-
0
Republic of the Philippines
Department of Education Regional Office IX, Zamboanga
Peninsula
Zest for Progress Zeal of Partnership
9
Pangalan: ___________________________
Baitang at Seksyon: ___________________________
Paaralan: ___________________________
Ikalawang Markahan- Modyul 2:
Karapatan ay ipaglaban,
Tungkulin ay gampanan
Edukasyon sa Pagpapakatao
-
1
Ang modyul na ito ay inihanda upang lubos mong maunawaan ang
iyong mga karapatan at tungkulin. Magiging ganap ang iyong
pagkatao kung iyong isasabuhay ang paggalang sa karapatang pantao
at pagsasabuhay ng mga pagpapahalaga na makatutulong sa paghubog
sa
iyong sarili. Maraming mga isyu hinggil sa paglabag sa karapatan
ng tao na isinisiwalat sa social media na nagiging pamulat-mata sa
mga taong patuloy
na nagbubulag-bulagan sa lipunan.
Pagkatapos mong pag-aralan at isagawa ang mga gawain sa
modyul
na ito, inaasahan na maipamamalas mo ang mga sumusunod:
5.3 Napatutunayan na ang karapatan ay magkakaroon ng tunay na
kabuluhan kung gagampanan ng tao ang kanyang tungkulin na kilalanin
at unawain, gamit ang kanyang katuwiran, ang pagkakapantay-pantay
ng
dignidad ng lahat ng tao (EsP9TT-IIb-5.3)
5.4 Naisasagawa ang mga angkop na kilos upang ituwid ang mga
nagawa o naobserbang paglabag sa mga karapatang pantao sa
pamilya, paaralan, barangay/pamayanan o lipunan/bansa
(EsP9TT-IIb-5.4)
Sa nagdaang aralin, napag-aralan mo ang iba-t-ibang uri ng
karapatang di maaalis o inalienable rights na ayon sa panulat ni
Sto. Tomas
de Aquino. Nalaman mo rin na bilang tao kailangan mong gampanan
o
gawin ang mga tungkuling nakaatang sa iyo. Nararapat lamang na
sa lahat
ng pagkakataon ay iggalang ang karapatan ng indibidwal dahil
siya ay may
dignidad na nagpapabukod-tangi sa kaniya.
ALAMIN
BALIKAN
-
2
Gawain 1: Tsart ng mga Karapatan at mga paglabag sa mga ito
Nalaman mo na ang kahulugan ng karapatang pantao. Ngunit may
mga panahon na nilalabag ang mga ito.
Panuto: Sagutin ang mga tanong na nakapaloob sa talahanayan
upang
lubusang mapalawak ang iyong pagkakaunawa sa aralin.
Mga Karapatan Mga paglabag
sa bawat
karapatan
Angkop na kilos
upang ituwid ang
napunang paglabag
1. Karapatang mabuhay at kalayaan sa pangkatawang
panganib
Hal. Aborsiyon
2. Karapatan sa mga batayang pangangailangan pang magkaroon
ng maayos na pamumuhay (pagkain, damit, tahanan,
edukasyon, pagkalingang pangkalusugan, tulong sa walang trabaho,
at tulong sa pagtanda)
3. Karapatan sa malayang
pagpapahayag ng opinyon at impormasyon
4. Karapatan sa malayang pagpili
ng relihiyon at pagsunod sa konsensya
5. Karapatan sa pagpili ng propesyon
6. Karapatan sa malayang paglipat
sa ibang lgar upang manirahan
7. Karapatan sa aktibong pakikilahok sa mga pampublikong gawain
o proyekto
8. Karapatan sa patas na
proteksiyon ng batas laban sa mga paglabag sa mga karapatang
ito
-
3
Gawain 1: Pagsusuri sa Sitwasyon Panuto: Suriin ang sitwasyon.
Tukuyin kung anong uri ng likas na
karapatan ng tao ang nilabag sa bawat sitwasyon. Ipaliwanag
kung
bakit. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong sa ibaba ng gawain
Mga tanong:
1. Bakit maituturing na paglabag sa karapatan ng bawat tauhan
ang inilalarawan sa bawat sitwasyon?
