Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Z est for P rogress Z eal of Partnership Edukasyon sa Pagpapakatao Ikatlong Markahan Modyul 7: Pagsunod at Paggalang ay Kaya Ko Pangalan ng Mag-aaral: Baitang at Seksyon: Paaralan: 8
16
Embed
Ikatlong Markahan Modyul 7: Pagsunod at Paggalang ay Kaya Ko
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
Republic of the Philippines
Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula
Zest for Progress
Zeal of Partnership
Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikatlong Markahan
Modyul 7: Pagsunod at Paggalang ay Kaya Ko
Pangalan ng Mag-aaral:
Baitang at Seksyon:
Paaralan:
8
1
ALAMIN
Sapat na ba ang pagtugon ng “Po” at “Opo” upang maipakita mo ang
paggalang sa magulang, nakakatanda at may awtoridad? Ano ang iyong gagawin
kung ang kanilang ipinag-uutos ay labag sa iyong kalooban?
Sa kasalukuyan, isang malaking hamon ang pagpapanatili ng kaayusan at
kapayapaan. Nakalulungkot ang mga pangyayaring maraming kabataan na ang
napahamak dahil sa kawalan ng kakayahang sumunod at gumalang. Maraming
suliranin ang maaring malunasan kung ang pagsunod at paggalang ay
maisasabuhay.
Sa modyul na ito, inaasahan na ang mga birtud ng pagsunod at paggalang ay
iyong mauunawaan upang mapaunlad ang iyong pagkatao at ng iyong
pakikipagkapwa.
a. Nahihinuha na dapat gawin ang pagsunod at paggalang sa mga
magulang, nakakatanda, at may awtoridad dahil sa pagmamahal, sa malalim na
pananagutan at sa pagkilala sa kanilang awtoridad na hubugin, bantayan at
paunlarin ang mga pagpapahalaga ng kabataan. EsP8PBIII-d-10.3
SUBUKIN
Panuto: Tayahin natin ang iyong kaalaman. Basahin at unawain ang mga
pangungusap. Bilugan ang tamang sagot.
1. Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag na, “Ang pagsunod ay pagkilos sa pagitan ng
katwiran at ng kakayahang magpasakop?”
a. Ang marapat na pagsunod ay naipapakita sa pamamagitan ng pagpapasakop.
b. Kailangang sumunod at magpasakop dahil ito ang makatwiran at nararapat.
c. Maipakikita sa pamamagitan ng pagsusuko ng sarili ang marapat na pagsunod sa
mga ipinag-uutos.
d. May pagkakataon na kailangang sumunod at magpasakop at may pagkakataong
di kailangang magpasakop at sumunod.
2. Paano mo mas higit na maipakikita ang paggalang sa mga taong may awtoridad?
a. Unawain na hindi lahat ng pagpapasiya at mga bagay na dapat sundin ay magiging
kaaya-aya para sa iyo.
b. Ipaglaban ang iyong karapatan lalo na kapag ikaw ay nasa katwiran.
2
c. Ipahayag ang iyong pananaw upang maiwasto ang kanilang mga pagkakamali.
d. Suportahan ang kanilang mga proyekto at programa.
3. Kung pagkatapos ng edad na tatlo hanggang apat, nagsisimula nang mahubog
ang kilos-loob ng isang bata, ang bata ay __________:
a. madaling makasusunod sa mga ipinag-uutos ng kaniyang mga magulang.
b. nagkakaroon ng pagkilala sa kahalagahan ng pagsunod sa kaniyang buhay.
c. nagkakaroon ng pag-unawa sa kahalagahan ng mga tuntuning itinatakda.
d. kumikilos ayon sa mga ipinatutupad na utos ng kaniyang magulang.
4. Nag-iisang itinataguyod ni Aling Melsid ang kaniyang tatlong anak. Maliliit pa
lamang ang kanilang mga anak nang siya ay naging biyuda. Panatag siya dahil alam
niyang napalaki niya ang mga ito nang maayos. Subalit may pagkakataon na
nangangamba siya dahil sa mga teenager na sila. Mas mapatatatag nila ang kanilang
samahan sa pamamagitan ng ________:
a. sama-samang pagkain tuwing hapunan at pamamasyal isang beses isang linggo.
b. pagkukumustahan kapag nagkakasama-sama o gamit ang cellphone / email kung
nasa malayong lugar.
c. pagkakaroon ng mga alituntuning dapat sundin sa tahanan, tulad ng pag-uwi
nang maaga.
d. pagkakaroon ng bukas na komunikasyon at malalim na pag-unawa sa kalagayan
ng bawat isa.
5. Kilala ang pamilya nina Mildred sa pagbibigay ng halaga sa edukasyon. Kahit na
ang kanilang mga magulang ay hindi nakatapos ng pag-aaral, sinisikap nila na
maitaguyod silang apat na magkakapatid. Ngunit siya ay kinakikitaan ng ibang mga
kasapi ng pamilya nang kawalan ng pagpapahalaga sa pag-aaral ayon sa isinasaad
ng mga marka nito sa iba’t ibang asignatura. At kapag pinapaalalahanan siya ng
kaniyang magulang, hindi nagiging maganda ang reaksiyon ni Mildred. Ano ang
nararapat na gawin ng mga kasapi ng pamilya sa ganitong sitwasyon?
a. Ipaunawa kay Mildred ang kahalagahan ng edukasyon sa bawat pagkakataon.
b. Kausapin si Mildred at bigyan ng inspirasyon upang mapataas ang kaniyang
marka. Nasa lahi nila ang pagiging magaling, kailangan lang ng pagpapaalala.
c. Siyasatin ang mga dahilan kung bakit mababa ang mga marka ni Mildred.
