Kabanata 12: Placido Penitente
-Mga taga Ateneo mabibilis lumakad, may hawak na aklat at
kuwaderno, abala at iniiisip ang kani-kanilang mga leksyon,
nakadamit ng parang europeo ang ilan.-Letranista nakadamit Filipino
at higit na kaunti ang dalang aklat-Juanito Pelaez kaklase ni
Placido na anak ng isang mestisong Espanyol na negosyante. Kaibigan
ni Padre Camorra at kasama nitong nangharana noong
bakasyon.-Dumating ang karwahe ni Paulita Gomez, lahat ay natulala
at nakatingin at namumutla si Isagani.-Tadeo bagamat lakwatsero at
mahilig magpalusot na may sakit o di kayay may gagawin para hindi
lamang maka pasok sa klase ay pumapasa at sinasabing mahal ng mga
propesor-Nahuli si Placido sa klase at nagdabog pa sa pagpasok kaya
naman sinabi ng guro na magbabayad ito.
Kabanata 13: Klase sa Pisika
-Padre Millon guro ni Placido noong umagang iyon; pinakakabisa
ang lahat ng nsa libro.-May natutulog sa klase na nahuli ng guro
kaya naman inulan ito ng tanong at noong minsay sumabat si Juanito,
napasa ito sa kanya at humingi ng tulong kay Placido. Nahuli ni
Padre Millon na tinutulungan ni Placido si Juanito kaya naman ito
ang tinanong ng tinanong. Sa huli ay napuno na si Placido at
sinabing walang karapatan ang pari na magsalita ng ganoon. Wala daw
itong karapatang mang alipusta ng kapwa at bigla na lang umalis ito
ng klase.
Kabanata 14: Isang Bahay ng mg Estudyante-Ito ang bahay ni
Makaraig: malaki, maluwang at may dalawang palapag na entresuwelong
may mga eleganteng rehas.-Pinag-uusapan nila yung naging resulta
nang petisyon nila kung nanalo ba si Padre Sibyla o si Padre Irene
sa pagkuha ng panig ng kapitan heneral-Pecson pesimistiko; isang
tabatsoy na may tawang sinluwag ng isang bungonagsasalita tungkol
sa panlabas na impluwensya kung nasangguni nab a kay Obispo A,
Padre B etc.-Sandoval peninsular at liberal; Nirerespeto ang mga
Fraile at ang kapitan heneral-Iniwan sa Comision Superior de
Instuccion Primaria ang petisyon nila na pamumunuan ni Don
Custodio-Mga paraaan ng pagkumbinsi: ang bailarinang si Pepay o ang
abogadong si Senyor Pasta (may burdadora). Pupuntahan daw muna ni
Isagani itong si Senyor Pasta bago gawin ang Plan B.
Kabanata 15: Si Senyor Pasta-Ikinuwento ni Isagani kay Senyor
Pasta ang kanilang sitwasyon at ang naging reaksyon nito ay
mapanganib daw ang ganyang uri ng mga petisyon, mas mabuting hayaan
daw na gobyerno ang kumilos.
Kabanata 16: Mga Hapis ng Isang Tsino-Naghahangad na magtatag ng
isang konsulado para sa mga Intsik si Quiroga kaya naman nagdaos
ito ng hapunan sa itaas ng kaniyang malaking bazaar sa Kalye
Escolta.-Pumayag ito sa kasunduan nila ni Simoun sapagkat sa dami
ng utang nito, kapag pumayag siya sa gusto ni Simoun, ang 9,000
piso na utang nito ay magiging 7,000 na lang. Papayag lamang siya
na ilagay sa bodega ang mga armas na kakailanganin ni Simoun.
Kabanata 17: Ang Perya sa Quiapo-Tuwang tuwa si Padre Camorra sa
dami ng mga nag gagandahang mga babae kaya naman nakukurot na niya
si Ben Zayb.Dumating si Paulita kasama si Donya Victorina.
Nababalisa si Isagani sa dami ng nakatingin sa mga tao. Parang sa
bawat pag titig ay nababawasan ang kagandahan ng kasintahan
niya.-Mr Leeds may-ari ng palabas na kaibigan ni Simoun
Kabanata 18: Mga Panlilinlang-Ninais na patunayan ni Ben zayb na
optikal ilusyon lamang ang palabas na ulo. Sinabi niya na puro
lamang ito salamin ngunit nang inspeksyunin ay walang
nakita.-nagtatago si Padre Irene: nag suot ng bigote-Nagpakita si
Imuthis (na nakaharap kay Padre Salvi) na isinilang daw sa panahon
ng Amasis at pinatay sa panahon ng pananakop ng mga Persas. (
similar ang kwento kay Ibarra kaya naman nasindak si Padre Salvi at
nahibang sa takot.Kinabukasan umalis na ng bansa si Mr Leeds
patungong Hong Kong
Kabanata 19: Ang Mitsa-Nakikipag-usap si Kabesang Andang kay
Placido at nagmamaka awa na bumalik ito sa unibersidad.-Yung dating
Maestro na sinuspindi ay naging taga gawa ng pulbura-Sinabi na ni
Simoun ang mga plano niya kay Placido at ang hudyat na unang putok
ng kanyon. Umalis si Placido na sigurado na sa kanyang pagsali sa
rebolusyon.
Kabanata 20: Ang Ponente-Don Custodio de Salazar y Sanchez de
Monteredondo kilalang Buena Tinta ( Mapagkakatiwalaan ang
sasabihin)-Kilala sa mga ideya nito: tulad na lamang ng panukala
nito sa Maynila na gumamit na ilawang de gaas kapalit ng ilawang
langis ng niyog. Dahil dito, namatay ang industriya ng niyog at
kung may kumita man, isang konsehal lamang ito.
