Top Banner

of 10

Sanaysay Pagsusuri

Mar 03, 2016

Download

Documents

Jessa Mae Jaco

Sanaysay Pagsusuri
Welcome message from author
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript

PowerPoint Presentation

Republic of the PhilippinesMINDANAO STATE UNIVERSITYCOLLEGE OF EDUCATIONFatima, General Santos CityIsang Pagsusuri sa Sanaysay na Ang Bayan at ang mga (Gobyerno) Pinuno ni Emilio Jacinto

Banghay

Panimula Ngayong bumanag na sa langit na ating sinisilangan ang liwayway ng Kalayaan, at ang landas ng tunay na ligaya ay siyang naging panatang lalakaran, hanggang sa masapit ang hanggana ng nais, ngayong nga dapat na tantuin ng Anak ng Bayan ang maraming bagay na di maaaring kanyang natanto sa kapanahunang inaalipin ng Kastila.

Katawan

Kaya ngat ang alinmang kapangyarihan upang maging tunay na matwid ay sa Bayan lamang at sa kanyang mga tunay na Pinaka-katawan dapat na manggaling. Sa madaling salita, di dapat natin kilalanin ang pagkatao ng mga Pinuno na mataas kaysa sa madla. Ang pagsunod at pagkilala sa kanila ay dahil sa kapangyarihang ipinagkaloob ng Bayan, sama-katuwid, ang kabuuan ng mga kapangyarihan ng bawat isa.

WakasAng kayamanan ng Gobyerno ay nanggaling sa mga Anak ng Bayan; ang laki at tibay ng kapangyarihan ay sa pagkilalat pagsunod ng sa Bayan nagbubuhat; at ang tungkol ikinabubuhay ay ibinibigay na lahat ng Anak ng Bayan na nagpapabunga ng lupa, nag-aalaga ng hayop, at gumagawa ng mga sangkap at gamit na lahat sa kabuhayan.

II. Panunuring Pangnilalaman

A.) PaksaAng paksa o tema ng sanaysay na Ang Bayan at ang mga Pinuno ni Emilio Jacinto ay napapatungkol sa maling pamamalakad ng mga pinuno sa bayan at ang dapat na pagkakapantay-pantay ng mga pinuno at mga mamamayan.

B.) Uri ng TeoryaSosyolohikal Ang sosyolohikal na pagdulog ay nakatuon ang pagsusuri sa kamalayang panlipunan. Binibigyang-diin ang ugnayan ng tao sa kanyang kapwa-tao, sa lipunan, sa kapaligiran at sa iba pang aspektong panlipunan. O, anak ng bayan! Dili-dilihin mong palagi ang iyong pinuhunang duho at kahirapan, ang inubos mong lakas at pagpupumilit na ang purit katwirang nakalugmok ay napabangon sa panibagong buhay. Iyong dili-dilihin, at ikaw ay manghihinayang, kung muling maagaw ang iyong mga matwid sa kanylagan mot kahinaan ng loob.

Realismo Ang teorya ng realismo ay tumatalakay sa katotohanan sa lipunan. Karaniwan nitong pinapaksa ang kalagayan na nangyayari sa lipunan tulad ng kurapsyon, katiwalian, kahirapan at diskriminasyon. Madalas din itong naka pokus sa lipunan at gobyerno. Lagi nang sinasambit ang katwiran ng mga Pinuno at ang mga utang sa loob sa kanila ng Bayan. Itoy siyang karaniwang nakikita sa mga Pamahalaan. Datapwat ang Bayan ang siyang may katwiran, pagkat tungkol at matwid ng mga Pinuno ay laan at pawang dapat na isukat sa kapakinabangan at niloloob ng Bayan.

C. Uri ng Sanaysay- Di-Pormal

D. Anyo at Istruktura- Payak

E. Wika at Istilo

Matalinghaga ang mga ginamit na mga salita.

III. Pagsusuring PangkaisipanPahiwatigMalinaw na ipinapahiwatig ng may akda sa sanaysay na ito ang tungkol sa mga mamamayan o ang bayan at mga pinuno o ang gobyerno. Nais ding ipabatid ng may akda na ang mga mamamayan ay hindi kailanman nakayuko sa kapangyarihan na ibinigay nila sa mga pinuno, bagkus, silay magkakapantay lamang.

Mga Aral at ImplikasyonAng ipinapahayag ng aral ng sanaysay na ito ay ang pagkakapantay pantay ng bawat isa, lalo na sa mga itinakdang pinuno at sa mga mamamayan nito. Ipinapabatid din dito na ang aral na dapat baguhin ang ugali, at pahalagahan ang kautusan na una sa lahat upang manatili ang wastong katwiran.