1916, na karamihan sa mga estado ng Balkan ay

Ang Digmaan sa Kanluran

Ang Digmaan sa Silangan Ang Digmaan sa Balkan

Ang Digmaan sa Karagatan

200 bilyong dolyar

Pangulong Woodrow Wilson

Hunyo 28,1914

Kasunduan ng Versailles

Page 4: Araling Panlipunan - ZNNHS

2

napasailalim na ng Central Powers.

Tuklasin Sagutin ang katanungan sa mga kahon. S Panuto: Basahin, suriin, at unawain mo ang nilalaman ng teksto tungkol sa

dahilan, mga mahahalagang pangyayari at bunga ng ikalawang digmaang pandaigdig.

Ano sa iyong palagay ang dahilan o sanhi ng mga digmaang?

Ano sa iyong palagay ang mga mahahalagang nagaganap tuwing may digmaang?

Ano sa iyong palagay ang mga di-mabuting epekto ng mga digmaang?

Mga Sandhi ng Ikawlawang digmaang Pandaigdig

Hindi pa man lubusang nakababangon sa mga pinsala ng digmaan ang mga bansa sa daigdig, muling umigting ang mga hidwaan sa pagitan ng mga bansa. Dala na rin ito ng nasimulang ambisyon ng mga makapangyarihang bansa na maipagpatuloy ang pananakop at pagpapalawak ng kanilang teritoryo. Ang mga pangyayarig naganap at nagpasiklab ng ikalawang Digmaang Pandaigdig ay a ng mga sumusunod:

Pag-agaw ng Japan sa Manchuria. Noong 1931, inagaw ng Japan ang lunsod ng Manchuria. Kinundena ng Liga ng mga Bansa ang Japan at sinabing ang ginawang ito ay paglusob. Kasunod ng pagkundena, itiniwalag sa Liga ng mga Bansa ang Japan.

Pag-alis ng Germany sa Liga ng mga Bansa. Ang Germany naman ay tumiwalag sa Liga noong 1933 sapagkat ayon sa mga Aleman, ang pag-aalis at pagbabawal ng Liga sa pagsasandata ng Germany ay isang paraan ng pag-aalis ng karapatang mag-aarmas. Matapos tumiwalag, pinasimulan ni Adolf Hitler, ang lider ng Nazi, ang muling pagtatatag ng sandatahang lakas ng bansa. Layon ni Hitler na labagin ang kasunduan sa Versailles na naglagay sa Germany sa kahiya-hiyang kondisyon.Upang makabangon sa pagkagapi sa Unang Digmaang Pandaigdig, pinagbalakang mabuti ni Hitler ang muling pananakop. Bilang sagot ng mga bansa sa paghahanda ng Germany, ang France ay nakipag-alyansa sa Rusya laban sa Germany. Pinalilimitahan naman ng Inglatera ang bilang o laki ng puwersa ng Germany.Ngunit sa kabila nito’y nagpadala pa rin ng tropa sa SONA ang Germany.

Pagsakop ng Italya sa Ethiopia. Sa pamumuno ni Benito Mussolini, sinakop ng Italya ang Ethiopia noong 1935. Tuwirang nilabag ng Italya ang Kasunduan sa Liga (Covenant of the League).

Page 5: Araling Panlipunan - ZNNHS

3

Digmaang Sibil sa Spain. Nagsimula ang digmaang sibil sa Spain noong 1936 sa pagitan ng dalawang panig: ang pas istang Nationalist Front at ang sosyalistang Popular Army. Nanalo ang mga Nasyonalista. Marami ang nadamay sa digmaang sibil ng Spain dahil sa pakikialam ng ibang bansa.

Pagsasanib ng Austria at Germany (Anschluss) Nais ng mga mamamayang Austriano na maisama ang kanilang bansa sa Germany. Ngunit ang pagsisikap na ito ay sinalungat ng mga bansang kasapi sa Allied Powers (Pransya, Gran Britanya at Estados Unidos). Dahil sa kasunduan sa pagitan ng Italya at Germany na kinalabasan ng Rome -Berlin Axis noong 1936, ang pagtutol ni Mussolini sa nasabing unyon ng Austria at Germany ay nawalan ng bisa noong 1938.