________________________________________________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
TUKLASIN
Sitwasyon A
Nagsabi na ang 32 gulang na si Mary Jean sa kaniyang ina na
mag-aasawa na
siya. Napagtapos na niya anf kaniyang dalawang kapatid at nasa
Junior High School
na ang bunso. Ngunit sinabi ng kaniyang ina na kailangan munang
magtapos ang
huli bago siya magpakasal. Siya lang ang inaasahan ng ina.
Sitwasyon B
Mula nang lumakas ang kita ng negosyong catering ni Aling
Delia,
nangangailangan siya ng karagdagang waiter. Noong una, sapat ang
sinisuweldo niya
sa mga ito at libre ang pagkain nila lalo na kapag may overtime
na trabaho. Ngunit
nang nagkatampuhan si Aling Delia at ang kaniyang asawa,
nagpasiya itong bimuli ng
condominium upang iwasan ang stress na sanhi ng tampuhan nila.
Dahil dito, hindi
na tumanggap ng sapat na pasahod ang mga waiter at hindi pa nila
ito natatanggap
sa takdang araw.
Sitwasyon C
Maraming sako ng bigas ang nakatago sa sa 50 conatainer van ni
Mang Enteng
bukod sa nakikita sa kaniyang tindahan sa palengke. Sa gitna ng
panawagan ng
pamahalaan ng tulong sa pagkain, pera at damit para sa mga
biktima ng bagyong
Yolanda, 30 sako ng bigas lang ang pinadala niya sa Samar,
Leyte.
-
4
2. Ano-ano ang maaaring gawin ng kabataang kasing edad mo upang
pukawin ang kamalayan ng kapuwa Pilipino sa mga paglabag na
ito?
_____________________________________________________________________________________________________________________________________________
Ilang karapatang pang-indibidwal ang kinilala sa encyclical na
“Kapayapaan
sa Katotohanan” Pacem in Terris:
1. Karapatang mabuhay at kalayaan sa pangkatawang panganib
2. Karapatan sa mga batayang pangangailangan upang magkaroon
ng
maayos na pamumuhay
3. Karapatan sa malayang pagpapahayag ng opinion at
impormasyon
4. Karapatan sa malayang pagpili ng relihiyon at pagsunod sa
konsensiya
5. Karapatan sa pagpili ng propesyon
6. Karapatan sa malayang paglipat sa ibang lugar upang
manirahan
(migrasyon)
7. Karapatan sa aktibong pakikilahok sa mga pampublikong gawain
o
proyekto
8. Karapatan sa patas na proteksiyon ng batas laban sa mga
paglabag ng
mga karapatang ito
Ang mga karapatang kinilala ni Santo Tomas de Aquino at ng Pacem
In
Terris ay masasalamin sa Pandaigdig na Pagpapahayag ng mga
Karapatan ng Tao
(Universal Declaration of Human Rights) na binanggit sa Modyul
5. Ibinatay ang
mga karapatang kinilala ng Pandaigdig na Pagpapahayag sa
dignidad ng tao, patas
at hindi maaalis na karapatan ng bawat kasapi ng sangkatauhan
bilang
pundasyon ng kalayaan, katarungan at kapayapaan sa buong mundo.
Saan
nagsisimula ang karapatang pantao? Narito ang sagot ni Eleanor
Roosevelt, pinuno
ng pangkat na bumuo ng Deklarasyon: Ang mga karapatang pantao ay
nagsisimula
sa mundo ng indibidwal na tao – sa maliit na pamayanan kung saan
siya nakatira,
sa paaralang pinapasukan niya sa factory, sakahan o opisina kung
saan siya
nagtatrabaho.Ito ang mga lugar lung saan dapat asahan ng bawat
babae, lalaki, o
mga bata ang pantay na katarungan, oportunidad at dignidad nang
walang
diskriminasyon.
Binigyang-diin ito ni Max Scheler na kailangang hubugin ang
sarili tungo sa
pagpapakatao upang matupad din ng pamayanan, pamahalaan o
lipunang
kinabibilangan niya ang tungkulin ng paglinang ng
pagpapakatao.Ngunit mahirap
isagawa ang paghubog na ito sa sarili kung hindi ginagawa ng mga
institusyong
panlipunan ang mga obligasyon nito sa tao na itinakda ng mga
batas.
