Top Banner
Mapagnilay na Pagdarasal ng Santo Rosaryo Tema:Paghahangad ng Kapayapaan at Kaligayahan Inihanda ni: Sr. Yel Adre, FdCC
15

Mapagnilay Na Pagdarasal Ng Rosaryo

Dec 11, 2015

Download

Documents

Yel Adre

A Tagalog meditative guide for praying the Glorious Mysteries
Welcome message from author
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
Page 1: Mapagnilay Na Pagdarasal Ng Rosaryo

Mapagnilay na Pagdarasal ng Santo RosaryoTema:Paghahangad ng

Kapayapaan at Kaligayahan

Inihanda ni:Sr. Yel Adre, FdCC

Page 2: Mapagnilay Na Pagdarasal Ng Rosaryo

Panimulang Awit:

Awit sa Ina ng Santo Rosaryo

Page 3: Mapagnilay Na Pagdarasal Ng Rosaryo

Unang Misteryo sa Luwalhati: Ang Muling Pagkabuhay ng Panginoong Jesukristo

Sinabi ng Anghel sa mga babae: "Huwag kayong matakot, alam kong hinahanap ninyo si Jesus na ipinako sa krus. Wala siya rito; binuhay siya ayon sa kanyang sinabi. Tingnan ninyo ang lugar na pinaglibingan sa kanya." (Mateo 28:1-10)

Page 4: Mapagnilay Na Pagdarasal Ng Rosaryo

Pagninilay…

Ama namin

10 Aba Ginoong Maria

Luwalhati

Maria, babae ng muling pagkabuhay,

Tugon: Samahan mo kami.

Page 5: Mapagnilay Na Pagdarasal Ng Rosaryo

Ikalawang Misteryo ng Luwalhati: Ang Pag-akyat sa Langit ng Panginoong Jesukristo

At lumabas sila ni Jesus hanggang sa may Betania, at itinaas niya ang kanyang mga kamay at binasbasan sila. At habang binabasbasan niya sila, humiwalay sila sa kanila at dinala sa langit. (Lucas 24:44-53)

Page 6: Mapagnilay Na Pagdarasal Ng Rosaryo

Pagninilay…

Ama namin

10 Aba Ginoong Maria

Luwalhati

Maria, babaeng mapagkakatiwalaan ng responsibilidad,

Tugon: Samahan mo kami.

Page 7: Mapagnilay Na Pagdarasal Ng Rosaryo

Ikatlong Misteryo ng Luwalhati: Ang Pagpanaog ng Espiritu Santo sa mga Apostol

Napuspos silang lahat sa Espiritu Santo at nagsimulang magsalita sa ibang mga wika ayon sa ipinagkaloob ng Espiritu na salitain ng bawat isa.

(Gawa 2:1-13)

Page 8: Mapagnilay Na Pagdarasal Ng Rosaryo

Pagninilay…

Ama namin

10 Aba Ginoong Maria

Luwalhati

Maria, babaeng mapagtiwala sa Diyos,

Tugon: Samahan mo kami.

Page 9: Mapagnilay Na Pagdarasal Ng Rosaryo

Ikaapat na Misteryo ng Luwalhati: Ang Pag-aakyat sa Langit ng Mahal na Birhen

May lumitaw na dakilang tanda sa langit: isang babaeng nadaramtan ng araw; nasa ilalim ng kanyang mga paa ang buwan, at korona naman sa kanyang ulo ang labindalawang bituin. (Pahayag 12:1-6)

Page 10: Mapagnilay Na Pagdarasal Ng Rosaryo

Pagninilay…

Ama namin

10 Aba Ginoong Maria

Luwalhati

Maria, babaeng malaya, Tugon: Samahan mo kami.

Page 11: Mapagnilay Na Pagdarasal Ng Rosaryo

Ikalimang Misteryo ng Luwalhati: Ang Pagpuputong ng Korona sa Mahal na Birhen

Dakila nga ang ginawa sa akin ng Makapangyarihan, banal ang kanyang pangalan... Pinatalsik niya sa luklukan ang mga makapangyarihan, itinampok naman ang mga bale-wala. (Lucas 1:46-55)

Page 12: Mapagnilay Na Pagdarasal Ng Rosaryo

Pagninilay…

Ama namin

10 Aba Ginoong Maria

Luwalhati

Maria, Ina ng Pag-ibig, Tugon: Samahan mo kami.

Page 13: Mapagnilay Na Pagdarasal Ng Rosaryo

Salve Regina

O Santa Maria, O Reyna’t Ina ng awa,

Ika’y aming buhay, Pag-asa’t katamisan.

Sa ‘yo nga kami tumatawag, pinapanaw na anak ni Eba,

Sa ‘yo rin kami tumatangis dini sa lupang bayang kahapis-hapis.

Page 14: Mapagnilay Na Pagdarasal Ng Rosaryo

Kaya’t ilingon mo sa amin ang mga mata mong maawain.

At saka kung matapos, aming pagpanaw, ipakita mo sa amin

ang iyong Anak na si Hesus.

O magiliw, maawain, matamis na Birheng Maria.

Page 15: Mapagnilay Na Pagdarasal Ng Rosaryo

Ipanalangin mo kami Santang Ina ng Diyos

Tugon: Upang kami’y maging dapat makinabang sa mga pangako ni Kristo.