Kalagayang Pangkalusugan ng Pilipinas sa Panahon ng mga Amerikano Mañago, Raymund Kernell B. Domingo, Christian Owen P. Gutierrez, John Ray B. Poltic, Ner Foxworth V. Ventula, Geevee N. Isang Panahunang-Papel na Ipinasa kay Prop. Jerome A. Ong Departmento ng Agham Panlipunan Kolehiyo ng Sining at Agham Unibersidad ng Pilipinas Maynila Oktubre 7, 2013
61
Embed
Health System in the Philippines (American Period)
Health System in the Philippines (American Period)
Welcome message from author
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
Kalagayang Pangkalusugan ng Pilipinas
sa Panahon ng mga Amerikano
Mañago, Raymund Kernell B.
Domingo, Christian Owen P.
Gutierrez, John Ray B.
Poltic, Ner Foxworth V.
Ventula, Geevee N.
Isang Panahunang-Papel na Ipinasa kay
Prop. Jerome A. Ong
Departmento ng Agham Panlipunan
Kolehiyo ng Sining at Agham
Unibersidad ng Pilipinas Maynila
Oktubre 7, 2013
I. PANIMULA
Ang kalusugan ay kayamanan, ika nga ng mga Pilipino. Tunay ngang mahalaga ang
kalusagan sa ating pamumuhay. Kung masama ang lagay ng ating kalusugan, tiyak rin na
maaapektuhan ang ating mga paggawa. At kapag apektado ang ating paggawa, paralisado na rin
ang ating bansa. Ang pagiging malusog ay hindi lamang isang pansariling responsibilidad. Ang
ating pamahalaan din dapat ay kailangang kumilos para sa ikabubuti ng kanyang mga
mamamayan.
Nakakitaan sa pagtatapos ng ika-labinsiyam na siglo ang paglago at pagpasok ng bagong
kapangyarihan sa Asya—ang Estados Unidos. Naagaw nito mula sa Espanya ang pamumuno sa
Pilipinas matapos buwagin ng militar nito ang pag-aalsa ng mga katutubo. Mas pinaunlad pa ng
mga Amerikanong pumalit ang mga nasimulan na ng mga conquistadores. Totoong hindi naging
mainit ang pagtanggap ng maraming katutubo sa mga bagong batas at kultura pero hindi nagtagal
ay naging bukas na rin ang mga ito sa mga polisiyang Amerikano. Binigyang pansin ng
pamahalaan, sa ilalim ng mga dayuhan, ang agham at edukasyon gayundin ang kalinisan at
kalusugan, pananaliksik at pagsusuri ng mga mikrobyo upang malunasan ang iba‘t ibang mga
epidemya‘t sakit na sumalanta sa Pilipinas, gayundin ang paggawa ng mga paraan at polisiya ang
gobyerno upang matugunan ang mga sakuna. Maraming mga institusyon at pagamutan din ang
itinayo ng mga Amerikano upang makatulong sa lipunan.
Masasabi natin na ang bawat isa sa kolonyang Pilipinas, dayuhan man o katutubo, ay
naghangad at gumawa ng paraan upang mapabuti ang kalagayang pangkalusugan. Ang tanging
pagkakaiba lamang ay ang paraan ng pagtugon nila sa mga sitwasyon—lalo na sa mga sakit—
laganap man o hindi, kaya‘t naganap ang iba‘t ibang pangyayari na nagpalawak ng tradisyon at
kulturang Pilipino.
II. PANGKALAHATANG KALAGAYAN NG KALUSUGAN NG PILIPINAS
Ito ay isang maikling pagtalakay sa mga mabubuting nagawa ng Espanya ukol sa
medisina at kalusugan dito sa Pilipinas sa mahabang taon nitong pananatili at pamamahala sa
bansa. Kung tunay man na nagkamali siya, siya rin ay may nagawang maganda na kung minsan
ay kinakaligtaan ng ilan sa ating mga mananalaysay bunga ng hindi pantay na palagay.
Ang ilan sa kauna-unahang batas na nakasaad sa Zeal of the Catholic Kings, at
matatagpuan sa sinasabing, ―Leyes de Indias‖, ay nagsasaad ng isang probisyon para sa mga
serbisyong ospital. Isinasaad doon na ang mga ordinaryong ospital ay dapat maitayo malapit sa
mga simbahan dahil sa paniniwalang hindi lang dapat ang katawan ang dapat maghilom, kasama
na rin dapat dito ang kaluluwa. Sa kabilang dako naman, ang mga ospital para sa mga
nakakahawang sakit ay dapat ipatayo sa mga lugar na tuyo sapagkat pinaniniwalaan nilang ang
mga basang lugar ang pangunahing pinagmumulan ng mga sakit.
Ayon sa pangkalahatang reporma ng gobyerno noong 1863, ang mga may kapangyarihan
ay kailangang makipagtulungan sa mga opisyal ng kalusugan sa anumang bagay na may
kinalaman sa koleksyon at pagtatapon ng basura, patubig, sanitasyon ng mga pabrika, at
sanitasyon ng mga pamilihan. Ang ilan sa mga serbisyo para sa kalusugan ng bayan na naitatag
sa pananakop ng Espanya ay ang mga sumusunod:
1. Ang Central Board of Vaccination – ito ay nabuo noong 1806 para sa produksyon,
konserbasyon at distribusyon ng lymph vaccine. Upang mapadali ang distribusyon ng mga
bakuna, ang mga magulang o mga namumuno sa mga paaralan at mga pampublikong institusyon
ay inatasang dalhin ang kanilang mga anak at mga empleyado sa munisipyo upang bigyan ng
bakuna. Kung nanaisin man nilang magpabakuna sa kanilang mga tahanan, sila ay kailangang
magbigay ng karampatang bayad.
2. Edukasyong Pangkalusugan – Ang edukasyong pangkalusugan ay para sa publiko at
karaniwang ginaganap sa mga pampublikong paaralan. Sa oras naman ng epidemya, ang mga
balita at impormasyon ay maaaring ipinagbibigay alam sa publiko sa pamamagitan ng:
a. Mga diyaryo na ipinamamahagi sa mga siyudad kagaya ng Maynila, Vigan, Iloilo,
Cebu at Zamboanga.
b. Mga paskil sa wikang Espanyol at lokal na dayalekto na karaniwang idinidikit sa
mga pasukan ng iba‘t ibang munisipyo.
c. Mga town criers na binabasa ang mga impormasyon sa mga pangunahing lansangan
upang ito ay marinig ng maraming tao.
3. Midwifery Service – Ang pamahalaan ay nagtatag ng tatlong (3) klase ng midwifery
service. May labindalawa sa unang klase na matatagpuan sa Maynila at sa mga sumusunod na
probinsiya: Albay, Batangas, Bulacan, Laguna at Pampanga. May lima naman sa ikalawang
klase para sa Ambos Camarines, Cavite, Ilocos Norte, Ilocos Sur at Zambales. At may lima rin sa
ikatlong klase para naman sa mga probinsiya ng Bataan, Cagayan, Isabela, Nueva Ecija at Nueva
Vizcaya. Ang mga kababaihang nagsagawa ng mga ito ay tinuruan sa School of Midwifery ng
Unibersidad ng Santo Tomas na itinatag noong 1879. Ito ay isang dalawang taong kurso.
