This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
1. Aubrey Joyce B. Coronico IV - Love Filipino 4 Modyul
Pagsunod sa Panuto
2. Tungkol saan ang modyul na ito? Sa modyul na ito, matutuhan
mo ang tungkol sa pagsunod sa panuto. Naghanda ako ng mga aralin at
gawain na makatutulong sa iyo upang lalo mong maintindihan ang
paksa. Mayroon din itong mga pagsasanay upang lalo kang humusay sa
pagbuo at paggamit nito. Ano ang matututunan mo? Sa modyul na ito,
inaasahang matatamo mo ang mga sumusunod na kasanayan: 1.Magkaroon
ng sapat na kaalaman tungkol sa panuto o pagsunod sa napakinggang
panuto. 2.Makabuo ng mga panuto o pangungusap na nagsasaad ng
gawaing dapat sundin ng taong kausap.
3. Panuto Ay mga tagubilin sa pagsasagawa ng iniutos na gawain.
Maaaring pabigkas o nakasulat ang mga panuto. Makatutulong sa
maayos, mabilis, at wastong pagsasagawa ng gawain ang pagsunod sa
ibinigay na panuto. Ginagamit din ang mga salita tulad ng: sa
kanan, sa kaliwa, sa itaas, o sa ibaba sa pagbibigay ng panuto.
Halimbawa Ilagay ang kanang kamay sa kaliwang bahagi ng dibdib
habang inaawit ang Lupang Hinirang.
4. Pagsunod sa Panuto Sa pag-uutos, kasabay na sinasabi ang
panuto kung paano gagawin ang utos. Sinusunod natin ang mga
napapakinggang panuto upang magawa ang mga gawain nang wasto at
maayos. Aralin 1 Makikinig ng awit ang klase ni Bb. Villasan. Mga
bata, makikinig tayo ng isang awit. Bago natin ito pakinggan,
kumuha kayo ng isang malinis na papel.
5. Isulat ang inyong pangalan sa unang guhit sa dakong kaliwa
ng inyong papel. Isulat ang petsa ngayon sa kanang bahagi nito.
Itaas ang inyong papel upang malaman ko kung nakasunod kayong lahat
sa aking sinabi.
6. Ngayon ay makinig kayong mabuti sa awit na aking
patutugtugin. Matapos ninyong marinig ang awit ay iguhit ninyo ang
larawan tungkol dito Itaas ang inyong iginuhit. Ngayon, mga bata,
isa-isa kayong pumunta sa harapan at ipakita ang inyong
iginuhit.
7. Alamin May mga ipinagawa si Bb. Villasan sa kanyang mga
mag-aaral. Basahin ang ilan sa mga ito. 1.Kumuha kayo ng isang
malinis na papel. 2.Isulat ang inyong pangalan sa unang guhit sa
dakong kaliwa ng inyong papel. 3.Isulat ang petsa ngayon sa kanang
bahagi nito. Ang iyong mga binasa ay mga panuto. Aralin 2 Nenet,
tulung an mo ang iyong Ate Lilia sa paglilinis ng bahay. Walisan mo
muna ang sahig. Pagkatapos, l ampasuhan mo ito.
8. Manny, lag yan mo muna ng abono ang hukay bago mo itanim ang
punla ng papaya. Saka mo diligan. Mga bata, kumuha ng lapis at
papel. Idrowing sa papel ang inyong paaralan at kulayan ito.
9. Pag-usapan Natin 1.Kailan ginagamit ang panuto? Sagot Tuwing
nagbibigay ng kautusan. 2. Bakit kailangang sundin ang ibinibigay
na panuto? Sagot Makatutulong sa maayos, mabilis, at wastong
pagsasagawa ng gawain ang pagsunod sa ibinigay na panuto. 3. Ulitin
ang panutong ibinigay ng nanay kay Nenet. Sagot Nenet, tulungan mo
ang iyong Ate Lilia sa paglilinis ng bahay. Walisan mo muna ang
sahig. Pagkatapos, lampasuhan mo ito.
10. 4. Ibigay ang panutong sinabi ng tatay kay Manny sa
pagtatanim ng punla ng papaya. Sagot Manny, lagyan mo muna ng abono
ang hukay bago mo itanim ang punla ng papaya. Saka mo diligan. 5.
