-
---------------BOOK DETAILS---------------- [BOOK NAME] I love
you Kuya! (complete) :D [TOTALPARTS]
41------------------------------------------- [ BOOK DESCRIPTION ]
--------------------------------------------What!!! Ikakasal na
ako????Wait a minute! I'm too young to get married!Saka diba si ate
ang Fiance nya?-------------------------------------------
*******************************************[1] Chapter
1*******************************************Chapter 1
"Congratulations!!!" Sabay kiss and hug sa kin ng best friend
for life na si Tanya..
" Ikaw na Charlie!, sa dinami-dami ng absences natin, nagawa mo
pang mag 3rd sa class!"
"Weh,, di nga ako makapaniwala,, baka nagkamali lang ng
computation...anyway, naibigay na nila, wala ng bawian!!! hehehe"
habang hawak hawak ko ang bronze medal na nakasabit sa leeg ko.
Magka-akbay kaming naglalakad palabas ng auditorium.
My Graduation day, tapos na ang maliligayang araw ko sa high
school.. It's been fun... syempre di naman masyadong serious ang
high school, diba.. Pero mind you, hindi kami bulakbol ni Tanya.We
just had this secret hobby turned career in photography.. takas
kami lagi sa klase kapag may naka schedule na photoshoot..di alam
ng magulang ko ang ginagawa ko.. basta alam lang nila na pumapasok
ako araw-araw,, di naman obvious na may extra corricular activities
ako dahil matataas naman ang grades ko.. but not great enough for
them to attend my graduation.. well, ok lang, enjoy naman ako with
my friends enspecially with my best friend, kesa naman umattend
sila at makita mong suuppperrr bored ang mommy at ate ko. utang na
loob ko pa sa kanila yun, at alam kong mas importante ang
commercial shoot ng Dyosa kong ate kesa sa boring na graduation
ko.
Ang dad ko alam kong gustong gusto nyang pumunta,,
unfortunately, he was held up at New York, may very important
meeting yung subsidiaries ng company nila..
At least binigyan ako ni Dad ng pang celebrate! Yehey!
Pampalubag loob..on second thought,, pakainin ko na lang si manong
driver ng ice cream.. para maipambili ko ng bagong lente yun camera
ko...
hehehehe..
"Sige na, sumama ka na sa min!!!" sabi ni Tanya na hinihila na
ang kamay ko.
"Ano ka ba girl, wag na,, singit pa ko sa pamilya mo... next
time na lang,, family affair naman yan.."
"E bakit, para namang hindi kita family a, sister na best friend
pa!... sige na!"
"Ano ka ba, wag na no.. may gagawin pa kaya ko..kita kits na
lang tayo bukas, samahan mo ko sa Hidalgo, bibilin ko na yun lente
na gusto ko! Sige na, alis na.. ayun o nag-aantay na daddy at mommy
mo.. "
"Sure ka girl a.. wag kang magsisintir dyan.."
"Go na! ano ka ba.. para namang hindi mo ko kilala... babush!
alis na!" sabi ko habang tinutulak ko na sya paalis..
"Bye!! Love you girl.. call kita later.. "
Kumaway ako habang tinatanaw kong paalis na si Tanya kasama ng
pamilya nya.
Buti pa si Tanya, very supportive ang family nya. kumpletong
kumpleto sila, e ako eto at mag-ce-celebrate lang kasama ng driver
ko. sumpa na ata talaga sa mayaman at prominenteng pamilya ang
ganito.
My mom the socialite,we're never really that close, hindi naman
kasi ako kasing ganda nya, and yung mga interests nya, malayong
malayo sa mga interests ko, puro pagpapaganda lang ang ginagawa
nya, but I really have to give it to her,, she looks soo much
younger than her age,, kaso as time goes by, medyo nahahalata na
yung mga retoke sa mukha nya, naku baka balang araw mag mistulang
Micheal Jackson ang beauty nya.. Hay hehehehe...
-
Close sila ni Ate Marielle, the beauty and brains of the family,
nung nagsabog ng lahat ng katangian ng isang nilalalang, nasalo nya
yong lahat, maganda, matalino, yun lang parang walang talent.. just
the same, favorite sya ni Mommy, magkaugali talaga sila kaya
talagang magkasundo sila.
Kung si ate Marielle mama's girl, ako naman ang papa's girl,
kaso kahit gano ako ka-close kay Dad, parang malayo pa rin. He's
always and forever out of the country. Being the sole heir of the
Fuentes Group of Comapanies, responsibility nyang mas palaguin pa
ang empire ng mga Fuentes. Kaya nga love na love sya ng lolo ko,
and being the good son, he doesn't want to dissapoint him. ang bait
talaga ng Daddy ko, manang mana ako.. hahahaha! jowk.
kahit naman pasaway ako, masunurin naman ako noh!
haaay ang buhay nga naman parang life! I just make the most out
of it! ano pang silbe ng pagiging positive thinker ko.. Kahit ba
malungkot ang buhay ko pinasasaya ko na lang.Buti na lang andyan si
Tanya, ang best friend kong kalog, mas sister pa nga ang turing ko
sa kanya kesa sa tunay na kapatid ko.
Nag-ring ang Cellphone ko.. Si Daddy...
"Hi Dad!!"
" O, kamusta na ang baby ko? How's the graduation? Is your mom
and ate with you?"
My usual Dad, daming questions ...
"The Graduation is fine, I got the bronze!"
" Hindi ba valedictorian?"
"Kaw naman dad e, I'm not ate, iyan lang pwede kong ibigay sa
yo..." sabay pout..
"Yeah, that's good enough naman.but I know you can do better. "
pero may na-sense akong may halong dissapointment..
"Well, congratulations!.. hindi mo pa sinasagot yung tanong ko
kung kasama mo mommy mo?"
"hmmm.. bigla kasing nagka-commercial shoot si ate kaya hindi
sila nakasama.."
pagtatakip sa kanila, pero actually 2 weeks na nakaschedule yun,
at wala silang balak na pumunta sa graduation ko.
"A ok. I'll be home next week, and I think I'll still be there
next month on your birthday, hopefully. Wow, sweet 16 ka na..time
flies.. So, What do you want on your birthday, sama mo na rin yun
graduation, honor ka naman e? magpapaparty ka ba?"
"No parties,,you know I hate being the center of attention..Diba
Dad pumayag na kayo dun sa gusto kong gift?"
"Akala ko nakalimutan mo na yung trip to Paris mo na yun.. I'm
having second thoughts.. parang hindi yata magandang mag-isa ka
lang e.Isama mo kaya mommy at ate mo."
What! Never! KJ to the max!! They'll make my life in Paris a
living hell!
"Dad, you know I'm not fragile. I can take care of myself.. Sige
na please... " kunwaring nagmamakaawang tono.."please, please,
please... "
"O sige na.. pero pagusapan pa natin yan ng husto pag uwi ko..I
wan't to know the details of your trip, for your safety's sake,
mahirap na. I'll see you next week. May Cocktail dinner ang Fuentes
- Montemayor Group of companies. Finally, matutuloy na rin ang
merger."
Merger,, hmmm.. parang iyon yun pinag-uusapan nila mommy na
sanib pwersa ng mga companies namin at Montemayor..
That means! Magpapakasal na si Ate at si Kuya Zack!
Ang Lolo namin at ang Lolo ni Kuya Zack ay matalik na
magkaibigan.Matagal na nilang pina-planong pag dikitin ang mga
pamilya namin. Kaya lang parehong naging lalaki ang mga anak
nila..pero ngayon mukhang magiging successful na ang matagal na
nilang plano. Marrying age na sila.. si Kuya Zack 23 and ate
Marielle is 21. kaya siguro nila ipakakasal na. Uso pa ba ang
arrange marriage? parang nung panahon pa ni Lima Hong yun a. I bet,
celebrate to the max si ate ngayon... jockpot sya a... mabait,
matalino, supppperrr yammaan at suuupppeerrr gwapo ni kuya
Zack!
Pero ano kayang masasabi ni kuya Zack sa plano nilang ito...
Congrats na lang at Good luck sa kanya.. on the lighter side,
maganda naman talaga si Ate Marielle, hindi sya nito ikahihiya,
-
mukhang Dyosa nga e... Good luck lang talaga sa ugali..
"Didiretso na ko sa hotel from the airport..So I'll see you
then.. Don't be late! mahiya ka sa mga Montemayor at sa lolo
mo."
"Don't worry Dad, I won't be late... Promise!"
*******************************************[2] Chapter
2*******************************************Chapter 2
Pa-I-won't, I won't be late pa ko at pa-promise promise pa ko
kay Dad... eto late na nga ko!!!!!!.. di ko naman kasi
na-anticipate na friday, sweldo at long weekend pa! nasa kalsada
ata ang buong sangkatauhan dito at punong puno ang kalye... kanina
pa ako na-ta-traffic!!!
HALA! nag-ring na naman ang Cellphone ko..
"Yes Ma.."
"where are you?! kanina ka pa hinahanap ng daddy at lolo mo a!
Almost everybody is here.. bakit kasi hindi ka pa sumama sa min
mag-overnight dito sa hotel..
bratatatatatatatatatatatatatatat....
Inilayo ko sa tenga ko yun cp ko.. nabibingi na ko sa kakatalak
ni mommy...
"Ma, sorry talaga,, hindi ko akalain na traffic e.."
"hay nako, umiral na naman ang pagka-erresponsable mo...
bratatatatatatatatatatatat.... "
"Ma.. i'm almost there,,, natatanaw ko na yun hotel... sige,
i'll make a dash for it.."
sabya pindot sa cp.
"Manong, paki tabi na lang dyan yun kotse, tatakbuhin ko na
lang..tawagan na lang kita mamaya kung pauwi na tayo..."
binitbit ko ang high hills ko at bumaba ako ng kotse ng naka-paa
sabay takbo!
hay nako ang beauty ko! sira na naman... hmmmp, di bale na..
i'll be in the background naman as always..
Buti na lang at naka-cocktail dress ako, kung hindi,, di siguro
ako pinapasok ng mga guardya dito, baka akalain nila, taong gubat
ako.. ang sosi pa naman ng hotel na to na pagmamay-ari ng mga
Montemayor... diretsong takbo na ako papuntang elevator... ayun may
bukas at may papasok na lalaki...
"Wait, wait, wait!" Sabi ko sa lalaki para i-hold yung
door...
-
Haaaayyy... I made it!!! nung pipindutin ko na yun button for
the penthouse,,, nagkasabay kami ng pindot nung lalaki...
Penthouse din pala ang punta nya,, must be one of the guests..
at napatingin ako sa kanya..
AYYY! grabe ate ang Gwapo!!!! Pero parang may toyo ata at
naka-ngisi sa kin...kala nya siguro naliligaw ako..
hmmmp bahala sya..
"You don't remember me, do you?" Sabi sa kin nung lalaki
Tinignan ko sya.. he look somewhat familiar.. pero ate ang gwapo
talaga.. promise!pero poise a.. deadma epek na lang ako...
"hmmm... have we met?" tinignan ko sya mula ulo hanggang paa..
walang magregister..
tinitigan nya rin ako...
"Ikaw talaga Charlene.. 5 years lang tayo di nagkita,
kinalimutan mo na ako!!!!"
tinitigan ko sya ng husto..
OMG!!! si kuya ZACK!!!
waaaa... bakit ganun.. dati gwapo sya.. ngayonn.. SUPPPERRR
GWAPOOOOO!!!
grabe naman! sobra na sa kaswertehan talaga ni ate
Marielle!!!!
"Kuya ZACK!"
"Ikaw ha, kinalimutan mo na ako... Pero look at you! you've
grown! parang dati midget ka lang a.. akala ko hindi ka na lalaki..
ang you're so pretty!"
"Ano ka ba! Midget ka dyan!" at natatawa tawa sya
Naman! kuya Zack a.. lumalaki ang tenga ko nyan.. well true..
sino nga naman ang mag-aakalang aabot ako ng 5'6", e dati super
liit at supper skinny ko.. PRETTY? Weh,, si kuya talaga always the
gentleman..BOLERO!
"Thanks kuya.." sabi ko.. medyo malapit na kami sa penthouse..
"BTW, good luck a... ayyy!!! este.. Congratulations pala!!!!.
Magiging certified kuya na talaga kita."
Bakit parang biglang dumilim ang mukha nya.. kala ko ba super
crush nya si ate dati,, wala ngang ginawa yun noon kundi sundan ng
sundan si ate.. bakit parang ngayon malungkot sya? A.. baka naman
hindi pa sya sawa sa pagkabinata nya... well,, obligation is
oligation.. ang utos ng hari, hindi pwedeng mabali.. buti na lang
ako, wa paki sila kaya hindi nila ako pine-pressure..
-
Naramdaman kong tinititigan nya ako..
uyyy,,concious a..
Yes! Penthouse na, muntik na kong matunaw dun..
"Tara kuya sabay na tayong pumasok. Kanina pa ako iniintay nila
daddy. Lagot na naman ako kay lolo nyan.. nyiiii "
"You go ahead.. dadaan lang ako sa restroom.. "
"Sige kuya baka hindi na kita makausap mamaya, malamang
mapalibutan na kayo ng mga guests and press, it's really nice
seeing you again.. I do hope that we'll see each other more.. " di
ko alam kung anong nakain ko at nag-kiss ako sa cheeks nya...
NYEEEE! Ano ba yung ginawa ko... napahiya ata ako... kaya ayun
di ko na inantay ang sasabihin nya, sobrang namumula na yun mukha
ko, sabay takbo papasok sa loob ng ballroom.
********** Zack's POV
How I've dreaded this day to come.. kung 3 years ago nila kami
pinakasal, baka ako pa ang pinakamasayang tao sa buong mundo..
Unfortunately, I uncovered her true skin, behind the beautiful
face, is someone so selfish and without character.. napaka-self
centered nya, feeling ko ginagamit lang nya ako, because we look
good together at mas
mayaman ang family ko compared sa kanila.. Wala syang ibang
mahal kundi ang sarili nya.
I'm the prime catch and she has me tangled with her pretty
little fingers. Kung hindi pa kami nagkasama sa vacation sa Canada,
hindi ko malalaman ang tunay na kulay nya.
What a life! Hindi ko naman pwedeng tanggihan si lolo, last wish
daw sya sa kin to before he die. Gusto nyang mapagkabit ang pamilya
namin dahil parang kapatid na nya si lolo Fausto. at syempre para
maidikit na namin ang Family Fortunes namin.
As I entered the elevator, isang babaeng nagtatatakbo at
hinahabol ang elevator na sinasakyan ko..
"Wait, wait, wait!" sabi nya.. pinindot ko naman ang open button
at napabuntong hininga sya ng makapasok sa elevator..
She seems familiar... nang sabay kaming pumindot ng button for
the penthouse.... Sabi ko na nga ba si Charlene to e.. nang makita
ko ang birthmark nya sa kanang kamay nya..
Wow! she looks stunning! Di na sya mukhang skin and bones na
parang Patay Gutom. at ang tangkad na. dati parang dwarf at laging
naka subsob sa sketch pad nya. she's a young lady now.. and how
beautiful she'd grown!
But I know she's still too young.. if I remember it corrently,
she's almost 16, since I'm 7 years older than her.
Hindi nya ako nakilala.. ang tagal na rin kasi naming hindi
nagkita...
Nagpakilala na ako at gulat na gulat!
she looks cute..
May mga sinasabi sya "Good luck daw...." baka ang gusto nyang
sabihin "Condolence..", pati siguro sya alam na ibibigti na ako...
napa-frown ako.
-
If only I have someone to take Marielle's place..
napa-isip akong bigla at napatitig sa kanya...
NOOO! She's so young... but I know that she's soo kind.. Can she
understand me? She's everything that Mariel is not..
but she's also free spirited.. Can she take an adventure?
What if.. What if...
If I remember it correctly, ang gusto lang ni lolo mapagdikit
ang mga pamilya namin.. parang wala namang ini-specify kung sino
ang pakakasalan ko.. lahat lang naman nag-assume na si Marielle ang
mapapangasawa ko, since sya yung childhood crush ko at kami ang
malapit ang edad..
Lumabas na kami ng elevator...
"Sige kuya baka hindi na kita makausap mamaya, malamang
mapalibutan na kayo ng mga guests and press, it's really nice
seeing you again.. I do hope that we'll see each other more.. "
sabi nya ang she kissed me at the cheek..
Tumakbo na sya papasok ng Ballroom..
"Yes Charlene...I think I'll be seeing you more" napa-smile ako
sa plano ko..
I have to go to the restroom para ma-plantsa ang mga plano
ko...
"Sorry Charlene, I know you want a quiet life, pero I need your
help, isasama muna kita sa magulong buhay ko, but I Promise.. I'll
take care of you..."
*******************************************[3] Chapter
3*******************************************Chapter 3
"Hello po Lolo. Good evening po.. " Ang sabi ko sa lolo ko
habang nagmamano..
Nyiiii.. nakakatakot naman kasi ni lolo e,, ang sungit pa man
din nun...
"Good Evening din po Lolo Guillermo.. Kamusta na po kayo? "
Nagmano ako sa dalawang matanda.
"You are late, you know how much I hate tardiness " Madiing sabi
nya ng lolo ko..
" Sorry po talaga, supper traffic po talaga."
" You should have anticipated that." Sabi pa ni Lolo.. lagot,,
nagsusungit na naman,, huhuhuhuhu
"Ikaw naman, wag mo nang pagalitan ang apo mo, she's not that
late. hindi pa naman talaga nagsisimula, and besides, my grandson
is the one who's late, nasan na ba ang batang yun?" Sabi ni Lolo
Guillermo ningingitian ako..Buti pa sya mabait, and understanding
a...
"uhhmmm,, nakasabay ko po si kuya Zack sa elevator,,
mag-re-restroom lang daw po sya.. "
"Aaa, very good, I think we could start in a few minutes, excuse
me for a minute balae, i'll go talk to my son" iniwan muna kami n
lolo Guillermo at hinanap si Tito Isaac, ang Daddy ni Kuya Zack..
Sa kabilang table naka-assign ang mga Montemayor, nagkukwentuhan
lang ang magkaibigan kaya nakaupo sandali si Lolo Guillermo sa
lamesa namin.. ang mommy ni Zack na si Tita Camille pa lang ang
nakaupo sa kabilang table..
-
Kumakalang na talaga ang sikmura ko,, pano kaya ako
makaka-escape dito... it's already 7:00 at kanina pa kong lunch
hindi kumakain.. kahit 1 brownies lang sa dessert bar... kakahiya
naman kasing tumayo ,,,, baka mas lalo
pa kong ma-bad shot kay lolo.. Buong pamilya namin naka-upo sa
round table,, ang bongga naman ni mommy at ate.. star for the night
ang drama nila.. kumikinang kinang sa dami ng mga diamonds.. hindi
ba naman parang na-over decorate?? yaan mo na nga style nila yun,,,
baka iyon ang bago.. pero para talagang christmas tree! well, di ko
rin naman talaga masisi,, si ate naman talaga ang star ngayong
gabi.. sige na nga pagbigyan na nga..
doon ako naupo ako sa tabi ng daddy ko.
"Hi Dad! I miss you so much" sabay halik sa pisngi nya.
"How's my little girl?" sabi sa kin ng dad ko.. " I'm the one
who miss you soo much ,, you're growing everytime I see you..
malapit mo na ata akong abutan a.."
"hmmm,, hindi naman dad.. sa tangakad mong yan,, ayaw naman
kitang abutan, baka magmukhang kapre na ko kapag ganun,, at hindi n
ako makapag-asawa... "
"Sa ganda mong yan? How could that be?"
"hmmmp. dad a.. wag mo na kong bolahin.. sympre maganda ako sa
paningin nyo!"
Sobrang na-miss ko na si Daddy.. last time na nakita ko sya
november last year pa.. di nga sya nakauwi ng Christmas.
"Dad, dalas- dalasan nyo naman ang pag-uwi.."
"I'll try my best anak,, kapag medyo maayos na ang mga companya
natin sa ibang bansa at alam kong may mga competent executives na
tayo,, magsasawa ka na sa mukha ko!"
Napangiti naman ako don... sa wakas magkakaroon na ko ng
alliance sa bahay... I can't wait! kaso kelan pa kaya yun?? :(
" I hope that will come sooner..."
Binulungan ko ang dad ko yung sure na di maririnig ni Lolo.
"Dad, I'm so hungry... di pa ko nag-lulunch.. pwede ba kong
pumuslit sa buffet table?, kahit pastries lang.pamatid gutom."
Tumingin si Daddy kay lolo
" just wait till your lolo stand up.. tumiming ka lang, baka
mapagalitan ka na naman..Late ka kasi e " pangiting sabi ni
daddy..
" ok.."
tumingin tingin ako sa paligid ko.. wala pa rin si Kuya Zack,,
baka naman nalunod na sa inidoro yun a.. hehehehe.. kawawang ate,
hehehehe.. ano kayang gagawin nya kung hindi sumulpot ang groom
nya.. baka ngawa to the max yan..
-
Pero I doubt na magagawa ni Kuya Zack yun, how much he loves his
family. napaka-ideal naman kasi ng family nya.. ano ba naman kasi
ang nakain ng 2 matanda, bat kailangan pang ipakasal, pwede namang
maging magkaibigan for life ang 2 pamiliya kahit walang kasal..
Trip nila yan, sige na nga.ang saya ni Ate Marielle,, pero
kawawa naman si Kuya Zack..
I think it's about to start, pumasok na si Kuya Zack kasama ng
best friend nyang si Kuya Andrew.. Ang sarap nilang tignan!
parehong gwapo! Pwede na rin sa kin si Kuya Andrew kahit mas gwapo
sa kanya si Kuya Zack.. hihihihi.. ano ba tong mga pinag-iisip
ko... gutom na talaga to.. Nagdidiliryo na ko! huhuhuhuhuhu
Tumayo na si Lolo para pumunta sa stage.. nung medyo nakalayu na
sya.. kinalabit ako ni daddy..
"Now's the time.."
nung tumayo ako..pinandilatan ako ng mommy ko..
" Where are you going? the program is about to start.."
Si Daddy ang sumagot..
"May iniutos lang ako sa kanya.. "
at bumulong sa akin.. "bilisan mo a.."
"yes dad.. " Ang bait talaga ng Dad ko! Forever daddy's girl na
lang ako.. hehehehe...
nasa likuran ang buffet table medyo malayo sa table namin.habang
naglalakad ako,, nagsimula na ang program,,
narinig kong magkasamang nagsasalita ang dalawang magkaibigang
matanda.. at may ceremonya pa ng merging ng company.. at tinawag na
rin si kuya Zack.
di ko na masyadong narinig ang mga sinasabi sa stage kasi
nakatuon na ang pansin ko sa dessert bar..
uyyy.. bongga ang dessert bar. sari-saring cakes and pastries.
ayun ang favorite ko, blueberry cheesecake!!!
hihihihihihi... hmmm. teka kung dadalin ko to sa table namin,,
baka naman pandilatan na naman ako ng mommy ko,, lamunin pa ako ng
buhay.. dito ko na nga lang kakainin sa tabi ng buffet table... ano
ba to, para naman akong PG (patay gutom) nito.. buti na lang walang
nakatingin... pagkakataon ko na to..
***** Zack's POV
Moment of truth.. alam kong magagalit ang 2 pamilya sa 'kin..
mas lalo na si Marielle at ang mommy nya..
-
Though I love my family, but I have to think of my happiness
also. This is the only way that I think na mapagbibigyan ang Lolo
pati ako..
At least, I will do my part na pag-isahin ang mga pamilya
namin.. I doubt if Marielle will grant me a divorce in the future..
i can't even think of my life when I'm married to her..
Narinig kong tinawag ng Lolo ko ang pangalan ko... I have been
breifed by the coordinator,, na tatawagin ako ng lolo ko then, ako
ang magpapakilala ng wife to be ko...
This is it! Kailangan lang lakasan ang loob ko..
Huminga ako ng malalim at umakyat ng stage...
bla.. bla.. bla Introductions... Introductions...
Introductions...
Eto na...
"Ladies and Gentlemen,, Let me present to you.. my future wife..
"
Nakita kong tumayo na si Marielle sa kanyang upuan at maglalakad
na papuntang stage.. Bumtong hininga ako, at nag-gather ng lakas ng
loob..
I have to do this! "Ms. Charlene Fuentes.."
Napatahimik ang lahat......
si Marielle, nakita kong napanganga at napahinto sa kinatatayuan
nya..
Binulungan ako ng Lolo ko...
"Apo,, I think nagkamali ka,, what you mean to say is MARIELLE
FUENTES..."
"No Lolo, you heard me right...My Fiance is CHARLENE
FUENTES.."
Charlie's POV ********
Ano yun? Parang narinig ko pangalan ko.. nawala na kasi sa stage
ang attention ko,, basta ang alam ko, nagugutom na ko!
hmmmm ano na naman at parang nagkakaroon ng commotion..
baka gumawa na naman ng eksena ang mala-Dyosa kong ate.. I know
how much she loves attention..
nung kukuha pa ko ng 1 pang serving ng cake..
biglang nakita ko na lang na katabi ko na si Andrew.
"You can finish that later.. Let's go..."
kinuha nya ang plato ko dali-dali akong inakay papalabas ng
ballroom...
" What!!! at bakit ako sasama sa yo Close ba tayo?"
" Come on.. baka mapansin ka at dumugin ka nila" sabi ni
Andrew..
Anong pinagsasasabi nito? baliw ata to e..
"Wait lang ha... teka nga..."
at medyo pumiglas ako sa hawak nya..
" Ano naman ang dahilan at kukuyugin ako??? wala naman akong
ginagawang masama a. ang alam ko lang late ako. Teka... Baka gusto
mo lang na kidnappin ako??? hoy, sumbong kaya kita kay kuya
Zack.."
"We don't have time for this.. we should go now!.. hindi mo ba
narinig ang sinabi ni Zack!"
"Hindi nga,, kumakain ako noh.. at hindi pa ako tapos! "
babalik sana ako sa ballroom ng biglang may lumabas na mga
press!...
Hinila ako ni Andrew at nagtatakbo paalis! habol habol kami ng
mga press!
"ano ba to.. bat nila tayo hinahabol!!!!"
Thank God at nakasakay kami ng elevator kagad at sumara bago pa
may makarating na press...
-
kinuha ni Andrew ang CP nya at tumawag sa driver nya na bilisang
pumunta sa main lobby..
"What the hell is going on!!!???" sabi ko..medyo histerical na
ang beauty ko!
" YOu mean, you really don't know?"
Kainis na to a. ilang beses ko ba dapat tanungin ito!
"Of course not.. one minute i'm minding my own business,, next
thing I know, hinahabol na tayo ng san damakmak na press!"
napabuntong hininga si Andrew...
"Ok,, .......Zack just announced..."
binitin pa... hay asar talaga to...
"What?? ano ba?"
"Zack just announced that YOU are going to be his future
wife!!!"
What?
napatitig ako sa kanya...
nuing mag sink in....
bigla akong napatawa ng malakas!!!
WHAT A JOKE!
hahahahahahahahaha!!!!
ano bang problema nitong tao na to...
parang naasar si Andrew...
HAHAHAHAHAHAHAHAHA!
"nagkamali lang siguro yon! hahahaha! ako kasi kasama nya sa
elevator kanina,, baka pangalan ko ang natandaan nya.."
"Hindi kaya,, seryoso talaga si Zack.. In fact, he was the one
who told me to drag you out of this hotel..magkikita na lang daw
tayo sa rest house nya sa antipolo... gusto ka daw nyang
makausap"
Tinitigan kong mabuti si andrew..
seryoso...
napatigil ako sa kakatawa..
"SERYOSO???"
and I saw his serious handsome face!!!
waaaaaa!!! ano to???
Anong problema mo kuya Zack! gusto mo ba kong patayin??
Nakita siguro ni Andrew na naging worried ang mukha ko..
"Don't worry,, nagiintay na ang kotse ko sa front entrance ng
hotel.. paglabas natin sa elevator... let's make a dash out of
here.."
"ok" iyon lang ang nasabi ko,at medyo kinakabahan na ako, at
binitbit ko na ulit ang high hills ko..
It's almost ground floor..
nang mag-open ang elevator..
Sumigaw si andrew..."TAKBO!"
*******************************************[4] Chapter 4
-
*******************************************Chapter 4
***Zack's POV
Wala na akong masyadong sinagot sa mga tanong ng Press.. Basta
firm ang sinabi kong si Charlene ang pakakasalan ko..
Galit na galit sa kin ang mga Fuentes,, Except for Lolo Fausto,
na ang concern lang naman ay makasal ang mga apo nya, si Marielle
man o si Charlene.
Hindi na namin pinatapos ang program, nag-ipon ang dalawang
pamilya sa President's office..Samu't saring drama ang
mawiwitness..si Marielle and Tita Elain, almost hysterical ang
pag-iyak.. Si Tito Ben, galit.. My mom and my dad are both
concern.. at ang dalawang Lolo masaya.. weird.. sabagay magiging
magbalae pa din sila no matter what happen.
Lumapit sa kin si mommy pagkapasok ko ng pinto..
"What happened son? bakit ganon ang nangyari?"
"I demand an explanation and where in the world is Charlene?! "
Galit na sabi ni Tito Ben
"Niloko mo ko!, pinagmukha mo akong tanga! ano na lang ang
ihaharap ko sa tao ngayon!" sigaw ni Marielle..
Tumayo si Lolo at nagsalita in his dignified look.. " Please, I
know what transpired in the ballroom is not what we had expected..
but please let's all be civil and hear what Zachary has to
say.."
Lumapit sa kin si Lolo at bumulong.. "This better be good.. " at
tinapik ang balikat ko..
I cleared my throat..
"Tito Ben, Tita Elain, Marielle.. I am so sorry.."
"You better be.." Interrupted Marielle
"please Marielle.. patapusin muna natin si Zachary... " sabi ni
Lolo
"First of all, I am not in love with you Marielle..."
Mas lalong lumakas ang iyak ni Marielle... Haay,, drama
Queen..
"What I know is,, this is an arrange marriage para pagdikitin
lang ang mga pamilya natin..I'm not running away from my
obligation.. itutuloy ko naman talagang magpakasal, but not with
Marielle.. and if I remember it correctly, wala naman talagang
specifics kung sino sa kanilang dalawang magkapatid ang obligadong
ipakasal sa akin.. even on this event,, may nakita ba kayong
pangalan naming dalawa ni Marielle?? ang nakalagay lang..
Montemayor - Fuentes Engagement Party.. NO FIRST NAMES!"
Napaisip ang lahat... Darn I'm sooo good..
"We all just assumed... but now I'm laying down my terms..
Itutuloy ko ang pagpapakasal ONLY WITH CHARLENE..."
"But she's just a child!" Sigaw ni Tito Ben..
"She's almost 16.. She'es on marrying age in the states.. That's
where we're gonna be married.."
Just in case na pumayag silang ipakasal sa akin si Charlene,,
naisip ko mahirap kumuha ng annulment dito sa Pinas, Kailangan
mapwersa ko sila na sa states magpakasal para madaling kumuha ng
divorce.. ang idadahilan ko ang age ni Charlene..
-
"Kung hindi si Charlene ang pakakasalan ko,, I'm sorry, I will
not go thru the arrangement.. tanggalin nyo man ako as president of
the Montemayor Group.."
Dito na nagreact si Lolo Fausto..
"No! that is unacceptable! Matagal na naming plinano ito.. hindi
na naman matutuloy? no. no no no no.. This will not do!."
"Iho, be reasonable." sabi ng Lolo ko..
"I am being reasonable.. I'm still willing to go thru the
arrangement but please consider mine also.. have you ever
considered what I want? this is also my life we're talking
about."
Tinignan ko ang daddy ko..
"dad please.. It's either Charlene or no marriage at all. "
napatahimik ang pamilya ko.. mukhang bibigay na.. konting tulak
na lang..
Nagsalita si Lolo Fausto..
"Sige.. Ipakasal si Charlene.."
nagreact ng husto si Marielle...
"No!!! Hindi ako papayag! I was meant to be a Montemayor! " Sabi
ni Marielle..
"I'm sorry Iha,, It's not in your hand anymore." Sabi ni Lolo
Fausto..
at nag walk out na si Marielle.. at sumunod si tita Elain.
Tahimik pa rin si tito Ben..
Dead air..
" I have one condition.. " Sabi ni Tito Ben.. "If Charlene is
willing to be your bride then,, ok,, papayag ako. but if not.. The
hell with the merger! and where is my daughter?"
"She's safe.. please let me have a serious talk with her.. I
promise i'll bring her home tomorrow.."
"so she has the final say then... " Sabi ng Lolo ko.. " The
future of the Fausto - MOntemayor group is now in her hands...
-
*******************************************[5] Chapter
5*******************************************Chapter 5
*****Charlie's POV
"Ano ba namang klaseng Refrigerator to! Walang kalaman- laman!
Kahit tubig na malamig wala!"
Sinara ko ang ref.. kanina pa ako naghahanap ng kahit konting
makakain...wala!... wala kasing nakatira dito sa resthouse ni kuya
Zack kundi yung 1 katiwala lang.. tinanong ko rin sya kung may
stock sya kahit junk food man lang.. wala rin... huhuhuhuhu.. ano
ba ito.. titirik na ata ang mata ko!
"Naman kasi kuya andrew.. dito pala tayo pupunta sa bundok na
to.. sana man lang nag-stop over muna tayo sa convenience
store..Gutom na gutom na ko!."
"Andrew na nga lang itawag mo sa kin.. mukha akong tumatanda sa
'yo.. yaan mo darating na si Zack"
"Parang 10 years mo nang sinabi yun a wala pa rin sya... tawagan
mo naman o.."
"Wala ngang signal dito.."
Hay nako.. parang wala na kami sa kabihasnan,, pero wala pang 1
oras namin tinakbo itong bundok na to.. malaki ang lupa ni kuya
Zack.. pero maliit lang yung cottage.. cute.. cozy.. parang bahay
kubo sa labas,, pero wag ka.. pagpasok mo high tech.. with matching
home theater pa sa salas. pero kahit high tech,, native inspired pa
rin ang interior..
Naupo na lang ako sa salas... tinignan ko ang oras.. mag-a-alas
2 na ng madaling araw..
"Hindi ka pa ba inaantok?" Sabi ni Andrew...at nag-yawn na rin
sya
"Hindi nga ako makatulog.. nagugutom nga ako... and beside,,
makakatulog ba naman ako ng walang nalalaman kung anong mga
nangyari? ano ba naman kasing klaseng lugar to, walang
ka-signal-signal! iintayin ko talaga si kuya Zack,, Baka naman joke
joke lang to..o baka naman pwede mo na akong iuwi? nag-aalala na
siguro sa kin si Daddy.."
"Hindi kita pwedeng iuwi.. kailangan ka daw makausap ni
Zack.."
-
may narinig silang pumarada sa garahe..
"HAAAYYY SALAMAT!!!" at napatayo ako para buksan ang pinto! Sa
wakas naman at dumating ka na!!
****** Zack's POV
Almost 12 na rin ako umalis papuntang Antipolo.. Si mommy kasi
nagpadala pa ng mga gamit para kay Charlene... Di ko nga naman
naisip yun na kailangan nya ng mga sleepover things.. Nagtake out
na rin ako ng food,kaya medyo natagalan ako, siguradong gutom na si
Andrew at Charlene.. unless nakatulog na. alam kong di naman sila
makaka contact sa kin dahil walang signal dito.. sinadya ko yun
para walang magkarating na balita kay Charlene.. gusto kong ako
muna ang kumausap sa kanya.
Mag-aalas Dos na nang magpark ako sa garahe ng rest house ko sa
antipolo.. nakita kong dumungaw sa bintana si Charlene..
Hindi ko pa nahahawakan ang door knob ay binuksan na ito ni
Charlene...
"Finally! why only now? May dala ka bang pagkain?."
tuwang-tuwa nung inabot ko yung ti-nake out ko.. at naupo sa
salas..
"Tara kuya Andrew,,,let's eat!.. " inoffer yun isang styro kay
andrew
habang kumakain sya ay napatingin sa akin..Na-alala ata ako at
nag-offer din ng food...
"Ay kuya Zack,, kumain ka na ba?? .. " ngingiti ngiting sabi
nya..
"Go ahead.. i'm not hungry.." umupo ako katabi ni andrew in
front of charlene.. tinignan ko sya habang kumakain.. poise pa rin
kahit obvious na gutom na gutom.. she really looks cute..ano ba
tong iniisip ko.. tinuon ko na lang ang pansin ko kay Andrew..
"Thanks pare..I owe you one.."
"No big deal.. dineliver ko lang naman sya dito,, yun nga lang..
tip ko sa yo.. wag mong gugutumin yan... ang kulit! di ako
tinantanan simula ng dumating kami dito" tatawa tawang sinabi
nya..narinig yon ni Charlene..
"Ewan ko ba naman kasi sa 'yo.. sa bundok pala at malayo sa
kabihasnan kami pupunta,, hindi man lang nagdala ng pagkain... e
hindi nga nya ako pinatapos ng food ko kanina.. alam mo bang 10
years na akong hindi kumakain!"
Napatawa kaming dalawa habang pinapanood syang i-attack ang
pagkain..
-
"Kuya Zack a.. may malaki kang kasalanan sa kin... ano bang
nangyari??"
"Just finish your food and we'll have a serious talk later..
that is.. kung hindi ka pa inaantok..."
"I'd rather hear your explanation... dahil hindi rin naman ako
makakatulog.."tinignan ako ng masama..
"Ikaw pare.. dito ka na rin matulog.. "sabi ko kay Andrew..
"Next time na lang.. I have a very important appointment
tomorrow.. buti na lang sa hapon.. it's
better for me to go home.. baka hindi ako magising ng maaga...
at least kung ma-late man ako ng gising.. malapit na lang ako sa
office, mas madaling mag-pre-pare.."
I let them finish their dinner/midnight snack.. Inabot ko kay
Charlene yung overnight bag na pinadala ni Mommy..
"Ano ito??" tanong nya..
"Things that you might need.."
"Hmmm teka kuya.. hindi mo ba ako iuuwi?? pagagalitan na ako ng
daddy ko.. saka uuwi na si Andrew.. tayong dalawa lang dito??"
"Takot ka sa 'kin?? "Biniro ko sya..
"Vampire ka ba?.. " aba, may character... "Hindi ako takot sa yo
no.. galit hmmm, slight.. and besides kauuwi lang ng Dad ko,, hindi
ko pa nakukuha mga pasalubong ko!"
Haaay, may pagka-BI (Batang Isip) pa nga..
Nangiti ako..
"Don't worry,, I have your parent's consent.. sabi ko bukas na
kita iuuwi.. kahit siguro sa hapon na..."nandilat ang mga mata
nya..
"Pumayag sila???!!!!"
-
"I'll explaine later..you may want to freshen up a bit.. doon ka
na lang tumuloy sa guestroom.. Iwanan mo na yan mga pinagkainan
nyo,, ililigpit din yan bukas pagkagising ng katiwala ko."
Tumayo ako at inihatid ko si Charlene sa kwarto...
Bago nya isara ang pinto..
"Wag ka munang matutulog a.. we need to talk.."
"I know, I know, and I'm dying to hear your side of the story..
"at isinara na nya ang pinto..
bumalik ako sa salas kung saan nakatayo na si Andrew..
"Pare, malaking gulo ata itong pinasok mo a.. ano bang nakain
mo.. pero I have to give it to you.. ang bilis mong makaisip ng
lusot,, parang kanina mo lang sa elevator nakita ulit si
Charlene..she's very different now a.. kahit hindi pa sya full
bloom, ang ganda na!. iba yung ganda nya kay Marielle.. and what
more.. base from the few hours we've spent together,, mas may depth
of character ito,kahit makulit, at mukhang down to earth at
mabait.. kaso pare.. bata pa!.hindi ka ba kinikilabutan at 16 years
old pa lang sya?"
"I'll see to it that she'll be in good hands..base naman kasi sa
mga makita ko, she's very neglected by her family. and besides,
buti nga nagka-choice pa ako ngayon.. at hindi na kailangan pang
pakasal kay Marielle.. I just have to pull all my convincing power
para mapapayag ko si Charlene sa plano ko.."
"Kaya mo yan pare... pero wag mo lang paiiyakin yan.. masasapak
kita.."
"hahahahahahaha!!! oo naman.. "
"Sige mauna na ko.. "
"Sige Pare thanks again.. I owe you one.."
"No problem...."
-
*******************************************[6] Chapter
6*******************************************
CHAPTER SIX
**** Charlene's POV
How thoughtful naman ni Tita Camille, kumpleto yung mga pinadala
nyang mga gamit, from change of clothes to toiletries. I wonder
what kind of mom she is.. since I was a child I always looked up to
her, so beautiful and yet so kind, napaka compassionate sobrang
supportive sa family, parang sya yung ideal mom na inuuna lagi ang
pamilya bago ang sarili, unlike my mom... STOP THE COMPARISON
CHARLIE! Buti nga may nanay ka ... don't get me wrong,, I really
love my mom, pero sometimes naghahanap din ako ng pansin... ay
nako,, tigilan ko na nga itong mga iniisip kong to. Nagiging nega
na naman ako. kulang lang siguro talaga ako sa pansin... Basta, ang
ganda ng nanay ko, period.. iyon na lang... Wala ng iba, at wala na
akong ibang iisipin.
After having a shower, I feel so refreshed again... haaay,, ang
sarap na matulog nito, and the bed looks so inviting... hold it!
Hold it! I still have to settle things with Kuya Zack. Buti na lang
3 sets of clothes ang pinadala ni Tita Camille, I don't have to
face Kuya Zack wearing only a nightgown... nyiiii... kinilabutan
naman ako sa iniisip ko! Wahahahaha! BAD GIRL! BAD!
OK.. it's time to face Kuya Zack...
**** ZACK's POV
After changing to a comfortable clothes, Ilang minutes na akong
nag-intay sa salas hindi pa rin lumalabas si Charlene..
Ang tagal namang lumabas nun,, nakatulog na ata a.. I'll just
check,, if she's really asleep then bukas na lang kami
mag-uusap.
Pupuntahan ko na sana ng bumukas ang pinto ng guestroom. She
looks so fresh. She's beautiful even without make-up, natural
beauty, para syang anghel.
"Nakakahiya naman sa mommy mo, ang daming pinadalang gamit..
paki sabi thank you.. baka naman sobrang naabala sya"
"don't worry, she love doing that and she always thinks of
everything.."
"Mukha nga,, sobrang kumpleto yung mga gamit, sobra pa nga..
"
" Doon na lang tayo mag-usap sa backyard.. it's a little bit
chilly.. so you might need this.."
Isinoot ko sa kanya yung jacket ko.. Parang feeling ko
nag-giggle sya habang sinusuot ko ang jacket..
Batang to,, namumula-mula pa,, nahihiya ata... sabagay, awkward
situation nga naman to..
Lumbas kami sa backdoor. Sobrang dilim pala, parang wala atang
masyadong moonlight ngayon, buksan ko na lang lahat ng ilaw..
"Wait here Charlene, buksan ko lang mga ilaw, baka hindi natin
makita yung stairs... hindi ka naman siguro takot sa dilim?"
"Duwag lang ang takot sa dilim ano.."
"So you're implying na duwag ang ate mo.."
"I did't say that... at pano mo nalamang takot sa dilim ang ate
ko.. imbestigador ka ba??"
"I was in love with your ate remember .. so I know everything
about her..."
"huh? mas lalo ata akong na-puzzle sa 'yo a.. if you're in love
with my ate then what are we
-
doing here? "
"Hindi mo ata ako narinig masyado,, inaantok ka na ata.. ang
sabi ko 'was', past tense.. "
"a ok.. sorry naman.nabibingi na ata ako. " Teasing mode pa rin
sya kahit madaling araw na.
"wait here,, I'll light up the place.. "
Iniwan ko si Charlene sa top ng stairs pababa ng garden, pumasok
ulit ako sa loob ng bahay para buksan ang mga ilaw..
**** Charlene's POV
Medyo malamig nga, but I don't mind.. fresh air naman,, saka
pinahiram naman ako ng jacket ni kuya Zack... nyiiii,, naalala ko
na naman ang pagsuot nya sa kin ng jacket,, kinikilig na naman
ako... napaka- gentleman talaga! Ano ba to... ang init na naman ng
mukha ko,,, namumula na naman siguro ako... e kasi naman ,,
kinikilig talaga ako!!!!! Tinapik tapik ko mga pisngi ko...
Doble ata ang backyard sa front yard, saka itong place na to
parang Baguio ang dating ng structure,, pababa sya.. bundok nga
kasi.. hindi ko pa masyadong makita at madilim ang place,, ang
medyo nakikita ko lang is overlooking itong place ng manila... ang
gandang tignan ng city lights... Ano kayo itsura nito in
daylight... I wonder...
Unti-unting bumukas ang mga ilaw at nakita ko ang ganda ng
paligid.. nagpadagdag pa sa ganda ang mga firefly lights sa mga
halaman.
Ang daming mga bulaklak.. ang galing ng pagkakagawa ng
landscape.. at may gazebo and swimming pool pa sa pinakababa...
WOW!... hindi ko na inantay si Kuya Zack.. bumaba na ako sa may
garden..
How I wish I had my camera with me... photographer's haven yata
ito!!.. anong sinabi ng mga mamahaling venues dito..
Sa sobrang tuwa ko sa lugar,, hindi ko namalayan na nasa tabi ko
na pala si Kuya Zack..
"You like the place? "
Napatalon ako sa gulat..
"Ay! Ano ka ba... nagulat ako sa 'yo.. Don't sneak on me like
that!"
Tatawa-tawa sya.. pasaway
"Lumilipad lang ang isip mo,, hindi mo ako napansin.. "
"Kuya,, napakaganda naman dito... feeling ko napaka peaceful
"
"You're right,, I always come here whenever I want to think,, o
kung gusto kong magrecharge. Ikaw pa lang aside from Andrew ang
nakarating dito, even my parents don't know of this place.. This is
actually my secret place.."
"It's no longer a secret now,, kasi alam ko na e... hehehehe.
But your secret is safe with me." Nginitian ko syang parang
nakakaloko..
Napangiti naman sya....
"Well ok,,, let's talk serious na.. doon na lang tayo sa
gazebo.."
Doon kami naupo sa Gazebo near the pool.. ganda talaga, kitang
kita mo ang Manila lights dito.. It feels like you're on top of the
world!..
Ok sige serious na nga.. mukha na talaga syang serous... OK
Charlie,, hugutin mo na ang serious side mo.. kaya mo yan...
Bigla naman syang natawa.. Ang weird a, akala ko ba serious na..
comedy ba to o lokohan lang talaga?!
"Ano ka ba.. nagpapaka serious na nga e,, ikaw naman ang tatawa
dyan.."
"Ang weird naman kasi ng mukha mo, parang pinipilit mo lang yang
serious face mo,, hindi natural.. "
-
"Ok.. ok sige na nga... magsalita ka na kasi.... Ano ba talaga
ang nangyari? Totoo ba yung mga sinabi ni Kuya Andrew, na ako daw
ang pakakasalan mo? Nahihibang ka na ba? I never, as in never could
even have you imagined like that,, you we're very sensible before!
Anong nangyari? Nauntog ka ba? "
Ngumiti lang sya, parang nakakaloka.. ang tagal sumagot a.. teka
naparami ata kasi tanong ko...
"Ano ba? Totoo ba? O Joke joke lang?"
"Yes it's true.. "
"WHAT??? Pwera biro, ayoko ng ganyan" buti na lang at wala kami
sa kabihasnan,, at wala kaming maiistorbo sa lakas ng boses ko..
kaya nga siguro dito nya ako dinala..
"Do I look like I'm kidding to you? Well, at first I was going
thru with the arrangement kaya nga ako nandon sa engagement party,,
until I met you at the elevator.."
"You mean to say that you only thought of that after we parted
at the elevator??? This is really unbelievable... Ok ka lang!"
Sira nga ata ang tuktok nito e...
"and besides, what made you think that I am a willing
participant? Hello kuya! I'm barely 16, what made you think that I
would want to tie up my life at this early stage of my life, ang
dami ko pang plano!" kahit gaano ka pa ka gwapo.. hindi ano..
dagdag ko pa sa isip ko...
"Please hear me out first.. "
"No way! It's out of the question. At buti kung pumayag ang
Daddy ko.. "
"What if I say that he's willing to go thru with it.. "
I looked at him in disbelief...
Weh... Bola!!!! Teka mukhang serious a....waaaa! naku seryoso
nga!
"Really, are you putting me on??"
"No I'm serious.."
Ano ba naman yan,, pati ba naman ang daddy ko gusto na akong
impamigay... natahimik ako ng matagal... I can understand kung si
mommy yun.. pero my dad?
Napansin ni Zack na hindi na ako umiimik..
"Ok, this is my proposal.. "
Ano to business... sa loob loob ko,.. GRABE.. ang sama ng loob
ko a.. hindi ko ata pinangarap na maging negosyo lang ang love life
ko.. pero ano pa nga ba ang magagawa ko... hmmmp pakinggan ko na
nga lang muna kung anong gustong palabasin nito.
"We're going to get married, well, just to satisfy both of our
Lolo, and for the company's sake also.. We're going to do it at the
Sates.. But this is just between you and me.. We're going to have a
divorce after 5 years.. "
Umiling-iling ako.. ano bang tingin nito sa kasal,, laro laro
lang? napailing ako
"Why do we need to go thru with this? Is this just to aquire
more wealth,, don't we have enough of it already? Bakit ba
kailangan pang pagsamahin ang mga pamilya natin, aren't family
friends enough?"
"I believe that this is not just for the wealth thing. I think
our grandparents really wanted to be a family, if not by blood then
by law.."
"well, OK, sabihin na natin na magpapakasal tayo ngayon,, ok
sige ang saya nila, natupad ang pangarap nila, then what about us?
Sacrificial lamb ba tayo and be miserable?"
"Do you really think that you'll be miserable with me... "
tinitigan nya ako... AYYYYYYY ano ba naman yan.. natutunaw ako!!!!
Ano ba namang klaseng charm meron tong taong to!
"Wag mo nga akong titigan ng ganyan,, natutunaw ako!!" hinawi ko
ang mukha nya..
Natawa naman sya at medyo natunaw ang pressure... Nangiti na rin
ako... What is it about this guy,, kahit nilalatagan nya ako ng
absurd proposal, at ease pa rin ako sa kanya.. kaya siguro
-
sya ang number 1 strategist ng company nila at lumago ng husto
ito.. pero ang sama,, ginagamit nya sa kin ang charm nya, effective
naman! Arrrgggg! Get a grip!
"Ok, how about the divorce, you said we only wanted to make them
happy, e papano when the time comes that we have to part ways,
ganon na lang ba ka-short live ang happiness na sinasabi mong
ibibgay natin sa kanila? Mas lalo sigurong ma-ha-heart broken yun..
Baka tayo pa maging mitsa ng buhay nila..."
"Who knows.. maybe after 5 years, we may no longer need one...
baka ma-in love ka na sa kin.. " ngumiti syang na parang
china-challenge nya ako...
Naloloka na talaga ako.. ang galling umiwas sa tanong a!
Aba,, talaga namang ang kapal ng mukha nito!
"Grabe!!! Todo na to.. ang lakas ng fighting spirit mo! O baka
naman the other way around... ikaw ang ma-in-love sa kin "
Natawa kaming dalawa..
" O sige,seriously"... seriously na naman
", ganito na lang... Give me One good reason.. as in ONE good
reason why we need to go thru with this..."
Nag-isip sya.. tinitigan ko sya.. after a while... nagsalita na
sya..
"Ok, ilabas na natin ang mga lolo natin, at ang mga kompanya
natin... What I want is for us to find happiness, maybe I can find
that in you, who knows? But I definitely know that I won't have
that with Marielle. For now, I'm not in-love with any other woman,
I don't have any ties. I don't know what will be in the future. And
as for you,, you may have the opportunity to be in good terms with
your Lolo. And I am offering you a life na malayo sa Mommy and Ate
mo.. I may not promise you the best life, but what I promise is a
better life than what you have right now.."
ARAY! Sapul ako don a.. pano nya nalaman na I'm not in good
terms with my Lolo, Mommy and ate? Ganoon na ba talaga kahalata? O
napaka good observer lang nitong taong ito,,, pero what he says is
true... I may have the right opportunity to make my Lolo be proud
of me,, and I may live in a house away from my mom and my ate..
hmmmm.. isip.. isip.. isip.. I looked at him and saw the sincerity
of his heart.. He's not offering to love me,, he has only been
honest with me.. hindi naman sya nag sugar coat ng situation. May
mga iniwasan lang syang mga tanong. But over-all, I think he is a
good man. Oh Well, what is 5 years...
Napabuntong hininga ako..
" Ok,, 5 years trial period... kapag hindi nag-work out.. let's
have a divorce... "
"YES!" Masayang Masaya sya at napayakap sa kin.. Uyyyy.. it
feels so good a... hmmmm maybe my decision is not bad at all... I
can live like this for the rest of my life.... Pero nakakahiya kaya
pumiglas na lang ako... hehehehe.. hindi pa naman kami mag-asawa
e... ayyyy!!! Namumula na naman ako!!!!!
"Sorry,, I got carried away..."
"It's ok,, I might as well get use to it.." AAARRRGGGG.. ano ba
tong pinagsasabi ko ako yata ang na-carried away!!! Weee so
embarrassing! Mas lalo ata akong namula! Hihimatayin ata ako!
Ngumiti sya at tinitigan ako.. may kinuha sya sa pocket nya at
lumuhod at binuksan nya ang 1 ring box! OMG!
"For all it's worth... Charlene, will you marry me?"
Kumakabog ng husto ang puso ko.......... Napangiti ako...
-
"Yes... I will...."
*******************************************[7] Chapter
7*******************************************Chapter 7
Charlene's POV....
Past noon na nung magising ako at nag-inat-inat ... (still
yawning)... What a dream... Parang totoo..
Napadilat ako ng konti.. Huh. Strange . this is not my room..
Where am I?... Tumingin tingin ako sa paligid... Masyado pa akong
disoriented.. at medyo masakit sakit pa ang ulo ko... Nice room but
definitely not mine.. Saan ba ako napadpad... nakila Tanya ba
ako??
Kumulo ang tyan ko.... Arrrggghhh! What time is it? Nagrereklamo
na tyan ko... nang tignan ko ang oras sa wristwatch ko napatitig
ako sa malaking diamond ring sa daliri ko.. Bigla akong parang
binuhusan ng malamig na tubig at nag-flashback lahat ng mga
nangyari nung nakaraang araw!!!!
OMG!!! Akala ko panaghinip lang!!! waaaaaa!!!!!! I'm really
engaged????
"NOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOo!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" Hindi ko
namalayang napasigaw pala ako ng malakas!!!!
BLAGAG@$#!!!! Nahulog pa ko sa kama!
Aray naman!
-
Maya- maya lang ay biglang bumukas ang pinto at nagmamadling
pumasok si Kuya Zack..
"Charlene! What's wrong!!!! Are you hurt?"
Are you hurt???. OA naman to,, nahulog lang ako sa kama.. pero
medyo masakit.....slight lang...
"What?? n..nn.. No!.. of course not...Ahhmmm ... nage-exercise
lang ako.... " at kuwaring nag-si-sit up ako.. sobrang nakakahiya
naman kapag nalaman nyang nahulog ako sa kama.. ano ko bata?
"See.." ay grabe todo na to.. wa poise!
"E bakit ka sumigaw?..."
"Aaaaa.. eeeee.......... May ipis kasi!!!! Andun tumakbo sa
banyo! "
Nag-make face sya...
Ano bang klaseng mga excuse yun... walang logic... lumagabog
tapos nag-e-exercise tapos may ipis... Bravo Chalie, kitang kita
naman sa mukha nya na hindi sya naniniwala sa yo... hay nako,, ano
man ang iniisip nya,, wa na ako paki..
Tumayo ako at tinulak ko sya palabas ng pinto..
"Sige na,, sige na,, labas na... "
"alright whatever it is.. Lunch is already served,, I mean
brunch pala... we need to talk about a few details of our
arrangement , bago kita ihatid sa bahay nyo.. kailangan malinaw ang
plano natin...."
"Ok, ok, I'll be ready in a few minutes.. sige na labas na " at
sinarado ko na ang pinto
Napabuntong hininga ako at napaupo sa sahig...
Hindi kaya nabibiglaanan lang ako..... para lang kasing
panaghinip.. Never in my life would I imagined na mangyayari sa kin
to.. Hindi kaya nadala lang ako sa ambiance ng place kagabi? Pero
he was so handsome and so sincere last night, He was like a prince
in despair , I mean kaninag madaling araw lang pala.. Kasi naman
napaka-tempting ng offer nya, though it's a loveless marriage,...
hmmm... teka... who would ever want a loveless marriage??? ... I
Want to be in love!!!! Sabagay 5 years trial peroid lang naman,,
bata pa rin ako pagkatapos ng pagkukunwaring ito.. at kung ganon na
man ka-gwapo at kabait at ka-gentleman ng mapapangasawa mo.. Pwede
na talaga! Kaso paano kung ma-in-love ako sa kanya tapos sya
hindi... huhuhuhuhuhuhu.... Heartache!! Luhaan na lang ba ako all
my life?? Ayyy nako ang gulo mo Charlie! Babae ka talaga!
Pabago-bago ang isip mo... Tinanggap mo na ang engagement ring
panindigan mo na!
Hay nako sige na nga! Basta kailangan malinaw at magkasundo kami
sa arrangements a... makaligo na nga at nagugutom na ko!
***Zack's POV
Nag-e-exercise pala a... Sinong niloko mo,, nahulog ka lang sa
kama,, kitang-kita sa mukha mo... Nahihiya ka lang na Makita kitang
walang poise..
Naupo ako sa dining table at inantay ko syang lumabas..
I never really thought na mahirap syang i-convince akala ko
hindi ko na sya mapapapayag... ginamit ko na ang killer charm ko,
pero parang walang effect sa kanya.. Sya lang ang kauna-unahang
babae na hindi umubra ang charm ko,, Nung naging sincere ako saka
sya pumayag.. Kailangan lang palang maging honest ako,, iyon lang
pala ang hinahanap nya..
For now, kailangan naming pag-usapan ang arrangement namin,, I
will consider all of her demands,, we have to meet half way.. From
my point of view, mukha naman hindi sya mahirap pakisamahan. Maybe
it'll be more like having a little sister at home.. tutal parang
kuya naman ang turing nya sa kin..
Ever since she was a child, sweet na sya talaga,, mapagbigay,,
at sya pa ang malaki ang pangunawa,, naalala ko nga noong may
family gathering kami,, may pastry na gustong gusto kami at
binabalik balikan sa buffet table,, nung 1 na lang ang natira,
kahit nauna syang kumuha at gustong gusto pa nya, ibinigay na lang
nya iyon kay Marielle.. Napaka selfless..
Kailangan maging careful ako na wag ko syang masaktan. Kahit ba
sabihin na natin na sa totoo lang talaga ay ginagamit ko sya to get
out of a tight situation. Kaya as much as possible hindi
-
ko dapat syang masaktan.. I'll try my best to see to it na hindi
naman sya sobrang dehado sa set-up namin.
Mahirap kayang masaktan, naranasan ko na yon,, kaya hanggang
ngayon, dala-dala ko.. I've been in love with Marielle ever since
childhood.
Sympre at first glance, sino ba naman ang hindi ma-i-in-love sa
kanya. Maganda sya, outgoing, and she's always the life of the
party. Kaya ang dami daming umaaligid na lalake sa kanya. Alam nya
ang mga qualities nya,, pero ang problema ginagamit nya ang
katalinuhan nya to her advantage.
The thing is she knows that one day we will be married. She very
well know that she's already committed to me, it's as if we've been
engaged since birth, so kailangan diba dapat faithful sya sa kin,
and she knows how much I adore her.