Kabanata 21: Mga Ayos-Maynila
Sa kabanatang ito, makikita ang hitsura ng Maynila kapag
mayroong mga dumarayong dayuhang palabas. Maraming tao sa teatro ng
Variedades sapagkat mayroong pagtatanghal ang isang nagngangalang
Ginoong Jouy. Ang palabas ang isang dulang Pranses na pinamagatang
Les Cloches de Corneville. Ika-pito at kalahati pa lamang ng gabi
ay wala ng tiket kayat pati si Padre Salvi ay wala na rin daw
makuha. Sa entrada general ay may mahabang pila ng mga tao na
nagnanais pang pumasok. Ang dulaan ay nagliliwanag ng mabuti, may
mga bulaklak at halaman sa mga pintuan at bintana at may makapal na
tao na parang kalamay na hinahalukay kung saan maririnig ang mga
tawanan, bulungan at batian.Sa kabanatang ito, makikilala natin ang
dalawang bagong tauhan. Ang una ay si Camaroncocido. Siya ay
mapapansing tila di-kahalo sa mga nag-uumpukang tao. Siya ay mataas
na lalaking payat, marahang lumakad na parang kinakaladkad ang
isang paa na tila naninigas, abuhin ang kulay ng kanyang buhok na
mahaba at kulot sa dulo na wariy buhok ng isang makata. Nakasout
siya ng isang amerikanang kulay-kape at pantalong pari-parisukat
ang guhit at mayroon din siyang sombrerong hongo de arte. Siya raw
ay anak ng isang tanyag na angkang Kastila ngunit nabubuhay na tila
isang pulubi.Ang ikalawa ay si Tio Kiko. Siya naman ay isang
matanda at pandak na lalaki. Mainam daw siyang kabaligtaran ni
Camarococido. Mayroon siyang takip sa ulong sombrero de copa,
nakadamit ngt lebitang maluwang at napakahaba ngunit ang kanyang
pantaloon ay napaka-ikli, nakasapatos ng yaong malalaki ng
marinero, may balbas at patilya na mapuputi at kayumanggi ang
balat. Nabubuhay siya sa pagdidikit ng mga kartel, paglalathala at
pagbabalita ng mga palabas.Ayon kay Camaroncocido, ang mga prayle
sa pamumuno ni Padre Salvi, at ang mga hindi pari, sa pamumuno ni
Don Custodio, ay tutol sa pagtatanghal ngunit sa totoo raw ay
nagnanais ring makakita ng mga naggagandahang babae sa
pagtatanghal. Ngunit ang ilan ay sang-ayon naman daw katulad ng mga
opisyal ng hukbo at pandigmang-dagat, ayudante ng Heneral, mga
kawani at matataas na tao, mga taong nakadalaw na sa Paris, mga
lalaking wala pang katipan at yaong mga nagsasabing sila ay bihasa
sa salitang Pranses.Naririto rin si Padre Irene na nagtutungayaw sa
operetang Pranses. Makikita rin dito si Ben-Zayb na nangangatal
sapagkat natatakot na mahulian siya ng kamalian sa kanyang
pagbabasa ng salitang Pranses.Napuna dito ni Camarococido ang ilang
taong hindi kilala na aali-aligid sa teatro. Nakita niya rito ang
isang pulutong na tila may kausap na naka-anyong militar at ito ay
si Simoun. Sa kabanatang ito, maaaring ang pag-aalsa ay magsisimula
na sapagkat dito narinig ni Camarococido ang mga salitang ang
hudyat ay isang putok ngunit siya ay nagkibit-balikat
lamang.Makikita rin sa kabanatang ito si Tadeo, na kung saan, lubos
ang kanyang pagpapasikat sa kanyang bagong kasama.
Ipnangangalandakan niya na kilala niya halos ang lahat ng mga taong
sikat na nasa dulaan ng gabing yaon. Hindi siya makapasok sapagkat
naubusan na siya ng tiket. Sa bandang huli, dumating sina Macaraig,
Sandoval, Isagani at Pecson. Si Basilio ay mayroon daw gagawin
kayat hindi ito nakasama, dahilan upang ang tiket nito ay mapunta
kay Tadeo.
Kabanata 22: Ang Palabas
Sa loob ng teatro ay punong-puno ng mga tao. Halos iilan na
lamang ang mga bakanteng upuan ngunit hindi makapagsimula ang
palabas sapagkat hinihintay ang Kapitan Heneral. Sinasabing ang
Kapitan Heneral daw ay manonood ng palabas na maaaring bunga ng
dalawang dahilan: ito ay hinahamon ng simbahan, at ito ay may
pagnanasa lamang na makakita.Sa loob ay naroroon din si Don
Primitivo na naupo sa isang butaka at ayaw ng umalis kahit dumating
na ang may-ari. Ang pagmamatigas ni Don Primitivo ay nagdudulot ng
kaguluhan at kasiyahan sa mga taong naiinip.Habang nagagnap ito ay
biglang tumugtog ang marcha real sapagkat dumating na ang Kapitan
Heneral.Nasa loob din ng dulaan si Pepay. Siya ay kinuntsaba ng mga
estudyante at siyang gagamitin kay Don Custodio upang palambutin
ang puso nito. Naroroon din si Don Manuel, na panay ang pasaring
kay Don Custodio dahil ang huli ay kalaban ng una sa ayuntamiento.
Si Macaraig ay nakikipag-tinginang maigi kay Pepay dahil tila may
nais pa itong sabihin. Si Sandoval naman ay kararating lamang sa
kanilang upuan buhat sa ibang palko. Siya ay isa sa mga
sumasang-ayon na ang tagumpay ay makakamit nila samantalang si
Pecson ay naniniwalang wala silang mahihita sa lakad nila. Si
Isagani ay pangiti-ngit lamang at malamig ang pagtanggap sa mga
pagbati sapagkat nakita niya kani-kanina si Paulit na kasama ni Doa
Victorina at Juanito Pelaez. Napukaw lamang sa sarili si Isagani
dahil sa malakas na palakpakan sapagkat magsisimula na ang
palabas.Makikita rito ang ilan sa mga artista sa palabas gaya ni
Gertrude, na isang napakagandang babae na sumusulyap sa Kapitan
Heneral. Naririto rin si Serpolette, isang kaiga-igayang babae na
taglay ang matapang nanghahamon na anyo. Ilan pa sa mga kasama nila
ay sina Germaine, Grenicheux, Gaspard at Lily.Sa palabas ay
kakikitaan ng kahalayan at pagnanais sa kababaihan ang mga
kalalakihang tulad nina Don Custodio, Tadeo, Macaraig at Pecson
ngunit sila ay nalungkot sapagkat hindi itinanghal ang hinihintay
nilang cancan.Sa kabanatang ito, nagsimula ang pagkakagusto ni Doa
Victorina kay Juanito sapagkat ito raw ay lalaking-lalaki at
maginoo.
Kabanata 23: Isang Bangkay
Si Simoun at Basilio ay wala sa pagtatanghal. Si Basilio ay
abala sa pag-aalaga kay Kapitan Tiyago na nooy lubos nang
nahuhumaling sa opyo. Nagtatalo ang damdamin ni Basilio kung
bibigyan niya ba o hindi si Kapitan Tiyago sapagkat sinasaktan siya
nito kapag kakaunti ang ibinigay niya ngunit makasasama naman kung
patuloy niyang bibigyan.Nag-aaral si Basilio ng kanyang mga aralin
sa medisina ngunit ang ilan sa mga aklat na nasa tabi niya ay hindi
man lamang niya binubuklat. Maya-maya ay dumating si Simoun na
matagal ng hindi dumadalaw kay Kapitan Tiyago. Nabanggit dito na si
Simoun ang nagbigay kay Basilio ng ilang mga aklat na
pang-rebolusyonaryo na hindi naman binabasa ni Basilio. Dito ay
muling naungkat ang pinag-usapan nila sa kagubatan, ang
paghihikayat ni Simoun na sumali si Basilio sa himagsikan. Ngunit
matigas pa rin sa pagtanggi si Basilio. Binanggit ni Simoun na kung
si Basilio ay tutulong, siya raw ang aatasang kumuha kay Maria
Clara sa kumbento. Ngunit sinabi ni Basilio na kamamatay lamang ni
Maria Clara kaninang umaga. Sa pagkakabanggit na ito ay nagitla si
Simoun at walang imik na umalis.Sa kabanatang ito, tinukoy ni
Basilio si Simoun bilang isang binatang mayamn, bihasa, Malaya,
nakapagpapasya sa sariling kabuhayn at may magandang kinabukasan.