Kumilos nang ayon sa mga natuklasang dahilan.
3
d. Isaalang-alang ang kakayahan at pagiging bukod-tangi ni Mildred. Tanggapin siya
kung ano siya nang walang pagtatanggi.
6. Sa Bibliya, Taga-Efeso 6:1 ay nagsasabing “Mga anak, magsitalima kayo sa inyong
mga ____________ sa Pangion: sapagkat ito’y matuwid.
a. magulang b. Kapatid c. Kapitbahay d. Wala
7. Ang salitang “paggalang” ay nagmula sa salitang Latin na “respectus” na ang ibig
sabihin ay ______________.
a. pagmamahal b. Pakikipagkapwa
c.paglingon o pagtingin muli d. Halaga
8. Bago pumasok sa kwarto ng mga magulang mo, kumatok ka muna sa pinto bilang
pagpapakita ng ____________.
a. paggalang b. Pag-aalala
c. pag-aaruga d. Wala sa nabanggit
9. Ang mga sumusunod ay pagpapakita ng paggalang at pagsunod sa mga
nakatatanda maliban sa;
a. Tugunan ang kanilang mga pangangailangan at kahilingan na makakabuti sa
kanila.
b. Iparamdam sa kanila na sila ay naging mabuting halimbawa lalo na sa pagiging
matiisin at matiyaga sa maraming bagay.
c. Sila ay arugain at pagsilbihan nang isinasaalang-alang ang maayos na pakikipag-
usap.
d. Huwag makinig sa kanilang payo at pananaw bilang pagkilala sa karunungang
dulot ng kanilang mayamang karanasan sa buhay.
10. Paano maipakikita ang paggalang sa mga taong may awtoridad?
a. Magbasa at pag-aralan ang tunay na tagubilin ng Diyos sa paggalang sa mga taong
may awtoridad.
b. Lagi mong ipanalangin ang mga taong may awtoridad na ikaw ay pamahalaan.
c. Alamin at unawain na hindi lahat ng pagpapasiya at mga bagay na dapat sundin
ay magiging kaaya-aya para sa iyo.
d. lahat ng nabanggit.
4
BALIKAN
Sa mga nagdaang modyul, nauunawaan mo na napagtitibay sa pamilya
ang kakayahang magmahal sa kapwa. Naunawaan mo rin na ang makabuluhang
pakikipagkapwa ay napagtitibay sa pamamagitan ng pagtugon sa pangangailangan
ng iba nang may pagmamahal.
Gawain 1: Igalang Mo’Ko
Punuto:
1. Punan ang talaan ng dalawang paraan ng pagpapakita o papahayag ng
paggalang sa mga magulang, nakakatanda at may awtoridad.
2. Matapos mong gawin ito ay ibahagi sa iyong nakakatandang kapatid o sino man
sa inyong bahay na pagbabahaginan mo ng iyong ginawa.
TUKLASIN
Gawain 2: Utos Ko, Sundin Mo!
Panuto: Para sa inyong mga sagot gumamit ng ekstrang papel.
1. Gamit ang talaan, isulat ang tatlong bagay na ipinag-uutos ng iyong magulang,
nakatatanda, at may awtoridad.
2. Batay sa mga utos na iyong isinulat, ano sa palagay mo ang maaaring maging
resulta o bunga ng pagsunod sa mga ito? Punan ang sumusunod na talaan.
3. At kung di susundin ang mga utos na ito, ano sa palagay mo ang maaaring maging
resulta o bunga nito? Punan ang sumusunod na talaan.
5
4. Matapos mong gawin ito ay humanap ng isa pang kapwa o kaibigan na
pagbabahaginan mo ng iyong ginawa.
5. Itala sa iyong modyul ang mga mahahalagang pangyayari na naganap sa iyong
ginawang pagbabahagi at ang mga sagot sa sumusunod na tanong:
a. Ano ang iyong nararamdaman kung nasusunod mo ang ipinag-uutos sa iyo? Kung
di mo nasusunod ang mga ipinag-uutos sa iyo? Ipaliwanag.
b. Ano ang mga bagay na maaaring maging hadlang sa iyong pagsunod? Ipaliwanag.
c. Gaano kahalaga ang pagsunod sa mga magulang, nakatatanda at may awtoridad?
Maipapakita mo ang paggalang at pagsunod sa iyong mga
magulang,nakaktanda at may awtoridad kung kinikilala mo ang kanilang halaga.
SURIIN
Ang pagkilala sa halaga ng tao o bagay ang nakapagtibay sa
kahalagahan ng paggalang. At nagsisimula sa pamilya ang kakayahang kumilala sa
halaga. Kung ano ang nakasanayan at palaging nakikita na ginagawa ng mga kasapi
ng pamilya, lalo na ang mga magulang at nakakatanda, ay makakalakihan at
makakasanayan ng anak.
Gawain 3: Pagsusuri ng Kwento
Panuto: Kumuha ng ekstrang papel para sa mga sagot.
1. Basahin at unawaing mabuti ang mensahe ng maikling kuwento tungkol sa
Dalawang Anak (hango sa Bibliya Mateo 21:28-30; maaari ding tunghayan ang
http://www.youtube.com/watch?v=gqFnsP2ikvE).
2. Suriin ang kuwento gamit ang sumusunod na gabay na tanong: