Pangalan: Baitang: Guro:
isang paghahandog sa babaeng unang nagpatibok ng kanyang puso.
Ang M. A. R. sa Florante at Laura. Sinasabing nabuo ang akda sa
panahon ng kapighatiang dinanas ni Balagtas sa pagkakabigo sa pag-
ibig. Naging madamdamin ang mga salitang nakapaloob sa mga saknong
habang inaalala niya ang nakalipas nilang suyuan ni MAR sa tuwing
namamasyal sa ilog Beata at namimitas ng mangga. Binalikan ni
Balagtas ang mga masasaya at malulungkot na sandal sa piling ni
Maria Asuncion Rivera, bagamat hindi nagtagal ang kanilang
pagsasama na nauwi sa kanyang matinding pagdurusa. Gayunpaman, ang
karanasan na iyon ang nagsilang sa Florante at Laura na abot ang
tayog sa buong mundo.
Kasalungat sa makalumang istilo ng awit, si Balagtas ay naiiba
sa mga ipokritong manunulat, na nanaghiya sa paghihingi ng
paumanhin sa mga mambabasa, sa kung anuman ang diwa kanilang mga
akda. Bagkus, tinuruan niya ang kanyang mga mambabasa kung paano
basahin at intindihin ang kanyang akda. Nagbigay siya ng babala na
huwag pakialaman o baguhin ang nilalaman nito sakali mang may hindi
nila nagustuhan. Nagpahayag din siya na huwag basta husgahan ang
kanyang akda. Sa halip ay suriin nang mabuti ang mga nilalaman
nito.
Nagsimula ang tagpo sa isang liblib na gubat na halos hindi
nasisinagan ng liwanag ng araw dahil sa malalaking puno ng higera
na may malalapad na mga dahong nagpapadilim sa buong kagubatan. May
mga baging din na namimilipit sa sanga ng kahoy dumadagdag sa
kapanglawan ng nakakasuka ay mabahong amoy ng gubat. Nababalot ang
buong kagubatan ng lagim at habag dahil sa mga gumagalang
mababangis na hayop. Sa kalagayang iyon, may isang malalaking
nakagapos na kung ihalintulad ay parang si Narciso ang tindig at
ang mukha naman ay kay Adonis. Ang paglalarawan sa masaklap na
gubat ay maihalintulad sa kalagayan ng pilipinas sa panahon ng
pananakop ng mga Kastila. Lugmok sa kahirapan ang buong taumbayan
dahil sa walang kasiguruhang pamamalakad ng mga frayle. Ang walang
katarungang pagkasadlak ni Florante sa gubat na iyon ay sinapit din
ni Balagtas sa kanyang pagkabilanggo.
Maayos na inilarawan ni Balagtas ang kalagayan ng Albanya.
Nababalot ito ng kasamaan sa paghahari ng isang lilo na si Adolfo.
Inagaw niya ang trono ng hari sa mapangahas na paraan at pinatay
ang lahat ng mga kaginoohan sa palasyo kasama ng hari at duke. Ang
pagtataksil na iyon ay dulot ng pag- aasam sa kapangyarihan at
kayamanan. Nangingibabaw sa kaharian ng albanya ang pag- iimbot ni
Adolfo. Sadyang nagdurusa si Florante sa sinapit ng bayang Albanya
at ng kanyang ama. Sa panaghoy ni Florante ay di niya maiwasan na
maghinanakit sa Diyos dahil sa masaklap na sinapit. Ngunit sa
bandang huliy nananaig pa rin ang pagpuri sa kadakilaan ng Diyos,
anuman ang mangyari sa kanyang buhay. Naipaalam ni Balagtas ang
kalagayan ng bansa sa pamamagitan ng panaghoy ni Florante. Lihim
niyang naipahayag ang kanyang paghihimagsik laban sa maling
pamamalakad.
Naibsan ang pagdurusa ni Florante sa sinapit ng Albanya at ng
kanyang ama nang minsan naalalaniya si Laura. Ang pag-ibig niya ang
nagsilbong panandaliang lunas sa nararamdamang sakit. Si Laura na
lamang ang nagdudulot ng Ligaya sa napakahirap na katayuan ni
Florante. Bawian man siya ng buhay, ang pag-iyak ni Laura sa
kanyang bangkay ay magbibigay sa kanya ng walang hanggang
pagkabuhay. Ngunit balewala lang ang lahat dahil nasa iba nang
kandungan ang kanyang iniibig. Mas gusto pa niyang mamatay kaysa
damdamin ang sakit sa pag- aakalang si Laura ay nasa piling na ng
iba. Nawalan ng malay si Florante nang sumuko ang kanyang puso sa
tindi ng sakit. Sinasalamin ditto ang pag- ibig ni Balagtas para
kay Maria Asuncion Rivera.