Sa kabilang banda, si Maria Clara naman daw ay babaeng sing-ganda
ng isang pangarap, malinis, lipos ng pananalig at walang kamalayan
sa lakad ng kamunduhan.
Kabanata 24: Mga Pangarap
Katulad ng kabanata nina Crisostomo Ibarra at Maria Clara, at
Elias at Salome sa Noli Me Tangere, ito ay kabanata rin ng dalawang
magkatipan, sina Isagani at Paulita Gomez.Buhat ng magkatampuhan sa
naganap na palabas (sapagkat si Isagani ay nagselos kay Juanito at
si Paulita ay nagselos sa panonood ni Isagani sa mga artistang
Pranses), nag-usap ang makasintahan na magtatagpo upang mag-usap.
Dito, nagkaroon sila ng pagkakataong magpaliwanag sa isat isa.Ang
mga pangarap na tinutukoy dito ay ang pangarap ng mga estudyante na
maitatatag ang Akademya ng Wikang Kastila at gayon din, ang
pangarap ni Doa Victorina na makapiling at makasal siya kay Juanito
Pelaez. Sa una, dahil sa kagustuhan ni Isagani na maisakatuparan
ang kanilang mga balak, nakipagkasundo siya kay Paulita na hindi na
ito makikipagtipan sa huli. Ayaw raw maging sagabal ni Isagani sa
mga pangarap ni Paulita. Sa ikalawa, dahil pangarap nga ni Doa
Victorina na makasal kay Juanito Pelaez, payag raw ang una na si
paulita ang makatuluyan ni Isagani upang masolo niya si
Juanito.
Kabanata 25: Tawanan at Iyakan
Ang mga kabataan ay nagtipon sa Pansiteria Macanista de Buen
Gusto. Dito ay nagkakatawanan sila at nagbibiruan ngunit halatang
pilit sapagkat sila rin ay kinabakabahan sa maaaring maging
katugunan ni Don Custodio sa kanilang hiling. Sa pangalawang
pagkakataon, wala muli rito si Basilio na ayon kay Tadeo ay marami
raw lihim na nalalaman..May mga handang pagkain dito at ang mga ito
ay inialay nila sa mga ilang taong kilala. Ang pansit lanlang ay
inialay nila kay Don Custodio dahil katulad daw ng huli, ang pansit
lanlang ay maraming sahog. Ang ikalaw ay ang lumpiang intsik na
inialay nila kay Padre Irene ngunit ang ilan ay tumutol sapagkat si
Padre Irene ay hindi raw kumakain ng ilong ng baboy. Ang ikatlo ay
ang tortang alimango na inialay naman nila sa nga prayle dahil daw
sa kanilang pagka-alimango. Ang huli ay ang pansit gisado na
inialay nila sa pamahalaan at bayan ng Pilipinas. Nararapat lamang
daw na ito ay sa Pilipinas ipatungkol sapagkat hindi raw kilala sa
Tsina ni sa Hapon ang pansit. Ang ilan ay nagmungkahi na ialay ito
kay Quiroga na nagnanais magtatag ng konsul. Ang ilan ay nais itong
ialay sa Eminencia Negra, na siya naming si Simoun. Dahil dito, ang
mga kabataan ay nagkagulo kayat inatasan ni Macaraig si Tadeo na
magtalumpati. Tinutulan naman ni Sandoval ang talumpati ni Tadeo
sapagkat ito raw ay halaw sa talumpati ng Puno ng kanilang Liceo
ngunit nagpatuloy parin si Tadeo. Nabanggit rin dito ni Pecson ang
tungkol sa mga prayle na kung saan, ito raw ay kasa-kasama natin
mula pagkabuhay hanggang pagkamatay sapagkat lahat daw ay
pinamumunuan at pinanghahawakan nila.Sa huli, ay nagkagulo silang
muli sapagkat mayroon daw nagmamatyag sa kanila at sinabing ito raw
ay ang tauhan ng Vice-Rector.
Kabanata 26: PASQUINADAS
Patungo si Basilio sa ospital upang dalawin ang kanyang mga
pasyente, ayusin ang kanyang lisensyatura sa Unibersidad at
puntahan si Makaraig. Pagsapit niya sa San Juan de Dios, nalaman
niya ang tungkol sa pagkakadiskubre ng mga paskin sa Unibersidad at
sinasabing ang Asosasyon ang may kagagawan nito. Natakot si Basilio
dahil akala niyang si Simoun ay kasangkot rin. Nang kanyang makita
si Sandoval ay tinawag niya ito ngunit parang walang itong narinig,
si Tadeo naman nang kanyang makausap ay masayang masaya dahil
walang klase, si Isagani ay nagsabi na wala siyang alam at walang
pakialam, tila naghugas kamay. Narinig rin niya si Isagani na
nagtatalumpati sa kanyang mga kaklase hinggil sa pangyayari.
Pinupuri niya ang sinuman gumawa ng mga iyon na siya naming
ikinatakot ni Basilio para sa kanyang kaibigan. Pagdating niya sa
bahay ni Makaraig ay may guwardiya sibil na nakabantay, hinuli siya
ng mga ito kasama na si Makaraig na tila hindi nag-aalala sa
pagkakadakip sa kanya.
Kabanata 27: ANG FRAILE AT ANG FILIPINO
Ipinatawag ni Padre Fernandez si Isagani sa kanyang tanggapan
upang kausapin. Pinag-uusapan nila ang mga bagay na may kinalaman
sa mga kabataang lumalaban sa mga frayle. Sa isang banda ay tila
nagtatalo sila. Sinabi ni Isagani na ang mga prayle ang may
kasalanan kung bakit naging ganoon ang pakikitungo ng mga ilang
estudyante nila: nakangiti pagnakaharap, nangaalipusta
pagnakatalikod ang mga pari. Nang tanungin ni Padre Fernandez si
Isagani kung ano ang ibig nilang gawin ng mga estudyanteng
Pilipino, ang isinagot ni Isagani ay ang tuparin nila ang kanilang
mga sinumpaan. Naging napakatalim din ng mga salita ni Isagani nang
sabihin niyang hinahadlangan ng mga prayle ang pag-aaral ng mga
estudyante dahil hindi nila itinuturo ang nararapat bagkus ay
itinuturo nila ay taliwas sa pagunlad.Sinabi rin ni Isagani na kaya
may mga taong walang karakter at moralidad ay dahil na rin sa
kagagawan nilang mga prayle. Ginamit ni Padre Fernandez ang
pamahalaan bilang pananggalang nang kanyang maisip na natatalo na
siya sa usapan. Sinabi niya na ang gobyerno ay maraming magandang
plano para sa bayan ngunit hindi inaasahang nagkakaroon ng mga
kalungkot-lungkot na resulta. Sinabi ni Isagani na ang mga prayle,
pati ang gobyerno ay linilibak ang mga Indio at pinagkakaitan ng
karapatan dahil sa kamangmangan.Matapos ang usapan nila ay nagtungo
si Isagani sa gobyerno sibil.