One time nagbakasyon sya mag-isa sa ibang bansa.. sort of gift
daw nya sa sarili nya... pahinga from her busy schedule.. I went
out of my way to follow her, to surprise her. When I got there,to
my surprise , she was with someone else.. ang masakit pa non,, nung
ki-non-front ko sya, sya pa ang galit, kesyo, it's natural to be
with someone else, tutal ako naman daw ang pakakasalan nya, why not
play around for a while,, ano yun? Kababae nyang tao, gusto nyang
mag-play-around? Gagawin nya ang kahit na anong gusto nya, kahit
makasakit pa sya ng ibang tao.. basta Masaya sya. Hindi ko
matanggap nung una, pero unti-unti ko syang nakilala, lagi ko syang
inoobserbahan, and I therefore conclude.. She is one selfish woman.
Kahit ba napakaganda nya, kahit napakatalino nya, if you don't have
any character, you are nothing. Para lang syang empty shell, and I
can't bear spending my life with that kind of woman.
On the other hand, napakalayo nya sa kapatid nyang si Charlene..
the contradiction seems to go on and on. Nung bata pa sya, hindi
sya maganda, ordinary skinny girl lang sya noon, now the ugly
duckling has turned into a swan, it seems that she's even more
beautiful than her sister and she's still not in full bloom yet.. .
para silang hindi magkapatid ni Marielle, it's like night and day..
even the looks is not the same.. Pero they grew up in one roof..
how come they became so different..
Lumabas na si Charlene sa kwarto looking so fresh with her hair
still damp from the shower. Itong babaeng to kahit walang ka-effort
effort maganda pa rin.. looking at her simple skirt and tops with
no make-up..
Umupo sya tapat ko... todo ngiti,, siguro sa dami ng mga
nakahaing pagkain..
"Kuya, where did all this food come from? Ilang beses akong
naghalungkat ng pagkain dito kagabi, walang kalaman laman ang
kitchen mo.."
Natawa ako..
"Para ka naming pusang naghahanap kagabi ng pagkain.. wala nga
talagang pagkain kagabi kasi kanina ko lang panabili yan kay
manong.."
"Wow! Ang sarap naman magluto ni manong,, " sabi nya pagkasubo
ng isang beef roll..
"anong si manong?.. ako kaya ang nagluto nyan..."
Nandilat ang mga mata nya.. naaliw naman ako... sabi ko na nga
ba at ganyan ang magiging reaction nya..
"Weh!!!........ Ikaw???...... Weh.."
"Ikaw talaga wala kang bilib sa kin no.."
"hmmmmm... bilib ??? sa ibang bagay,, uu naman pero luto..
hello... pano ka magluluto, e nasa kusina nyo yung pinaka
magagaling na chef, para namang hindi ako makapaniwalang pumapasok
ka sa kusina"
"Kaya nga i-nem-ploy yung mga chef na yun para maturuan akong
magluto...."
"Owwwwssss.... "
Tatawa tawa ako... may pagka comic kasi ang mukha nya...
"You don't know my mom... kailangan marunong ako sa lahat,,
hindi lang sa academics, and business.. kailangan marunong din ako
ng gawaing bahay..."
-
Bigla syang tumawa...nakakaloko to a...
"JOKE NA TALAGA TO! IKAW???? " Tawa sya ng tawa, nakakahawa
naman tawa nito kaya kahit iniinsulto ako natatawa na rin ako
...
"I can't imagine!!!! Hahahahahaahahha!!!! Wala sa personality
mo! Hahahahahaha!!!! Cough! Cough ! Cough! " ... Ayun nabulunan
tuloy,, buti nga sa yo.. hehehehe... ako naman ang lumakas ang
tawa..
" Ayan kasi... uminom ka na nga lang... " uminom sya ng tubig at
at unti-unting nagsubside yung ubo nya...
"Totoo talaga, hindi naman sadista si mommy, nung una naiinis
din talaga ako, kasi nga naman, napakadaming katulong sa bahay,
pero ayun, pinagwawalis , pinaghuhugas, kahit laba at mamalansta
pinagagawa kaya sa kin..."
"True??? " nanalalaki na naman mga mata nya... hindi
makapaniwala... matatawa na naman sya,, pero pinigilan na nya,,
takot na ata uling mabulunan..
"Oo kaya,, pero ngayon, nagpapasalamat ako sa mommy ko kasi
kahit saan mo ako patirahin, kaya ko.. kahit walang katulong
makakasurvive ako.. e ikaw???"
Napaisip sya...
"Oo nga noh... hmmmm... hindi nga ako sanay sa gawain bahay pero
marunong naman akong mag-commute kahit mag-isa pa.. e ikaw???"
"Commute?? Bakit? Pinalalabas kang mag-isa ng bahay???"
Natigilan... Namula.. parang may nasabing hindi dapat.... AHA!
Tumatakas to!
"Ay hindi pala... no no no.. hindi pala ako marunong
mag-commute.. Joke lang yun"
Lagot ka sa kin ngayon...
"Siguro bulakbol ka no..."
"Hindi kaya!!!!!! .. ano ka ba.. kumain ka na nga... " may
tinatago talaga to,, umiiwas e ... di bale na, malalaman ko rin yan
pag kasal na kami,, baka naman may secret boyfriend ito,, medyo
complicated kapag ganon..kagabi, nung nayakap ko sya pumiglas
sya... hindi sumagi sa isip ko na baka may ka-relasyon na to a!
"Hindi ko pala naitanong sa 'yo,, baka naman may boyfriend ka
na?"
"Huh?? Ako may boyfriend,, wala ngang manligaw sa kin no...
"
Mukha nagulat pa ng tinanong ko... possible na walang
boyfriend,, pero manligaw.. iyon ang impossible..
"Sa ganda mong yan wala?"
"Alam mo kuya, hindi mo naman kailangang bilugin ang ulo ko e,
pumapayag na nga akong magpakasal sa yo,, wag mo na akong
bolahin.."
"Bakit? Hindi ka ba naniniwalang maganda ka?" may inferiority
complex ata ito a.
"Kumain ka na nga lang dyan.." sabi nya..
"Ok, ok, at least I know, so, that means, walang
complication?"
"Wala naman... "
"Naman.... Hindi sigurado?"
"Wala! Period... satisfied?? "
"Ok, naninigurado lang ako.. "
"Ok since we're into that discussion, might as well move on to
our arrangement?"
"Ok.. "
Inabot ko sa kanya yung draft ng ginawa kong contract..
"Ano to? "
-
"Basahin mo muna..Contract yan... kung may idadagdag ka..
ilalagay ko mamaya.. "
Kinuha nya yung folder at binuksan..
"Natulog ka ba?" tanong nya..
Ano bang klaseng tanong yan..
"Bakit?"
"halos sisikat na ang araw nung pumasok tayo ng bahay kanina,,
tapos nakapgluto ka ng ganitong karami,, tapos nakagawa ka pa ng
contract.."
"E ano naman,, iyan lang..."
Tumaas ang kilay nya..
" O sige,, ikaw na!, ikaw na si superman!!!"
"Ikaw talaga. Hindi ako masyadong nakatulog kaya I made the most
of my time.. want some coffee?"
"Milk na lang please.. meron ba??"
I Chuckled .. bata pa nga...
*** Charlie's POV
Hindi naman marriage contract to? Ang bilis naman nyang makakuha
nun...
Pagbukas ko.. Pre-Marital Arrangement...
1. Our marriage will be legitimate. After 5 years, we are going
to evaluate the situation if we are going to terminate or continue
the marriage...
Terminate?? Ano to employment???
2. No one must know of our agreement especially our
families.
3. No third party, even if any of us falls in love with another
person.
4. Dating will only be with your spouse.
Kahit ba girl date hindi pwede?
5. We will live together in the same house but separate
rooms.
Dapat!
6. The husband will provide for all of the wife's needs even
after the contract expires.
Hmmmm.. napangiti ako... gusto ko yan.. hehehehehe.... Pero
hindi ba naman para akong parasite nito?? Sya naglagay nyan..
sige.. Go!
7. During this 5 years contract, we expect each other to be
civil in all aspect and protect the credibily of our families.
8. Whatever happens after the 5 year contract, the Fuentes -
Montemayor group will remain in tack.
I can now see my love life going down the drain...
napaka-loveless marraiage naman talaga nitong contract na to haaay
buhay...
-
"Teka kuya.... "
"ops.. isa dapat sa tatanggalin mo ngayon ay ang pagtawag mo sa
kin ng kuya,, meron ka ba namang nakitang mag-asawa na ate o kuya
ang tawag... Zack na lang.. practice lang yan... "
"Ok Ku... ahem... I mean Zack...."
Nyiikksss di ako sanay...
"Baka pwedeng may mapagsabihan kahit 1 lang.. diba si Andrew,
partner in crime mo,, kailangan may counterpart din sya sa kin..
can I tell my bestfriend? Promise talaga, she can keep a
secret.."
Nag-isip sya...
"Please.... "
Tinignan nya ko..
"If you really trust her that much.. then by all means,, but
make sure na walang leakage.."
"Yes. Promise!" masayang sabi ko..
"After the wedding,, which is by the way, is schduled next month
on your birthday..."
"What! That soon?? ... bakit may schedule na? Ang bilis mo
namang ilagay sa calendaryo yan! Parang kaninang madaling araw lang
tayo nagkasundo sa mga bagay bagay na yan a. Saka may graduation
gift pa ko sa Dad ko na trip to Paris. Ang tagal kong plinano yun,
I'm sooo much looking forward to that!"
"Then I'll take you to Paris.. after the wedding.. "
Arrrrggggg!
"Ano ka ba Kuya..."
"Zack.."
"Whatever! C'mon, that will be my last birthday to be single..
why not after..."
"Ok.. a week after... "
"Nyek ano kaya yun..Parang ganun din yon.. hindi ba pwedeng next
year na lang.. diba dapat ang wedding 1 year in the making?"
"Wag na nating pagtagalin,ganon din naman yun. The sooner na
makapagpakasal tayo, the better, so we can move to our lives and be
normal again.."
Anong normal, normal ang pinagsasasabi nito.. hmmmmp.. normal ka
dyan,, eto nga at ginugulo mo ang matahimik na buhay ko....
Simangot....
"Normal?!, pano magiging normal yon... super abnormal na non,
dahil mag-asawa na tayo non.. "
Dead Air..
"I know I'm asking too much from you, but please understand that
we have to get married soon, mas maaga na tayong tatantanan ng mga
lolo natin..at mas maganda if we get married before your school
starts.. para at least maka-adjust ka na sa situation kasi
panibagong adjustment na naman yan kapag nag college ka"
Dead air... isip isip isip
Oo nga naman, may point naman sya don...
Oh my I'll say goodbye to my single days sooner than I expected
huhuhuhuhuhu...
Sige na nga panalo ka na naman!!!
"Ok, point taken... sige next month it is.. Sige na nga rin.. sa
Birthday ko na nga rin... Pero.... on one condition... "
"Shoot..."
"Give me liberty on what school I'm going to and what course I'm
going to take...."
-
"Done..."
"You will also give me liberty to decide what to do with my life
and my career"
"hmmmm.. If it is reasonable then why not.. "
Nanliit ang mga mata ko.. alam ba nya ang ina-agree nya???
"Sure ka? Hindi mo pa nga inaalam kung anong klaseng career ang
gusto ko, pumapayag ka na? ayoko kasi ng business ad na inen-roll
sa kin ng Dad ko,, sooo boring.. "
"I trust you enough to decide what is good for you. Alam ko
naman na hindi mo ipapahamak ang sarili mo, you are better than
that.. whatever you decide I will support you."
Heart melting... Bakit ganon,, bakit sya naiintindihan ako..
bakit sya, nagtitiwala sa kin..
Nagmelt naman ang heart ko don.. Nawala na ang inis ko... Tama
nga ata ang sinabi nya kagabi, this life will be better than my
life before.. hmmmp nakakainis naman tong taong to,, baka ma-in
lovena nga ako sa kanya nyan... Arrrggggg! Tama na yan
Charlie!!!!!!! You can't fall in love with him,, hindi patas,
Parang little sister turned business partner lang ang tingin nya sa
yo.... masasaktan ka lang..
Pumikit ako sandali... isip... isip... isip...
After a few minutes, dinilat ko ulit ang mata ko,, determined to
face the challenge ahead..
"OK.. ku... I mean Zack.. It's a deal.." Inoffer ko ang right
hand ko sa kanya and we shook hands..
"My close friends all me Charlie?"
Napangiti sya... cute talaga ng dimples nya...
