2018.6 Vol.72 Ota City Navigation Maraming mga lugar at pasilidad sa lungsod ng Ota na maaring maglaro ng sports. May mga pasilidad tulad ng pool, gymnasium, training room, lugar para sa archery, beach volleyball, atbp. Karagdagan dito, maaring mag-ehersisyo sa maaliwalas na likas na kapaligiran tulad ng Tamagawa at Omori Furusato no Hamabe Park. Mamuhay tayo ng malusog at masagana sa pamamagitan ng sports! Ota City General Gymnasium (1-11-1 Higashi Kamata Ota-ku) Mayroong mga 4000 na upuan pang-madla sa main arena para sa top level na kumpetisyon ng bawat sport tulad ng basketball at iba pang palaro. May mga sports class na regular na ginaganap tulad ng yoga, dance at mga ehersisyo na maaring makilahok ang magulang kasama ng anak. Showajima 2cho-me Park ( 2-3-1 Showajima, Ota-ku) Taong 2018, nagbukas ng multipurpose field para sa mga palaro tulad ng soccer, futsal, atbp. Maari rin magsanay ng paglaro ng tennis gamit ang backboard o pader. Beach Volleyball Field (1-1 Furusatonohamabe-Koen, Ota-ku) Bilang karagdagan sa beach volleyball, maari rin maglaro ng beach tennis at beach soccer. Mayroong pa-arkilahang beach volleyball balls at beach tennis rackets, kaya makapaglaro kahit walang dalang gamit. Mayroon rin 500 na upuan para sa mga manonood ng sports sa main court. Pagbubukas ng libre ng gymnasium sa mga elementary schools. Ang gymnasium ng elementary schools ay magbubukas ng walang bayad sa pangkalahatang publiko upang mapalaganap ang paglalaro o sports. Ang mga kaganapan at petsa ng pagbubukas ay maiiba ayon sa paaralan. Mangyaring tingnan ang homepage ng lungsod upang malaman ang mga kaganapan. Elem. school Uri ng Laro Oras Omori Daiichi Table tennis, Mini tennis, Beach Volleyball 12:30p.m~ 3:30p.m Rokugou Table tennis, Badminton, Soft tennis Izumo,Takahata, Nanpo Table tennis, Badminton Tamagawa Onazuka Table tennis, Badminton Iriarai Daini, Higashi-Chofu Daisan, Shosen, Koike, Kojiya, Nishi-Rokugo, Yaguchi, Michizuka, Kamata Table tennis Omori Daiyon, Sanno, Magome Table tennis, Badminton, Mini tennis 1:00p.m~ 4:00p.m Ikegami, Kita-Kojiya Table tennis, Badminton Yaguchi-Nishi Table tennis, Mini tennis Nakatomi, Chofu-Otsuka, Kugahara, Magome Daini Table tennis ●Nararapat: Naninirahan o nag-aaral sa lungsod ng Ota (mas matanda sa mag- aaral sa elementarya) ●Paraan ng pag-apply: Magpunta ng direkta sa gymnasium sa araw ng pagbubukas. Magdala ng sapatos na panloob (sports shoes) at mga gamit. ※Wikang Hapon lamang ang gagamitin. Sanggunian Community Educational Activities Promotion Section, Educational Affairs Division ☎03-5744-1445 FAX03-5744-1535 Sanggunian Sports Promotion Section, Sports Promotion Division ☎03-5744-1441 FAX 03-5744-1539 Pagpalaganap ng Sports sa “Sports Health City Ota” Impormasyon para sa mga dayuhan Tagalog
4
Embed
Impormasyon para sa mga dayuhan Ota City Navigation · mga sakit sa pamumuhay tulad ng metabolic syndrome. Ipapadala ... ano ang kanilang masasabi tungkol dito, iisa ang kanilang
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
2018.6 Vol.72Ota City Navigation
Maraming mga lugar at pasilidad sa lungsod ng Ota na maaring
maglaro ng sports. May mga pasilidad tulad ng pool, gymnasium,
training room, lugar para sa archery, beach volleyball, atbp.
Karagdagan dito, maaring mag-ehersisyo sa maaliwalas na likas
na kapaligiran tulad ng Tamagawa at Omori Furusato no Hamabe
Park. Mamuhay tayo ng malusog at masagana sa pamamagitan ng
sports!
Ota City General Gymnasium (1-11-1 Higashi Kamata Ota-ku)
Mayroong mga 4000 na upuan pang-madla sa main arena para sa
top level na kumpetisyon ng bawat sport tulad ng basketball at iba
pang palaro. May mga sports class na regular na ginaganap tulad ng
yoga, dance at mga ehersisyo na maaring makilahok ang magulang
kasama ng anak.
Showajima 2cho-me Park ( 2-3-1 Showajima, Ota-ku)
Taong 2018, nagbukas ng multipurpose field para sa mga palaro
tulad ng soccer, futsal, atbp. Maari rin magsanay ng paglaro ng
tennis gamit ang backboard o pader.
Beach Volleyball Field (1-1 Furusatonohamabe-Koen, Ota-ku)
Bilang karagdagan sa beach volleyball, maari rin maglaro ng beach
tennis at beach soccer. Mayroong pa-arkilahang beach volleyball
balls at beach tennis rackets, kaya makapaglaro kahit walang dalang
gamit.
Mayroon rin 500 na upuan para sa mga manonood ng sports sa
main court.
Pagbubukas ng libre ng gymnasium sa mga elementary schools.
