1 Kagawaran ng Edukasyon Araling Panlipunan 1 Kahalagahan ng Bawat Kasapi ng Pamilya Ikalawang Markahan – Ikatlong Linggo Schools Division Office – Muntinlupa City Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City (02) 8805-9935 / (02) 8805-9940 Maria C. Dolorfino at Josephine R. Sierra Manunulat Irene U. Destura Tagasuri Dr. Aurora S. Bartolaba Edizer C. Laqueo David T. Libao Mariel Eugene L. Luna Katiyakan ng Kalidad
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
1
Kagawaran ng Edukasyon
Araling
Panlipunan 1 Kahalagahan ng Bawat
Kasapi ng Pamilya
Ikalawang Markahan – Ikatlong Linggo
Schools Division Office – Muntinlupa City Student Center for Life Skil ls Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City (02) 8805-9935 / (02) 8805-9940
Maria C. Dolorfino at Josephine R. Sierra
Manunulat
Irene U. Destura
Tagasuri
Dr. Aurora S. Bartolaba Edizer C. Laqueo
David T. Libao Mariel Eugene L. Luna
Katiyakan ng Kalidad
2
Pagkatapos mong mapag-aralan ang mga araling
nakapaloob sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
Masasabi ang kahalagahan ng bawat kasapi ng
pamilya; at
Matutukoy ang tungkulin ng bawat kasapi ng
pamilya.
I. Isulat sa patlang ang ___ kung tama ang
isinasaad ng pangungusap at kung mali.
______1. Ang bawat kasapi ng pamilya ay may kani-
kaniyang tungkulin.
______2. Si Ate ay maaari ring magkumpuni ng mga
sirang gamit sa bahay.
______3. Magkatulong na gumagawa ng gawaing bahay
sina Nanay at Tatay.
______4. Si Tatay ang haligi ng tahanan.
______5. Sina Lolo at Lola ang tanging naghahanap-
buhay para sa pamilya.
3
Panuto: Gumuhit ng puso ____ sa tapat ng larawan
kung ang kaugalian ay patuloy na ginagawa ng inyong
pamilya at araw ____ naman kung hindi na ginagawa.
_____1.
_______2. __________4.
_______3. _________5.
Ang bawat kasapi ng pamilya ay may kaniya-
kaniyang tungkulin. Mahalaga ang bawat kasapi ng
pamilya. Tatay – nagsisilbing haligi ng tahanan.
Katuwang niya si Nanay sa
paghahanapbuhay at mga gawaing bahay.
.
4
Nanay – Siya ang kaagapay ng ama sa
pamilya at kasamang nag-aasikaso sa mga
pangangailangan sa tahanan. Siya ang ilaw ng
tahanan.
Kuya – Nakatatandang kapatid na lalaki.
Tumutulong sa mga magulang sa mga gawain
bahay. Pumapatnubay sa mga nakababatang
kapatid.
Ate – Nakatatandang kapatid na babae.
Kabahagi sa mga gawaing bahay at
gumagabay sa nakababatang kapatid.
Bunso – Pinakabatang kasapi ng pamilya at
nangangailangan ng higit na kalinga.
Lola at Lolo – Pinakamatandang
kasapi ng pamilya at kasama rin sa
pag-aalaga ng pamilya. Tagapayo
at taga-gabay sa pamilya.
5
A. Suriin ang mga larawan sa ibaba. Ikahon kung ang
larawan ay nagsasaad na ang mga miyembro ng pamilya
ay gumaganap ng kanilang tungkulin at bilugan
kung hindi.
1. 4.
2. 5.
3.
6
B. Piliin ang sagot mula sa “Family Tree” at isulat ang
pangalan ng tinutukoy na miyembro ng pamilya.
__________1. Siya ang karaniwang naghahanapbuhay
para sa pamilya.
__________2. Siya ang gumagawa ng mga gawaing
bahay.
__________3. Sila ang katulong ng kanilang mga magulang
sa gawaing bahay.
__________4. Siya ang nagpapasaya sa pamilya kahit
wala pang nagagawa sa tahanan
__________5. Kasama rin sila sa pag-aalaga ng pamilya.
Kuya Ate Bunso
Nanay Tatay
Lolo Lola
7
Ang bawat kasapi ng pamilya ay may bahaging
dapat gampanan upang maging maayos ang
kanilang pamumuhay.
Mahalaga ang pagganap sa tungkulin ng bawat
kasapi ng pamilya.
Gawain 1.1: “ Sagot Mo, Dikit Mo”
Gumupit ng larawan mula sa magasin ng kasapi ng
pamilyang gumaganap sa tinutukoy na tungkulin.
Tungkulin Sino-sino ang mga
gumaganap nito?
1. Siya ang
naghahanapbuhay
sa pamilya.
2. Siya ang nag-
aasikaso sa mga
pangangailangan sa
tahanan.
3. Tumutulong kay
nanay sa mga
gawaing bahay
gaya ng pagluluto,
8
Gawain 1.2 : Ilista Mo! Maglista sa papel ng limang tungkulin mo sa inyong
tahanan. Magpatulong sa magulang sa pagsagot nito.
paglalaba at
paghuhugas ng
plato.
4. Siya ang
nagpapasaya sa
pamilya.
5. Tumutulong sa tatay
sa mga gawain gaya
ng pagkukumpuni ng
mga sira sa tahanan,
pag-iigib, at
pagtatanim ng mga
halaman.
9
Gawain 1.3
Kilalanin kung Tama o Mali ang pahayag. Lagyan ng tsek
ang tamang hanay ng iyong sagot.
Tama Mali
1. Ang bawat kasapi ng mag-anak
ay may kani-kaniyang tungkulin.
2. Ang bata sa Unang Baitang ay
wala pang kayang gawin sa
loob ng tahanan.
3. Ang sanggol ay nagpapasaya
sa pamilya kahit wala pang
nagagawa sa tahanan.
4. Sina Tatay at Nanay ay
nagtutulungan sa pag-aalaga sa
mga anak.
5. Sina Lolo at Lola ay ang
naghahanapbuhay sa pamilya.
Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Bilugan
ang letra ng tamang sagot.
1. Sino ang itinuturing na haligi ng tahanan?
A. Lola B. Lolo C. Nanay D. Tatay
2. Siya ang nag-aalaga ng mga anak at nagsisilbing
ilaw ng tahanan.
A. Lola B. Lolo C. Nanay D. Tatay
10
3. Sino-sino ang katuwang nina Nanay at Tatay sa mga gawaing bahay?
A. Ate at Kuya C. Lola at Lolo
B. Bunso D. Tito at Tita
4. Nakita mong nag-aaway ang iyong ate at kuya, ano ang iyong gagawin?
A. Isusumbong ko sila sa aking mga magulang.
B. Magkukunwari akong hindi ko sila nakita.
C. Pabayaan ko sila.
D. Panoorin ko sila.
5. Bakit mahalaga ang bawat kasapi ng pamilya?
A. Upang maging buo ang pamilya.
B. Upang maging madali ang mga gawain sa
tahanan.
C. Upang sila ay masaya.
D. Upang sila ay guminhawa.
11
Sanggunian
Lesson Exemplar Kuwarter 2, Week 3
Teachers Guide1 pp. 56-68
Retrieved from Araling Panlipunan Kagamitan ng Mag –aaral(tagalog) mula sa kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas- Bureu of Learning
Resources (DepEd-BLR) – pahina 74-79
K to 12 Grade 1 Learner’s Material In Araling Panlipunan (Q1-Q4), page 68.,