Top Banner
Kataga ng Buhay Abril 2014
32

Kataga ng Buhay Abril 2014

Jan 10, 2016

Download

Documents

RosiNa

Kataga ng Buhay Abril 2014. “Isang bagong utos ang ibinibigay Ko sa inyo ngayon, mag-ibigan kayo! Kung paano Ko kayong inibig, gayundin naman, mag-ibigan kayo.” (Jn 13:34). - PowerPoint PPT Presentation
Welcome message from author
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
Page 1: Kataga ng Buhay Abril 2014

Katagang

Buhay

Abril 2014

Katagang

Buhay

Abril 2014

Page 2: Kataga ng Buhay Abril 2014

“Isang bagong utos ang ibinibigay Ko sa inyo ngayon, mag-ibigan kayo! Kung paano Ko kayong inibig, gayundin

naman, mag-ibigan kayo.” (Jn 13:34)

Page 3: Kataga ng Buhay Abril 2014

Maaaring nais nating malaman kung kailan sinabi ni Jesus ang mga katagang ito. Bago magsimula ang kanyang hirap at pagpapakasakit, bahagi ito ng Kanyang huling pamamaalam sa Kanyang mga

alagad,

Page 4: Kataga ng Buhay Abril 2014

kaya’t ito ay labis na mahalaga.

Page 5: Kataga ng Buhay Abril 2014

Kung ang mga katagang sinasambit ng isang ama sa huling sandali ng kanyang buhay ay hindi

makakalimutan, paano natin dapat ituring ang mga salita ng isang tao na isang Diyos? Dapat nating

tanggapin ito ng taimtim. Sama-sama nating subukan unawain ito ng ganap.

Page 6: Kataga ng Buhay Abril 2014

“Isang bagong utos ang ibinibigay Ko sa inyo ngayon, mag-ibigan kayo! Kung paano Ko kayong inibig,

gayundin naman, mag-ibigan kayo.”

Page 7: Kataga ng Buhay Abril 2014

Malapit nang pumanaw si Jesus at ipinapahayag ito ng Kanyang mga salita. Dahil sa nalalapit Niyang pagpanaw,

isang suliranin ang nangingibabaw sa Kanyang isipan: paano Siya mananatili sa piling ng Kanyang mga alagad

at alagaan ang sumisibol na Simbahan?

Page 8: Kataga ng Buhay Abril 2014

Alam natin na si Jesus ay naroroon sa mga sakramento. Halimbawa, sa Banal na Misa, tunay

na naroroon Siya sa Eukaristiya.

Page 9: Kataga ng Buhay Abril 2014

Subalit si Jesus ay naroon din kung saan ang mga tao ay nagmamahalan. Sapagkat sinabi Niya sa atin, “Kung saan may dalawa o tatlo na natitipon sa Aking pangalan

(at ito ay nagaganap sa pamamagitan ng pagmamahalan) naroon Ako sa kanilang gitna” (Mt

18,20).

Page 10: Kataga ng Buhay Abril 2014

Kaya’t sa isang pamayanang ang buhay ay malalim na nakaugat sa pagmamahalan, maaari Siyang patuloy na

manatili.

Page 11: Kataga ng Buhay Abril 2014

Sa pamayanang ito, patuloy Niyang maipapahayag ang Kanyang sarili sa mundo at magkaroon ito ng

pagbabago.

Page 12: Kataga ng Buhay Abril 2014

Hindi ba ito ay kahanga-hanga? Hindi ba ito nagtutulak sa atin na isagawa agad ang

pagmamahal na ito sa kapwa Kristiyano?

Page 13: Kataga ng Buhay Abril 2014

Sang-ayon kay San Juan, ang nagtala ng katagang atin pinagninilayan, ang pagmamahalan ang ipinakaunang

utos ng Simbahan, at ang kanyang tungkulin, sa katunayan, ay maging pagkakaisa.

Page 14: Kataga ng Buhay Abril 2014

“Isang bagong utos ang ibinibigay Ko sa inyo ngayon, mag-ibigan kayo! Kung paano Ko kayong inibig,

gayundin naman, mag-ibigan kayo.”

Page 15: Kataga ng Buhay Abril 2014

Pagkatapos Niyang bigkasin ang mga

katagang ito, sinabi ni Jesus, “Kung

kayo’y mag-iibigan, makikilala ng lahat

na kayo’y mga alagad Ko” (Jn

13,35).

Page 16: Kataga ng Buhay Abril 2014

Kaya’t kung nais nating malaman kung sino ang tunay na alagad ni Kristo, kung nais nating malaman ang kanilang natatanging katangian, ito ay sa kanilang pagmamahalan. Makikilala ang mga Kristiyano sa

palatandaang ito. Kung wala ito, si Jesus ay hindi na makikita ng mundo sa Simbahan.

Page 17: Kataga ng Buhay Abril 2014

“Isang bagong utos ang ibinibigay Ko sa inyo ngayon, mag-ibigan kayo! Kung paano Ko kayong inibig,

gayundin naman, mag-ibigan kayo.”