Ang gymnasium ng elementary schools ay magbubukas ng walang
bayad sa pangkalahatang publiko upang mapalaganap ang paglalaro
o sports. Ang mga kaganapan at petsa ng pagbubukas ay maiiba
ayon sa paaralan. Mangyaring tingnan ang homepage ng lungsod
upang malaman ang mga kaganapan.
Elem. school Uri ng Laro Oras
Omori Daiichi Table tennis, Mini tennis,Beach Volleyball
Ang ① abiso sa pagbayad ng National Heath Insurance para sa taong
2018 ② statement of payment para sa June~October ③ statement of
payment para sa isang taon ay ipapadala sa kalagitnaan ng June. Ang
halaga ng premium o babayaran ay nagbago. Para sa karagdagang
impormasyon, tingnan ang nakalakip na [National Health Insurance ng
Ota].
Bayaran ang premium ng National Health Insurance hanggang sa
nakatakdang huling araw o deadline.
Magkakaroon ng karagdagang bayad ang National Health Insurance
sa taong 2018 kapag lumampas sa taning ng pagbabayad. Kapag
lumampas sa taning ang pagbayad, may karagdang bayad mula sa
susunod na araw ng nakatakdang petsa ng taning.
Mangyaring tumawag sa International City Ota Association Multilingual Consultation Desk (☎03-6424-8822) kung hindi marunong ng wikang Hapon.
●I-submit ang Genkyou Todoke
Kailangan i-submit ang Genkyou Todoke upang patuloy na
makatanggap ng child allowance at natatanging benepisyo
mula buwan ng June. Ipapadala ang form sa mga nararapat sa
pamamagitan ng koreyo sa unang bahagi ng June, mangyaring
i-submit ito ayon sa tuntunin sa pamamagitan ng koreyo hanggang
June 29, 2018. Hindi ito tatanggapin sa ibang tanggapan.
●Petsa ng pagpadala para sa Hunyo
Ang allowance para sa Feb~May ay ipapadala sa June 7.
※ Maaring maantala ng 2-3 araw ang pagtanggap ayon sa pinansiyal
na institusyon.
※ Ang child allowance ay ipinagkakaloob ng 3 beses sa isang taon,
ayon sa alituntunin, February, June at October, magkasamang
ipinapadala ito hanggang nakaraan na buwan.
●Pagsubmit ng Ulat ng Kasalukuyang Katayuan
Ang katayuan sa pagpapalaki ng anak hanggang June 1, 2018 ay
kailangang ipaalam o iulat upang patuloy na makatanggap ng child-
rearing allowance (tulong na pananalapi sa pagpapalaki at para sa
may kapansanan). Ipapadala ang dokumento ng Genkyou Todoke
sa mga naangkop sa pamamagitan ng koreyo. Mangyaring isubmit
hanggang June 29, 2018.
●Bagong aplikasyon
Maaring mag-apply ang mga mamamayan na hindi hihigit sa
pamantayang halaga ang kita sa taon 2017. Dalhin sa pag-apply
ang opisyal na sertipiko (para sa ibang wika, kailangang isalin sa
wikang Hapon ng ibang tao) na tumutugma sa dahilan ng pagtanggap
ng child-rearing allowance. Mangyaring sumangguni para sa
karagdagang impormasyon.
Notisya mula sa City Offi ce
大田区生活展Pagpapadala ng Abiso ng National Health Insurance para sa Taong 2018
大田区生活展Pagsubmit at Bagong Aplikasyon ng Ulat ng Kasalukuyang Katayuan sa Pagpapalaki ng Anak (Jidou Ikusei no Genkyou Todoke)
大田区生活展Pagsubmit ng Ulat ng Kasalukuyang Katayuan (Genkyou Todoke) para sa Child Allowance at Pagbibigay-alam ng Regular na Pagpadala sa Bangko sa buwan ng June
Sanggunian
National Health Insurance Qualifi cation Section,
National Health Insurance and National Pension
Division ☎03-5744-1210 FAX03-5744-1516
SanggunianChild-rearing Support Division
☎03-5744-1274 FAX03-5744-1525
SanggunianChild-rearing Section, Childcare Support Division
☎03-5744-1275 FAX03- 5744-1525
Sanggunian
National Health Insurance Premium Collection Section,
National Health Insurance and National Pension
Division ☎03-5744-1697 FAX03-5744-1516
◆Child Allowance (Para sa mga hindi humihigit sa pamantayang
halaga ang kita)
EdadHalaga ng Benepisyo
(buwanan)
Hindi hihigit sa 3 yrs. old (pantay ang halaga) ¥15,000
Mahigit sa 3 yrs old, bago makatapos ng
elementarya (una at ika-2 anak)¥10,000
Mahigit sa 3 yrs. old, bago makatapos ng
elementarya (mula ika-3 anak)¥15,000
Mag-aaral sa Junior High School (ika-15 yrs. old
na kaarawan ay hanggang March 31) (pantay
ang halaga)
¥10,000
※ Binibilang bilang panganay ang anak na hindi hihigit sa 18 taong
gulang ang edad (ika-18 yrs. old na kaarawan ay hanggang March 31).
◆Espesyal na Benepisyo (para sa mga higit sa pamantayang
halaga ang kita)
Walang klasipikasyon ng edad (pantay ang halaga) ¥5,000 (Buwanan)
Libreng serbisyo ng interpretasyon gamit ang Tablet sa Ota City Office atbp.
● Mga Wika: English, Chinese, Korean, Spanish, Portugese, Vietnamese, Tagalog, Thai, French, Nepalese Russian at Hindu