KABANATA I ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO Introduksyon Tayong mga tao ay may kanya-kanyang pagtingin sa ating mga sarili. Dito natin binabase ang kahalagahan natin sa ating mundong ginagalawan. Kadalasan, ang ating pagtingin sa ating mga sarili ang nagbibigay sa atin ng hinuha kung ano ang ating kalalabasan sa hinaharap. Ito ay sa kadahilanan na ang ating pagtingin sa ating mga sarili ay nakakaapekto sa ating mga ginagawa sa kasalukuyang panahon. Ang pagtingin sa sarili o sa ingles ay tinatawag na “self- esteem” ay isang kritikal at personal na ebalwasyon kung ano ang ating silbi at isang sentral na bagay sa ating silohikal na pagkatao. Sa madaling salita, ito ay ang ating pananaw sa kung sino at ano ba talaga tayo. Kadalasan, ang mga taong may mataas na pagtingin sa sarili ay madaming nagagawa sa buhay. Ngunit hindi naman ito nangangahulugan na lahat sila ay nagiging matagumpay sa kanilang mga buhay. Sa kabilang banda, ang mga taong may mabababang tingin sa kanilang sarili ay hindi nakakatrabaho ng maayos. Nawawalan sila ng pokus sa kanilang mga 1
This document is posted to help you gain knowledge. Please leave a comment to let me know what you think about it! Share it to your friends and learn new things together.
Transcript
KABANATA I
ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO
Introduksyon
Tayong mga tao ay may kanya-kanyang pagtingin sa ating mga sarili. Dito natin binabase
ang kahalagahan natin sa ating mundong ginagalawan. Kadalasan, ang ating pagtingin sa ating
mga sarili ang nagbibigay sa atin ng hinuha kung ano ang ating kalalabasan sa hinaharap. Ito ay
sa kadahilanan na ang ating pagtingin sa ating mga sarili ay nakakaapekto sa ating mga ginagawa
sa kasalukuyang panahon.
Ang pagtingin sa sarili o sa ingles ay tinatawag na “self-esteem” ay isang kritikal at
personal na ebalwasyon kung ano ang ating silbi at isang sentral na bagay sa ating silohikal na
pagkatao. Sa madaling salita, ito ay ang ating pananaw sa kung sino at ano ba talaga tayo.
Kadalasan, ang mga taong may mataas na pagtingin sa sarili ay madaming nagagawa sa buhay.
Ngunit hindi naman ito nangangahulugan na lahat sila ay nagiging matagumpay sa kanilang mga
buhay. Sa kabilang banda, ang mga taong may mabababang tingin sa kanilang sarili ay hindi
nakakatrabaho ng maayos. Nawawalan sila ng pokus sa kanilang mga ginagawa dahil sa bawat
trabaho na kanilang gagawin, pinangungunahan sila ng takot. Saan nagbunga ang ganitong takot?
Ito ay dahil sa kanilang mababang pagtingin sa sarili. Nawawalan sila ng kompiyansa sa sarili na
kaya nilang gawin ang mga trabaho o kahit ano pang aktibidades na pinapagawa sa kanila.
Kung tutuusin, ang pagkakaroon ng mataas at mababang pagtingin sa sarili ay madaming
mabubuti at masasamang epekto sa tao. Isa na dito ang mga estudyante. Alam naman natin na
madami silang kinakaharap na sulirinan lalo na sa pag-aaral. Ang pananaliksik na ito ay
sumasakalaw sa mga epekto ng pagkakaroon ng mababang pagtingin sa sarili ng mga tao lalong
lalo na sa mga estudyante.
1
Layunin ng Pag-aaral
Layunin ng pananaliksik na maitaas ang antas ng pagtingin ng mga mag-aaral ng unang
antas ng UST Kolehiyo ng Narsing sa kanilang sarili. Sakop din ng layunin na mas pagtibayin
ng isang mag-aaral ang kanyang paniniwala sa kanyang mga kakayahan bilang isang indibidwal
na may kapasidad na gumawa ng mga bagay na tumatangkilik sa kanyang kakayahan. Layunin
din ng pagnanaliksik na ito ang makapagbigay-impormasyon sa mga mag-aaral na mababa ang
tingin sa sarili upang mas mapagbuti nila ang kanilang pagkatao at pakikitungo pa sa pag-aaral
nila at sa ibang tao. Samakatuwid, ang pinaka-pokus ng layunin na ito ay ang makatulong at
magbigay ng mga kaukulang impormasyon na tampok ang personalidad ng bawat mag-aaral ng
UST Kolehiyo ng Narsing.
Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang pagtingin sa sarili ay itinuturing na isang produkto ng nararamdaman at paniniwala
ng isang indibidwal tungkol sa kanyang sarili. Ito rin ay maaaring naging isang produkto ng
pakiramdam na ang isang indibidwal ay minamahal o may halaga sa ibang tao o kaya ay ang
pakiramdam na may nagagawang may kabuluhan. Ang pagtingin sa sarli ay maaaring maging
mataas at mababa.