Paglusob sa Czechoslovakia. Noong Setyembre 1938, hinikayat ni Hitler ang mga Aleman sa Sudeten na pagsikapan na matamo ng kanilang awtonomiya. Dahil dito,

hinikayat ng Inglatera si Hitler na magdaos ng isang pulong sa Munich. Ngunit nasakop ni Hitler ang Sudeten at noong 1939, ang mga natitirang teritoryo sa Czechoslovakia ay napunta na rin sa Germany.

Paglusob ng Germany sa Poland. Huling pangyayari na nagpasiklab sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang pagpasok ng mga Aleman sa Poland noong 1939. Angpagsakop na ito ay pagbaligtad ng Germany sa Russia na kapwa pumirma sa kasunduang Ribbentrop-Molotov, isang kasunduan ng hindi pakikidigma. Ang pagbaligtad na ito ay dulot ng sumusunod na pangyayari:

Hindi pagsali ng Russia sa negosasyon tungkol sa krisis ng Czechoslovakia.

Pagkainis ng Russia sa Inglatera nang ang ipinadalang negosyador ng Inglatera sa Kasunduan ng Pagtutulungan (Mutual Assistance Pact) ay hindiimportanteng tao.

Mga Mahahalagang Pangyayari Sa ikalawang Digmaang Pandaigdig

Noong tag-araw ng 1939, sinalakay ni Hitler at ng kanyang hukbo ang Austria at Czechoslovakia upang gawing teritoryo ang mga ito. Noong tag-araw ng 1939, sinalakay ni Hitler at ng kanyang hukbo ang Austria at Czechoslovakia upang gawing teritoryo ang mga ito. Tinangka rin niyang kunin mula sa Poland ang Baltic Port at angPolish Corridor. Tumanggi ang Poland kayat nagkakrisis.Unang araw ng Setyembre 1939, nang ang puwersa ng Nazismo sa lupa at himpapawid ay sumalakay sa Poland. Ipinaglaban ng magigiting na taga-Poland ang kanilang kalayaan. Nang mabatid ito ng Britain at France, sila ay nagpahayag ng pakikidigma sa Germany. Noong ika-17 ng Setyembre, ang Russia na may lihim na kasunduan kay Hitler ay sumalakay rin sa Poland sa gawing Silangan. Hindi nagtagal, ang Poland ay nalupig. Ang Poland ay pinaghatian ng Germany at Unyong Sobyet nang walang labanan.

Ang Digmaan sa Europe

Sa kanlurang Europe, ang mga hukbong Pranses at Ingles ang nag abang sa likod ng Maginot Line. Hindi kaagad sumalakay dito ang mga Aleman pagkatapos nilang masakop ang Poland. Noong Abril 1940, ang Phony War ay biglang natapos sapagkat sinimulan ni Hitler ang kanyang blitzkrieg (biglaang paglusob na walang babala). Ang mga taga-Norway ay lumaban subalit madaling natalo samantalang ang mga taga-Denmark ay hindi lumaban.Noong ika-10 ng Mayo 1940, biglang sinalakay ng mga Nazi ang neutral na mga bansa ng Belhika, Holland at Luxembourg. Binomba ng mga eroplanong Aleman ang mga bansang ito na kung tawagin ay Low Countries at sinira ang mga paliparan, pahatiran, at

Page 6: Araling Panlipunan - ZNNHS

4

tulay. Umurong sa tabing-dagat ng Dunkirk ang Hikbong Pranses. Sa ganitong gipit na kalagayan, ipinasya ng Punong Ministro ng Inglatera na si Winston Churchill na umurong na ang hukbo. Ang kagitingang ipinamalas ng mga sundalo laban sa mga Aleman ay itinuring na Epiko ng Dunkirk.Samantala, ang France na umasa sa Maginot Line bilang kanilang tanggulanay nabigla nang dumating na lamang sa pintuan ng Paris ang mga Aleman noong ika-10ng Hunyo, 1940. Bumagsak ang Paris at ang pamahalaan ay inilipat sa Bordeaux.