Kabanata 28: TATAKOT
Sa kabanatang ito ipinakita ang ibat ibang reaksyon at
pagtanggap ng lipunan sa pagkakadisubre ng mga paskin na nagdulot
na napalaking tension. May mga nag-uudyok sa Kapitan Heneral na
ipapatay ang mga estudyanteng nahuli at magpasimula ng mga
kaguluhan upang mahuli at malinis ang mga Indio.Sa kabanatang ito
rin ay nakita si Quiroga na pinuntahan si Simoun, Don Custodio at
Ben-zayb upang itaning kung dapat ba niya balutian ang kanyang
basar dahil na rin nga sa tension sa lipunan nila.Nang magkaroon ng
konting kaguluhan sa simbahan ay inakala ng mga tao na sumiklab na
ang rebolusyon na siyang lalong ikinatakot ng mga tao. Wala nang
lumalabas ng bahay sa gabi at napakatahimik ng lugar.Ipinakita rin
dito ang pagkamatay ni Kaptian Tiago. Namatay siyang nakahawak sa
bisig ng Padre Irene, na nagulat at nakaladkad ang katawan ng
namatay. Dito rin sinabi na nakapiit si Tadeo at Isagani.
Kabanata 29: MGA HULING SALITA TUNGKOL KAY KAPITAN TIAGO
Si Padre Irene ang namahala sa mga pamana ni Kapitan Tiago.
Bahagi ay mapupunta sa sa Sta Clara, Papa, Arsobispo at
Korporasyong relihiyoso; 20 pesos ay mapupunta sa matrikula ng mga
dukhang mag-aaral, at ang 25 pesos na binawi ni Kap. Tiago na para
sana kay Basilio ay ibinalik ni Padre Irene at sasabihin sa kanya
ito galing.Pinagtalunan kung ang susuotin ba ay prak na sinasabing
suot ni Kap. Tiago nang magpakita siya sa mga mongha, o isang abito
ng Pransiskano na mungkahi ni Kapitan Tinong. Ngunit nanaig pa rin
ang desisyon ni Padre Irene na damitan si Kap. Tiago ng kahit alin
sa kanyang mga dating suot.Napag-usapan din dito kung magsasabong
ba si San Pedro at Kap. Tiago, at kung sino ang mananalo. Si Donya
Patrocino naman inggit na inggit sa libing ni Kap. Tiago at tila
nagnanais na mamatay na rin at magkaroon ng libing na higit pa sa
naging libing para kay Kap. Tiago.
Kabanata 30: JULI
Naging malaking balita ang pagkakahuli kay Basilio at labis
itong pinagalala ni Juli. Siya ay binabangungot sa kakaisip kay
Basilio. Sa pagnanais niyang makalaya si Basilio ay naisip niya si
Padre Camorra. Isang salita lamang ni Padre Camorra ay makakalabas
ng kulungan si Basilio. Siya na lamang ang natira sa bilangguan
dahil wala siyang tagapagtanggol at wala rin naman kamag-anak.Ayaw
pumunta ni Juli sa kumbento dahil natatakot siya kay Padre Camora
ngunit pinilit siya ni Hermana Bali. Nang makapasok na sila sa
kumbento, kinahapunan ay may nangyaring hindi maganda. May babaeng
tumalon sa bintana at namatay at may babaeng nagtatakbong lumabas
ng kumbento na tila wala na sa katinuan. Pinuntahan ni Tata Selo
ang kumbento at hinahanap si Juli ngunit hind siya pinapasok at sa
halip ay pinagtabuyan pa. Hinanap niya ang gobernadorsilyo, Juan de
Paz at tinyente ngunit wala ang mga ito. Narinig sa bayan ang
panaghoy ni Tata Selo at kinabukasan ay dinala niya ang kanyang
itak at nilisan ang lungsod. (Upang sumapi sa mga tulisan)
Kabanata 31Ang Mataas na Empleado
Ang nagkalat na balita sa mga peryodiko sa Pilipinas ay tungkol
sa Europa, mga puri at bola sa predikador ng bansa at sa operatang
Pranses kaya ilang bahagi lamang ng peryodiko ang nalaan tungkol sa
mga nangyayari sa lalawigan. Nasali doon ang tungkol sa grupo ng
mga tulisan na pinamumunuan ni Matanglawin. Nagkakaroon lang ng
emphasis ang mga lalawigan kapag ang sinalakay ay isang kumbento o
isang espanyol. Hindi napansin ang nangyari sa bayan ng Tiani,
bulong-bulongan lamang ang nagkalat at hindi nila matukoy kung sino
talaga ang babaeng nahulog sa tuktok ng kumbento. Ang tanging
katiyakan sa mga balita ay ang pag-alis ni Padre Camorra sa
kumbento at panandaliang pagtuloy sa Maynila.Napalaya na ang mga
estudyanteng nakulong. Gaya ng inaasahan unang napalabas si
Makaraig, at si Isagani ang huli dahil isang lingo pa bago
nakaluwas ang amain nitong si Padre Florentino. Ang tanging naiwan
sa piitan ay si Basilio. Ipinagdiinan ng Kapitan Heneral na dapat
ay may maiwan sa isa sa mga nakulong upang maisalba ang prestige at
authority ng gobyerno, at hindi masabi ng iba na sobra-sobra ang
pagpaparaya at ginawang ingaysa walang kuwentang bagay. Nagmungkahi
si Pare Irene, na si Basilio ang maiwan dahil ito ay utusan at
ulilang lubos na, at tiyakna walang maghahabol.Binigyan ng katwiran
ng Mataas na Empleado na si Basilio ay isang estudyante sa
medisina, pinupuri ng mga guro, at mawawalan ng isang taon sa
kanyang pag-aaral pag nagtagal pa sa piitan, patapos na din kasi
ito sa kurso.Matagal na pa lang may samaan ng loob ang Mataas na
Empleado at Kapitan Heneral, kaya dagdag dahilan sa Kapitan Heneral
na mas lalong pahirapan si Basilio dahil ito ay ipinilit ng mataas
na empleado. Dahil ditto nagsisi ang Mataas na empleado sa pagtukoy
kay Basilio at naawa siya sa bata dahil mas lalo itong didiinan ng
Kapitan Heneral.Sinabi ng Mataas na empleado na si Basilio nga daw
ang pinakainosente sa lahat, hindi nga ito kasali sa mga estudyante
na nagpulong-pulong sa pansiterya, at ang nahuli lang sa kanya na
siyang nagdidiin na sala niya ay ang pagkakaroon ng mga bawal na
libro. Ang mga librong tinutukoy ay tungkol sa medisina at ilang
mga polyeta tungkol sa Pilipinas. Pero pinipilit pa rin ng Kapitan
Heneral dahil isa daw itong magandang ehemplo at mas
nakakatakot.Nagpatuloy ang pagtatalo ng dalawa. Umabot sila sa
usapin tungkol sa Espanya, na nangako ng hustisya at sisikaping
idulot ang kagalingan sa Pilipinas. Sinabi ng Mataas na Empleado na
hindi siya tulad ng mga alipin na walang boses at dignidad,
ipaglalaban niya ang kung ano sa tingin niya ang tama. Na bago ang
Espanya ay tao siya na may dignidad. Ang Espanya ay may dangal,
mataas na prinsipyo at moralidad. Ok lang na mawala daw lahat huwag
lang ang moralidad ng Espanya. Tinukoy din ng Mataas na Empleado na
kung malalaman man ng Espanya ang pinaggagawa ng Kapitan Heneral,
tiyak siya na ang mga alipin ang kakampihan dahil ito ang tama at
makatarungan.Tinanong ng Kapitan Heneral sa Mataas na Empleado kung
kelan ang alis ng huling koreo sa araw na yun, at napayuko na lang
ang Mataas na Empleado. Nilisan n Mataas na Empleado ang palasyo at
sumakay sa karwahe. Sinabi niya sa kutsero na pagdating ng araw na
magdeklara kayo ng independensiya, nagtaka ang kutsero sa sinabi
nito, at tinuloy niya na alalahanin ninyo na hindi nagkulang sa
Espanya ng mga pusong tumitibok at lumalaban para sa inyong mga
karapatan!.Nagbitiw ang Mataas na Empleado sa kanyang tungkulin.