Ang mataas na pagtingin sa sarili ay nagangahulugang ang isang indibidwal ay may
positibong pagtingin sa buhay, may tiwala sa sarili at iniisip na makakaya ang lahat. Ang mga
taong may mataas na pagtingin sa sarili ay kapansing-pansin na mas naaayos ang mga problema
na dumadating at mas nagsasaya at nakikihalubilo kaysa sa mga indibidwal na may mababang
pagtingin sa sarili.
Ang mababang pagtingin sa sarili ay maaaring pagmulan ng kahirapan sa pagresolba ng
mga problema, kawalan ng tiwala sa sarili at pamomroblema sa mga maliliit na isyu. Madalas
2
ding ang mga may mababang pagtingin sa sarili ay malayo at di masyadong nakikihalubilo sa
mga tao. Sila ay may ugaling madaling sumuko sa isang hamo o takot na gumawa ng mga bagay
na pakiramdam niya ay di niya magagawa. Ito ay maaaring naging bunga ng mga karanasan at
pakiramdam sa sarili na may negatibong epekto sa tingin ng isang indibidwal sa kanyang sarili.
Mahalagang malaman kung ang isang indibidwal ay may mababang pagtingin sa sarili.
Dahil sa ito ay nakaaapekto sa mga araw araw na gawain ng isang indibidwal. Ang pagtukoy ng
mga epekto nito ay makakatulong upang malaman ng isang indibidwal ang kanyang maaaring
gawin na paraan o aksyon upang tumaas pa ang tingin niya sa kanyang sarili. Ang pagtukoy sa
mga epekto nito ay magbubukas sa isip ng isang indibidwal na kailangan niyang pahalagahan
ang tingin niya sa kanyang sarili sa pamamagitan ng mga paraan na makatutulong sa kanya.
Ito rin ay makatutulong sa pamilya o kaibigan ng isang indibidwal na malaman kung ano
ang kalagayan ng isa upang makatulong din sa pagpapataas ng pagtingin ng isang tao sa kanyang
sarili sa kadahilanang ang mga taong nakapaligid din sa isang tao ay nakaaapekto sa pagtingin ng
isang tao sa kanyang sarili.
Sakop at Limitasyon ng Pag-aaral
Ang pag-aaral ay nakapokus sa mga mag-aaral ng UST Kolehiyo ng Narsing na mababa
ang tingin sa sarili. Napili ang mga mag-aaral mula sa unang baitang ng nasabing kolehiyo
sapagkat sa kanila nakapatong ang isang malaking responsibilidad – iyon ay ang makakuha ng
gradong hindi bababa sa “dos”. Sapagkat itinuturing na salang-sala ang mga estudyanteng
nakakapasok sa naturang kolehiyo at ito rin ay isang kinikilalang institusyon sa buong Pilipinas,
mas malaki ang posibilidad nila na magkaroon ng mababang tingin sa sarili. Mas mataas ang
tensyon sa pagitan ng mga mag-aaral sapagkat kanya-kanyang sikap at abilidad ang ipinapakita
3
ng bawat isa. Dahil dito, hindi maiiwasang may ibang mga maiiwasan o mahuhuli sa
kompetisyon. Ito ang nagdudulot ng pagkababang tingin sa sarili.
Kinakailangan ng mga mananaliksik ng kalahating buwan upang maging matagumpay
ang nasabing pag-aaral. Sa pamamagitan nito, nabibigyan ng sapat na obserbasyon at kaalaman
ang bawat mananaliksik upang maisagawa ng maayos at makatarungan
Definisyon ng mga Terminolohiya
Upang maging mas madali at ganap ang pagkakaintindi ng mga mambabasa, minarapat
naming bigyan ng definisyon ang mga sumusunod na terminolohiya batay sa kung paano ginamit
ang bawat isa sa pamanahong-papel na ito:
Self-esteem - isang kritikal at personal na ebalwasyon kung ano ang ating silbi at
isang sentral na bagay sa ating silohikal na pagkatao.
“dos” – isang numerikal na paraan ng paggagrado ng isang mag-aaral sa kolehiyo.
Nangangahulugan nito na ang marka ng isang mag-aaral sa isang kurso ay nasa 87-88 na
porsiyento.
4
KABANATA II
MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA
Ayon kay Bettie B. Youngs Ph.D, sa kanyang librong “You & Self-esteem: It’s key to
happiness and success!”, hindi daw tayo magigising sa isang umaga na may mabuti at
masamang pagtingin sa sarili, o mataas o mababang pagtingin sa sarili. Ito ay nadedevelop sa
kabuuang oras ng iyong buhay. Magkakaroon daw tayo ng kaaya-ayang pagtingin sa sarili sa
pamamagitan ng pakikihalubilo sa ibang tao sa kapaki-pakinabang na bagay.
