Princess Kate SenoGanoon po ba ate? Sa tingin mop o ate, ano
kaya ang dahilan kung bakit nagbago na ang mga kabataang tulad ko
ngayon, ate?Sa paglipas ng panahon, maraming bagay ang nagbabago,
ngunit paano ba natin maiiwasan ang mga pagbabago? Paano ba
mapananatili ang nakagawian na? Isaisip at isapuso no ang making
mga sasabihin upang sa ganoon ay magiging maunland ka sa hinaharap.
Bilang isang nakatatandang kapatid, marapat lamang na bigyan kita
ng mga magiging huwaran mo sa iyong paglaki. Magsasabi lang ako ng
mga naoobserbahan ko sa mga kabataan tulad mo noon at ngayon.Noon,
ang kabataan ay masunurin, walang bisyo, magalang at maka-Diyos.
Ngayon, hindi na magalang dahil nasagot na ng pabalang sa mga
magulang, hindi masunurin dahil ang lagging sagot ngayon ay "mamaya
na" o kaya naman ay "saglit lang".
Inihanda ni: Felibeth B. SenoritaInihanda para kay:Gng. Melanie
R. Arellano
Felibeth Berbano SenoMaaari rin sapagkat imbes na tumulong sa
mga gawaing bahay, naglalaro, nagpe-facebook, nanonood ng mga
video, nakikipag-chat sa mga kaibigan at iba pa. sa mga
pangyayaring ito, nagging tamad na ang mga kabataan.May
impluwensiya po ba ang makabagong teknolohiya ngayon, ate?Princess
Kate SenoAng tingin kong dahilan ay ang mga napapanood ninyong mga
teleserye o kahit anon a nakaiimpluwensiya sa mga buhay ng mga
kabataan ngayon.Felibeth Berbano Seno
Felibeth Berbano SenoNawa'y naisaisip mo lahat ang mga itinuro
ko sa iyo, kapatid. Tandaan mo na kahit malayo ka sa amin, nandito
lang kami upang tumulong sa iyo. Sana huwag mong tularan ang mga
kabataang ito. Mag-aral kang mabuti kung gusto mong guminhawa ang
buhay mo sa hinaharap sapagkat ang edukasyon lamang ang tanging
maipamamana ng ating mga magulang sa atin. Mag-ingat kang mabuti
riyan..Mag-ingat ka rin palagi riyan. Huwag mong kalilimutan ang
nga sinabi ko sa iyo at higit sa lahat magdasal ka palagi sa
Panginoon.Ganoon po ba ate? Hindi ko po tutularan ang mga kabataang
ganoon ate.Princess Kate Seno
Ilan lamang ito sa maraming sakit ng mga kabataan na tulad mo na
naoobserbahan ko sa kasalukuyan. Naiisip ko tuloy kung may tunay
bang epekto ang edukasyon sa mga batang tulad mo? At higit sa lahat
naiisip ko kung paano kaya pinalalaki ng kani-kanilang mga magulang
ang mga ganitong uri ng kabataan. Naitanong ko din sa sarili ko na,
hindi ba kung ano ang isang bata ay iyon di ang uri ng pamilya
meron siya. Kung ano ang kilos ng bata sa paaralan ay dahil iyon
din ang gawi niya sa tahanan. Ang sinasalamin ng gawi, ugali, ng
isang bata ang tahanang meron siya. Kaya sinasabi ko ito sa iyo
aking kapatid dahil ayaw kong matulad ka sa mga kabataang nawawala
ang landas. Gusto kong ikaw ay isang karapat-dapat na mamamayan ng
ating bansa.Naisip ko rin na hindi kaya hindi talaga ang mga bata
ang tunay na nagbago o kaiba ang singaw sa panahong ito kundi ang
mga magulang? Sapagkat naniniwala ako na sa tahanan unang nahuhubog
ang pagkatao ng isang bata, nasa paggabay at pagtuturo ng magulang
ang kakalabasan ng ugali at paggawi ng isang bata. Tandaan mo sana
itong mga sinasabi ko sa iyo, kapatid.Kung ang mga bata sa
kasalukuyan ay lumaking sira ang karakter at walang disiplina iyon
ay dahil sa hindi sila nagabayan, naturuan at nadisiplina unang-una
ng kanilang mga magulang.Hindi maikakaila ang sipag ng mga magulang
sa pagtatrabaho upang mabuhay, mapakain at matugunan ang
pangangailangang materyal ng pamilya. Gayunpaman, hindi rin
maikakaila ang katamaran ng mga magulang sa pagdisiplina sa
kanilang mga anak, sukat na iasa na lamang sa mga paaralan ang
pagdisiplina sa bata. Dapat nilang maunawaan na sila bilang ang
tunay na mga magulang na nagluwal sa kani-kanilang mga anak ang
tunay na responsable sa pagtuturo at pagdisiplina sa mga bata at
pangalawa lamang ang paaralan.