Slide 1
MGA INSTRUMENTONG KAHOY-HANGINInstrumentong Hinihipan na Yari sa
KahoyPlautaBassoonOboeKlarineteAng mga instrumentong pantugtog na
ito ay lumilikha ng tunog sa pamamagitan ng pag-ihip ng hangin sa
nguso ng instrumento o dahil sa taglay nitong tambo o bangkuwang
(reed)Mulas sa Sanskrito na vansi , kilala rin ito sa tawag na
BANSI. Sa apat na kategorya ng instrumentong kahoy-hangin, ang
plauta lang ang walang tambo o bangkuwang. Upang tumunog,
pinadadaloy lang ang hangin sa kahabaan ng instrumento.Gumagamit ng
isang bangkuwang o reed para tumunog, binubuo ito ng limang bahagi
mula sa pinakadulo na kung tawagin ay mouthpiece, karugtong nito
ang barrel joint, upper joint, lower joint at bell, na siyang
malapad na bahagi nito.OboHalos 25 at kalahating pulgada ang haba
ng karaniwang obo. Bagamat ang katawan ay yaring kahoy, ang tiklado
(keys) nito ay yaring metal. Pinatutunog ito sa pamamagitan ng
pag-ihip sa bangkuwang upang ito ay manginig. Matinis ang tunog na
nililikha nito.
Bangkuwang ng obo
Piccolo Obo o PiccoloboeDating kilala bilang musette oboe, ito
ang pinakamaliit at pinakamatinis sa pamilya ng mga obo. Ito ay
nakatono sa E flat o F.
Bassoon o BahonGaya ng obo, ang bahon ay may dalawahang
bangkuwang. Lumulikha ito ng mababang tono na mula sa B flat sa
ibaba ng gitnang C, paakyat sa G. Malimit itong gamitin sa mga
orkestra. May anim na bahagi ito
bellBocal o crookreedWing jointbass jointBoot o buttFagonelloIto
ay tenor bassoon, maliit at mas matining ang tunog kung ikukumpara
sa pangkaraniwang bahon.
KlarineteAng salitang klarinete (clarinet) ay nagmula sa
Italyanong clarino na ang ibig sabihin ay trumpeta, at may dulong
-et na nangangahulugang maliit. Kabilang ito sa grupo ng mga single
reed na instrumento na may patulis na nguso at hugis kampanilyang
dulo. Isa ito sa pinakamalaking grupo ng mga instrumentong
hinihipang-kahoy at may higit sa 12 uri.
Hornpipe o TorototAng torotot ay di lamang ginagamit pang-ingay
tuwing Bagong Taon. Isang uri ito ng single reed na kapamilya ng
klarinete. Ito ay may maliit na bugahan ng hangin, limang butas sa
ibabaw para sa mga daliri at may dulong bahagi na hugis kampanilya.
Karaniwang ito sa mga lugar sa Europa. Ang Alboka sa larawan ay
mula sa Basque, timog ng Espana.
Dalawahang bangkuwang o double reed gaya ng nasa bahon (bassoon)
at obo (oboe)Isahang bangkuwang o single reed gaya ng nasa
klarinete
PalendagAng palendag ay isa sa tatlong uri ng kawayang bansi na
ginagamit sa Maguindanao. Ito ang pinakamahaba, at pinakamahirap
gamitin dahil sa kakaibang hugis ng dulo nito.
SulingAng suling ang pinakamaliit na kawayang bansi sa
Maguindanao. Pinadadaloy ang hangin sa butas sa dulo, habang may
apat na butas ito sa ibabaw para sa apat na daliri, at isang butas
sa ilalim.