4. Mga spa – Ang mga medical na serbisyo sa mga minero-medicinal springs ay
nadebelop ng mabuti. May manggagamot para sa Los Banos, sa probinsiya ng Bulacan, sa
probinsiya ng Cebu, sa Tiwi, sa probinsiya ng Albay at sa Balong, Anito at Mariveles sa
probinsiya ng Bataan. Ang chemical composition ng mga springs na ito ay iniiba ayon sa
kanilang temperatura para magkaroon ng iba‘t ibang uri ng pagpapagaling.
Maliban sa mga serbisyong nabanggit, ang mga sumusunod ay ilan din sa marami pang
kontribusyon ng Espanya sa kasaykasayn ng medisina sa Pilipinas:
1. Pagtatalaga ng lokasyon ng mga bayan upang siguruhin na ang mga ito ay nasa tamang
lokasyon.
2. Pagpapatayo ng mga sanitary houses.
3. Koleksiyon at pagtatapon ng mga basura.
4. Paghihiwalay sa mga taong may nakakahawang sakit.
5. Pag-aayos at pabubuo ng mga patubig.
6. Pagpapatayo ng mga pampublikong pamilihan.
7. Pagpapatayo ng mga slaughterhouses.
8. Pagpapatayo ng mga sementeryo.
9. Mga kampanya laban sa mga sakit kagaya ng bulutong, kolera at beri-beri.
Kung mapapansin, ang Pilipinas ay mayroon ng sistema ng kalusugan bago pa ang pagdating
nga mga mananakop na Amerikano.
III. KALUSUGAN SA PANAHON NG MGA AMERIKANO
A. Mga Karaniwang Sakit at Epidemya
i. Amoebic Dysentery
Ayon kay D.C. Worcester, Secretary of
Interior sa koloniyang Pilipinas, sa panahong
nagsimula ang panahong Amerikano, kaagad na
nagdulot ng pagdurusa ang sakit na amoebic
dysentery sa mga sundalo, mga sibil na opisyal
ng gobyerno at mga manggagawa nito. Isang
siyentipikong pagsusuri na isinagawa sa Bureau
of Science ang nagturo sa mga Amerikano ng
mga mabisang paraan upang labanan ang sakit na ito. At ito ay ang pagtatapon ng dumi sa
tamang paraan, pangangasiwa ng mabuti sa pagbobomba ng pataba sa mga gulay at ang
pagpapabuti sa mga kalagayan ng mga pinagkukuhanan ng tubig na pang-inom. Ang paggawa ng
mga ito ay nakapagpababa ng bilang ng mga namamatay mula sa sakit na ito.
Ito ay nagmumula sa isang uri ng amoeba na tinatawag na Entamoeba hisolytica. Ang
pangunahing dahilan ng paglaganap ng amoebic dysentery sa Pilipinas ay walang iba kundi ang
pag-inom ng kontaminadong tubig. Sa simula pa lang, ang mga Pilipino ay kumukuha ng
kanilang inuming tubig mula sa mga tubig na dumadaloy sa batis, mga bukas na bukal at mga
balon. Ang mga balon na ito ay napakadelikado sapagkat karaniwang gawain ang paglaba ng
mga damit malapit sa mga ito at ang maduming tubig na naglalaman ng mga masamang
mikrobyo ay napupunta sa mga balon na ito na ginagamit ng mga tao.
Mga sundalong dumanas ng Amoebic Dysentery. (Pinagkunan: www.businessinsider.com)
Ang mga pinagkukunan ng inuming tubig ng mga tao sa probinsya ay napagbuti at nalinis
sa pamamagitan ng pagtatag ng mahigit sa walong daan (800) na poso. Nagawa ito sa paggastos
ng gobyerno ng malaking halaga para sa pagtatag ng mga karagdagang balon – isang polisiya na
taos-pusong tinanggap ng mga taong bayan.
ii. Anthrax
Ang anthrax ay dulot ng B. Anthracis
bacteria. Sa isang sulat, binanggit ni W. H. Boynton
si McCullen na nag-ulat sa pagkakaroon ng anthrax
sa kapuluan. Noong Abril ng 1904, sinabi niya na si
Dr. Lusk, isang beterinaryo ng Second Cavalry sa
U.S.A., ay nag-ulat na may namatay na mga uri ng
kabayo mula sa anthrax. Idinadag pa niya si C. J.
Thompson ng Serum Laboratory sa Alabang noong
Agosto 14, 1910 na tumawag sa kaniya para sa isang
inihandang dugo. Ang dugo ay kinuha mula sa isang kalabaw na namatay ng biglaan sa may
Taytay. Pitong kaso ang sinuri galing sa Taytay na napatunayang anthrax. Ayon kay L. Lopez-
Rizal at A. C. Alomia, ilan sa mga lugar na inatake ng epidemyang ito ay sa Bangar at La Union.
iii. Bubonic Plague
Isang epektibong grupong pangkalusugan ang itinatag na binubuo ng mga may kilalang
kakayahan at malaking praktikal na karanasan na tinawag na Board of Health. Ang tagapangulo
nito ay si Major Louis M. Maus, commissioner of health. Ang ibang miyembro ay sina Mr. H.D.
Osgood, sanitary engineer; Dr. Franklin H. Meacham, chief sanitary inspector; Dr. Paul C.
Ang B. Anthracias Bacteria na siyang nagdudulot ng anthrax.
(Pinagkunan: www.medgadget.com)
Freer, superintendent of government laboratories; at Manuel Gomez, kalihim. Ang kakayahan ng
grupong ito ay subok na sapagkat sila na talaga ang gumagamot ng epidemya sa hukbong
sandatahan - ang pinagsimulan ng epidemya ng bubonic plague.
Ayon kay D.C. Worcester, ang bubonic plague ay nagsimula pa sa Maynila at lumaganap
sa Cavite at Cebu. Isang epektibong kampanya laban dito ay inulunsad at hindi na ito tinigilan
hanggang sa nasugpo ang sakit noong 1906. Isa itong kapansin-pasing tagumpay sa isang
bansang katulad ng Pilipinas. Ngunit muling kumalat ang sakit na ito noong 1912. Ang mga daga
at ang mga garapata ng mga daga ang siyang nagpapasa nito sa mga tao. Malamang, ito ay dinala
ng mga daga na nakatago sa mga malalaking kahon ng gulay sapagkat kumalat ang sakit na ito sa
isang distrito kung saan maraming kahon ng gulay ang binubuksan araw-araw. Sa parehong
panahon, ang bubonic plague ay nakita din sa Iloilo kung saan siyam (9) na katao ang namatay
bago nawala ito. Nakita din ito sa Maynila kung saan limampu‘t siyam (59) ang namatay
hanggang sa buwan ng Setyembre 1913. Kung hindi matagumpay na nalabanan ang sakit na ito,
malamang, magdudulot ito ng hirap at pagkawala ng
mga ari-arian.
iv. Bulutong
Ayon kay D.C. Worcester, ang bulutong noon
ay itinuturing na isang normal o ordinaryong
karamdaman ng pagkabata. Isang pangkaraniwang
bagay na makita ang isang bata na dinadapuan ng
sakit na ito na nakikipaglaro at nakikipaghalubilo sa
ibang mga bata na malulusog. Ang damit ng mga tao Si Dean C. Worcester, ang Kalihim Panloob ng
Taft Commission (Pinagkunan: www.wikipedia.org)
na namatay mula sa sakit na ito ay pinapasa sa ibang miyembro ng pamilya na minsan ay hindi
na nilalabhan. Ang mga dumaranas ng sakit na ito ay ibinababad ang kanilang sarili sa malamig
na tubig kapag ang lagnat nila ay tumataas na at ayon sa kanila, binabayaran nila ang parusa ng
kanilang kamangmangan gamit ang kanilang sariling buhay. Dahil maraming mga Pilipino ang
takot sa likhang-isip na bagay na tinatawag nilang aswang, kadalasan ay isinasara nila ang
kanilang mga pinto at bintana kapag sumapit na ang gabi upang maging ligtas sila mula ditto;
kaya dumating ang pagkakataon kung saan ang isang batang nangangailan ng sariwang hangin
lalo na kapag gabi ay walang nakatanggap nito – na nagdudulot nga ng sakit na bulutong.