Ipinahayag niya ang pag-alis, sakay sa susunod na Koreo.
Kabanata 32Mga Bunga ng Paskin
Pinauwi na ng mga ina ang kanilang mga anak na nag-aaral, para
sa madibdibang bakasyon o pagsasaka sa kanilang lupain upang maiwas
sa gulo na nangyari. Sa unibersidad naman ay maraming bumagsak at
bihira ang pumasa sa mga eksamen at kurso. Si Pecson ay napatawang
bobo na lamang at papasok nalang na kawani sa kahit sang hukuman.
Ang paglalakwatsa naman ni Tadeo ay nagwakas at pinrangalan ang
sarili sa pamamagitan ng pagsunog ng mga aklat. Si Juanito Pelaez
naman ay binigyan ng almasen at pinamahala na sa negosyo ng ama. Si
Makaraig ay naglakbay patungong Europa. Si Isagani ay pumasa sa
asignatura ni Padre Fernandez at bumagsak naman sa iba. Samantalang
si Sandoval ay hinilo ang tribunal sa kanyang mga talumpati.Sa
kabilang bahagi si Basilio ay hindi bumagsak at hindi pumasa, dahil
ito ay namalagi pa rin sa piitan. Na kung saan kada tatlong araw ay
iniinterogate, yun at yun pa rin ang mga itinatanong iba-ibang tao
lamang ang nagtatanong. Ang tanging bumibisita sa kanya ay si
Sinong, binalita nito sa kanya ang tungkol sa nangyari kay
Juli.Napabalita sa buong bayan ang ang malaking pagdiriwang na
gagawin ni Simoun. Ito diumano ay dahil sa kanyang paggaling at
pamamaalam sa bansang nagpalago sa kanyang kayaman. Kuro-kuro sa
bayan na pinipilit ni Simoun ang Kapitan Heneral na manatili pa at
humingi ng palugit sa hari, pero hindi siya pinapakinggan ng
Kapitan Heneral. Hindi na masyadong nakikita si Simoun at malimit
na itong makisalamuha at usap sa mga tao.Sinabi nila na gugulatin
na lang ang lahat sa pagdiriwang na gaganapin nito. Dahil sa walang
sariling bahay si Simoun, gaganapin sa bahay ni Don Timoteo ang
pagdiriwang. Napabalita na din ang magiging kasalan ng anak ni Don
Timoteo na si Juanito kay Paulita Gomez. Marami ang nagsasabi na
napakaswerte ni Don Timoteo, una ay nakabili daw ito ng bahay na
mura, pangalawa ay nabenta niya ang kanyang mga yero sa magandang
halaga, pangatlo ay nagging kasosyo si Simoun, at ang panghuli ay
ang pagpapakasal ng kanyang anak sa isang mayamang eredera.Nang
maalala ni Simoun ang tungkol sa kasalan ni Juanito at Paulita,
napaisip siya na diba daw si Isagani ang kasintahan ni Paulita,
bakit biglang kay Juanito ito magpapakasal?Naisip niya na naging
praktikal lang si Paulita. Bakit ba hindi niya pipiliin si Juanito,
na ito ay mautak, bihasa, masaya, pilyo, anak ng mayamang
negosyante, at isang mestisong espanyol kung ikukmpara kay Isagani
na isang probinsyano na nangangarap sa kanyang gubat na tingib ng
linta, nanggaling sa napag-aalinlangang pamilya, at may amain na
klerigo na ayaw sa luho at sayawan na siyang gustong-gusto ng
dalaga. Natural daw na pinili ni Paulita si Juanito, at ihinambing
sa teorya ni Darwin na pinili ng babae ang lalaking higit na
nababagay sa kanya at marunong makibagay kung saan
namumuhay.Lumipas na ang kuwaresma, semana santa, mga prusisyon, at
mga seremonya. Ang tanging napabalita sa mga panahong ito ay ang
pag-aalsa ng mga artilyero na hindi pinaalam ang dahilan. Giniba
ang mga bahay na yari sa mahinang materyales. Buwan na ng Abril at
nalimot na ang mga pangamba, ang tanging nasa isip ng mga tao ay
ang malaking pagdiriwang na mangyayari. Ninong daw ang Kapitan
Heneral at si Simoun ang mag-aayos at maghahanda nito. Pati nag daw
ang mga maybahay ay inaaway ang kanilang mga bana, dahil pinipilit
nito na makipagkaibigan kay Don Timoteo o kay Simoun upang
maimbitahan sa naturang pagdiriwang.
Kabanata 33Ang Huling Katwiran
Naging abala si Simoun sa pag-aayos ng kanyang mga alahas at
armas. Sasabay na siya sa pag-alis ng Kapitan Heneral, na ayaw
pahabain ang panunungkulan dahil natatakot sa sasabihin ng mga tao.
Ayaw daw diumano magpaiwan ni Simoun dahil wala na ang suhay.
