Ang Mapagbigay na Punong Kahoy ni Shel Silverstein
Ang Mapagbigay na Punong Kahoyni Shel Silverstein
Noon, may isang punong kahoy…
na nagmahal sa isang batang paslit.
Araw-araw, dumarating ang bata
para pumulot ng mga dahon
at gumawa ng korona at magkunwarina hari ng kagubatan.
Inaakyat niya
ang puno
at nagpaduyan-duyan sa kanyang mga sanga
at namimitas ng
mga prutas.
Naglalaro sila ng taguan.
At kung siya’y napapagod,
nagpapahinga siya sa lilim ng puno
Lubusang minahal ng bata ang
punong kahoy…
At ang puno’y naging masaya.
Lumipas ang panahon
at ang bata’y lumaki.
At ang puno’y madalas
na naiwang mag-isa.
Ngunit isang araw
dumating ang bata.
“Halika, bata, akyatin mo ako at magpaduyan-duyan sa aking mga sanga…”
“at pitasin ang aking mga prutas, at maglaro sa lilim ko, at masiyahan.”
“Matanda na ako para makipaglaro.”
“Gusto kong magpakasaya.Kailangan ko ng mga kagamitan. Kailangan ko ng pera. ”
“Pasensya ka na,” sabi ng punong kahoy, “wala akong
salapi. Meron lang akong mga prutas.”
“Kunin mo ang mga prutas ko
at ibenta mo sa bayan. Magkakaroon ka ng pera at
ikaw ay liligaya.”
Pinitas ng bata ang lahat ng
mga prutas at dinala sa malayo.
At ang puno ay nasiyahan.
Ngunit matagal na nawala ang bata.
At ang puno ay nalungkot.
Ngunit isang araw, nagbalik ang bata at ang puno’y
muling nasiyahan.
“Halika, bata. Akyatin mo
ako at
magpaduyan-duyan sa
aking mga sanga.”
“Wala akong panahon para umakyat ng
puno.”
“Gusto kong makapag-asawa.
Gusto kong magkapamilya.”
“Kailangan ko ng bahay. Maari mo ba akong tulungan?”
“Wala akong bahay,” sabi ng punong kahoy.
“Ang gubat ang aking bahay.”
“Kung gusto mo, putulin mo ang aking mga sanga upang
makapagtayo ng bahay, at ikaw ay liligaya.”
At gayon nga ang ginawa ng bata.
Muling lumayo ang bata at nagpatayo ng bahay.
At ang puno ay nasiyahan.
Matagal na nawala ang bata.
Sa kanyang pagbalik, lubos na nasiyahan ang puno.
“Halika, bata. Tayo na at maglaro.”
“Matanda na ako at lubhang
nalulungkot para makipaglaro.”
“Nais ko magkaroon ng bangka para
lumayo.”
“Maari mo ba akong tulungan?”
“Putulin mo ang aking katawan at gawing bangka.”
“Ikaw ay makakapaglayag
…at ikaw ay liligaya.”
Kaya’t pinutol ng bata ang puno…
gumawa siya ng bangka at naglayag.
Ang puno ay nasiyahan…
ngunit hindi nang lubusan.
Pagkalipas ng matagal na panahon, muling nagbalik
ang bata.
“Pasensya na, bata. Wala na akong maibibigay sa iyo.”
“Ubos na ang mga prutas ko.”
“Mahina na ang mga ipin ko para sa mga prutas.”
“Wala na akong mga sanga.”
“Hindi na ako bata para dumuyan.”
“Wala na akong katawan.”
“Hindi ko na kayang umakyat
ng puno. Matanda na ako.”
“Pasensya na. Sana mayroon pa akong maibibigay sa inyo
pero wala nang natira.”
“Ako’y isang matandang tuod lamang. Pasensya na…”
“Wala na akong kinakailangan ngayon,” sabi ng bata, “ang nais ko
lang ay isang tahimik na lugar upang magpahinga.”
“Kung gayon, ang matandang tuod ay magandang upuan at
pahingahan.”
“Halika, bata, at umupo. Umupo ka at magpahinga.”
At gayon nga ang ginawa
ng bata.
At ang puno ay nasiyahan.
Wakas.