Noong nagsimulang kumalat ang bulutong sa mga Amerikanong sundalo at nang
mabilisan itong lumaganap, inatasan si Major Frank S. Bourns ng Army Medical Corps upang
pugsain ito. Marahan niya namang natupad ang utos na ito. Sa paglipas ng maikling panahon,
ang paggamit ng simbahan ng Sta. Ana bilang isang ospital para sa bulutong ay pinahintulutan at
ang mga may sakit na Pilipino ay marahang ginagamot doon.
Sa kasagsagan ng paglaganap ng bulutong sa Pilipinas, ang mga Amerikano ay
nagsagawa ng mahigit sampung (10) milyong pagbabakuna na nagbunga sa pagbaba ng bilang
ng mga namamatay sa sakit na ito taon-taon. Mula sa umpisang bilang na apatnapung libong (40,
000) tao ay naging pitong daan (700) na lamang ito at naging mas maliit ang bilang ng kaso ng
bulutong sa Maynila kumpara sa Washington sa Amerika. Ang bakunang ginamit para sa sakit
na ito ay inihanda ng Bureau of Science sa napaka-maingat na paraan at napatunayan itong puro
at aktibo.
v. Diphtheria
Ang Diphtheria ay isang sakit na dulot ng corny bacterium. Iniulat ni A. C. Alomia na
noong 1906, ang Pilipinas ay nagtala ng 17 na bilang ng tao na nagkakasakit sa bawat 100, 000
na populasyon at noong 1916, bumaba ito sa 6 na tao na lamang. Ang karaniwang dami ng kaso
bago nagsimula ang digmaan ay 143 ngunit nang magsimula ang kalayaan, may average na 242
and narehistro, isang 59.23 porsyentong pagtaas. Binigyang pansin nina D. Stransky at N. S.
Felix ang mas malaking pagkakakitaan ng sakit sa mga bata at ipinayo ang mas maraming
pagsusuri. Naniniwala din ang mga ito na laganap sa buong Pilipinas ang diphtheria.
vi. Influenza
Pinangasiwaan ni H.W. Wade ang isang di-nailathalang gawa sa pagbubukod ng
Hemophilus influenza noong World War I sa Philippine General Hospital; Dept. of Pathology;
College of Medicine, University of the Philippines; at Bureau of Science. Siya ay isa sa mga
kawani na nagpanatili ng lahi ng Hemophilus influenza na gagamitin para sa bakuna, ngunit
hindi ito natuloy. Sa isang pag-aaral sa nakakahawang coryza o sipon, ipinapakita na ang
Hemophilus galinarum ay ang pangunahing sanhi ng nasabing epidemya. At kahit ito ay
madaling makita sa microscope, ito ay hindi mapaghiwalay kahit sa mga paraang siyentipiko.
Mga gawa at pag-aaral ukol sa chemotherapy naman ang pinangunahan nina Coronel, Baluyot, at
Levine. Natagpuan na ang streptomycin ay isang mabisang lunas sa sakit.
vii. Ketong
Ang ketong ay isang sakit sa balat na kilala na sa buong Pilipinas bago pa man dumating
ang mga Espanyol. Nagkaroon ng malawakang paglaganap nito sa mga kapuluan ng Cebu at
Panay, sa Ilocos, Gitnang Luzon, Bicol at Maynila. Ito ay nagmumula sa isang uri ng organismo
na pinangalanang Mycobacterium leprae na natuklasan ni Gerhard Armaurer Hansen noong
1873. Pagdating ng mga Amerikano, naging masusi ang pag-aaral sa ketong at kung paano
mahahanapan ng solusyon ang paglaganap nito sa buong kapuluan. Ayon kay Dr. Victor G.
Heiser, mayroong mahigit kumulang 6, 000 na ketongin sa buong kapuluan ng Pilipinas noong
mga unang taon ng ika-dalawampung siglo.
Mula panahon ng pananakop ng mga Espanyol hanggang sa mga huling taon ng ika-
labinsiyam na siglo, pinaniniwalaang ang ketong ay namamana at nagpapasalin-salin sa bawat
henerasyon. Ngunit noong natuklasan na na ito ay nanggagaling sa Mycobacterium leprae, tulad
ng nabanggit kanina, naging mas maigi pa ang ginawang mga pananaliksik hinggil sa sakit na
ito. Sinasabing ito ay naipapakalat mula sa isang ketongin papunta sa isang taong walang ketong,
kung saan ang mga sanggol at mga bata ang pinakamadaling mahawahan kapag sila ay
makikisalamuha sa mga ketongin sa matagal na panahon.
Ang pakikihalubilo sa mga ketongin ay hindi naman talaga delikado. Sa katunayan,
napatunayan na kahit ang isang ketongin at isang malusog na tao ay ikakasal at magsasama sa
iisang bubong, hindi pa rin natin masasabing malaki ang pag-asa na mahawa ang malusog na tao.
Ang dahilan kung bakit ito ay kumakalat ay marahil noong bata pa lamang, kung kailan mahina
pa ang kakayahan ng katawan upang labanan ang sanhi ng sakit, ay nakuha na ito.
Noong natuklasan na ng mga Amerikano na ang ketong ay unti-unti nang nagiging
talamak, sila ay bumuo ng isang sistema upang mapigilan ang tuluyang pagkalat nito.
Ipinanukala nila na ang mga taong nadapuan ng sakit ay kinakailangang maihiwalay agad mula
sa karamihan sa pagpapadala sa kanila sa Culion, isang maliit na lipunan na binubuo ng mga
ketongin. Ayon pa kay Dr. N. C. MacNamara, nararapat lang talaga na ilayo ang mga ketongin
mula sa lungsod sapagkat ito lang ang natatanging paraan upang unti-uting mapigilan ang
pagkalat ng sakit na ito, lalo na at nalaman nang isang organismo ang dahilan ng pagkakaroon ng
ketong.
Pagkalipas ng labinwalong taon, may mga maliliit na pagamutan na rin para sa mga
ketongin na itinatag sa mga kapuluan ng Cebu, Iloilo, Legaspi at Zamboanga, nang sa ganoon ay
maging mas madaling makapagpagamot ang mga ketongin, at hindi na kinakailangan pang
lumayo pa sa kani-kanilang mga pamilya. May mga klinika rin na naitayo, bilang suporta sa mga
pagamutan na ito, na nagsilbing hantungan para sa mga nais magpagamot ng iba‘t ibang sakit sa
balat at para na rin maagang matuklasan at malunasan ang mga may sakit ng ketong. Dagdag pa
rito, sa ilalim ng programa ng Department of Health and Public Welfare of the Republic of the
Philippines, na mas kilala bilang Bureau of Health, at U.S. Public Health Service, nagtatag sila
ng mga naglalakbay o naglilibot na klinika. Ang hangarin ng ganitong uri ng klinika ay ang
magpunta sa mga bayan at barangay ng bansa nang sa ganoon ay makapagbahagi sila ng mga
kaalaman tungkol sa ketong at makapagbigay ng libreng panggagamot sa lahat ng uri ng sakit sa
balat.