"Ok Charlie, It's a deal.. "
*******************************************[8] Chapter 8
-
*******************************************CHAPTER 8
***** Charlie
Mag-ga-gabi na nung nakaalis kami sa resthouse ni Zack.. Sinulit
ko muna yung ganda ng place.. at syempre nag-gather ako ng lakas ng
loob. Hindi ko alam kung anong madadatnan ko sa bahay.. hindi ko
alam kung papano ko haharapin ang pamilya ko. Anong sasabihin ko sa
kanila,, hindi naman ako pwedemg magsabi ng totoo.. paano ko
haharapin ang ate ko, baka by now pinakukulam na nya ako...
nyiiiii.... Wag naman sana, gusto ko pang mabuhay ng mahaba, marami
pa kong pangarap...
Medyo traffic, inabutan kami ng rush hour,, buti nga at
magkatraffic ng bonggang bongga para madelay ng husto ang pag-uwi
namin..
Haaayyy,, tibayan mo na lang ang loob mo.. deadma na lang kung
may mga salita mang hindi maganda. Pinasok ko to, paninindigan ko
to! ... nagbuntung hininga ako...
Nagulat ako ng hinawakan ako ni Zack sa kamay.. tinitigan nya
ako....
"We can do this.. trust me... "
Waaaaahhhh... tunaw na naman ako... kainis naman tong mukha ko
ang init na naman... beet red na naman siguro ako...
Tinanggal ko ang kamay ko sa pagkakahawak nya, at hinawak
hawakon ko ang pisngi ko.... Nyiiiiii.. nahihiya ako sobra!!!
Tumingin na lang ako sa bintana... para hindi nya mapansin na
sobrang namumula ako... Buti na lang at madilim dilim na...
"Kuya, kapag may mga difficult questions ikaw ang sasagot a...
"
Difficult questions? Ano to game show,,, ayan kasi taranta kasi
ako kaya kung ano anong mga sinasabi ko...
"Kuya ka na naman... "
"Sorry,, Zack pala... "
"We'll support each other Ok,, don't worry.. "
Nakoooo... ayun na ang village namin.. papasok na kami sa main
entrance.. sobrang kumakabog na ang dibdib ko.. hindi na ako
mapakali....
Tinignan ko sa Zack... Sobrang kalmado... hindi ba nag-aalala
to?
"Don't worry, I'll do much of the talking.. stay calm.. alam ko
namang hindi ka magaling magsinungaling...." Napangiti sya sa
kin..
"E ikaw magaling?? Parang hindi ata compliment yun a... "
"Ikaw talaga, hindi naman sa ganon. Let's just say na over the
years I've spent dealing with difficult people, I learned to say
the right words. Hindi naman ako nagsisinungaling non diba... not
totally being honest lang... "
"Ganon! Pareho lang din yun ano.. pinaganda mo lang ang
term"
Natawa na lang sya..
Nung malapit na kami sa bahay namin...
"Zack.. what's going on?" Napansin ko na bukas na bukas lahat ng
mga ilaw sa bahay at ang daming naka park na kotse..
" I have no idea.. Pinatay ko rin kasi ang cellphone ko..."
Bago kami umalis ng resthouse kanina, kinuha nya yung cellphone
ko at pinatay,, mamaya na lang daw nya ibabalik para walang
makakarating na tawag , para isang bagsak na lang ang
announcement..
Nagpark si Zack malapit sa gate at bumaba na kaming dalawa..
"Parang may party? Wala namang may birthday sa min ngayon a..
ako nga ang mag-b-birthday pero
-
next month pa yun..at hindi ako nagpapaparty"
"Let's find out?" nagtataka rin si Zack..
Ino-ffer nya sa kin ang braso nya... ano bang gagawin ko...
nalilito pa ko.. hindi naman kasi ako sanay sa ganito noh. I have
never been out with a guy before, this is all new to me.
Nung hindi ako kumikibo,, kinuha nya ang kamay ko at inilagay sa
braso nya...
AAAAAyyyyyy!!! Ganon pa la yun!!!! Hihihihihihi... eeeeyyy
nahihiya na naman ako... para akong engot nito.. :P
Huminto sya sandali sa paglalakad at humarap sa kin...
"Look at me Charlie... "
Unit-unti ko syang tinignan... e ano,, sa nahihiya ako e!...
"We're going to do this together ok? "
"Ok.. "
"Do you trust me?
Hmmmm,, o sige na nga...
"yesss?? " sounds alanganin.. ang conscious naman kasi e! Ang
lapit ng mukha nya sa kin !!!!
"Do you trust me?" Inulit nya... Hindi na-satisfy sa sagot
ko...
Nagbuntong hininga ako... o eto na with conviction na...
"Yes.. "
"Ok let's go.. "
Naglakad na kami papasok ng bahay..
Kinakabahan talaga ako... pero si Zack, very confident.. as if
you can really lean on to him at times like this.. kung uso pa
ngayon ang knight in shinning armor, sya na si Lancelot!!! Parang
kaya nyang humarap sa kahit kanino.. na- proud naman ako.. Ito ang
mapapangasawa ko!!! I'm the lucky girl! hehehehe.. kahit kunwari
lang.. Let me claim him for the time being...
Napa-smile ako... hindi ko napansin nakatingin pala sya sa
kin...
"You look pretty tonight.. "
Ano yun,, binobola ako, just to boost up my confidence??
"Che... wag mo na kong bolahin.."
"Seriously, you look pretty tonight.."
"Sige na sige na, matahimik ka lang.."
Papasok na kami sa gate...
Ang daming tao? Anong meron? At hindi ko pa sila mga kilala
a...
Pero mukhang si Zack mga kilala nya... nagkamali ba kami ng
bahay na pinuntahan?? Bahay namin to a, pero bakit sya ang may
kakilala sa mga bisita....
"Sino sila??" Bulong ko sa kanya...
"Mga business associates.. " Medyo nakakunot ang noo nya,,
parang naiinis..
Kada may makasalubong kami,, puro congratulations ang sinasabi..
parang kasal na kami a... hmmmp.. tatanggalin ko sana ang kamay ko
sa braso nya, pero pinigilan nya ako.. at tinapik tapik ang kamay
ko.. at ngumiti lang sya sa kin... Parang sinasabi nyang.. dito ka
lang sa tabi ko ang I'll protect you...
Nyiiii.. ang sweet naman!!!! Kilig naman ako dun... J
Pumasok kami sa loob ng bahay at andon ang mga lolo namin,, at
masayang nagkukwentuhan! May pa-toast toast pa silang nalalaman a..
parang walang family crisis! Bongga talaga tong mga lolo naming
ito..
-
ASSSAARRRR....
Napansin kami ng Lolo ko...
"Iho, Iha,, nandito na pala kayo.... " Masaya syang makita
ako??? Himala... Close na kami?
Lumapit ako at nagmano..
"Hello po lolo.."
Nag-mano na rin ako sa Lolo ni Zack..
Nakita ko na rin ang Daddy kong papalapit sa amin..
Tahimik lang ako habang kinakausap ng dalawang matanda si Zack..
Wedding preparations?? Advance a... parang hindi pa kami
nag-de-declare a.. Excited sila! Pasaway!
Tamayo sa tabi ko ang daddy ko...
"Dad... "
Tumango tango lang sya... hindi ko mabasa ang mukha nya.. galit
ba sya? As far as I can remember,, never na nagalit sa kin ang dad
ko.. kaya hindi ko alam kung galit sya o hindi.. hindi ako sanay ng
hindi sya nagsasalita...
"Dad... I'm..."
I was interrupted by Lolo Guillermo..
"Ladies and Gentlemen, may I have your attention please..."
Naglapitan ang mga guests sa paligid namin.. may ilang mga
press,, pero hindi karamihan katulad kagabi,, siguro pili lang at
mga pinagkakatiwalaan.
Lolo Guillermo continued...
"Thank you all for coming here in just a short notice,, we are
apologizing for the commotion my grandson did last night.. It was
really a circus" he chuckled
Nagtawanan
"But, we're going to do better this time.... we all had our
misunderstandings sometimes..so, for the second time around... My
grandson, Zachary Montemayor.."
Nagpalakpakan..
"Good Evening everybody, though I was not really expecting you
to see all of you here.."
"But anyway, without further ado, I'm proud to introduce to
you.... my future wife... Miss Charlene Fuentes.."
Nagpalakpalakan..
Nagsmile lang ako at medyo kumaway kaway.. pinandilatan ko si
Zack.. sana maintindihan nya na wag na nya akong pagsalitain..
mukha naming na-gets nya ang ibig kong sabihin..
"We will be tying the knot next month. I do wish to invite all
of you to the wedding, that is if you are willing to go to the
states.. May mga Visa naba kayo?"
Tawanan
"Well, in case you have,, then you'll be most welcome to witness
our union.. "
Si Lolo Fausto nagsalita.. 'Waiters if you may, please
distribute the wine glasses.. "
May nag-abot sa kin ng champagne.. sa isip isip ko.. hello,,
hindi ako umiinom...
Lumapit sa kin si Zack at binulungan ako...
"Just a sip,, it won't hurt you.. " at binigyan nya ako ng
reassuring smile.
-
Nabasa nya yun??? Uy, may telepathic powers ba sya??
Hay nako maka-smile na nga lang,, for press purposes... para
naman hindi sobrang pangit ko kapag na print yan, baka magmukha
akong katulong sa tabi ni Zack,, super gwapo kaya nito, .. buti na
lang medyo presentable ang suot ko, at puro casual clothes lang din
naman ang mga bisita, kaya hindi naman ako mukhang alangan.
"Let's all raise our glasses!" Sabi ni Lolo Fausto.. "To the
future of Montemayor - Fuentes group and to the union of Zachary
and Charlene! Cheers!"
"Cheers!"
Hmmm.. ano pa nga ba ang gagawin ko kundi mag sip..
YUCK! Ang sama talaga ng lasa .. ang pait... ayaw talaga ng dila
ko ang kahit na anong alcohol.. kahit pa champagne yan...
Smile Charlie smile.. isip ko na lang.. wag ka pahalata ang
daming tao.. kaya nga ba akaw kong maging center of attention..
"KISS!!!" may sumigaw..
Pasaway! Sino yon!!! Teka teka.. wala sa usapan to.. hindi
pwede...
"KISS!"
At sinegundahan pa!!!! ayoko nga.. tago na ko...
"Sorry guys..." Sabi ni Zack.. "We're reserving that for the
wedding.."
Relief...
"Thank you" bulong k okay Zack...
"Ladies and Gentlemen, Let's all have dinner, I know that
everybody is now famished. This is a celebration.. let's all enjoy
and have a party.." Sabi ni Lolo Fausto..
Yes! Nawala na ang attention sa min at napunta na sa
pagkain..
Where's my dad,, he was standing near me a while ago,,, san na
sya nagpunta... he's nowhere to be found..
Nalungkot naman ako,, alam ko naman na hindi makiki-celebrate
ang mom and ate ko,, pero sobrang nakakalungkot naman kung pati ang
Dad ko i-abandon na ako...
"Congratualtions Iha.. I'll see to it that You'll have the
grandest wedding ever.. " Sabi ni Lolo Fausto na halatang halatang
tuwang tuwa.. wow.. first time ever! at bibigyan pa nya ako ng
engrandeng kasal..HIMALA!
"Kahit simple lang Lolo ok na.. " Sabi ko..
"Hayaan mo na silang magdecide balae.. kung anong gusto nila .."
Sabi ni Lolo Guillermo..
"Congratulations!" Sabi ni Tita Camille at nagbeso beso sa
akin.. "Finally I'm going to have a daughter.. "
"Ma.." Sabi ni Zack "Wag mong spoilin yan a.."
"And why not?? Basta Iha, ako ang bahala say o.. ako na sasama
sa 'yo sa states for the preparations.. marami akong mga magagaling
na designers and event coordinators doon.."
"Thank you po Tita.. " ang bait naman talaga ni Tita Camille..
"Thank you rin po pala sa overnight things sa pinadala nyo po..
papalaban ko muna saka ko na po ibabalik.."
"Don't worry about that,, that's all yours.. at marami pa akong
planong ibili sa yo.. sa wakas at meron na akong makakabonding! Si
Zachary kasi walang kalatoy latoy kasama e."