Ang United States at ang Digmaan

Ang pagkapanalo ng Nazi sa Europe ay nagdulot ng pangamba sa mga Amerikano. Nabahala sila sa kaligtasan ng Inglatera pati na ng layuning demokrasya. Pinagpatibay ng Kongreso ang batas na Lend Lease na nagsabing ang United States ay magbibigay ng kagamitang pandigma sa lahat ng lalaban sa mga kasapi ng Axis Powers. Naging miyembro ng puwersang Alyado ang United States noong 1941. Noong Agosto 1941, sa may baybayin ng Newfoundland ay nagpulong sina Pangulong Roosevelt ng America at Winston Churchill, punong ministro ng Inglatera. Doon, isinagawa nila ang isang kasunduan na kilala sa tawag na Atlantic Charter. Tinitiyak ng kasunduan na “pagkatapos wasakin ang tiraniya ng Nazi, lahat ng mga bansa ay mabubuhay sa kapayapaan, malaya sa takot, at di na muling gagamit ng puwersa.”

Ang Digmaan sa Pasipiko

Samantala, habang namiminsala ang Hukbong Nazi sa Europa, ay naghahanda naman ang Hukbong Hapon sa pagsalakay sa Pasipiko. Upang ito ay masugpo, pinatigil ng United States ang pagpapadala ng langis sa Japan mula United States. Ang Punong Ministro ng Japan na si Hideki Tojo ay nagpunta kay Embahador Saburu Kurusu upang tulungan si Admiral Kichisaburu Nomura sa pakikipagtalastasan nang sa gayon ay maiwasan ang krisis ng Amerika at Japan. Habang pinag-uusapan ang kapayapaan, ang mga Japan ay naghahanda sa digmaan.

Ang Germany at Italy ay tumulong sa Japan at nagpahayag rin ng pakikipagdigma laban sa United States noong ika-11 ng Disyembre, 1941. Ilang oras matapos salakayin ang Pearl Harbor, ang mga eroplano ng Japan ay sumalakay din sa Pilipinas at winasak ang hukbong panghimpapawid sa Clark Field, Pampanga. Dumaong ang Japan sa Hilagang Luzon. Sa pamumuno ni Pangulong Manuel L. Quezon ng Pamahalaang Komonwelt at Heneral Douglas MacArthur, magiting na lumaban sa mga Hapon. Tuluyang nasakop ng Japan ang Maynila noong ika-2 ng Enero, 1942. Ang pinakahuling pananggalang ng demokrasya ang Bataan at Corregidor.

Noong ika-7 ng Disyembre 1941, biglang sinalakay ng Japan ang Pearl Harbor, isa sa mga himpilan ng hukbong dagat ng United States sa Hawaii. Ang pataksil na pagsalakay na ito sa Amerika ay tinawag na “Day of Infamy.”Nagpahayag ng pakikipagdigma sa Japan ang United States, gayon din ang Britanya. Ang Germany at Italy ay sumugod sa panig ng Japan at nagpahayag din ng pakikipagdigma laban sa United States noong ika-11 ng Disyembre, 1941. Samantala, nakapaghanda ang Austria at nabigo ang Japan na masakop ito.

Page 7: Araling Panlipunan - ZNNHS

5

Kasabay ng pananalakay sa Pilipinas ang pagsalakay at pagsakop ng mga Hapones sa Thailand, British Malaya, Hongkong, Guam, at Wake Islands. Narating ng Hapon ang tugatog ng tagumpay sa pananakop sa Pasipiko nong 1942 at nagtatag sila ng Greater East Asia Co-Prosperity Sphere.

