Tinipon nina: Muhammad dela Pena Isinaayos nila: Abdullah Gonzales at Ahmad Fernandez Omar Taron Abdulaziz Gonzales P.O.Box 20824 Riyadh 11465 K.S.A. Tel.: no. 011-4083405 www.islamcocg.com ANG MGA KONDISYON NG SALAH 1. Islam 2. Sapat na pag-iisip 3. Tamang gulang 4. Taharah - Pagsasagawa ng (Wudhu, Ghusl o Tayammum) 5. Kalinisan ang pag-alis ng maruruming bagay sa (katawan, damit at lugar na pagsasaga- waan ng Salah) 6. Ang maayos na pagtatakip ng Awrah 7. Pagsasagawa sa takdang oras 8. Pagharap sa Qiblah (direksyon sa Makkah) 9. Pagkakaroon ng Niyyah (Hangarin na magsagawa ng Salah). ANG MGA HALIGI (RUKUN) NG SALAH 1. Pagtayo (kung makakaya). 2. Pagbigkas ng Takbeeratul Ihram (pagsasabi ng kauna-unahang Allahu Akbar). 3. Ang pagbigkas ng Al Fatiha, ang unang kabanata (Surah) ng Banal na Qur’an. 4. Ang Ruk’u o pagyukod ng ulo at likod sa anggulong 90 degrees. 5. Pagbalik sa pagkakatayo nang tuwid pagkatapos ng Ruk’u. 6. Sujud o pagpapatirapa sa lapag (sahig o lupa) na ang noo at ilong, dalawang kamay, tuhod, dulo ng paa ay nakadikit dito. 7. Pag-angat ng katawan mula sa pagkapatirapa upang maupo. 8. Maikling pamamahinga habang nakaupo. 9. Kapanatagan sa lahat ng kilos. 10. Pagsasagawa ng pangunahing bahagi ng Salah ayon sa pagkasunud-sunod. 11. Pag-upo para sa huling Tashahud. 12. Pagbigkas ng huling Tashahud (ikalawang bahagi). 13. Darood – ang panalangin para kay Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan ng Allah). 14. Ang Tasleem - ang paglingon ng mukha sa kanan at kaliwa na sinasabi ang Assalamu A’laykum wa Rahmatullah. ANG MGA WAJIB (DAPAT GAMPANAN) SA SALAH 1. Ang pagsasabi ng Allahu Akbar maliban sa Takbeeratul Ihram (ang unang Takbeer). 2. Ang pagsambit ng Imam at maging ng nagdarasal ng mag-isa ng: SAMI’ ALLAHU LIMAN HAMIDAH (Dinidinig ng Allah ang sinuman na nagpupuri sa Kanya). 3. Ang pagsabi ng Imam at ng bawa’t isa ng: RABBANA WA LAKAL HAMD (Panginoon namin ang papuri ay sa Iyo lamang). 4. Ang pagsabi ng: SUBHAANA RABBIYAL ADHEEM (Kaluwalhatian sa aking Dakilang Panginoon) habang nasa posisyon ng Ruku’. 5. Ang pagsabi ng: SUBHAANA RABBIYAL A’ALAA (Kaluwalhatian sa aking Panginoon, ang Kataas-taasan) habang nasa posisyon ng Sujud. 6. Ang pagsabi ng RABBIGH FIRLEE (O aking Panginoon patawarin Mo po ako) sa pagitan ng dalawang Sujud. 7. Ang pagbigkas ng unang bahagi ng Tashahud (at-Tashahud al-Awal) at 8. Ang pag-upo para sa unang Tashahud. ANG MGA SUNNAH SA SALAH 1. Ang pagbigkas ng Dua’ al Istiftah. “SUBHAANAKAL LAHUMMA WA BIHAMDIKA WA TABAARAKASMUKA WA TA’ALAA JADDUKA WA LAA ILAAHA GHAYRUK.” 