SURIIN
-
5
Ang pagkilala sa mga patas at hindi maaalis na karapatan ng
bawat tao sa
buong mundo na pinakikilos nang may kalayaan, katarungan at
kapayapaan ay
nangangailangan ng patas na pagbibigay halaga sa karapatan at
tungkulin upang
makabuo ng batayang moral kung lahat ng lalaki at babae ay
mamumuhay nang
mapayapa at makakamit ang kanilang kaganapan bilang tao.
May 19 na artikulo ang Universal Declaration of Human Rights.
Narito ang
unang apat na Batayang Prinsipyo ng Sangkatauhan (fundamental
Principles for
Humanity)
Artikulo 1. Ang bawat tao, anuman ang kasarian, lahi, estado sa
lipunan,
opinion sa mga isyung political, wika, edad, nasyonalidad o
relihiyon ay may
tungkul ang lahat ng tao sa paraang makatao.
Artikulo 2.Walang tao ang dapat sumuporta sa anumang uri ng
hindi makataong
asal, kaya ang lahat ng tao ay may tungkuling pagsumikapang
pangalagaan ang
dignidad at tiwala sa sarili ng kapuwa.
Artikulo 3.Walang tao, pangkat, organisasyon, bansa, army o
pulisya ang dapat
mangibabaw sa mabuti at masama; lahat ay dapat sundin ang
pamantayang
moral. Bawat isa ay may tungkuling itaguyod ang mabuti at iwasan
ang masama
sa lahat ng bagay.
Artikulo 4. Lahat ng tao, gamit ang kanilang isip at konsensiya,
ay dapat
tanggapin ang kanilang tungkulin sa bawat isa, sa mga pamilya at
pamayanan,
lahi bayan at elihiyon nang may pagkakaisaL Huwag mong gawin sa
iba ang
anumang ayaw mong gawin sa iyo.
Kaakibat sa karapatan ng isang tao ang obligasyon ng kaniyang
kapuwa na
igalang ito at ang kaniyang obligasyon na tuparin ang kaniyang
mga tungkulin.
Mahalaga sa bawat isa, lalo na sa yugtong ito ng iyong kabataan,
ang pagsasaloob
ng mensaheng ito. Matutugunan mo ang tawag sa pagbuo ng iyong
pagkatao sa
lipunan kung igagalang mo at ng kalipunan ang mga karapatan ng
iyong kapuwa
at kung tutuparin mo ng mapanagutan ang iyong mga tungkulin.
Masalimuot man ang pagtupad ng iba’t-ibang tungkulin sa bawat
papel na
ginagampanan mo lalo na sa lipunan, mahalagang patuloy na
tayahin ang sarili
kung napaunlad mo ang mga kaloob ng Diyos sa pamamagitan ng
pagtupad ng
iyong mga tungkulin at paglilingkod sa lipunan.
-
6
Gawain 1: Bigyang Diin
Panuto: Sagutin ang mga tanong na nakapaloob sa talahanayan
upang lubusang
mapalawak ang iyong pagkakaunawa sa aralin. Isulat ang sagot sa
kuwaderno.
Ano-ano ang konsepto at kaalamang
pumukaw sa akin?
Ano ang aking pagkaunawa at
reyalisasyon sa bawat
konsepto at kaalamang ito?
Ano-anong hakbang ang aking gagawin upang
mailapat ang mga pang-
unawa at reyalisasyong ito sa aking buhay?
1. Tungkol sa Karapatan
2. Tungkol sa Tungkulin
3. Tungkol sa paglabag sa karapatan
Gawain 2: Lingguhang Plano Panuto: Gumawa ng isang lingguhang
plano ng mga tungkuling gagawin
upang maging gawi mo ang pagpapahalaga sa mga karapatan at
tungkulin.
ARAW TUNGKULING GAGAMPANAN
Lunes
Martes
Miyerkules
Huwebes
Biyernes
Sabado
Linggo
Sagutin:
1. Ano ang iyong naging reyalisasyon matapos gawin ang gawain?
2. Paano makatutulong ang pagtutupad sa tungkulin sa pagbuo ng
iyong pagkatao/pamilya/paaralan/lipunan/pamahalaan?