Patuloy ang pagbuhos ng damdamin na may kasamang panibugho dahil
sa inakalang pagtataksil ng kasintahan. Hindi niya sukat akalaing
sasayangin ni Laura ang pag- ibig na inalay sa kanya. Ang buong
pusong pag- aaruga, sa tuwing may digmaan siyang pupuntahan ay
kanyang hinahanap. Sadyang walang makakalunas sa kahirapang
dinaranas ni Florante sa pag- aakalang nilimot na siya ng sinta.
Walang kapares ang kanyang pagdurusang kanyang sinapit. Naging
ulila na siya sa magulang, nawalan pa ng sintang pinakamahal.
Masaklap kay Balagtas ang pagpapakasal ni M. A. R. kay Mariano
Kapule habang siyay nagdurusa sa piitan. Nagbigay sa kanya ng
panibagong katauhan ang kahirapang iyon.
Di naglaon, may gererong dumating sa gubat na ang pangalay
Aladin. Sa pananamit nitoy isang moro sa Persiya na may suot na
putong at turbante. Naghahanap ito ng mapapahingahan. Sa kanyang
pagdating ay tila may iba itong idinaraing. Nang makahiga itoy agad
napabuntong- hininga kasabay ang pagbanggit sa pangalang
Flerida.Hinanakit at galit ang naramdaman ni Aladin sa ama na
umagaw ng kanyang sintang si Flerida. Kung hindi lang ang kanyang
ama, kaya niyang pumatay maibalik lamang ang mahal. Sa kabila ng
lahat, buo pa rin ang paggalang niya ditto.Ipinakita ditto ang
pagiging makapangyarihan ng pag- ibig. Na kaya nitong sirain ang
pagsasama ng mag- ama.
Napaluha si Aladin sa kaniyang hinagpis. Nagkataong sinagot ito
ng buntong- hininga ni Florante. Sa pagkamangha, hinanap ng moro
ang pinanggalingan ng panaghoy. Di niya sukat akalain na may iba
pang tao liban sa kanya.Nadatnan ni Aladin ang mga hikbi ni
Florante pra sa ama. Salungat sa nararamdaman ni Aladin, madamdamin
namang sinasambit ni Florante ang pangungulila nito sa ama.
May dumating ma dalawang leon sa gitna ng mga sagutang daing ng
moro at ni Florante. Halos wala nang maramdaman si Florante sa
harap ng mga mababangis na hayop. Palagay niyay matatapos na ang
kanyang pagdurusa sa kamay ng mga ito. Malungkot siyang nagpaalam
sa bayang Albanya at kay Laura. Nagpahayag siyang magpakaligaya na
si Laura sa piling ni Adolfo.
Inihayag dito ang napipintong wakas ng masakalap na mga
kaganapan. Ang pagligtas ni Aladin kay Florante ay sumisimbolo sa
kapayapaan at pagkakaisa ng mga magkakaibang paniniwala. Magkaaway
man ang bayan at sekta nila, hindi ito naging hadlang upang
tulungan ni Aladin si Florante. Ipinauunawa rito ang kahulugan ng
pagkakapatiran.Hinanap ka agad ni Aladin ang kinaroroonan ng boses.
Sadyang akma ang kanyang pagdating nang biglang sugurin ng mga leon
si Florante. Hinarang niya ng kanyang sibat ang mga ito saka pinag-
uusig ng taga hanggang sa ang mga itoy mamatay. Kinalag ni Aladin
ang mga gapos at inalagaan niya si Florante hanggang sa ito ay
magkamalay.Nang magising si Florante, laking gulat niya nang
malamang nasa kandungan siya ngmoro. Hindi siya makapaniwala sa di-
inaasahang pagkakataoy naging tagapagligtas niya ang isang kalaban
sa paniniwala. Inalagaan siya ng moro hanggang sa manumbalik ang
kanyang lakas.
Si Florante ay nag- umpisang magkwento tungkol sa kanyang buhay.
Binaggit niya ang mga pagkakataon na muntik na siyang mapahamak,
tulad na lamang ng pagdating buwitreng mandaragit, kung saan
nailigtas ng kanyang pinsan na si Menalipo at ang pag- aagawan ng
kanyang mga lingkod sa mga hayop na kanyang natatamaan tuwing siyay
namamana. Naisalaysay din ni Florante ang tungkol sa kanyang mapag-
arugang magulang na sina Duke Briseo at Prinsesa Floresca, gayundin
ang tungkol sa bayan ng Albanya na kanyang kinalakihan.Naging ganap
ang pagiging bata ni Florante dahil sa masaya at mariwasang buhay
na kanyang naranasan. Bagaman natatakot ang Duke sa kahihinatnan ng
pagpaparaya sa anak ay napagpasyahan niyang paaralin ito sa Atenas.
