Top Banner
MGA PERSIANO
55

Mga Persiano

Apr 16, 2015

Download

Documents

This can help you in Your AP III...
Welcome message from author
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
Page 1: Mga Persiano

MGA PERSIANO

Page 2: Mga Persiano

Mga PersianoIsang uri ng mga taong Indo- Europeo ang mga Persiano at Medes. Nagmula sila sa mga pastulan ng kabundukan ng Caucasus sa pagitan ng Black at Caspian Sea.

Page 3: Mga Persiano

Nandayuhan ang mga Persiano at Medes sa timog –silangan patungo sa talampas ng Iran sa silangan ng Ilog Tigris.

Page 4: Mga Persiano

Naging katapusan ng imperyo ng Assyria ang pagkakaisa ng Medes at Persia.

Page 5: Mga Persiano

Pagbagsak ng Assyria noong 612 BCE, napailalim sa mga Medes at Persiano ang kabuuan ng Iran at ang ibang bahagi ng hilagang lambak ng Tigris-Euphrates

Page 6: Mga Persiano

Ang imperyong Akemenida, higit na kilala bilang ang imperyong Persyano ay isang makasaysayang imperyo sa Asya.

Page 7: Mga Persiano

Sakop ng imperyong ito ang lahat ng bahagi ng makabagong iRan, Turkiya, Iraq, Sirya,israel, Hordan, Lebanon,

Page 8: Mga Persiano

Armenia, Heyorhiya, Aserbayan, Egipto, Apganistan, Uzbekistan, Turkmenistan, Pakistan, at ilang bahagi ng Rusya, Gresya,Ethiopia, India, at Saudi Arabia.

Page 9: Mga Persiano

Kasaysayan

Page 10: Mga Persiano

May mga katutubong 'Indo-aryan' kung tinatawag ngayon ay Iranian ang naninirahan sa lugar,na ngayon ay bansang Iran noong 3000 BCE.

Page 11: Mga Persiano

Sila ay nahahati sa dalawang nasyonalidad: ang mga Persiyano at mga Mediyano. Noong 625 BCE, nakapaggawa na ang huli ng isang imperyo na pinakamalaki sa lahat ng kaharian ng kanyang panahon.

Page 12: Mga Persiano

Ang naturang pangalang "Akemenida" ay nanggaling sa isang datu na pinangalanang si "Akemenyo”na namuno sa mga katutubong persiyano noong 705 BCE hanggang 675 BCE..

Page 13: Mga Persiano

Si Akemenyo ang itinuturing bilang ninuno ng mga haring akemenida ng imperyong Persiyano.

Page 14: Mga Persiano

MGA NAMUNO

Page 15: Mga Persiano

CYRUS

Page 16: Mga Persiano

CYRUS

Page 17: Mga Persiano

Isa siya sa pinakamagaling na pinuno sa kasaysayan. Magaling na mandirigma ang mga Persiano.

Page 18: Mga Persiano

Sa pamamahala niya lumaganap ang imperyo, na sa kalaunan ay sumakop sa halos kalahatan ng timog-silangang asya.

Page 19: Mga Persiano

Gumagamit sila ng mga kawal na nakakabayo at mga mamamana.

Page 20: Mga Persiano

Hangad ng mga persiano na maging pinakamahusay sila sa pagsakay sa kabayo, paggamit ng pana at busog at pagsasabi ng katotohanan lamang.

Page 21: Mga Persiano

Nagsimula nang itatag ni Cyrus Ang Dakila ang imperyong Akemenida noong 550 BCE nang naghasik siya ng rebelusyon ng mga

Page 22: Mga Persiano

katutubong persiyano laban sa imperyong mediyano dahil sa hindi maayos na pamamahala ng haring si Astyages sa kanila.

Page 23: Mga Persiano

. Nilupig ng una ang huli at sinakop ang imperyo, pero napagisipan naman ni Cyrus na ang mga Persiyano at Mediyano ay iisang lahi,

Page 24: Mga Persiano

kaya pinag-isang lahi niya ang dalawang nasyonalidad sa pangalang "Persiyano".

Page 25: Mga Persiano

Pagkatapos ng mga pangyayaring iyon, ang kaharian ng Neo-babylonia sa pamumuno ng haring si Nabonido,

Page 26: Mga Persiano

kaalyado ng nawasak na imperyo, ay naghasik ng digmaan laban sa bagong imperyong itinatag ni Cyrus, gayun rin ang ginawa ng kahariang Lydia sa pamumuno

Page 27: Mga Persiano

Ng haring si Creso; subalit, walang makakatalo sa husay ng haring Persiyano sa digmaan, at napasali rin ang dalawang kaharian sa mga lupain ng imperyong Persiyano.

Page 28: Mga Persiano

Noong natapos nang sakupin ni Cyrus ang mga kahariang ito, ang kanyang imperyo ay tinawag bilang pinakamalaki sa lahat ng kaharia't imperyo sa sinaunang mundo na nasasaksihan ng mundo.

Page 29: Mga Persiano

CAMBYSES

Page 30: Mga Persiano

Sinakop ni Cambyses, anak ni Cyrus, ang Egypt.

Page 31: Mga Persiano

Pumanaw na ang tumatandang si Cyrus sa edad na 70 noong disyembre, 530 BCE. Ipinagpatuloy ng kanyang anak na si Cambyses ang pakikidigma sa mga kahariang nakapalibot sa imperyo.