PAGYAMANIN
-
7
Gawain. Ang aking mga nahinuha.
Panuto: Isulat sa kahon ang iyong iyong sagot.
Gawain: Puso ng Pagkatuto
Panuto: Isulat sa loob ng mga puso ang mga mahalagang
konsepto
iyong natutunan na nais mong ilapat sa pang-araw-araw na
pamumuhay.
ISAISIP
ISAGAWA
Ang karapatan ay
magkakaroon ng tunay na
kabuluhan kung . . .
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
Ang pagganap sa tungkulin
ay magkakaroon ng tunay
na kabuluhan kung . . .
Ang pagkakapantay-pantay
ng dignidad ng lahat ng tao
ay magdudulot ng . . .
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
-
8
Panuto:Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa iyong
sagutang papel.
1. Kung ang karapatan ay kapangyarihang moral, ang tungkulin
naman ay ______________.
A. Obligasyong moral C. Karapatang Moral B. Likas na Batas Moral
D. Moralida
2. Sa papaanong paraan napapakinabangan ng tao ang karapatan? A.
Sa paggawa ng moral na kilos.
B. Dahil sa dahilang tao lang ang may isip. C. Dahil sa tao
lamang ang nakagagawa ng moral na kilos.
D. Dahil tao lang ang marunong kumilos.
3. Alin ang angkop na paglalarawan ng paglabag sa karapatang
pantao? A. Hindi pahihintulutang mag-absent bukas ang isang
tinedyer B. Mga karpinterong nagtatrabaho ng walang sumbrero C.
Isang linggo ng hindi pa nakatatanggap ng sahod ang mga
manggagawa
dahil sa bagyo D. Mga menor de edad ay pinagtatrabaho sa isang
minahan upang
makatulong sa mga magulang
4. Hindi maaalis sa tao ang karapatang ito dahil kailangan niya
ang mga ari-arian upang mabuhay nang maayos at makapagtrabaho ng
produktibo. Ito ay
karapatan sa _______. A. Pribadong ari-arian C. Bumili ng mga
ari-arian
B. Mag-impok sa bangko D. Umangkin ng ari-arian 5. Kapag nilabag
ang karapatan magkakaroon ng _____________.
A. Pag-iisip ng pagsisisi C. Damdamin ng pagsisisi B. Konsensya
D. Pagmumuni
6. Kayong magkaka-eskwela ay nasa paborito ninyong kainan. May
pumasok na
binatilyo na may kapansanan sa paglalakad. Napansin mong walang
bakanteng lamesa at upuan para sa binatilyo na tila uhaw at gutom
na. Ano
ang gagawin mo? A. Hahayaan ko siya at patuloy akong
makikipagkwentuhan at tawanan sa
aking mga kaeskwela. B. Tatawagin ko siya para umupo nang
sandali sa aming lamesa habang
naghihintay siyang malugaran.
C. Tatawagin ko ang pansin ng isa sa mga service crew para
maglaan ng lugar para sa mga taong may kapansanan.
D. Makikipagkilala at makikipagkwentuhan ako sa binatilyong may
kapansanan habang hindi pa siya nakakahanap ng lugar sa kainan.
7. Kung ang karapatan ay kapangyarihang moral, ang tungkulin
naman ay ___.
A. Obligasyong moral ng tao dahil nakasalalay ito sa malayang
kilos ng tao. B. May kaakibat na kapangyarihan.
C. May kakayahang tumulong sa iba tama man o mali. D.
Maipagtanggol ang sarili sa lahat ng uri ng kasamaan.
8. Ang kagustuhan na lumipat o tumira sa ibang lugar at
magkaroon ng
oportunidad tulad ng trabaho o komportableng pamumuhay o ligtas
sa anumang panganib ay sinusuportahan ng karapatang
________________.
A. Magtrabaho o maghanap buhay. B. Pumunta sa ibang lugar.
C. Pumunta sa ibang lugar at maghanap buhay. D. Mag-abroad.
TAYAHIN
-
9
9. Maagang nag-asawa sina Gina at Peter. Maraming pagsubok
silang naranasan
sa kanilang pagsasama. Gayunpaman, nanatiling matatag ang
kanilang pagmamahalan. Maraming nanghusga sa kanila.
