1 Kagawaran ng Edukasyon Araling Panlipunan 2 Mga Sagisag sa Aking Komunidad Ikalawang Markahan – Ikatlong Linggo Schools Division Office – Muntinlupa City Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City (02) 8805-9935 / (02) 8805-9940 Emily M. Lapuz Manunul at Annie D. Pesito Tagasuri Eustaquio C. Escario Mark Joseph C. Fernandez Dr. Zoren Pepito L. Gubalane Katibayan ng Kalidad
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
1
Kagawaran ng Edukasyon
Araling
Panlipunan 2 Mga Sagisag sa Aking
Komunidad Ikalawang Markahan – Ikatlong Linggo
Schools Division Office – Muntinlupa City Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa Ci ty (02) 8805-9935 / (02) 8805-9940
Emily M. Lapuz
Manunulat
Annie D. Pesito
Tagasuri
Eustaquio C. Escario
Mark Joseph C. Fernandez
Dr. Zoren Pepito L. Gubalane
Katibayan ng Kalidad
2
Sa nakaraang aralin ay nalaman mo ang mga
pagbabagong naganap sa iyong komunidad sa
pamamagitan ng pagsasaliksik. Sa modyul na ito ay ating
tatalakayin ang mga sagisag na matatagpuan sa ating
komunidad upang makilala natin ito ng husto.
Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
1. Maisa – isa ang mga sagisag na matatagpuan sa
komunidad;
2. Maiugnay ang mga sagisag na matatagpuan sa
komunidad sa kasaysayan nito; at
3. Mapahalagahan ang mga sagisag na
matatagpuan sa komunidad.
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap.
Isulat sa patlang ang letra ng tamang sagot.
______1. Ito ang pinakamaliit na likas na lawa ng
bansa.
A. Jamboree Lake C. Lawa ng Muntinlupa
B. Lawa ng Laguna D. Sunshine Lake
_______2. Sa barangay na ito matatagpuan ang
Biological Production Service o BPS na itinayo
noong 1924.
A. Alabang B. Bayanan C. Poblacion D. Sucat
3
_______3. Dito naganap ang pagbaril sa ating bayaning
si Dr. Jose P. Rizal noong Disyembre 30, 1896.
A. Bagumbayan C. Mactan
B. Malabon D. Poblacion
_______4. Ito ang sinisimbolo ng Magellan’s Cross na matatagpuan sa lungsod ng Cebu.
A. Katolisismo C. Magandang imahe
B. Katapangan D. Pagsusumikap ng Pilipino
_______5. Bakit kailangan mong malaman ang mga sagisag ng iyong komunidad?
A. Pinag – isipang mabuti ang disenyo.
B. Dahil ito ay pinaghirapan ng aming pinuno.
C. Dahil ito ang nais ng aking guro na pag - aralan.
D. Sapagkat ito ang nagpapakilala sa aking
komunidad.
Bago ka magpatuloy sa bagong
aralin, atin munang balikan ang iyong
napag- aralan. Handa ka na ba?
4
Panuto: Punan ng tamang impormasyon ang
talahanayan sa ibaba.
Mga Pagbabago sa Aking Komunidad.
NOON NGAYON
Transportasyon Hal. Kalesa Hal. Bus
Tirahan
Kagamitan
Hanapbuhay
Panuto: Pagmasdan ang mga larawan sa ibaba. Lagyan
ng tsek ang loob ng kahon ng mga lugar na iyong
napuntahan na.
Mga Katanungan:
1. Ano – ano ang mga lugar na iyong napasyalan?
____________________________________________
5
2. Ano ang iyong naging damdamin sa iyong
napuntahan?
_______________________________________________
3. Bakit kaya kailangan nating makilala ang mga lugar
na ito?
________________________________________________
Aralin 1: Mga Pambansang Sagisag ng Komunidad
Liwasang Rizal o Parkeng Rizal
Ito ay matatagpuan sa lungsod
ng Maynila na dating tinawag na
Bagumbayan sa panahon ng
pananakop ng mga Kastila. Dito
naganap ang pagbaril sa ating
pambansang bayani na si Dr. Jose
Rizal noong Disyembre 30, 1896.
Ang nasa larawan ay ang
tinatawag na Magellan’s Cross na
sumisimbolo sa Katolisismo na
ipinakilala ng mga Espanyol sa
Pilipinas. Makikita ito sa lungsod ng
Cebu.
Matatagpuan ang Bantayog ni Lapu
Lapu sa Mactan, Cebu. Si Lapu-
Lapu ang itinuturing na kauna –
unahang bayaning nagtanggol sa
kalayaan ng ating lahi. Pinamunuan
niya ang pangkat na lumaban at
nakapatay kay Ferdinand Magellan
at sa mga kasamahan nito. (Pinagkunan: Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino 2/Phoenix Publishing House pahina:162)
Liwasang Rizal sa
Lungsod ng Maynila Pinagkunan: ht t ps ://t inyurl.com/y588bz9l
Pet sa June 13, 2020
Pinagkunan: https://tinyurl.com/y4pohy9w June 13, 2020
Magellan’s Cross sa Lungsod ng Cebu. Pinagkunan: https://tinyurl.com/y4utyvgy Petsa June 13, 2020