Sa panahong ito ay nagagamit pa rin ang mga naitatag na ospital noong pananakop pa ng
mga Espanyol. Ito ay ang San Lazaro Hospital sa hilaga ng Intramuros at ang Cebu Leprosarium
na itinayo sa pangunguna ng mga paring Pransiskano at naglalayong magbigay-serbisyo bilang
kawanggawa sa mga may sakit. Ang mga pagamutang ito ay naging handa sa pagtanggap ng mga
pasyenteng may ketong, kahit na nasa
malubhang kalagayan na sila. Noong 1903,
inulat ni Dr. H. B. Wilkinson na ang
kaniyang mga pasyente ay madalang
gumaling, ngunit sa kabila nito, sila ay
masaya pa rin, marahil ay dahil nakalimutan
na nila ang abiso sa kanila na magpunta sa isla
ng Culion. Mahigit 200 na ketongin ang
kayang pagsilbihan ng malinis at maayos na ospital na ito, kaya naman wala na silang makitang
dahilan para lumipat pa sa isang malayong isla.
Hindi maikakaila na kahit anong gawing hakbang upang maiwasan ang sakit na ito ay
marami pa ring mga nahawa. Dahil dito, ang Bureau of Health ay nagkaroon ng maramihang
paggawa ng chaulmoogra oil bilang lunas sa ketong. Ang paggamit ng ganitong uri ng lunas ay
nagbunga ng mainam na resulta at hindi nagtagal, naging laganap na ang paggamit nito.
Pagkatapos ng 1910, nakahanap ang grupo ni Dr. V. Heiser ng mas epektibo at bagong paraan ng
paghahanda ng chaulmoogra oil na maaaring ibigay sa pasyente – ito ay sa pamamagitan ng
pagsasaksak ng hiringgilya sa balat. Sa kabila nito, lumabas ang iba‘t iba pang mga bagong uri
ng gamot tulad ng promin, promizole, at diazone upang gamitin bilang lunas sa mga
mangaggawang Amerikano, na sinasabing epektibo at nakagagamot din. Noong 1918, idineklara
ni Dr. Heiser na ang chaulmoogra oil ay pumasa sa pagsubok ng panahon sapagkat ito lang ang
pinakamabisa at ligtas na gamot sa lahat ng mga natuklasan.
Mga manggagamot at nars sa labas ng San Lazaro Hospital.
(Pinagkunan: www.healthbeat.ph)
Habang naghahanap pa ng tuwirang gamot at bakuna para sa ketong, hirap na inilayo ang
mga ketongin mula sa masa at ipadala sa Culion, lalo na‘t sa panahong ito, ang bansa ay magulo
dahil sa mga digmaan.
Ang ginawang hakbang ng mga Amerikano upang pigilan ang pagkalat ng ketong sa
kapuluan ay dapat bigyang-pansin sapagkat ito ay nakapagdulot ng malaking pagbabago sa
kasaysayan ng ketong sa Pilipinas. Ito na nga ang kanilang pagpapadala ng mga ketongin sa
Culion at pagbuo ng isang maliit na koloniya roon. Ito ang paglalahad:
Noong ika-27 ng Mayo 1906, ang barko ng mga Amerikano o Coast Guard cutter, na
pinangalanang Polilio, ay naglalaman ng kulang 400 na pasahero na naglakbay patungong
Culion, isang isla sa malayong
kanluran ng Pilipinas. Sila ang unang
pangkat ng mga ketongin na pinilit na
umalis mula sa kanilang mga tirahan
at magtungo sa Culion kahit na
walang kasiguraduhan kung sila ay
magbibigyan ng maayos na pamumuhay
roon. Noong 1910, isa pa uling pangkat, na
binubuo ng 5,000 ketongin, ang naglakbay sa karagatan papuntang Culion. Ngunit hindi lahat ay
naging matagumpay. Tatlong libo (3,000) sa kanila ay namatay pagkadating pa lamang sa isla,
habang 114 naman sa kanila ay nakatakas. Sinabi pa ni Richard Johnson, isang korporal, ang
‗Culion‘ ay isang salita na siyang nakapagdudulot ng pagkalungkot sa mga taongbayan. Para
Ang kolonya ng Culion kung saan namamalagi ang mga ketongin.
(Pinagkunan: www.gutenberg.org)
naman sa mga ketongin, ang Culion ay siya nilang kinatatakutan na minsan nga‘y mas
nasisindak pa sila rito kaysa sa mismong sakit nila. Pagkatapos ng maraming taon, naging
malapit na rin sila sa Culion at natutunan na rin nilang mahalin ang islang ito.
Binuo ng mga Amerikanong opisiyal ang ganitong uri ng koloniya nang sa ganoon ay
mapag-aralan pa nila nang mas mabuti ang sakit at ang mga katangian nito. Isa pa, nais din
nilang magkaroon ng kanlungan ang mga ketongin na para sa kanila lamang, sapagkat sa
lungsod, sila ay kinukutya at itinatanggi bilang bahagi ng pamayanan. Sila ay sinusubukang
pagalingin mula sa sakit sa pamamagitan ng regular na pagsasaksak sa kanila ng chaulmoogra
oil; sila ay tinuruan ng tamang kalinisan sa katawan at sa pamamahay sa pamamagitan ng araw-
araw na paliligo, pangangalaga sa kanilang hardin, at pagwawalis sa tapat na kanilang mga
tirahan; isa pa, pinaunlad sa kanila ang kumpiyansa na sila ay mananatiling bahagi pa rin ng
lipunan sa pamamagitan ng paggawa ng mga kasangkapang pangkalakaran, pagsali sa mga
larong pampamayanan, at pagbibigay sa kanila ng karapatang bumoto tuwing eleksyon.
Ang kaso nina Jose E. (1913) at Marcelo A. (1909) na kung saan sila ay naging
bacteriologically negative matapos ang ilang taon ng pagtanggap ng chaulmoogra oil ay
nagbigay-daan upang kilalanin ang kolonya ng mga ketongin, ang Culion, bilang isang ganap na
institusyon. Naging sikat ang Culion bilang isang laboratoryo para sa chemotherapy ng ketong.
Makalipas ang panahon, ang mga kababaihan ay nanganak sa koloniya. Upang
magkaroon ng seremonya, pagkatapos ng 1910, pinangunahan ng simbahan ng Culion ang
pagkakasal sa mga magkasintahan at sa pagbuo ng mga pamilya. Marami sa mga anak nila ay
walang bahid ng sakit. Sa maikling panahon, pinabayaan ng mga Amerikanong opisiyal na ang
mga ketongin na magulang at ang malusog na anak ay magsama sa iisang tahanan. Ngunit dahil
sa takot na makuha ng mga anak nila ang sakit, noong 1915, idinadala na ang kanilang mga
sanggol sa Balala nursery at duon ay sama-samang inaalagaan ang mga malulusog na anak ng
mga ketongin. Tuwing araw ng Linggo ay maaaring bisitahin ng mga magulang ang kanilang
mga anak. Pagtungtong ng mga anak nila sa ikalawang taon, sila ay ipinapaampon o kaya naman
ipinapadala sa Welfareville Institution sa Maynila.