Unti-unti namang nakabangon ang United States mula sa pagkatalo sa Pearl Harbor at sa Pilipinas. Gumawa agad ang mga Amerikano ng mga kagamitang pandigma bilang kapalit sa mga nawasak ng Hapon. Tinipon nila ang mga puwersang Alyado na pinamumunuan ni Heneral Douglas MacArthur na nakatakas mula sa Corregidor at nangako sa mga Pilipino ng “I Shall Return.”

ANG PAGWAWAKAS NG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG AT ANG MGA PAGBABAGONG DULOT NITO

Tagumpay ng mga Alyadong Bansa sa Europe at Hilagang Africa

Taong 1943 nang magsimulang magbago ang ihip ng digmaan para sa Alyadong Bansa. Noong ika-6 ng Hunyo 1944, ang mga hukbong Alyado ay lumapag at dumaong sa Normandy samantalang sa Silangang Europe ay nilumpo ng mga Ruso ang mga hukbong Nazi at nasakop ang Berlin. Nagsimula sa pagkakapanalo ng Allied Powers sa Hilagang Africa noong ika-13 ng Mayo, 1945, na sinundan ng pagkabihag sa Sicily noong ika-11 ng Hunyo, at ang pagsuko ng Italya noong ika-3 ng Setyembre. Habang nilalabanan ni Heneral Montgomery ang mga Nazi sa Egypt, sinalakay naman ng mga puwersang Anglo-Amerikano sa pamumuno ni Heneral Dwight Eisenhower ang Morocco at Algeria. Pagkaraan ng matinding labanan noong ika-13 ng Mayo, ang Hilagang Africa ay napasakamay ng mga Alyadong Bansa. Sa Hilagang Africa at Sicily, ang pagkatalo ng mga hukbong Italyano ay nauwi sa pagbagsak ni Mussolini. Napaalis siya ni Pietro Badoglio. Si Mussolini ay nakatakas mula sa bilangguan at nagtungo sa hilagang Italya. Nagtatag siya ng bagong pamahalaang Fascista, ngunit di ito tinangkilik ng mga tao. Doon siya nahuli at pinatay kasama ng kanyang kinakasamang babae na si Clara Peracci noong ika-2 ng Abril, 1945. Noong ika-2 ng Mayo, nabihag ng mga Ruso ang Berlin. Noong ika-7 ng Mayo,tinanggap ang walang pasubaling tadhana ng pagsuko ng mga Aleman sa Rheims at nang sumunod na araw sa Berlin, sa wakas ay sumapit din ang tinatawag na V-E Day (Victory in Europe).

Ang Pagbagsak ng Germany

Noong ika-6 ng Hunyo, 1944 (D-DAY), lumapag sa Normandy, Pransya ang pwersa ni Heneral Eisenhower. Pagkaraan ng ilang linggong paglalaban, natalo nila ang mga Nazi.Setyembre 1944 nang palayain ng mga Alyado ang Belhika. Nakipagsapalaran si Hitler at sinalakay ang mga alyado na malapit sa Luxembourg noong ika-6 ng Disyembre. Tinawag na Battle of the Bulge ang labanang ito kung saan natalo ang mga Nazi.

Sa huling araw ng Abril 1945, bumagsak ang Germany dahil sa pag-atake ng mgaAlyado sa kanluran at ng mga Ruso sa Silangan. Napagtanto ni Hitler mula sa pinagtataguan ang kanyang kakampi at noongumaga ng ika-30 ng Abril, hinirang niya siAdmiral Karl Doenitz bilang kahalili. Noong hapon ding iyon, siya at ang kanyang kinakasamang babaeng si Eva Brawn, ay nagpakamatay.

Page 8: Araling Panlipunan - ZNNHS

6

Gabay na tanong: 1. Anu-ano ang mga sanhi ng ikalawang digmaang pandaigdig? 2. Ipaliwanag kung paano nagwakas ang ikalawang digmaang pandaigdig?