Page 32: Mga Persiano

Sa ilalim ng kanyang pananakop, nasakop niya ang ika-26 dinastiya ng kahariang Egipto, pero sa madugo namang paraan.

Page 33: Mga Persiano

DARIUS THE GREAT

Page 34: Mga Persiano

Namatay si Cambyses noong 522 BCE at inangkin ni Darius I ang trono ng persiya.

Page 35: Mga Persiano

Higit niyang pinalawak ang teritoryo ng Persia. Sinakop niya ang mga rehiyon sa timog at silangan ng Iran hanggang sa Ilog Indus sa India gayundin ang timog silangan ng Europe.

Page 36: Mga Persiano

Sa ilalim ng kanyang pamumuno nasakop niya ang mga lupaing silangan ng ilog indus, mga lupaing nasa hilaga ng ilog na ngayon ay tinatawag na amu darya sa uzbekistan, mga lupaing nasa timog ng ilog danube, mga kabundukan ng caucasus, at mga lupaing hilaga ng gresya.

Page 37: Mga Persiano

Inayos rin niya ang pamamahala sa mga dayuhang nasasakupan ng imperyo sa pamamagitan ng paghirang ng mga lalawigan na kung tawagin sa kanila ay satrapy, dahilan kung bakit tinawag rin siyang "ang dakila".

Page 38: Mga Persiano

Noong panahong ito, natatakot ang mga griyego sa kalupalupan ng gresya na baka sakupin sila ng mga persiyano, kaya naghasik ng rebelyon ang mga griyegong ionian sa asia minor sa tulong ng lungsod-estado ng athens.

Page 39: Mga Persiano

Winasak ni Darius ang rebelyon, at dahil galit siya sa ginawang pagtulong sa mga rebelde ng mga griyegong ateneo, nagsanay siya ng malaking hukbo upang isali ang gresya sa imperyo

Page 40: Mga Persiano

. Ipinadala ng hari ang 300,000-malakas na hukbo sa pamumuno ni datis sa mga baybaying-dagat ng marathon

Page 41: Mga Persiano

; Nakasagupa ng hukbo ang 10,000-malakas na hukbo ni miltiades, isang griyegong heneral. Umasa si datis na mananalo siya sa labanan, pero nabigo siya;

Page 42: Mga Persiano

Magiting at matapang ang mga griyego at mapagmahal sa kalayaan, naggawa sila ng napakataas na linya ng mga sundalo at sinugod ang napakaraming sundalong persiyano sa gitna ng takot at kamatayan.

Page 43: Mga Persiano

Nagulat ang persiyanong heneral sa nangyari; marami sa kanyang hukbo ang namatay at nalaman na lang niya na walang kaya ang mga sandata nila sa mga matataas na sibat-espada ng mga griyego, kaya dali-dali ang mga sundalong persiyano na bumalik sa mga barko.

Page 44: Mga Persiano

Noong narinig ni haring dario ang balita, ipinapapatay niya ang heneral dahil galit na galit siya sa nangyari sa marathon. Nagsanay na naman ng napakalaking hukbo ang hari, pero namatay siya bago pa natapos ito.

Page 45: Mga Persiano

XERXES

Page 46: Mga Persiano

Noong 400 BCE, nilusob nina Darius at ng kanyang anak na si Xerxes ang Greece. Sa pagsakop ng Greece, umabot hanggang sa Caspian Sea ang terirtoryo ng mga Persiano.

Page 47: Mga Persiano

Si Xerxes ang naging hari ng imperyo sa pagkamatay ng kanyang ama; ipinagpatuloy niya ang gawain ng kanyang ama na pagsasanay ng napakalaking hukbo para sa ikalawang paglusob sa gresya.

Page 48: Mga Persiano

Sa panahong nakapagsanay na siya ng mahigit 2,600,000-malakas na hukbo upang gibain sa lupa ang lungsod-estado ng athens at masakop ang lahat ng mga lungsod-estado ng gresya,.

Page 49: Mga Persiano

Ipinadala niya ang kanyang napakalaking hukbo sa thermopylae, isang makitid na patag na napapalibutan ng bulubundukin sa kaliwa at karagatan sa kanan.

Page 50: Mga Persiano

Dito nakasagupa niya ang 8,000-malakas na hukbong griyego sa pamumuno nina themistocles ng athens,leonidas ng sparta, at si demophilus ng thespia.

Page 51: Mga Persiano

Tumagal ang labanan sa tatlong araw, at habang walang humpay ang paglusob ng mga persiyano sa mga posisyon ng mga griyego,

Page 52: Mga Persiano

Marami sa una ang nalipol dahil sa sobrang dami nila nahihirapan silang makapasok at lumaban sa loob ng lambak ng thermopylae.

Page 53: Mga Persiano

Nangyari lamang ang kapanaluhan ng mga persiyano noong may isang griyegong traydor na si ephialtes ang nagturo sa haring si asuero sa isang daan upang mapalibutan ang mga griyego sa lambak;

Page 54: Mga Persiano

Noong nalaman na lang ni leonidas ito, ipinauwi niya ang karamihan sa kanyang hukbo at naiwan siya kabilang ang kanyang kasamang 300 sundalo na tubong-sparta,

Page 55: Mga Persiano

At nilaban nila ang mga persiyano hanggang sila lahat ay namatay. Pagkatapos ng labanan, nagalit ang haring persiyano sa nangyari sapagkat sa laki ng kanyang hukbo, malaking bahagi ng kanyang hukbo ang nalipol