Ibinilin niya sa kanyang tauhan na papasukin na lang ang binatang
si Basilio dahil ito ay inaasahan niyang dumating.Si Simoun ay
lalong tumigas at lumungkot ang mukha, lumalim ang kunot sa pagitan
ng kilay at palagi na lamang nakayuko. Naawa siya sa sarili niya,
pero nung Makita niya si Basilio, mas higit pa pala itong
nakakaawa, humpak na ang pisngi, gusot ang damit at gulo-gulo ang
buhok. Para daw itong bangkay na nabuhay sa sindak.Nagsalita si
Basilio na siya ay isang masamang anak at kapatid, kailangan niyang
gumanti, kahit na ibig sabihin nito ay krimen sa krimen, o dahas sa
dahas. Utang niya diumano kay Simoun ang kanyang paglaya, at gusto
niya ng makisapi para sa pagsiklab ng himagsikan.Si Simoun pala
nung mga panahong ito ay nawalan na ng pag-asa na ipagpatuloy ang
himagsikan, pero dahil sa paglapit ni Basilio tila ito ay nabuhayan
ng loob. Ayon sa kanya hindi pa huli ang lahat, maganda ang
kombinasyon nilang dalawa dahil si Simoun ang mamahala sa itaas
samantalang si Basilio naman sa ibaba. Pinakita ni Simoun ang isang
napakagandang lampara at nilapag sa mesa, namangha si Basilio sa
ganda nito. Sunod na binuksan ni Simoun ang aparador at kinuha ang
isang bote. Nang mabasa ni Basilio ang nakasulat sa labas ng bote
bigla itong napaurong at sinabing ang laman ng bote ay nitro
glycerine. Kinuwento ni Simoun ang tungkol sa plano niya. Ilalagay
niya ang Lampara sa gitana ng isang mesa na sinadya niya pa. Sa
loob naman ng lampara nakalagay ang nitro glycerine. Ang bahay na
gaganapan ng pagdiriwang ay nalagyan na ng maraming pulbura para
walang maisasalba sa naturang pagsabog. Sinagot ni Basilio si
Simoun na di na daw niya kailangan ang kanyang tulong kasi buo na
ang kanyang plano. Tugon naman ni Simoun na may iba siyang misyon
na ibibigay kay Basilio.Sa pagputok ng lampara pumunta siya sa
bodega ni Quiroga at kunin ang mga nakatagong mga armas dun. Si
Basilio ang inatasan niyang mamuno sa pamimigay ng mga baril sa mga
tao. Sinabi ni Simoun na isali at isama ang lahat ng kalalakihan,
ang tatanggi ay papatayin, dahil magsusupling lang din ito ng duwag
na lahi. Tinukoy niya din na sa pagputok ng lampara ay sabay na
susugod pababa ng bundok ang grupo ni Tales. Kaya daw hindi
nagtagumpay ang unang balak ng himagsikan sapagkat kulang daw ito
ng pagpaplano at koordinasyon, pero ngayon na may tiyak na silang
signus sa pagsimula ng himagsikan tiyak na ito ay
magtatagumpay.
Kabanata 34Ang Kasal
Hinanap sa kung saan-saan ni Basilio Isagani. Pinuntahan niya
ito sa kanilang bahay pero hindi niya talaga ito Makita. Bigla
niyang inimagine ang sarili kung ano ang magaganap at mararamdaman
niya pagkatapos ng himagsikan. Magkakaroon daw sa wakes ng
katarungan ang pagkamatay ng kanyang ina at kapatid. Ang higpit
lamang na tugon ni Simuon sa kanya ay lumayo siya sa kalye Anloage.
Hindi na tinukoy ni Simoun kung anong pagdiriwang at kung saan ito
gaganapin, basta ang alam ni Basilio ito ay isang malaking
pagdiriwang na gaganapin sa isa sa mga bahay sa kalye Anloage.
Pumunta ni Basilio sa bahay ni Kapitan Tiago upang kumuha ng mga
ilang gamit. Marami siyang karwahe na nakita na nakaprada sa kalye,
at napansin niya ang bahay na puno ito ng mga palamuti at mga
nakabitin na mga kung anu-ano at doon niya napagtanto na ang
pagdiriwang na tinutukoy ni Simoun ay ang gaganapin sa dating bahay
ni Kapitan Tiago. Biglang may dumaan na karwahe na sakay si Juanito
Pelaez at isang babae na nakabelo. Ang pagdiriwang pala ay para sa
pag-iisang dibdib ni Juanito kay Paulita Gomez? Biglang nalito si
Basilio dahil sa kanyang pagkakaalam ay si Isagani ang kasintahan
ng dalaga, naawa siya kay Isagani.Napaisip na naman siya, na ano
kaya siya kung hindi siya nabilanggo at nakilahok? Malamang ay
nakapagtapos na siya ng medisina, nanggagamot na siya at malamang
ay nag-asawa na din. Naalala niya si Juli, ang kawawang si Juli,
biglang nagtiim ang kanyang bagang at napuno ng poot ang kanyang
damdamin, dapat niya ding ipagtanggol ang nangyari sa kanyang
kasintahan. Nakita niya si Sinong na nagmamaneobra ng karwahe na
sakay si Simoun. Puno na ang bahay.Ang pinakamapanpansin sa loob ng
bahay ay ang pagkagalak ni Don Timoteo, feeling fulfilled diumano
sa mga kaswertehan at karangyaan na nararanasan nito ngayon. Lahat
ng gamit sa bahay ni Kapitan Tiago ay pinalatan, hindi na sana
ginalaw ni Simoun ang mga litograpiya ng mga santo pero pilit itong
pinapalitan ni Don Timoteo ng mga matitingkad na kulay ng kromo.
Nilalait ni Don Timoteo ang gawa ng mga Pilipino dahil higit na
maganda ang mga bagay na yari sa Europa.Ang mesa na pinasadya ni
Simoun ay wala sa loob ng bahay, ito ay nasa asotea at dito
nakalaang uupo ang mga pinakamamalaking Diyoses ng bayan.
Kabanata 35Ang Pagdiriwang
Unang dumating sa pagtitipon ang mga mababang bathala ng bayan.
Nagsidatingan ang mga empleado ng gobyerno. Bati doon bati dito si
Don Timoteo, may nagkomento na tuwang-tuwang daw nag matanda at
para nang papet! Tsaka dumating ang magnobya. Sadyang mapansin na
nasisikip na ang frak na suot ng pilyong si Juanito. Hindi na daw
ito makapaghintay hanggang mamyang gabi at mapag-isa na ang dalawa.
Napagod din si Don Timoteo sa kababati sa mga taong dumalo at ito
ay naipin dahil hindi pa dumadating ang Kapitan Herenal. Dumating
na ang matataas na Diyoses, sina Padre Irene, Padre Salvi, at iba
pang mga pari. May pumansin sa mga kromong nilagay ni Don Timoteo,
hindi daw ito nababagay at minamantsahan lamang ang mga dingding ng
bahay. Nagalit ang Don, at minungkahing nanggaling sa iyon sa
Europa, napakamahal, at walang mabibiling ganun sa Maynila. Natigil
nalang si Don Timoteo nang dumating ang Kapitan Heneral, nataranta
siya kung ano ang gagawin, kung siya ba ang unang kakamay o
hihintayin niyang iabot ng Kapitan Heneral ang mga kamay nito sa
kanya. Tinugtog ang Marcha Real. Malungkot ang Kapitan Heneral
sapagkat ito ay aalis na. Napaisip siya sa pagpipilit ni Simoun na
magtagal pa, pero sabi niya sa sarili na delikadesa muna bago ang
lahat.Nasa harap ng bahay ni Kapitan Tiago si Basilio, minamasdan
ang mga taong pumapasok sa pagdiriwang, nagdalawang isip siya dahil
sa dami ng madadamay na mga inosenteng buhay. Nakita niyang bumaba
sa karwahe si Padre Salvi at Padre Irene, at naisip niya na
pabayaang magbayad ang mga mabuti kasama ang mga makasalanan.
Dumating si Simoun na hawak ang lampara, na sadyang napakaganda at
kaayaaya, sumond dito ang pagdating ng Kapitan Heneral. Naawa ulit
si Basilio at tinangkang pumasok sa bahay ngunit hindi siya
pinapasok,dahil sa napakaaba ng kanyang bihis. Pinigilan siya at
binalaan na tatawagin ang isang pares ng beterana, pag pinagpilitan
niya pang pumasok sa pagdiriwang. Malugod na tinanggap an lampara
na hawak ni Simoun, lahat ay manangha at pinuri ang lampara.
