Aralin 7: Kapangyarihan
ng Pag-ibig
Nagkataong dumating sa gubat ang isang mandirigma o gerero
na sa pananamit ay masasabing isang Morong taga-
Persiya. Naupo ito sa lilim ng isang puno at lumuluhang
naghimutok.
Naghihimutok isto at nasabi na hindi niya papayagan na si
Flerida ay maagaw sa kanya. Kung hindi lang daw ang
sariling ama ang umagaw nito sa kanya, makikita raw ng iba
ang lupit ng kanyang patalim na handang pumatay.
Nasabi ni Aladin ang labis na kapangyarihan ng pag-ibig, na kaya nitong saklawin ang lahat
masunod lamang ang damdamin.
Aralin 8: Duke Briseo:
Amang Mapagmahal
Namangha ang gerero nang makarinig ng mga panaghoy sa kagubatan. Hinanap niya ang pinanggalingan ng mga
daing at ito ang kanyang narinig.
Ginugunita ng taong naghihimutok ang kahabag-
habag na sinapit na kamatayan ng kanyang ama sa kamay ni Konde Adolfo.
Pinugutan ito ng ulo, pinaghiwa-hiwalay ang
kanyang katawan at hindi man lamang ito inilibing dahil
sa takot ng kanyang mga kainigan sa Konde.
Hanggang sa huling sandali ng buhay ng kanyang ama
ang tanging panalangin pa rin nito sa Panginoon ay ang
kaligtasan niya sa kamay ng taksil na si Adolfo.
Aralin 9: Amang Di Dapat
Pamarisan
Nakadama ng matinding habag sa sarili ang gerero dahil narinig niya sa binata
na ang iniiyakan nito ay ang maagang kamatayan ng
kanyang ama.
Ngunit siya ay umiiyak dahil sa pag-agaw ng kanyang
ama sa kanyang kasintahan na itinuturing niyang isang
palayaw na ibinigay sa kanya nito.
Kahit kailan ay hindi siya nakadama ng pagmamahal sa kanyang magulang dahil sa maagang pagpanaw ng
ina.
Naputol ang iniisip ng gerero nang marinig sa nakagapos na malibing
man ito ay patuloy pa ring mamahalin si Laura.
Aralin 10:Panganib na Nakaamba
Muling narinig ni Aladin ang mga panangis ni Florante, na kahit na nagtaksil ang babaing kanyang sinisinta
ay nariyan pa rin ang kanyang pag-ibig at ito’y
dadalhin niya hanggang sa kanyang libingan.
Hindi pa ito natatapos sa kanyang panambitan nang may dumating na dalawang leon para silain siya. Ngunit
isang kababalaghan ang nangyari at ang dalawang leon ay naupo sa kanyang
harapan.
Sa pag-aakala ng binatang nakagapos na siya’y
mamamatay sa lupit ng alibugha, dahil pinabayaan
itong mamatay dahil sumama sa ibang lalaki, at
kay Adolfo dahil sa mga kalupitan nito sa kanya.
Sinabi ng binata na ang lalong ipinaghihirap ng kanyang loob ay ang
pangyayaring haharapin niya ang kamatayan nang di angkin ang pag-ibig ni
Laura.