Ano ang panutong ibinigay ng guro sa mga bata? Tiyak ba ang panuto?
ibinibigay na panuto? Sagot Mga bata, kumuha ng lapis at papel.
Idrowing sa papel ang inyong paaralan at kulayan ito. OO, tiyak ang
panuto. 6. Malinaw at maikli ba ang ibinigay na mga panuto?
ibinibigay na panuto? Sagot Oo, malinaw at maikli ang ibinigay na
mga panuto?
11. Magsanay Tayo Pagsasanay 1 Babasahin ng inyong guro ang mga
pangungusap sa bawat bilang. Makinig na mabuti. Alin- alin ang
panuto? Isulat sa papel. 1.Nag-aaral sa paaralan ang mga mag-aaral.
2.Lagyan ng pabalat ang inyong aklat. 3.Masayang nakinig ang mga
bata sa kuwentong ipinarinig ng guro. 4.Basahin ang kuwento sa mga
pahina 68~70. Sagutin ang mga tanong na makikita sa pahina 71.
5.Tasahan ang inyong lapis bago kopyahin ang tula sa mga pahina
7~8.
12. Pagsasanay 2 Gawin ang pinagagawa sa bawat bilang.
1.Gumuhit ng isang malaking bilog. Gumuhit ng maliit na bilog sa
kaliwa ng malaking bilog. Sagot 2. Gumawa ng isang kahon. Gumuhit
ng Bituin sa loob nito. Sagot
13. 3. Isulat ang iyong pangalan. Salungguhitan ang mga patinig
at bilugan ang mga katinig. Sagot Aubrey Joyce Coronico 4. Ikaw ba
ay lalaki o babae? Kung lalaki ka, kahunan ang bola, kung ikaw ay
babae. Lagyan ng tsek ang manyika. Sagot
14. Pagsasanay 3 Isulat sa patlang ang iyong dapat gawin upang
sumunod sa panuto. Sagutin ito sa loob ng isa o higit pang
pangungusap. 1. Inutusan ka ng iyong ina na maglinis ng bahay
pagkaalis nila papuntang palengke. Sagot Pagkaalis na pagkaalis po
nila magliligpit po agad ako, magwawalis at maglalampaso. Para
pagdating nila natapos ko na po ang ipinaguutos ng aking Ina. 2.
Ang iyong guro ay sinabing bawal maglaro sa tabi ng pinto dahil
sira ito. Ngunit nagkatuwaan kayo ng iyong mga kaibigan at
nagtakbuhan kayo malapit sa pintuan. Sagot Ipaaalala ko sa aking
mga kaibigan ang sinabi ng aming guro, sasabihin kong iwasan namin
magawi sa tabi ng pinto o kaya ay huminto na kami sa paglalaro
upang di kami mapagalitan ng aming guro.
15. 3. Sinabi ng iyong nanay na wag ka tatawid sa highway dahil
delikado, dapat ay gumamit ka ng overpass. Sagot Susundin ko po ang
sinabi ng nanay ko, dapat po talaga doon sa tamang tawiran lang
tatawid tulad ng overpass upang maiwasan ang sakuna. 4. Binilin
sayo ng iyong kapatid na gisingin mo siya kapag nagising ka sa
umaga dahil mayroon siyang importanteng lakad. Sagot Magtatakda po
ako ng alarm sa aking cp at ilalagay ko na nagpapagising ang aking
kapatid upang di ko makalimutan at pagkagising ko agad ko siyang
gigisingin.
16. 5. May nakalagay sa sign board na bawal pumitas ng mga
bulaklak sa parke, pero kailangan mo ito para sa inyong proyekto.
Sagot Hahanap na lang po ako ng ibang bulaklak na pwede kong
pitasin. Maaaring di lang naman sa parke merong bulaklak na
kailangan ko, kaya hahanap po ako sa ibang lugar na maaari akong
makahingi ng bulaklak. WAKAS
17. Sanggunian Pagdiriwang ng Wikang Filipino 2 (Pahina 37~39)
Bagong Filipino sa Salita at Gawa Wika - Filipino 3 (Pahina
115~118) http://www.rexinteractive.com/index. php
http://mommyguideinc.com/wbmws/2 012-Oct-
Free/101012/Filipino%204%20(Pagsu
nod%20sa%20Panuto1)%20edited.pdf