Nang maging gobernador-heneral si Leonard Wood, M.D., noong 1922, mahigit 1/3 ng
pondo para sa kalusugan ng Pilipinas ay napunta sa Culion. Bagaman maraming gumaling dahil
sa mas pinatinding pagtutok sa pananaliksik at pasilidad, naghirap din ang mga ito sa pag-alis sa
kolonya. Sa parehong taon, napagdesisyunan ng mga miyembro ng Senado ng Pilipinas, matapos
bisitahin ang Culion, na ito ay isang ‗walang kwentang‘ institusyon na pinaglalaanan ng pondo at
tinawag itong isang kakaibang Amerikanong pag-aaksaya sa isang mahirap na kapuluan. Sa
sitwasyon, ikinumpara ng pangulo ng Senado, si Manuel L. Quezon, ang malaking gastos sa
pagrereporma sa mga ketongin na may 6, 000 na populasyon at ang kakarampot na pondo para sa
tuberculosis na pumapatay ng may 30, 000 Pilipino bawat taon.
Noong 1930, nawala ang konsentrasyon ng mga ketongin sa Culion. Sa halip, bagong
mga pagamutang estasyon ang ikinalat sa kapuluan na nagbigay-daan para sa mga ketongin
upang magkaroon ng normal at maayos na pamumuhay habang nagpapagamot.
Naging isang matagumpay na lipunan ang Culion. Ito ay naging isang kanlugan para sa
mga ketongin at nagsilbing lugar na tinawag nilang tahanan. Ayon kay J. D. Long, sa nakita niya
ay maaari niyang masabi na ang Culion ay isa sa mga pinakamalilinis na lugar sa Pilipinas.
Dagdag pa rito, mula sa ulat ng isang lupon ng mga Amerikano na pinangunahan ni Dean
Worceseter, sinabi nilang ang Culion ay isang akmang lugar para makapagtatag ng isang
koloniya ng mga ketongin. Wala na ni isa man sa kapuluan, maliban sa Culion, matatagpuan ang
isang isla na tila ba maibibigay ang lahat ng pangangailangan ng mga naninirahan dito – isang
paraiso.
viii. Kolera
Noong 21 Marso 1902, sinabihan si D.C. Worcester na dalawang pasyente mula sa
ospital ng San Juan de Dios ay nagkakaroon ng sintomas ng kolera at sa sumunod na araw ay
isang positibong pagsusuri sa laboratoryo ang isinagawa. Maraming kaso ang kaagad na
sumunod. Naharap sina D.C. Worcester sa isang matinding epidemya ng napakapeligrosong sakit
na ito. Sa simula, ang bilang ng mga taong namamatay dahil sa kolera ay halos umabot na sa
isangdaang porsyento ng mga nagkasakit. Sa kasamaang palad, walang tao na konektado sa
serbisyong medikal ng Pilipinas ang may praktikal na karanasan sa pagharap sa sakit na ito.
Sa umaga ng Marso 22, sinabihan ni D.C. Worcester si General Chaffee tungkol sa
sitwasyon at humingi siya ng sapat na pwersang militar na ipadala sa tambak ng ilog ng Marikina
upang protektahan ang tubig na pinanggagalingan ng lungsod mula sa posibleng kontaminasyon.
Ang hiling na ito ay siya namang natugunan na, at napatunayan naman nang ang mga guwardya
na pinadala ay sapat upang mapanatiling malinis ang tubig ng lungsod.
Ngunit, may tatlong
bayan sa itaas na bahagi ng ilog
kung saan nakasanayan na ng
mga tao dito ang maligo at
maglaba sa batis na ito. Marami
sa mga maruming balon ang
Ang paraan ng padidismpekta ng mga bahay laban sa kolera.
(Pinagkunan: www.gutenberg.org)
kaagad tinabunan ng lupa. Ang mga tao na hindi talaga sanay sa mga hadlang upang
mapanatiling malinis ang lugar ay kumapit sa kanilang paniniwala na may karapatan silang
gawin kung anuman ang gusto nila. Umayaw sila sa pagdisimpekta ng kanilang bahay. Naging
masama ang kanilang pananaw tungo sa Board of Health. Dahil dito, isang kampanyang pang-
edukasyon ang kaagad na inilunsad at mga simpleng direksyon upang maiwasan ang impeksyon
ay inilathala at pinalaganap. May mga istasyon na itinatag sa lungsod upang mamahagi ng
malinis na tubig. Ang pagbenta ng mga pagkain na maaaring mapagkunan ng kolera ay
ipinagbawal. Isang hiwalay na lupa ang ginawa na nakapalibot sa lungsod upang maprotektahan
ang mga probinsya.
Dahil sa inaasahang
posibleng epidemya ng kolera, isang
kampo ang ginawa sa San Lazaro
kung saan dinadala ang mga taong
dinapuan ng kolera. Isang ospital
para sa kolera ang itinayo malapit
dito at ang mga may kolera ay
kaagad na dinadala dito mula sa
kanilang bahay. At ang kanilang mga
bahay ay dindisimpekta o kaya ay
sinusunog kapag hindi na nakayanan ng pagdisimpekta. Ang mga katawan ng mga namatay
sanhi ng kolera ay binabaon sa isang selyadong kabaong o sinusunog. Nang nanganib ang kampo
at ospital sa San Lazaro dahil sa dumami ang mga taong nagkaroon ng kolera, isang
Ang mga maruruming balon na pinanggagalingan ng sakit na kolera.
(Pinagkunan: www.gutenberg.org)
pangalawang kampo at ospital ang itinayo sa Santa Mesa kung saan pwedeng tumira ang mga
may sakit sa mga tolda.
Nang nangyari na ang epidemya, may maraming mga tao sa Maynila na may mga
masamang balak na hindi pinapalampas ang pagkakataon upang gumawa ng gulo. Maraming
mahirap na pagsubok ang dinanas ng Board of Health dahil sa mga mangmang na taong kasali sa
serbisyong medikal na nagsasabi na ang sakit ay hindi raw kolera. May mga sabi-sabi ring
kumalat na pinapatay daw ang mga taong may kolera sa mga kampo at ang mga pasyenteng
bagong dating sa mga ospital ay pinapainom ng likidong may lason at agad-agad silang namatay.
May sabi-sabi din na ang malinis na tubig na ipinamamahagi ay may lason at nilalagyan daw ng
lason ng mga Amerikano ang mga balon. Sa kabila ng lahat na ito, naging matagumpay pa rin
sina D.C. Worcester sa laban kontra sa kolera. Ang kolera na nagsimula noong Marso 1902 ay
nawala sa pagdating ng Marso 1904.
Isang pinakasikat na tao noong panahon ng
Amerikano na namatay dahil sa kolera ay si Apolinario
Mabini. Sa paglalahad: Si Mabini ay ipinatapon sa Guam.