Nasunod sa plano ito ay nilagay sa gitna ng mesa na pinsadya ni
Simoun. Hinay-hinay na umalis si Simoun na hindi na napansin ng mga
tao sa loob dahil sa pagkamangha sa lampara. Makaraan ang ilang
minuto lumabas si Simoun na bahagyang namumutla. Parang tinutukoy
nito na wala na itong magagawa dahil tapos na ang pagtaya o :Alea
Jecta Est. Sa pagsakay niya sa karwahe ay sinabi niya na bilisan
ang pagpunta sa Escolta. Dahil doon naisip ni Basilio ang kanyang
kaligtasan, naglakad-takbo papalayo si Basilio sa bahay, nababangga
ang sino mang makasalubong sa daan. Bigal siyang nabunggo kay
Isagani at itoy niyaya niya papalayo sa bahay. Sinagot naman siya
ni Isagani na bakit daw ito aalis, pag pinatagal niya mag-iiba na
si Paulita bukas. Sinabi ni Basilio na may malaking sakuna ang
darating, mamaya niya ikukuwento ang detalye, ang importante ay
mapalayo sila sa bahay ni Kapitan Tiago. Pero pinagpilitan pa rin
ni Isagani ang tumuloy sa pagdiriwang. Mabilis na umalis at
naglakad papalayo si Basilio. Matapos nun, at napaisip si Isagani
at napagtagpi-tagpi ang, mga sinabi ni Basilio. Nawala sa isip niya
ang pag-aalinlangan, at selos, at tanging nasa isip niya ay ang
maisalba ang buhay ng kanyang minamahal, si Paulita.Sa loob pala ng
pagdiriwang ay may isang papel ang pinasapasa na may nakasulat na
Mane thecel phares at sa ilalim nito ang pangalan at lagda ng isang
nagngangalang Juan Crisostomo Ibarra. Nagtanong ang Kapitan Heneral
kung sino ito, at sinagot naman siya na ito nga ay matagal ng
patay, isang pilibustero. Nagpatuloy ang kasiyahan. Napaisip si Don
Custodio sa mensahe ng sulat, kamatayan ng lahat sa gabing ito?
Bigla niyang nabitawan ang kanyang hawak na kubyertas, baka sila ay
lalasunin sa pagkain.Namatay ang ilaw ng lampara, nagkagulo at
inutos ng Kapitan Heneral na itaas ang mitsa uoang magkailaw ulit.
Ngunit biglang may taong kumuha sa lampara at dalian itong tumalon
palabas ng bahay patungong ilog. Nagsigawan ang mga nakakita, at
nagkagulo ulit dahil may magnanakaw daw! Hindi na nila ito nakilala
dahil dalian itong tumalon sa ilog.
KABANATA 36MGA KAGIPITAN NI BEN ZAYB
SI Ben Zayb ay dali-daling umuwi sa kanilang bahay at nagsulat
ng ukol sa nangyari sa kasalan. Sa kanyang mabulaklak na salaysay
ay kung anu-ano ang mga kasinungaling inilagay at ginawa. Ipinakita
ang pagkabayani daw ng Kapitan Heneral at ang katapangan ni Padre
Irene sapagkat ito ay dumaan sa ilalim ng mesa sa paghahabol sa
nagnakaw ng lampara. Nagsulat, nagbura, nagdagdag at nagkinis si
Ben Zayb upang lumabas na dakila ang kanyang sulatin at pawang
katotohanan lamang. Kinabukasan sa kanyang pgakamangha ay ibinalik
sa kanya ang kanyang lathala at hindi naimprinta sapagkat ayaw daw
ng Kapitan Heneral na may lumabas na kahit anong balita ukol sa
nangyari ng nakaraang gabi sa kasalan. Ito ay lubhang ikinalungkot
ni Ben Zayb at ayon sa kanya maihahantulad daw ito sa pagpatay sa
isang anak na maganda at matapang na dalaga! Ang gayong karaming
paghihirap ay hindi pwedeng walang gantimpala sa Diyos kung kayat
wala pang isang araw at mayroon na namang isang balita siyang
tinanggap na pwedeng isulat at malathala! Ang balita : Ang mga
tulisan ay lumusob at nakakuha ng mahigit sa dalawang libong piso
at sinugatan ang pari at dalawa pang alila. Ang kura ay
nagkasira-sira ang kamay sa paggamit ng isang silya bilang
pananggol!. Ang itinala naman ni Ben Zayb ay apatnapu o limampung
tulisan sa paraang pataksil,l mga rebolber, itak, eskopeta,
pistola, leong nananandata, silya, mga tatal, sinugatan ang walang
kaawa-awasampung libong piso. Hindi pa nakontento si Ben Zayb sa
narinig kung kayat pumunta sya sa pinangyarihan ng krimen at doon
ay napag-alaman na si Padre Camorra ay nasugatan lamang ng munti sa
kamay at isang bukol sa ulo, ang tulisan ay tatlo lamang at pawang
itak ang ginamit, ang halagang ninakaw ay limampung piso! Ang mga
tulisan ay nahuli at sinabi na ang may pakana ng lahat ay isang
lalaking kamukha ni Simoun sa kanilang pagkakalarawan. Noong una ay
hindi makapaniwala ang mga maykapangyarihan at mga pari subalit ng
mapansing nawawala nga si Simoun ay naniwala na din at sya ay
ipinahahanap sa mga guardia sibil.
v Makikita natin si Ben Zayb na isang walang kwentang tao at
nagpapanggap na matalino subalit hindi naman. Ipinapahiwatig dito
ni Rizal ang kamangmanagan at pagbabalatkayo ng mga Espanol noong
panahon na iyon at dahil sa kanilang mabulaklak na pananalita ay
napapaniwala ang mga indio. At makikita din natin na sa kabanatang
ito unang nalaman ng mga maykapangyarihan na si Simoun ang ulo ng
mga tulisan.
KABANATA 37ANG HIWAGA
Ang lugar ay sa bahay ng pamilya Orenda, mayamang mag-aalahas.