Labag man sa kanyang kalooban ang mawalay sa kanyang anak, para
naman ito sa ikabubuti ni Florante. Ang pakikipagsapalaranang
huhubog sa kanyang pagkatao na maging matibay at matatag.
Malaking hamon kay Florante ang mamuhay sa bagong kappaligiran.
Gayunpaman, sa tulong ng kanyang gurong si Antenorna ituring niyang
pangalawang magulang ay madali siyang napayapa kahit nangungulila
sa kanyang mga magulang. Naging kamag- aral niya ang kababayang si
Adolfo na mas matanda ng dalawang taon sa kanya.Tampok sa usap-
usapan sa buong paaralan si Adolfo dahil sa pagiging matalino at
marangal nito. Isang magandang halimbawa para sa lahat, walang
kapares sa kabutihang asal at magaling makitungo sa lahat ng mga
tao. Ngunit iba ang nararamdaman ni Florante. Hindi sila naging
magkaibigan at sa halip ay si Menandro ang naging matalik niyang
kaibigan. Hindi nagtagal nalagpasan ni Florante ang kagalingan ni
Adolfo. Natutuhan niya ang karunugan sa Pilosopiya, Astrolohiya,
Matematika, at niyapos ang tatlong dunong na ito sa loob ng anim na
taon. Nalipat sa kanya ang dati ay karangalan ni Adolfo. Nakilala
siya sa ibat- ibang umpok ng tao- mga matatanda, binta at
bata.Unti- unting lumabas ang tunay na pagkatao ni Adolfo. Nabuo
ang kanyang galit at panibugho kay Florante. Isang araw ay nilabas
nila ang dualng trahedya na kung saan gumanap si Florante bilang
Etyokles, Adolfo bilang Polinese, at Menandro bilang Yokasta.
Nagbago ang mga pangyayari. Iba ang sianmbit ni Adolfo. Isang
paninisi sa pagkawala ng kanyang kapurihan kasabay ng tatlong taga
na naiwasan ni Florante. Sinundan pa ito ng huling malakas taga na
nasalo naman ni Menandro. Ang lahat ay nabigla sa nangyari.
Pagkatapos, si Adolfo ay hindi na nagpakita. Ito ay umuwi sa
Albanya.
Isang matinding dagok sa buhay ni Florante ang pagpanaw ng
kanyang pinakamamahal na ina. Ang puso niya ay halos madurog dahil
sa matagal na niya itong hindi nakasama. Nasukat ang kanyang
pagiging matatag sa sunodsunod na mabibigat na suliranin, at
pakikipagpunyagi upang mapaglabanan ang matanding
kalungkutan.Nabalot ng lumbay ang buong paaralan. Nakiramay ito sa
kanya lalo na ang kanyang guro na si Antenor at kaibigang si
Menandro.Ang pagdamay na itoy nagpapakita sa kahalagahan ng
pagtulong sa mganangangailangan.
Makalipas ang dalawang buwan na paghihinagpis, isang sulat na
naman ang dumating upang sunduin si Florante. Sa pamamaalam ni
Florante sa kanyang paaralan, isang tagubilin ang pinabaon ng
maestro niyang si Antenor. Tungkol ito sa mga pagiging maingat sa
kaaway. HUwag basta magtiwala sa kung ano ang ipapakita ng sinuman
dahil hindi nakikita ang tunay na nilalaman ng kanilang puso.
Naging madamdamin ang pamamaalam ni Florante sa kanyang mga kamag-
aral, lalo na sa matalik niyang kaibigan na si Menandro. Halos
hindi na ito bumibitiw sa pagkakayakap sa kanya kaya
napahintulutang sumama.
Agad na niyapos ni Florante ang amang matagal nang nawalay. Sila
ay nadatnan ng embahador ng bayang Krotona sa ganuong eksena. Dala
nito ang isang sulat ukol sa pag- hindi ng tulong ng monarkiyang
Krotona dahil sa pananakop ng isang hukbong pinamumunuan ni Heneral
Osmalik ng Persya na ayon sa mga balita ay pangalawa kay Aladin na
bantog.Napangiti si Aladin sa pagsasalaysay ni Florante. Nagbigay
siya ng tugon tungkol sa mga balitang kalimitan ay na daragdagan at
nababawasan. Dagdag pa nita na kung gaaano siya ka bantog ay
gayundin ang kasawiang kanyang sinapit. Sinagot naman ito ni
Florante ng isang tugon huwag lang daw maging pares sa kanyang
dinanas na sakit.
Humarap si Florante kasama ang kanyang ama kay Haring Linceo. Sa
pagkakita pa lamang ng hari kay Florante ay hinahangaan na niya ito
dahil sa taglay nitong mga katangian ng isang mandirigma at agad
ipinagkatiwala ang pagtatanggol sa bayang Krotona. Maayos naman ang
plinano ni Duke Briseo at Haring Linceo ang pagliligtas sa
Krotona.