Ayon pa kay Youngs, mayroon daw anim na sangkap ang pagtingin sa sarili. (1) “sense
of physical safety”. Ito ang pakiramdam na tayo ay ligtas sa bahay, eskwelahan, at sa
komunidad. Ito ang pag-aalaga natin sa ating mga sarili at alam natin kung ano ang makakabuti
at hindi sa ating pangagatawan. (2) “sense of emotional security”. Alam mo sa sarili mo na
hindi basta-basta mapapababa ang iyong sarili at kaya mong harapin ang iyong mga takot, ikaw
ay matatawag na emotionally secured. (3) “sense of identity”. Ang pagkakakilala mo sa iyong
sarili ay nagbibigay ng mabuting sense of individuality. Ang pagtanggap mo sa iyong sarili ang
nagbibigay sa iyo ng rason upang pangalagaan ang ibang tao. Nirerespeto mo ang iyong sarili. At
dahil dun, gusto mo ding respetuhin ka dn ng ibang tao. (4) “sense of belonging”. Sa oras na
nararamdaman mong tanggap ka, gusto ka, at ginagalang ka, sinusuklian mo ito ng tamang
respeto at paggalang sa kanila. Gusto mong magkaroon ng maraming kaibigan at kayo ay
nagtutulungan sa iba’t ibang mga bagay. (5) “ sense of competence”. Alam mo kung ano ang
kaya mong gawin. Alam mo kung ano ang iyong kalakasan at kahinaan. Sa oras na sigurado ka
sa iyong sarili at sa iyong kakayahan, nagbibigay ito ng pakiramdam na ikaw ang may control sa
sarili mong buhay at hindi ang ibang tao. (6) “sense of purpose”. Alam mo kung ano ang iyong
silbi at isinasabuhay mo ang silbing ito.
5
Sa oras na makita mo ang iyong sarili na maasahana at palaban, mapagmahal at kamahal-
mahal, responsible at maalaga, mayroon kang tinatawag na “high self-esteem”. Dahil nirerespeto
mo ang iyong sarili, away mong yurakan ng ibang tao ang iyong pagkatao at silbi.
Ayon kay Denise Lawrence, sa kanyang librong “Enhancing Self-esteem in the
Classroom 3rd edition”, mayroong hierarchy ang pagtingin sa sarili. Ang kadalasang tanong
daw na “kung pwede bang magkaroon ng mababang pagtingin sa sarili sa isang pagkakataon at
mataas naman sa iba?” Mayroong tinatawag na “global self-esteem” si Lawrence. Ito daw ang
karaniwang consistent at hindi nagbabago. Samantala, maaari tayong magkaroon ng pakiramdam
na may silbi at walang silbi sa magkaibang bagay. Halimbawa, mababa ang pagtingin sa sarili
natin sa science ngunit mataas naman sa basketball. Hindi ito makakaapekto sa kabuuang
pagtingin sa sarili natin kung iiwasan natin ang mga bagay kung saan mahina. Ngunit kung hindi
natin sila maiiwasan, at madalas tayong napapasama sa ganoong bagay, maari itong makaapekto
sa ating kabuuang pagtingin sa sarili. At kung lagi tayong sumasablay sa mg bagay na importante
sa mga taong importante din sa atin, makakaapekto ito sa kabuuang pagtingin sa sarili.
Ang pagtaas ng bilang ng mga tao patungkol sa pagkatakot at sikolohikal na pagkakasakit
ay sumasalamin lamang na ang edukasyon ay gumaganap bilang isang malaking sa paghihilom
ng lumalalang problema sa pagbaba ng pagtingin ng isang tao. Ayon sa Assessment Reform
Group 2002, pinatunayan ng mga mananaliksik na ang mga pagsusulit sa mga paaralan ay
nakakasira ng pagtingin ng isang tao sa kanyang sarili at pagkabalisa. Iminungkahi ni Prime
Minister Blair na ang pagkababa ng pagtingin sa sarili bilang pinakamapanirang sanhi at bunga
ng pangsosyal na pagkamuhi, na nagbibigay halaga para sa mga mamamayan upang magtaguyod
ng pagkakakilanlan at pagbibigay ng halaga sa isang tao (Blair, 2007).
6
Halos lahat ng pakiramdam at pagtingin ng isang tao sa kanyang sarili ay nagbabago base
sa kanyang pang araw araw na karanasan. Mga gradong nakukuha sa eksam, kung paano ka
ituring ng iyong mga kaibigan, kalagayan ng iyong relasyon sa ibang tao-lahat ay may epekto sa
iyong pagtingin sa sarili (Barksdale, 1972).