2. Ang paglagay ng mga kamay sa dibdib, ang kanang kamay ay nakapatong sa kaliwang kamay habang nasa nakatayong posisyon. 3. Ang pagtaas ng mga kamay hanggang sa balikat na ang mga daliri ay magkaka- dikit at nagsasabi ng Allahu Akbar habang sinisimulan ang Salah, kapag nagsa- sagawa ng Ruku’ at kapag bumalik sa pagkakatayo para simulan ang ikatlong yunit ng Salah. 4. Ang pagsasabi ng: SUBHAANA RABBIYAL ADHEEM at SUBHAANA RABBIYAL A’ALAA nang higit sa isang beses habang nasa posisyon ng Ruku’ at Sujud. 5. Ang pagsasabi ng RABBIGH FIRLEE (O aking Panginoon, nawa’y patawarin Mo ako) nang higit sa isang beses sa pagitan ng isang Sujud. 6. Ang pagyuko na ang ulo at likuran ay nasa pantay na posisyon. Ito ay ang tamang posisyon ng Ruku’. 7. Habang nasa posisyon ng Sujud (pagpapatirapa, ang mga braso ay hindi dapat nakadikit sa tagiliran at ang dibdib ay hindi dapat nakadikit sa mga hita. 8. Ang pagtaas ng braso habang nasa Sujud (pagpapatirapa) na posisyon. 9. Ang Darood - panalangin para kay Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan ng Allah sa kanyang pamilya at para kay Propeta Ibrahim sa kanyang pamilya). (Ang huling Tashahud ang tinutukoy dito). 10. Ang pagsasagawa ng Salah sa Fajr, Maghreb at Isha nang may tunog. 11. Ang pag-upo sa pagitan ng dalawang Sujud na ang kaliwang pigi ay nakapatong sa kaliwang paa (na nakahiga) habang ang kanang paa ay nakatukod at ang daliri nito ay nakasayad sa lapag (sahig o lupa). 12. Ang pag-upo nang upong tinatawag na “Tawarruk” habang binibigkas ang huling Tashahud. Ang pag-upong ito ay ganito: nakatukod ang kanang paa, nakalagay ang kaliwang paa sa ilalim ng kanang paa, sa ilalim ng kanang binti, at nakadikit sa lapag ang kaliwang pigi. 13. Ang tahimik na pagbigkas ng Du’a pagkatapos ng huling Tashahud. 14. Ang tahimik na pagsasagawa ng Salah sa Dhuhor, A’sr, at sa huling Raka’h ng Maghreb at I’sha. 15. Ang pagbigkas ng mga piling talata sa Banal na Qur’an pagkatapos big- kasin ang Al-Fatiha. SURATHUL FATIHA A’OODHU BILLAAHI MINASH SHAYTAANIR RAJEEM 1. BISMILLAAHIR RAHMAAN- IR RAHEEM 2. ALHAMDULILLAAHI RAB- BIL ‘AALAMEEN 3. ARRAHMANIR RAHEEM 4. MAALIKI YAWMIDDEEN 5. IYYAAKA NA’BUDU WA IYYAAKA NASTA’EEN 6. IHDINAS SIRAATAL MUS- TAQEEM 7. SIRAATAL LADHEENA AN’AMTA A’LAYHIM 8. GHAYRIL MAGH DHOOBI A’LAYHIM WALADH DHAALLEN. AMEEN 1. Sa Ngalan ng Allah, ang Mahabagin, ang Maawain 2. Ang [lahat ng] papuri ay sa Allah [lamang], ang Panginoon ng lahat [ng mga nilikha]. 3. Ang Mahabagin, ang Maawain. 4. Ang Hari [Maalik] sa Araw ng Pagbabayad. 