Sa pakikipag- usap ni Florante sa hari ay may kung ano siyang
nasilayan na kaagaw ng isang diyosa ang ganda. Siya si Prinsesa
Laura na siyang kaisa- isang anak ni Haring Linceo. Kung sa
karikitan ay si Venus ang kapantay. Si Laura ay sadyang kaakit-
akit kung saan ang isang lalaki ay maaaring magsimulang mahumaling
at humanga sa kanya hanggang sa ito ay mauwi sa matinding pag-
ibig.
Isang walang katulad na kaligayahan ang magtagumpay sa unang
pagkakataon. Madugong labanan ang naganap upang mabawi ang Krotona
mula sa hukbo ni Heneral Osmalik. Natalo ni Florante at napatay ito
. Ipinagdiwang ng buong siyudad ang panalo nina Florante at
Menandro kasama ang hukbo ng mga mandirigma.
Tumigil sila Florante ng limang buwan sa bayang Krotona bago
bumalik sa Albanya. Ang siyudada ay nadatnan nilang sinakop na ng
mga moron g Persya, ang bantog na bayan ni Prinsipe Aladin. Ang
bandila na ng mga moro ang nakasabit sa kaharian ng
Albanya.Nailigtas ni Florante ang siyudad at napalaya ang lahat ng
mga kadakilaan ng Albanya kasama si Adolfo. Napigilan din ang
pagpugot sa ulo ni Laura nang minsan ay kanyang tanggihan ang
pagsinta ng Emir sa siyudad. Itinalaga ng hari si Florante bilang
tagapagtanggol ng siyudad. Kasabay nito ay ang pagtanggap naman ni
Laura sa pag- ibig ni Florante. Ngunit isang matinding paghahangad
ang naramdaman ni Adolfo sa mga natamo ni Florante.
Minsan ay nasusukat ang pagiging matatag ng isang tao sa mga
pagsubok na kanyang pagdadaannan. Pero may mga pagkakataong di niya
ito mapaglalabanan, tulad na lamang ng pagdurusa na dulot ng
pag-ibig na inagaw.Isinalaysay ni Aladin ang kanyang buhay bilang
Prinsipe at bantog na anak ni Sultan Ali- Adab. Kung paano siya
napunta sa gubat hanggang sa nailigtas niya si Florante. Pinaalis
siya sa Persya sa halip na pugutan ng ulo dahil sa paratang na pag-
iwan ng hukbo.Hindi man nahirapan si Aladin sa pakikipagdigma,
nanghihina naman ito dala ng kabiguang dulot ng pag- ibig sa
sintang inagaw na si Flerida. Kahalintulad ang ganda ni Flerida kay
Diana. Tinatawag rin siya bilang Houris ng mga propeta. Ang galing
ni Aladin sa pakikipaglaban bilang isang gerero ay walang magawa
upang ipaglaban ang kaligayahan nito sa pagsinta. Napagtanto niyang
sadyang makapangyarihan ang pag-ibig.
Si Flerida naman ang nagkwento kay Laura tungkol sa buhay niya.
Ang kanyang pagsasakripisyo na tanggapin ang tanggapin ang pag-
ibig ng Sultan huwag lamang mapahamak ang kasintahan. Nagmakaawa
siya na pakawalan si Aladin, at pakakasalan ni si Sultan Ali- Adab.
Lumikas siya sa araw ng kasal at naglagalag sa gubat hanggang sa
nailigtas niya si Laura sa kamay ni Adolfo.Ang pagtakas ni Flerida
tungo sa pagkakaligtas niya kay Laura ang naging paraan upang
maisakatuparan ang isang masayang wakas.nahinto ang pag- uusap nang
biglang dumating sina Duke Florante at Prinsipe Aladin. Ang
malungkot na gubat ay biglang nagkabuhay.
Ang masayang wakas ay nagpapahiwatig ng tagumpay ng kabutihan
laban sa kasamaan. Naging magkasundo ang magkaibang kapanalig.
Isang matagumpay na pakikipagsapalaran sa harap ng mga pagsubok at
pagpapakasakit at namayani ang katahimikan at kapayapaan sa
paghahari.Hindi pa natapos ang pag- uusap ay dumating si Menandro
dalay hanap si Adolfo. Ngunit nang makita niya ang patay na katawan
ng taksil ay siya namang tuwa nito. Nagdiwang sila sa tagumpay na
tinamasa. Dinala sina Aladin at Flerida sa kaharian ng Albanya at
pumayag na magpabinyag. Nang mamatay si Sultan Ali- Adab, sina
Aladiin at Flerida ay bumalik sa Persya. Nagpakasal si Florante at
Laura at humalili si Florante sa trono ng hari. Naging payapa ang
pamamahala ni Florante kasama ang minumutyang liyag na si
Laura.