Para sa mga taong may mataas na pagtingin sa sarili ang mga normal na problema sa
kanilang buhay ay maaaring makaapekto ng panadalian lamang sa kanilang pagtingin sa sarli.
Samantalang ang may mga mabababang pagtingin naman sa kanilang sarili ay mas matagal ang
epekto ng mga normal na problema na kanilang nararanasan (Barksdale, 1972).
Ang ating pagtingin sa ating sarili ay nagdedevelop kung kailan tayo ay gumagawa na ng
ating sariling imahe sa pakikihalubilo sa iba’t ibang tao at sa pang araw araw na karanasan. Ang
ating karanasan nung kabataan ay isang malaking impluwensya sa kung paanonatin tingnan ang
ating sarili ngayon. Habang tayo ay lumalaki ang pakikitungo ng ating pamilya, mga guro, mga
kaibigan at mga taong nasa ating paligid ay isang factor sa kung paano natin nabubuo ang ating
pagtingin sa sarili (Barksdale, 1972).
May tatlong “Mukha” ng mababang pagtingin sa sarili. Ito ay ang imposter, rebelde, at
ang “loser”. Ang impostor ay umaarteng masaya at matagumpay subalit may takot sa pagkabigo.
May takot na mahalata na siya ay nagpapanggap lamang. Ang rebelde naman ay nabubuhay na
ang kanilang tingin sa sarili ay laging may kulang. Pinapatunayang ang sinasabi ng ibang tao ay
hindi nakakasakit na nagreresulta sa pagsisi sa ibang tao at hindi pagsunod sa batas. Ang “loser”
ay laging nangangailangan ng ibang tao para makahingi ng tulong (Barksdale, 1972).
Ang pagtingin sa sarili ay nangangahulugang kakayahan ng isang tao na ipagmalaki ang
sarili at ang pakiramdam na ikaw ay karapat dapat na igalang ng ibang tao at magkaroon ng
magandang buhay. Ang pagtingin sa sarili ay nagreresulta sa respeto sa sarili at sa ibang tao.
7
Kasama ng respeto sa sarili ay ang kakayahang maging produktibo, magkaroon ng tiwala sa
sarili, pagiging matagumpay at pagiging malaya. Respeto sa ibang tao ay kasama ng pagkilala,
pagtanggap at estado ng isang indibidwal. (Bradshaw, 1988)
Ang mataas na pagtingin sa sarili ay nagmumula sa makatotohanang pagtanggap sa sarili
at sa pagrespeto ng ibang tao. Kadalasang ito ay ngagsisimula sa panahon ng kabataan, pag tayo
ay nakatatanggap ng papurio kaya naman ay may bagong natutuhan. Samantala ang batang may
magulang na abusado o kaya ay di tinuturing ng tama ang bata ay makakaramdam ito ng awa sa
sarili at iisiping lagging may kulang sa kanya. Bilang mga bata batayan natin ang mga matatanda
sa mga magagandang asal at pagtingin sa ating sarili. (Bradshaw, 1988)
Ang pagmamahal sa sarili ay ang abilidad na maniwala pa din sa ating kakayahan sa
kabila ng hindi magandang pakiramdam sa ating sarili at sa pagkakagawa ng mali. Ang pagtingin
natin sa ating sarili na tayo ay dapat mahalin sa kabila ng ating mga pagkukulang. (Bradshaw,
1988)
Ayon sa www.more-selfesteem.com, ang kumpiyansa sa sarili ay ang personal na opinion
sa sarili. Ang mababang kumpiyansa sa sarili ay dulot ng mababang pagtingin sa sarili. Ang
iyong pagtingin sa sarili ay nakabase sa kung paano at kung ano ang nakikita mo sa iyong sarili.
Nakasalalay din ang iyong kumiyansa sa sarili sa iyong ginagawa o sa iyong trabaho. Ang
mababang kumpiyansa sa sarili ay gumagatong sa mga negatibong pag-iisip at pinapaniwala ang
isang tao sa mga negatibong komento ng ibang tao sa kanya. Kung mataas ang tiwala o
kumpiyansa ng isang tao sa kanyang sarili, siya ay magiging masaya, ganado, at lagging may
positibong pananaw sa buhay. Ang kumpiyansa sa sarili ay mahalaga dahil ito ay nakakaapekto
sa kung paano magisip ang isang tao, kung paano ito kumilos at kung paano ito makuhalubilo sa
kanyang kapwa. Kapag mababa ang tingin ng isang tao sa kanyang sarili, nagkakaroon ng mga
8
mabilisang pagsuko sa mga pagsubok sa buhay. Ito din ay may diretang koneksyon sa
kaligayahan ng tao at sa kanyang pagkatao. (www.more-selfesteem.com)
Ayon naman sa librong “The RoutledgeFalmer Guide to Key Debates in Education,” sa
patuloy na pagbibigay-halaga natin sa mga taong nagkakaroon ng takot at kahinaan na pawang
nanggaling lamang sa kanilang mga isipan, mahihinuha natin batay sa mga pagsasaliksik na ang
edukasyon ay may ginagampanang napakahalagang bagay sa pagbibigay-solusyon sa patuloy na
paglala ng problema ng mga tao patungkol sa pagkababa ng kanilang pagtingin o tiwala sa
kanilang mga sarili.