Page 18: Kataga ng Buhay Abril 2014

Ang bunga nga pagmamahalan ay pagkakaisa. Sinabi ni Jesus,

“... Nawa ang lahat ay maging isa... upang maniwala ang mundo...” (Jn 17,21).

Page 19: Kataga ng Buhay Abril 2014

Dahil ipinahahayag ng pagkakaisa ang presensiya ni Kristo, Siya ang umaakit sa mundo upang sumunod sa Kanya. Kapag

nakikita ng mundo ang pagkakaisa at pagmamahalan, maniniwala ito kay Jesus.

Page 20: Kataga ng Buhay Abril 2014

“Isang bagong utos ang ibinibigay Ko sa inyo ngayon, mag-ibigan kayo! Kung paano Ko kayong inibig,

gayundin naman, mag-ibigan kayo.”

Page 21: Kataga ng Buhay Abril 2014

Sa pamamaalam ding ito, tinawag ni Jesus ang kautusang ito na “Kanya”. Ito ay Kanya, kaya’t ito ay

tunay na malapit sa Kanyang puso.

Page 22: Kataga ng Buhay Abril 2014

Hindi natin ito dapat ituring lamang bilang isang pamantayan o alituntuning dapat sundin, o kaya ay isa na namang kautusan. Dito ay nais ipahayag sa atin ni

Jesus ang isang uri ng pamumuhay, Nais Niyang ibigay sa atin ang isang bagay na maaaring batayan ng ating

buhay.

Page 23: Kataga ng Buhay Abril 2014

Sa katotohanan, ang kautusang ito ang ginawang batayan ng mga unang Kristiyano sa

kanilang pamumuhay. Kagaya ng sinabi ni Pedro: “Una sa lahat, maging palagian ang

inyong pag-iibigan” (1Pd. 4:8).

Page 24: Kataga ng Buhay Abril 2014

Bago magtungo sa trabaho, sa paaralan, o dumalo sa Misa, o magsimula ng kahit anong gawain, tiyakin na

mayroong pagmamahalan sa pagitan natin o kung kanino man sa ating kasambahay. Kung mayroong

pagmamahalan, lahat ng ating gagawin ay may kabuluhan. Kung wala angg batayang ito, walang

anumang kalugod-lugod sa Diyos.

Page 25: Kataga ng Buhay Abril 2014

Sinabi rin ni Jesus na “bago” ang kautusang ito. “Ibinibigay ko sa

inyo ang isang bagong utos”.

Ano ang ibig niyang sabihin, na dati ay

hindi alam ang kautusang ito? Hindi.

Ipinahihiwatig ng salitang “bago” na ito

ay nabibilang sa “bagong panahon”.

Kung gayon, anong uri ng pagmamahal ang tinutukoy Niya dito?

Page 26: Kataga ng Buhay Abril 2014

Namatay si Hesus para sa atin. Kaya’t ang

pagmamahal na ito ang pinakadakila. Ngunit

anong uri ito ng pagmamahal?

Siguradong hindi ang pagmamahal na kagaya

ng sa atin. Ang pagmamahal Niya noon at ngayon ay dakila at

makalangit. Sa katunayan ay sinabi Niya, “Kung paanong minahal ako ng Ama,

gayundin minamahal Ko kayo” (Jn 15:9). Minahal

Niya tayo kagaya ng pagmamahal na

namamagitan sa Kanya at sa Ama.

Page 27: Kataga ng Buhay Abril 2014

Sa ganitong uri ng pagmamahal dapat tayong magmahalan upang maisakatuparan ang “bagong”

utos. Subalit, bilang tao, tayo ay hindi nagtataglay ng ganitong uri ng pagmamahal.

Page 28: Kataga ng Buhay Abril 2014

Ngunit magpasalamat tayo dahil bilang mga Kristiyano, nakamtan na natin ito. Itinanim ito ng

Espiritu Santo sa ating puso, at sa lahat ng mananampalataya.

Page 29: Kataga ng Buhay Abril 2014

Kung gayon ay mayroong ugnayan sa Ama, at sa Anak tayong mga Kristiyano dahil sa natatangi, dakila at makalangit na pagmamahal na ating

tinataglay. Ang pagmamahal na ito ang nagpapakilala sa atin sa buhay ng Santatlo, dahilan upang

maituring tayong mga anak ng Diyos.

Page 30: Kataga ng Buhay Abril 2014

Kaya’t ang pagmamahal na ito ang bigkis na nagbubuklod sa langit at lupa sa masiglang paraan. Sa

pamamagitan nito, nakikibahagi ang pamayanang Kristiyano sa buhay ng Diyos at ang Diyos ay nananatili

sa lupa, saan man ang mga mananampalataya ay nagmamahal sa isa’t isa.

Page 31: Kataga ng Buhay Abril 2014

Hindi ba napakaganda ang lahat ng ito? Gayundin, ang buhay Kristiyano ay tunay na kamangha-mangha!

Page 32: Kataga ng Buhay Abril 2014

“Isang bagong utos ang ibinibigay Ko sa inyo ngayon, mag-ibigan kayo! Kung paano Ko kayong inibig, gayundin

naman, mag-ibigan kayo.”

Isinulat ni Chiara LubichIsinulat ni Chiara Lubich