Nakipag-usap siya sa mga Amerikanong opisyal na
pauwiin siya sa Pilipinas upang sulyapan niya ang
kaniyang bayan. Kung maganda ang kinalabasan ng
koloniyalismo ng Amerikano, siya ay manunumpa sa
watawat ng Amerika; kung hindi ay magpapatapon siya sa
Guam. Pumayag ang mga Amerikano. Nang nasa Pilinas
na siya, muli niyang tinikman ang paborito niyang gatas ng
Si Apolinario Mabini, ang isa sa mga kilalang biktima
ng sakit na kolera (Pinagkunan: www.asianjournal.com)
kalabaw, na hindi naman pala pasteurized o dumaan sa proseso ng paglilinis, kaya naman siya ay
tinamaan ng kolera, kasabay na rin ng epidemya ng sakit na ito sa ganitong panahon. Siya ay
namatay noong Mayo 13, 1903. Ito ay ayon sa paglalahad ni Prop. Jerome Ong, M. A. History sa
kaniyang klase sa kasaysayan.
ix. Malaria
Noong dumating ang mga Amerikano sa
Pilipinas, ang malaria ay pumatay ng kasing dami ng tao
katulad ng bulutong. Ang malaria ay laganap sa
maraming rehiyon noon kung saan mahirap makakuha
ng epektibong quinine. Ang mga quinine na ibinebenta
sa tindahan ay karaniwang naglalaman ng cornstarch o
plaster of Paris. Si D.C. Worcester, ang Secretary of
Interior noon, at mga Amerikano ay nagdala ng quinine
at nakipag-kaibigan sila sa mga katutubong mga Pilipino
sa pamamagitan ng pagbigay nito sa mga may sakit. Ang
antas ng pagkamatay ay nabawasan ng malaking porsyento sa pamamagitan ng pagbigay ng
milyon-milyong dosis ng quinine. Nakapag-pababa din sa dami ng namamatay mula sa malaria
ang pag-aalis sa mga hindi ginagamit na tubig at pagbobomba ng petrolyo sa mga lugar kung
saan pwedeng tirhan ng mga lamok na maaaring magdala ng sakit na ito. Tinuruan din ng mga
Amerikano ang mga katutubo sa kahalagahan ng pagtulog sa ilalim ng isang kulambo. Ang mga
tao na naapektuhan na ng malaria ay inilalagay sa malinis at ligtas na lugar kung saan hindi na
sila makagat pa ng mga lamok upang hindi na rin lumala pa ang kanilang kondisyon.
Ang baktiryang Plasmodium na siyang nadudulot ng sakit na malaria.
(Pinagkunan: www.wikipedia.org)
Ang mga resulta na nakuha mula sa pagsugpo ng malaria ay karaniwang nakakamangha.
Ang Calapan, kabisera ng Mindoro, na tinaguriang ―White Man‘s Grave‖ dahil sa laganap na
lagnat mula sa malaria ay naging isang pambihirang malusog na probinsya. Ang Iwahig, sa
Palawan, kung saan maraming kaso ng malaria, na nagdudulot ng mga pagkamatay, ay naging
isang malusog na lugar. Nagpapakita ito na maaari pa ring malutasan ang mga problema sa
pamahalaan kahit gaano na ito kaseryoso.
Si Emilio Jacinto ay isa sa mga pinakakilalang
personalidad na nasawi dahil sa malaria. Sa paglalahad: Nais
niyang mag-aaral sa itatayong paaralan ni Apolinario Mabini sa
Malolos, Bulacan kaya naman nagsulat siya ng isang liham sa
kaniya. Pumayag si Mabini sa ganitong hiling kaya naman
pinapunta niya si Jacinto sa Malolos. Sa daan papuntang Malolos,
kinagat siya ng lamok sa Mahayhay, Laguna at doon ay tinamaan
siya ng malaria at kalaunan ay namatay siya sa noong Abril 16,
1899. Ito ay ayon sa paglalahad ni Prop. Jerome A. Ong, M.A.
History sa kaniyang klase sa kasaysayan.
x. Pagkalason mula sa Salmonella (Salmonellosis)
Ang salmonellosis ay isang uri ng pagkalason mula sa pagkain dulot ng isang
organismong tinatawag na salmonella. Maaari itong makuha kung ang isang tao ay makakakain
ng isang pagkaing mayroong salmonella. Ang isang taong naapektuhan na ng salmonellosis ay
maaaring makaramdam ng pananakit ng tiyan at pagdudumi, lagnat, at ang pagkirot ng kalamnan
sa may bahagi ng tiyan. Ito ay unti-unting lumalala mula 12 hanggang 72 oras pagkatapos ng
Si Emilio Jacinto, ang Utak ng Katipunan, ay isa rin sa mga bayaning namatay dahil sa
sakit na malaria. (Pinagkunan: www.geni.com)
impeksyon. Sa kabila nito, marami-rami na ring kaso ang nakapagpatunay na maaaring gumaling
ang isang tao mula sa salmonellosis kahit hindi ito ginagamot.
Si C. Monserrat ay nag-ulat ng kaso na may impeksiyon na nakita sa autopsya at kinalala
ang organismong ito bilang Salmonella paratyphi. Noong 1924, inihayag nina C.R. Lacy at O.
Garcia na 15% ng mga Salmonella paratyphi ay nakita sa mga pagsusuri ng dugo noong
parehong taon. Si T. Topacio ay nagsagawa ng masusing pag-aaral sa mga baboy patungkol sa
kaso ng salmonellosis noong 1936. Ito ay nagpapakita na ang salmonellosis ay may kaugnayan
sa kaso ng cholera sa mga baboy. Nakita ang Salmonellosis suis sa dugo, atay, at pasak ng
baboy. Ito rin ay natagpuan bilang pangalawang organismo na dahilan ng nakakahawang
pulmonya sa mga baboy.
xi. Pasteurellosis (Haemorrhagic septicaemia)
Ang pasteurellosis ay isang sakit o impeksyon na dulot ng isang bacteria na tinatawag na
pasteurella. Ang pinakanakababahala sa lahat ng mga uri ng pasteurella ay ang Pasteurella
multocilda. Ang karaniwang tinatamaan ng organismong ito ay ang itaas na bahagi ng
respiratory tract.
Ito ay kumakalat sa pamamagitan ng pisikal na pakikisalamuha sa ibang tao, o ‗di kaya
naman ang pagkain ng mga pagkaing nakontamina na ng ganitong uri ng bacteria. Maaari rin
itong makuha kapag ang isang tao ay nakagat ng isang pusa o aso na mayroong pasteurella.
Gayunpaman, hindi ito madaling maipasa sa ibang tao.
Ang mga karaniwang sintomas ay pamamaga, panunugo, at cellulitis o ang malubhang
pagdurugo ng bahagi sa ilalim ng balat. Ang silakbo ng pesteng ito ay naganap sa Maynila noong
1912. Ayon kay V.G. Heiser, hanggang Oktubre 1, 1912, ang porsyento ng mga apektadong mga
daga ay nasa 0.005% at nadiskubre na kung nasaan ang mga dagang apektado ng pasteurella,
naroon din ang karamihan sa mga nagkakasakit ng pasteurellosis. Si R. Strong ang pangunahing
nag-aral tungkol sa bakunang posibleng pumuksa sa salot na ito. Si O. Schobl, ang nanguna sa
paggawa ng masusing pag-aaral sa laganap na sakit na ito sa Maynila noong 1912 hanggang
1913.
xii. Tuberculosis
Ayon kay Basilio Valdes, Major General, P.A., Chief of
Staff ng Secretary of Health and Public Welfare, ang
matagumpay na pagpugsa sa pagkalat ng tuberculosis ay
matatamo lamang sa pamamagitan ng purong aksyon ng masa,
ng mga institusyong pangkalusugan at mga pinuno ng
pamahalaan.
Ang tuberculosis ang nanguna sa listahan ng mga
pangunahing dahilan ng pagkamatay sa buong mundo sa
pagitan ng mga taong 1927 hanggang 1937. Ang epidemyang
ito ay nabigyan ng, kung hindi man pinakamalaki, katumbas na
prayoridad sa pagpaplano ng pambansang rehabilitasyon ng anumang problemang binibigyan ng
pinakamataas na pansin na kinakaharap ng Pilipinas.