Iba’t ibang mga halimbawa ang nagpapakita ng iba’t ibang mga punto: ayon sa mga
manananaliksik, ang mga isinasagawang pagsusulit sa mga eskwelahan ay nakakasira sa
pagtingin ng isang tao sa kanyang sarili at nakakapagdulot ito ng pagkabalisa sa isang tao
(Assessment Reform Group 2002). Ang Socialist Education Association at ang iba pang mga
organisasyon ang nagsasabi na ang pagbuo ng tiwala ng tao sa kanyang sarili ay pangunahing
tungkulin ng mga paaralan (Hayes 2003; SEA 2003), samantalang pinupunto naman ng National
Institute of Adult and Continuing Education na ang pagkakaroon ng mababang tingin sa sarili ay
siyang nagiging pangunahing hadlang sa pagkakaroon ng mga magagandang karangalan sa
paaralan (James 2003). Marami sa mga problemang dinadanas ng mga taong may mababang
tingin sa kanilang sarili ay ang takot sa pagsasalita sa isang grupo o sa harap ng maraming tao;
ang pagtanggap sa mga komento ng ibang tao tungkol sa kanilang mga ginagawa; at ang hamon
na natatanggap nila sa ibang tao.
Sa umpisa, talagang mahirap na harapin ang katotohanan na ang mga tao, lalo na ang
mga kabataan ay bumababa ang tingin sa sarili nang dahil sa edukasyon. Nagkakaroon sila ng
takot at pangamba dahil sa pagkababa ng kanilang tiwala sa kanilang mga sarili. Nawawala ang
9
kanilang kasiguraduhan na magkakaroon sila ng magandang kinabukasan. Ayon sa New Labour,
“Educational achievement leads to social and individual benefits, including the building of self
esteem.” (Kennedy 1997; DfES 2002). Ayon kay Prime Minister Blair, ang pagkakaroon ng
mababang pagtingin sa sarili ang pinaka-sanhi at bunga sa pagkakaroon ng diskriminasyon, kung
kaya dapat pinapahalagahang ng sangkatauhan ang pagbibigay karangalan sa isang tao upang
maramdaman niya na siya ay taong may halaga.
Ayon din sa kasunduan na ginawa ng New Labour, ito ay may ideya ng ‘equal worth’ at
‘recognition’ para sa mga taong apektado ng diskriminasyon at nagkaroon na ng mababang
pagtingin sa kanilang mga sarili. Batay sa mga mananaliksik at propesyunal, ang mga
edyukeytors ay dapat atentib sa pagbuo ng aydentiti ng isang tao, na ang edukasyon ang dapat
bumuo ng tiwala sa sarili ng isang tao (Baron et.al. 2000). Nabanggit din na ang pagtuklas sa
sarili at ang pagdedebelop ng lawak ng pag-unawa ay parehong mainam na solusyon upang
maibalik muli ang tiwala sa sarili ng isang tao. Sa senaryong ito, ang mga karanasan, emosyon,
at aydentiti ng isang tao ay mga dapat pagtuunan ng pansin sa paghubog ng pagkatao ng isang
indibidwal.
Pinag-aargumentuhan ng iba na ang konsepto ng ‘self esteem’ ay may maliit na
teyoretikal na dahilan at ang ebidensya para sa impak nito ay kwestiyonable. Ang pagkababa ng
pagtingin sa sarili ay nagpapahintulot sa mga nakatataas na sisihin sila sa kanilang kinalalagyang
sitwasyon. Ang pagkababa din daw ng ‘self esteem’ ay nakahahadlang sa paglago ng
edukasyunal na mga mithiin at kasanayan dahil sa pagpapahaba ng mga proseso at pagkakaroon
ng mga ideya na may kaugnayan sa “guidance, mentoring, therapy and counseling”. Ang mga
apila kaugnay sa mababang pagtingin sa sarili at pag-unawa sa aydentiti ng isang tao ay may
10
kaugnayan din sa mga dating mithiin para sa edukasyon na mas bigyang halaga ang personal at
sosyal na pagbabago.
KABANATA III
DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK
Disenyo ng Pananaliksik
Isinasagawa ang pag-aaral na ito ayon sa disenyo ng pamamaraang deskriptiv-analitik na
pananaliksik. Hangad ng pag-aaral na ito na ilarawan at suriin ang epekto ng pagkababa ng tingin
sa sarili ng mga respondente.