Pinagsumikapang
magtrabaho nang maayos ang mag-asawa upang umunlad ang kanilang
buhay. Ito ay ang kanilang karapatang ____________________.
A. Bilang mag-asawa. B. Magkaroon ng pribadong ari-arian.
C. Magkapagtrabaho. D. Makapumunta sa ibang lugar o bansa.
10. May nakita kang isang lalaking de kotse na pinapagalitan ang
isang
matandang drayber dahil sa hindi pagpaparada nang tama sa
kanyang dyip. Habang pinagsasalitaan siya nang hindi maganda,
naroon sa tabi niya ang
kanyang paslit na apo. Ano ang gagawin mo? A. Panonoorin ko ang
nangyayaring kaganapan.
B. Tatawagin ko ang paslit na apo para lumayo kami sa kaganapan.
C. Tatawag ako ng kinauukulan tulad ng barangay tanod o pulis
para
mamagitan sa kanila.
D. Pupuntahan ko ang lalaki at ang matandang drayber at
pagsasabihan ko sila na tumigil na.
11. Ano ang totoo para sa karapatan, kasunduan, kabutihan at
kawang-gawa? Ito ay _________________.
A. Bagay na pansarili lamang. B. Mahalagang bagay para sa lahat
ng nilalang.
C. Magdudulot ito ng pagkakapantay-pantay sa lahat ng tao. D.
Mahalagang katangian na nararapat na mayroon ang bawat tao.
12. Nakita mong kinukutya ng iyong mga pinsan ang kapitbahay
niyong may
kapansanan sa pananalita. Bilang indibidwal, ano ang angkop na
kilos na iyong gagawin?
A. Sasali ako sa panunukso B. Isusumbong ko sila sa mga magulang
ko
C. Pagsasabihan ko sila na mali ang kanilang ginagawa dahil ang
lahat ay may
dignidad na dapat igalang
D. Ipagwawalang-bahala ko na lang ang aking nakita
13. Paano magkakaroon ng tunay na kabuluhan ang karapatan?
A. Sa pamamagitan ng pagsunod sa mga batas
B. Sa pamamagitan ng pagtupad sa tungkulin
C. Sa pamamagitan ng pagkalinga sa kapwa tao
D. Wala sa nabanggit
14. Ang mga sumusunod ay mga karapatang di maaalis maliban
sa:
A. Karapatan sa buhay C. Karapatang magpasiya
B. Karapatang magpakasal D. Karapatang sumamba
15. Nakapila ka sa isang ATM machine nang may nakita kang
matanda na
pimipila din. Anong angkop na kilos ang iyong gagawin?
A. Sasabihan ko siya na ako na lang ang kukuha ng pera niya para
di na siya
pumila
B. Hahayaan ko lang siyang pumila
C. Pagsasabihan ko siya na huwag na lamang pumila hintayin na
lang na
kumonti ang tao.
D. Pagsasabihan ko ang ibang nakapila na paunahin na ang matanda
dahil
-
10
kailangang unahin ang mga may edad na.
Susi sa Pagwawasto
SANGGUNIAN
Kagawaran ng Edukasyon, Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Modyul para
sa
Mag-aaral, DepEd-BL, Muling Limbag 2017,pp 79-92
TAYAHIN
1.A
2.A
3.D
4.A
5.C
6.C
7.A
8.C
9.C
10. C
11. C
12. C
13. B
14. C
15. D
-
11
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Jonathan Gilbert E. Cruz SST-II, Basilan NHS, Isabela
City Division Editor: Aimee A. Torrevillas, SST-III
Tagasuri: April Joy I. Delos Reyes, SST-I Tagaguhit:
Tagalapat: Julieto H. Fernandez, OIC-SDS Maria Laarni T.
Villanueva, OIC-ASDS
Eduardo G. Gulang, SGOD Chief Henry R. Tura, CID Chief Elsa A.
Usman, LR Supervisor
Violeta M. Sta. Elena, ADM Module Coordinator