"kasi naman ma.. lagi kayo sa ladies section.. "
"Well, at least ngayon nandito na si Charlene... at hindi na
kita kailangang obligahing samahan ako..."
Wow.. ano ba tong feeling ko.. maluha luha naman ako.. I feel
sooo welcome... para na rin akong nagkaroon ng Mommy..
-
"What's wrong iha... inaway ka ba ni Zack?"
"Ma naman.."
"No Tita,, I just feel so good... You're so kind po kasi...
thank you po talaga..." pigilan mo ang luha mo! Baka kung anong
sabihin nila..
"awwww..." Sabi ni tita Camille at niyakap ako...
"Call me mommy ok? "
"Talaga po?"
"Of course, magiging daughter na kita..and I can't wait till you
get married"
Ang bait naman talaga ni tita...
"Ma, tama na drama.. sige na kain na tayo... hindi pwedeng
magutom yan.. baka tayo ang kainin nyan... "
"hehehe very funny.. " natawa na rin ako, pinalo ko ang braso ni
Zack.. "Kaw talaga, KJ ka.. emo na nga ako e.." at least hindi
natuloy ang pagpatak ng luha ko dahil na break ang drama...
I may have lost my family but I gained a new one.. Overnight
nabago ang takbo ng buhay ko.. what will happen in the future? I
have no Idea..
*******************************************[9] Chapter
9***********************************************Charlie
"EEEEEEEEEeeeeeeeeeee! Iba ka talaga girl!!! " Sigaw ni Tanya ng
magkausap kami sa telepono.
May konti pang tao na bisita, pero mga hindi ko rin naman
kakilala, puro mga business associates ng Lolo,, at syempre usapang
business.. umuwi na rin kasi sila Zack, kaya umakyat na rin ako sa
kwarto ko...no sign of ate and mommy... si daddy naman
nakikipaghalubilo pa din sa
-
mga guests..
"Akalain mo, parang kausap lang kita nung isang araw.. at ngayon
ikakasal ka na!!!! EEEEEeeeeee!!!!"
Grabe naman makatili tong babaeng to! Nabibingi ako!... kahit
inilayo ko ang telepono sa tenga ko, ang lakas pa rin! Mababasag
ang ear drums ko!
"Kinikilig naman ako sa 'yo!!! Ang gwapo naman ng mapapangasawa
mo!!!! EEEEEEEEeeeeeee! Inggit ako!!!!"
"Bruha! Kung alam mo lang ano..,"
"Bakit? Shotgun wedding ba to?? "
"Hindi ano,, basta kapag nagkita na lang tayo.."
"Tell all ha!"
"Oo naman ikaw pa!...pero secret lang a...."
"Grabe! Bongga ka talaga friend !!!! ang haba talaga ng buhok
mo!!!! Nakabili ka ba ng newspaper ngayon?"
"Ngayon nga lang ako nagkaroon ng contact sa outside world no..
newspaper pa kaya... ano ba meron?"
"Ano ba meron?? Ano ba meron?!!!!"
"Ang kulit mo!!! Ano ba talaga?!"
"Ayun lang naman, Si Zachary Montemayor, nag-announce ng Fianc
na hindi si Marielle Fuentes kundi ang kanyang kapatid na si
Charlene... At spotted ang soon to be wife na nagtatatakbo kasama
ang isang napaka-cute guy!"
"OMG!"
"Bongga!! may mga picture pa nga e.. ang gu-gwapo a! tutal
ikakasal ka na kay Zachary,, arbor ko na lang yung isa!!!"
"Hoy! Arbor ka dyan... Ano ka ba.. Bestfriend yun ni Kuya Zack!
saka inutusan sya ni Zack na itakas ako sa hotel.. sya naghatid sa
kin sa resthouse.. kaya nagtatatakbo kami kasi hinahabol kami ng
press!"
"Ang sweet naman grabe! May kuha pa kayong naka-holding hands
habang tumatakbo at ikaw naman bitbit ang high hills... picture
perfect kayo!!!!!! What is he like???"
"Sino? Si Kuya Andrew? Ewan... ilang oras ko pa lang naman sya
nakasama.. hindi ko pa sya kilala.. pero iyon.. medyo protective..
medyo kalog... EWAN! Hello... as if naman parang iba naman ang
dating ng newpaper nayan.. wala yun takas lang sa press baka kasi
dumugin at kung ano ano ang masabi ko.... Wala akong kaalam -alam..
para iyon lang pinagpyepyestahan mo... ano ka ba girl"
"That's not what the paper says. Parang ang dating dito..
tumatakas kayo kasi kayo ang mag-dyowa!.at inaagaw ka ni Zachary...
sabi dito parang love square ang nangyari..basta ganon na ang
epek... at ang pinalalabas na damsel in distress ay ang ate mo!!!!
grabe mga kuha nya a... parang inapi! Ang drama!"
No wonder na boycott sila ate ate mommy kanina... nag-out of
town na daw kaninag medaling araw..
"hala,, ano bang kaguluhan yan.. mali.. mali naman ang balita...
it's not like that... ano ba naman yang binabasa mo.. tabloid ata
yan! Tsismis na mali!"
"hmmmm ano nga ba to... tabloid nga.. hehehehe!!!"
"ano ka ba?! Bakit ka ba bumibili ng mga ganyan!... haist!
Itapos ma na nga yan!!!"
May kumatok...
Pumasok ang Daddy ko...
"Charlene... do you have a minute?"
Tinakpan ko ang mouthpieace..
-
"Yes Dad.. paalam lang po ako kay Tanya.."
"Ok, just go to my room and I'll wait for you there.. "
"Yes Dad, I'll be there in a minute.."
At sinara ng daddy ko ang pinto..
"Hey girl, saka na tayo mag-usap.. kakausapin ako ng daddy ko...
hala kinakabahan na ako... nyiii..."
"O sige na.. baka kung ano pang masabi ng daddy mo.. lagot ka na
nga e.. wag mo na patagalin..."
"salamat sa encouragement, lumakas ang loob ko.. hmmmp ... sige
bye.. wish me luck!"
Binaba ko na ang phone at dali-dali akong pumunta sa kwarto ng
daddy ko... wala naman si mommy kaya alam kong mag-isa lang sya
don...hindi ko alam kung magagalit sya sa kin.. sobrang tahimik nya
kasi kanina sa party.. hndi talaga nagsasalita...
Nakaharap si Daddy sa may terrace...
"Dad.."
"Sit down Charlie.." sabi nya at hindi lumilingon
Umupo ako sa may couch...
Tahimik...
Ang tagal.. parang mas lalo akong kinakabahan... hindi pa rin
nagsasalita..
Nagbuntong hininga ako...
"Dad.. I'm, really very sorry.. alam ko pong hindi ninyo
inaasahan iyon.. I'm also sorry for giving you and mom and most
especially ate Marielle a very hard time... I'm really really
so...
"Please Charlie... " Humarap sa kin si Daddy.. His voice is
cracking? Is he trying hard not to cry?
"I should be the one apologizing.... "
Na-shock ako... It's the first time I've seen him so not in
control..
"Dad..."
"It's not too late.. I can get you out of it.. I know na naipit
ka lang sa sitwasyon.. at hinayaan ko lang na magkaganon.. "
"No Dad.. you don't understand.. " umiling- iling ako.
"I know how it feels to be in your situation.. I've been there
before and as you can see... It was not a successful
marriage..."
I don't know what to say.. alam ko naman na arrange marriage
lang din sila mommy and daddy, prominenteng pamilya din kasi ang
lahi nila mommy, and for business puroposes, ipinakasal sila.
"I'm really sorry if I haven't done anything for you.. you know
how much I love you and I want what's best for you..."
"I know that Dad, you should not blame yourself..."
Umupo sa tabi ko ang daddy ko at inakbayan ako..
"Please Dad... Don't worry.. hindi naman ako sobrang pinilit na
magpakasal kay Zack."
Silence.. hindi ko na alam kung anong sasabihin ko... then I
remembered something...
"Dad,, remember the time when I was 5 years old? Kakatapos lang
ng recognition sa school and you took me out and brought me an ice
cream.. "
"Yes I remember.. bihira kasi kitang ilabas so I can still
remember that.. sa icebergs? "
"Yes, that's the one.."
-
"It really seems like yesterday..." He smiled..
"Remember you asked me if I already have a crush?"
" Hindi mo naman ako sinagot non e.. ngiti ka lang ng ngiti..
tapos attack ng attack sa ice cream, ayaw mong sagutin ang tanong
ko.. But I can sense na meron ka na talagang crush non.. " He said
smiling, remembering those treasured memories...
"Do you want to know now kung sino ang crush ko noon?"
"Would you still remember that? You we're sooo young then.."
"Of course I can still remember him....... "
Silence
"Dad.................. He's the one I'm going to
marry......"
Napatingin sa kin ang daddy ko..
"I haven't told anyone because, you know, we all know that even
before ate marielle has a huge crush on him too..so I have to keep
it all to myself... saka sila naman talaga ang pi-ne-pair"
Tumango lang ang daddy ko..
"I understand what you're pointing at...."
"Dad,, for now, I can't say that I love him.. but let's say that
I had feelings for him before,, who knows it may rekindle.. so
maybe there's hope, right? I'm doing this not just for the family
but for myself too."
Natahimik ulit si Daddy, nag-iisip...
"Ok. You're right... maybe your marriage will not be like mine..
you're a good girl and I can't find a better man to take care of
you than Zachary....pero once na sinaktan ka nya.. mananagot sya sa
kin.."
"Dad... "
He chuckled... at least he's kind of relieved..
"But there's one thing that I really regret... I wish I had
spend more time with you.. akala ko kasi since your still young, I
still have to t make it up with you.. hindi ko akalain na maaga ka
palang mawawalay sa kin... "
Yumakap ako sa kanya.. I feel like a girl again.. remembering
those precious moments we've spent together.. masyado kasing
madalang,, sobrang busy ni Daddy sa work.. so everytime na umuuwi
sya,, he see's to it that we'll go to amusement parks or just hang
around the mall... tumulo ang luha ko..
"Hindi naman ako mawawala. Dad e. I'll come visit you as much as
I can... and I'll always be your Daddy's girl.. I love you
Dad.."
"I love you too..."
He just held me... remember the times when I turn and he just
held me close and let me cry...
After a while...
"Hey,, Iyan ba ang mag-aasawa na.. cry baby pa..." Pinunasan nya
ang mga luha ko...
"Dad naman e.. moment ko na to e..."
"Just remember that I'll always be here for you.. pagpasensyahan
mo na ang mommy ate ate mo..."
"Ako nga ang dapat na humingi ng pasensya sa kanila... nasaktan
ko sila"
"As long as I know, It's not your fault.. we're all victims of
circumstances... Sige na... Go to bed na.. I know you had a long
day.. it's time to rest.."
"Wait lang dad,, may nakakalimutan ka..."
"meron ba?"
-
"Asan na pasalubong ko?"
*******************************************[10] Chapter
10*******************************************Parang hangin lang
dumaan ang 1 buwan, napakabilis ng panahon.. hindi mo talaga
namamalayan na lumilipas lang ang araw sa dami ng preparations na
ginagawa.....Tita Camille took charge of the preparations, since my
mom has totally withdrawn herself from anything to do with the
wedding, hindi pa rin nya matanggap.. Kung dati napapansin nya lang
ako para punahin at pagalitan,, ngayon totally deadma.... Para
akong ghost... Si ate Marielle din.. makita pa lang ako na
paparating, umiiwas na... well, mas mabuti na rin siguro yon kesa
sabunutan nya ako... I wish one day they will learn to forgive me
...
A week after the engagement party (if you can call that an
engagement party...) , pumunta na kami sa States.. Si Tita Camille
ang kasama ko at sinama ko si Tanya para may ka-buddy ako.. buti na
lang at may multiple Visa din sya at mabuti na lang at pumayag ang
parents nya na sumama sa kin kahit 1 month syang mawawala.. summer
naman at walang pasok,, mabuti na rin daw at makapagbakasyon...
Almost everyday may ginagawa kami,, meetings with the
coordinators, venue visits, wardrobe fittings, food tastings .. etc
etc... napakadami palang inaasikaso, masyado kasing mabusisi si
Tita, hi