Mga Respondente
Ang mga piniling respondente sa pag-aaral na ito ay mga estudyante sa unang taon ng
Kolehiyo ng Narsing ng Unibersidad ng Santo Tomas sa ikalawang semestre ng taong-
akademiko 2009-2010.
Sa kasalukuyan, may labing-dalawang (12) pangkat ng mga estudyante sa unang taon ng
nasabing kolehiyo. Ginamit ng mga mananaliksik ang limang porsyento (5%) ng kabuuang
populasyon ng mga mag-aaral sa unang taon upang irepresenta ang pananaw ng mga mag-aaral
sa unang taon hinggil sa epekto ng kanilang pagtingin sa sarili sa kanilang mga buhay.
Samakatuwid, kumuha lamang ng tatlumpung (30) respondente ang mga mananaliksik sa
dalawang pangkat ng unang taon – labing-tatlo sa pangkat ng 1-3 at labing-pito naman sa
pangkat ng 1-4. Ipinapakita ng kasunod na talahanayan ang distribusyon ng mga respondente:
11
Talahanayan 1
Distribusyon ng mga Respondente sa Unang Taon sa CON
Seksyon Unang Taon
1-3 13
1-4 17
Kabuuang Dami 30
Kinuha lamang ang nasabing bilang ng mga respondente sapagkat sapat na ito upang
matugunan ang pangangailangan ng pag-aaral na ito.
Instrumentong Pampananaliksik
Isinagawa ang pag-aaral na ito sa pamamagitan ng pagsasarvey. Naghanda ang mga
mananaliksik ng isang sarvey-kwestyoneyr na naglalayong makakuha ng mga informasyon
upang masuri ang epekto ng mababang pagtingin sa sarili ng mga respondente.
Nangalap rin ng mga datos ang mga mananaliksik sa iba’t ibang mga hanguan sa aklatan
at mga informasyon na galing sa internet upang patibayin at gawing malinaw at kaaya-aya ang
pananaliksik na ito.
Nagbalak ang mga mananaliksik na kuhanan ng panayam ang Guidance Counselor ng
nasabing kolehiyo subalit sa kasamaang-palad ay hindi napahintulutan ang aming hiling sa hindi
nalamang kadahilanan.
Tritment ng mga Datos
Panimulang pag-aaral lamang ang pamanahong-papel na ito, at gayumpaman ay hindi ito
nangangailangan ng kompleks at malubhang paghihimay ng mga datos sa pag-aaral na ito.
12
Bagkus, binigyang-halaga lamang ng pag-aaral na ito ang mga resulta ng sarbey na isinagawa ng
mga mananaliksik. Samakatwid, ang pagta-tally at pagkuha ng porsyento lamang ang
kinailangang gawin ng mga mananaliksik.
KABANATA IV
PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS
Napag-alaman sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod na datos at informasyon:
Tinuklas ang distribusyon ng mga respondente ayon sa kanilang kasarian. Labing-tatlo
(43%) sa kanila ay mga lalaki, samantalang labing-pito (57%) ay mga babae.
Pansinin ang kasunod na graf:
Graf 1
Distribusyon ng mga Respondente Ayon sa Kasarian
Isa (3%) sa mga respondente ay nasa edad 15. Ang anim (20%) sa mga respondente ay
nasa edad 16. Labing-siyam (64%) naman sa mga respondente ay nasa edad 17. Tatlo (10%) sa
mga respondente ay nasa edad 18. Ang natitirang isa (3%) sa mga respondente ay pawang nasa
edad 23. Pansinin ang kasunod na graf:
13
Graf 2
Distribusyon ng mga Respondente Ayon sa Edad
Sa tatlumpung (30) respondente, isa (3%) ang nagsabing mataas na mataas ang tingin
niya sa kanyang sarili sa kasalukuyan batay sa kanyang sariling pagsusuri. Lima (17%) sa kanila
ang nagsabing mataas ang kanilang pagtingin sa sarili. Labing-dalawa (74%) naman sa mga
respondente ang nagsabing katamtaman lamang ang pagtingin nila sa kanilang sarili,
samantalang isa (3%) lamang ang nagsabing mababa ang tingin niya sa kanyang sarili. Gayundin
naman ang natirang isa (3%) na nagsabing mababang mababa ang pagtingin niya sa sarili.