Ang Tagumpay sa Pasipiko

Ika-20 ng Oktubre, 1944 nang bumalik sa Leyte si Heneral Douglas MacArthur sa gitna ng pagbubunyi ng mga Pilipino. Pagkatapos ng mahigit sa ilang buwang pakikipaglaban ng mga Pilipino sa Hapones, idineklara ni Heneral McArthur ang kalayaan ng Pilipinas mula sa mga Hapon. Noong ika-6 ng Agosto, 1945, ang unang bomba atomika ay ibinagsak sa Hiroshima. Sinalakay naman ng Russia ang Manchuria, Korea at Timog Sakhalin. Noong ika-9 ng Agosto, muling nagbagsak ng bomba atomika sa Nagasaki ang mga Amerikano. Nagimbal ang Hapon, kaya tinanggap nito ang ultimatum ng mga Alyado noong ika-15 ng Agosto at pagkatapos ay tuluysn nang sumuko. Noong huling araw ng Agosto nang lumapag sa bansang Hapon si Heneral MacArthur bilang SCAP o Supreme Commander of the Allied Powers. Ika- 2 ng Setyembre, 1945, nilagdaan ng bansang Hapon ang mga tadhana ng pagsuko sa sasakyang US Missouri sa Tokyo Bay.

Mga Bunga ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nagdulot ito ng malaking pagbabago sa kasaysayan ng daigdig.

Malaking ang bilang ng mga namatay at nasirang ari-arian. Tinatayang halos60 bansa ang naapektuhan ng digmaan at higit na mas marami ang namatay kaysa Unang Digmaang Pandaigdig.

Natigil ang pagsulong ng ekonomiyang pandaigdig dahil sa pagkawasak ng agrikultura, industriya, transportasyon at pananalapi ng maraming bansa.

Bumagsak ang pamahalaang totalitaryang Nazi ni Hitler, Fascismo ni Mussolini, at Imperyong Hapon ni Hirohito.

Napagtibay ang simulaing command responsibility para sa pagkakasalang nagawa ng mga opisyal ng bayan at mga pinunong militar.

Naging daan ito ng pagsilang ng malalayang bansa – ang Silangan Germany, Kanlurang Germany, Nasyonalistang Tsina, Pulahang Tsina,Pilipinas, Indonesia, Malaysia, Ceylon, India, Pakistan, Israel, Iran, Iraq at ibapa.

Page 9: Araling Panlipunan - ZNNHS

7

3. Anu-ano ang mga naging bunga ng ikalawang digmaang pandaigdig? Gawain 1: Tukuyin kung ang mga sumusunod na pangungusap ay mga sanhi,

mahahalagang pangyayari o bunga ng ikalawang digmaang pandaigdig. Isulat ito sa talahanayan.

Noong ika-7 ng Mayo, tinanggap ang walang pasubaling tadhana ng pagsuko ng mga Aleman sa Rheims at tinatawag na V-E Day (Victory in Europe).

Noong ika-6 ng Agosto, 1945, ang unang bomba atomika ng Amerika ay ibinagsak sa Hiroshima.

Sinimulan ni Hitler ang kanyang blitzkrieg (biglaang paglusob na walang babala) sa ikalawang digmaang pandaigdig.

Ang pagtiwalag ng Germany sa Liga ng mga Bansa.

Noong 1931, inagaw ng Japan ang lunsod ng Manchuria. Kinundena ng Liga ng mga Bansa ang Japan .

Natigil ang pagsulong ng ekonomiyang pandaigdig dahil sa pagkawasak ng agrikultura, industriya, transportasyon at pananalapi ng maraming bansa.

Nais ng mga mamamayang Austriano na maisama ang kanilang bansa sa Germany. Ngunit ang pagsisikap na ito ay sinalungat ng mga bansang kasapi sa Allied Powers (Pransya, Gran Britanya at Estados Unidos).

Noong ika-7 ng Disyembre 1941, biglang sinalakay ng Japan ang Pearl Harbor, isa sa mga himpilan ng hukbong dagat ng United States sa Hawaii, tinawag na “Day of Infamy.”

Malaking ang bilang ng mga namatay at nasirang ari-arian. Tinatayang halos 60 bansa ang naapektuhan ng digmaan.

