2 May 2017 Publications DISIPLINA: Mahirap Na Nga Ba? By: APRIL LYN M. SANTOS Napakahalagng papel ang ginagampanan ng salitang “DISIPLINA” kapag ang pinag- uusapan ay teaching- learning process sa loob ng silid-aralan. Mas matututo ang mga mag-aaral kung sila ay may disiplina habang ang guro ay nagtuturo. Mas mahuhubog ang kanilang katauhan at pagiging future leader ng ating pamahalaan. Madalas ko marining sa mga kapwa ko guro, lalo na sa mga naging guro ko pa noon, na, “Iba na talaga ang tubo ng mga bata ngayon, mahirap disiplinahin, hindi katulad noong araw, titigan mo lang tumatahimik na”, samantalang ngayon, titigan mo at makikipag titigan din sa iyo. Kaya marami sa mga bagong guro ngayon, hindi kinakaya ang ugali ng mga bata kaya’t umaalis na lang sa pagtuturo. Mahirap talaga ang magkaroon ng disiplinadong mag-aaral. Dumarating sila sa atin ng may kanya-kanyang ugali sa paraan ng pagpapalaki ng kanilang mga magulang. Narito ang ilan sa aking minumungkahi na maaring makatulong sa pagdisiplina sa mga mag-aaral na nasa ating pangangalaga. Una- Magsimula ng tama- sa simula pa lamang ng pagbubukas ng klase ipaliwanag na ang “rules and regulation” at “do’s and dont’”sa loob ng silid aralan. Ito ang ilan sa mga alituntunin na dapat sudin sa loob ng silid aralan: 1. Pumasok sa paaralan sa wastong oras. 2. Makinig sa guro habang ito ay nagtuturo. 3. Tapusin ang mga gawaing ipinapagawa ng guro sa klase. 4. Ligpitin ang pinagkainan pagkatapos ng recess. 5. Itapon ang basura sa tamang tapunan. 6. Gawin ang takdang aralin. Ipaalam din sa kanilang mga magulang ang tungkol sa mga bagay na ito, upang mag simula sa kanila ang pagbibigay ng kaalaman sa kanilang mga anak patungkol sa alituntuning ito. Pangalawa- Iwasang sumigaw o laging galit sa klase- kahit gaano man katindi ang iyong galit, ingatan ang mga salitang bibitawan at mamumutawi sa iyong mga labi. Tandaan natin, anumang salita ang lumabas sa ating mga labi ay siyang pagbabatayan ng makaririnig sa respetong ibibigay sa atin. Sa halip gumamit ka na lang ng iba’t- ibang uri ng positive