Pansinin ang kasunod na graf:
14
Graf 3
Pansariling Pagsusuri ng mga Respondente sa Kanilang Lebel ng Pagtingin nila sa
Kanilang Sarili sa Kasalukuyan
Hinggil naman kung ano ang mga bagay na pinakahigit na nakakaapekto sa pagtingin nila
sa kanilang sarili habang nasa paaralan, dalawampu (40%) ang nagsabing dahil sa marka sa
klase, lima (17%) sa mga respondente ang nagsabing dulot ng pagtingin sa kanila ng kanilang
mga kaklase, dalawa (7%) naman ay dulot ng pakikisalamuha sa kanilang mga kamag-aral. Walo
(26%) naman ang nagsabing higit na nakakaapekto ang abilidad na kaya nilang isipin o gawin sa
pagtingin nila sa sarili. Dalawa (7%) ang nagsabing problema sa labas ng paaralan ang higit na
nakakaapekto, at ang natirang isa (3%) ay nagsabi na may iba pang bagay na higit na
nakakaapekto sa pagtingin niya sa sarili bukod pa sa mga pagpipilian sa katanungan. Pansinin
ang kasunod na graf:
15
Graf 4
Mga Bagay na Nakakaapekto sa Pagtingin ng mga Respondente sa Sarili
Inalam din sa pananaliksik na ito kung gaano nakakaapekto ang mga nasabing bagay sa
kilos o sa pangkalahatang pakikisalamuha ng respondent sa kaniyang kapwa.
Mapapansin sa kasunod na graf na dalawa (7%) sa kanila ay apektadong-apektado.
Samantala, labing-isa (37%) ang nagsabing apektado sila. Labing-tatlo (43%) sa kanila ang
nagsabing katamtaman lamang ang pagkaapekto, samantalang tatlo (10%) ang nagsabing hindi
naman gaanong nakakaapekto. Ang natirang isa (3%) ay hindi naaapektuhan. Pansinin ang
kasunod na graf:
16
Graf 5
Antas ng Pagkakaapekto ng mga Respondente sa mga Bagay Dulot ng
Mababang Pagtingin sa Sarili
Ayon sa labing-limang (50%) respondente, hinaharap nila ang problema ukol sa
pagtingin sa kanilang sarili sa pamamagitan ng pagbubuti agad ng kanilang mga kilos. Lima
(17%) naman ang nagsabing mas lalo pa nilang pinoproblema at iniisip, samantalang pito (23%)
ang binabale-walang bahala na lamang ito. Ang natitirang tatlo (10%) ang nagsabi ng iba pa
nilang pamamaraan, gaya ng pagdarasal, upang harapin ang mga problemang ito. Pansinin ang
kasunod na graf:
17
Graf 6
Mga Pamamaraan ng mga Respondente sa Pagharap ng
Kanilang mga Problema ukol sa Pagtingin sa Sarili
Anim (20%) sa mga respondente ang nagsabing pinakauna silang lumalapit sa kanilang
mga magulang upang humingi ng payo upang harapin ang kanilang problema ukol sa pagtingin
sa sarili. Dalawa (7%) naman ang nagsabing sa kanilang mga kaklase sila unang pumupunta.
Ayon naman sa labing-walong (60%) respondente, sa kanilang kaibigan sila unang humihingi ng
payo. Ang apat (13%) na natitirang respondente ay sa mga ibang tao unang sumasangguni.
Pansinin ang kasunod na graf:
18
Graf 7
Mga Taong Unang Pinupuntahan ng mga Respondente upang Humingi ng Payo sa
Pagharap ng Problema sa Pagtingin sa Sarili
KABANATA V
LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON
Lagom
Ang pag-aaral na ito ay isang pagtatangkang malaman ang epekto ng pagkababa ng
pagtingin sa sarili ng mga mag-aaral ng unang antas sa Kolehiyo ng Narsing, Unibersidad ng
Santo Tomas.
Gamit ang disenyong deskriptiv-analitik, naghanda ang mga mananaliksik ng sarvey-
kwestyoneyr na pinasagutan sa tatlumpung (30) respondente, labing-tatlong (13) respondente sa
pangkat ng 1-3 at labing-pitong (17) respondente naman sa pangkat ng 1-4.
19
Konklusyon
Batay sa mga nakalap na datos, ang mga mananaliksik ay humantong sa mga sumusunod
na kongklusyon:
a. Katamtaman lamang ang pagtingin ng karamihan sa mga respondente sa kanilang
sarili sa kasalukuyan.
b. Ang marka sa klase ang pinakahigit na nakakaapekto sa pagtingin ng mga
respondente sa kanilang sarili habang nasa paaralan.
c. Katamtaman lamang ang pagkakaapektado ng karamihan sa mga respondente sa
kanilang mga kilos o sa pangkalahatang pakikisalamuha nila sa kanilang kapwa.
d. Ipinagbubuti agad ng karamihan sa mga respondente ang kanilang mga kilos
upang harapin ang kanilang mga problema ukol sa pagtingin sa sarili.
e. Pinakaunang pinupuntahan ng mga respondente ang kanilang mga kaibigan upang
humingi ng payo sa pagharap ng mga problema sa pagtingin sa sarili.