Page 10: Araling Panlipunan - ZNNHS

8

Gawin 2: Gamit ang timeline isalaysay ang simula, mga kaganapan at pagwawakas ng ikalawang digmaang pandaigdig.

Sumiklab ang ikalawang digmaang pandaigdig dahil… _______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Sa kalagitnaan ng digmaang naganap ang mga sumusunod. . . __________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________________________________________________________________________________

Nagwakas ang ikalawang digmaang pandaigdig dahil. . . ____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Page 11: Araling Panlipunan - ZNNHS

9

Gawain 1: Tukuyin kung ang mga salita ay may kinalaman sa, sanhi,

mahahalagang pangyayari o bunga ng ikalawang digmaang pandaigdig at ipaliwanag kung bakit ito ang iyong pinili, kulayan ang bilog.

1. Tumiwalag ang Germany sa Liga ng mga Bansa. Bakit ito ang iyong kinulayan?______________________________________________________ _________________________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________________________ 2. Noong ika-7 ng Disyembre 1941. Bakit ito ang iyong kinulayan?______________________________________________________ _________________________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________________________ 3. Paglaya ng maraming mga bansa. Bakit ito ang iyong kinulayan?______________________________________________________ _________________________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________________________ 4. Pinsala Bakit ito ang iyong kinulayan?______________________________________________________ _________________________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________________________ 5. Natigil ang pagsulong ng ekonomiya. Bakit ito ang iyong kinulayan?_________________________________________________________ _________________________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________________________ Gawain 2 Punan ng mahahalagang impormasyon ang frame .

Page 12: Araling Panlipunan - ZNNHS

10

Pamprosesong Tanong:

1. Anong pangyayari sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang tumatak sa iyong isipan?

2. Para sayo, Ano ang pangkabuuang aral ng naganap na Ikalawang Digmaang Pandaigdig?

3. Paano nakaapekto ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa larangan ng kabuhayan, pulitika at kultura ng mga bansang kasangkot o kabilang sa digmaan?

Page 13: Araling Panlipunan - ZNNHS

11

Gabay na tanong: 1. Sa iyong pagsisikap na makakatulong upang maiwasan ang mga digmaan alin sa mga sanhi sa pagsiklab ng ikalawang digmaang pandaigdig ang iyong maibabahagi bilang halimbawa na hindi dapat gawin ng mga bansa upang makaiwas sa pandaigdigang digmaan? ________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ _____________________________________________________________________________________________ 2. Ano naman mga bunga sa ikalawang digmaang pandaigdig ang iyong maibabahagi sa iyong speech o pagtatalumpati upang ipaalam ang masamang epekto ng digmaan para maiwasan ito at mapanatili ang kapayapaan? _____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ 3. Ano ang magagawa mo at natin upang makaiwas sa mga digmaan?

MO! NATIN!

Page 14: Araling Panlipunan - ZNNHS

12

Panuto: Basahin at unawain mabuti ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang titik na tumutugon sa tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Anong sanhi ng ikalawang digmaang pandaigdig ang tumutukoy sa pangyayaring pinasimulan ni Adolf Hitler, ang lider ng Nazi, ang muling pagtatatag ng sandatahang lakas ng bansa? Layon ni Hitler na labagin ang kasunduan sa Versailles na naglagay sa Germany sa kahiya-hiyang kondisyon.Upang makabangon sa pagkagapi sa Unang Digmaang Pandaigdig.

A. Digmaang Sibil sa Spain B. Pagsakop ng Italya sa Ethiopia C. Pag-agaw ng Hapon sa Manchuria D. Pag-alis ng Germany sa Liga ng mga Bansa

2. Anong sanhi ng ikalawang digmaang pandaigdig ang tumutukoy sa huling

pangyayari na nagpasiklab sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang pagpasok ng mga Aleman sa Poland noong 1939?

A. Paglusob sa Czechoslovakia B. Pagsakop ng Italya sa Ethiopia C. Pag-agaw ng Hapon sa Manchuria D. Paglusob ng Germany sa Poland

3. Kailan biglang sinalakay ng ng Japan ang Pearl Harbor, isa sa mga

himpilan ng hukbong dagat ng United States sa Hawaii. Ang pataksil na pagsalakay na ito sa Amerika ay tinawag na “Day of Infamy?”

A. ika-8 ng Disyembre 1941 B. ika-9 ng disyembre 1941 C. ika-7 ng Disyembre 1941 D. ika-10 ng disyembre 1941

4. Hindi kaagad sumalakay dito ang mga Aleman pagkatapos nilang

masakop ang Poland. Noong Abril 1940, ang Phony War ay biglang natapos sapagkat sinimulan ni Hitler ang kanyang blitzkrieg (biglaang paglusob na walang babala) Ano ang ibig sabihin ng blitzkrieg?

A. Paglusob ng marahas B. Paglusob ng mahinahon C. Hindi biglaang paglusob D. Biglaang paglusob ng walang babala

Page 15: Araling Panlipunan - ZNNHS

13

5. Habang namiminsala ang Hukbong Nazi sa Europa, ay naghahanda naman ang Hukbong Hapon sa pagsalakay sa Pasipiko. Upang itoy masugpo, pinatigil ng United States ang pagpapadala ng langis sa Japan mula United States. Ano marahil ang magiging bunga ng pagpigil ng Amerika sa pagpapadala ng langis sa Japan?

A. Ito ay mauuwi sa digmaan B. ito ay hahantong sa pagbuo ng alyansa C. Daan tungo sa pagkamit ng kapayapaan D. lubusang paghahanda para sa isang digmaan

6. Ayusin ang wastong pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari noong

Ikalawang Digmaang Pandaigdig: I. Ang D-Day ng mga Allied Powers sa Pransya

II. Ang pagsalakay ng mga Hapon sa Pearl Harbor III. Ang pagpasok ng Alemanya sa Poland IV. Ang pananakop ng Hapon sa Manchuria

A. II, IV, III, I B. I, IV, III, II C. IV, III,II,I D. III, IV, II, I

7. Maaalala sa buong mundo si Winston Churchill bilang isang kilalang:

A. Punong Ministro ng Gran Britanya noong World War B. Heneral ng Hukbong Sandatahang Lakas ng Allied Power C. Lider manggagawa sa panahon ng Rebolusyong Industriyal D. Isang taga suporta ng Nazi Party ni Adolf Hitler sa Europa

8. Saan naganap noong ika-6 ng Agosto, 1945, ang unang pag bomba atomika

ng Amerikano sa japan? A. Nagasaki B. Okinawa C. Tokyo D. Hiroshima

9. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI totoo tungkol sa mga bunga

ng ikalawang digmaang pandaigdig? A. Natigil ang pagsulong ng ekonomiyang pandaigdig. B. Nagpatuloy ang pamahalaang totalitaryang Nazi ni Hitler sa

pagwawakas ng ikalawang digmaang pandaigdig C. Napagtibay ang simulaing command responsibility para sa

pagkakasalang nagawa ng mga opisyal ng bayan at mga pinunong militar.

D. Naging daan ito ng pagsilang ng malalayang bansa – ang Silangan Germany, Kanlurang Germany, Nasyonalistang Tsina, Pulahang Tsina,Pilipinas, Indonesia, Malaysia, Ceylon, India, Pakistan, Israel, Iran, Iraq at iba pa.

10. Alin sa mga sumusunod na kasunduan ang naging dahilan ng pagtiwalag ng Germany sa liga ng mga bansa? A. Treaty of Paris B. League of Nation C. Kasunduang Versailles D. NATO

Page 16: Araling Panlipunan - ZNNHS

14

Panuto: Gumawa ng isang Jingle or maikling awitin na sariling Komposisyon nagpapakita ng iyong adbokasiya at saloobin upang maiwasan ang digmaang at ipaalam ang hin mabuting bunga nito.

Batayang aklat sa Araling Panlipunan 8, Kasaysayan ng Daigdig. MELC’s