Sa bawat labinlimang minuto, isang Pilipino ang namamatay dahil sa tuberculosis sa
Pilipinas. 35,000 Pilipino sa pinakaproduktibong panahon ng kanilang buhay, ang namamatay sa
sakit na ito bawat taon. Sa pagsusuri, sa halagang P1,000 bawat pagkamatay, P365 ang
Si Basilio Valdes, Chief of Staff ng Secretary of Health and Public
Welfare (Pinagkunan: www.doh.gov.ph)
nagagastos para sa pagkain at gamot, P20 para sa gastos sa libing. Ang 35,000 bilang ng mga
namamatay dahil sa tuberculosis ay kumakatawan sa pagkalugi ng P69,475,000 bawat taon.
Gayunpaman, maaaring mapigilan at mabawasan ang paglaganap nito kung naturuan at
nabigyan ng sapat na impormasyon ang mga tao upang iwasan at waksiin ang epidemyang ito.
Kaya kung titignan ang mga kakulangan sa mga kampanyang pinondohan ng gobyerno at ang
mga pribadong institusyon, ang suliranin ng tuberculosis ay nanatiling peligroso.
Samantala, ang mga maunlad na bansa tulad ng Amerika, Inglatera, at Alemanya ay
nagtagumpay sa pagsugpo ng tuberculosis hanggang sa tuluyang pagkawala nito. Sa Pilipinas,
ang kabuuang bilang ng mga namatay ay 33,000 noong 1930 at tumaas sa 35,000 noong 1940.
Ang pagtaas na ito ay dahil sa mahinang aktibidad at mga panukalang ipinatupad upang labanan
ang tuberculosis tulad ng (1) pambansang kampanya ng impormasyon, (2) anim na
pampublikong pagamutan, (3) isang palusugan na may 600 kama, (4) limang pabilyon na may
400 kama, (5) isang preventorium na may 100 kama; at (6) gugol na P1,500,000 bawat taon.
B. Mga Institusyong Pangkalusugang Naitatag
i. Bureau of Health
Noong Setyembre 29, 1898, sa bisa ng General Order No. 15, binuo ang Board of Health
para sa siyudad ng Maynila. Si Dr. T.H. Pardo de Tavera at Dr. Aristone Bautista Lim, kasama
ang tatlo pang Amerikanong doktor, ang bumuo sa unang provisional board. Dahil ang general
order ay para sa benipisyo ng mga Amerikano, nilayon ng institusyon na bigyan ng tuon at
protektahan ang kalusugan ng mga Amerikanong sundalo. Noong Agosto 26 ng sumunod na
taon, inalis ang Board of Health at inatasan si Dr. Guy Edie bilang unang Commissioner on
Health. Taong 1901, itinatag ang Board of Health para sa Pilipinas sa pamamagitan ng Act No.
157. Ito ang naging Insular Board of Health matapos itatag ang mga probinsyal at munisipal na
mga antas ng health boards sa pamamagitan ng Act No. 307 at 308. „Di nagtagal, tinanggal ang
Insular Board of Health at ang mga trabahong ginagampanan nito sa pamamagitan ng Act No.
157; pinalitan ito ng Bureau of Health sa
ilalam ng Department of Interior. Si Dr.
Victor Heiser ang unang direktor ng
kalusugan. Sa bisa ng Philippine
Commission Act No. 1487, pinalitan ang
mga health boards sa probinsyal na antas
ng mga district health officers. Taong
1912 nang ipasa ang tinaguriang Fajardo
Act kung saan pinaigting ang kalinisan sa
mga munisipalidad at sinimulan ang pondo para sa kalusugan. Pagkatapos ng tatlong taon,
pinalitan ang pangalan ng Bureau of Health at ginawa itong Philippine Health Service. Hindi
naglaon ay muli itong ibinalik sa dating pangalan. Si Dr. Vicente de Jesus ang unang Pilipinong
direktor ng kalusugan.
Ayon sa Report of the Philippine Commission to the Secretary of War (1900-1915), ang
ahensyang ito ng kalusugan ang isa sa mga pinakaimportanteng trabaho ng gobyerno dahil ang
mga layuning nakapaloob dito ay mas binibigyang-pansin ang interes ng mga tao. Sa ilalim ng
Bureau of Health at Bureau of Quarantine, nasugpo nang maayos at mabilis ang iba‘t ibang
Ang lumang gusali ng Bureau of Health. (Pinagkunan: www.wikimedia.org)
epidemya sa Maynila gaya ng cholera at tinagurian ang lungsod bilang isa sa mga pinakamalinis
at pangkalusugang lugar sa malayong silangan.
Ang pagbabakuna ay naging malawakan sa pamumuno ng institusyong ito; ang bulutong na
dating sikat, dahil pumapatay nang may 30,000 na tao bawat taon, ay halos hindi na kilala dahil
sa bisa ng mga gamot, sa kabila ng maliit na pagkalat nito sa Samar noong 1914.
Dahil sa patuloy na bisa ng trabaho ng ahensya, napababa ang antas ng mga namatay sa
Maynila. Ayon sa istatistika, Hunyo, 1914 ang nagtala ng pinakamababang antas ng mga
namamatay sa kahit anong buwan sa 1914. Sa kabila ng maayos na trabaho ng ahensya, ang mga
opisyal sa mga probinsya sa pagdaan ng mga taon ay naniniwalang tumatanggap ang Maynila ng
hindi pantay na halaga ng alokasyon para sa kalusugan at kalinisan. Isang halimbawa ay ang
pagbibigay ng 52 porsyento na pondo sa mga nasa labas ng Maynila kahit ang mga ito ay
bumubuo sa 97 porsyento ng buong populasyon ng Pilipinas. Samakatuwid, ayon sa mga tiga-
Maynila, ito daw ang sentro ng komyunikasyon kaya dapat lang na ito ang bigyan ng
pangunahing pansin.
Iba‘t iba pang sakit at epidemya ang hinarap ng Bureau of Health. Ilan sa mga ito ay
ketong, beri-beri, malaria, at typhoid fever. Kasali na rin ang typhus fever, cancer at diphtheria.
Upang matugunan ang mga ito, ilang mga batas ang ipinasa. Ang mga ito ay nagtatakda ng
pondo para sa iba‘t ibang pasilidad na kaakibat sa pagtutok sa mga sakit. Ilan sa mga ito ang Act
No. 2370, para sa medikal na pagpapagamot ng mga mahihirap; Act No. 2376, para sa pagkuha
ng tiqui-tiqui na kailangan sa paggamot ng beri-beri; Act No. 2378, para sa paggawa ng pasilidad
sa ospital ng San Lazaro; at mga dating batas na inamyendahan para sa Culion. Ang iba pa ay
mga pondo para sa palakasan, kalinisan at sanitasyon, pagkain at gamot.
May mga polisiyang ipinatupad ang ahensya sa gitna ng mga epidemya. Ilan sa mga
pagtugon nito sa mga sakit ay may kinalaman sa pagkontrol ng pansariling pakikisalamuha at
kampanya laban sa mga daga. Hiningi ng ahensya na ihiwalay ang mga naapektuhan ng
epidemya. Ang silid ng may sakit ay nilinisan gamit ang carbolic acid at lahat ng walang
halagang damit at kagamitan ay sinunog. Ipinayo nito sa publiko na uminom lamang ng mga
ipinakulong tubig, sundin ang mga batas para sa pangkalahatang pansiriling kalinisan, at laging
linisan ang mga basura. Idinagdag pa nito na ang pagsusuot ng sapatos at medyas ay tumutulong
sa pag-iwas sa sakit.
