Aralin 4: Ang Reynong
Albanya
Umiiyak ang binatang nakagapos. Sinabi niyang
naghahari ang kasamaan sa kahariang Albanya. Bawal
magsabi ng totoo, may parusa itong kamatayan.
Kagagawan ni Konde Adolfo ang lahat, sapagkat ibig nitong
mapasakanya ang kapangyarihan ni Haring
Linseo at ang kayamanan ni Duke Briseo na ama ng
nakagapos.
Aralin 5: Pighati ng
Nagmamahal
Nakikiusap ang binatang nakagapos na ibagsak ng
kalangitan ang poot nito at parusahan ang masasama.
Alam niyang lahat ng nangyayari ay sa ikabubuti ng lahat kaya’t nakahanda siyang
magdusa.
Ang tanging hiling niya ay sana, maalaala siya ng
minamahal na si Laura. Kung naiisip niyang iniiyakan ni
Laura ang kanyang pagkamatay, para na rin siyang nagkaroon ng buhay na walng
hanggan.
Ngunit ang labis na ipinaghihirap ng kanyang loob ay ang hinalang baka naagaw
na ng kanyang karibal na si Adolfo ang pagmamahal ni
Laura.
Aralin 6:Magandang
Alaala
Larawan ng kalungkutan at pagseselos ang binatang
nakagapos. Isinigaw niya sa buong kagubatan ang kanyang sama ng loob dahil tila nalimot
na siya ni Laura, ngayon pa namang kailangan niya ito.
Noon, kapag patungo sa digmaan, ang binata ay
pinababaunan ni Laura ng luha at ng bandang may letrang L at
mahahalagang bato. Pagkagaling sa labanan,
munting galos ng binata ay huhugasan agad ni Laura ng
luha.
At kung nalulungkot ang binata pinipilit siyang aliwin ni Laura. Ibig ng binatang nakagapos na
muling ipakita ni Laura ang dating pag-aalaala sa kanya.
Ngunit natatakot ang lalaki na baka naagaw na ni Adolfo si
Laura.
Kaya’t nasabi niyang pasasalamatan pa niya si
Adolfo pahirapan man siya nang husto, huwag lamang agawin si Laura. Lumuha ng
lumuha ang lalaki hanggang sa siya’y mapayukayok.