Rekomendasyon
Kaugnay ng mga kongklusyong nabanggit, buong-pangpapakumbabang inirerekomenda ng
mga mananaliksik ang mga sumusunod:
a. Para sa mga guro, nawa’y maging instrument sila upang matulungan ang kanilang
mga estudyente hinggil sa pagtingin nila sa kanilang mga sarili, lalo na sa
pagbibigay ng nararapat na marka sa kanilang mga estudyante.
b. Para sa mga mag-aaral, na mas maging matatag sa pagharap ng mga problema
ukol sa mababang pagtingin sa sarili.
20
c. Para sa iba pang mananaliksik, ipagpatuloy o palawakin pa ang pag-aaral na ito
upang makatulong ito sa pagtugon ng mga pangangailangan ng mga mag-aaral na
harapin ang iba’t ibang pagsubok sa loob at labas ng paaralan.
21
LISTAHAN NG MGA SANGGUNIHAN
Sheslow, David, 2008. Developing Your Child’s Self-Esteem. http://kidshealth.org/parent/
emotions/ feelings/self_esteem.html.
Sheslow, David, 2008. The Story On Self-Esteem. http://kidshealth.org/kid/feeling/emotion/
self_esteem.html.
Youngs, Bettie. 1993. You & Self-esteem: It’s key to happiness and success. USA: Jalmar Press
Lawrence, Denise. 2006. Enhancing Self-Esteem in the Classroom. UK: Paul Chapman
Educational Publishing
Perera, Karl. 2003. Self Esteem is the Key to your Happiness and Well-being. http://www.more-
selfesteem.com/self_esteem.htm .
Hayes, Dennis. (Ed.) 2004. The RoutledgeFalmer Guide to Key Debates in Education. New
York: RoutledgeFalmer
Barksdale, L.S. 1972. Building Self-Esteem. Idyllwild, CA: The Barksdale Foundation for
Furtherance of Human Understanding
Bradshaw, John. 1988. Healing the Shame that Binds You. Dearfield Beach, Florida: Health
Kami po, mga mag-aaral mula sa unang taon ng Narsing ay magbibigay ng maikling sarbey hinggil sa aming pagsusuri ukol sa Epekto ng Pagkababa ng Pagtingin sa Sarili ng mga Mag-aaral ng Unang Antas sa Kolehiyo ng Narsing, Unibersidad ng Santo Tomas.
Kaugnay nito, inihanda namin ang kwestyoneyr na ito upang makakuha ng mga datos na kinakailangan namin sa aming pananaliksik.
Hinihiling lamang po namin na bigyan ninyo sana kami ng kaunti ninyong oras para sagutan nang buong katapatan ang mga sumusunod na aytem. Tinitiyak po naming magiging konfidensyal na informasyon ang inyong mga kasagutan.
Maraming salamat po!
-Mga Mananaliksik
Direksyon: Punan ng angkop na informasyon o datos ang mga kasunod na patlang. Kung may pagpipilian, itiman na lamang ang bilog na tumutugma sa iyong sagot.
Pangalan (Opsyunal): ______________________________________________
1. Sa iyong pansariling pagsusuri, gaano kataas ang tingin mo sa iyong sarili ngayon?O Mataas na mataas O MababaO Mataas O Mababang mababaO Katamtaman lamang
2. Alin sa mga sumusunod ang pinakahigit na nakakaapekto sa pagtingin mo sa iyong sarili habang nasa paaralan?O Marka sa klase O Abilidad na kaya mong isipin/gawinO Pakikisalamuha sa guro O Problema sa labas ng paaralanO Pagtingin sa iyo ng iyong mga kaklase O Pisikal na kaanyuan O Pakikisalamuha sa iyong mga kaklase O Iba pa:__________________
23
3. Gaano ito nakakaapekto sa iyong mga kilos o sa pangkalahatang pakikisalamuha mo sa iyong kapwa?O Apektadong-apektado O Hindi gaanoO Apektado O Hindi nakakaapektoO Sapat lang o Katamtaman
4. Paano mo hinaharap ang iyong mga problema ukol sa pagtingin mo sa iyong sarili?O Ipinagbubuti agad ang mga kilosO Mas lalo pang pinoproblema at iniisipO Binabalewalang-bahala na lamangO Iba pa: ____________________________________________________________
5. Sino ang pinakauna mong pinupuntahan upang humingi ng payo upang harapin ang iyong problema ukol sa pagtingin sa iyong sarili?O Magulang O Kaklase O Iba pa: __________________O Kamag-anak O KaibiganO Guro O Guidance Counselor
Maraming salamat sa paglalaan mo ng panahon sa sarbey na ito!
24
APENDIKS B
LISTAHAN NG KABUUANG GASTUSIN SA PAGGAWA NG PAMANAHONG-PAPEL