5. [Tanging] Ikaw lamang ang aming sinasamba, at [tanging] Ikaw lamang ang aming hinihingan [ng tulong]. 6. Patnubayan Mo kami sa matuwid na Landas – 7. Sa landas niyaong mga ginawaran Mo ng Iyong pagpapala at hindi [sa landas] ng mga umani ng [Iyong] Poot, at ng mga nangaligaw. SURATHUL IKHLAS BISMILLAAHIR RAHMAANIR RAHEEM 1. QUL HUWAL LAAHU AHAD 2. ALLAAHUS SAMAD 3. LAM YALID WA LAM YOOLAD 4. WA LAM YAKUL LAHU KUFUWAN AHAD Sa Ngalan ng Allah, ang Mahabagin, ang Maawain 1. Sabihin: “Siya ang Allah, Nag-iisa 2. “Allah, ang walang hanggang sandigan [o inaasahan ng lahat], 3. “Siya ay hindi nagkaanak at hindi Siya ipinanganak”, 4. “At sa Kanya ay walang makatu- tumbas [o makapapantay].” SURATHUL FALAQ BISMILLAAHIR RAHMAANIR RAHEEM 1. QUL A’OODHU BIRABBIL FALAQ 2. MIN SHARRI MAA KHALAQ 3. WA MIN SHARRI GHAASIQIN IDHAA WAQAB 4. WA MIN SHARRIN NAF- FAATHAATI FIL ‘UQAD 5. WA MIN SHARRI HAASIDIN IDHAA HASAD Sa Ngalan ng Allah, ang Mahabagin, ang Maawain 1. Sabihin: “Ako ay humahanap ng paglingap sa Panginoon ng bu- kang-liwayway, 2. Laban sa kasamaan ng anumang Kanyang nilikha, 3. At laban sa kasamaan ng kadili- man [ng gabi] kapag ito ay tahimik, 4. At laban sa kasamaan ng mga tagapag-ihip sa mga buhol, 5. At laban sa kasamaan ng isang mainggitin kapag siya ay naiinggit.” SURATHUL NAAS BISMILLAAHIR RAHMAANIR RAHEEM 1. QUL A’OODHU BIRABBINAAS 2. MALIKIN NAAS 3. ILAAHIN NAAS 4. MIN SHARRIL WASWAASIL KHANNAAS 5. ALLADHEE YUWASWISU FEE SUDOORIN NAAS 6. MINAL JINNATI WAN NAAS Sa Ngalan ng Allah, ang Mahabagin, ang Maawain 1. Sabihin: “Ako ay humahanap ng paglingap sa Panginoon ng sangkatauhan, 2. Sa Hari ng sangkatauhan, 3. Sa Diyos ng sangkatauhan, 4. Laban sa kasamaan ng lumalayong tagapagbulong – 5. Na nagbubulong [ng kasamaan] sa mga dibdib ng sangkatauhan, 6. [Sila ay] mula sa [lipon] ng jinn at tao.” TASHAHUD 1 AT-TAHIYYAATU LILLAAHI WAS-SALAWAATU WAT- TAYYIBAATU ASSALAMU A’LAYKA AYYUHAN NABI WA RAHMATULLAHI WA BARAKATUH. ASSALAAMU A’LAYNAA WA-`ALAA I’BAADILLAAHIS SALIHEEN. ASH-HADU ALLAA ILAAHA ILLALLAAH WA ASH-HADU ANNA MUHAMMADAN `ABDUHU WA- RASULUHU. TASHAHUD 2 ALLAHUMMA SALLI A’LA MUHAM- MAD WA A’LA ALI MUHAMMAD KAMAA SALLAYTA A’LA IBRAHEEM WA A’LA ALI IBRAHEEM INNAKA HAMIDUM MAJEED ALLAHUMMA BAARIK A’LA MUHAMMAD WA A’LA ALI MUHAMMAD KAMAA BAARAKTA A’LA IBRAHEEM WA A’LA ALI IBRAHEEM INNAKA HAMEEDUM MAJEED. “at magsagawa ng pagdarasal. Katotohanan, ang pagdarasal ay pumipigil sa mga gawaing mahahalay at masama” ةء وال�صصفة الو�صو� Ang Bukang Liwayway Ang Panimula Ang Kadalisayan Ang Sangkatauhan