Bukod sa mga polisiyang pang-epidemya, mayroon ding mga ipinatupad ang Bureau of
Health ukol sa pagkontrol ng dumi, suplay ng tubig, malaria, ketong at mga pista. Noong 1912,
binalaan ng ahensya ang mga Pilipino tungkol sa dumi ng tao na mas delikado pa sa arsenic,
isang delikadong kemikal. Sinabi pa nito na kahit sino ay maaaring dapuan ng mga sakit dahil sa
mga organismong marahil ay nanggaling sa mga dumi. Ayon kay Dr. Wallace de Witt, ang mga
katutubo raw ay hindi malinis sa gawain ng mga ito. Sinabi naman ni Dr. Thomas R. Marshall na
dapat daw turuan ang mga Pilipino na ang pagdumi kung saan-saan ay delikado at dapat itigil.
Kaya naman, inirekomenda nito na dapat sanayin ng mga Amerikano ang mga Pilipino na
umasta at gumalaw na kasing-ayos ng kahit sinong responsableng Amerikano.
Isa sa mga itinuturing na lugar na pinagmumulan ng mga nakakahawang sakit ay ang
mga bukas na pamilihan tulad ng Divisoria sapagkat dito ang sentro ng polusyon at dumi na
kasama sa kalakalan. Sa iba‘t ibang dayuhan, halos lahat ng pumunta sa pamilihan ay kinakitaan
ng negatibo at masama ang lugar. Sabi ni LeRoy, kung hindi kokontrolin, ang mga pamilihan ay
magiging sentro ang mga ito ng impeksyon. Ayon naman sa manunulat na si William Freer,
bilang reaksyon sa ingay at pamumuhay na kaakibat ng mga pamilihan, ang mga salita ay wala
daw kakayahang ipinta ang kalagayan ng buhay sa mga kalye ng Maynila.
Sa suplay ng tubig, nakahanap pa rin ng bakas ng bacteria sa mga ito. Kaya naman,
bilang pagtugon, itinakda ng direktor ng kalusugan na dapat ipakulo ang tubig sa takure ng 15
minuto bago ito ipainom ng mga nagbebenta. Nakitaan rin ng Bureau of Health ang mabilis na
pagkalat ng sakit sa pamamagitan ng iisang baso na ginagamit ng maraming tao. Upang
solusyanan ito, ipinayo ng ahensya ang paggamit ng mga disposable na mga baso na gawa sa
matigas na papel.
Sa mga aspeto naman ng mga sakit na dala ng lamok gaya ng malaria, ang pagkontrol
sa populasyon ng insekto at pagbibigay ng mga dosis ng quinine na nakatulong sa paglaban sa
sakit mismo ang pinagtuunan ng pansin ng ahensya. Hanggang sa ngayon, ito rin ang ginagawa
ng ating pamahalaan. Nakatulong nang malaki ang ginawang pag-alis sa mga hindi ginagamit na
tubig at pagbobomba ng petrolyo sa mga lugar kung saan pwedeng tirhan ng mga lamok.
Pinayuhan ng mga kawani ng ahensya ang mga Pilipino na gumamit ng kulambo upang hindi
makagat ng lamok.
Ang pagtugon naman ng Bureau of Health sa ketong ay isa sa mga maaaring hindi
malilimutang kontribusyon ng mga Amerikano sa Pilipinas. Upang tugunan ang problema sa
mga ketongin, nagpatayo ng isang lipunan ang ahensya sa pamumuno ng unang direkor ng
kalusugan na si Dr. Heiser. Tinawag itong koloniya ng Culion. Maraming Pilipino ang nawalay
sa kanilang mga pamilya dahil ang Culion ay ihiniwalay sa lipunan. Marami ang naghirap sa
proseso subalit ‗di maikakaila ang mga ginawang pananaliksik ng mga dalubhasa na talaga
namang nagbigay-daan upang malunasan ang sakit. Nakilala ang Culion bilang isa sa
nagpasimula ng konsepto ng espesyal na lugar ng pagamutan para sa mga ketongin sa Asya. Sa
kabila ng lahat ng ito, tinutulan ng mga mambabatas ang proyekto sa kadahilang masyadong
malaking parte ng pondo para sa kalusugan ang napupunta rito. Dahil din sa kolonyang ito,
naging masama ang imahe ng Bureau of Health sapagkat lumalabas na parang ginagamit lamang
nga mga Amerikano ang Culion upang makakuha ng pagkilala sa sangay ng medisina sa buong
mundo. Isang ebidensya ay ang pagpapabaya ng ahensya sa sakit na tubercolosis na pumapatay
ng libo-libong tao bawat taon at ito ay binigyang pansin ni Manuel L. Quezon. Sa kabila nito,
ipnagpatuloy pa rin ang operasyon sa Culion.
Bilang kasama sa aspeto ng kalusugan, nakipagtulungan ang Bureau of Health sa
Bureau of Science upang mas mapagtibay pa ang mga paraan ng paglaban, pagkilala at
paggamot sa iba‘t ibang klase ng sakit, gayundin ang pagdiskubre ng mga bagong gamot.
Hanggang sa kasalukuyan, nanatili pa rin ang tinatawag nating Bureau of Health, na mas kilala
bilang Department of Health. Bagaman napalitan na ang panahon, halos magkapareho ang
ginagampanang trabaho ng dalawa. Ang ahensya ang isa sa mga maituturing ng pamana ng mga
Amerikano sa ating bansa.
ii. Bureau of Science
Taong 1901 sa Bureau of Science nang simulan ng mga dalubhasang Amerikanong
mananaliksik ang pag-aaral sa pangkahalatang siyensya, lalo na sa medikal na suliranin. Ito ay
nabigyan ng bagong pangalan noong 1945 na Institute of Science and Technology. Ang kanilang
mga likha ay nailathala sa Philippine Journal of Science.
Si L. Topacio, ang may-akda ng Philippine Journal of Science, ay nag-ulat ng pag-unlad
ng bacteriology and serology sa Pilipinas sa taong 1903-1953 at binansagan niyang
„Development of Bacteriology and Immunology in the Philippines‘.
Noong 1888, itinayo ang unang
laboratoryo ng gobyerno sa Maynila at si
Anacleto del Rosario, na isang kimiko, ang
kauna-unahang namuno rito. Noong Enero
16, 1900, ang Secretary of War ay nagtakda
ng pagbuo ng laboratoryo para sa
bacteriology at immunology sa Pilipinas na
pamumunuan ng U.S. Army Medical Board.
At noong 1901, ang Bureau of Government Laboratories ay itinatag ng Philippine Commission
at si P.C. Freer, isang kimiko, ang hinirang na tagapangasiwa. Si Dr. R. P. Strong naman ang
naitakda na Direktor ng Biological Laboratory. At noong 1906, ang institusyon ay tinawag na
‗Bureau of Science‘
Ayon sa Philippine Bureau of Science Press Bulletin (1918), ang Bureau of Science ay
nabuo at unang nakilala bilang Bureau of Government Laboratories noong Hulyo 1, 1901 sa bisa
ng Act No. 156 ng komisyon ng Pilipinas. Ang mga unang eksperimento at imbestigasyon ay
nagsimula noong Disyembre 9, 1902. Ayon sa sa bulletin issue, ito ay may 30 siyentipiko na
gumagawa ng iba‘t ibang imbestigasyon kung saan kabilang ang mga pag-aaral sa botany,