Narito ang ama ng tahanan na si Kapitan Toringgoy, ang totoong
ngalan ay Domingo, ay kanyang asawang si Kapitana Loleng, ang
kanilang mga anak na dalaga na sina Tinay, Sensia at Binday. Narito
din sa kanilang tahanan ang kasintahan ni Sensia na si Momoy at si
Isagani na dumalaw sa bahay na iyon. Ang pinakasentro sa mga tauhan
ay si Chichoy na siyang pinapakinggan ng lahat sapagkat ikinukwento
niya ang nangyari sa kasalan ng nakaraang gabi at kung sino ang may
pakana ng lahat ng kaguluhan. Lahat ng tainga ay nakikinig sa kanya
habang sinasabi nya ang sako-sakong pulbura na natagpuan sa buong
bahay at mabuti na lamang at walang nanigarilyo kundi sabog sana
ang buong bahay at patay ang lahat ng tao at mga bisita maging ang
mga prayle at ang Kapitan Heneral. Sinabi din ni Chichoy na ang may
kagagawan ng lahat ay walang iba kundi si Simoun na nagpapanggap na
kaibigan ng Kapitan Heneral at ngayon ay pinaghahanap na siya ng
kinauukulan. Hindi makapaniwala ang lahat ng nakarinig at si
Kapitana loleng ay nag-alala sapagkat lahat daw ng kanilang
pinautang ay nasa kasalang iyon at maging ang isa pa nilang bahay
ay nasa tabi ng bahay na pinagdausan ng nasabing kasalan.
v Sa kabanatang ito ay makikita natin kung gaano kabilis
lumaganap ang usapan sa buong bayan (gaya ng paglaganap ng usapan
sa paghahanda ni Kapitan Tiago sa pagdating ni Ibarra sa Noli at sa
mga usap-usapan sa pag-aaway ni Ibarra at Padre Damaso). Makikita
din natin dito na may pagkatsismoso ang mga Pilipino at may iba na
walang inisip kundi ang kanilang kayamanan. Dulot na din siguro ng
kahirapan dati kung kayat sa oras na nagkaroon ng pera ay lubha ng
kumakapit dito ang mga Pilipino.
KABANATA 38KASAWIAN
Ipinakita sa kabanatang ito ang mag-amang Tales at Tano at ang
kanyang lolo na si Tandang Selo. Si Kabesang Tales ay isa ng
kilabot na tulisan at tinatawag ng Matanlawin. Si Tano ay isa ng
Guardia Sibil at mas kilala sa ngalang Carolino at si Tandang Selo
ay isa na ding tulisan. Makikita natin dito si Tano/Carolino at
kasama pa ang ibang indiong guardia sibil na nagpapahirap sa mga
bihag nilang pinaghihinalaang tulisan. Walang awa nilang
pinapalakad sa ilalaim ng init ng araw ang mga ito ng walang saplot
sa paa at uhaw na uhaw at di man lang maabutan ng tubig. Si
Carolino sapagkat mabait ay pinagalitan ang kanyang kasamahang si
Mautang sa paghahagupit sa mga bilanggo kapag natutumba at di na
makayanang maglakad. Sinabi ni Carolino na maawa ito sapagkat tao
din naman ang mga bilanggong iyon at katulad din nila, subalit
hindi sya pinakinggan ni Mautang. Sa hindi inaasahang pagkakataon
ay may mga tulisang lumusob sa kanilang paglalakbay sa gilid ng
gubat na iyon at nagkaroon ng palitan ng putok, namatay si Mautang
at iba pa nitong kasamang guardia sibil. Nang may isang tao silang
nakita sa itaas ng bato sa bundok ay iniutos kay Carolino na ito ay
barilin sapagkat tulisan din iyon. At ginawa nga ni Carolino. Nang
matapos ang putukan, tinignan nila ang mga tulisang nagkamatay din
at doon ay nakita ni Carolino ang isang mukhang hindi nya maaring
kalimutan, at iyon ay walang iba kundi ang kanyang Lolo Selo. Siya
ang nakapatay sa kanyang Lolo Selo. At si Tano ay parang nawalan ng
lakas at imik.
v Makikita natin dito ang irony ng buhay nila Tandang Selo,
Kabesang Tales at Tano. Sila ay nagkahiwa-hiwalay ng landas
sapagkat sila ay napilitan. Ito ay hindi nila kagustuhan! Dahil sa
paghihirap at kasamaang dinulot sa kanila ng mga prayle ay nawalan
sila ng kabuhayan at nagkahiwa-hiwalay. Dahil dito ay napilitan
silang maghigante sa kanilang sari-sariling paraan. At si Tano ay
nagdurusa sa kanyang trabaho. Makikita din natin na sa kabanatang
ito huling binanggit si Kabesang Tales at Carolino at sila ay
nanatili pa ring tulisan at guardia sibil. Walang klarong
paglalahad kung ano talaga ang nangyari sa kanila.
KABANATA 39ANG PAGTATAPOS
Si Simoun ay sugatan at nanghihinang kumatok sa tahanan ni Padre
Florentino, ang amain ni Isagani. Walang tanong-tanong ay buong
pusong tinanggap ng indiong si Padre Florentino si Simoun at
pinagyaman ang maysakit. Inisip na lamang nya na kaya ganoon si
Simoun ay dahil umalis na ang kaibigan nitong Kapitan Heneral kung
kayat hinahabol sya ng mga naiinggit sa kanyang kayamanan at yaong
kinuhanan nya ng mga kayamanan. Nang araw ding iyon ay may dumating
na sulat na nagsasabing may huhulihin silang tao sa bahay ni Padre
Florentino buhay man o patay ay huhulihin nila ito. Sa pag-aakala
ni Don Tiburcio de Espadana na noon ay nakikitira kay Padre
Florentino na sya ang huhulihin at dahil kagagawan iyon ng kanyang
asawa ay dali-dali syang nag-empake at umalis upang hindi abutan ng
mga guardia sibil. Kahit anong paliwanag ni Padre Florentino na si
Simoun ang pinatutungkulan ng sulat ay hindi naniwala si Don
Tiburcio at umalis pa din ito. Samantala, hindi alam ni Padre
Florention kung ano ang gagawin kay Simoun, patatakasin ba ito o
ano, kung kayat sinabi niya kay Simoun ang ukol sa sulat at nagulat
siya sapagkat ayaw ni Simoun na tumakas at ngumiti pa ito ng
pauyam. Umalis ang pari at pagbalik ay napansing nahihirapan si
Simoun kung kayat kanyang tinanong at sinabi nito na Opo, konti
lang pongunit sa loob ng ilang sandali ay matatapos na din ang
paghihirap ko! At nalaman ni Padre Florentino na uminom pala ng
lason si Simoun. Mas nanaisin pa daw nitong mamatay kaysa mahuli ng
buhay ninuman. Bago malagutan ng hininga si Simoun ay ipinagtapat
niya kay Padre Florentino ang lahat ng kanyang lihim na siya si
Crisostomo Ibarra na nagbagong anyo upang maghigante subalit siya
ay nabigo. Ayon kay Pdre Florentino ang kanyang pagkabigo ay
kagagawan ng Panginoon sapagkat hindi Nito nais ang paraan na
pinili ni Simoun. Ang kailangan ng bayan ay magtiis at gumawa upang
makamtam ang kanyang layunin at tanging pag-ibig lamang ang
makapagliligtas. Sa pagtatapos ng kanilang usapan ay wala ng buhay
si Simoun at itinapon na ni Padre Florentino ang baul ng kayamanan
ni Simoun sa dagat Pasipiko.
v Sa katapusan makikita natin na inamin ni Simoun na sya ay
nagkamali subalit pinanindigan pa din na dapat makamtam ng mga
Pilipino ang kalayaan sa mapagparusang kamay ng mga Kastila. At
hindi pinahintulot na sya ay mahuli ng buhay mas ninais pa niyang
mamatay na lamang. Ipinakita din ang pagkakaiba ng kanilang pananaw
ukol sa paghihiganti, Diyos, at sa mga paraan Nito. Nakita din
natin ang kabutihan ng isangn paring indiyo at ang kasawian at
katapusan ni Ibarra na nagpanggap na si Simoun.